The new face of pinoy entertainment
March 31st, 2008 at 3:40 am
Posted by joemer in ABS-CBN, GMA, SCANDALS

 Babalik na sa ABS mula GMA si Richard Gomez!

BUKOD sa iskandalo at kontrobersya, in na in pag-usapan sa showbiz kung sino sa Kapamilya talent ang lilipat sa GMA-7 and vice-versa. Parang hindi sikat, kundi ka natsi-tsismis na lilipat dahil ang ibig sabihin, walang interesado sa ‘yo.

Natsismis na lilipat sa ABS-CBN si Paolo Bediones ‘pag natapos na ang Tok Tok Tok sa May, pero itinanggi na niya ito. Nabalita ring babalik sa Ch. 2 si Richard Gomez at kabilang sa offer sa kanya’y sitcom nila ni Ai-Ai delas Alas at isang soap. Hindi pa namin nakakausap ang actor, kaya hindi pa namin makumpirma ang tungkol dito.


Sina Diether Ocampo at John Prats naman ang taga-Dos na nababalitang lilipat sa Ch. 7. Wala pang nakakapagtanong kay Diet tungkol sa isyu at sa kaso ni John, ewan kung nagbibiro, pero ito raw ang nagbabalitang lilipat siya sa Ch. 7. Ang tsika sa amin, hindi ito nag-renew ng contract sa Ch. 2, pero parang hindi niya kayang iwan du’n si Shaina Magdayao.

Mangyari po lamang na magiwan po kayo nang inyong kumento, tungkol sa
 usaping ito. Dahil dito po sa SHOWBIZZ TOP i-NEWS, laging pananaw nyo
 lang po ang siyang laging mahalaga at importante para sa amin.
 
for your comments, suggestion or complains (regarding the site) you can
 e-mail us at  



March 31st, 2008 at 3:35 am
Posted by joemer in GMA, Marian Rivera

Marian Rivera, inireklamo ng mga co-tenant sa isang condominium?

Naging laman ng mga diyaryo ang balita na diumano’y iniri-reklamo ng kanyang mga co-tenant sa tinutuluyang condominium sa may Boni Avenue Mandaluyong si Marian Rivera. Ginamit pa ng nasabing writer ang word na “palengkera” upang ilarawan ang pagiging maingay ni Marian kapag nasa kanyang unit ito kung saan panay din daw itong nakasinghal sa mga maintenance at security ng San Francisco Garden Condominium.

Ngunit lahat ng ito ay itinanggi ng co-tenant ni Marian. Sa pakikipag-usap ko sa isang tenant ng nasabing building na nagngangalang Jon Castañeda, sinabi nito na exaggerated ang nasabing balita dahil wala naman umano siyang nababalitaan na may nagreklamo kay Marian.


”Siguro may mga pagkakataon na nagalit si Marian dahil may mga bata na anak ng ibang tenant at ibang mga katulong na gusto sigurong magpa-autograph na pindot ng pindot ng doorbell sa unit nito tapos biglang magtatakbuhan. Eh, kahit naman sino magagalit talaga. Alam mo naman, mga 15-minutes na tulog, eh talagang ginto na sa kanya ‘yun.” Ang paliwanag ng co-tenant ni Marian.


Kung may isa man umanong dapat na sumama ang loob ay siya iyon ayon pa rin kay Jon dahil kinuha niyang Ninang ang aktres ng kanyang anak, ngunit hindi umano ito dumalo sa binyag at maging sa birthday ng kanyang anak. Ngunit naintindihan niya daw ito dahil nang magkasalubong ang kanilang mga kotse ay nagbaba ito ng salamin upang humingi ng dispensa sa kanya.


Maging ang Officer-in-charge ng security na si Mr. Timoy Hagunos ay itinanggi rin ang nasabing balita. Ayon dito, ni minsan ay hindi sila nakatikim ng panininghal mula kay Marian.


“Sa halos dalawang taon ko pong pagiging OIC dito ay wala naman po akong narinig na reklamo kay Marian. At kung may reklamo man ang ibang tenant, dapat po ako ang unang makakaalam dahil forwarded po sa amin ang mga reklamo ng mga tenant. Pero so far, wala naman po. At saka, kapag nginingitian naman po namin si Marian ay kumakaway naman po siya sa amin. Baka po paninira lang ang mga nasulat.” Ang paliwanag ni Timoy.

Samantala, aminado naman si Mr. Castañeda na nawalan na ng oras sa kanila si Marian, ngunit acceptable umano iyon dahil sa pagiging hectic ng schedule nito ngayon. Ngunit isa lamang umano ang kanilang masasabi, mabait na bata si Marian.

Mangyari po lamang na magiwan po kayo nang inyong kumento, tungkol sa
 usaping ito. Dahil dito po sa SHOWBIZZ TOP i-NEWS, laging pananaw nyo
 lang po ang siyang laging mahalaga at importante para sa amin.
 
for your comments, suggestion or complains (regarding the site) you can
 e-mail us at   
Maraming Maraming Salamat Po Sa Walang Sawa Nyong Pag Supporta Sa
 Amin!!!


March 31st, 2008 at 3:01 am
Posted by joemer in GMA

GMA-7’s Pinoy Idol Set to Premiere on April 5, 2008

 GMA-7's Pinoy Idol set to premiere on April 5, 2008

Pinoy Idol is the second franchise of Idol series in the Philippines. It is set to replace Associated Broadcasting Company’s (ABC) Philippine Idol, which was the first and the original franchise, after it was not been awarded by FremantleMedia to ABC for its supposed-to-be second season. GMA Network promoted Pinoy Idol as “the first Idol competition in the Philippines” during its New Year’s Eve 2007 Presentation, and therefore will not recognize Philippine Idol and its winner Mau Marcelo. It will be hosted by Raymond Gutierrez, with Ogie Alcasid (singer, songwriter, and record producer), Jolina Magdangal (singer and actress), and Wyngard Tracy (retired talent manager) as judges. The winner will receive P1 million, brand new car, a recording contract with Sony BMG Music Philippines, a television contract with GMA Network among other prizes. It is set to premiere on April 5, 2008

ABC was supposed to have the second season for Philippine Idol, as announced in a report in ABC’s late night news show Sentro. This was also announced by Marcelo during the concert of the first season’s final 12 at the Araneta Coliseum in late March 2007. However, rumors began to spread that Philippine Idol would not be having its second season in 2007 as planned, while major station GMA Network was planning to acquire the Idol franchise.Sources claimed that ABC incurred heavy losses in the previous season, primarily because of the low number of advertisement placements despite being a widely-followed show. ABC asserted that it was still under negotiation with FremantleMedia about the second season and had earmarked Asian Idol as its “big launch”, although there was a possibility that GMA was negotiating about Idol as well since the network already had local franchises of Celebrity Duets and Are You Smarter Than A 5th Grader?–both FremantleMedia franchises.

After several negotiations, FremantleMedia officially decided to move and to have the second season aired on GMA Network, slated for a 2008 premiere. FremantleMedia’s representative Geraldine Bravo said that it is “very fortunate” to find a new partner, while GMA Network’s Senior Vice President for Entertainment Wilma Galvante added that both parties have agreed that the network “has the experience, the resources, and the people to mount talent-search programs”.

ABC was reportedly sore about the deal, saying through its senior vice president for Corporate Affairs Terra Daffon that ABC was willing to buy only Idol with no other packages attached, but FremantleMedia has apparently found a better deal with GMA, “a giant” compared to their network which they described as a “Jack trying to climb the beanstalk”. ABC was also saddended by rumors that GMA would relaunch the show instead of recognizing the first season and therefore not acknowledging Mau Marcelo as the first Philippine Idol. Daffon commented that GMA’s move to acquire FremantleMedia programs was a complete turnaround from its previous vow not to “buy” any foreign franchise, and that it seemed set in battling rival ABS-CBN anew as the latter now has four franchises from Endemol. Galvante, meanwhile, countered that she will not back down from what she said that GMA will not “copy” foreign franchises completely, without making adjustments to entertain local viewers, which was different from her own statement over a year before that the GMA network didn’t need to “buy” a foreign franchise to put up their own talent searches.

Auditions

Auditions for Pinoy Idol was held in the following cities: Cagayan de Oro, Batangas City, Iloilo City, Cebu City, Davao City, Pasay, Dagupan, and Angeles. Auditions in Naga City were canceled for unknown reasons. Out of thousands of aspirants, 179 passed through the next round of eliminations.

Production

Louie Ignacio, who directs GMA’s variety program SOP Rules and was part of the network’s own singing competition Pinoy Pop Superstar, is slated to direct the first season of Pinoy Idol. Ryan Agoncillo, who hosted Philippine Idol, will not reprise his hosting stint due to his contract with rival network ABS-CBN. Likewise, Philippine Idol judge Ryan Cayabyab will not return to his jury duties not only because of his previous connections with ABS-CBN, but also because he accepted the offer to appear in Pinoy Dream Academy’s second season as its new “headmaster”.

