The new face of pinoy entertainment
February 26th, 2008 at 12:11 am
Posted by joemer in Dennis Trillio, GMA, SCANDALS

Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang beauty queen at dating karelasyon ni Dennis Trillo na si Carlene Aguilar noong Linggo, February 24, after ng live interview niya sa showbiz talk show ng GMA-7 na Showbiz Central.

Masayang ibinalita ni Carlene na talagang maganda na ngayon ang relasyon nila ni Dennis, ang ama ng anak niyang si Calix Andreas.

Sabi ni Carlene, “Yung mga away namin before, hindi na namin pinag-uusapan. Nag-start kami na okay this year. Okay naman ngayon talaga. Mas okay ang relationship namin ngayon kesa dati.”

Kung nag-uusap man daw ngayon sila ni Dennis, nilinaw ni Carlene na para na lang ‘yon sa kanilang anak. Hindi raw nila napapag-usapan na magkabalikan pa sila.

“Walang tsansa na pag-usapan ‘yon kasi masyado kaming nae-excite sa pag-aalaga sa baby ‘pag magkasama kami with Calix,” banggit ng dating beauty queen.

Pagkatapos mapunta sa wala ang relasyon nila ni Dennis, hindi ba siya natatakot na magmahal uli?

“Siyempre, nakakatakot,” sagot ni Carlene. “Pero kailangan mong mag-take ng risk, hindi puwedeng matakot ka na lang palagi.”

Mula nang lumabas si Carlene at aminin niyang nagkaroon sila ng relasyon ni Dennis at nagkaanak siya rito, maraming nakapansin na bumaba ang popularity ng young actor. Tuloy, si Carlene ang sinisisi ng iba.

“Siguro hindi ako yung may kasalanan nun, so huwag nila akong sisihin,” pagtatanggol ni Carlene sa kanyang sarili. “Na kay Dennis yun kung paano niya gagawin, kung paano niya aayusin. Basta nasa kanya yun. And sana mabigyan siya ng fans niya ng chance.

“Kasi yun naman ang importante, kung paano kang babangon after yung mistake mo. Kasi siyempre, tao lang naman tayo na nagkakamali. Siyempre minsan galit lang din kaya nagagawa mo yung mga bagay-bagay na hindi mo ini-expect na magagawa mo. So, kailangan lang siguro ng mga taong intindihin siya kasi tao lang din naman siya,” paliwanag niya.

Pumangit na raw ang image ni Dennis mula nang lumabas sa publiko si Carlene at ipagsabi na may anak na sila. Ano ang reaksiyon dito ni Carlene?

“Five years kami na magkarelasyon and sinuportahan ko siya. Hindi ko sinabi na kami, wala kayong narinig sa akin. Pero siguro time lang na… Siguro dahil na rin sa baby na parang ipakilala ninyo ako, ganun,” aniya.

Wala ba siyang pagsisisi na nararamdaman sa ginawa niyang pag-amin ng tungkol sa kanila ni Dennis?

“Wala, kasi parang kailangan ko nang sabihin yung totoo. Kasi ako na yung naaagrabyado. And hindi ako yung klase ng tao na nagpapa-agrabyado. Hindi naman ako matapang. Pero alam ko lang kung saan ko ilulugar yung sarili ko, kung ano yung mga dapat kong gawin, saka kung kelan ko ipapakita yung, alam mo yun, tama na, ganyan,” pahayag ni Carlene.

Masasabi ba niyang wala na talaga siyang nararamdaman para kay Dennis?

“Hindi na po ako in love sa kanya as in a romantic ano,” sagot ni Carlene. “Siguro love dahil ang tagal ng pinagsamahan namin. ‘Tapos siyempre, kahit nag-aaway kami, alam n’yo yun, kailangan naming i-patch yung things kasi may baby kami, e. Hindi namin puwedeng alisin yun. And gusto ko kahit hiwalay kami, lumaki si Calix na alam niyang okay yung parents niya.”


February 26th, 2008 at 12:10 am
Posted by joemer in ABS-CBN, Gretchen Baretto, SCANDALS

Igretchen barrettopinalabas sa The Buzz noong Linggo, February 24, ang detalye ng pagwu-walkout ni Gretchen Barretto sa Entertainment Live! last Saturday, February 23.

Kitang-kita doon kung paano tinakpan ni Gretchen ang dalawang tenga niya habang pinapalabas ang VTR tungkol sa nakaalitan niyang si Nadia Montenegro.

Nagbago ang mood ni Gretchen hanggang sa bigla itong tumayo sa kalagitnaan ng VTR at nagdesisyong lumabas ng studio.

“Everybody has a choice in their life and my choice is not to listen to anything negative. So, that’s my choice,” pahayag ni Gretchen habang sinusundan ng crew ng The Buzz palabas ng studio.

“I don’t want to say anything nasty about her [Nadia],” patuloy niya. “Ayokong marinig. Iniwasan kong basahin ‘yan. Kahit ipinadala sa akin, tinapon ko, ayokong marinig. Sana naman respetuhin ako ng tao kung ayokong marinig dahil masakit ‘yon.

“Marami pa akong trabaho ngayon… That’s unfair and I hate something like that. It’s really unfair because I don’t want to say anything nasty about the people I love. Masama ng loob ko dahil ako nagge-guest ako, sana tratuhin ako ng tama.

“Sana walang bastusan. Walang sakitan. Masakit yung ginawa nila sa akin. Masakit ang umupo at marinig lahat ng mga sinasabing negative about sa akin,” hinanakit ng kontrobersiyal na aktres.

First time daw nangyari ‘yon kay Gretchen.

“Ako, professional akong tao. Hindi ako nale-late. Hindi ako nagrereklamo kahit ano ang trabaho ko. Huwag lang nila akong bastusin. Huwag nila akong sasaktan,” sabi pa niua.

Nang tanungin siya ng staff ng The Buzz kung nasaktan siya sa nangyari, ito ang sagot niya: “Hindi siguro. Tingnan ninyo, hindi ako nasasaktan. Okay ako.”

Sa kahilingan na rin ni Gretchen, tahimik na lang siyang sinundan ng The Buzz hanggang sumakay siya ng kanyang sasakyan.

Kasunod nito, nagpalabas ng official statement ang Entertainment Live! sa nangyaring pagwu-walkout ni Gretchen sa kanilang show. Narito ang kanilang pahayag:

“Ikinalulungkot ng staff and crew ng Entertainment Live! ang insidenteng nangyari kahapon na naging dahilan ng walkout ni Ms. Gretchen Barretto. Hindi po inaasahan ng programa na hahantong sa ganito ang pangyayari.

“Inilabas lamang ng Entertainment Live! sa VTR ang mga naging kaganapan ng nagdaang linggo kaugnay ng kontrobersiyang kinasasangkutan ni Ms. Barretto ayon sa mga detalyeng naglabasan sa mga diyaryo at telebisyon.

“Hindi inaasahan ng program ang naging pagtanggap ni Ms. Barretto sa kanyang narinig at nakita. Wala pong intensiyon ang Entertainment Live! na saktan ang damdamin niya.

“Ganun pa man, buong pagpapakumbaba na humihingi ng despensa ang lahat ng bumubuo ng Entertainment Live! kay Ms. Gretchen Barretto. Mananatiling laging bukas sa pagtanggap at pagsuporta sa kanya ang aming programa.”