Dennis Trilio - Nabawasan ang Ningning Matapos ang Iskandalong
Kinaharap.?

Matapos nga ang sunod sunod na matinding iskandalo na kinaharap nang
single dad/actor na si Dennis Trilio noong nakaraang taon, ay tila unti
unti na ngang nabawasan ang kasikatan niya. Masyadong naapektohan ang
imahe na, na build-up niya bago pumutok ang mga iskandalo. Una ang
pagkakaroon nila nang di pagkakaunawaan ni Mother Lily nang Regal Films.
Sumunod dito ang pagtatago niya sa di umanoy apat na taon na relasyon nila
nang beuty queen na si Carlene Aguilar. Sumunod dito ay ang pagtatago
niya sa pagbubuntis na noon ay kasintahan niya na si Carlene. Sumunod ay
ang muling lihim niyang relasyon, sa kapatid ni Ara Mina, na si
Cristine Reyes. At ang pang huli ay away sa pagitan nina Cristine Reyer, at
Carlene Aguilar, dahil sa di umanoy pakikipagrelasyon ni Cristine kay
Dennis, gayong si Carlene at Dennis pa noong mga panahong iyon. At dahil
nga sa mga kontrobersiyang nabangit ay, hindi na nadagdagan ang
endorsment nang naturang actor. Pati na rin ang unti unting pag lamlam nang
career niya.
Mula po sa amin dito sa SHOWBIZZ TOP i-NEWS, ay walang takot naming
sasabihin, dahil ang sa amin lang ay, sana ay hindi naging malihim ang
actor. Lalo na sa mga naging ka relasyon niya. Gaya nang ginawa ni John
Lloyd Cruz, na nagin open sa publiko, sa lahat nang mga naging ka
relasyon niya. Kaya naman minahal nang publiko. Saka bilang artista, lalo na
at sikat, may obligasyon ang mga artista, na iparating sa publiko at mga
taga hanga nila ang mga nangyayari sa kanila. Dahil utang na loob nila
ito sa taong bayan.
Mangyari lang po na magiwan kayo nang inyong kumento, tungkol sa usapin
na ito. Dahil dito po sa Number 1, Pinoy Entertainment Scoop Site nang
bansa, ay laging opinyon nyo po, na aming taga suporta ang siyang
pinaka mahalaga!
Maalaala Mo Kaya Hataw na Naman sa Ratings!

Kagabi sa ikalawang pagkakataon ay muling nag guest ang Asia’s Song
Bird na si Regine Valesquez sa longest running drama anthology nang bansa
na “Maalaala Mo Kaya”. Muling nanalo at linampaso sa tv ratings ang
katapat nitong programa nang kabilang istasyon. Kahit masyado nang malalim
ang gabi, ay talaga namang binantayan at sinuportahan ito nang taong
bayan. Na dominate nang naturang programa, hindi lang ang “NUTAM” ,
kundi maging ang “Mega Manila” na kilalang balwarte nang GMA Network.
Masayang masaya naman ang mga officials at executive producers, maging ang
tagapagsalaysay nang programa na si Charo Santos-Concio, sa resulta nang
programa. Marami rin mga tao, ang pumuri sa galing ni Regine sa pag
arte. Mas lalo raw gumaling ang actres mula nang una itong nag guest sa
nasabing programa. Matatandaang sa “LOBO” epesode nang “MMK” unang
lumabas ang naturang singer/actress. Dito din siya nabigyan nang
kaunaunahang “best actress award” nang PMPC o Star Awards. Sa pinakita ngang husay
at galing ng actress/singer kagabi, ay baka muling makakuha siya nang
award sa pagarte. Sayang, kung natuloy ang paglipat niya ay magandang
pangitain sana ito, dahil tangap nang fans niya ang paglipat niya.
Tangap din siya nang mga taga suporta nang naturang istasyon.
Mula po sa amin dito sa SHOWBIZZ TOP i-NEWS, ay walang takot naming
sasabihin, dahil ang sa amin lang ay hindi talaga matatawaran ang
dekalibreng programa na “Maalaala Mo Kaya”. Kaya hindi nakakapagtaka na halos
lahat nang big stars, ay nakapag guest na sa programa. Mapa big stars
nang ABS-CBN o nang GMA Network, ay talagang hindi tumatanggi na mag
guest sa naturang show. Kagabi nga ay si Regine, na big star nang kalabang
istasyon nang naturang network ang nag guest.
Mangyari po lamang na mag iwan kayo nang inyong kumento, tungkol sa
usapin na ito. Dahil dito po sa Number 1, Pinoy Entertainment Site, nang
bansa, tanging opinyon nyo lang po ang pinakamahalaga!
Got To Be Fit Challenge nang Del Monte Fit & Right at ABS-CBN
Magsisimula na!

