Nadia Montenegro - Dawit Sa Napabalitang Hiwalayan ni Gretchen at Toni
Boy.?!

Matatandaang nasulat sa PEP at dito sa SHOWBIZZ TOP i-NEWS ang tungkol
sa isang artista na nagkakalat sa mga Entertainment Press na hiwalay na
nga raw sina Toni Boy at Gretchen. Maaalalang galit na galit si
Claudine sa nagkakalat na ACTRESS. Iniintay nga lang daw ni Claudine na ang
ate niya mismo na si Gretchen ang magsabi o magpangalan sa actress na
ito. At kagabi nga s party nang kaibigan ni Toni boy at Gretchet ay
nakita nang entertainment press na magkasamang dumalo ang mag asawa. Sinabi
rin ni La Greta na sa lahat nang lumabas na issue at paninira sa kanya,
lalong lalo na sa kanyang asawa, ay ito na ang pinaka malalang
nangyare. Dahil dito sa issue na ito, ay hindi lang siya ang siniraan, kundi
dinamay pa ang kanyang asawa na si Toni boy. Sinabi rin niya na
napakabait nang kanyang asawa, upang madamay sa mga intriga na dulot nang
showbiz, iginiit rin niya na malaki ang natuunan niya s issue na ito.
Pinangalanan din niya ang artista na tinutukoy nang kanyang kapatid na si
Claudine, at sinabi nya nga na si Nadia Montenegro nga raw ang artista na
yun. Nakiusap rin sa La Greta sa entertainment press na huwag muna
siyang tanungin about dun, dahil hindi pa siya emotionaly prepared.
Mula sa amin dito sa SHOWBIZZ TOP i-NEWS, ay rinerespeto muna namin ang
pahayag ni La Greta kung ayaw pa talaga niyang magsalita sa ngaun.
Basta kami ay masaya para sa kanya, dahil sa nakita naman namin ay masaya
na muli ang pagsasama nang dalawa. At para naman kay Nadia Montenegro,
laging bukas ang aming site, para sa kanyang panig.
Kayo aming mga masugid na tagasubaybay, ano ang masasabi ninyo tungkol
sa issue na ito?
Please leave your comment regarding the issue. Because here in SHOWBIZZ
TOP i-NEWS, your side is always what matter most to us!
Gerald Anderson - Hiling Nang Isang Lalake Na Gumanap Sa Kanyang Buhay
Sa Maalaala Mo Kaya!

