Gerald Anderson - Hiling Nang Isang Lalake Na Gumanap Sa Kanyang Buhay
Sa Maalaala Mo Kaya!
Isa ngang 20 year old na binata ang nakausap ko kagabi sa
pinagkaguluhang performance ni Sam Concepcion sa SM-Batangas. Biglang lumapit sa
akin ang isang may itsurang binatang lalake nang napagalaman niyang isa
akong press people. Sinabi niya sa akin na gusto raw niyang maipalabas
ang kwento nang kanyang masalumoot na buhay sa tinaguring longest running
drama anthology nang bansa na Maalaala mo kaya. Nang tinanong ko ang
bata ay nagpakilala siya bilang J.K., 20 years old daw siya, at talaga
naman daw fanatiko siya ni Gerald. Kasi naman daw halos lahat daw nang
pinangarap niya na maging, ay nangyayari ngaun sa hottest teen male
actor nang bansa. Una na nga raw dito ang maging sikat at kilalang artista,
pangalwa, ay ang makapasok sa Bahay ni Kuya. Parehas din daw ang
kanilang mga hilig, una ay ang aso. Ikalawa ay ang pagbabasketball.
Naikwento rin nya na nakalaro na rin niya na magbasketball ang actor, ilang
buwan,bago siya pumasok sa bahay ni kuya. Disyembre daw noon at
nagbabakasyon siya sa mga tiyahin niya, nang yayain siya nang pinsan niya na
magbasketball. Kahit nga hilig raw niya ang basketball ay aaminin niyang
hindi siya hiligan nang basketball. Kaya nga raw nang nakita nang actor
na naiinis ang binata dahil halos pinagtatawanan siya nang mga kabataan
at pinsan niya na kalaro niya sa basketball ay biglang lumapit sa kanya
si Gerald (na noon ay hindi pa artista). Kinausap daw siya at sinabing
huwag intindihin ang mga tumatawa sa kanya. Ang mahalaga raw ay
nagpipilit ang binata na matuto at maging magaling. Sinabi rin daw ni Gerald,
na ganun din daw siya dati at nagsikap lang daw siya na mag aral nang
husto sa basketball. Doon pa lang daw ay tinuring na nang binata na
kaibigan ang actor. Sana nga raw ay maalala pa siya ni Gerald, at sana raw
kaibigan pa rin ang turing sa kanya, kahit isa na siyang sikat na
artista.
Nang sinimulan na nang binata ang kwento nang kanya buhay, ay talaga
namang naantig ang aking puso. Ang kanya palang panganay na kapatid at
pinsan ay namatay, nang ito’y malunod dahil itinulak ito nang kabarkadang
bading sa tulay. Hindi raw alam nang bading na hindi marunong lumangoy
ang kanyang kuya, kaya pilit sinagip ito nang kanyang pinsan. Dito nga
raw nagumpisa ang problema nang kanya ama at ina. Isang taon pa lang
daw siya noon, wala pa siyang ka muang noong mga panahong iyon. Dito nga
raw ay nagsimulang maghanap nang ibang lalaki ang kanyang ina, basta
to make the story short, ay nakapatay ang kanyang ina sa labis na
pagmamahal sa kanyang other man. Napatay naman ang kanyang ama, dahil sa
kaibigan.
Mula sa amin dito sa SHOWBIZZ TOP i-NEWS,ay kinakatok namin ang staff
at crew nang Maalaala Mo Kaya, pati na rin ang Host at big boss nitong
si Ms. Charo Santos - Concio. Tiyak na magugustuhan nyo ang istorya nang
binatang ito, at magbibigay ito na naman sa inyo nang napakaraming
award. Kinakatok rin namin ang Teen Star na si Gerald Anderson, sana naman
ay maalala mo pa ang binatang si J.K. na itinuring ka nang kaibigan,
mula nang makilala ka, bago ka pa pumasok sa Bahay ni Kuya! Para sa
staff nang Maalaala Mo Kaya, at Gerald, kung gusto nyo makipagugnayan sa
binatilyo, ay mangyaring mag E-mail kayo sa e-mail address na ito
sti_n23@yahoo.com upang kami mismo ang magbigay sa inyo nang
cellphone number nang binata.