Bukas nang gabi na nga sisimulan ang pinakabagong Lifestyle Reality
nang bansa na Got To Be Fit Challenge, pagkatapos nang XXX. Ang maghohost
sa nasabing programa ay ang tv host/actress, at Celebrity Endorser nang
Del Monte Fit ‘n Right na si Mariel Rodriguez. Ipakikita dito sa
programang ito ang disiplina sa sarili. Unti unting magbabago ang timbang
nang mga kasaling contestant, sa pagdaan nang mga lingo. Tiyak aabangan
at tatangkilikin na naman ito nang sambayanan sa bagong putahe na handog
na naman nang nangungunang network sa bansa.
Mangyari po lamang na magiwan kayo nang inyong kumento, tungkol sa
usapin na ito. Dahil dito po sa Number 1, Pinoy Entertainment site nang
bansa ang SHOWBIZZ TOP i-NEWS, ay tanging opinyon nyo lamang ang pinaka
mahalaga!
Love Spell at Your Song - Hindi Matinag Tinag!!!

Simula nga nang magumpisa ang programang “Your Song” at “Love Spell” ay
hindi maawat ang dalwang shows sa pamamayagpag at pag papatalsik sa
mga shows na itinatapat sa kanila nang kalaban na network. Naunana na nga
dito ang “Love to Love”, sinundan nang “Kapuso Movie Special” at
makaraan ang wala pang dalawang buwan ay pinalitan nang “Magik Kamison”, na
hindi rin nagtagal ay pinaltan naman nang “Boy Next Door” at ngaun
ngang Enero ay nagtapos na ito at muling ibinalik ang “Kapuso Movie
Special”. Balibalitang nagiisip na muli ang management na palitan ang “Kapuso
Movie Special” sa kadahilanang hindi ito masyado nalalagyan nang mga
advirtisment. Kahit nga panalo at lamang nang konti ang naturang
programa sa ratings sa Mega Manila, ay sad-sad naman ang ratings nito s NUTAM!
Ang tandam nang Himig at Majika tuwing Lingo nang hapon ay talaga
namang panalo sa masa. Sa dami nang advirtisment ay talagang panalo din sa
kita. Napag alaman din namin na mula ngaung taon na ito ay ang
titingnan nang mga advertisers ay yung tv ratings na nangagaling sa NUTAM.
Mula sa amin dito sa SHOWBIZZ TOP i-NEWS, ay walang takot naming
sasabihin, dahil ang sa amin lang ay, talaga namang tandem to beat ang
pinakikita nang dalwang programa nang ABS-CBN. Laging may aral at leksyon
mula sa pagibig, at sa mga magagandang asal. Talaga namang panalo!
Mangyari po lamang na magiwan kayo nang inyong kumento, tungkol sa
usapin na ito. Dahil dito po sa Number 1. Pinoy Entertainment site nang
bansa na SHOWBIZZ TOP i-NEWS, laging opinyon nyo ang mahalaga!
TOP 20 na Young Star na Pinakanagningning Noong Nakaraang Taon.
Pinangalanan na Nang mga Panelista nang SHOWBIZZ TOP i-NEWS!

