ATTENTION: READ THIS!!!! — By The Administrator!!!
Okey na po ulit ang mga comment box namin… Pede na ulit kayong mag post nang comments nyo…. please post a comment on each article na mababasa nyo… para naman ganahan kami na mag post nang maraming news, para sa inyo… thankz!!!
saka survey lang gusto nyo bha magkaroon tayo nang Showbiz news na foreign??? send nyo lang sa sti_n23@yahoo.com kung gusto nyo… okey???
MARIAN, RHIAN AT IZA, TATAOB KAY HEART!
MABUBUHAY NA NAMAN ang natutulog na career ni Heart Evangelista ngayong kumpirmadong Kapuso na ito at hindi na Kapamilya. Walang pinanghihinayangan si Heart sa paglipat niya sa GMA 7. Masaya daw siya at marami rin siyang puwedeng pataubin sa GMA 7 tulad nina Marian Rivera, Rhian Ramos, Iza Calzado at iba pa lalo na ngayong siya ang piniling makakapareha ni Richard Guttierez sa gagawin nilang teleserye. Marami diumanong naka line-up na mga proyekto para sa dalaga. Kay Heart na nga raw mapupunta ang papel na Darna para sa telefantasya ng GMA 7 na Captain Barbel meets Darna. Titiyakin daw naman ni Heart na paglalaanan niya ng panahon ang magandang oportunidad na ibinigay sa kanya ng Kapuso. Tungkol naman sa isyu sa kanyang dating manager, wala naman daw sama ng loob si Heart sa kanyang dating manager at sana magkaintindihan na raw sila, kung anuman ang gusot na namagitan sa kanila. ‘Yun na!
Sino ang Commercial Queen???
NAPANSIN naming iilang artista na lang ang kinukuha para mag-endorso ng produkto. The same faces ang napapanood namin sa telebisyon, nakikita sa billboard, at sa print ad, naiiba lang sa produktong inilalapit nila sa consumers para bilhin.
May pinaka-maraming endorsements ngayon sina Sharon Cuneta, Kris Aquino, Angel Locsin, KC Concepcion at Judy Ann Santos. Minsan, sa isang commercial gap, puro endorsements nila ang pinalalabas, nakakaloka!
Si Judy Ann, ratsada sa iba’t ibang product endorsements and there was a week na dalawa ang inil-launch niyang TVC o TV commercial at sabi ni Alfie Lorenzo, marami pa ang darating.
Of course, hindi nagpapatalo sina Sharon at Kris na magugulat ka na lang at may bago kang mapapanood na TVC. So, sa palagay ninyo, sino ang bagong TV Commercial Queen?
MARIAN, SINISIRA SI ANGEL!
DISMAYADO, SIYEMPRE, ANG mga tagahanga ng tambalang Angel Locsin at Piolo Pascual dahil sa pagsasama sa isang ad nina Piolo Pascual at Marian Rivera para sa isang spa. Hindi raw kasi nila maintindihan na bini-build up nang husto ang pagsasama ng dalawa sa “Lobo” ng ABS-CBN, and yet, mukhang maraming mga endorsement na magkasama sina Piolo at Marian ang magaganap in the days to come.
Ang tanong lang naman nila eh, kung sino ang nag-desisyon noon? Kahit na ipaliwanag mo sa kanila na trabaho naman ‘yon at syempre, ang kumuha sa kanila as endorsers ang masusunod, hindi pa rin malumbinse ang mga ito na usapang professional na ito. Mukhang ang girian sa pagitan nina Angel at Marian eh, matatawag na invisible.
May nagkukuwento sa amin na in two months time, isang ini-endorse na kasuotan ni Angel ang kay Marian na raw mapupunta. At kahit na pinabubulaanan daw ito ng mismong manager ni Angel, ang kausap naman daw ng aking source eh, ang mismong may-ari sikat na tatak ng isang jeans.
Some people are really out to topple Angel down. On a wing and prayer, sino nga ba ang tunay na sasagip sa kanya?
Ginagawa ni Angel ang lahat ng makabubuti sa kanya at sa trabaho niya. Pero mukhang may mga puwersang really trying to clip her wings so she won’t be able to fly high.
SINO NAMAN SI MARIAN PARA TANGGIHAN SI GABBY?!
IBA’T-ibang reaksyon at opinyon ang naglabasan pagkatapos mapanood si Gabby Concepcion sa “Maalaala Mo Kaya.” May nagsasabing hindi bagay sa actor ang papel ng isang family driver dahil mas mukhang driver si Tirso Cruz III kaysa sa kanya. Dapat daw pinagpalit ang role nilang dalawa sa istorya. Of course, kapag kontrabida ang role ng isang artista, natural lamang na mas angat siya sa bida. Knows naman natin na magaling talaga si Tirso kung acting rin lang ang pag-uusapan. Very challenging naman kasi ang role niya compared kay Gabo na underdog ang papel na kanyang ginagampanan. Pero nakipagsabayan din ang Papa ni KC sa mga mabibigat na eksena nilang dalawa. Na-touch kami sa eksena ni Gabby na naglalambing kay Ana Capri. Casual lang ang pag-uusap ng dalawa pero malaman ang bawat linya na punong-puno ng emosyon. Lalo na ‘yong eksenang nagbabalot na si Ana para iwanan na nilang mag-iina ang asawa. Habang pinapanood namin ang eksenang ‘yun, umiiyak na pala ang mother ko. Batuhan ng linyang may bigat sa dibdib na gustong kumawala, mararamdaman mo ang tensiyon sa bawat isa. Hindi napigilan ni Gabby na mapaiyak dahil nadala na rin siya ng kanyang emosyon bilang asawang iniwan ng kanyang pamilya. Nagustuhan namin ang performance ni Gabby as an actor sa MMK. Maganda ang istorya at magagaling ang mga nagsiganap. Mahusay ang pagkakadirek ni Jefrey Jutirian. Na motivate niyang maigi si Gabby at lumabas muli ang husay nito sa pag-arte.(Story wise, halatang fiction ito na hindi dati ginagawa ng MMK. Kinopya ito sa award winning film ni Phillip Salvador kay Lino Brocka na Jaguar. Kung sa pelikula’y bodyguard si Phillip, si Gabby ay ginawang family driver na body guard-alalay na rin. Sa Jaguar, napatay ni Phillip ang amo niyang nagwagi ng Urian Best Supporting Actor si Menggie Cobarrubias. Sa MMK, umalis si Gabby at naging taong grasang palaboy ang amo niya!-RCC) ITINANGGI ni Gabby Concepcion ang balitang tinanggihan siya ni Marian Rivera makasama sa pelikulang gagawin niya sa GMA Films at si Iza Calzado ang naging kapalit na leading lady ng actor. Paano mangyayari ‘yun exclusive ang kontrata ng dalaga sa Regal Films at wala siyang kontratang pinirmahan sa GMA Films. At sino naman si Marian para tanggihan si Gabby? Alam ba niya ang na-achieved ni Gabby habang siya’y starlet pa rin kung hindi lang dahil sa Marimar?! Sana mabagok ang ulo ni Marian para ma-realize niyang walang ibubunga ang maagang paglaki ng ulo niya na pati si Claudine Barretto na pinasaringan niyang, “Hindi sariwang sirena!” Ang layo nila ni Iza na very humble! Sa pag-uusap nila ng GMA Films, nilinaw sa amin ni Gabs na wala pang final na napag-usapan kung kailan ito sisimulan; kung saan isu-shoot at kung sino pa ang isasama kay Iza Calzado. Concentrate muna siya sa bagong teleseryeng “Iisa Pa Lamang” na pagsasamahan nila nina Claudine Barretto, Diether Ocampo and Ms. Susan Roces sa direksiyon ni Ruel Bayani. Kahit gaano ka-busy ngayon si Gabby palagi siyang may oras para mag-exercise. “Jogging every morning and I also play tennis kapag medyo maluwag ang schedule ko. For thirteen years ngayon lang ako pinagpawisan, buong katawan ko pati hita’t binti ko may pawis talaga! Sa States never kong na- experience ang ganito. After taking a shower, ang sarap ng feeling alaways on the go! Siyempre, kailangang alagaan ang katawan dahil artista tayo,” say ng aktor.
