The new face of pinoy entertainment
May 14th, 2008 at 5:30 am
Posted by joemer in ABS-CBN, GMA

 PRISCILLA VS. JANICE?

 

Well it wasn’t anything like the last time that Janice de Belen confronted John’s then girlfriend Vanessa del Bianco involving a birthday cake and poison…. And an alleged call at the BID to check on the immigration papers on Vanessa.

 

This time, everything was calm when John Estrada brought his girlfriend, model-beauty queen Priscilla Mereilles in a school program of one of John’s daughters with Janice.

 

The two ladies didn’t cross paths though. John related that while they were all in one hall, Janice was a little far away.

 

And nope, he too didn’t get to meet Janice’s new boyfriend.

 

But in the words of John Estrada, the two would eventually meet since he is planning to do a sit-down with all of them so everything will be resolved… if there’s anything to be resolved.

 

As far as I know, both Janice and John have moved on and are seeming to enjoy love and life right now.

 

So let’s all move on…. Right Jericho and Heart?  


May 14th, 2008 at 5:27 am
Posted by joemer in ABS-CBN, KC Conception, Sharon Cuneta

 Sharon says KC, Richard are just friends

Megastar Sharon Cuneta said her daughter KC Concepcion and actor Richard Gutierrez are just good friends.

Cuneta made the statement in response to reports that Concepcion and Gutierrez are now partners on and off the screen. The two will star in an upcoming movie by Star Cinema.

“It is her first movie. She’s nervous but excited. And she’s happy to be working with Richard, who she is not dating by the way. They are good, good friends. I’m proud to say that they have good, good heads on their shoulders,” Cuneta said.

“They know their priorities that’s why lalo kong nirespeto si Richard. They know that it is not the right time to get into anything so they are friends,” Cuneta added.

When asked if she will allow Richard to court her daughter, Cuneta said, “Oo. Anak ni daddy groovy ko iyan at saka ni Tita Annabelle at kung siya ay kasing disente ni Tonton wala akong problema sa buhay kung sila.”

Proud mother

Cuneta is proud that her daughter is making her own mark in the world of showbusiness.

“Ako I’m very happy proud and happy. I made it very clear from the beginning that there’s a very clear distinction between KC’s career and my career. We are not a package deal- never were and never will be.

“Ang dali-dali to do a movie with your daughter and we always encouraged and supported yung kagustuhan niyang to make her own mark and make a name for her self and get out of the shadow of her mom, papa, dad,” she said.

She is also happy that her daughter has taken on the role of being a celebrity like a natural.

“She has done it successfully first as an endorser and I’m glad actually that she’s enjoying herself which she really had no choice. She had no choice between staying, becoming a private person and being a celebrity.

“She became a celebrity from the moment she was conceived so I’m happy that she’s enjoying it. She just embraced it I think,” Cuneta said.

She said her daughter does not take her celebrity status for granted.

“It makes me feel very happy na although KC has been known since she was little, she knows she has a lot to prove,” she added.


May 14th, 2008 at 5:25 am
Posted by joemer in ABS-CBN

 ABS-CBN’s upcoming series title changed from ‘Wildflower’ to ‘Cattleya’

The name of ABS-CBN’s upcoming television series starring Roxanne Guinoo has been changed from “Wildflower” to “Cattleya.

abs-cbnNEWS.com learned that the original title of the series was “Wild Orchid” before it was changed to “Wildflower”.

ABS-CBN Corporate Communication manager Lorelie Dionisio-Piravalasamy said the series’ production team informed them of their decision to change the show’s title.

However, there were no other details given as to what triggered the team to change the series’ name.

The story of “Cattleya”

“Cattleya” revolves around the story of central character Lea Alegro (Roxanne Guinoo). It begins in the 80s, a time considered to be the peak of horse race betting.

Lea is the daughter of a gambling man named Dennis, (Nonie Buencamino), and his wife Marilyn (Desiree del Valle). Marilyn is actually in love with Mon (Isko Moreno).

When Lea contracts dengue, Dennis finds out that his daughter’s blood type does not match his own nor that of Marilyn. This event triggers the changes in Lea’s life.

When her mother dies, Lea is left alone in a girls’ town. Lea blooms into a beautiful woman, and by herself she will search the truth about her life, her true love and her real self.

Lea’s decision to go back to the horse race track would be the start of her long and winding journey of many discoveries and revelations.

