The new face of pinoy entertainment
May 6th, 2008 at 12:23 am
Posted by joemer in ABS-CBN, Juday, Piolo Pascual
Judy Ann, makinig ka!!! MAS LALAKI SI PIOLO KAY RYAN AGONCILLO!
Written by Chit Ramos

MAINIT NGAYON ANG usapang mga ‘di naiimbita sa presscon, kase ibinubulsa raw ng PR Heads ang budget. Totoong may namumulsa ng budget, pero kung minsan, super sour graping lang din ang ilan sa atin. Sa dinami-dami ba naman ng mga kapatid natin sa hanapbuhay, palagay n’yo, maiimbita ba tayong lahat? Pagpasensayahan na natin. Example na lang, ‘yang Ryan Agoncillo na ‘yan! Akala ko, malakas ako sa kanya. Kasi nga, nung gusto niyang makipagbati kay Piolo Pascual, pinili niya akong peace messenger. Kesyo, ako lang daw ang pwedeng gumawa noon. Ako naman, sinagasa ko ang ‘sang katutak na fans para puntahan si Piolo. Nasa pedestal kasi ang tingin ko noon kay Ryan. Pero, naimbita ba niya ko kahit sa isang presscon niya? Hindi po!
     Hindi ako naghihinanakit sa kanya. Kasalanan ko ba kung ang tingin lang niya sa akin ay taga-ayos lang ng gulo sa buhay niya at hindi ako makakatulong sa promo ng mga project niya?! Hanggang doon lang pala ang Ryan Agoncillo na tiningala ko sa pedestal. Ganun lang ‘yun! Ang magandang nangyari, bigla akong naging tagahanga ni Piolo Pascual. Nakita ko sa kanya ang pagkalalaki o pagiging gentleman na hindi ko nakita kay Ryan. Kaya, Piolo na ako ngayon. Ayoko na kay Ryan!


May 6th, 2008 at 12:19 am
Posted by joemer in GMA

Paolo Bediones Mabaho Ang Paa at Hininga???

Lagi itong laman ng mga blind item… Si Paolo Bediones kaya ang tinutukoy na may -BO at BB? Siya nga kaya ang tinutukoy na “Gwapong host, may putok at mabaho ang hininga? Ayon sa mga blind item, eh hindi kabanguhan ang amoy ng host at ang hininga daw nito ay super baho. Nagpapatunay daw ay ang mga staff ng sarili nyang programa at mga naging co-host nya? Isa pang chika, pati daw mga naging girlfriend nya ganun din daw reklamo nila sa Gwapong Host at isa daw yun sa mga rason kaya nakikipaghiwalay ang mga naging gf nito? Totoo kaya ito ka-showbiz bureau? Para sa akin Naku ha, feeling ko naman hindi totoo ito at hindi magiging totoo kahit kailan. Sa fez pa lang ni Paolo Bediones eh super clean na…so siguro naman it follows diba..So, mabango si Paolo at ang hininga nito.. Bakit kaya hindi namamatay ang issueng ito tungkol kay Paolo Bediones? At hanggang ngayon ay laman pa rin ng ibang blind item? Bahala na kayo magkomento. Basta ako I don’t believe.


May 6th, 2008 at 12:16 am
Posted by joemer in ABS-CBN, Aga Mulach, Anne Curtis, Box Office, Juday

WHEN LOVE BEGINS BOX OFFICE HIT!

Latest scoop sa pelikulang When Love Begins, ang chika kumita ng husto sa mga sinehan ang movie nina Aga Mulach at Anne Cusrtis.. Within Four days daw ay kumita na ito ng 35 million at counting pa raw oh?!.. Regarding sa controversial movie ni Juday na Ploning within 4 days daw kumita na ito ng 11 milion. At ganun din, still counting… Tumaas na kaya kilay ni Mr. Alfie lorenzo dahil sa tumabo sa takilya ang pelikulang When Love Begins? At pagkatapos ng kontrata ni Juday sa ABSCBN next year ay ito na kaya magiging hudyat ng paglipat nya sa GMA dahil sa sama ng loob sa ABSCBN? Pag natuloy, susunod nga ba si Ryan Agoncillo pag lumipat si Juday sa GMA? Ano sa palagay nyo mga ka-showbiz bureau? Well let’s just wait and see!


May 6th, 2008 at 12:05 am
Posted by joemer in ABS-CBN, Gretchen Baretto, Ruffa Gutierrez

Ruffa Guttierez on Gretchen Barreto

I was watching VIP PASS on cinema one and there was one segment where the new pantene girls, Ruffa, Gretchen, Claudine, and Judy Ann, are being interviewed. I really like Ruffa’s ka-prankahan, tinanong kasi ang mga girls regarding sa mga ka trabaho nila, siempre they were all excited at sinabi nila na di totoo na hiwahiwalay sila nag-shoot for the commercial. May kumakalat kasi na chismis na hiwahiwalay nga daw nag shoot ang mga ‘to. Anyway, tinanong si Gretchen kung how was working with Judy Ann. Siempre sagot agad sya, excited daw sya with Judy Ann kasi di pa daw nya to nakasama sa kahit anong project kaya when she found out na kasama nya to sa commercial na-excite daw sya. Sabi pa ni Gretchen lagi lang daw nya pinapanood si Judy Ann sa teleserye nya dati at walang mintis daw. Biglang singit naman si Ruffa asking Gretchen kung alam nya ang title ng teleserye… hahahaha! siempre di nakasagot si Gretchen, tagalog daw kasi ang title. Ang ating prankang Ruffa naman ay natawa at tinitingnan si Gretchen habang nag eexplain. Hahahaha! Dedma lang si Gretchen kay Ruffa. Sigurado magkakaron na naman ng issue to!  


May 6th, 2008 at 12:03 am
Posted by joemer in ABS-CBN, Claudine Barreto, GMA, Marian Rivera

Marian Rivera Binastos Si Claudine Baretto!!!?

Slide Show Image

INIS ANG FANS ni Claudine Barretto kay Marian Rivera nung tawagin niyang bilasa ang “Marina” nung mag-promote siya sa “Eat Bulaga” ng Dyesebel. Nakakasiguro raw ba si Marian na forever siyang sariwa? Bago laitin ni Marian ang ibang show dapat daw na ayusin muna niya ang kanyang sarili at huwag maging taklesa. Unless pumasok na nga siguro ang hangin sa utak niya. Tigilan daw ni Marian ang panlalait sa iba dahil mas kalait-lait naman daw ang “Dyesebel” na bakat-bakat ang mga binti at hita niya na bumabaluktot kapag lumalangoy sa dagat at kahit nasa lupa. And besides, dapat rumespeto at huwag mambabastos si Marian sa gawa ng iba para rerespetuhin din siya ng mga kasamahan niya sa industrya. Dapat pa raw magpasalamat si Marian sa “Marina” dahil ito ang kauna-unahang pantaserye sa telebisyon. Thanks to Direk Wenn Derama’s fresh ideas at sa ABS-CBN na unang naglakas-loob na magpalabas ng ganitong programa sa telebisyon.