Eventually, Pilita Corrales and Francis Magalona, both judges from Philippine Idol with connections to GMA 7, were not selected to reprise their jury duties in Pinoy Idol as those roles were given to Alcasid, Magdangal, and Tracy. Hosting chores were given to Raymond Gutierrez. Veteran TV host Paolo Bediones and singer-actress Regine Velasquez were considered for the role as Pinoy Idol host, but were rejected due to being overaged under Idol franchise standards.Additionally, FremantleMedia personnel did not want a singer like Velasquez to host the show so as not to take attention away from the eventual finalists. Meanwhile, GMA does not recognize Philippine Idol winner Marcelo as the first-season winner although her runners-up Jan Nieto and Gian Magdangal are both part of GMA’s roster. As their preparation for Pinoy Idol, GMA Network shelved all of their other talent search programs such as Celebrity Duets: Philippine Edition, Pinoy Pop Superstar, and StarStruck.Meanwhile, FremantleMedia has given GMA Network the right to broadcast Pinoy Idol on its U.S. cable channel GMA Pinoy TV.

Controversy

Early into the development of Pinoy Idol, there is a growing petition in online forums requesting for Ignacio’s exclusion as its program director primarily because of his frequent use of butterflies (whether live butterflies or having people wear butterfly wings) on every project he has directed. He commented that he would still stick to his “lucky trademark” and even taunted petitioners to direct the show and put beetles or mosquitoes on the set if that is what they want.

Mangyari po lamang na magiwan po kayo nang inyong kumento, tungkol sa
 usaping ito. Dahil dito po sa SHOWBIZZ TOP i-NEWS, laging pananaw nyo
 lang po ang siyang laging mahalaga at importante para sa amin.
 
for your comments, suggestion or complains (regarding the site) you can
 e-mail us at  



March 31st, 2008 at 2:47 am
Posted by joemer in Gabby Concepcion, SCANDALS

 Mayor Lim to check if 1994 Filmfest scam case in Manila has been dropped

Inabutan ng PEP (Philippine Entertainment Portal) na nagdi-dinner si Manila Mayor Alfredo Lim sa formal grand opening ng bagong Ozeano Fusion restaurant sa Manila Ocean Park sa likod ng Quirino Grandstand sa Luneta kagabi, March 30.

That time, katatapos lang ng first live interview sa The Buzz ni Gabby Concepcion, na nagbalik sa Pilipinas pagkatapos ng 13 years kahapon lang din ng madaling-araw.

Si Mayor Lim din ang punong-bayan ng lungsod ng Maynila nang maganap ang Manila Film Festival (MMF) scam noong 1994, kung saan nadawit si Gabby.

Ang dati niyang manager niya na si Lolit Solis ang nagmaniobra ng resulta ng awards night kaya nanalo si Gabby bilang best actor para sa pelikulang Loretta; si Edu Manzano ang totoong nanalo.

Matatandaan na isa sa mga banta sa pagbabalik ni Gabby sa Pilipinas ay ang nakaumang na kasong hindi pa rin niya nase-settle sa Maynila. Kaya ang usap-usapan, kapag dumating sa airport ng Pilipinas si Gabby ay posible maposasan ang aktor-na hindi naman nangyari.

Kinuha ng PEP ang pahayag ni Mayor Lim tungkol sa kaso ni Gabby.

“Ang pagkakaalam ko niyan, this has to be verified, ha… Kasi ang tagal na niyan. Ang alam ko, hindi siya kasama sa nademanda at tapos na naman ang kaso, e,” sabi ni Mayor Lim.

Ayon pa sa mayor ng Manila, na-drop na raw yung case sa ibang personalities na nadawit sa MMFF scam kaya na-drop na rin daw yung case ni Gabby.

“But not in my time ha,” paglilinaw ni Mayor Lim. “In my time, si Lolit Solis, nag-plead guilty at nabigyan siya ng sentensiya under the probation law. Aba’y nung time na ni [former Manila Mayor] Atienza, parang na-dismissed.”

Kaya sa pagkakaalam ni Mayor Lim, wala nang kinakaharap na kaso si Gabby ngayon.

“Ang alam ko wala, e. Dangan kasi nandun lang siya sa audience. Wala naman siyang participation sa stage. Ang nademanda ay yun lang nasa stage,” paliwanag ni Mayor Lim.

Matatandaan na nasangkot din sa kaso sina Ruffa Gutierrez at ang kapatid nitong si Rocky, ang Miss Universe contestant from Mauritius na si Viveca Babajee, ang co-artist ni Gabby sa bakuran noon ni Manay Lolit na si Nanette Medved, at si Gretchen Barretto.

Pero bago umalis si Gabby papuntang Amerika ay may pinasabog siya tungkol sa kanyang dating manager at tila nagsisi sa naging partisipasyon niya dahil sa pagpayag niya sa kagustuhan diumano ni Lolit.

“Kaya nga, because of the length of time, I’m not so sure. But I’m going to verify tomorrow. Kung gusto ninyo, mga one o’ clock we’ll check sa [Manila] City Hall. Para to be fair with them kasi baka may masabi ako na hindi tama. Kailangan accurate,” maingat na pahayag ni Mayor Lim.

Sa huli, nagbigay ng mensahe si Mayor Lim sa pagbabalik ni Gabby sa Pilipinas.

“Ang sa akin, kung nagsisisi na siya and start a new life, let’s give him a chance,”

Mangyari po lamang na magiwan po kayo nang inyong kumento, tungkol sa
 usaping ito. Dahil dito po sa SHOWBIZZ TOP i-NEWS, laging pananaw nyo
 lang po ang siyang laging mahalaga at importante para sa amin.
 
for your comments, suggestion or complains (regarding the site) you can
 e-mail us at  

March 31st, 2008 at 2:44 am
Posted by joemer in GMA, Gabby Concepcion

 Gabby Concepcion back in town after 13 years

Former matinee idol Gabby Concepcion has returned to the country after a 13-year stay in the United States.

Concepcion arrived at the Ninoy Aquino International Airport Centennial Terminal 2 at 3:26 a.m. on board a Boeing 744 airplane of the Philippine Airlines Flight PR 105 from San Francisco, USA.

GMA’s Flash Report reported Sunday that Concepcion was accompanied by movie producer Rose Flaminiano of FLT Films and was greeted by his fans who brought along a welcome banner and flowers for him.

The report quoted Concepcion as saying he missed the Philippines, particularly his friends in the show business.

Concepcion also said he wanted to be with his family. He, however, did not answer questions if he will be doing a movie in the country.

Gabby recently decided to back out from the comeback movie he is supposed to do with Jolina Magdangal. Last year, the actor signed a contract with GMA Films for the said movie.

The actor left the Philippines 13 years ago at the height of the Manila Film Festival controversy involving his then manager Lolit Solis.

Mangyari po lamang na magiwan po kayo nang inyong kumento, tungkol sa
 usaping ito. Dahil dito po sa SHOWBIZZ TOP i-NEWS, laging pananaw nyo
 lang po ang siyang laging mahalaga at importante para sa amin.
 
for your comments, suggestion or complains (regarding the site) you can
 e-mail us at  

March 31st, 2008 at 2:43 am
Posted by joemer in GMA, SCANDALS

 Rudy responding positively to therapy - Lorna Tolentino

Actress Lorna Tolentino on Saturday said her husband Rudy Fernandez is responding positively to the Rexin-G therapy.

“So far yung result (ng therapy) very positive…everything is stable,” she said in a phone patch interview with Startalk co hosts Butch Francisco, Lolit Solis and Joey de Leon.

Rudy and Lorna are now in Los Angeles for the actor’s therapy.

In the same interview, Rudy said he now compares his body to a battery.

“Kinoconsider ko nga yung sarili ko low batt, medium batt, fully charged. Pag bagong infusion nagiging medium to fully charged ako. May mga times na pagkagising mo masama ang katawan mo, minsan pag me pains na nararamdaman sa likod nalo-low batt ka which is natural,” he told Startalk.

“Yung Rexin-G is doing well sa sistema ko. Mukhang lumalakas ako pagkatapos ng infusion,” he added.

Lorna said they have to stay in Los Angeles, California, for another month as they still have to compare the results of the therapy.

“After n’un mako-compare na yung dating therapy sa latest (sessions) so kailangan talaga mag stay for a month. Second cycle na kasi yung Rexin-G therapy,” she added.

Rudy said they might return to the country in late April.

The couple also thanked the Filipinos in Los Angeles who have been helping her and Rudy.

“Nagpapasalamat kami sa lahat ng mga Filipino na tumutulong sa amin, friends namin, naghahatid sa amin doon,” Lorna said.

For his part, Rudy said: “Maraming salamat sa lahat ng nagdarasal. Sana ipagpatuloy nila yung mga pagdarasal, kailangang kailangan ko po yun.”

Mangyari po lamang na magiwan po kayo nang inyong kumento, tungkol sa
 usaping ito. Dahil dito po sa SHOWBIZZ TOP i-NEWS, laging pananaw nyo
 lang po ang siyang laging mahalaga at importante para sa amin.
 
for your comments, suggestion or complains (regarding the site) you can
 e-mail us at  

March 31st, 2008 at 2:39 am
Posted by joemer in ABS-CBN, GMA, Gabby Concepcion

 Gabby Concepcion is an exclusive Kapamilya star, but will honor commitment with GMA Films

Gabby Concepcion is an exclusive Kapamilya star, but will honor commitment with GMA Films

Sa dinami-rami ng showbiz personalities na sumubok himukin si Gabby Concepcion na bumalik ng Pilipinas at umarte ulit, bukod-tanging ang FLT Films showbiz personalities na sumubok himukin si Gabby Concepcion na bumalik ng Pilipinas at umarte ulit, bukod-tanging ang FLT Films producer na si Mrs. Rose Flaminiano ang nakapagkumbinsi sa aktor pagkatapos ng 13 years. Kasabay na dumating ni Gabby si Mrs. Flaminiano kahapon ng madaling-araw, March 30.