At para sa inyo na masugid naming taga supporta, ano sa palagay nyo ang
mangyayari sa issue na ito?
Please leave your comment on this issue. Because, your side is always
what matter most on us!
PEP: Jennylyn Mercado confirms breakup with Patrick Garcia
Hindi na maawat ang pagsasalita ng young actress-singer na si Jennylyn Mercado tungkol sa estado ng relasyon nila ni Patrick Garcia, ang ama ng kanyang dinadala. Namugto ang mga mata ni Jennylyn pagkatapos kumpirmahing hiwalay na sila.
Nakarating agad kay Patrick ang pagpapa-interview ni Jennylyn sa mga TV crew kahapon, February 20, sa Friday’s restaurant sa may Hotel Rembrandt.
Tinawagan daw ni Patrick si Jennylyn, pero dinedma ng young actress ang tawag ng young actor. Nagpasiya rin si Jennylyn na magpalit ng SIM card para maputol na ang komunikasyon nila ni Patrick.
Hinaing ni Jennylyn, simula raw nang mabuntis siya ay wala siyang nakukuhang suporta kay Patrick, emotionally and financially, kundi stress lamang.
“Magbuhat nang magbuntis ako, wala naman siyang ginagawang effort para sa akin at sa magiging anak niya,” bungad ni Jennylyn nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) pagkatapos ng kanyang interview.
Bakit hindi niya kinausap si Patrick na ayusin ang relasyon nila?
“Ilang beses ko nang ginawa ‘yon,” sagot niya. “Ilang beses kong sinabi na huwag niya akong iwan. Sobrang na-disappoint ako. Wala na akong makita sa kanya. Umiiwas siya. Kahit magkasama kami nung Valentine’s day, wala naman kaming napag-uusapan.
“Kung kailan ko siya kailangan, saka siya nawala. Hindi ko kailangan ang financial support. Ang kailangan ko ay love, care, at emotional support. Dapat siya na ang lumapit. Ilang beses na akong lumapit,” pagtatapat niya.
Bakit sa telebisyon sila nag-uusap? Bakit ito ang ginagawa nilang medium para makapag-usap?
“Hindi kasi kami nag-uusap. Bago pa ang situwasyon na ito, lumayo na siya. Ganoon na siya, malayo na siya. Wala siyang maidadahilan sa akin dahil wala siya. Ni hindi niya nakikita yung malilit na pangangailangan ko,” pahayag ni Jennylyn.
Maliit pa rin ang tiyan ni Jen kahit mahigit na siyang three months pregnant. Hindi mo iisiping buntis siya kung hindi mo alam. Tanong daw tuloy ni Patrick nung huli silang magkita, “Is the baby still there?”
PATRICK’S INTERVIEW. Ang labis na ikinasama ng loob ni Jennylyn ay nang mapanood niya last Sunday, February 17, si Patrick sa The Buzz, kung saan tinanong siya ng kanyang reaksiyon tungkol sa tsismis na hindi siya talaga ang ama ng ipinagbubuntis ng kanyang girlfriend.
“No comment” ang sagot ng aktor.
Bukod dito, tinanong din si Patrick kung sakaling isang araw ay malaman niyang hindi siya ang ama ng baby. Ang sagot na naman ng aktor, he will take the responsibility daw till someone comes along para umako.
“Wala siyang tiwala. Masakit para paghinalaan niya ako. Panindigan nila ‘yan, basta akin ang bata. Parang ano ba ang tingin nila sa akin? Bakit may ganyang issue?” deklara ni Jennylyn na umiiyak.
“Parang ang pangit na nagdududa sila, ‘tapos biglang aaminin na sa kanila. Siyempre, nasaktan na kung sino ang nasaktan…ang pangit, e. Kung ganun din lang pala, wala na rin tayong dapat pag-usapan pa. Live your life and I will live my life.
