PERA NI CHARICE, IPINANTUBOS SA ALAHAS NG DRIVER LOVER NG MADIR
MAY report na tinanggap ang Sta. Rosa Police Headquarters tungkol sa pagkawala ni Ricky Pempengco, ama ng sikat na batang aktres na si Charice, isang linggo na itong hindi nakikita ng kanyang pamilya ngayon.
Hindi na nakikitang palakad-lakad ngayon sa kanilang subdivision ang ama ni Charice, kung saan ito nakarating ay walang nakakaalam, kaya ipinagbigay alam na ng mga ito sa kapulisan ang pangyayari.
Hindi namin alam kung nangungunsensiya lang ang pamilya ni Ricky o ano, pero nagsimula raw ang matinding depresyon ng ama ni Charice nu’ng mapanood nito ang naging pahayag ni Racquel sa telebisyon, may kinalaman ‘yun sa kagustuhan ng ina ni Charice na tanggalin na ang Pempengco sa pangalan ng batang singer.
Ayon kay Racquel, mahirap daw kasing tandaan ang apelyidong Pempengco, mali-mali raw ang bigkas du’n ng marami, kaya gusto nitong Charice na lang ipagamit na pangalan sa anak nito.
“Mula nu’n, inatake na ng depression si Ricky, napakasakit daw nu’n sa kanya dahil siya naman talaga ang legal na tatay ni Charice. Bakit daw kailangang alisin ang apelyido niya, e, Pempenco naman talaga si Charice?” kuwento ng aming source.
======
Isang impormante namang malapit sa mag-inang Racquel at Charice ang tumawag sa amin, payo nito ay huwag naming masyadong pinaniniwalaan ang mga sinasabi ng Nanay Tess ng magaling na singer, dahil meron din itong pailalim na interes sa kinikita ngayon ng dalagita.
“Wala pang malaking kinikita si Charice, kaya wala pa silang dapat pag-away-awayan. Nagsisimula pa lang na makilala ang bata ngayon, huwag naman sana nilang usugin ‘yun, dahil baka mabulilyaso pa dahil sa kaguluhan nila,” sabi ng tumawag sa amin.
Nakarating daw kay Nanay Tess na karelasyon ngayon ni Racquel ang driver nito, may kuwento pang pera ni Charice ang ipinantubos ng lalaki sa mga naisanla nitong alahas, kaya nag-aalala ang lola ni Charice sa kanyang kinikita.
“Maganda lang sa dinig na nag-guest na si Charice sa mga shows nina Oprah Winfrey at Ellen DeGeneres, pero walang bayad ‘yun, para pa nga sa advantage ni Charice ‘yun, pinag-uusapan siya worldwide nang dahil du’n.
“Wala pang malulustay ang nanay ni Charice, barya barya pa lang ang kinikita ng bata, puro prestige pa lang ang nangyayari sa kanya ngayon, hindi pa siya nagkakamal ng salapi,” madiin pang paliwanag ng aming source.
Sana nga’y magkausap na ang mag-inang Nanay Tess at Racquel, kahit para man lang kay Charice ay magkasundo na sana sila, mas magiging ginto ang tinig ni Charice kapag maging maayos na ang kanilang relasyon.
Halaw sa Diyaryong Bulgar, sa panulat ni Cristy Fermin
Blind Item: MADATUNG NA PERSONALITY, KINAKALIWA NG GUWAPONG BF NA PUMATOL SA KONTRABIDANG RETOKADANG
Maraming naawa sa isang kilalang-kilalang personalidad sa kanyang larangan, talaga raw yatang walang suwerte sa karelasyon ang popular na babae, dahil pinaiikutan na naman siya ngayon ng guwapo niyang boyfriend.
Kung yaman ang pag-uusapan ay kargado ang sikat na personalidad, ibang klase siyang magmahal, lahat ng luho ng lalaki ay ibinibigay niya kaya ayon sa mga kausap namin ay mas masahol pa siya sa bakla kung magmahal.