Kaninang umaga nga ay inilabas na nang mga panelista nang aming
kumpanya ang dalwampong mas nag ning ning na young star nang nakaraang taon.
Ito ay binase sa bawat proyekto na kanilang nagawa. Mula sa endorsment,
t.v. projects, concerts, at pelikula. May 2,863 na panelista ang pumili
nang tig limang pina nag ning ning na young star, noong nag daang
2007. 30% nito ay nangaling sa Mindanao, 30% sa Visayas at 40% naman sa
Luzon at Mega Manila.
Eto na nga ang top 20, at maguumpisa tau mula sa 20, hanggang sa
nanguna!
20. Wendy Valdez & Bruce Quebral
19. Cristine Reyes
18. Yasmien Kurdi & JC De Vera
17. Valerie Concepcion
16. Mariel Rodriguez
15. Roxan Guinoo & Iza Calzado
14. Raymond Gutierrez
13. Dingdong Dantes & Kristine Hermosa
12. Maja Salvador & Jason Abalos
11. Sarah Geronimo, Matt Evans, & Melissa Ricks
10. Katrina Halili
9. Anne Curtis, Sam Milby & Toni Gonzaga
8. Richard Gutierrez
7. Piolo Pascual
6. Marian Rivera
5. Jake Cuenca
4. Angel Locsin
3. John Lloyd Cruz & Bea Alonzo
2. KC Concepcion
1. Kim Chui & Gerald Anderson
Mangyari po lamang na magiwan kayo nang inyong kumento, tungkol sa
usapin na ito. Dahil dito po sa SHOWBIZZ TOP i-NEWS, laging ang opinyon nyo
ang siyang pinakamahalaga!
Anak ni Jennelyn Mercado, Hindi Dadalhin ang Apelyido ni Patrick
Garcia!!!

Matapos umamin noong Janaury 2008, ang pagdadalang tao nang actress na
si Jennelyn Mercado, sa kasintahang si Patrick Garcia, na ngaun ay
tatlong buwan na buntis. Kahapon sa T.V. Patrol World, ay exclusibong
nakapanayam nang programa ang naturang actress. Naglabas ito nang sama nang
loob tungkol sa kasintahan niyang si Patrick. Sinabi nang dalaga na
matagal na siyang hindi dinadalaw nang taong nkabuntis sa kanya.
Pinabayaan na di umano silang mag ina nang dating child star, at ngaun nga ay
mahusay na actor. Iginiit din ng actress na noong nakaraang Valentines pa
ang huling dalaw sa kanya nang actor, at bago raw yun, ay mahigit
isang buwan na rin na hindi dumadalaw at nagkikita ang dating
magkasintahan. Nang tinanung naman nang reporter, kung ano ang dadalhing apelyido
nang magiging anak nina nila. Isang maikli, diretso at madiin na sagot
ang ginawa nang actres. “Mercado!”.
Mula po sa amin dito sa SHOWBIZZ TOP i-NEWS, ay walang takot naming
sasabihin, dahil ang sa amin lang ay, kung totoo ang sinasabi ni Jennelyn,
na pinabayaan na siya nang kanyang kasintahan na si Patrick, ay bakit
naman ganun ang kinikilos niya? Diba noong umamin sila na buntis ang
actress, ay sana ay magpapakasal na sila, kung hindi lang pinigilan nang
piskal. Para sa binata, ay dapat ngaun siya todo bantay sa actress,
dahil ngaun siya pinaka kailangan ng actress. Lalo na na maselan ang
pagbubuntis. Tutal kasama naman siya ginawa yung bata, ay nararapat lang na
samahan niya ang dalaga, hanggang sa mailabas na ang bata dito sa
mundo. Para naman kay Jennelyn, baka naman nag o-over react lang siya,
dahil nga naghahanap nang attention ang dalaga mula sa binata, sa
pagbubuntis niya. Baka pinaglilihan lang nang dalaga ang binata.
Mangyari po na magiwan kayo nang inyong opinyon, tungkol sa usapin na
ito. dahil dito po sa amin sa SHOWBIZZ TOP i-NEWS, laging importante po
ang inyong opinyon!
BLIND ITEM: Teen Star Inaalagan Nang Isang Bading na Official sa T.V.
Network!!!