“Wala siyang…ayokong sabihin. If you’re man enough naman na puwede mo namang sabihin kung sigurado ka, ‘Sa akin ‘yan.’ Pero kung hindi ka sigurado, sasabihin mo ‘no comment’ o puwede mong sabihin na hindi mo alam. Pero kung alam niya naman na siya ang tatay at alam ko naman sa sarili ko kung sino ang tatay nito…ako, sigurado ako, e!
“Ang ine-expect ko sanang marinig sa kanya is sabihin niya yung totoo. Alam niya na sa aming dalawa ito. Puwede naman niyang sabihin nang diretso na siya ang ama at wala nang dapat pang pag-usapan because yun naman ang totoo,” hinaing ni Jennylyn.
MARK HERRAS. May mga nang-iintriga na ang dating boyfriend ni Jennylyn na si Mark Herras daw ang ama ng dinadala ni Jennylyn. Ano ang masasabi ng young actress dito?
“Kawawa naman yung tao [Mark]. Wala siyang kamalay-malay. Ang tagal na naming wala. Bale three years na kaming split. Hindi masyadong nagkakausap, nagte-text-an tapos idadamay. Unfair naman sa tao,” pagtatanggol ng young actress.
Tahasan ding sinabi ni Jennylyn na walang katotohanan ang tsismis na si Mark ang ama ng kanyang dinadala. Lalong hindi rin daw totoo ang napabalitang magkasama sila sa isang hotel noong December 2007.
“Yung sinasabi pa lang nila na dates na sinasabing nakita kaming magkasama, iba-iba, hindi consistent. May December 4, 6, 8, 10, 11… So, dun pa lang, alam mo nang hindi totoo,” bulalas ni Jennylyn.
BECKY-BING CONFRONTATION. Sa ngayon ay mabigat na mabigat ang loob ni Jennylyn sa nangyayari, lalo pa nga’t last Monday (February 18) ay nagkaroon pa ng confrontation sa pagitan ng kanyang manager na si Becky Aguila at ang ina ni Patrick na si Mrs. Bing Garcia.
Ayon sa kuwento ni Jennylyn, may pinapipirma raw kasi sa kanya ang mommy ni Patrick last Monday na insurance and education plan para sa kanyang kanyang baby. Hesitant ang young actress sa pagpirma dahil fresh pa sa isip niya ang napanood na pagdududa ni Patrick last Sunday sa The Buzz, kaya tinawagan niya ang kanyang manager para pumunta sa lugar.
Kaagad naman daw dumating si Becky at nag-usap sila ng ina ni Patrick na humantong sa isang heated argument. The manager pointed out na ang mas kailangan daw ni Jennylyn at this point ang presence ni Patrick kesa sa anumang pinansiyal na bagay. Pero ang isinagot daw ng ina ni Patrick ay hindi raw niya ‘yon magagawa dahil hindi niya hawak ang isip ng kanyang anak.
Habang nagkakakaroon ng kumprontasyon ang dalawa ay tahimik lang daw na umiiyak si Jennylyn, hanggang sa nasisi pa raw siya ng ina ni Patrick sa mga naglalabasang balita.
SINGLE MOM. Ngayon ay desidido na raw si Jennylyn na buhayin na lang mag-isa ang kanyang anak. Mercado raw ang magiging apelyido ng kanyang baby at pipilitin daw niyang palakihin ito nang maayos.
“Gusto ko na maging masaya alang-alang sa magiging baby ko. Ayoko nang umiyak. Gusto ko nang magtrabaho. Gusto kong mag-move on,” sambit ng young actress.
Dagdag ni Jennylyn, “Hindi na ako naglilihi kaya hindi na ako masyadong maselan. Ready na akong mag-work ulit at kailangan kong mag-work para sa baby ko at sa family.”
Ano naman ang mensahe niya kay Patrick, na napabalitang pupunta ng Amerika para mag-aral ng filmmaking?
“Good for him para matupad ang dream niya. Sana ay may chance na magbago siya. Maging responsible. Hindi worth it si Pat sa lahat ng ginawa kong pagsasakripisyo, pero worth it sa baby ko,” makahulugang pagwawakas ni Jennylyn.