Other stars included in the the series are Smokey Manaloto, Arlene Muhlach, Chokoleit, Sid Lucero, Carla Humphries, Erich Gonzales, Matteo Gaudicelli, Pen Medina Marc Abaya and Ara Mina.

The series had its first taping day on May 12th in Makati City.

“Cattleya” is directed by Andoy Ranay.


May 14th, 2008 at 5:22 am
Posted by joemer in ABS-CBN, Aga Mulach, Bea Alonzo, Betty La Fea, Billy Crawford, Diether Ocampo, Gabby Concepcion, Jake Cuenca, John Lloyd Cruz, Jon Avilla, Sam Milby
Si Bea na si Betty! Sino si Armando?

Si Bea Alonzo na ang napili ng ABS-CBN na gumanap sa title role ng Filipino version ng internationally franchised hit show na Betty La Fea. Pero palaisipan pa rin sa marami kung sino ang gaganap bilang Armando Mendoza, ang boss at love interest ni Betty. Iilang gwapong at magagaling na aktor na rin ang pinaguusapan kung sino ang babagay sa role na ito. Kung kayo ang tatanungin, sino ang gusto niyong maging leading man ni Bea.

Sino sa kanila?

Aga

Aga Muhlach – Ilang mas nakakabatang leading ladies na rin ang naging kapareha ni Aga, tulad nina Claudine Barretto, Kristine Hermosa, at Angelica Panganiban. Ang huli nga ay si Anne Curtis sa box-office hit movie na When Love Begins. Si Bea na ba ang dapat na sumunod na mai-partner kay Aga?

Diether

Diether Ocampo – Matapos ang ilang matagumpay na teleserye ay napatunayan na ni Diether ang kanyang husay sa pag-arte. Nakapareha na rin ng hunk actor si Bea sa isang madramang episode ng Maalaala Mo Kaya. Panahon na kaya para magtambal ang dalawa sa isang teleserye.

Jake

Jake Cuenca – Katatapos lang ng Palos kung saan si Jake ang isa sa mga bida at kung saan nakapareha niya ang ex-girlfriend na si Roxanne Guinoo. Naging leading man din si Jake ni KC Concepcion sa isang episode ng I Am KC. Si Jake na nga ba ang hinihintay na maging bagong kapareha ni Bea?

JohnLloyd

John Lloyd Cruz – Makailang ulit nang nagtagumpay ang John Lloyd-Bea loveteam, sa TV man o sa pelikula. Huling nagkasama ang dalawa sa teleserye na Maging Sino Ka Man: Ang Pagbabalik. Mukhang marami pa ring fans ang gustong si John Lloyd pa rin ang makapareha ni Bea sa Betty La Fea.

Jon

Jon Avila – Pinakilig niya ang marami nang pumasok siya sa Bahay ni Kuya noong PBB Celebrity Edition 2. Naipareha din siya kay Bea sa Maging Sino Ka Man: Ang Pagbabalik. Bukod sa pagiging Cover Boy, si Jon na ngayon ang nagbibigay buhay sa superhero character na si Kapitan Boom.

Luis

Luis Manzano – Bukod sa hosting ay nakitaan din ng galing sa pag-arte ang anak ni Governor Vilma Santos. Nag-bida si Luis sa mga teleseryeng Crazy For You kasama si Toni Gonzaga at sa Rounin katambal si Angelica Panganiban. Anong klaseng “spark” kaya ang maari nating mapanood sa posibleng Luis-Bea tandem?

Piolo

Piolo Pascual – Si “Papa P” na yata ang most sought-after leading man ngayon. Pangarap ng bawat batang aktres na makatrabaho si Piolo, at natupad ito ni Bea nang i-pair sila sa pelikulang Dreamboy. Mula sa pakikipag-ibigan sa isang Lobo ay handa na kaya si Piolo na mahalin ang isang Betty?

Sam

Sam Milby – Sa Maging Sino Ka Man ay kay Bea unang pinareha si Sam bago pa kay Anne Curtis. Panahon na kaya para matuloy na ang tambalang Sam-Bea.

Zanjoe

Zanjoe Marudo – Isa si Zanjoe sa mga tinitiliang hunk actor sa showbiz ngayon. Siya ang naging ka-love triangle nina Toni Gonzaga at Sam Milby sa pelikulang You Got Me. Nachichismis din si Zanjoe sa uber pretty host na si Mariel Rodriguez. Handa na kaya si Zanjoe na maipareha sa iba pang leading lady?