Mas kilala si Mrs. Flaminiano sa showbiz bilang si Mommy Rose. Marami na rin siyang na-produce na malalaking pelikula sa industriya na pinagbidahan ng mga bigating artista gaya nina Rudy Fernandez at Robin Padilla. Ang huling pelikula na iprinodyus ni Mommy Rose ay ang life story ng boxing champ na si Manny Pacquiao na pinagbidahan ni Jericho Rosales.

GABBY’S NEW MANAGER. Pagkatapos ng interview ni Gabby sa The Buzz kahapon, nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Mommy Rose sa loob ng dressing room upang alamin ang mga detalye ng pagbabalik ng kontrobersiyal na aktor sa Pilipinas at muling umarte sa telebisyon at pelikula.

Paano nga ba na nakumbinsi si Gabby na bumalik na ng Pilipinas?

“Siyempre, meron akong convincing power, di ba?” birong seryoso ni Mommy Rose. “Sinabi ko sa kanya na guwapo pa siya, puwede pa siya sa pelikula. ‘Talaga bang guwapo pa ako, Mommy? Ako pa rin ba talaga ‘yung Gabby?’

“Sabi ko sa kanya, ‘Puwedeng-puwede ka pa, Gabby. Naniniwala ka ba sa akin?’ ‘Gusto ko nang maniwala, Mommy. Sasama na ako sa ‘yo,” sagot naman daw ni Gabby sa kanya.

Kailan nangyari ito?

Kuwento ni Mommy Rose, “Nung October 4 last year, nagkita kami sa Hawaii.’ Tapos nagkaroon ng fight nga, yung kay Manny Pacquiao at Antonio Barrera. Nag-fight, then nung kuwan na yun…nag-Pasko, nag-Bagong Taon, doon ko lang siya natawagan. January 25, sabi ko pupuntahan kita. Isasama na kita sa Pilipinas.

“E, ngayon, sabi niya sa akin, ‘Sige, Mommy, magliligpit lang ako. Sasama ako sa ‘yo. Basta puntahan mo ako ng March 28. Kaya’t narito kami. Diniretso ko siya sa ABS-CBN.”

Kailan siya officially naging manager ni Gabby?

“Nung pinadala niya ako nung January 26. Tapos na siyang pumirma sa GMA.”

Sa kauna-unahang live appearance ni Gabby sa The Buzz kahapon nakita ni Mommy Rose ang reception ng publiko tao sa aktor. Ano ang naramdaman niya bilang bagong manager ni Gabby?

“Syempre, natutuwa ako, maluha-luha rin ako,” sabi niya. “Hindi ako napahiya sa kanya na siya’y talagang marami pa ring fans. Kasi nararamdaman ko, e. Mga kaibigan ko na dadalhin ko si Gabby, tuwang-tuwa sila. Kaya ultimo si Gabby, naluluha kanina dahil yung pagtanggap talaga sa kanya nung guests ninyo, mga audience, talagang doon mo makikita na marami pa rin siyang…marami pa rin ang nagkakagusto sa kanya.”

CONFLICT BETWEEN ABS-CBN & GMA-7. Nakipag-usap na rin ba si Mommy Rose sa ABS-CBN nung time na kinakausap na niya si Gabby sa Amerika?

“Oo, nag-usap na kami ni Malou [Santos, managing director ng Star Cinema] nung January ng taong ito,” pagkumpirma ng film producer. “E, nakita ko naman na kuwan siya, si Malou, interesado sila kay Gabby. In fact, kahit sa GMA nakipag-usap din ako dahil doon sa pelikula sa abroad. Yung gagawin nila sa abroad kasi nakapirma si Gabby doon nung last September with Jolina ng isang picture contract. Pero sa abroad gagawin.”

Sino ang nakipag-negotiate kay Gabby para sa GMA-7 movie niya?

“Isang kaibigan ata niya sa Amerika,” sagot ni Mommy Rose.

Hindi kaya magkaroon ng conflict ngayong may kontrata siya sa Star Cinema at the same time, meron din sa GMA Films?

“Ah, walang problema, iho-honor namin,” paniniguro niya. “Ako naman, sinabi ko iho-honor namin. Kaya lang, nagkataon yung script, hindi niya [Gabby] talaga gusto. ‘Tsaka kung maghihintay pa siya, naroon na raw yung cruise, kailangan na raw dumating si Gabby. Sabi ni Gabby, ‘Kung hindi ko naman gusto…’ Alam mo naman si Gabby, siyempre gusto naman niya yung maganda dahil comeback niya, e.

“Kaya sabi niya, ‘Mommy, sige kung ano ang gusto mong gawin ko porke ikaw ang manager ko, gagawin ko.’ E, nakipag-usap ako kay Malou, nagbigay si Malou ng sunud-sunod na pelikula.”

Nagtampo raw ang supposed to be kasama ni Gabby sa pelikula sa GMA Films na si Jolina Magdangal dahil sa pagba-backout nito na gawin ang project. Kasunod nito, lumabas ang balitan marami rin daw demands si Gabby. Ano ang reaksiyon dito ni Mommy Rose?

“Ah, hindi. Hindi ako naniniwala doon,” sabi niya. “Ganun lang siguro dahil nga, siyempre ang hinihingi ni Gabby, matinong script. Ang gusto niya kung comeback niya, comeback niya talaga. Yung pagbabalik niya, like si Robin Padilla noon at si Maricel [Soriano]. Robin at Maricel yun.

“Medyo nagtampo si Maricel sa akin noon dahil ang gusto niya, ‘Maricel Soriano and Robin Padilla’ [sa billing]. Komo comeback ni Robin kaya nagdesisyon ako na ‘Robin Padilla and Maricel Soriano’ na hanggang ngayon ay sana mapatawad naman ako ni Maricel Soriano doon. Dahil yun kasi ang parang naramdaman ko noon kay Robin, porke comeback niya, dapat mauna ang pangalan niya sa billing. Ganun din ang nararamdaman ko for Gabby. Pero walang demands si Gabby.”

Wala rin bang dapat ipagtampo ang kampo ni Jolina, lalo na ang ama nito na si Mr. Jun Magdangal, kay Gabby?

“Ang pagtatampo lang niyan, e, bakit hindi natuloy. Yun lang ‘yon,” sambit ng manager ni Gabby.

Hindi kaya magkagulo sa schedule ni Gabby kapag gumagawa na siya ng teleserye sa ABS-CBN at saka naman ipagagawa sa kanya ang commitment niya sa GMA Films?

“Hindi, kasi ang movie niya sa GMA gagawin sa abroad ‘yon, not in the Philippines. Siyempre yung sa akin, dito sa Pilipnas. Kaya kung gagawa siya ng pelikula sa GMA, abroad. Nakalagay yun sa kontrata, 100 percent.

Dagdag pa niya, “Basta iho-honor namin. Basta maganda ang script, gagawin niya ‘yon.”

Bukod sa GMA Films, may offer din ba na show for TV si Gabby mula sa Kapuso network?

“Oo, teleserye din at meron ding pelikula,” pag-amin ni Mommy Rose. “Kanya lang, medyo sabi sa akin ng GMA, kausapin naming maigi. Pagdating ko…kasi I was in Ilocos that time, pagdating ko tinawagan ko sila. Hindi na nga ako nakatawag dahil si Malou nagsara na kami.”

ABS-CBN IS GABBY’S PRIORITY. Dahil may network war, posible na mag-uunahan sa schedule ni Gabby para sa kanyang first movie appearance pagkatapos niyang umalis ng bansa noong 1995.

“Hindi, mauuna talaga ang ABS-CBN,” giit ni Mommy Rose. “Alam ng ABS-CBN may pinirmahan si Gabby [sa GMA Films]. Pero ako, bilang manager, uunahin ko ang ABS-CBN dahil kailangan na naming mag-shoot dahil naayos na namin ang script ng first movie ni Gabby sa Star [Cinema].”

Hindi naman kaya maipit niyan ulit si Gabby dahil sa dalawang commitment niya sa pelikula?

“Hindi naman siguro. Wala akong makitang magkakaproblema dahil makakuha naman lahat ‘yan sa magandang usapan,” sagot niya.

Sino ang makakasama ni Gabby sa kanyang first movie project sa Star Cinema?

“Si Claudine Baretto” diretsong sagot ni Mommy Rose. “Pero untitled pa, e. Si Maryo J. [de los Reyes] ang magdidirek.”

More or less, ano ang takbo ng istorya?

“Mahina ako sa istorya, pero love story,” sagot ng film producer at talent manager.

Sa April 20 daw ang simula ng shooting ni Gabby para sa pelikula niya with Claudine.