Marian Rivera confirms she is the new ‘Dyesebel’
Marian Rivera has confirmed that her new role after Marimar will be Dyesebel, according to the Philippine Entertainment Portal.
Hindi pa man nakaka-face-to-face ni Manay Ethel Ramos—manager ni Aga Muhlach at kinu-consider na “Dean of Phil Entertainment Journalism”—si Marian Rivera na ini-interview that very moment ni Ricky Lo ng Philippine Star, ay panay papuri na ang comment ni Ms. Ramos sa bida ng Marimar.
“Very pleasant, very positive ang aura niya, always smiling,” sabi ni Ms. Ramos habang patingin-tingin kay Marian.
Nangyari yun sa launching kay Marian as endorser ng Karimadon clothing line earlier today, February 22, held at the Roma Maria restaurant in Podium Mall.
“Two years ago, nang nag-i-start pa lang ako sa showbiz, lumapit ako sa Karimadon to ask for their help kung puwedeng damitan nila ako. To my surprise, hindi na ako nagdalawang-salita, pumayag silang tulungan ako kahit unknown ako. So nitong lumalabas na ako sa Marimar at sila naman ang lumapit kung puwede akong mag-endorse ng Karimadon, siyempre po, yes kaagad ako,” umpisang kuwento ni Marian nang makaharap ng PEP (Philippine Entertainment Portal), kasama si Manay Ethel, and other members of the press.
Hindi bumababa sa 40 percent ang daily ratings ng Marimar sa Mega Manila—sa maniwala man tayo o hindi sa ratings—na matatapos na next month, at niri-ready na ang susunod niyang fantaserye, ang Dyesebel.
GOING TOPLESS. Yes, inamin ni Marian na willing at ready siyang mag-topless sa Dyesebel.
“Ayoko kasing maasiwa sa mga underwater scenes na lumalangoy ako bilang sirena, e, may inilalagay pang takip sa dibdib na hindi naman ako kumportable. Kaya inilagay ko na po sa isip ko na I’ll play the role of Dyesebel, normal sa kanya bilang mermaid na topless siya.
“Napanood ko yung Dyesebel ni Alice Dixson at topless po siya doon. Hindi siya conscious kaya magandang lumabas,” dagdag ni Marian.
“Kahit naman magta-topless ako, hindi naman papayag si Direk Joyce Bernal, ganundin ang GMA-7, na magiging malaswa ang execution. Hindi gagawa ang network ng palabas na magpapababa ng integridad nila. Ang Dyesebel ay for general patronage, at sinisiguro kong mapapanood lalo ito ng mga bata,” pahayag pa ni Marian.
Sa thanksgiving party ng My Best Friend’s Girlfriend nung Sunday, February 17, na-late si Marian dahil may pictorial siya for Dyesebel. Tinanong namin siya kung nag-topless na siya dun sa pictorial.
“Yes!” buong ningning niyang pag-amin. “Ready na ako sa ganun when I accepted the project.”
SWIMMING LESSONS. Bilang paghahanda sa pagganap niya bilang Dyesebel, nakatakdang mag-undergo ng intensive swimming lessons si Marian.
“Talagang natsa-challenge ako sa role kasi hindi naman ako marunong lumangoy, so mag-aaral pa ako. Sabi ni Direk Joyce, hindi lang langoy sa tabi-tabi ng dagat ang gagawin ko. Gusto niya, yung talagang underwater scenes na makikipaglaro ako sa mga makukulay na isda.”
Bukod sa pag-aaral lumangoy, nire-ready rin ni Marian ang kanyang katawan para maganda ang dating ni Dyesebel sa TV.
“Okay naman ang weight ko ngayon, medyo slim pero okay naman sa TV. I measure 34-24-36. ‘Pag nagge-gain ako ng weight, nagiging 36″ ang boobs ko. Ang napapansin ko, kahit pumapayat ako, yung puwet ko, hindi lumiliit, 36 pa rin!” natatawa si Marian.
