The new face of pinoy entertainment
February 18th, 2008 at 1:47 am
Posted by joemer in ABS-CBN, Gerald Anderson, KIMERALD, Kim Chui

Gerald Anderson - Hiling Nang Isang Lalake Na Gumanap Sa Kanyang Buhay
Sa Maalaala Mo Kaya!

 

Isa ngang 20 year old na binata ang nakausap ko kagabi sa
pinagkaguluhang performance ni Sam Concepcion sa SM-Batangas. Biglang lumapit sa
akin ang isang may itsurang binatang lalake nang napagalaman niyang isa
akong press people. Sinabi niya sa akin na gusto raw niyang maipalabas
ang kwento nang kanyang masalumoot na buhay sa tinaguring longest running
drama anthology nang bansa na Maalaala mo kaya. Nang tinanong ko ang
bata ay nagpakilala siya bilang J.K., 20 years old daw siya, at talaga
naman daw fanatiko siya ni Gerald. Kasi naman daw halos lahat daw nang
pinangarap niya na maging, ay nangyayari ngaun sa hottest teen male
actor nang bansa. Una na nga raw dito ang maging sikat at kilalang artista,
pangalwa, ay ang makapasok sa Bahay ni Kuya. Parehas din daw ang
kanilang mga hilig, una ay ang aso. Ikalawa ay ang pagbabasketball.
Naikwento rin nya na nakalaro na rin niya na magbasketball ang actor, ilang
buwan,bago siya pumasok sa bahay ni kuya. Disyembre daw noon at
nagbabakasyon siya sa mga tiyahin niya, nang yayain siya nang pinsan niya na
magbasketball. Kahit nga hilig raw niya ang basketball ay aaminin niyang
hindi siya hiligan nang basketball. Kaya nga raw nang nakita nang actor
na naiinis ang binata dahil halos pinagtatawanan siya nang mga kabataan
at pinsan niya na kalaro niya sa basketball ay biglang lumapit sa kanya
si Gerald (na noon ay hindi pa artista). Kinausap daw siya at sinabing
huwag intindihin ang mga tumatawa sa kanya. Ang mahalaga raw ay
nagpipilit ang binata na matuto at maging magaling. Sinabi rin daw ni Gerald,
na ganun din daw siya dati at nagsikap lang daw siya na mag aral nang
husto sa basketball. Doon pa lang daw ay tinuring na nang binata na
kaibigan ang actor. Sana nga raw ay maalala pa siya ni Gerald, at sana raw
kaibigan pa rin ang turing sa kanya, kahit isa na siyang sikat na
artista.
Nang sinimulan na nang binata ang kwento nang kanya buhay, ay talaga
namang naantig ang aking puso. Ang kanya palang panganay na kapatid at
pinsan ay namatay, nang ito’y malunod dahil itinulak ito nang kabarkadang
bading sa tulay. Hindi raw alam nang bading na hindi marunong lumangoy
ang kanyang kuya, kaya pilit sinagip ito nang kanyang pinsan. Dito nga
raw nagumpisa ang problema nang kanya ama at ina. Isang taon pa lang
daw siya noon, wala pa siyang ka muang noong mga panahong iyon. Dito nga
raw ay nagsimulang maghanap nang ibang lalaki ang kanyang ina, basta
to make the story short, ay nakapatay ang kanyang ina sa labis na
pagmamahal sa kanyang other man. Napatay naman ang kanyang ama, dahil sa
kaibigan.
Mula sa amin dito sa SHOWBIZZ TOP i-NEWS,ay kinakatok namin ang staff
at crew nang Maalaala Mo Kaya, pati na rin ang Host at big boss nitong
si Ms. Charo Santos - Concio. Tiyak na magugustuhan nyo ang istorya nang
binatang ito, at magbibigay ito na naman sa inyo nang napakaraming
award. Kinakatok rin namin ang Teen Star na si Gerald Anderson, sana naman
ay maalala mo pa ang binatang si J.K. na itinuring ka nang kaibigan,
mula nang makilala ka, bago ka pa pumasok sa Bahay ni Kuya! Para sa
staff nang Maalaala Mo Kaya, at Gerald, kung gusto nyo makipagugnayan sa
binatilyo, ay mangyaring mag E-mail kayo sa e-mail address na ito
 sti_n@yahoo.com  upang kami mismo ang magbigay sa inyo nang
cellphone number nang binata.

At para sa inyo na masugid naming taga supporta, ano sa palagay nyo ang
mangyayari sa issue na ito?
Please leave your comment on this issue. Because, your side is always
what matter most on us!


No comments yet.

RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Leave a comment

*
To prove you're a person (not a spam script), type the security word shown in the picture.

Anti-Spam Image