Isa ngang 20 year old na binata ang nakausap ko kagabi sa
pinagkaguluhang performance ni Sam Concepcion sa SM-Batangas. Biglang lumapit sa
akin ang isang may itsurang binatang lalake nang napagalaman niyang isa
akong press people. Sinabi niya sa akin na gusto raw niyang maipalabas
ang kwento nang kanyang masalumoot na buhay sa tinaguring longest running
drama anthology nang bansa na Maalaala mo kaya. Nang tinanong ko ang
bata ay nagpakilala siya bilang J.K., 20 years old daw siya, at talaga
naman daw fanatiko siya ni Gerald. Kasi naman daw halos lahat daw nang
pinangarap niya na maging, ay nangyayari ngaun sa hottest teen male
actor nang bansa. Una na nga raw dito ang maging sikat at kilalang artista,
pangalwa, ay ang makapasok sa Bahay ni Kuya. Parehas din daw ang
kanilang mga hilig, una ay ang aso. Ikalawa ay ang pagbabasketball.
Naikwento rin nya na nakalaro na rin niya na magbasketball ang actor, ilang
buwan,bago siya pumasok sa bahay ni kuya. Disyembre daw noon at
nagbabakasyon siya sa mga tiyahin niya, nang yayain siya nang pinsan niya na
magbasketball. Kahit nga hilig raw niya ang basketball ay aaminin niyang
hindi siya hiligan nang basketball. Kaya nga raw nang nakita nang actor
na naiinis ang binata dahil halos pinagtatawanan siya nang mga kabataan
at pinsan niya na kalaro niya sa basketball ay biglang lumapit sa kanya
si Gerald (na noon ay hindi pa artista). Kinausap daw siya at sinabing
huwag intindihin ang mga tumatawa sa kanya. Ang mahalaga raw ay
nagpipilit ang binata na matuto at maging magaling. Sinabi rin daw ni Gerald,
na ganun din daw siya dati at nagsikap lang daw siya na mag aral nang
husto sa basketball. Doon pa lang daw ay tinuring na nang binata na
kaibigan ang actor. Sana nga raw ay maalala pa siya ni Gerald, at sana raw
kaibigan pa rin ang turing sa kanya, kahit isa na siyang sikat na
artista.
Nang sinimulan na nang binata ang kwento nang kanya buhay, ay talaga
namang naantig ang aking puso. Ang kanya palang panganay na kapatid at
pinsan ay namatay, nang ito’y malunod dahil itinulak ito nang kabarkadang
bading sa tulay. Hindi raw alam nang bading na hindi marunong lumangoy
ang kanyang kuya, kaya pilit sinagip ito nang kanyang pinsan. Dito nga
raw nagumpisa ang problema nang kanya ama at ina. Isang taon pa lang
daw siya noon, wala pa siyang ka muang noong mga panahong iyon. Dito nga
raw ay nagsimulang maghanap nang ibang lalaki ang kanyang ina, basta
to make the story short, ay nakapatay ang kanyang ina sa labis na
pagmamahal sa kanyang other man. Napatay naman ang kanyang ama, dahil sa
kaibigan.
Mula sa amin dito sa SHOWBIZZ TOP i-NEWS,ay kinakatok namin ang staff
at crew nang Maalaala Mo Kaya, pati na rin ang Host at big boss nitong
si Ms. Charo Santos - Concio. Tiyak na magugustuhan nyo ang istorya nang
binatang ito, at magbibigay ito na naman sa inyo nang napakaraming
award. Kinakatok rin namin ang Teen Star na si Gerald Anderson, sana naman
ay maalala mo pa ang binatang si J.K. na itinuring ka nang kaibigan,
mula nang makilala ka, bago ka pa pumasok sa Bahay ni Kuya! Para sa
staff nang Maalaala Mo Kaya, at Gerald, kung gusto nyo makipagugnayan sa
binatilyo, ay mangyaring mag E-mail kayo sa e-mail address na ito
sti_n@yahoo.com upang kami mismo ang magbigay sa inyo nang
cellphone number nang binata.
At para sa inyo na masugid naming taga supporta, ano sa palagay nyo ang
mangyayari sa issue na ito?
Please leave your comment on this issue. Because, your side is always
what matter most on us!
Sam Concepcion Pinagkaguluhan at Dinagsa sa SM BATANGAS!!

kahapon nga, Feb. 17, 2008 ay nasaksihan ko ang hindi mahulugang
karayom sa sobrang dami nang tao na dumagsa sa SM-Batangas. Halos himatayin
ang mga babae at mga bading sa tuwing kumakanta ang binatilyong singer.
Talaga namang halos hindi na marinig ang lyrics nang kinakanta nya.
Lalo na nang kinanta nya ang final song nya na EVEN IF.. Nang matapos ang
palabas ay hindi agad nakalabas ang binatilyo dahil sa sobrang dami
nang tao na gusto siyang mahawakan at makapagpapicture man lang. Tumawag
pa nga nang Security ang host nang nasabing event, upang makaalis lang
ang binatilyo. Hanggang sa pagbaba nito mula sa 2nd floor at hanggang sa
pagsakay nya sa starrex nya ay talaga namang hinabol siya, at nang
kanyang mga taga hanga. Kalimitan sa mga tao doon ay may idad na 15
hanggng 23 siguro at may ilan din namang matatanda, na makikita mo na
humahabol sakanya, para lang masulyapan. Sana ay muling makabalik ang
binatilyo, sa Batangas City, para muli siyang makapiling nang kanyang taga
hanga!
Mula sa amin dito sa SHOWBIZZ TOP i-NEWS ay binabati namin sa maiinit
na pagtangap sa kanya nang kanyang mga tagahanga. Good luck sayo Sam. At
sana mas lalong mag bloom ang career mo gayong Star Magic talent ka
na.
Please leave a comment regarding on this issue. Because your side is
always, what matter most on us!
Mark Herras Dahilan Nang Hiwalayang Patrick at Jennelyn.?