Marami pang naikuwento si Marian tungkol sa gagawin niyang Dyesebel, nang biglang maisip niyang, “Teka, ewan ko kung dapat ko nang sabihin sa press itong mga naikuwento ko sa inyo, kasi unless ang GMA ang unang magpa-press release, dapat confidential muna,” medyo ‘natauhan’ si Marian.
“Hindi kaya pagalitan ako nito?” sabi pa niya.
Si Manay Ethel ang nag-assure kay Marian na walang magiging problema. “Magaganda naman ang ikinuwento mo, kaya mas mamahalin ka ng GMA-7,” sabay request ni Manay Ethel na magpapakuha siya ng litrato kasama si Marian.
Erich Gonzales – type si Matteo Guidicelli?

Remember Mateo Guidicelli? The half-Italian race-car driver na sumubok na mag-showbiz last year via the sitcom Go Kada Go?
Anyway, he’s now part of Kung fu Kids at partner niya dun ang Star Circle Quest 2 Grand Winner na si Erich Gonzales. At ang balita, type daw ni Erich itong si Mateo?
Bakit naman daw? Showbuzzer learned that Erich finds him handsome at napaka-bait at maasikaso daw during their shoots. “Maalaga siya sa akin at lagi niya ako tinatanong if I’m OK. Kapag kakain siya, yinayaya niya ako kaya sabay kami kumain lagi!” ang chika ni Erich.
At eto pa. Happy daw si Erich pag nandun si Mateo at pag wala naman daw ang cutie, aba hinahanap-hanap ng beauty niya!
But when you ask Erich what she wishes now with Mateo, ayaw daw niya magsalita up to what extent her closeness to Mateo will reach. What’s important for her ay sana tangkilikin daw ng mga tao ang loveteam nila.
Kayo ba? OK ba ang Erich-Mateo tandem?
Gerald Anderson may 15 year old na gf..?!
It was reported in a tabloid that Gerald Anderson has a girlfriend…. And it’s not Kim Chiu.
May kumakalat na tsismis daw na Gerald is actually seeing a girl who’s 15 years old. Her name is Alianna Tan. Tsinita, tall and fair-skinned is what they use to describe the alleged girl.
And in the Friendster account of the girl is actually a photo of her and Gerald at may nag-report na isinakay pa daw ni Gerald itong girl na ito sa car niya.
Poor Kim.
Anyway, we don’t know if this is actually true. Showbuzzer tried calling Gerald himself as of this writing but he’s not picking up yet. I’m sure he will answer whether this issue is true or not, very soon.
But if you’re asking my opinion, I don’t think this is true. Showbuzzer has seen their sweetness behind the cameras and it’s very true. I remember how Gerald was fondly taking photos of myself and the other PBB Teens during the Big Night of Celebrity Edition 2. Matt Evans told Showbuzzer, “Tignan mo si Ge (Gerald). Talagang feel na feel ang camera.” I asked him why and Gerald sheepishly said, “Bigay ni Kim for Christmas.”
Naku ha! If that alleged photo of that girl in her Friendster is taken pa from that camera, lagot si Gerald!
Kristine Hermosa – na-tense kay Dina Bonnevie!

Alam niyo ban a bago lumabas si Kristine Hermosa sa interview niya in The Buzz to promote My Big Love ay na-tensyonado siya? Kasi may nagbulong sa kanya na may VTR interview daw si Dina Bonnevie before she comes out and tinanong ang mother ni Oyo Boy Sotto, the guy who’s currently being linked to Kristine about her. Na-tense si Kristine at nakita niya how Dina related the story na she asked point-blank Oyo Boy if there’s really something going on between the two of them. Of course, deny naman si Oyo Boy and Dina said how concerned she is for his son kasi baka mapa-hamak daw siya dahil kasal nga si Kristine kay Diether Ocampo. Anyway, speaking of Diether, hindi daw totoo na nagbalikan na sila kahit na madaming nakakakita silang magkasama palagi. Pahinga daw muna sa love si Kristine and that she’s enjoying lang her life.
Ang tanong ng bayan? True kaya iyan!