Ilan ang gagawin niya sa Star Cinema at ABS-CBN?

“Yung teleserye niya, meron siya for two years at saka yung kanyang pelikula, bale apat yun for two years.”

Ibig bang sabihin nito ay tuluy-tuloy na ang pananatili dito sa Pilipinas ni Gabby?

“Actually, hindi pa kami nag-uusap kung siya mag-i-stay dito. Pero tingin ko, mag-i-stay siya rito. Maaaring bisitahin niya ang pamilya niya sa Amerika, ‘tapos balik siya rito. Nag-e-enjoy naman siya.”

Magsisimula naman si Gabby mag-taping para sa show niya sa ABS-CBN byApril. Then, sunud-sunod na raw ‘yon.

“Yung April niya, supposedly yun ang pelikula. Kaya lang, baka mauna MMK [Maalaala Mo Kaya] kay Ate Charo. Magge-guest muna siya.”

Wala pa raw material na alam nila na gagawin ni Gabby para sa Maalaala Mo Kaya. But definitely, hindi ito life story ni Gabby.

“Ginagawa pa nila yung script. Kasi kararating lang namin. Nagtapos kami kailan lang? Alam mo, nung umalis ako papuntang U.S. nung March 23, doon pa lang kami nagpirmahan ni Ms. Malou,” lahad ni Mommy Rose.

Bakit sa ABS-CBN ang ginawa niyang priority?

“Kasi siyempre, hindi na ako bago dito sa ABS-CBN. Kami nga ni Robin, di ba? O, ilan ang nagawa ko rito? Apat [na co-produced movies] pati yung kay Manny Pacquiao. Hindi na ako stanger dito sa ABS-CBN,” saad niya.

Mas at home siyang kausap ang ABS-CBN kesa sa iba?

“Naman! Parang tumapak ako sa sarili kong bahay,” sabi ni Mommy Rose.

THE MEETING. From the airport, nagkaroon ng pag-uusap sa isang breakfast meeting sa Manila Pen sina Gabby, Mommy Rose, at si Malou.

“Ah, syempre, napag-usapan nilang dalawa na pinatotohanan ni Malou kung ano yung pinirmahan namin. Kasi nga si Gabby, ang sabi niya kay Malou, ‘Kung ano ang gusto ni Mommy Rose, ‘yan ang masusunod.’ Kaya sinabi namin kung ano yung napagpirmahan namin, okay na kay Gabby.”

Big-time producer din si Mommy Rose, bakit hindi na lang sa sarili niyang movie outfit gumawa si Gabby ng kanyang pelikula?

“Well, meron din sa FLT, kaya lang inuuna ko rin ang ABS-CBN. Alam mo naman ang promo ninyo at ang paggawa ng pelikula, terrible!” banggit niya.

Napag-usapan din ba nila ni Malou kung may project na gagawin si Gabby kasama ang kanyang anak na si KC Concepcion o ang dati nitong asawa na si Sharon Cuneta?

“Yeah, with KC,” sagot ni Mommy Rose.

Pero sinabi ni KC na uunahin muna niyang gawin ang movie with her mom bago sila ng ama niya.

“Wala akong alam doon. Basta si Gabby, Kapamilya. Gagawa siya ng pelikula. Exclusive siya dito sa ABS-CBN, yun,” giit ni Mommy Rose.

FIVE-YEAR CONTRACT. Nabanggit din ni Mommy Rose sa PEP na limang taon ang kontrata sa kanya ni Gabby bilang manager. Dalawang taon na nakatali si Gabby sa ABS-CBN at Star Cinema. After two years, may plano na ba siya for Gabby?

“Aayusin ko pa rin yung mga aktibidades niya. Maraming offer, napakaraming offer.”

Tapos na raw ang pirmahan nila ni Malou, pero magkakaroon pa raw ulit ng final signing of contract with the new ABS-CBN President Charo Santos Concio.

Hindi naman kaya magkaroon sila ng conflict ng dating manager ni Gabby na si Lolit Solis?

“Hindi, tingin ko. Bakit naman? Kasi natatandaan ko, magkakasama kami nina LT [Lorna Tolentino], at Daboy… Sabi ni LT, ‘Naku, Mommy, mahihirapan kang kumbinsihin ‘yan [Gabby].’ Kasi sabi niya, ‘Ang tagal na naming gustong interbyuhin ‘yan, ayaw. E, what more ‘yung babalik?’

“Sabi ko naman kay LT, ‘Alam mo LT, may bertud ako riyan. Kaya ko ‘yan.’ Sabi naman ni Daboy, ‘Naku, Mommy, ‘pag napapayag mo ‘yan, bilib na bilib na ako sa ‘yo.’ Kaya bilib na bilib si Daboy sa akin.

“Tinawagan ko ngayon si Daboy, magkasama kami ni Gabby. ‘Daboy, kasama ko si Gabby, pabalik na kami ng Maynila. Narito na kami sa airport.’ ‘Talaga, Mommy? Nawala ata ang sakit ko, ah. Totoo ba ‘yan?’ Kahapon ‘yan, nung March 28, 28 doon [sa Amerika], 29 dito [sa Pilipinas]. Sabi niya, ‘Naku, Mommy, talaga namang grabe ka! Ang daming kumukumbinsi diyan, ikaw lang ang nakapagpapayag.’

“Siguro medyo naawa rin sa akin [si Gabby]. Nakakawa ang hitsura ko, e,” biro ni Mommy Rose.

Wala kayang usapang pera kaya niya nakumbinsi si Gabby?

“Wala, walang usapang pera,” sagot niya.

Magkano ang worth ng kontrata niya sa ABS-CBN at Star Cinema for two years?

“Malaki,” bitin na sgaot ni Mommy.

P50 million ba?

“More than.”

P100 million?

“Less than.”

Magkano naman ang kumisyon niya bilang manager ni Gabby?

“Ako? Ewan ko.”

Tulad din ba ng ibang manager na 20 percent din ang kukunin niyang commission kay Gabby sa bawat proyekto na gagawin niya?

“Oo, I get 20 percent, yun naman ang standard. Sabi pa nga niya, 30 percent. Pero sabi ko, ‘Huwag naman, Gabby. Gabby ka na, e. Hindi ka naman bagong artista,’” pagtatapos ni Mommy Rose.

 

Mangyari po lamang na magiwan po kayo nang inyong kumento, tungkol sa
 usaping ito. Dahil dito po sa SHOWBIZZ TOP i-NEWS, laging pananaw nyo
 lang po ang siyang laging mahalaga at importante para sa amin.
 
for your comments, suggestion or complains (regarding the site) you can
 e-mail us at  

March 31st, 2008 at 2:36 am
Posted by joemer in ABS-CBN, GMA, Gabby Concepcion

 Gabby to sign with ABS-CBN despite contract with GMA Films

MANILA, Philippines—Gabby Concepcion will soon become a “kapamilya” as part of the ABS-CBN roster of talents, the actor announced in ABS-CBN footage aired over the show biz talk show “The Buzz”, when he arrived in Manila Sunday morning after a 13-year hiatus leading a private life in the United States.

Concepcion’s new manager, film producer Rose Flaminiano, also confirmed this in a separate taped interview with “The Buzz.”

Details of any concrete agreements however were not yet disclosed.

In a live interview over “The Buzz” on Sunday, Concepcion said he had “made peace” with former wife Sharon Cuneta and would “look forward” to a film project with her and daughter KC Concepcion.

He also disclosed reconciling with former talent manager Lolit Solis before the Manny Pacquiao-Juan Manuel Marquez fight in Las Vegas when she approached and greeted him. Solis was named in City of Manila charges as the mastermind of the 1994 Manila Film Fest scam, in which he and Gutierrez were wrongly given acting awards. Concepcion left for the U.S. the following year “to start a new life,” he told “The Buzz” on Sunday.

Accompanied by Flaminiano, Concepcion greeted reporters at the Ninoy Aquino International Airport arrival area and said he was in the country to visit his ailing father and attend KC’s birthday celebration. While he announced his upcoming deal with ABS-CBN, he said there were no definite plans yet on his show biz comeback.

Concepcion was supposed to play the lead male character in a GMA Films project to be shot in Europe but backed out after he allegedly did not like the script. According to GMA Films producer Annette Gozon-Abrogar, Concepcion is still under contract with film company.

Concepcion said in “The Buzz” interview on Sunday said that he would honor the commitment despite his upcoming deal with ABS-CBN, GMA’s rival network.

 

Mangyari po lamang na magiwan po kayo nang inyong kumento, tungkol sa
 usaping ito. Dahil dito po sa SHOWBIZZ TOP i-NEWS, laging pananaw nyo
 lang po ang siyang laging mahalaga at importante para sa amin.
 
for your comments, suggestion or complains (regarding the site) you can
 e-mail us at  

March 31st, 2008 at 2:35 am
Posted by joemer in ABS-CBN, Gabby Concepcion
Gabby Concepcion: “Masarap maging Kapamilya!”
BuzzGabby“Bakit ang gwapo mo?” was Boy Abunda’s first question to Gabby Concepcion, who was greeted with screams and cheers as soon as he entered the The Buzz studio this afternoon. Having landed in the country just a few hours ago from the USA, Gabby had no qualms in facing the press and answering Boy’s no-hold’s barred questions. Rose Flaminano, Gabby’s manager told The Buzz that Gabby is indeed a Kapamilya now and the actor even jovially exclaimed “Masarap maging Kapamilya!”