Isang impormante, mula sa isang istation na malapit sa teen actor ang
nagbalita sa amin, na isang nga raw bading na mataas raw na official
nang isang istasyon, ang malaki ang gusto at patay na patay sa teen star.
Nakipagkaibigan raw ang bading na official nang naturang network, sa
actor. Noong una raw ay mejo asiwa sa mga kinikilos nang bading na
official ang teen star, at dahil siya ay baguhan pa lang ay wala siyang
magawa kundi pumayag na makipagkaibigan. Nang nagtagal ay nasanay na ang
teen star, sa bading na official, tutal ay disente naman ito. At noong
nakaraan ngang June 2007, ay inalok nang bading na official kung pede sila
magkaroon nang relasyon, kapalit nang pag ganda na career niya.
Pumayag naman ang teen star, sa pagkakataong ibinibigay na bading sa isang
kondisyon na wala munang sex, hanggat hindi pa ready ang teen star.
Meaning hanggang kiss sa pisngi at padamping himas sa alaga nang teen star
lang ang nagawa nang bading sa teen star. Ngaun nga ay may limang show
ang teen star. Tatlo sa home network nito at dalawa naman sa sister
company network nito.
Ngaun ngang nakaraang buwan, Janaury 28, 2008 ay inalok nang bading na
makipag sex na yung actor, kapalit nang isang pelikula. Nakiusap ang
teen star kung pede na bigyan pa sya nang panahon para makapagisip. Ngaun
nga ay balitang makakasama ang actor sa isang pelikula. Ngunit as
support karakter lang siya.
Sa palagay ninyo ba mga tagabasa ay may nangyari sa kanila? Hindi rin
kasi alam nang impormante, kung may nangyari. Basta ang alam niya ay
magkakapilikula ang teen star. Kaso bilang support lang.
CLUE: Ang teen star ay may limang show. Tatlo sa home network at dalawa
sa sister company network nito. May dalawang commercial endorment din
ang teen star. Ang isa dito ay telecom company, at ang isa naman ay
softdrink. May letters “D” and “O” sa first name nito, samantalang letters
“A” and “M” naman sa last name.
Mangyari po lamang na magiwan kayo, nang inyong kumento, tungkol sa
usaping ito. Dahil dito po sa amin sa SHOWBIZZ TOP i-NEWS, laging ang
opinyon nyo po, ang pinakamahalaga!
Rhian Ramos Playgirl?!?

Mula pa nang magumpisa ang dalagang actress, sa GMA NETWORK ay naging
mabilis ang pag angat nang kanyang career, dahil na rin sa tulong ni
Richard Gutierrez. Naging ka love team agad siya nang nasabing actor, sa
dalawang teleserye. Una ay ang “Captain Barbel”, at ikalawa ay “LUPIN”.
Parehas na naging top rater nang Mega Manila ang dalawang programa na
pinagtambalan nang dalawa. Kasabay nga nang mabilis na pagbulosok nang
career ni Rhian Ramos, ay ang mga kontrobersiyang pinupokol sa kanya.
Isa na nga rito ang pagiging play girl di umano nang dalaga. Lalong mas
tumindi ang intriga na ito, nang nagsilabasan ang mga larawan nang
dalagang actress sa internet na may mga kasamang lalaki na humahalik sa
kanya. At ngaun nga ang pinakabago, ay ang pagkaka link niya sa kanyang co
star sa teleseryeng “My One and Only” na si Mark Herras. Pati na rin
kay Polo Ravales, na kapwa GMA ARTIST. Balitang nakikipag date raw di
umano, ang dalaga sa dalawang binatang artista ngaun. Marami ring
nakakakita sa na magkasama ang dalagang actress sa dalawang binata, sa
magkaibang oras at araw, pati na rin lugar.
Nais po naming sabihin na laging bukas ang aming site para sa panig at
reaksyon ni Rhian Ramos, tungkol sa mga paratang sa kanya.
Mula po sa amin dito sa SHOWBIZZ TOP i-NEWS, ay wala po naming takot na
sasabihin, dahil ang sa amin lang ay kung sakaling totoo eto. Kahit pa
hindi lang iisang tao ang nakakakita sa kanila. Sana ay magingat na
lang ang actress sa mga bawat pagkilos niya. Dahil isa siyang artista at
asahang bukas ang mga mata nang publiko, sa bawat kilos at galaw nang
isang artista gaya niya.
Mangyari po na magiwan kayo nang inyong opinyon, tungkol sa usapin na
ito. Dahil dito po sa amin sa SHOWBIZZ TOP i-NEWS, laging ang opinyon
ninyo, ang pinakamahalaga!
Heart Evangelista - To Switch Network?