Gabby

Gabby Concepcion – Mula nang magbalik-Pilipinas ang ‘80s matinee idol ay binalot na ng “Gabby-mania” ang buong sambayanan. Hindi naman inda ng karamihan ang edad ng premiere actor-leading man dahil sa walang-kupas na kagwapuhan ni Gabby ay pwede pa rin siyang i-partner sa younger leading ladies tulad ni Bea.


May 14th, 2008 at 5:20 am
Posted by joemer in ABS-CBN, Gretchen Baretto
Gretchen finally speaks up about the Cojuangcos
051308-Gretchen02.jpgIt seems that Gretchen Barretto has reached the boiling point with regards to issues about her and partner Tony Boy Cojuangco’s family. Through her K-text (a mobile subscription service where one can subscribe and receive messages and journals from celebrities), Gretchen said that her name is once again being dragged in a newspaper column featuring Tony Boy’s daughter Patty’s wedding. The actress feels that the reference to her in the column was quite unnecessary. “I was told about the PDI [Philippine Daily Inquirer] Sunday spread regarding the daughter of Tony Cojuangco. Maurice Arcache wrote it. It had photos and it had to make me the bida of the write-up, saying that ‘buti naman daw that I had the delikadeza not to attend the wedding.’ I would never force myself into it. I have a lot going on for me that I don’t need to dwell on some issue that we’ve all known about for the past 14 years.”

Gretchen also said in her celeb journal that she was actually minding her own business last May 3 and 4, attending mini-concerts in Bacolod and Ilo-ilo. “I am a busy person. Trying to make a go for myself. Living well and earning my own keep…” The actress continued by saying she’s quite tired on not living a normal life. “Nakakapagod na rin talaga what I have to go through with the Cojuangcos. I’ve been going through these beatings for the last 14 years. Most of the time I just would love to let go. It can’t be a normal life. Maybe it would stop when I let go.”

According to sources, Patty Cojuangco’s wedding took place at the Sanctuario de San AntonioChurch in ForbesPark. Tony Boy attended the occasion unescorted and the mother of the bride also did not make an appearance.


May 14th, 2008 at 5:05 am
Posted by joemer in ABS-CBN, Sarah Geronimo

 Sarah-do pa rin ang lablayp!

Isa si Sarah Geronimo sa maituturing na successful artists ng kanyang henerasyon. Mula nang manalo siya sa “Star for a Night” noong 2003, sunud-sunod na ang kanyang mga tagumpay. Certified palatinum ang kanyang mga albums na umabot pa sa 7x platinum ang kanyang first album na Popstar: A Dream Come True. Napatunayan na rin niya ang kanyang husay sa pag-arte nang maging bida sa top-rating soap opera na Bituing Walang Ningning. Talaga namang nagbigay ‘to ng panibagong oportunidad para sa kanya dahil nasundan ito  ng isa na namang top-rating soap na Pangarap na Bituin. Bukod sa pagiging singer at actress, isa rin siya sa mga sought-after endorsers ng bansa. At ngayon nga, siya na ang latest endorser ng sikat na clothing line na Bench. Sa edad na 19, mukhang wala na siyang hihilingin pa sa kanyang career. Kulang na lang sa kanya ay isang makulay na lovelife. Hmmm, sino naman kaya ang maswerteng makakabihag ng puso ng ating Popstar Princess?


May 14th, 2008 at 5:03 am
Posted by joemer in Blind Items

Blind Item: PAMILYA NG GUWAPONG AKTOR, TUWANG-TUWA NANG MAHIWALAY SA SOBRANG INSECURE AT MAKASARILING

MARAMING istoryang kumakalat ngayon tungkol sa biglaang paghihiwalay ng isang guwapong aktor at magandang aktres. Iba-iba ang bersiyon ng kuwento, may kani-kanyang depensa ang magkabilang panig, marami tuloy naguguluhan ngayon kung sino sa kanila ang nagsasabi nang totoo.

Bukod sa pamilya ng aktres na sinasabing mula pa noon ay kontra na talaga sa aktor ay meron ding sinasabing ibang dahilan ang kampo ng aktor, may kinalaman naman ‘yun sa sobrang pagiging selosa ng aktres, kaya nagkakaroon ng problema ang aktor at ang kanyang pamilya.

“Insecure siya. Wala siyang tiwala sa sarili niya. She’s always jealous. Kahit sino, pinagseselosan niya,” simulang kuwento ng aming impormanteng may malalim na nalalaman tungkol sa hiwalayan ng dalawa.