Gabby first explained to Boy during his interview the reason why he has been silent and absent from the limelight all this years. “Well, nung umalis ako nung ‘95, nilagay ko na yung sa likod ko. ‘Di naman lahat ng tao successful sa showbiz and I felt I had my time, 13 years was enough. I have to move on. Kaya nuong umalis ako, I have decided (to do that).” He also recounted how BuzzGabbyhard life was when he started to rebuild his life abroad. “Mahirap, mabigat, masakit. Maghihirap tayo talaga because yung naipon ko sa showbiz, di naman pwede tumagal yun. Just like anybody else, maghahanap ka ng income, pero bago mo makuha kelangan meron kang natapos. Sabi ko kelangan may pinagaralan ako para maging successful.” Gabby then took a double course in business at the LincolnUniversity and after a few years, eventually ended up as one of the Top 10 realtors in California. Although it was a tough life for him, Gabby shared that he was also happy with what has happened to him. “Gagawan mo ng paraan para sumaya ka at saka the success stories, your achievments, it makes you happy and stronger.”

BuzzGabyWhat made him decide to return to his homeland? Well, Gabby said that there are a couple of reasons why he knew it was time to go back but first and foremost on the list is his father’s dwindling health. When asked about him doing a film for GMA 7, Gabby said he is also honoring his commitment to the network. “Sana matuloy. May konting conflict pero di ko tinatanggihan na gumawa ng commitment na pinasukan ko.”With no exact date when this project will push through, there were rumors that he rejected the script because it was not about him at all. Gabby clarified why the movie was not to be his comeback vehicle. “ Kung ito nga’y magiging comeback (movie) it really has to be a comeback. Kung di ko magiging comeback (movie) bakit ko gagawin? But I am honoring the commitment.” The actor also revealed that he has already talked to Star Cinema head Malou Santos and his projects for the Kapamilya network has yet to be finalized. “I am excited dahil alam ko kung paano gumawa ang Channel 2,” he said enthusiastically.

BuzzGabbyWith the subject of leading ladies brought up, Gabby had to smile when the audience chanted his ex-wife’s name. “Sharon has been a part of my life. Of course, I wanna do a movie with her. I’d love to do a movie with KC too. Sharon is the mother of my daughter and it would be nice if we could do something together. Of course maraming intrigang papasok diyan, sabi nga ni Sharon, paglalaruan lang pero kung maiiwasan yun, why not? Pakita natin sa tao dahil ‘yun naman ang gusto nila.” Gabby said. He also stated that issues between him and Sharon had been settled a long time ago and if there is anything that needs to be talked he is willing to do so. “That’s all in the past. Kung may nagawa man akong kasalanan kay Sharon or sa ibang tao nandito ako para humingi ng pagpapatawad.” On his daughter’s decision to join show business, Gabby admits he’s very supportive of her aspirations. “Open naman ako. Ang mama at papa niya nasa showbiz, kaya posible naman yun. Kahit anong gusto niya, suporta ako.”

BuzzGabyAs for burying the hatchet with showbiz host/columnist Lolit Solis, Gabby divulged that he has talked to his former manager and everything’s alright with them. They unexpectedly met in Manny Pacquiao’s match in Las Vegas and have talked about their unfinished business. “Wala na kaming tampuhan…unexpected yung pagkikita naming pero naayos na. Sabi pa nga niya ‘O bati na tayo, penge ng $100!’” Gabby said jokingly. “Biro lang, Manay, I love you!”

At the end of his interview, Gabby tells Boy about the biggest lesson he has learned during his absence from the limelight. “The US is humbling. Wala kang kasama, wala kang alalay, ikaw ang gagawa ng lahat. Walang tutulong sa ‘yo kundi sarili mo. Dun ko nakita sadsad ka pero babangon ka rin dahil sa sarili mong gawa. Malalaman mo lang yun pagnapadpad ka dun. Do not neglect the people you left, met up there, they are the same people you will meet down there,” the actor said. Gabby ended by thanking the people who has been with him through thick and thin, and God who has given him the strength to continue on with his life.

Mangyari po lamang na magiwan po kayo nang inyong kumento, tungkol sa
 usaping ito. Dahil dito po sa SHOWBIZZ TOP i-NEWS, laging pananaw nyo
 lang po ang siyang laging mahalaga at importante para sa amin.
 
for your comments, suggestion or complains (regarding the site) you can
 e-mail us at  

March 31st, 2008 at 2:33 am
Posted by joemer in ABS-CBN, GMA, Gabby Concepcion, SCANDALS

Gabby ‘di puwedeng gumawa ng movie sa Star Cinema???

Sa pagbabalik ng bansa ni Gabby Concepcion, makipagkita kaya siya kina GMA Films President Annette Gozon-Abrogar at kay Mr. Jun Magdangal? Galit sa kanya ang ama ni Jolina Magdangal, dahil sa pagba-backout nito sa pelikulang co-producer ang mga Magdangal.

Sa presscon ng Pinoy Idol, maigting na, “Wala na akong pakialam sa kanya,” ang sagot nito sa mga nagtatanong tungkol sa actor. Nagpahayag din ng disappointment si Jolina sa ginawa ng actor na kung kailan magsisimula na ang shooting ay saka nag-backout.

Umaasa naman si Ms. Annette na tutuparin ni Gabby ang pinirmahang kontrata sa GMA Films. Sabi nito: “He signed a contract with us and we would like to think that he is a very honorable man to respect and fulfill his contract with us.”

Paano kung sa Star Cinema gumawa ng movie si Gabby?

“May provision sa contact niya that he can’t work with any film company until natapos niya ang movie sa amin. Tatakbo ‘yun from the start of the production up to three months after the theatrical exhibition of the movie. May option din sa contract niya na ang second movie niya is with us. He has full authority of the contract at walang involved na ibang tao roon,” pahayag ni Ms. Annette.

Ang ikinatutuwa lang ni Ms. Annette, open pa rin ang communication line nila with Gabby, nagti-text ito at nagbibigay ng update sa future plans niya nung nasa Amerika pa ito. Ngayong nasa bansa na ito, makipagkita at makipag-usap kaya ito sa kanya? Hindi sumama ang producer sa Italy sa shooting ng I.T.A.L.Y., kaya mahaharap niya ang actor pag ginustong makipag-usap sa kanya.

 

Mangyari po lamang na magiwan po kayo nang inyong kumento, tungkol sa
 usaping ito. Dahil dito po sa SHOWBIZZ TOP i-NEWS, laging pananaw nyo
 lang po ang siyang laging mahalaga at importante para sa amin.
 
for your comments, suggestion or complains (regarding the site) you can
 e-mail us at  

March 31st, 2008 at 2:31 am
Posted by joemer in ABS-CBN, Gabby Concepcion

Gabby Concepcion back in the Philippines after 13 years

Actor Gabby Concepcion is back in the Philippines after a self-imposed, 13-year “exile” in the United States following the 1994 Manila Film Festival scandal. It was Concepcion who blew the whistle on an attempt by his own manager Lolit Solis to manipulate the results of the film festival awards.

Concepcion arrived at the Ninoy Aquino International Airport Centennial Terminal 2 at 3:26 in the morning Sunday from San Francisco in the United States.

The actor told reporters that he returned to the Philippines for the sake of his father Rolando, who is struggling with serious illness and already wheelchair-bound, and to attend the birthday of his daughter KC, who is not one of the hottest new young stars in Philippine showbiz today.

In the 1994 film festival awards, the winners announced for Best Actor and Best Actress were Gabby Concepcion and Ruffa Gutierrez. The scandal erupted when it was later learned that the real winners were supposed to be Edu Manzano and Aiko Melendez.

A subsequent investigation showed that several awards presenters, including Miss Mauritius Viveka Babajee and Rocky Gutierrez, conspired to switch the real envelopes containing the real winners’ names, with other envelopes prepared by Solis. The fake envelopes contained the names of Concepcion and Gutierrez.

Two unforgetable videos from that scam include that of a tearful Concepcion talking to reporters and implicating his Solis as the mastermind, and the awards clip showing an enthusiastic Babajee reading Ruffa’s name off the fake envelope as the Best Actress winner.

After calling out Ruffa’s name, Babajee even egged her on to go onstage and get the award, saying, “Take it! Take it”. It became a popular catch-phrase for a time among Filipinos.

That same clip also shows Rocky’s hand surreptitiously snaking across the podium, grabbing the real envelope, crumpling it and placing it in his pocket.

Babajee quickly left the Philippines after the scandal broke. Concepcion also went to the United States. Gutierrez matriarch Annabelle Rama later told reporters that her son Rocky was traumatized and had to undergo psychiatric support. Solis ended up in the hospital after an attack of hypertension.

Solis later bore the brunt of the legal consequences of the scam after she was convicted for her attempt to sabotage the results of the film festival.