Malakas ngaun ang balita na baka raw lumipat na nang bakuran ang
kapamilya star na si Heart Evangelista, dahil sa magandang offer sakanya nang
GMA network. Hindi naman kaila sa pubiko na mejo nga nawala ang career
nang dalaga, matapos niyang lumipat nang management mula sa “Star
Magic” papuntang “GENESSIS” at matapos nang pagkakaroon niya nang relasyon
kay Jericho Rosales. Pero laging ginigiit nang singer/actress na by
choice raw un. Kasi simula nang lumala ang sakit niyang “asthma”, ay
naging priority na niya ang kanyang sariling kalusugan, bago ang kanyang
career. Ayaw raw ni Heart na maulit ang nangyari dati, na na delay ang
pagpapalabas nang kanyang teleserye na “PANDAY”, dahil sa kanyang sakit.
Kaya matatandaang pinutol ito sa kalagitnaan nang pagpapalabas, at
binalik malipas ang isang buwan. Mula naman sa isang impormante na malapit
kay Heart at sa Genessis ay hindi raw imposible na tangapin nang actress
ang offer nang GMA Network. Ngaun nga ay hindi na masyado ka seryoso
ang sakit na asthma ni heart, ay baka tangapin na ito nang actress,
tutal by project naman daw ang kontrata nya sa ABS-CBN at hindi mismo sa
Network. Binibigyan lang daw di umano nang actress nang konting panahon,
na magbigay nang offer sa kanya ang kanyang home network. Pero konting
panahon lang daw ito, at kung wala pa din na mangyari, ay mapipilitan
na siyang lumipat nang istasyon.
Mula sa amin dito sa SHOWBIZZ TOP i-NEWS, ay walang takot naming
sasabihin, dahil ang sa amin lang ay, infairess kay Heart Evangelista, ay
pinahahalagahan niya ang kanyang home network, dahil nagiintay muna siya
mula sa ABS-CBN, nang offer, bago siya tumangap sa iba. Sana ay mabigyan
nang pansin nang mga big bosses nang kanyang home network, ang usapin
na ito. Si Heart ay isang magandang huwaran sa kabataan, dahil sa
pananatili nito nang kanyang wholesome image. Matatandaang sa mga kasabay at
ka idad niyang actress, ay siya na lang ang hindi pa nag papasexy.
Mangyari po na magiwan kayo nang inyo opinyon, tungkol sa usapin na
ito. Dahil dito po sa amin sa SHOWBIZZ TOP i-NEWS, laging ang opinyon po
ninyo ang siyang pinakamahalaga!
Isa na namang Gutierrez Konpirmadong KAPAMILYA Na!!!

Noon ngang nakaraang taon ay naging ganap na “KAPAMILYA” na ang unica
hija nang mga Gutierrez na si Ruffa. Ngaun naman ay ang ama niyang si
Eddie Guttierrez ang sumunod sa yapak ni Ruffa, para maging “KAPAMILYA”.
Isang teleserye nga ang nakatakdang gawin nang veteran actor sa
ABS-CBN, at ito nga ay ang re-make na teleserye na nauna nang pinagbidahan ni
Julie Vega na “Anna Liza”. Matatandaang sa GMA NETWORK noon, ipinalabas
ang nasabing teleserye.
Makakasama nang veteran actor sina Eric Quizon, Dawn Zulweta, Gloria
Diaz, Gladys Reyes, Rayver Cruz, Jason Abalos, Maja Salvador, at iba pang
bigating artista nang bansa ngaun.
Mula po sa amin dito sa SHOWBIZZ TOP i-NEWS, ay walang takot po naming
sasabihin, dahil ang sa amin lang ay Ngaun nga na ganap na kapamilya na
si Eddie Gutierrez, ay sino kaya sa pamiyang Gutierrez, ang maaring
sumunod.? Si Richard kaya? O si Raymond.? For sure if the price is right
may possibilidad nang mangyari ito. Abangan na lang natin ang susunod
na mangyayari.
Mangyari po lamang na magiwan kayo nang inyong masasabi, hinggil sa
usapin na ito. Dahil dito po sa amin sa SHOWBIZZ TOP i-NEWS ay laging ang
opinyon ninyo na aming taga subaybay ang siyang pinakamahalaga!
Regine Velasquez Hindi pa Pumipirma Nang Kontrata sa GMA Network!