Parang hindi kasi ganu’n ang basa namin sa aktres, parang punumpuno pa nga ito ng kumpiyansa, walang dahilan para kapusin ito ng tiwala sa kanyang sarili dahil sa pinagmulan nitong mariwasang buhay.

“‘Yun lang ang akala n’yo, pero ang totoo, punumpuno siya ng insecurity. Du’n na lang sa anak ni _______ (pangalan ng aktor) na matagal na naman niyang alam bago pa sila naging mag-boyfriend, e, pinagseselosan niya.

“Kapag kinukuha niya ang anak niya para ipasyal, ayaw magpaiwan nu’ng girl, join din siya! Kaya nga ‘yung bagets, e, nagsabi na sa papa niya nu’ng minsan, puwede raw kaya na lumabas sila na silang dalawa lang ang magkasama at wala ‘yung girl?

“Siyempre naman, uncomfortable ang bata, hindi naman kasi ‘yun ang nanay niya, e. Pero ganu’n pa rin siya, kailangang kasama siya sa mga lakad ng mag-ama.

“Hindi man lang niya maisip na sana, dahil paminsan-minsan lang namang nagkakasama ‘yung mag-ama, e, bigyan na niya ng chance na magkasarilinan. Pero join pa rin siya palagi,” sabi pa rin ng aming source.

Kung ang pamilya raw ng aktor ang tatanungin ay magandang balita ang hatid ng hiwalayang ito. Kuwento uli ng aming impormante, “Nu’ng sila pa kasi, e, kinakapos sa oras sa family niya si lalaki. Alam n’yo naman ‘yun kung magmahal, ang babae lang ang sentro ng mundo niya.

“Kaya, ‘yung kuwentong nangaliwa raw si _____ (pangalan ng aktor), malaking kalokohan, ‘yun! Sinong lalaki pa ang makakagawa ng ganu’n kung kasinghigpit ni Jaworski sa pagbabantay ang girlfriend niya?

“Sinasabi ng lang niya ‘yan ngayon dahil may mga nagsusulsol sa kanya, meron nang mga taong bumubulong sa kanya na dapat na niyang iwasan ang lalaki dahil bumabagsak ang career niya.

“Sabagay, matagal din naman kasi siyang nahiwalay sa family niya, nasasabik na rin siguro siya, clanish kasi sila,” pagdidiin pa ng aming source.

Kailangan pa ba naman naming magbigay ng clue para lang malaman n’yo kung sino ang nagkahiwalay na magkarelasyong ito? May mauupo pa kaya ngayon sa Row 4 na katabi ang mabahong basurahan? Magkapuso sana naman kayo sa panghuhula.

Halaw sa Diyaryong Bulgar, sa panulat ni Cristy Fermin


May 14th, 2008 at 5:01 am
Posted by joemer in ABS-CBN, GMA, Heart Evangelista, KC Conception, jericho rosales

 NAKU, KUNG SI ANGELI ANG MANAGER NI KC…LAOS NA SIYA NGAYON!