 

Mangyari po lamang na magiwan po kayo nang inyong kumento, tungkol sa
 usaping ito. Dahil dito po sa SHOWBIZZ TOP i-NEWS, laging pananaw nyo
 lang po ang siyang laging mahalaga at importante para sa amin.
 
for your comments, suggestion or complains (regarding the site) you can
 e-mail us at  

March 31st, 2008 at 2:29 am
Posted by joemer in ABS-CBN, KC Conception, Richard Gutierrez, Ruffa Gutierrez
Ruffa Grills KC

BuzzKC033008-2KC Concepcion was very nervous when she took the hot seat for The Buzz’s Ruffa Gutierrez, probably because she’s close to the actress/host. Since her birthday special I Am KC has four unique stories, Ruffa also asked KC four faces of intrigues that’s been hounding her lately.

 

On her first I Am KC episode, KC took on the comedy genre so Ruffa asked what makes her laugh. “It’s more on the unexpected, jokes or kilos, yung tipong kelangan pormal tapos biglang me kalog na papasok,” the mega daughter shared. Ruffa took KC aback when she asked about the young lady’s fantasy wedding, connecting it to her birtrhday special’s second episode. “It’s a beach wedding, with light clothes and walang veil. Magulo kasi, I’ll want to fix it all the time! An intimate beach wedding,” KC answered with a laugh.

 

BuzzKC033008-3When asked about her opinion that there are rumors she’s been given special treatment by the network because she can chose her own projects, KC said that she isn’t getting the VIP treatment. “Hiningi lang namin sana may birthday offering, sila naman ang nagbigay nun. And marami rin akong nakitang project na binigay sa ibang artista na gusto ko sa ‘kin na lang.  Di ko naman masasabi na VIP and masasabi ko lang naman kasi dito na ako lumaki and it’s a choice na pumasok ako sa industry kung tutuusin di ko naman kelangan talaga.”

 

In the light romance section, referring to I am KC’s last episode with Luis Manzano, Ruffa asked KC to rate her younger brother Richard as a manliligaw. After saying that Richard is ‘mabangong tignan, magaling magbihis, good-looking, hindi trying hard, mabait, patient, persistent and sweet’ KC gives him a very high rating of 8. So what’s the real score between them? “Nag-uusap kami, magkaibigan kami and we’re both getting to know each other better as time passes.”

 

BuzzKC033008-4Ruffa then branches into KC’s preferred theme for her first movie and the young woman was quick to say she wants the forbidden love type of movie. “Marami kasi akong experience sa forbidden love,” KC said jokingly. “Strict lang kasi yung pagpapalaki sa akin nung younger years ko. Pero ngayon OK na.”

 

On the other hand, The Buzz reporters corner Richard and ask him about KC’s booming showbiz career. “Everyone’s happy she joined the industry. I’m happy she’s part of it.” The young man said. When asked how special KC is to him, Richard was all praises for the budding actress. “She’s really admirable. She’s special to me, special to a lot of people…I cherish the times we are together.”

Mangyari po lamang na magiwan po kayo nang inyong kumento, tungkol sa
 usaping ito. Dahil dito po sa SHOWBIZZ TOP i-NEWS, laging pananaw nyo
 lang po ang siyang laging mahalaga at importante para sa amin.
 
for your comments, suggestion or complains (regarding the site) you can
 e-mail us at  

March 31st, 2008 at 2:27 am
Posted by joemer in Ruffa Mae Quinto, SCANDALS

 Jessa Zaragoza to Rufa Mae Quinto: “Di hamak na mas makapal ang mukha mo!”

“Hindi ko alam kung ano problema niya at saka ang arte-arte naman niya… Tapos na nga, di ba?”

These were the words expressed by Rufa Mae Quinto last week on Showbiz Central when asked to react on Jessa Zaragoza’s claim that Rufa Mae should apologize to her and husband Dingdong Avanzado for allegedly hurting Dingdong’s family with the sexy comedienne’s tell-all interview in YES! magazine’s February 2008 issue. Rufa Mae also said on the same interview that she had no intention on ruining anybody.

“Pasensiya na, sabi ko noon,” an irritated Rufa Mae stressed. “Hindi naman yata siya [Jessa] nanonood, e, o hindi niya naiintindihan. Wala naman akong intensiyon na manira ng tao. Hindi ko alam kung ano ang problema niya.”

Then Rufa Mae sarcastically joked, “Akala ko ba nananahimik ‘tapos nagpa-TV [interview] pa. Dati phone patch, ha, ngayon may camera na. Kapal!”

Rufa Mae was referring to Jessa’s interview during the 1st Filipino-American Visionary Awards held at the Kodak Theater in Hollywood, California.

Rufa Mae’s point in the whole interview was that Jessa need not let out all emotions through interviews, saying, “Kung gusto mo ako kausapin, tawagan mo na lang ako kasi sa tagal ko po sa industriya, minsan lang ako magalit kasi bastos, e. Sorry ha, bastos talaga.”

JESSA RETORTS. StarTalk got the opportunity to talk to Jessa, who’s currently in the U.S., yesterday (March 29). Jessa was well aware of Rufa Mae’s interview last week, so to make everything fair, StarTalk phone patched her for an interview with co-host Joey de Leon. Jessa wasted no time answering Rufa Mae’s rants.

“Actually, ang interview ko na lumabas sa StarTalk [last March 15], yun po yung interview ko para sa Visionary Awards. Pinaunlakan ko lang ang interview ng StarTalk dahil natural lang na itanong yung issue tungkol sa amin,” explained Jessa.

So what’s her reaction to Rufa Mae’s statements?

“Actually, napanood ko sa interview niya yung sinabi niya na wala daw kaming karapatan na magsalita,” said Jessa. “E, mukha po na nahihibang na itong si Rufa Mae Quinto para sabihin na wala kaming karapatan magsalita. Kumbaga, e, Rufa Mae Quinto, pagkatapos mong akusahan diyan nga sa tell-all interview sa magazine na si Dingdong Avanzado na manloloko, bayolenteng tao, sinaktan ka, sinapak ka. Na ako, si Jessa Zaragoza na best friend mo kuno, na sinira ang friendship dahil sa lalake, mang-aagaw… Pagkatapos mong isiwalat yung mga kasinungalingan na ‘yon, at yinurakan ang pagkatao namin, ang gusto mo mangyari ngayon, e, tumahimik ako? Wow!”

Joey was about to ask a new question, but Jessa isn’t done yet. “At sinabi niya din doon na makapal daw po ako. E, Rufa Mae, di hamak na mas makapal ang mukha mo, for you think na wala kaming karapatan magsalita.”

“Pero ayon sa…” Joey began. Again, he was interrupted by Jessa’s tirade. “Ang laki na ng ulo nitong si Rufa Mae Quinto, e. Akala mo rin tuloy ikaw lang ang gustong marinig ng tao magsalita? Naliligaw ka na ng landas. Kailangan maumpog ka.”

“Pero Jessa,” Joey said after sensing the pause in Jessa line, “Ayon dito sa mga nakarinig naman [ng interview], e, sa dulo ng interview, e, mukhang nag-sorry naman siya [Rufa Mae] at nangakong bibili pa ng album mo.”

“Actually, Tito Joey, marami po talaga siyang nasabi na foul po at hindi niya nare-realize ang kanyang mga sinasabi. Sasagutin ko po ‘yan, pero gusto ko lang po i-point out na iilan na bagay na sinabi niya rin po.”

Joey asked, “Tulad ng?”

“Doon po sa interview, paulit-ulit niyang sinasabi na matagal na daw siya sa industriya. Ako po Tito Joey, 17 years na po ako dito. Si Dingdong, 20 years. Siya po, sabi niya matagal na siya. Ang hindi ko lang maintindihan, bakit matagal na siya sa industriya na hanggang ngayon, hindi pa rin niya alam na kapag ikaw ay nagpahayag ng isang opinion o kuwento sa isang pahayagan, e, iyon ay open for reaction. Lalo na sa mga kasong ganito na maraming kasinungalingan.

“Alam mo, Tito Joey, hindi ko puwede palampasin ito. Hindi ko hahayaan na kalakihan ng anak ko yung mga kasinungalingan ni Rufa Mae Quinto. Bilang magulang… Sa lahat ng magulang na nakikining ngayon, I know you will understand where I’m coming from. Ang pagkatao, importante. Mawala man kami sa mundo ni Dingdong any time now, yun lang po ang maiiwanan namin sa anak namin,” stressed Jessa.

MESSAGE TO RUFA MAE. Jessa has these final and rather feisty messages to Rufa Mae:

“…Let me remind you, Rufa Mae. Ikaw ang nagsimula nito. Ikaw ang nagbuklat ng isyung ito after eight years. Nagdagdag-bawas ka pa. Kami ni Dingdong nananahimik na kami sa Amerika, binulabog mo kami. Huwag kang mag-alala. Mag-uusap tayo. Pero hinde sa telepono kasi sabi niya tawagan ko daw siya. Hindi ko sasayangin dolyares ko para tawagan ka lang.