Ara Mina Balik Kapuso???
HOW TRUE KAYA na may balak na naman daw bumalik si Ara Mina sa GMA7? Nakakaloka naman ‘yan! Malapit na nga raw kasi matapos ang Prinsesa ng Banyera at hanggang ngayon wala pang ibang offer ang ABS-CBN sa susuhing aktres. Ayon pa sa aking parazzi girl, wala pa diumanong offer ang dos sa kanya pero wala naman din daw offer ang GMA sa kanya. Nakakaloka! Sabagay, ganyan naman talaga ang showbiz. May lipatan, sulutan, gamitan at kung anong anik-anikan pa! Magdusa sila!
GINAGAMIT NI CARLENE SI CRISTINE!
NAKU ITONG ISANG nag-iilusyon na maging artista ay ang naanakan ni Dennis Trillo na si Carlene Aguilar. May balak lang daw pala itong pumasok sa showbiz, kaya nag-iingay. Sabi niya, hindi na daw niya mahal si Dennis basta maging responsable na lamang daw siyang ama sa kanilang anak na si Calix. Sa pagdadakdak ni Carlene, tingin tuloy ng karamihan sa kanya ay ginagamit niya ang dating boyfriend na si Dennis Trillo at ang kapatid ni Ara Mina na si Cristine Reyes para makapasok sa mundo ng showbiz! Wala pa ngang napatunayan si Cristine sa Dos ay hinihila na ito ni Carlene pababa!
RICHARD GUTIERREZ, PANAKIP BUTAS KAY JOHN LLOYD!
Tuloy na tuloy na diumano ang gagawing pelikula nina RICHARD GUTTIEREZ at KC CONCEPCION. Tiyak na pakaaabangan ito ng kani- kanilang mga tagahanga sa hindi lang sa Pilipinas kundi sa buong mundo. Marami rin ang nag-aabang kung ito na nga ba ang senyales upang magkasundo ang dalawang higanteng network, ang ABS-CBN at GMA 7. Gawin bang pain ang dalawa upang magkasundo, huh?! Well, habang nariyan ang ABS-CBN at GMA 7, hindi mawawala ang competition, lalo na sa pagpapataasan ng ratings ng mga programa, ‘di ba? Samantala, hindi raw diumano si RICHARD GUTTIEREZ ang unang napisil ng Star Cinema para makatambal ni KC, kundi itong si JOHN LLOYD CRUZ. Ngunit napag-isip-isip daw ng ilan sa mga namumuno ng pelikula na mas maganda kung si RICHARD GUTTIEREZ ang itambal kay KC para may ibang karisma naman o ibang timpla ang mapapanood ng mga fans nila. Hmmmnn… ano ‘yan kape? Kaya daw hindi natuloy na si JOHN LLOYD CRUZ ang makapareha ni KC ay dahil hindi daw diumano maganda ang tandem ng dalawa. Baka masayang lang ang pinagpaguran! So, panakip-butas lang si Richard kay John Lloyd!?
TINIRA SI AIAI, KAYA KULANG SA SIGLA!
NANIBAGO KAMI KAY Ai-Ai delas Alas nung kausap namin dahil kulang ng sigla at kung ano ang tanong, ‘yun lang ang sinasagot. Wala ang side comments niyang nakakatawa at bumubuhay sa dugo ng kausap.
Sumigla lang ng konti ang pakikipag-tsikahan sa kanya nang banggiting may “tinira” siya! Kung anong tira ‘yun, makikita ninyo na lang!
Hindi naman ang pagka-shelved ng project niya sa ABS-CBN ang rason, dahil balita namin, may bago siyang TV show to be directed by Wenn Deramas at tila ang title ay Butengteng. Siguro, may iniisip lang ang hitad, kaya kulang sa sigla!
KC Concepcion Isa Sa Mga Dahilan Nang Paglipat Ni Billy!!!
FROM A SOURCE, nalaman naming hindi lang ang mapanood siya sa TFC o The Filipino Channel ng ABS-CBN, kaya tinanggap ni Billy Crawford ang offer ng network for him to host Pinoy Dream Academy. Kasama na rin sa kanyang mga rason ang makasama sa trabaho si KC Concepcion na naging kaibigan niya noong nasa Paris sila pareho.
Well, matutuwa si Billy, dahil kasama pala sa kontrata niya sa Ch. 2 ang show na pagsasamahan nila ni KC. Hindi lang nilinaw sa amin kung anong klaseng show ito at medyo matagal pa naman at uunahin ng Fil-Am singer ang PDA.
RICHARD-KC, PAREHONG DI MARUNONG UMARTE!
IT’S PRETTY obvious now na pati ang kampo ni KC Concepcion ay gumawa rin ng paraan na sa pagpirma niya ng three-picture contract sa Star Cinema ay magkakasama sila ni Richard Gutierrez sa pelikula. Si KC na rin mismo ang nagsabi during our interview na ipinaglaban nila ang possible team-up nila ni Richard.
Pero ngayon pa lang may mga comments na kailangang hasain pa ng husto nina KC at Richard ang kanilang akting. Marami na ang nakakapansin sa ‘di pag-angat ng lebel ng akting ni Richard kahit naka-ilang teleserye na siya sa GMA7. Samantalang si KC ay harap-harapang nakarinig ng comment from the entertainment press na very theatrical ang kanyang akting. Kaya baka raw dapat pigain ang dalawang ito kapag inumpisahan na nila ang shooting ng movie nila sa June under Star Cinema.