Noong nakaraang Feb. 18, 2008, ay nakipagmeeting ang song bird Regine
Velasquez, sa mga big bosses nang GMA Network. Dito ay napausapan ang
pag tatampo ni Regine sa naturang network, dahil sa pag alok sa kanya
nang teleserye na pang hapon o sa Dramarama. Dahil pagkatapos nyang maging
loyal na kapuso, ay parang hindi masyado pinapahalagahan ito nang
management na pang hapon lang siya ilagay, at hindi sa Prime time. Pero
ngaun nga ay matapos nilang makapag usap at marisobla ang di umanoy tampo
ni Regine sa Kapuso network ay naging prime time na offer na teleserye
nang naturang network sa song bird . Pero ganun pa man ay may
pusibilidad na magbago pa din ang disisyon ni Regine sa kadahilanang wala pa
namang pinipirmahang kontrata ang actress sa anumang network!
Mula po sa amin dito sa SHOWBIZZ TOP i-NEWS, ay walang takot naming
sasabihi, dahil ang sa amin lang ay, kahit saan man mapunta si Regine, ay
sana ay manatili pa rin ang supporta sa kanya nang kanyang mga taga
hanga! Dahil minamahal naman natin ang mga idolo, dahil sa kanilang galing
at itsura. At hindi dahil siya ay KAPUSO o KAPAMILYA!
Mangyari po na magiwan kayo nang inyong kumento tungkol sa usaping ito.
Dahil dito po sa amin s SHOWBIZZ TOP i-NEWS, laging ang opinyon nyo
po, na aming mga tagasubaybay ang mahalaga!
NUTAM- Balwarte nang ABS-CBN; MEGA MANILA- Balwarte nang GMA! — AGB
NIELSEN
Inilabas na nga nang AGB NIELSEN ang mga programang talaga namang
humataw noong nakaraang taon. Nanguna ang mga shows nang ABS-CBN, dahil
tatlo sa top 4 na pinaka nag rate na shows nang NUTAM ay nakuha nang
ABS-CBN at isa naman ang sa GMA. una na dito ang the phenomenal teleserye hit
nina Kim Chui at Gerald Anderson na “Sana Maulit Muli” (abs-cbn),
sinundan nang ” lovable alien na si “KOKEY” (abs-cbn), tapos ang kay
Sharlene San Pedro na “Princess Sarah” (abs-cbn) at sa ikaapat n pwesto ang
teleserye na mula sa Mexico nina Marian Rivera at Dingdong Dantes na
“MARIMAR” (gma).
Ayon din sa AGB NIELSEN na ang national audience shared nang “ABS-CBN”
sa buong Pilipinas o NUTAM, (Mega Manila, Luzon, Visaya, at Mindanao)
ay 60% at samantalang sa “GMA Network” ay nakakuha lng nang 24% at ang
natitirang 16% ay pinaghahatian nang mga iba pang tv stations gaya na
“Studio 23″ “ABC 5″ “Q-tv” at mga Cable Channels. Ibig sabihin halos
kabuan nang nang 24% nang GMA ay nakukuha lamang sa Mega Manila na
kalimitang ipinapakita at pinagmamalaki sa PEP na site.
Mula po sa amin dito sa SHOWBIZZ TOP i-NEWS ay walang takot naming
sasabihin, dahil ang sa amin lang ay makikitang ito ang nagiging basehan
nang GMA Network at nang mga artista nito n ipagkalandakan na sila di
umano ang number 1. Dapat kung magsasabi sila na sila ang number 1 ay
dapat dinudugtongan nila ito na sila ang number 1 sa mega manila. Ang
totoo, ay hindi ako kapamilya o kapuso, ang akin lang ay kung ano yung
totoo. Dahil bilang isang media network, dapat ay ilabas nila ang totoo
tungkol sa ratings. Kung number 1 kayo sa Mega Manila sabihin niyo nang
kumpleto. At kung number 1 naman kayo sa buong pilipinas, ipagmalaki nyo!
Hindi yung mananahimik lang kayo, pagsinasabi nang iba na sila ang
numero uno. Be proud for being number 1 nationwide!
Mangyari po lamang na magiwan po kayo nang inyong kumento hinggil sa
issue na ito! Dahil dito sa SHOWBIZZ TOP i-NEWS, laging importante, ang
panig ninyo!