“At isa pa, tigil-tigilan mo ang mga sarcastic remarks mo. Yung katulad ng sinabi niya bibili daw siya ng 100 CDs ko, na nagpapapansin daw ako. Siguro naman po, Tito Joey, kayo po man, e, mag-a-agree sa akin dahil itong sasabihin ko, e, fact lamang. Kumbaga, by this time siguro, hindi na kuwestiyonable ang aking posisyon, ang aking niche, sa industriyang ito. Kahit saan pa akong magpunta, kahit sa ilalim pa ng lupa… And let me remind you again, Rufa Mae Quinto, bago ka pa napansin, at nagkapangalan, Jessa Zaragoza na ako,” said Jessa strongly.

“Uh, mabigat yun,” Joey said, in relevance to Jessa’s last remark. “Ibig sabihin, ‘pag nagkausap na kayo dito, kung sakali man pag uwi niyo sa May ni Dingdong at magkausap kayo, matapos na kaya at may closure na itong little problem?”

“Ako po, hindi ko po gusto makipag-away,” a calmer Jessa replied. “Bilang magulang, ayoko ng may mga ganito. Pero kumbaga sa boxing, e, jinab niya ako. E, hindi naman pupuwedeng aamin na lang ako sa mga gusto niyang mangyari. Hindi po pupuwede. At itong si Rufa Mae, dapat mailagay talaga ito sa dapat niyang paglagyan. Malaki na po talaga ang ulo ng taong ito.”

“Saan sa tingin mo dapat ilagay?” Joey immediately asked.

There was long pause and despite Joey’s efforts in repeating his last question, Jessa can’t seem to hear him.

Anyway, this issue is from over.


 

Mangyari po lamang na magiwan po kayo nang inyong kumento, tungkol sa
 usaping ito. Dahil dito po sa SHOWBIZZ TOP i-NEWS, laging pananaw nyo
 lang po ang siyang laging mahalaga at importante para sa amin.
 
for your comments, suggestion or complains (regarding the site) you can
 e-mail us at  

March 31st, 2008 at 2:25 am
Posted by joemer in ABS-CBN, Gerald Anderson, KIMERALD, Kim Chui

 Gerald Anderson chosen to play the male lead in the Pinoy version of “My Girl”

Gerald Anderson chosen to play the male lead in the Pinoy version of

Binigyan ng solo presscon ng ABS-CBN ang young actor na si Gerald Anderson para sa official announcement ng pagkakapili sa kanya bilang leading man ni Kim Chiu na gaganap sa kauna-unahanang Koreanovela franchise na gagawan ng Pinoy version ng Kapamilya network, ang My Girl. This is another first na handog ng ABS-CBN sa kasaysayan ng telebisyon sa buong Asya.

Iba-iba ang pangalan na lumutang kung sino ang magiging kapareha ni Kim sa My Girl pagkatapos i-announce sa presscon ng “Dream Big Kapamilya”—to launch the new seasons of Pinoy Big Brother Teen Edition Plus at Pinoy Dream Academy—na si Kim ang gaganap bilang Jasmine na lead sa naturang Koreanovela.

Pero nilinaw ng executive at business unit head ng ABS-CBN na si Mr. Deo Endrinal sa presscon na bago pa man i-announce na si Kim na ang napili nila para sa My Girl, napagdesisyunan na rin nila that time na si Gerald ang makakapareha niya at gaganap bilang 21-year-old na si Julian. Hindi lang daw nila agad in-announce na kasama rin si Gerald sa My Girl dahil presscon nga ni Kim ‘yon para sa Dream Big Kapamilya shows.

“Happy po ako siyempre and excited din ako. It’s my first time kasi. Oh, I have to go through some workshop para mag-mature ang acting ko and internally na rin,” bungad ni Gerald sa PEP (Philippine Entertainment Portal).

Sinimulan na rin daw ni Gerald na panoorin ang Korean version ng My Girl and so far, nasa seventh episode na siya.

“It’s very good. I really like Julian’s character. He’s very strong and affectionate also,” sambit ng young actor.

Sinorpresa naman si Gerald ni Kim nang umapir din ang young actress sa solo presscon ng ka-love team. Natanong tuloy si Gerald kung ano ang ireregalo niya sa nalalapit na 18th birthday ni Kim sa April 19.

“Surprise,” ngiti ni Gerald. “Basta malalaman din ninyo ‘yon.”

Anytime now ay magsisimula na sina Gerald at Kim sa taping ng My Girl, na nakatakdang ipalabas sa May. Pero sa April, mauunang ipalabas ang isa pang show ng pares na pagbibidahan ni Claudine Barretto, ang Maligno.

“Hindi sila mag-overlap,” paniniguro ni Gerald.

PBB TEEN PLUS. Kapansin-pansin na sunud-sunod ang projects nina Gerald at Kim this summer. Hindi raw kaya sinadya ito para makasabay sila sa mga bagong kabataan sa Pinoy Big Brother (PBB) Teen Edition Plus na umaani ngayon ng maraming pansin mula sa televiewers.

“E, di maganda ang timing kung ganun,” sabi ni Gerald.

Maski sina Kim at Gerald ay adik din sa panonood ng PBB Teen Edition Plus. Bilib si Gerald sa Italian na si Alex na kamukha raw ni Gab Valenciano.

“Kasi siya, inamin niya [na hindi pa tuli], wow! Lalaking-lalaki siya noon,” bulalas ni Gerald.

Kung siya raw ang ganun, baka hindi siya umamin at pumayag na magpatuli sa loob ng PBB house at masasaksihan ng buong mundo.

“Hala! Hindi, kaya nga bilib na bilib ako sa kanya. Hindi ko kaya ‘yon,” natatawang sabi ni Gerald.

Sa mga babae naman, type ni Gerald ang magandang si Valerie. Hindi naman daw nagselos si Kim nang sabihin ni Gerald ‘yon sa amin na nakaharap siya. Kasi kahit si Kim ay may gusto rin sa mga teen housemates at yun ay si EJ.

Pero nagkaisa naman sina Kim at Gerald kung sino para sa kanila ang dapat tanghaling Big Winner sa PBB Teen Edition Plus. Ito ay walang iba kundi ang may kapansanan na si Priscilla.

“Si Priscilla, extra effort yun, e,” sabi ni Gerald.

Sabi naman ni Kim, “Ako rin, kasi konti lang ang makapagkunwari na nakakarinig ka at nakakapag-lip reading.”

SHOPPING IN HONG KONG. Samantala, nilinaw naman ni Gerald ang lumabas na balitang ipinag-shopping niya si Kim sa Hong Kong nung last time na nagpunta sila bago mag-Holy Week.

“Hindi naman. Mga tatlong damit lang naman ang binili ko. Shopping na ba ‘yon?” natatawang pagtapos ni Gerald.

 

Mangyari po lamang na magiwan po kayo nang inyong kumento, tungkol sa
 usaping ito. Dahil dito po sa SHOWBIZZ TOP i-NEWS, laging pananaw nyo
 lang po ang siyang laging mahalaga at importante para sa amin.
 
for your comments, suggestion or complains (regarding the site) you can
 e-mail us at  

March 31st, 2008 at 2:21 am
Posted by joemer in GMA

 Mark Anthony Fernandez now a certified Kapuso star; inks exlusive deal with GMA-7

Mark Anthony Fernandez now a certified Kapuso star; inks exlusive deal with GMA-7

Isa nang certified Kapuso star si Mark Anthony Fernandez dahil pumirma na siya ng isang exclusive contract sa GMA-7 last Friday, March 28. Present sa kanyang contract signing ang kanyang manager na si Dondon Monteverde, GMA-7 Vice President for Entertainment Television Ms. Wilma Galvante, and GMA-7 Vice President for Drama Ms. Lilybeth Rasonable.

Hindi na makapaniwala si Mark na pumipirma na siya ng isang exclusive contract para sa isang giant TV network. Kuwento ni Mark, noong sinabi sa kanya na pipirma na siya ng network contract, hindi raw siya naniwala noong una. Noong araw ng pirmahan daw lang siya parang nagising sa isang panaginip.

“Parang hindi totoo ito,” sabi pa ni Mark sa PEP (Philippine Entertainment Portal). “Noong papunta pa lang kami dito sa GMA-7, parang tulala ako. Hindi ako nagsasalita. Para kasing ang bilis-bilis ng mga pangyayari ngayon sa buhay ko. For the first time, na-feel ko na tama lahat ng mga ginagawa ko.

“Maraming salamat sa mga taong naniwala sa akin, most specially sa GMA-7 which really trusted me with good roles na talaga namang pinagbubuti ko. I am proud to a Kapuso talaga.”

MAJOR COMEBACK. Isang major comeback para sa 27 years old na si Mark sa larangan ng TV ang soap opera ng GMA-7 na Impostora, kung saan gumanap siyang asawa ni Sunshine Dizon.

Pagkatapos niyang makakuha ng magagandang feedback sa kanyang performance sa Impostora, nabigyan siya ng mas complex na character bilang si Lucero, ang primero kontrabida ni Richard Gutierrez, sa Kamandag. Dito sa Kamandag nag-shine ulit nang husto ang pagiging dramatic actor ni Mark.

“I am happy na nabigyan nila ako ng isang nakapahirap na role sa Kamandag,” sabi ng aktor. “I really put my whole heart and soul to it. Sinabi ko sa sarili ko, since Impostora nga, na second chance ko na ito sa pagiging artista at ayokong pumalpak ulit. I want to prove sa marami na ito na ang bagong Mark Anthony Fernandez. I’m constantly trying to improve and be a better man for my family at sa mga taong patuloy na naniniwala sa akin.”