“I love it! Ibig sabihin, pwedeng stage, pwedeng TV, pwedeng pelikula. Kapag nag-improve ako, syempre nako-conscious pa rin ako. Oo nga, maganda nga ‘yun, e. Kasi at least, nalalaman mo. Kasi pag lahat ng tao naga-agree lang tapos puro na lang positive, ay, ano na ang mangyayari sa ‘yo? Hindi ka na magi-improve. E, di magtago ka na lang sa bahay,” very objective na sagot ni KC.
WILLIE AT DENNIS, ETSAPUWERA NA KAY CRISTINE!
Nagsimula ng ang taping ni Cristine Reyes para sa kauna-unahan niyang pagbibida sa isang teleserye, ang remake ng “Eva Fonda, 16” sa ABS-CBN. Nung Miyerkules nag-meeting ang buong staff at cast ng “Eva Fonda,16” at doon nag-bonding-bonding sila. Dito raw nawala ang kaba kahit konti ni Cristine nu’ng magkabiruan sila ng ibang members of the cast like Jason Abalos at Joross Gamboa.
Mismong si Cristine ang nagsabi sa amin na nu’ng Biyernes na naka-schedule ang first taping nila. Kaya naka-hair extension si Cristine nu’ng magkita kami dahil kailangan daw sa role niya. Marami raw siyang sexy scenes at nakahanda naman siya dito dahil isa raw ‘yun sa selling point ng teleserye.
Prior sa pagsisimula ni Cristine ng taping nya for “Eva Fonda,16” hindi na raw ulit sila nag-date ni Dennis Trillo. Hindi naman dahil afraid si Cristine na mahuli ulit sila ni Carlene Aguilar sa isang mall. Maging ang “Wowowee” host na si Willie Revillame ay madalang na rin niyang makita at makausap.
“Sobrang excited na ako sa project ko. Sabi ko, ayaw ko ng matsimis kahit kanino. Hindi ko naman sinasabi na nagmamataas ako kay Willie o kay Dennis. Basta, iba na ako ngayon. Concentrate na lang muna sa project. Deadma na muna ‘yung mga boys. Gusto ko ng magtrabaho ‘yun lang as in,” diin ni Cristine.
Piolo Hininging Kapalit Ni Richard Gutierrez, Nang GMA Films!!!
KINUMPIRMA NAMAN NG GMA Films na pumirma na si Richard Guiterrez ng one-picture contract sa Star Cinema at tuloy na nga ang pelikulang pagsasamahan nila ni KC Concepcion. Sabi ko na nga eh! Ito na siguro ang tsika sa akin na ginagawa na raw ngayon ni Joey Reyes ang script para sa pelikula ng dalawa at gagawin daw ito sa Paris na ididirek ni Joyce Bernal.
Nasa Europe pa si Anette Gozon-Abrogar ng GMA Films, pero may representative sila nang pumirma si Richard sa Star Cinema. Hindi nga daw ito co-production nila sa Star Cinema, pero may kapalit daw itong pagpirma ni Richard sa kanila.
Narito nga ang text ni Noel Ferrer ng GMA FiIms bilang statement sa naturang pirmahan: “As we all know, we at GMA Films originally wanted a co-production arrangement with Star Cinema for the Richard-KC movie. But, what we came up with a compromise agreement. Dahil po ito ang hiling, at hiling na rin nina Richard at KC—matutuloy po ang Richard-KC movie. Pero ito po ay isang special arrangement na may katapat na deal sa GMA Films. Abangan na lang po nating ang magandang balita pagbalik ni KC sa Paris, ni Richard sa Dubai at ni Ms. Annete Abrogar of GMA Films mula sa Europe para sa special announcement.”
Ang special announcement na sinasabi nila, ito daw ang pelikulang pagsasamahan naman nina Piolo Pascual at Marian Rivera. Bale si Piolo ang pampalit ng Star Cinema sa pagpirma ni Richard sa kanila.
Maganda din ito kung sakali. Marami pa naman ang nagsasabing magandang kumbinasyon din ang kina Piolo at Marian. Kaya palagay ko ito ang gagawin ng GMA Films pagkatapos ng Richard-KC movie.
“AYOKONG MAG-COMMENT ABOUT GABBY! WALA AKONG KINALAMAN SA COMEBACK NIYA!” –SHARON CUNETA
Nag-pictorial last Tuesday si Megastar Sharon Cuneta para sa bago niyang pelikula. Huling napanood si Megastar four years ago sa critically acclaimed and box-office hit movie na “Crying Ladies.” Bago magpa-interbyu si Sharon sa TV crew ng ABS-CBN ay nilinaw niya agad na walang tanong regarding Gabby Concepcion. Magiliw ang pagkakasabi ni Sharon, kaya naman sinunod ng mga nag-iinterbyu ang request ni Megastar.
“Ayaw kong mag-comment about him. Wala naman ako’ng kinalaman sa comeback niya,” biro ni Megastar.
-
KUNG si Megastar ayaw pag-usapan si Gabby Concepcion, bigla namang tumalikod si John Estrada at inalisan ang TV crew ng ABS-CBN nu’ng kumustahin na siya tungkol sa kaso niya nu’ng mahulihan siya na may dalang baril sa airport. Mukhang hanggang ngayon ay mainit pa rin ang isyung ito para kay John, kaya ayaw muna niyang magbigay ng anumang pahayag.
Malalim at mabigat naman talaga kasi ang kasong kinakaharap ni John. Sabi nga ng iba, maswerte pa rin si John dahil nagagawa pa rin niya ang gusto niyang gawin sa labas. At nakapunta rin siya ng ibang bansa para mag-shooting.
Pero bago mag-walkout si John sa TV crew, naikwento naman niya ang tungkol sa pagkikita ng girlfriend niya na si Priscilla Meirelles at dating asawa na si Janice de Belen sa graduation ng anak nila kamakailan. Pero kahit magkakasama sila, wala raw naganap na besohan between Priscilla and Janice.
Wala ring nagawa si John para ipakilala niya si Priscilla sa ina ng kanyang mga anak. Katwiran ni John, hindi na raw kailangan. Pero nilinaw niya na hindi naman sinadyang mag-iwasan ang dalawang babae sa buhay niya.
Ganu’n?
BUNTIS NA, NAKIKIPAG-DATE PA SA IBANG LALAKI SI JENNYLYN!
HINDI MATAPUS-TAPOS ANG mga isyu sa pagitan nina Jennylyn Mercado at Patrick Garcia. Akala ng publiko ay magiging maayos ang samahan nilang dalawa because Patrick was willing to marry Jennylyn when they found out she was pregnant. It turned out na marami pala silang ‘di pinagkakaunawaan na humantong sa kanilang paghihiwalay. Ang bawat kampo ay laging may nakahandang pahayag sa mga bintang na ibinabato sa kanila.