Ngaun nga raw ay cool off si Jennelyn Mercado at Patrick Garcia, sa
kadahilanan na madalas ay hindi magkasundo ang dalawa. Noong mga nakaraang
araw nga raw ay mas gusto pa raw ni Jen na dalawin sya nang kanyang
ex-boyfriend na si Mark Herras, kaysa boyfriend nitong si Patrick. Lagi
pa nga raw nagpapabili si Jen kay Mark nang mga pagkain, tuwing
dumadalaw ito sa kanya, na labis namang ikinatuuwa nang dalaga. Marahil ay
napapaglinhan lang ni Jen si Mark, at dapat maunawaan na lang ito ni
Patrick, dahil ganto talaga ang mga buntis, paiba iba nang mood. Mayroon din
mga taong gusto at ayaw makita. Siguro naman ay bago matapos ang
pagbubuntis nito ay babalik na sa normal ang lahat.
Mula sa amin dito sa SHOWBIZZ TOP i-NEWS ay hanggad namin ang
kaligayahan nang bawat isa sa inyo. Kung ano sa tingin ninyo ang magpapasaya sa
inyo, ay iyon ang gawin nyo. Dahil kung kaninu kayo masaya, ay tiyak
maiintindihan din kayo nang mga tagahanga nyo. Susuportahan pa rin nila
kayo.
Sa tingin nyo, anu kahahantungan nang issue na ito.?
Please leave a comment regarding the issue. Because your side is always
what matter most on us!
Team Kapamilya, Patuloy sa Paghataw sa Ratings!!!
Patuloy na nga sa pagtaas nang ratings ang natatamu nang Team Kapamilya
sa lahat nang programa nito. Lalong lalo na sa Prime Time! Hindi
lamang sa NUTAM naging matagumpay ang natatamasang pag angat sa ratings nang
ABS-CBN kundi pati na rin sa Mega Manila ay kapansin pansin na rin ang
unti-unting pagangat nito. Kung magpapatuloy ang pag angat nito, tiyak
na bago pa matapos ang buwan nang Abril ay tuluyan na uling mabawi
nang ABS-CBN ang pagiging number 1 nito, laban sa GMA Network sa Mega
Manila. Gayun pa man ay nanatiling mataas at malaki pa rin ang agwat nang
ABS-CBN sa NUTAM.
Ito ang audience share sa Metro Manila:
ABS-CBN 52.64%
GMA Network 56.32%
Mega Manila:
ABS-CBN 49.89%
GMA Network 52.96%
Luzon:
ABS-CBN 62.36%
GMA Network 63.48%
Nationwide (NUTAM):
ABS-CBN 58.43%
GMA Network 47.27%
Mula po sa amin dito sa SHOWBIZZ TOP i-NEWS, ay we congratulate the two
giant network for the good and close fight. Sana po this ratings will
serve for the both network to produce more quality shows, for their
viewers!
Please leave a comment for this issue. Because here in SHOWBIZZ TOP
i-NEWS, your side, is always, what matter most on us!
Richard Gutierrez and KC Concepcion - A Tandem To Beat.?!

Bulong bulongan nga ngaun sa apat na sulok sa mundo nang showbiz ang
bali balitang nagdadate ang matinee idol na si Richard Gutierrez at ang
mega daughter na si KC Concepcion. Balita rin na di umanoy si Richard
ang isa sa mga dahilan kung bakit nag break si KC Conception at ang
ex-boyfriend nitong si Lino Cayatano. Pero magiit na tinggi ito ni KC, sa
presscon niya sa ELJ BUILDING na hindi raw siya ganong klase nang babae.
Hindi rin daw siya nakipag date kay Richard.
Pero kitang kita ang malakas na chemistry nang dalawa. Dumating sana
ang araw na magkasama ang dalawa sa isang pelikula o teleserye ang
dalawa, dahil tiyak papatok ito sa masa. Parehas silang galing sa angkan nang
showbiz royalty. Parehas malakas ang hatak nila sa masa. Pero tiya
matatagalan pa na magkasama ang dalawa dahil si Richard ay nasa GMA 7 at
Regal Films. Samantalang si KC naman ay sa ABS-CBN at Star Cinema.
Mula sa amin dito sa SHOWBIZZ TOP i-NEWS, masasabi naming talaga namang
perfect combination ang dalawa. Parehas gwapo at maganda ang dalawa.
Kaya we wish the both of you, all the best and luck in your careers and
love life!
Kayo mga masugid naming tagasubaybay nang site na ito? Palagay nyo ba
ay bagay ang dalawa.? Magkasama kaya ang dalawa sa pelikula o teleserye?
Please leave your comment on this issue. Because your side is always,
what matter most to us!
My Bestfriend’s Girlfriend Hindi Masyadong Pumatok sa Takilya.?!