WALANG kaabog-abog biglang pumutok ang balitang hiwalay na nga  sina Heart Evangelista at Jericho Rosales, kasabay nito ang paglipat ng dalaga sa GMA 7. Mabilis ang pangyayari dahil sa paghihiwalay ng dalawa agad naman lumipad patungong Dubai ang dalaga para mag-taping kasama si Richard Gutierrez na pilit na agad na nili-link sa kanya.
     Nang magbigay ng pahayag si Heart na break na sila ni Echo, nagulat na lang ang binatang-ama sa balita. Nasa Malaysia ng mga sandaling ‘yun ang aktor at nagte-taping ng isang teleserye katambal ang isang Malaysian actress. Hindi man lang sila nakapag-usap tungkol sa issue ng hiwalayan. Bakit naman kung kailan wala sa tabi niya si Jericho, biglang nag-desisyon ang dalaga na iwanan na niya ng tuluyan ang actor?
     Nagising na nga ba sa katotohanan si Heart na hindi sila puwedeng mabuhay sa pag-ibig lamang?! Wala naman sumang-ayon sa kanilang matamis na pag-iibigan. Alam naman nating tutol ang pamilya ng dalaga sa relasyon nila ni Echo. Nang maging sila na nga, hindi tinanggap ng publiko ang kanilang tambalan, naghilahan sila paibaba. Hindi ba’t sumisid paibaba ang rating ng “Panday” na una nilang pinagsamahan? Sa teleseryeng ito nagsimula ang kanilang pag-ibig at dito rin nagsimulang nagka-buwisit-buwisit ang nasabing palabas. Nagkaroon pa nga daw ng  hindi pagkakaunawaan sa pagitan nina Jericho at Mr. Johnny Manahan dahil kay Heart Evangelista. Nagpalitan daw ng masasakit na salita ang dalawa, kaya nga hindi  agad nasundan ng project si Echo sa bakuran ng ABS CBN. Naging suwail daw ito, kaya hindi na ni-renew ang kontrata niya sa  Dos.  Agad namang sinunggab ni Angeli Pangilinan ang pagkakataon para i-manage ang actor and at the sametime, si Heart.
     Isa pa itong si Angeli, wala naman siyang artistang  hinawakan na sumikat talaga! ‘Pag kinukuha nga niya na dating sikat o papasikat, biglang nalalaos at nawawalan ng career! Buti nga, si KC Concepcion, kahit anong himok niya noon sa hipag na si Sharon Cuneta, hindi ibinigay sa kanya! Siyempre, sa tagal ni Sharon sa showbiz, alam niyang sa tamang manager dapat mapunta ang anak niya. Naku, kung si Angeli ang manager ni KC ngayon, malamang ‘di pa siya sikat, laos na siya agad ngayon! Nega rin kase sa lahat si Angeli, eh. Dapat ‘pag manager ka lovable ka sa lahat! Akala kasi ni Angeli makakapagpasikat siya sa estilo niyang gift certificate lang ng Shoemart ang ibinibigay sa press na tumutulong sa publicity ng mga alaga niya sa Genesis, nagkakamali siya! Alam na alam mong kumikita nang husto ang talent thru publicity, tapos kukuriputan mo, magkamal ka lang ng salapi sa mga talent na kawawa naman dahil puro nawalan na talaga ng career!
     SA aming obserbasyon, mas pinili ni Heart ang kanyang showbiz career na ilang taon din naman nanamlay same with Jericho. Wala naman naitulong si Angeli sa career nila para manumbalik uli ang dati nilang kasikatan. Mabuti nga kung na kay Anabelle Rama na ngayon si Heart na kahit sabihing supladita si Tita Annabelle kung minsan, alam mong sa puso niya’y likas siyang mabait at talagang nakapagpapasikat at nabibigyan ng trabaho ang talent. Naku, Jericho, mag-isip-isip ka na kung sinong puwedeng mag-manage sa iyo na baka masagip pa ang pagkalaos mo? Bakit ‘di ka kaya lumapit kay Lito De Guzman, tutal nagsi-singer-singeran ka na rin at nang maisama ka sa mga concert ng Baywalk Bodies na talagang napasikat nang husto ni Lito, higit pa sa kasikatan ninyo ni Heart!
     Kung si Heart naging maluwag sa loob niya ang pag-iwan kay Jericho dapat siguro tanggappin na rin ni Echo na hindi sila para sa isa’t isa. Kailangan na rin mag-move ni Jericho at mag-concentrate sa kanyang movie career. Tantanan na muna ang pagkanta-kanta kung saan-saan na wala naman kawawaan. Alam natin malaki ang maitutulong ng “Kapamilya” network kung bukal sa puso niya ang paghingi ng tawad sa mga pagkakamali niya in the past. Sigurado kaming muling iaangat ng Dos ang naghihingalong career ng aktor.


May 14th, 2008 at 4:58 am
Posted by joemer in Blind Items, Dingdong Dantes

Blind Item: MAY GF NANG SIKAT NA AKTOR, NAKAINOM, 2 BEBOT SA TIMOG, PINAGTRIPAN

Mukhang nawala sa sarili ang sikat na aktor sa mga pinaggagawa niya dahil nakainom. Bangenge raw ito nu’ng kumain siya sa isang food chain sa Timog kasama ang mga barkada niya nu’ng Sabado.

Bagama’t may girlfriend na aktres ang aktor, naging pilyo siya sa oras na ‘yun dahil nagpapansin siya sa dalawang magagandang girls. Katuwaan lang siguro ng barkada.

Nu’ng nasa labas na sila ng food chain ay nilapitan niya ang mga ito at nanghihiram ng lighter. Paepek lang niya ‘yun dahil siya mismo ang nagsabing wala naman pala siyang sigarilyo.

Naku, mag-doorbell muna tayo bago pangaralan ang aktor na iwasang magpakalat-kalat, lalo na kung madaling-araw na dahil may image siya at career na dapat pangalagaan.

‘Yun na!