Jennylyn found herself on the hot seat once again. The young actress is now being linked to MYX VJ Andrei Felix, but both denied the rumor. “Walang katotohanan ‘yun. Matagal na kaming friends ni Jen. Nagkakilala kami noong nagkatrabaho sa “Tiyanaks” last year. Tapos si Pat, I’ve known him for years noong nasa Dos pa siya. Natatawa nga ako. There’s no truth to that,” paliwanag ni Andrei.
Andrei admitted na nagkita sila ni Jennylyn sa Boracay kamakailan, pero hindi raw sila magkasama. “I bumped into her sa Boracay. She was with her friends. Nagkita lang kami doon. Hindi totoo ‘yung sinasabi nila na kaming dalawa lang daw ang nandoon,” he said. Andrei also hoped na matigil na ang isyung nag-uugnay sa kanilang dalawa ni Jennylyn.
Sunud-sunod ang mga nangyayari ngayon sa aktres. Ayon sa isang balita ay nadulas si Jennylyn sa hagdanan ng kanilang bahay. Naglilinis daw ang kasambahay nila at hindi nito alam that the actress was already awake. Hindi sinasadyang nadulas si Jennylyn dahil basa ang hagdanan.
Jennylyn was also recently rushed to the hospital due to abdominal cramps. Ang mga text messages daw ni Patrick sa kanya na sinasabing nakikipag-date siya ngayon kay Andrei kahit kabuntisan niya, ang isa sa mga reasons why the young actress was under a lot of stress these days.
Jennylyn admitted in another talk show na nai-stress out siya ngayon because of Patrick’s messages. Hindi raw siya tinitigilan at walang malasakit si Patrick sa kanya. Para maging balanse ang balita ay hiningan ng The Buzz ang panig ng kampo ni Patrick tungkol sa isyu. Mommy Bing, Patrick’s mom, sent a text message.“Pakiusap ko lang huwag ni Jennylyn basagin ang pananahimik ng aming pamilya. Saksi naman ang publiko kung papaano niya tinanggihan lahat ng tulong na inalok ng pamilya ni Patrick sa kanya. Siya naman ang umayaw, hindi naman si Patrick. Inexpect ko na lagi niyang bubuhayin ang issue para mapag-usapan ulit ang pag-iyak niya at mapulaan uli si Patrick ng publiko. Alam ko hindi niya titigilan si Patrick dahil hindi siya papatulan nito. Kaya advise ko sa publiko paniwalaan na lang nila lahat ng sasabihin ni Jennylyn laban kay Patrick. Ngayon, bukas, at magpakailanman nang matigil na ang issue na ayaw nilang mamatay!”
Hanggang saan hahantong ang iringan ng bawat kampo nina Jennylyn at Patrick? Abangan!
WALA NG CAREER SI JENNYLYN!
HOW TRUE KAYA ang chikang inggit na inggit daw si Jennelyn Mercado sa kanyang dating kasamahan sa Starstruck na si Yasmin Kurdi? Huh! Ayon sa aking parazzi girl, lugmok daw sa problema itong si Jennelyn ngayon. Lalo’t ‘pag naiisip daw niya ang nangyari sa kanila ng dating nobyo na si Patrick Garcia. Hindi rin daw ma-take ni Jen na walang ama ang kanyang anak. Naku, paano kung natuloy ang kanilang balak na magpakasal noon? Ni hindi na raw nagpaparamdam ang young actor sa malapit na ngang maging inang si Jennylyn kahit sa text man lang. May mga intriga pang hinaharap si Jennylyn ngayon na kesyo kahit buntis na’y nanlalalaki pa rin ito! Nakakaloka naman! Talo pa ang bading! Hahaha! Inggit siya kay Yasmin dahil kaliwa’t kanan ang mga proyekto ng dalaga ngayon, samantalang itong hitad na si Jen ay nakahiga na lang at naghihintay ng grasya dahil ni isang project ay wala siya! Hihintayin na lang daw ni Jen na manganak para makabalik na sa trabaho. Sa totoo lang, feeling ko, hindi na siya makakabalik! Wala na siyang career na babalikan! Asa pa siya! Bakeeet?! Puwede, katu-katulong role! Chika lang! Hahaha!
Sheree Nanganak Na!!!
CONGRATULATIONS sa magkasintahang Gian Magdangal at Sheree dahil naisilang na ang kanilang baby boy na pinangalanan nilang Gian Hailey noong nakaraang Linggo ng gabi.
May timbang na 6.9 lbs ang baby at normal naman daw ang delivery. Pero kuwento ni Sheree, muntik na raw siyang ma-caesarian dahil nakapulupot daw ang pusod sa leeg ng baby. Pero magaling daw ang doktor niya, kaya nagawan ng paraang at nailuwal niya ito ng normal.
Nakabantay si Gian kay Sheree habang nagli-labor ito, hanggang sa nakapanganak na ito. Nakita daw niya ang sobrang hirap nito para mailuwal lang ang kanilang baby. Awang-awa daw siya kay Sheree at nangako siyang mamahalin niya ito forever.
HEART, HINABOL NG ITAK DAHIL SA TALENT FEE!
NAKAALIS NA ANG grupo ng “Codename: Asero” patungong Dubai para mag-taping doon ng bagong teleserye ni Richard Gutierrez sa bago niyang kaparehang si Heart Evangelista with Janno Gibbs. Sana kasama din ang alaga kong si Paolo Contis, pero kailangan muna niyang tapusin ang “Babangon Ako’t Dudurugin Kita” na malapit na ring magtapos.
Bago umalis si Heart ay inamin na muna niya ang break-up nila ni Jericho Rosales. Pero umaasa pa rin siyang magkausap sila ni Echo pagbalik dito galing Malaysia para maayos ang lahat at magkaroon daw ng closure. Hindi na raw sila nag-uusap, kaya nakabitin pa rin. Pero siyempre, hindi naman daw ganun kadali sa kanya ang paghihiwalay na ‘yun dahil sayang din ang tatlong taong relasyon nila.
NAKAKALOKA pala itong kuwento ni Heart sa Startalk na mapanood n’yo sa Sabado, tungkol sa nangyaring gulo sa shooting ng isang indie movie na ginawa niya. Hawak pa noon ni Angeli Pangilinan si Heart at tinanggap daw nila itong indie movie dahil kaibigan ng young actress ang producer nito. Pero nagkaroon daw ng gulo sa shooting sa Tanay na umabot daw sa habulan ng itak.
Nagkaroon daw ng problema sa bayaran ng talent fee ang mga taong nandun, kaya nagkagulo sa producer na pinakialaman pa ni Jay Manalo. Ang ending, hinabol daw ng itak si Jay. Pati driver at yaya ni Heart ay nadamay sa hinahabol ng mga tao doon. Nanginginig daw sa takot si Heart na nagtago sa kanyang kotse. Naayos naman at ‘di na umabot pa sa madugong tagaan.
Nilinaw naman ni Heart na wala siyang balak magdemanda, pero malabo na raw na tapusin pa niya ang pelikulang ‘yun!
MARIAN, TAGASALO LANG NG MGA TINATANGGIHAN NI ANGEL!