“Naalala mo nu’ng maging sila ni _______ (pangalan ng isang young actor)? Lahat ng magustuhan nu’ng guy, give siya agad! Walang kuwestiyon kung magkano ang aabutin nu’n, ipinadedeliber niya agad ang bawat magustuhan nu’ng lalaki, ganu’n siya katinding mang-spoil ng karelasyon niya!” pag-alala ng aming impormante.
Nu’ng minsan daw na magkasama ang babae at ang batang aktor ay nakita ng lalaki sa binabasa nitong magazine ang isang mamahaling refrigerator. Simple lang ang sinabi ng young actor, “I like this,” ‘yun lang.
Naloka ang batang aktor dahil kinabukasan lang, may kumakatok na sa kanyang pintuan, may nagdedeliber na ng nagustuhan nitong stainless refrigerator.
“Ganu’n siya katindi, spoiler siya, kaya hindi lugi ang lalaki sa kanya. Maluwag siya sa datung, malaki naman kasi siyang kumita, bukod pa sa dating madatung na ang family nila,” kuwento ng aming source.
May bagong karelasyon ang sikat na female personality, guwapo at matangkad ang lalaki, hindi rin nagkakaiba ang kanilang linya kaya nagkakaunawaan sila.
Kaso, dahil medyo bagets pa ang lalaki, naghahanap ito ng mas sariwang isda. Du’n pumasok ang pangalan ng isang young actress na madalas gumanap na kontrabida sa mga teleserye, nagkikita sila nang palihim ngayon, sa isang condo unit sa lungsod na nasa gitna ng Makati at Quezon City ang kanilang lihim na tagpuan.
“Walang kaalam-alam si ______ (pangalan ng female personality) na kapag nawawala ang boyfriend niya, e, nandu’n lang pala at nagtatampisaw sa kaligayahan kasama si _____ (pangalan ng nagkokontrabidang batang aktres).
“Madalas silang magkita, inahas talaga ng girl ang karelasyon ng female personality, wala talaga siyang kasuwerte-suwerte sa pakikipagrelasyon.
“Meron na siya ng lahat-lahat sa buhay, nahihiga siya sa salapi, pero hindi naman regular na nahihiga sa tabi niya ang lalaking mahal na mahal niya.
“Mas gustong katabi nu’ng lalaki ang mas batang aktres, kahit retokada ang beauty ng lokah, malakas talaga ang appeal niya sa mga guys. Sila ang madalas na magkasama ngayon,” kuwento pa rin ng aming source.
Kapag nakarating na sa sikat na female personality ang lihim ng kanyang boyfriend at ng kontrabidang aktres ay siguradong magkakaroon ng problema.
“Ayaw niya ng may kahati, buong cake ang gusto niya, kaya kapag nalaman niyang kinakaliwa siya nu’ng guy, hihiwalayan na niya ‘yung lalaki. Hide and seek ang mangyayari sa kanila, siguradong iiwasan na siya ng sikat na female personality.
“Lumuhod man siya nang walang belo, siguradong may mantsa na ang relasyon nila, manlalamig na sa kanya ‘yung girl, magkakaroon na sila ng time nu’ng young actress na
inihalili niya sa sikat na female personality,” clue pa ng aming impormante.
Halaw sa panulat ni Cristy Fermin
Gretchen Barretto vs Maurice Arcache

It seems like Gretchen Barretto can’t hide from controversy.
This week, Gretchen sent through her K-text a rather intriguing message… and I quote:
“I was told about the PDU Sunday spread regarding the wedding of the daughter of Tony Cojuangco. Maurice Arcache wrote it. It had photos and had to make me the bida of the write up. Sayang that buti naman daw that I had the delikadesa not to attend. I wasn’t invited to the wedding. I would never force myself into it. I have a lot going for me that I don’t need to dwell into some issue we all know about for the past 14 years….”
And it goes on with another message.,..
“FYI Maurice Arcache =) May 3 Sat I was in Bacolod, May 4 Sunday I was in Ilo-Ilo. I had my mini-concerts =) I am a busy person. Trying to make a go for myself. Living well and earning my own keep. Maurice Arcache feels the need to use me to make that article stand out…”
But wait! There’s more!