PROUD PARENTS. Mas natuwa nga raw ang mga magulang ni Mark na sina Rudy Fernandez at Alma Moreno nang ibalita niya na isa na siyang exclusive Kapuso star.

“Si Papa masayang-masaya noong ibalita ko,” ngiti ni Mark. “Nasa States siya ngayon and he’s undergoing medical treatment. Mga two months sila doon ni Tita Lorna [Tolentino]. When I talked with him over the phone, tuwang-tuwa siya and he said na he’s really proud of me.

“Huwag ko raw pabayaan ang career ko dahil marami ang nagmamahal at naniniwala sa akin. I told him naman na everything is okay with me. I made a promise to change at heto na ‘yon. I’m reaping the rewards na.

“Si Mama naman, she’s also very happy for me. Ipinagdarasal daw niya parati na maging maayos ang buhay ko. Sinabi ko nga sa kanya na lahat ng prayers niya ay natupad na. Mama is busy now sa Parañaque City working as a councilor. She’s doing fine at, so far, wala akong alam na intriga sa kanya.”

Sa nalalapit na pagtatapos ng Kamandag, may nakahanda nang bagong show para kay Mark pero hindi pa raw niya ito puwedeng i-reveal. Pero tinitiyak daw ng GMA-7 na muling maipapakita ang husay ni Mark sa pag-arte at masasama siya ulit as one of the country’s finest dramatic actors.

SECOND CHILD: COMING SOON. Nabanggit din ni Mark na in two years time ay baka sundan na nila ng kanyang misis na si Melissa ang kanilang anak na si Cameron. Malaki na raw kasi si Cameron at naghahanap na ng kapatid.

“Nakaka-miss na rin ‘yung may karga kang baby, e. Siguro pagpaplanuhan pa namin ni Melissa ang lahat, plus konting ipon pa. Maybe in two years, baka may kapatid na si Cameron,” pagtatapos ni Mark.

 

Mangyari po lamang na magiwan po kayo nang inyong kumento, tungkol sa
 usaping ito. Dahil dito po sa SHOWBIZZ TOP i-NEWS, laging pananaw nyo
 lang po ang siyang laging mahalaga at importante para sa amin.
 
for your comments, suggestion or complains (regarding the site) you can
 e-mail us at  

March 29th, 2008 at 11:21 pm
Posted by joemer in ABS-CBN, Anne Curtis, Sam Milby

HINDI na itutuloy ng ABS-CBN ang “The Wedding” na pagtatambalan sana nina Anne Curtis at Zanjoe Marudo, kahit nakapag-taping na sila. Tila nalipasan na ang project at iba na ang mukha ng mga bida maging si Eula Valdez nga na kasama sa cast ay nasa GMA-7 na at gumaganap na ina ni Richard Gutierrez sa “Kamandag.”

 


Instead, ang fantaseryeng “Diyosa” ang gagawin ni Anne na sabi ng isang source, maganda ang istorya at mas magpapataas daw sa pagka-aktres ni Anne. Hindi ito ang first fantaserye ng dalaga’t ginawa na rin niya ang “Kampanerang Kuba” with Luis Manzano. Patunay din itong hindi lang kina KC Concepcion at Angel Locsin nakatutok ang Ch. 2.

 

Ang dinig namin, si Sam Milby ang kinu-consider na ipareha kay Anne na siguradong ikatutuwa ng kanilang fans. This time, sila na talaga ang bida at hindi na makikipag-agawan ang character ng aktres sa ibang babae.

 

 

 

Mangyari po lamang na magiwan po kayo nang inyong kumento, tungkol sa
 usaping ito. Dahil dito po sa SHOWBIZZ TOP i-NEWS, laging pananaw nyo
 lang po ang siyang laging mahalaga at importante para sa amin.
 
for your comments, suggestion or complains (regarding the site) you can
 e-mail us at   
Maraming Maraming Salamat Po Sa Walang Sawa Nyong Pag Supporta Sa
 Amin!!!


March 29th, 2008 at 11:13 pm
Posted by joemer in GMA

 Ang tunay na dahilan, bakit nag-back-out si Gabby Concepcion sa GMA Films!

Nag-back-out si Gabby Concepcion sa GMA Films project, dahil, diumano, nagdalawang-isip ito to the last minute. Natakot daw ang aktor, kung paano pa siya tatanggapin ng publiko, lalo na ng bagong henerasyon na hindi na halos siya kilala—lalo’t ang daming nag-react na bakit isang Jolina Magdangal ang itatambal sa kanya gayung kita naman agad na wala silang ni katiting na chemistry.

Sinasabi lang na siya ang ama ni KC Concepcion, pero hindi naman din siya nakikita. Matagal nang panahong nawala sa limelight si Gabby pagkatapos na magdusa siya sa aftermath ng Manila filmfest scam noong l993.
Talaga raw hindi ma-resist ni Gabby ang malaking offer ng GMA Films, pero nagpresyo raw ito na parang pagtanggi na, pero kinagat pa rin ng kumpanya. Kaya napa-oo siya. Pero ‘yun nga, marami pa pala siyang ibang gustong i-consider.

 


Tiyak na mawiwindang muli ang showbiz sakaling mag-stage ng comeback ang isa sa top matinee idols of the ‘80s. Marami ang tiyak na kukunan ng reactions sa mga sasabihin at gagawin ng aktor. Una na riyan, ang dati niyang asawang si Sharon Cuneta. Pangalawa, ang kanyang sikat na ring anak na si KC Concepcion. Pangatlo, ang dati niyang manager na si Lolit Solis na lumabas ngang ipinagkanulo niya noon.

 

 

 

 

 

Mangyari po lamang na magiwan po kayo nang inyong kumento, tungkol sa
 usaping ito. Dahil dito po sa SHOWBIZZ TOP i-NEWS, laging pananaw nyo
 lang po ang siyang laging mahalaga at importante para sa amin.
 
for your comments, suggestion or complains (regarding the site) you can
 e-mail us at   
Maraming Maraming Salamat Po Sa Walang Sawa Nyong Pag Supporta Sa
 Amin!!!

March 29th, 2008 at 11:00 pm
Posted by joemer in GMA, Juday

Judy Ann Santos - Hindi Gagawin Ang Ouija 2??!
Juday Mag 02
Ayon sa mga naglalabasang balita, ay malamang daw ay hindi na gawin
nang young superstar na si Judy Ann Santos ang pelikulang Ouija 2. Ito ay
dahil sa meron palang hindi pagkakasundo daw di umano sa pag itan nang
kampo ni Judy Ann at nang Viva Films. Gagawin na lang daw nang GMA
Films, na solohin ang pag pro produce nang pelikulang Ouija 2.

Mula po sa amin dito sa SHOWBIZZ TOP i-NEWS, ay walang takot naming
sasabihin, dahil ang sa amin lang ay sana magkaayos pa sila. Pero sana
huwag nang matuloy ang pag gawa nila nang pelikulang Ouija 2. Naniniwala
kasi ako, na baka nagagamit lang siya, para kumita ang pelikula na
produce nila. Yun na!


March 29th, 2008 at 10:59 pm
Posted by joemer in ABS-CBN, Gerald Anderson, KIMERALD, Kim Chui

“Gerald Anderson & Kim Chui Next Biggest Star” — YES MAGAZINE.
kimerald
Kamakailan nga ay binigyan nang parangal sina Kim Chui at Gerald
Anderson nang Yes Magazine. Itinanghal silang the next biggest star nang
Philippine telivision at movies. Ito ay dahil sa succes nang pheonominal
hit na teleseryeng “Sana Maulit Muli”. Nasundan pa ito nang box office
hit nang pelikulang ” I’ve Fallen For You”. Inalayan pa sila nang kanta
na naging hit din, ang “Loveteam” na ginawa nang Itchyworm para sa
kanila.

Mula po sa amin dito sa SHOWBIZZ TOP i-NEWS, ay walang takot po naming
sasabihin, dahil ang sa amin lang ay congratulation sa inyong dalawa.
You really guys diserve, lahat nang blessings na natatangap ninyo. As we
always say, we here in SHOWBIZZ TOP i-NEWS, ay tagahanga ninyo kami.
Pero mananatili pa din kaming tapat, sa pagbabalita, tungkol sa inyo.
Sana minsan ay paunlakan ninyo ang aming site. Salamat!

Mangyari po lamang na magiwan po kayo nang inyong kumento, tungkol sa
 usaping ito. Dahil dito po sa SHOWBIZZ TOP i-NEWS, laging pananaw nyo
 lang po ang siyang laging mahalaga at importante para sa amin.
 
for your comments, suggestion or complains (regarding the site) you can
 e-mail us at   
Maraming Maraming Salamat Po Sa Walang Sawa Nyong Pag Supporta Sa
 Amin!!!

March 29th, 2008 at 10:57 pm
Posted by joemer in ABS-CBN, GMA

First Pranchise Of Teleserye, Abroad.!!
 marian rivera
Marami ang nag aakala at nagsasabi na ang teleseryeng “Marimar” ang
k