TAGASALO lang si Marian Rivera ng mga tinatanggihang endorsements at iba pang proyektong iniaalok kay Angel Locsin! Sa sobrang busy kasi ni Angel at mapili sa mga iniindorso, tanggap naman nang tanggap si Marian kahit hindi naman niya talaga pinaniniwalaan ‘yung produkto! Akala ninyo, kinukuha si Marian dahil sikat siya? Hindi, ‘no! Dahil tinanggihan lang lahat ‘yun ni Angel, sa kanya na nga lang napupunta! Okey naman yun. At least, tuloy ang trtabaho niya, kumikita siya at feeling sikat na sikat na nga siya. Sumikat lang naman si Marian dahil una pa man ay tagasalo na siya ng lahat-lahat ng iniwan ni Angel sa Siete! O, ‘di ba? Sige nga, magsalita nga kayo! Naku, tigilan ako, ‘no!
Okey na po ulit ang mga comment box namin… Pede na ulit kayong mag post nang comments nyo…. please post a comment on each article na mababasa nyo… para naman ganahan kami na mag post nang maraming news, para sa inyo… thankz!!!
saka survey lang gusto nyo bha magkaroon tayo nang Showbiz news na foreign??? send nyo lang sa sti_n23@yahoo.com kung gusto nyo… okey???
Dyesebel Sweats Underwater!!! — YUCK!!!!

In last night’s episode of Dyesebel, Marian Rivera told Bukanding, played by Paolo Ballesteros, that she was sweating while being interrogated by the queen of the sea (Mylene Dizon).
Pinagpapawisan ba ang sirena?
It was a big question for me while i was watching Dyesebel last night. I know that fish don’t have sweat glands so they cannot and will never perspire underwater. But Dyesebel is half fish half human so let’s consider that she has sweat glands somewhere in her upper body.
Pinagpapawisan ba ang tao sa ilalim ng tubig?
I don’t think that skin surface temperature has very little to do with sweating as such. I think that sweating is triggered by our internal temperature which raises as a result of factors such as work rate and the over all external temperature. In the scene, Dyesebel was being interrogated so it was a very intense feeling and I supposed that her body raised temperature which resulted to her sweating. So it is possible… Humans and Mermaids can sweat underwater, we just don’t notice it heehehehe.
But I think Dyesebel will perspire more if she’ll be in a frying pan
I love thinking science hehehe. How about you? What do you think?
Angel Locsin - The Hottest in the Land

I just got my copy of this month’s Maxim with Lobo star Angel Locsin on the cover. I love this job! A lot of freebies! Yahoo! Hey, FHM where’s my latest copy?
I will have it signed by Angel soon hahahaha
F: I thought Marian Rivera is the hottest star in the land
D: Well not for Maxim because its ABS CBN owned hehehehe gets?!?!?! I’m actually waiting for Marian to pose for FHM wearing her tail…TOPLESS!!!
See this mag that we just made… pantapan lang kay marian…

Blind Item: MADIR NG MORENANG AKTRES, PARA NANG JEWELRY BOX SA SUOT NA ALAHAS, ANAK, NAKUKUBA SA KABABAYAD
Ilang negosyante ang nakasama namin kamakailan sa isang mahabang kuwentuhan. Kung saan-saan umuwi ang aming usapan, kung saan-saang negosyo, hanggang sa mapunta ‘yun sa negosyo ng pagbebenta ng mga alahas.
Naungkat ang kuwento tungkol sa isang nanay ng artista na nu’ng mahilig sa alahas ay parang wala nang pakialam sa nagpapakahirap nitong anak, kuha lang nang kuha ito ng alahas sa kanyang jeweler, bayad lang naman nang bayad ang batang aktres sa kanyang mga kinukuhang alahas.
“Nakakaawa lang si________(pangalan ng batang aktres) dahil halos makuba na siya sa pagtatrabaho, samantalang wala namang ginagawa ang nanay niya kundi ang magpakapabolosa.
“Para na nga siyang walking jewelry box ngayon, kahit simpleng okasyon lang ang pupuntahan niya sa kanilang bayan, para siyang may Hepa-B sa paninilaw,” kuwento ng aming source.
Sinusunod na lang daw ng batang aktres ang luho ng kanyang ina para hindi na ito makialam pa sa kanyang buhay, nagkaroon pala nang matinding away noon ang mag-ina dahilan kung bakit humiwalay na ng tirahan ang young actress.
Pero ang pinakapaksa ng gabi ay ang ina ng isang young actress na kilala sa pagiging alahera, kuwento ng aming mga kaharap na negosyante ay marami itong hinaharap na problema ngayon, nagkaroon pa pala ng eksena nu’ng minsan sa isang pawnshop nang dahil sa kanya.
“Maliit lang ang mundo naming mga alahera. Ang pinagkukunan niya ng paninda, kinukunan din namin. Ang inaangkatan niya ng mga bato, ru’n din kami kumukuha.
“Ang pinagpapagawaan niya ng mga alahas, du’n din kami nagpapagawa, kaya alam namin ang mga nangyayari, lalo na tungkol sa kanya. Sumabit siya, matindi ang problema niya ngayon, ewan kung paano niya sosolusyunan ang matinding sabit niya ngayon sa mga suppliers namin,” simulang kuwento ng aming impormante tungkol sa ina ng batang aktres.
Naging malaking atraksiyon ito nu’ng mabuking ng isang nanay din ng artista na isinasanla pala nito ang mga alahas na kinukuha mula sa kanya. Nahawakan ng nanay ng aktres ang mga papel de ahensiya, nagkaroon sila ng komprontasyon sa mismong pawnshop, nag-walk out ito nu’ng wala nang magawa dahil buking na buking na ito.
“Kinukuha na lang kasi sa kanya ng mga suppliers ang mga alahas dahil hindi na siya nakapagbabayad ng stocks, meron siyang sinasabing mga pangalan ng mga artista na kumuha raw ng mga alahas sa kanya, pero hindi naman nakapagbabayad.
“Nabuking siya dahil kapatid pala ng owner ng pawnshop ang isang supplier niya, nagtago pa siya nu’ng una pero wala na siyang nagawa nu’ng kasuhan siya, isinasanla pala niya ang mga paninda niya!” kuwento pa rin ng aming source.
Dating artista rin ang nanay ng batang aktres, nakaaway ito noon ng isang beteranang aktres na nalilinya rin sa pagbebenta ng mga alahas, morena pero maganda ang kanyang anak na laging kontrobersiyal dahil sa mabilis na pagpapalit ng boyfriend.
Halaw sa Diyaryong Bulgar mula sa panulat ni Cristy Fermin
BIANCA KING, TYPE SI DENNIS TRILLO
SINA Bianca King at Hero Angeles ang umupo sa hot seat ng Balakubak portion ng Nuts Entertainment kamakailan. Pareho silang kasama sa Dyesebel. Kaagaw ni Dyesebel kay Fredo ang role ni Bianca bilang si Betty. Kuya naman ni Aljur Abrenica ang papel ni Hero.