Halaw sa Diyaryong Bulgar, sa panulat ni Roldan Castro


May 14th, 2008 at 4:56 am
Posted by joemer in ABS-CBN, SCANDALS

“THE WORKSHOP HAS NOTHING TO DO WITH BARON’S BEHAVIOR AT HINDI MANIAC ANG ROLE NIYA!” — DIREK LAURICE GUILLEN

NAHAHARAP NA NAMAN si Baron Geisler sa isang malaking eskandalo matapos mag-file ng kasong Acts of Lasciviousness laban sa kanya si Patricia Martinez, ang 21-year old daughter nina William Martinez at Yayo Aguila. Last April 28, William accompanied Patricia to the Women and Children’s Desk Office at Camp Crame to file the formal complaint. Si Yayo ay nasa Amerika pa rin hanggang sa kasalukuyan. 
     Ayon sa balita, nagkita raw sa isang bar sa Makati City sina Patricia and Baron noong April 26. “Nag-group message ako sa mga tao. I admit tinext ko po si Kuya Baron,” Patricia said. “I texted him na wala iyong parents ko dito kasi baka he was expecting my parents to be there kasi sila iyong friends.” 
     Patricia said Baron was drunk. Bigla raw siya nitong niyakap and asked if she had a boyfriend. She said yes, pero sinabi ni Baron na mag-sex silang dalawa. “Tapos sabi niya sa akin sorry. Hinawakan niya ako sa mukha then he touched my boobs. I really asked myself, ‘Do I look cheap?’” said Patricia. She could not believe that Baron could violate her, after all her mother treated him as a family friend after their stint in Pinoy Big Brother Celebrity Edition 2.  
     The actor defended himself against Patricia’s allegations. He said, “Nag-mingle ako ng konti with some friends siguro dahil doon parang nabastos ko siya. ‘I’m sorry I have to go na.’ Hinug ko po siya and then she pushed me. Sabi ko ‘Sorry, sorry, anong ginawa ko?’” According to Baron, mukhang hindi naintindihan ni Patricia ang kanyang ikinilos that time. “Galing ako sa workshop. Ang role ko doon ay manyak. ‘Pag may bago akong role ina-act out ko. Baka noong i-act out ko she took it the wrong way.”  
     I spoke to Direk Laurice Guillen, who gave her workshop to the cast of a teleserye which Baron is part of. The workshop has nothing to do with Baron’s behavior. The workshop should not be blamed according to Laurice. At hindi raw maniac ang role ni Baron sa nasabing proyekto.
     Normal kay William na magalit dahil sa kinasapitan ng kanyang anak. Ni sa hinagap ay hindi niya naisip na mangyayari ang ganitong bagay. He said being drunk is not an excuse to act irresponsibly. Hindi rin dapat gawing dahilan ang pagiging lasing para tumakas sa anumang masamang nagawa sa iyong kapwa. “He should be taught a lesson. Gagawin niya iyan sa lahat ng babae,’ sabi ni William. 
     Patricia stood her ground. “Itutuloy ko ito kahit na anong mangyari. I have a witness. I don’t want anybody else to suffer. If you want respect you should also learn to respect others. I gave him that respect but he didn’t give it back to me so why give it back to him, ‘di ba? Hindi po ako aatras kahit anong sabihin niya.”  
    Sinabi ni Baron na may lawyer na siya. Hindi raw siya natatakot sa kaso na isinampa against him. Mas takot siya sa tingin ng mga tao at sa trust na ipinagkatiwala sa kanya ni William. Daig pa raw niya ngayon ang nasunugan at nawalan ng pamilya.      
     Saan kaya hahantong ang kasong ito? Abangan natin. 


May 14th, 2008 at 4:53 am
Posted by joemer in ABS-CBN, SCANDALS

 POPS FERNANDEZ AT JOMARI YLLANA SPLIT NA!

Successful ang birthday concert ni Ara Mina sa Zirkoh-Timog na prodyus ni Mommy Karen Martinez, ng maybahay ni Vice-Mayor Herbert Bautista na si Tathess Gana at ng kaibigang Fernan ‘Ms. F’ de Guzman.

Mukhang ganado si Ara dahil inabot nang 3 am ang kanyang concert. Bukod kina Marissa Sanchez, Richard Poon (na overrated ang review sa galing niyang kumanta) at Bodie Cruz, naki-jamming din sina Ricky Davao, Tirso Cruz III at Jan Marini.

Takaw-pansin sa lahat ang bagets na gitarista ni Ara na nagngangalang Abel. Kamukhang-kamukha ito ni Jomari Yllana nu’ng bata pa.