“Nakakapagod na rin talaga what I have to go through with the Cojuangcos (sic). I’ve been going through this beating for the past 14 years. Most of the time I just would love to let go. It can’t be a normal life. Maybe it would stop when I let go.”
Ooohhhhhh…..
When Love Begins Earned P69M in 2 Weeks
The Star Cinema and Viva Films’ romantic drama When Love Begins has already grossed P 69,277,632.90 on its two weeks of running. The Aga Muhlach-Anne Curtis starrer was second only to Hollywood superhero movie Iron Man, which already raked in P 120,930,291.90 for 2 weeks.
Compared with Aga’s previous movie “A Love Story” with Maricel Soriano and Angelica Panganiban, When Love Begins is lackluster at the boxoffice. A Love Story has grossed P 130,169,177.10 and it ran for 8 weeks. A Love Story was no. 1 in 3 weeks beating the Hollywood movie “Bourne Ultimatum” starring Matt Damon which also premiered last August 15, 2007.
Although When Love Begins can still run to 4 to 6 weeks of screening, it could only pull in approximately P10 million or less specially that Hollywood summer movies are now hitting the theaters. For what its worth, When Love Begins received a grade of “B” from the Cinema Evaluation Board which means the producers will only pay 50% for its amusement tax.
The independent movie “Ploning”, produced by various filmmakers collectively known as “Panoramanila”, has grossed P 10,546,847.40 in 2 weeks. This is an above the average performance for an indie-movie in the country. Furthermore, the Judy Ann Santos starrer was shown only in SM cinemas nationwide. Plus, it’s the first movie this year to receive a grade of “A” from the Cinema Evaluation Board.
Judy Ann’s previous movies like Ouija and Sakal, Sakali, Saklolo has grossed P87.3 M and P122.9 M respectively. Of course, we have to consider that SSS has no Hollywood movie competitor compared to Ouija so these two movies are both hits. And while her last 2 films are commercial successes, her latest film “Ploning” was a critical success.
Let’s take a look at this year’s box-office so far, shall we?
When Love Begins:
P 69,277,632.90 (2 weeks)*
My Big Love:
P 68,074,541.10 (6 weeks)
Supah Papalicious:
P 66,523,342.80 (6 weeks)
Manay Po 2: Overload:
P 29,750,322.90 (3 weeks)
Ploning:
P 10,546,847.40 (2 weeks)
*still running
Figures courtesy of Box Office Mojo.
Prinsesa ng Banyera” to air finale next week
ABS-CBN’s high-rating teleserye “Prinsesa ng Banyera” will air its last telecast on May 23, 2008 after successfully topping local television’s afternoon race during its nine-month stint.
When it was conceptualized, the program was to run only for one season. But with the positive feedback from viewers and consistent high ratings, “Prinsesa ng Banyera” extended its run and lasted on-air for nine months.
The show consistently topped ABS-CBN’s “Hapontastic” campaign.
Now that the hit TV show approaches its final week, viewers will surely miss following the adventures of the central character of “Prinsesa ng Banyera”, Maningning.
But ABS-CBN assures its viewers that they will be provided with unique and different concepts in future shows.
The Kapamilya network’s priority is to give loyal viewers the best programs possible. Although the series will not continue its third season run, ABS-CBN guarantees fans of Kristine Hermosa and TJ Trinidad that a new soap opera is currently in development for their favorite love team.
Bea Alonzo, on the look-out for leading man
Now that it has been officially announced that Bea Alonzo will play the lead role in Yo soy Betty La Fea, the next question is, who will play the character of Armando, the leading man of Betty?
This is considered a plum role because Armando Mendoza’s character is very interesting. Armando is handsome, smart, well-educated and is the president of the fashion design company Eco Moda where Betty works as his secretary.
He is also the one who will capture the heart of Betty.
When Alonzo was asked by Ruffa Gutierrez in The Buzz last Sunday, she shared her top 5 choices, Gabby Concepcion, Aga Muhlach, Diether Ocampo, Piolo Pascual and Jake Cuenca for the role of her leading man.
These are the men Bea personally chose for the role. But according to management, the production team has already decided on who will play her Armando.
