The new face of pinoy entertainment
May 18th, 2008 at 10:15 pm
Posted by joemer in ABS-CBN, KC Conception

Ano itoooo?! SABI NI DIREK LINO SA AKIN, NEVER SILANG NAG-BREAK NI KC!

Totoo kaya ang bulong sa akin ni Direk Lino Cayetano na sila pa rin daw ni KC Concepcion hanggang ngayon?
Minsan kasi ay nasalubong ko si Direk Lino at tinukso ko kay KC. Kasi ang buong akala ko, nagliligawan na sila ni Richard Gutierrez, kaya sinabihan ko si Direk Lino na sayang din ang relasyon nila ng dalaga ni Sharon Cuneta.
Bumulong si Direk Lino sa akin na sila pa rin daw naman ni KC at never silang nag-break! Naku, ha? Ano itooooo?! Na-shock naman ako dun!
Ewan ko lang, ha? Pero iyun ang sabi niya sa akin, kaya tingnan na lang natin kung aaminin ito ni KC paglabas ng kolum kong ito!
Si Sharon naman ay ayaw sagutin ang mga ganung personal na isyu sa anak niya dahil malaki na raw ito, kaya mabuting si KC na lang daw ang tanungin. Hindi na raw niya pinapakialaman ang anak niya pagdating sa mga ganung bagay.
Tingnan na lang natin kapag nagsimula na ng shooting sina Richard at KC ng kanilang pelikula, baka makipag-break na ito kay Direk Lino nang tuluyan.

MARK-LIAN, NAGBALIKAN!

KUNG tatanungin ko ang alaga kong si Mark Herras kung nagkabalikan na ba sila ng EB Babe na si Lian Paz, siyempre, magdi-deny ‘yan. Kaya tingnan na lang natin kung totoo itong naririnig ko tungkol sa dalawa.
Madalas daw silang nag-uusap ngayon o di kaya nagti-text sa isa’t-isa, kaya pinagdududahan tuloy na baka may balikang nangyari.
Sabi lang ni Mark, okay lang daw sila ngayon at wala naman daw masama kung may komunikasyon pa rin sila. Pero hanggang friends lang daw talaga dahil nakarating na rin yata sa kanya na si Direk Jeff Tan na raw ngayon ang boyfriend nitong si Lian.

REGALO NINYO SA BIRTHDAY KO!

NGAYON pa lang ay nagsisimula na akong tumanggap ng regalo para sa aking kaarawan sa May 20. Maraming salamat sa lahat ng nakaalala. Ang ibang mga alaga ko naman at malalapit na kaibigan ay pinagsabihan ko na kung ano’ng type kong regalo, kaya hindi na sila nahihirapan mag-isip. Karamihan naman mga lafang dahil gusto ko maraming kalafangan sa birthday ko.
Ang laging tanong sa akin ng mga bakla, may birthday wish pa ba daw ako? Kapag para sa sarili ko, siguro wala na. Ang wish ko uli ngayon ay para kay Rudy Fernandez: Na lalong lumalakas ang pananampalatayang kaya niyang labanan ang karamdaman niya ngayon. Nawa’y tuluyan na ngang maka-recover si Daboy sa kanyang pinagdaraanan.
Wish ko rin na lalong mabigyan ng lakas si Lorna na patuloy na nagsisilbi at talagang hindi iniiwan ang asawa niya.
Naniniwala si LT sa himala, kaya humihingi pa rin sila ng dagdag pang dasal na malagpasan nila ito lahat.


May 18th, 2008 at 10:14 pm
Posted by joemer in ABS-CBN, Jon Avilla, Maja Salvador

 KINALIMUTAN NA NI JON SI MARIEL DAHIL KAY MAJA!