“Hoy, bata pa ‘yan. Dose anyos pa lang ‘yan,” sambit ni Ara nu’ng tinutukso sila ng audience.

After the concert ay tinanong si Ara kung ano ang reaksyon niya sa napapabalitang hiwalay na sina Jomari Yllana at Pops Fernandez?

“Hindi ko alam. Tatanungin ko muna si Pops,” sagot niya.

Sige!

Halaw sa Diyaryong Bulgar sa panulat ni Roldan Castro


May 14th, 2008 at 4:51 am
Posted by joemer in Blind Items

MALANDING YOUNG ACTRESS, TUTUWAD MATIKMAN LANG ANG AKTOR!

NALOKA ako sa kuwento ng mga bakla tungkol sa isang kilalang young actress na nakikita naman sa mukha niyang may taglay siyang kalandian. May bagong soap sila ngayon at madalas na magkasama sila sa mga promo.
     Dinig na dinig ng isang baklitang staff sa isang show na pinag-guest nila na nagsalita itong si young actress na balang araw matitikman din daw niya itong guwapong aktor na kasama niya sa soap.
     Hinamon daw siya ng aktor, na hindi tatagal itong si young actress sa kanya. Alam n’yo kung ano ang sagot ng malanding young actress? “Naku tutuwad ka sa akin!” Wala nang maisagot si guwapong aktor sa hirit ng young actress na talo pa yata ang bakla kung manggigil sa lalaki.


May 14th, 2008 at 4:47 am
Posted by joemer in Blind Items

Blind Item: GUWAPONG AKTOR MASAMA ANG LOOB DAHIL SAPAW SA KASIKATAN NG LEADING LADY SA SERYE

How true na nagrereklamo ang isang aktor guwapong aktor dahil siya ang leading man sa isang serye pero sa leading lady lang niya napupunta ang credit na mataas ang ratings nila?

Lahat naman sila ay nagpupursige para mapaganda ang show pero ang lumalabas sa publicity ay parang ‘yung babae lang ang nagdadala ng serye.

May karapatan ngang magtampo ang aktor, pero ‘yung babae kasi ang ibinebenta sa serye. Kahit ganoo, ‘wag siyang mag-alala at ma-insecure dahil mataas na ang status niya bilang aktor at bilang isa sa mga hottest leading men ng ‘Pinas.

At next time siguro, kung talagang gusto niyang mabigyan ng solo credit, tumanggap siya ng project na siya ang title role at sa kanya umiikot ang istorya.

‘Yun na at babu dahil may nagdo-doorbell…

Halaw sa Diyaryong Bulgar, sa panulat ni Roldan Castro


May 14th, 2008 at 4:45 am
Posted by joemer in ABS-CBN

MADIR NI CHARICE PEMPENGCO MAY BAGONG BF

May isang kaibigan kaming nagtatrabaho sa opisina ng DOLE, ayon sa kanya ay nagsadya ru’n isang araw ang lola ni Charice Pempengco na si Nanay Tess, nagpapatulong sa kanila ang lola ng batang singer kung paano matutulungan ng ahensiya ng gobyerno ang hindi maayos na paghawak ni Mommy Racquel sa pera ng anak nito.

Nakarating din sa amin ang kuwento tungkol sa karelasyon diumano ng ina ni Charice ngayon, lagi raw kasa-kasama ng mag-ina ang lalaki, pinagmamalasakitan lang daw ni Nanay Tess ang mga pagsasakripisyong ginagawa ng kanyang apo ngayon.

Kahit para na lang kay Charice, sana’y magkaunawaan na sina Nanay Tess at Racquel, hindi kami sigurado kung gaano katotoo, pero kung pagsalitaan at i-text daw ngayon ni Racquel ang kanyang ina ay parang nakikipag-away lang ito sa kung sinong hindi nito kadugo.

Naisip lang namin, kaya pala ganu’n na lang kaemosyonal si Charice sa pagkanta, meron palang malalim na problemang nagaganap sa kanilang pamilya, sa pagkanta na lang pala ibinubuhos ng magaling na batang singer ang kanyang mga sentimyento.