Is he one of the guys Bea chose? Who is this lucky actor?
Carlo Lacana, busy young actor
Child actors are shining on Philippine television.
Carlo Lacana is one of the most convincing young actors on TV today. He plays the role of Angelo in “Maligno”, every night on ABS-CBN’s Primetime Bida.
At a very young age, Carlo already showcased his talents and skills. After appearances on print and TV ads, he successfully finished his first full length movie, entitled “Tall as Trees” together with big icons in showbiz.
He previously appeared on ABS-CBN’s Lastikman. Carlo said that “Maligno” is the series which formally introduced him to Philippine TV viewers.
Despite TV commercial shoots and tapings for television shows, he maintains good standing in school. He was awarded fourth honorable mention in academic excellence last year. He will be in the fifth grade this coming school year.
Many of his co-workers including his director in “Maligno”, Wenn Deramas, said that Carlo is a disciplined and obedient child. His parents take an active role in his acting career, and help him prepare for work.
Watch Carlo Lacana as he unveils his acting prowess in his challenging role as Angelo in “Maligno”, every night on ABS-CBN’s Primetime Bida.
Sam at Piolo, di nakakibo sa sorry ni Lolit

“My mom is on the same age, 61, I don’t wanna see her in jail. So I’m really happy and thankful na umabot tayo sa pag-aayos,” said Piolo Pascual after the special hearing held yesterday at the Manila Regional Trial Court. He and Sam Milby dropped the libel case they had filed against Lolit Solis.
FINALLY, nagkaayos na rin sina Manay Lolit Solis at sina Piolo Pascual at Sam Milby, pagkatapos mag-retract si Manay Lolit ng kuwento niyang nakita sa isang coffee shop sa Sofitel ang dalawang aktor na nagbubulungan.
Isinumite kagabi ang retraction sa sala ni Judge Jose Mendoza ng Branch 55 ng Manila-RTC.
Kasunod noon ay nag-file na rin sina Piolo at Sam ng Joint Affidavit of Desistance na ang ibig sabihin ay inuurong na nila ang kasong Libel na isinampa laban kina Manay Lolit at Veronica Samio.
Pagdating ni Manay Lolit sa korte ay naabutan na niya roon sina Piolo at Sam, at kaagad naman siyang humingi ng sorry sa dalawa. Hindi agad sila nakakibo, pero si Mr. Johnny Manahan na ang humarap kay Manay Lolit.
Sandali lang ang ginawang pag-aayos sa harap ni Judge Mendoza, at doon ay nagkabati na silang lahat.
Parang nabunutan na raw ng tinik sina Piolo at Sam dahil ayaw naman daw nila ng ganitong gulo.
Si Manay Lolit naman ay napapagod na sa kakaakyat ng Manila City Hall at naaawa na raw siya kay Tita Vero na hirap na hirap na rin sa kasong ito.
Halos lahat naman ay natuwa sa nangyari at sabi nga nina Piolo at Sam, ‘clean slate’ na at pinupuri rin daw nila si Manay Lolit sa pagpapakumbaba at pagbawi ng una niyang kuwento.
Malaki ang pasasalamat ni Manay Lolit kay Boss Robbie Tan ng Seiko Films dahil siya ang nagpursige thru Atty. Joji Alonzo na maayos na ang kaso at magkabati na ang tatlo.
Parang nakahinga na rin ng maluwag si Manay Lolit, dahil natapos na rin ito at magandang pa-birthday din ito sa kanya.

Cristine Reyes reveals that she is both excited and nervous about her upcoming soap series, Eva Fonda, 16. The TV adaptation of the 1976 Alma Moreno starrer is her biggest break to date since she entered showbiz. “Sobrang excited ako! Sobrang tagal [naghintay], last year pa. So, hopefully worth it lahat ‘yun. Hindi ko sinasabing matabunan ‘yung kabila [istasyon] or ma-upstage. Basta po sa akin, ang importante magustuhan [ng tao] ‘yung gagawin natin,” explains Cristine.