Ayon sa nakausap kong insidaer sa GMA network ay medyo dismayado raw
ang mga big bosses nang GMA FILMS at REGAL FILMS sa naging resulta sa
takilya nang My Bestfriend’s Girlfriend. Ito ay dahil sa loob nang 5 araw
nang pagpapalabas nito ay hindi pa raw nakakabawe sa puhunan ang
dalwang movie producers company. Wala pa raw sa 1/3 nang kinita nang unang
Lingo nang huling pelikula na pinagsamahan ni Richard Gutierrez at ni
Angel Locsin. Siguradong wala kay Richard ang problema, dahil ilang beses
na rin napatunayan nito ang kanyang sarili sa mga nakaraang pelikula
nito. Siguro ay hindi nagustuhan nang madla ang chemistry nang dalawa.
Mula sa amin dito sa SHOWBIZZ TOP i-NEWS, sana ay kumita ang pelikulang
ito, at huwag muna sana nating husgahan, dahil unang Lingo pa lang
naman, at malay natin kung biglang dagsain ang pelikulang ito sa mga
susunod na araw. Basta, goodluck Richard at Marian, we hope all the best
para sa inyo! Lalo na sayo Richard!
Kayo mga taga supporta nang SHOWBIZZ TOP i-NEWS, sa palagay nyo ba ay
kikita pa ang pelikulang ito?
Please leave a comment about this issue. Because your side is always,
what matter most on us!
Will Christine Reyes Follow Her Sister Ara in ABS-CBN.?

Ngaun ngang nagtapos na ang kontrata ni Christine Reyes sa Artist
Centre at GMA 7, ay matuturing na free lancer na ngaung ang batang sexy
actress. Kaya kahapon sa kaunaunahang pagkakataon ay lumabas ang naturang
sexy actress sa number 1 Showbiz Talk Show nang ABS-CBN pag Lingo ang
The Buzz! Dito nga ay tinanung siya tungkol sa na lilink sa kanya na tv
host commidiane na si Willie Revilliame. Mariin niyang tinanggi na
nanliligaw sa kanya ang naturing na tv host. Gayon pa man ay inamin niyang
madalas sabihin nang tv host na may crush ito sa kanya. Sa ngaun ay wala
pa raw balak tumangap nang manliligaw si Christine, dahil hindi pa
siya gaanong move-on sa nangyaring skandalo sa kanilang tatlo nina Denis
Trillio at Carlene Aguilar.
Mula sa amin dito sa SHOWBIZZ TOP i-NEWS ang masasabi namin kay
Christine ay magdisisyon na siya kung lilipat ba nang network o mananatili
siya. Dahil hindi siya big star para mag inarte pa at paghintayin ang
dalwang network.
Kayo ano masasabi nyo sa issue na ito? Lilipat ba siya? O hindi?
Please give your comment on this issue. Because here in SHOWBIZZ TOP
i-NEWS your side is what matter most!
Marian Rivera Will She Be The Next Dyesabel..? Darna.? or Rosalinda.?