Halaw sa Diyaryong Bulgar, sa panulat ni Cristy Fermin


May 14th, 2008 at 4:42 am
Posted by joemer in ABS-CBN

 Coverboys Uncovered Concert Pics

Coverboys composed of Jake Cuenca, Rafael Rosell, Zanjoe Marudo, Victor Basa, Jon Avila, Will Devaughn, Be Bench Models Jon James Uy and Ron Morales, and Star Magic Talent Marvin Raymundo, had a successful 2 night concert last May 9-10 at the Music Museum. Here are some pics from the Coverboys Uncovered concert.coverboys
Coverboys Jon Avila


May 14th, 2008 at 4:40 am
Posted by joemer in Blind Items

Blind Item: SEXY ACTOR, WALANG TIWALA SA PRODU, MONEY DOWN MUNA BAGO GUMAWA NG MOVIE

SEGURISTA ang sexy actor nu’ng gumawa ng isang indie film. Mukhang wala siyang tiwala sa production kaya buong-ningning niyang sinabi na ipakita muna sa kanya ang perang ibabayad sa kanya bago siya mag-shoot.

Panalo naman sa TF ang aktor. Pero iba ang nangyari sa magaling na character actress na ang apelyido ay kapareho ng isang bansa. Nagdusa ito dahil hindi raw kaliwaan ang naging bayaran. So, naningil siya sa director-line producer.

Ang nakakaloka, pinapunta siya sa opisina ng production pero pagdating doon ng PA ng aktres ay wala namang nasingil. Imbudo ngayon ang magaling na character actress dahil pinabalik-balik lang siya. Nagbanta siya na hindi na magsu-shoot ‘pag na-resume ang shooting hangga’t hindi siya nababayaran.

Tsuk!

Halaw sa Diyaryong Bulgar, sa panulat ni Roldan Castro


May 14th, 2008 at 4:37 am
Posted by joemer in ABS-CBN, GMA, Heart Evangelista, jericho rosales

 Heart Evangelista: Jericho Rosales had an affair with Briana Evigan

Heart Evangelista right after The Buzz interviewed Jericho Rosales reacted via a phone patch interview with Raymond Gutierrez that the reason she broke-up with Jericho Rosales is because she caught him having an affair with Hollywood actress Briana Evigan (Step Up 2). Jericho and Briana Evigan worked together in the film “I Luv U Virus”.Well, all i can say is, Sosyal! lol..that’s Briana Evigan dear. An up and coming Hollywood star. She’s slated to do so many A-List movies. And she fell for Jericho Rosales, a Pinoy!

Heart also unknowingly revealed something, she said that, ” Binigay ko lahat lahat sa kanya.”


May 14th, 2008 at 4:32 am
Posted by joemer in Uncategorized

Good day sa inyong lahat!!! In the celebratiojn of our second season. We are having a comments raffle contest! Everytime you’ll be making a comments on each article that we have made. You’ll be earning one points. Comments must be atleast three sentence each to qualify for a point. All articles that we’ve posted for the last three monts are still included. Comments that you’ll be making, starting May 14, at exactly 7:00 pm up to 8:00 pm of July 14, 2008  are the only comments that will qualify. July 17, 2008 will be the draw date. July 18, 2008, we will be posting and contct all the winners.

PRIZE:

3rd prize: 1 Apple i-pod nano

2nd Prize: 1 i-phone

1st prize: 1 17″ ASUS laptop computer

Grand prize: 1 sony PSP, 1 asus laptop, and 1 i-phone

NOTE: please insert your correst email address for us, to reach you.

Thanks! and please continue to support our site!


May 14th, 2008 at 4:13 am
Posted by joemer in Blind Items

 Blind Item: Sexy actor, standup comedian may kumakalat na sex video

HINDI lang pala sa katatawanan matinik ang favorite stand up comedian namin, pati sa boys.

May isang cellphone video ngayon na hawak si male sexy star na ipinapakita sa mga malalapit ni-yang kaibigan.

Kapag hindi ka trusted ni male sexy star, hindi niya man lang ito babanggitin. No, it is not him but a fellow male sexy star and the comedian. Obviously, they’re in an expensive hotel, the one with lots of stars. Isa pang obviously, hindi nila puwedeng i-deny na hindi sila ito dahil kita ang mga faces nila sa video.

What are they doing in the video? Would you believe na ang male sexy star ang nakapatong kay comedian?

Sa biglaang tingin nga, aakalain mong ang male sexy star ang ‘pinapasok’ ni comedian pero hindi naman at least.

Nakaupo lang sa lap ni comedian si male sexy star but yes, they’re both naked as the day they were born. At least tataas ang respeto namin kay stand up comedian, hindi na siya talaga ma-reach.

Magugustuhan kaya ito nina Manny at Antonio?