Ara Mina’s younger sister admits that she feels a lot of pressure with Eva Fonda being her first starring role in a TV series. But her worries eventually dissipated during a staff meeting when all the members of the cast and crew—especially directors Frasco Mortiz and Jon Red–pledged their support. “Lahat kami first timer, pati si Direk Jon. Pinagmitingan namin… ‘just do your work,’” she shares. “Usually ‘pag bida, nasa shoulders mo [ang responsibility]. Show mo ‘yan. Inilabas ko ‘yung mga worries ko. Lahat ‘yun nawala. Sabi nila, ‘Cristine, you’re not alone, ganyan-ganyan. Kami, off-cam kami, pero nasa shoulders din namin ‘yung show.’”
Jason Abalos and Joross Gamboa will play Cristine’s leading men. Also in the cast are Jean Saburit, Baron Geisler, Janna Garcia, and Princess Ryan. With her major TV launch in Eva Fonda, 16, Cristine is expected to appear less frequently on Wowowee where she is a semi-regular co-host.
Kristine Hermosa declines to comment about her rumored rift with “Prinsesa ng Banyera” director

Usap-usapan na dapat daw ay sa July pa mawawala sa ere ang Prinsesa ng Banyera pero dahil daw sa tensyong namamagitan kina Kristine Hermosa at Direk Andoy Ranay ay napaaga raw ang pagkawala nito sa ere.
In two weeks time ay ‘di na mapapanood pa ang Prinsesa ng Banyera sa kabila ng mainit na pagsuporta sa programa ng publiko.
Lumabas din sa mga usap-usapan na naging problema umano ang magandang aktres sa set ng Banyera. Lagi raw itong late umano sa set, at laging nabibigay raw ng sakit ng ulo kay Direk Andoy.
Sinuwerte namang nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) last Sunday si Kristine sa ASAP ‘08 at binigyang-linaw ng aktres ang mga negatibong intriga na walang-tigil at patuloy na ibinabato sa kanya ngayon.
“Regarding diyan sa sinasabi nilang away daw namin ni Direk Andoy, parang ayoko yatang mag-comment. Parang ang dapat yatang tanungin ay si Direk Andoy at ‘di ako.
“Diyan sa sinasabi nilang nagbigay daw ako ng sakit ng ulo sa set, di sana hindi namin natapos ang Banyera?
“For me kasi as long as ginagawa ko nang maayos ang trabaho ko, malinis ang konsiyensiya ko and masaya ako sa mga kasama ko, walang problema sa akin kahit na ano pa ang sabihin nila sa akin. Wala namang nakakaalam ng totoo kundi si God, at saka yung mga totoong tao sa akin. Yung mga totoong tao sa paligid ko na walang iniisip kundi yung kabutihan ko. Yung mga totoong nagmamahal sa akin.”
SAD ABOUT THE ISSUE. Ayon kay Kristine, masaya siya hindi lang sa magandang ratings ng Banyera kundi pati na rin sa bonding na nabuo sa buong cast. Ikinalulungkot niya nga raw ang biglang paglabas ng issue sa kanila ni Direk Andoy.
“Mahal ko yung buong cast. Kung ‘di dahil sa kanilang lahat, ‘di ako gaganahang magtrabaho. Almost every day kaming magkakasama.
“Nung unang nagsisimula kami sa Banyera, akala ko trabaho lang talaga ito. Pero nung tumatagal na kaming magkakasama, naramdaman ko na parang kapatid ko na ang mga ito. Sina Ara and TJ [Trinidad], todo ang suporta nila sa akin. Alam mo yung naggo-grow yung relationship namin, yung friendship ng bawat isa?
“Nakakalungkot talaga nung biglang lumabas yung mga negative issues. Pero hindi ko pinagsisihan. ‘Di natin alam kung ano ang purpose. Lahat naman ng bagay may purpose. Basta, ayoko na lang na sa akin manggaling.”
Hindi na nga naman daw siya mag-aaksaya pa sa pagpapaliwanag kung sarado na ang isip ng ilan tungkol sa kanya at sa isyung kinasasangkutan niya.