Dahil nga naging number 1 ang Marimar sa ratings nang AGB Nielsen sa
Mega Manila at Pumangatlo naman sa AGB Nielsen NUTAM na nangungulekta
nang ratings sa nationwide from Luzon to Mindanao. Bulong bulungan nga
ngaun sa GMA NETWORK na baka sya ang sumunod na DARNA, dahil sa kanya di
umano ito ibinibigay nang naturang network. Pero nagaalinlangan rin
ngang tangapin si Marian dahil sa ayaw na nya na muli siya ay makumpara sa
dating kapuso star at dating may hawak nang bato ni darna na si Angel
Locsin. Matapos ngang tangihan ni Angel ang Marimar at lumipat nang
istasyon, ay hindi na nakawala sa aninu ni Angel si Marian, dahil s
madalas silang ipagkumpara. Gusto na di umano ni Marian na makabuo nang
sarili niyang pangalan nang hindi dinidikit ang pangalan niya, kung kaninu
man. Ang Dyesabel naman ay ikinukunsidira din sa kanya, dahil sa parang
siya raw ang nasa teaser na pinakita sa mga sinehan noong nakaraang
Metro Manila Film Festival. Pero nanatili namang tikom ang bibig niya ang
nang manager nito. Pero malakas lakas din ang ugong ugong na baka rin
siya ang gumanap sa tagalog version nang Rosalinda. Dahil sa nakagawa na
nga raw nang image si Marian bilang pilipino version ni Thalia nang
Mexico, kaya matunog din ang pangalan niya bilang Rosalinda..
Para sa amin dito sa SHOWBIZZ TOP i-news ay walang masama kung
pagbidahan niya lahat nang nabangit na programa. Dahil dito pa lang talaga
masusubok ang kakahayahan niya bilang artista at lakas sa masa. Dahil
masasabing kaya pinanood ang Marimar ay dahil sa nagawang publicity nang
paglipat ni Angel sa kapamilya network. At ngaun sa gitna nang
kontrobersyal na di umanoy dayaan sa ratings. Kapag napatunayan ito, baka hindi
pala totoo ang natatamasang pangunguna nang marimar sa mega manila.?
Mula sa amin dito sa SHOWBIZZ TOP i-NEWS! Good luck Marian, at
mapatunayan mo sana na diserve m0, ang mga shows na yan..
Ano nga kaya ang susunod na proyekto ni Marian? Give your comments in
this issue. Because here in SHOWBIZZ TOP i-NEWS, your side is what
matter most!
Eda Nolan Nanganak Na!!!
Feb. 8, 2008 nga nang naging ganap na ina na ang teen star nang ABS-CBN
na si Eda Nolan, sa isa rin na teen star naman nang GMA 7 na si Gian
Carlo na isa sa mga naging avenger STARSTRUCK. Marami nga ang nagtaka
nang biglang mawala si Eda sa telibisyon. Marimi rin ang nanghihinayang,
dahil nga sa bago pa ito mawala sa eksena ay sunod sunod pa man din ang
magagandang proyekto na ibinibigay sa kanya. Sa mga kasabayan nya sa
dating teen sitcom nang ABS-CBN na LET’s GO, ay siya pinaka nabigyan na
break. Sana nga ay makabalik pa ang batang ito sa mundo nang showbiz,
dahil isa siya sa pinakamagagaling na young star ngaun, hindi lang nang
ABS-CBN, kundi nang anumang istasyon.
We here in SHOWBIZZ TOP i-NEWS, wishes you good luck!!!
Ogie Alcasid Dahilan Nang Pagdadalawang Isip ni Regine Velasquez.?

Ngayong lalolong lumalakas ang ugong ugong nang balitang paglipat
diumano ni Regine nang network. Kahapon, Feb. 16, 2008 sa binigay na
presscon nang ABS-CBN kay Regine para sa kanyang ikalawang natatanging pag
ganap sa longest running drama anthology na Maalaala mo kaya ay inamin
nito na parehas ay may magandang offer skanya ang GMA at ABS-CBN. Sinabi
rin nya na nahihirapan pa siyang mag decisyon sa ngaun, dahil madami pa
siyang mga aspects na kinukunsidira.. Parehas daw kasing exclusive
contract artist ang offer nan dalwang higanteng network. At sa madaling
panahon ay kailangan na rin daw nyang magdisisyon dahil ayaw nya na sa
kangkungan na lang sya pulutin pagnagkataon. Ang mga bagay na
kinukunsidira nya sa paglipat nang ABS-CBN ay ang napakagandang programa raw na
hinahanda sa kanya. Isa pa ay nasa ABS-CBN din daw ang kanyang mga tunay
na kaibigan at idolo, gaya nang Megastar Sharon Cuneta, Zsa Zsa
Padillia, Martin Nievera, Judy Ann Santos, Piolo Pascual, at marami pang iba.
Gusto rin daw di umano niyang makaexpirience nang bago. Bilang artista o
singer ay nais raw naman niyang gumawa nang bago para sa kanyang taga
hanga at supporta. Samantalang ang mga bagay naman na kinokonsidira nya
na manatili siya sa GMA ay matagal n rin siya sa GMA at sa SOP. At
dahil din sa hektic skedule niya at nang boyfriend nyang si Ogie Alacasid
ay tanging tuwing Lingo sa SOP na lang sila nagkakasama. At kung
papayag raw si Ogie ay lilipat siya.
Will she ramain kapuso or be the newest kapamilya.?