May boyfriend si Bianca samantalang loveless naman daw si Hero ngayon. Pero type daw niya si LJ Reyes na makatrabaho. Posible kayang main-love siya rito? “Wala namang masama kung sakali, ‘di ba?” sabi niya.
Nag-aaral ngayon ng Film Making si Bianca. Gusto niyang maging direktor at producer balang araw. “Matagal ko nang pangarap ‘yon, kasi. Hindi naman siguro panghabang buhay na artista lang ako. Gusto ko namang mapunta sa ibang level. Pero sa ngayon, gusto ko rin namang i-enjoy ang pagiging movie star ko,” pahayag niya.
Noong Sabado, nagbalik si Janno Gibbs sa Nuts Entertainment na napapanood pagkatapos ng Imbestigador. Mas maganda ang wig na ginamit niya ngayon kaysa dati. Bagay sa kanya ang mahabang wig na blonde.
Sino naman ang gustong maka-love team ni Bianca kung sakali? “Gusto ko talagang ka-love team, si Dennis Trillo. Kasi, matagal ko siyang kaibigan, Mulawin days pa.”
At gaano katotoo na amoy-isda si Marian Rivera sa kadi-Dyesebel niya? “Naku, hindi naman amoy-isda si Marian,” sagot niya kay Joey de Leon na nagtanong. “Mabango siya at malinis, kahit nakalublob pa siya sa tubig.”
Samantala, sa Tanay, Rizal naman ang location ng mga games sa Nuts Entertainment this week. Sina Paolo Paraiso at Iwa Moto ang hosts at Belli Flori o John Feir. Sina Sunshine, Alyssa Alano at JC Parker ang kanila namang mga kapa-kapartner. Medyo mahirap ang mga games ngayon dahil sa Daranak Falls ang kanilang setting.
Kwela namang mag-host ng games si Paolo pero bakit parang ‘yung co-host niya ay hindi naman bigyan ng pagkakataon na magsalita? Bakit parang siya na lang nang siya ang nagsasalita?
Halaw sa Diyaryong Bomba, sa panulat ni Arthur Quinto
MALE SINGER, KUMPIRMADONG BADING
Nu’ng una, ayaw namin maniwala na bading ang naturang male singer na produkto ng singing contest sa telebisyon. Dinidedma lang namin ang mga kuwentuhan ng mga katoto tungkol sa naturang male singer.
Nang makasama ko ang male singer sa isang provincial show, doon namin pinagdudahan ang kanyang gender. Napakahinhin niyang kumilos at pati magsalita ay kiming-kimi siya na parang pa-girl at pumipilantik ang kanyang mga daliri.
Kapansin-pansin din ang medyo asiwa niyang kilos na halatang hindi natural. Halatang iginagala muna niya ang kanyang paningin bago siya kumilos. Halatang verde ang dugo dahil sa kanyang mga ikinilos na ‘yun.
At nang marinig namin siyang magsalita, biglang bumigay ang kanyang boses at nag-iba ang timbre. Sayang, gwapito pa naman ang male singer.
Halaw sa Diyaryong Bomba sa panulat ni Mimosa Mystica
KATRINA HALILI, KAY ANNE CURTIS IPAPASA ANG TRONO HINDI KAY IWA MOTO
Hindi pa raw handa si Katrina Halili na ipamana ang kanyang korona bilang top sexiest woman ng FHM na dalawang taon niyang hinawakan. Pero kung may puwede siyang ikonsidera na hahalili sa kanya, ito ay si Anne Curtis na sa tingin niya ay sexy at umaapaw sa sex appeal!
Yes! Aprubado ni Katrina si Anne para maging kanyang successor as Sex Goddess. Iba kasi ang sukatan ni Kat sa pagiging sexy ng isang babae.
“Hindi naman ang hubog ng katawan at laki ng boobs ang susukat ng kaseksihan ng isang babae. Si Anne kasi, ibang klase ang aura niya kapag lumalabas at nakikita sa mga showbiz affairs. Artistang-artista ang dating niya at nakakatawag ng pansin ng guys ang kanyang kilos, pananalita at ang pagdadala niya sa kanyang sarili.”
Sa ngayon, wala namang balak si Katrina na makipagsabayan at makipagkumpitensiya sa ilang sexy stars na madalas maging cover girls ng men’s magazine, lalo na’t isang bagong Katrina Halili ang mapapanood nila sa sine-novela ng Siyete, ang Magdusa Ka na idinirek ni Maryo J. delos Reyes.
Minus na ang mataray at kontrabida image ni Katrina at ipinasa na niya ang kanyang korona kay Iwa Moto. Mas mahirap, mas challenging ang role niya sa Magdusa ka na dating ginampanan ni Ms. Dina Bonnevie sa pelikula.
With Direk Maryo J. delos Reyes’ guidance, kontrolado na ang kilos, pagbibitaw ng dialogue at ang pagtaas-taas ng kilay ni Katrina H. sa kanyang role bilang Christine sa Magdusa Ka.
Halaw sa Diyaryong Bulgar, sa panulat ni Erlinda Rapadas T
Blind Item: SEXY ACTRESS, SUKANG-SUKA SA AMOY NG HININGA NG KAEKSENANG GUWAPONG YOUNG ACTOR!
Sukang-suka ang isang sexy actress nang makasama ang isang young actor sa isang TV show. Hindi niya kinaya ang amoy ng bibig ng guwapong young actor. Kung puwede lang siyang umurong sa episode na ‘yun ay gagawin niya pero tiyak na pagagalitan siya ng management.
Baka epekto ‘yun ng mga iniinom ng young actor dahil nagda-diet ito. Malaki kasi ang ipinayat niya ngayon at bonggang-bongga ang katawan.
Ewan kung may reklamo ngayon ang isang sikat na aktres sa hininga ng aktor dahil magkaeksena sila sa isang TV show.
May bad breath pa kaya ang young actor o nagamot na?
Well…
Halaw sa Diyaryong Bulgar, sa panulat ni Roldan Castro
Blind Item: MALUSOG NA MEMBER NG ALL-FEMALE GROUP, AYAW BUMILI NG GAMIT, NANG MALAMANG ILILIBRE NG FAN ABROAD TODO-HAKOT, CART
Nagkaroon ng show sa ibang bansa ang isang all-female group. Mainit silang tinanggap sa nasabing lugar, at naging magiliw din naman sila sa ating mga kababayan. Pero kung gaano sila karami sa grupo ay ganu’n din karami ang ugali na kailangang pakisamahan ng kanilang mga hosts sa nasabing bansa.
Sabi ng aming impormante, “Naku, kani-kanya ang kaartehan nila, merong matagal gumayak, merong hindi naliligo, merong mahilig uminom na hindi naman kayang dalhin ang kalasingan niya, kung anu-ano ang katsuvahan nila!” simulang kuwento ng source.