“Ang mga tao papaniwalaan nila kung ano ang sa tingin nila ay totoo o hindi. Kahit anong explain mo, kung hindi sila maniniwala… Para sa akin, binibigay ko sa kanila yung opportunity na magkaroon ng sariling opinion.”
Sa nakatakdang pagwawakas ng Prinsesa ng Banyera, umaasa na lang si Kristine na sana raw ay may kasunod agad siyang gagawin.
“Sabi nila [management] meron daw, pero ako kasi ayokong mag-drop ng statement hangga’t wala pa. But I’m hoping na sana magkaroon nga.”
RELATIONSHIPS. Ever since ay open si Oyo Boy Sotto sa special feelings na nararamdaman niya for Kristine. She admitted to PEP na sobra naman niyang naa-appreciate ang presence ni Oyo sa buhay niya.
“Okey siya, all support pa rin siya sa akin, magkaibigan pa rin kami. Saludo ako sa taong yun, wala akong masasabi sa kanya.”
Sa mga nakaraang interviews kay Diether Ocampo ay inamin nito na hindi na sila magkakabalikan pa ni Kristine sa kabila ng malalim na pagmamahal pa rin niya rito. Kinumusta tuloy namin si Diet kay Tin.
“May communication pa rin kami although ‘di na kami masyadong nagkikita. ‘Pag may mga kailangang itanong.
Umaasa ba si Kristine na magkakabalikan din sila ni Diet?
“Ako kasi ayokong ipilit pa ang mga bagay na hindi pa hinog o ‘pag hindi pa talaga time. ‘Pag hindi pa kasi talaga oras, laging may isa o dalawang bagay na ‘di aayon sa mga pangyayari. Saka ‘pag pinilit mo siya, wala lalong mangyayari. Magiging mas kumplikado ang mga bagay-bagay.”
In the five years that Roxanne Guinoo has spent in showbiz, she has matured as an actress and as a person. She takes her career seriously, as well as the lessons she’s picked up through the years. But what is probably the most admirable thing about her showbiz accomplishments is her willingness to embrace change to stay on top.
The promising actress has two new big TV projects. She is the lead star in the upcoming afternoon series Ligaw (Wild Flower), which will replace the soon-to-end Prinsesa ng Banyera. She will also play Maricel Soriano’s sister in the upcoming primetime soap opera Florinda. Though the projects may be coming one after the other now, Roxanne admits that it was not always the case.
“Ilang beses na rin akong sinabihan na may project ako. Tapos talagang naudlot. Nag-expect ako na ilang days na lang taping na and then bigla kang ipu-pull out,” she reminisces. But she remained hopeful, and soon enough, projects came her way. Her successful major projects include Natutulog Ba ang Diyos and Palos. She also starred in Lastikman and Gulong ng Palad.
“For me kasi kahit five years na ko dito willing pa rin akong matuto sa acting,” she says. She recalls a time when she was in an acting workshop with other young stars so they could hone their acting skills. While the rest of the group had given up by the second day, Roxanne stayed until she completed the course. “So ako tinapos ko yung session kasi willing talaga akong matuto. And nakatulong talaga sa acting ko and how to deal with other people na di mo naman kaugali,” she shares.
Earlier tagged as Star Circle Quest’s “nice girl,” Roxanne reveals that she eventually became assertive, especially about things she believes in. “Marunong din naman akong lumaban. Kung alam mo kung ano yung ipinaglalaban mo. Hindi dahil nandito ka dahil may kapit ka, kundi dahil marunong kang umarte at marunong makisama,” she explains.
Controversies are inevitable in showbiz and Roxanne has learned to manage them by ignoring them. “Lately, wala na kong pakialam. Hindi na ko masyadong affected. Ang mentality ko trabaho ko ‘to. Profession ko na ‘to. Kailangan ko talagang pangalagaan kasi kung wala ako dito, paano na ko? And naging passion ko na talaga siya. Kung hindi ko to pagbubutihin, wala,” she concludes.