May mga kababayan tayong natutuwa sa mga performers, ipinagsa-shopping ng mga ito ang mga artista at singers, at merong kuwento ang aming impormante tungkol sa isang miyembro ng naturang all-female group nu’ng dalhin sila sa mall ng isang natutuwang tagahanga nila.
“Hindi kasi sila sure kung sila ba ang magbabayad ng mga mapipili nila o libre ‘yun. Nu’ng paikut-ikot na sila sa mall, may mga nakikita silang magagandang personal na kagamitan, pero ayaw nilang bumili.
“Sabi nu’ng fan sa isang member na palaging maingay, ‘Heto, maganda ito, ang mura-mura pa. Bagay na bagay sa iyo ‘yan kapag may show kayo.’ Ang sabi ni ______ (ang member na may kalusugan ang katawan at maingay), ‘Naku, ang dami-dami ko na pong ganyan, meron din sa Pilipinas n’yan, marami na ako n’yan pramis!’
“Pero sabi nu’ng fan sa kanya, ‘Kumuha ka na, ako naman ang magbabayad. Kaya nga dinala ko kayo rito sa mall, e, gusto ko kayong ipagshopping. Ako ang magbabayad, don’t worry,’ sabi nu’ng fan nila.
“Ang luka-lukang girl, biglang binalikan ‘yung mga nadaanan na niyang kagamitan, marami na raw siya nu’n, pero bakit nu’ng malaman niyang libre lang pala ang mga mapipili niya niya, e, kumuha siya ng iba-ibang kulay?
“Aysus! Nu’ng malaman niyang ‘yung fan pala nila ang magbabayad, para lang siyang namimitas ng kamatis sa kakukuha sa rack ng mga damit na gusto niya, parang ayaw na niyang tumigil, punumpuno na ang cart niya!” tawa nang tawang kuwento ng aming source.
‘Yung member namang dehins goli ay sa eskaparate raw ng mga perfume nagtagal, ‘yun talaga ang type ng girl dahil sabi ng aming impormante, “Kailangan niya talaga ng mga pabango dahil hindi nga siya mahilig maligo. Kapag nag-iikot sila ng grupo, spray lang siya nang spray ng cologne at perfume sa buong katawan niya!
“Ang hindi niya alam, kapag naghahalo ang pawis at perfume, e, sumasangsang ang amoy niya. Alam mo kaagad kung hindi naliligo ang tao at basta nagpapabango lang. Iba ang kanyang amoy, parang malansa,” kuwento pa rin ng aming source.
Ang puring-puri nilang miyembro ng grupo ay ang dalagang marespeto na, hindi pa suplada. Hindi rin daw pasaway ang miyembrong ‘yun ng all-female group, kapangalan ng dalagang ito ang isang kapatid ng tsinitong action star-pulitiko.
“Napaka-prim ang proper ang babaeng ‘yun, nagpapasexy siya sa stage, pero in real life, napakasimple at mabait siya. Pagkatapos ng show, matutulog na siya, on time siya sa promo, wala siyang karekla-reklamo, kaya gusto namin siya,” papuri pa ng aming source sa miyembro ng all-female group.
Halaw sa Diyaryong Bulgar, sa panulat ni Cristy Fermin
MARIAN RIVERA, ‘DI BAGAY NA SIRENA!
MAS bagay na Marimar si Marian Rivera kaysa sa Dyesebel. Wala ka ring makitang ipinagbago niya sa bago niyang teleserye maliban sa pinagsuot siya ng buntot, nilagyan ng hair extension para matakpan ang kanyang boobs at palagi siyang nakababad sa tubig.
Wala pa ring tatalo sa original na Dyesebel na si Edna Luna, sa totoo lang. Black and white and “Dyesebel” noong 1952 sa direksiyon ni Gerry de Leon at nakatulong ng malaki ang kulay na ito para magkaroon ng misteryo ang naturang pelikula.
Pero sa lahat na nag-Dyesebel, si Alice Dixson lang talaga ang marunong lumangoy. Meron siyang underwater scenes na wala siyang pakialam makita man ang kanyang boobs, hindi katulad ni Charlene Gonzales na talagang nakadikit sa kanyang boobs ang wig niyang suot, huwag lang itong mag-hello.
Kung tutuusin, ang salitang “Dyesebel” ay hinango lang ni Mars Ravelo sa pelikulang ginampanan ni Bette Davis na “Jezebel” sa direksiyon ni William Tyler noong 1938. Pero hindi ito tungkol sa isang sirena. Sa pelikula ni Bette, isa siyang Southern belle na pilit na pinagseselos ang nobyo niyang si Henry Fonda. Dito nakamit ni Bette ang ikalawa niyang Oscar for best actress. Ang una niyang best actress award ay sa pelikulang “Dangerous” noong 1935.
Iniba ni Ravelo ang spelling ng “Jezebel” at ginawang “Dyesebel” pero mas nag-klik ito sa masa at kapag binanggit ang salitang ito, sirena agad ang pumapasok sa utak ng tao.
May flaw rin ang istorya kung tutuusin. Isang sirena na namuhay sa tubig pagkatapos gagawing tao? Napakalaking adjustment ito kung tutuusin. Pero dahil sa pag-ibig niya kay Fredo, na unang ginampanan ni Rogelio dela Rosa, mas pinili pa niyang maging tao.
Magtataka ka naman kung paano makit ang isang lalakeng mortal sa isang sirena. Kahit anong ganda pa ng isang sirena, mahirap siyang magustuhan ng isang tao dahil sa kanyang pagiging freak. Pero dito sa bagong “Dyesebel” ni Marian, hindi lang si Fredo ang kanyang magiging manliligaw. Napakaraming lalake ang manliligaw sa kanya.
Nakakaloka talaga ang walang ka-logic-logic at malayo sa reyalidad na istoryang ito ni Dyesebel. (Well, kaya nga tinawag na fantaserye kasi hindi na ito kailangang hanapan ng lohika dahil ang layunin lamang nito ay kung pa’no aaliwin ang masang manonood na hindi nag-iisip at nagsusuri sa kanilang mga pinapanood. Ed.)
Halaw sa Diyaryong Bomba sa panulat ni Arthur Quinto
SIGAW NI BONG REVILLA, SENADOR NA SIYA KAYA DAPAT IGALANG!
GALIT na galit si Bong Revilla Jr. sa isang writer na binabalikan ang relasyon niya noon sa bold star na si Angela Perez.
“Sana, iginalang man lang niya ‘yung pagiging senador ko, hindi ‘yung parang pinalilitaw pa akong bold actor,” sabi ni Bong.
Naging graphic ang presentasyon ng write-up na iyon, pati halinghing ni Angela sa kama, binanggit.
“Iba na ang estado ko ngayon bilang aktor, sana naman, iginalang nila,” sabi pa ni Bong na planong idemanda ang nagsulat.