May 15th, 2008 at 5:04 am
John Lloyd Cruz dethrones Vic Sotto as Box-Office King
Magkasabay na dumating ang magka-love team na sina John Lloyd Cruz at Bea Alonzo para tanggapin ang parangal sa kanila bilang mga bagong Box-Office King & Queen kagabi, May 13, sa RCBC Plaza.
Pero bago pumasok sa loob ng venue, nakausap muna ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si John Lloyd. Masaya ito sa award na matatanggap at inihahandog daw niya ito sa lahat ng mga tumatangkilik sa kanila ni Bea.
“Siyempre po, una sa lahat, maraming salamat. Itong gabi na ito, seriously, para sa lahat ng sumuporta at sa lahat ng bumuo ng isang pelikulang hindi malilimutan sa mahabang panahon. Para po sa inyong lahat ito,” ani John Lloyd. Naging basehan ng nagbigay ng karangalan na Guillermo Mendoza Memorial Scholarship Foundation, Inc. ang malaking kinita ng pelikula nina John Lloyd at Bea na One More Chance last year.
“Kami naman, sangkap lang naman kami rito, so, maliit na bahagi lang kami ng pelikulang ito. So, sa Star Cinema, kay Direk Cathy Garcia-Molina, sa mga writers na talagang bumubuo ng pelikula, maraming-maraming salamat and of course, sa lahat ng mga fans na sumuporta, para po talaga sa inyo ang gabing ito,” dagdag pa ni John Lloyd.
Bukod sa box office result and award, tila bonus pang halos lahat daw sa pelikula ay nominated din sa iba pang award-giving bodies. Natatandaan pa ng PEP nang sabihin ni John Lloyd noon sa presscon pa lang ng One More Chance na itinuturing niyang napakaespesyal ng pelikulang ito nila ni Bea. Na-anticipate din ba niya na makakakuha ng mga papuri at parangal ang ang One More Chance?
“Ako, hindi ko talaga ine-expect. Pero siguro ako, kahit naman sinong artista na gumagawa ng pelikula, nais na mag-excel sila, mabigyan ng recognition sa kahit na anong paraan.
“Alam n’yo, gumagawa tayo ng pelikula para maging bahagi ng isang grupo ng mga artista na, pagdating ng panahon, magkakaroon ka ng pangalan, irerespeto ka. So, yun lang naman ang hinahangad ko, e.”
“Yung award, yung recognition, bonus na lang yun. Malaking-malaking bonus na lang yun. Kung meron mang chance na makagawa pa ng isang movie na katulad nito, panalo sa takilya, mabibigyan ka pa ng award na Box-Office King, sobrang bonus talaga.”
DETHRONING BOSSING. Naitanong din ng PEP kay John Lloyd kung ano naman ang masasabi niya na na-dethrone na niya ang isang malaking pangalan like Vic Sotto na for many years ay naghari-harian sa takilya.
“Ows?! Talaga? Naku, hindi po natin sinasadya. Bossing…,” natatawa’t tila humihingi pa ng paumanhin na tugon ni John Lloyd sa PEP.
Pero hindi naman totally scratch na si Bossing Vic sa GMMSF Box-Office King and Queen Awards. Dahil for the first time, bibigyan naman si Vic ng parangal na All-Time Box-Office Actor.
“Wow! Mas matindi ang award na yun. Sana someday makakuha rin tayo ng ganoong award. Well, I’m really happy na ganoon kalaki pala yung naging resulta ng paggawa namin ng pelikula.
“Kung alam n’yo lang kung paano namin ginawa yung movie na yun…naku, yung hirap at tiyaga, lahat kami lost. Parang hindi namin alam kung ano ang tinatahak namin. Pero, ganito pala kagrabe ang kalalabasan. Ang magiging resulta, kaya buong puso po talaga’ng pasasalamat namin sa lahat.”
“COOL OFF” PERIOD. Samantala, after ng success ng One More Chance, may plano palang paghiwalayin muna sila ni Bea as a love team.
Si Bea kasi ay magbibida sa Pinoy version ng Betty La Fea with a new leading man, habang si John Lloyd naman ay may movie na ginagawa under Star Cinema pa rin kunsaan, si Sarah Geronimo naman ang kanyang leading lady.