Bukod nga naman sa pagiging senador niya, napapanood si Bong sa wholesome show na Kap’s Amazing Stories tuwing Linggo, pagkatapos ng Showbiz Central sa GMA-7 kaya inaalagaan niya ang kanyang reputasyon.
Halaw sa Diyaryong Bulgar mula sa panulat ni Arthur Quinto
SHARON CUNETA, NAUNTOG NA, ALAM NA WALA SIYANG PAKINABANG KAY GABBY CONCEPCION
Kahit si Gabby Concepcion, boto kay Richard Gutierrez para sa anak niyang si KC.
“Mabait na bata si Richard, maliit pa ‘yan, kilala ko na,” sabi ni Gabby sa The Buzz kamakailan.
Tungkol naman sa pagtanggi ni Sharon Cuneta na magkasama sila sa isang pelikula, sabi niya, “Naiintindihan ko na magkakaroon ng intriga kapag nag-partner kami ulit. Pero ang intriga naman, laging nandiyan. At saka, hindi naman ako ang may hiling nito kundi ang mga fans.”
Bukod sa intriga, alam ni Sharon na gagamitin lang siya ni Gabby para muling bumango ang pangalan ng aktor sa publiko.
Sa maikling salita, si Gabby lang ang makikinabang oras na magtambal silang muli.
Halaw sa Diyaryong Bulgar, sa panulat ni Arthur Quinto
PRECIOUS LARA QUIGAMAN, TINABLA SI WILLIE REVILLAME DAHIL KAY AGA MUHLACH
Isa si Mariel Rodriguez sa mga makakasama ni Willie Revillame sa Hawaii bilang co-host sa show doon ng Wowowee sa May 10. Si Precious Lara Quigaman lang daw ang hindi kasama, ayon kay kafatid sa panulat na si Chan-Chan Torres.
“‘Di ko po knows kung bakit ‘di join si Lara,” added na info pa ni kyuti-kyut-kyut Chan-Chan.
Ah, baka ‘di maiwan ang taping ng That’s My Doc nila ni Aga Muhlach, ‘di kaya?
E, bakit si Mariel, may PBBTE Plus din, ha!
Eniwey, wish lang ni yours truly ay makita nina Willie, Mariel at Valerie Concepcion sa Hawaii ang nag-iisang lalaking artistang hinahawakan namin noon as talent at naging ka-live-in (without sex, ‘noh!) na si Tom Babauta na naging ka-love team noon ni Snooky Serna sa Regal Films.
Papi Willie, if ever na masight n’o nga sa Hawaii si Tom Babauta, i-guest mo naman sa Wheel of Fortune, este, Willie of Fortune, para malaman ni yours truly kung maganda ang naging fortune niya sa pagbabalik-Hawaii during EDSA Revolution.
Yezzz, at that time ay pinauwi kasi si Tom ng erpat niya for fear na baka madampot ng military dito ang kanyang only son. Kasi ba naman, nakisali rin ang damungkang sa mga rally-rally noon against the Marcos government at saka dahil lagi kaming run out of cash noon, okra na lang ang ipinakakain sa kanya ni yours truly na hindi niya malunuk-lunok. Ha..ha..ha!
Hayyy, those were the days talaga, Ateng Janiz, konting pera pero maligaya na, tsuk!
‘Nga pala, kauuwi lang dito from Canada ng isa naming friend at ibinalita nito na sikat na sikat daw du’n si Willie at ang Wowowee. Ang yabang-yabang daw ng mga Pinoy du’n kapag nakasuot ng Wowowee jacket.
Ganu’n? Puwes, magtinda na lang tayo ng Wowowee jacket ng Hammerhead sa Canada, Ateng Janiz!
Halaw sa Diyaryong Bulgar mula sa panulat ni Mercy Lejarde
ANGELICA PANGANIBAN, OKS LANG KAHIT SAAN DALHIN NI DEREK RAMSAY ‘DI PA MAN KASAL
Napanood namin last Tuesday sina Angelica Panganiban at Derek Ramsay sa Boy and Kris. Kagagaling lang pala nila sa pagta-travel sa Korea.
Kitang-kita mo kung papaano nag-mature nang husto si Angel sa piling ni Derek. Iba na talaga ‘pag mas mature ang lalaki sa kanyang partner.
Modern couple silang masasabi. They travel together at ini-enjoy nila ang isa’t isa habang ‘di pa sila kasal.
In a way, may advantage ang relationship nila. They get to know each other more. Nakikita nila ang mga kahinaan ng isa’t isa.
Like sabi ni Angel, “Makalat siya. Pero ‘di naman ‘yung tipong marumi ang kalat niya.”
Nagpaliwanag din si Derek, “Pero after sometime, inaayos ko naman ang mga kalat ko.”
Sanay kasing namumuhay nang mag-isa ang hunk actor na ito kaya alam niyang mag-ayos ng gamit.
Isang taon na nga ba sina Derek at Angel? Sa takbo ng kanilang pagsasama, obvious na nakapag-adjust na ang dating child star sa lifestyle ng kanyang boyfriend na lumaking may ibang kultura.
Si Angel na nga kaya ang huling babae sa buhay ni Derek Ramsay???
Halaw sa Diyaryong Bulgar mula sa panulat ni Len Llanes
Blind Item: DONASYON NG MGA PINOY ABROAD PARA SA MGA BIKTIMA NG KALAMIDAD, IPINANG-CASINO LANG NG SIKAT NA AKTRES
FIRST-hand ang kuwentong ito. Naganap ang senaryo ilang taon na ang nakararaan, pero hanggang ngayo’y pinagpipistahan pa rin ito ng mga kababayan natin sa ibang bansa, dahil hindi malimut-limutan ng mga ito ang ginawang eksena ng isang sikat na aktres sa entablado habang tumatakbo ang kanyang show.
Mga unang taon ng dekada nobenta nang mag-show sa ibang bansa ang singer-actress, kapuputok lang nu’ng Mt. Pinatubo, naging laman ng mga pahayagan at telebisyon sa buong mundo ang trahedyang naganap sa ating bayan.
Sa tatlong magkakalayong lugar nag-show noon ang singer-actress, sa Los Angeles, Las Vegas at Canada. Inuna muna niya ang lugar na lihis sa kanyang ruta, ang Canada, sumunod ang Las Vegas, panghuli ang Los Angeles na pinanggalingan na niya pauwi sa Pilipinas.
Maraming nanood sa kanya sa Canada, punumpuno ang venue, kuwento ng aming mga impormante ay parang tuldok lang siya sa gitna ng malawak na entablado.
Nu’ng nangangalahati na ang kanyang concert ay nagsalita ang aktres, “Kagagaling ko lang po sa ______ (ang bansa na una niyang pinagtanghalan bago siya nagpunta ru’n), nanawagan din ako sa mga kababayan natin du’n, marami po tayong naghihirap na kababayan ngayon dahil nasalanta sila ng lahar.
“Mara