Ayon kay John Lloyd, nakaka-first shooting day pa lang daw sila ng movie. Kaya wala pa siyang gaanong masasabi tungkol sa bagong leading lady.
Nasabi na lang niya na, “Kailangan ko pa siyang makilala. Wala pa eh, nakaka-one day shoot pa lang kami.”
Last May 14, actors Piolo Pascual and Sam Milby withdrew their case against entertainment writer and host Lolit Solis and editor Veronica Samio at Branch 55 of the Manila Regional Trial Court. Lolit had finally published a retraction in her column in the tabloid Pilipino Star Ngayon as well as apologized to the actors in the presence of their manager Johnny Manahan and lawyer Joji Alonzo. This ends the seven-month legal drama that began when the columnist had insinuated in her column that the two actors were gay. Below is Star Magic’s official statement regarding the case.
Ms. Lolit Solis finally agreed to give a retraction. “There’s no factual basis for my article, which came out on October 15, 2007. I am extremely sorry for dragging the names of Sam and Piolo. Sam, Piolo, I am sorry for the hurt and embarrassment I caused.”
From the beginning, all that ABS-CBN Star Magic artists Piolo Pascual and Sam Milby wanted was for Ms. Solis to retract her story as well as apologize. It can be recalled that Piolo and Sam wanted to settle this libel case as early as the season of Christmas, but Ms. Solis has shown no real contrition and has not retracted her statement. What she has said is that she wants to “make areglo” by apologizing. With no retraction forthcoming, there can be no settling of this case. Now that she has finally done so, Piolo and Sam withdrew the case against her.
ABS-CBN Star Magic is very happy that the truth has finally come out. Piolo and Sam have fought for what is right.The two have proven themselves to be true gentlemen and Christians by making their stand that they will withdraw the case once they get a retraction and an apology.Let it be stressed that Piolo and Sam won this battle even if they decided to withdraw the case against Ms. Solis.
May 15th, 2008 at 4:58 am

Being a celebrity is not as glamorous as most people would like to believe. When ABS-CBN.com visited the House of Elle set of Lobo last April 9, Angel Locsin and Dimples Romana were taping their scenes under the scorching summer sun. But as uncomfortable they may have been working in scorching temperatures, they had ready smiles and hellos as the ABS-CBN.com crew arrived.
It was already 2:30 pm when Angel finally had her lunch together with Direk Cathy Garcia-Molina and the rest of the crew. It was very much like how any average family would eat their meals: lots of kwentuhan and kulitan amongst them. But Angel ate quickly to accommodate an interview before they had to resume taping. Despite her tiring shoot, Angel managed to relax while sharing her thoughts on Lobo, love, and, life.

Around 4:30 pm, they shot the scene where Lyka confronts Trixie about her role as Lyka’s warden (aired last April 11) at House of Elle’s rooftop. Direk Cathy’s drive for perfection and precision was very much evident. Every now and then she would shout comments or give directives to improve the scene. “Hindi ko gusto ang energy,” she would say to change the ambiance of the scene. To get exactly what she wanted of actress Dimples Romana, she said, “Ipakita mo yung light na Trixie pero nasaktan: ‘Di lang dahil kaibigan mo ko kaya naging close ako sa ‘yo… Higit pa ko sa kaibigan mo, ako ang tagapagbantay mo.’” At other times, Direk Cathy would make sure that the lines were delivered accurately.
Blocking the shots proved to be another challenge. This was evident during Zoe’s (Lauren Young) confrontation with Lyka at the same location. Markers were placed on the ground, but the actors who were so absorbed in their roles would lose their blocking from time to time. Artistic distractions like Zoe’s hair falling on her face were also fixed for cleaner shots. No doubt about it: Direk Cathy would never compromise production value just to be over and done with the taping.
Most of them had been working non-stop since 5 am, but none of them aired any complaints. The Lobo cast and crew were even energetic enough to gamely pose for some photos in between shoots. Even as the ABS-CBN.com crew was done for the day and ready to head home, the Lobo team were still at it, working hard to perfect each scene. For them the work day wasn’t quite over yet.