Mag-iisang linggo na tayong binubulabog ng mga fans ni Jon Avila na nagsasabing “there’s something going on” between their idol and Maja Salvador these days.
Siyempre, I took it as one of those kuryenteng balita. Na wala naman kasing pruweba na nakikita sila na magkasama, nagho-holding hands sa ilalim ng mesa o kaya’y ano pa mang ebidensya na mayroon ngang namumuong something between them.
Pero, ayaw tumigil ang text messages ko. Dapat daw dumalaw-dalaw na ako sa location. O kaya naman magpadala ng Parazzi fotog para makita ang dapat makita. “Baka po natutulog kayo sa pansitan!” kantiyaw pa nila.
It seems botong-boto ang mga fans (mayroon na nga bang fans?) ni Jon kay Maja para maging ka-loveteam ni Jon, because, let’s face it, wala naman kasing nagiging permanenteng ka-love team ang pamangkin ni Philip Salvador. Walang bagay kay Maja. Kung mayroon man, naroon sa kabilang bakod, si Dennis Trillo na kahit may dyunak na kay Carlene ay delicious na delicious pa rin.
Very talented si Maja as actress at kumbaga, it will take one real good catch para matanggap ng sarili niyang fans. Patuloy din ang pagiging in-demand niya as a product endorser, nag-renew pa nga halos lahat. Nananatili ang titulo niyang “Commercial Princess” at “The Next Big Thing” in showbiz.
Sino nga naman ang makakapantay sa status niya sa showbiz?
Papatulan ng Bullchit kung gayun ang tsismis na ito, ‘pagka’t kahit paano, may munting “liwanag” daw silang nakikita. Dagdag impormasyon ng mga fans ni Jon:
“Wala na po talaga sa dictionary ni Jon si Mariel Rodriguez. Tuluyan na niyang isinuko ang ano mang damdamin niya noong nasa loob pa siya ng Bahay ni Kuya.
“Kung napapansin n’yo pong may hawig si Mariel kay Maja, mas marami ang magsasabing sampung beses namang maganda si Maja kaysa kay Mariel. At ang Jon, panay-panay ang puri kay Maja. Panay-panay din po ang titig niya kapag tinuturuan siya ni Maja ng tamang pagbigkas ng tagalog words na ginagamit niya sa taping.
Claim din nila’y peke ang tsismis na nanliligaw din kaya kay Maja si Jay-R Siaboc. Inamin na ni Jay-R sa “Boy and Kris” na sila na ni Irish Fullerton. Eh, di tama ang sinabi ni Maja sa mga interviews na hanggang kuwintas lang ang eksena nila ni Jay-R. “Ni walang moment po, eh,” patuloy nila.
Ni hindi po namin nakita na isinuot iyon ni Maja kahit minsan. So, wa epek ang kuwintas-kuwintas na iyon.
“Pero, ito pong kay Jon at kay Maja, may something po talaga. Huwag na  po kayong magagalit uli kay Maja. Nag-sorry na naman po siya sa inyo. Patawarin n’yo na para sagutin n’yo na rin ang tanong namin. Twenty one years old po si Jon at 19 naman si Maja. Sa edad pa lamang at sa personality a-approve na kayo sa kanila, ‘di po ba?”


May 18th, 2008 at 10:13 pm
Posted by joemer in ABS-CBN, Kris Aquino

KRIS AQUINO, BALIW SA ISANG NEWSCASTER!

Isang source ko mula sa ABS-CBN ang nagkumpirma na minsan din palang nabaliw si Kris Aquino sa newscaster na si Aljo Bendijo. Ayon sa aking source, ito’y noong kasagsagan pa ng career ni Aljo, habang si Kris naman ay ilang buwan na ring nakipaghiwalay noon kay Joey Marquez. Wala pa raw James Yap sa buhay noon ng TV host-actress, kung kaya’t naka-focus ang tingin nito sa noon ay talaga namang pinag-usapang si Aljo. Hindi lang dahil guwapo at mahusay, kundi malakas talaga ang sex appeal na kinalokahan ng nangungulilang Kris noon!
Dumating pa raw sa puntong pinadadalhan ni Kris ng pagkain si Aljo, kung saan ito naroon at madalas daw ay tinatawagan ito ni Kris sa cellphone upang yayain sa taping ng kanyang mga programa noon.
Ngunit lubhang torpe, umano, ng mga panahon na iyon si Aljo dahil sa galing at laking probinsya ito kung kaya’t walang nangyaring relasyon sa dalawa. Ilang beses nga raw pinagsabihan si Aljo ng mga kaibigan nito na para itong tumatanggi sa grasya dahil tila hiyang-hiya ito kay Kris at ayaw na ayaw magpakita. Ano kaya ‘yun, ayaw lang makipagrelasyon ni Aljo o hindi niya talaga type si Kris?
Nang walang mangyaring relasyon sa dalawa ay saka naman daw biglang pumasok na sa picture si James Yap at dahil tila nagsasayang lamang ng oras si Kris kay Aljo, kung kaya’t nabaling ang pagtingin nito kay James na isang heartthrob sa loob ng basketball court. Ngayon, everybody knows that Kris is happily married to James. Samantalang si Aljo ay newcaster pa rin sa isang hindi gaanong sikat na network matapos mapatalsik ng ABS-CBN ilang taon na rin ang nakalipas. And sad to say, hindi na siya kasing ma-appeal noon dahil siguro nagkakaedad na rin at tumaba na rin.


May 18th, 2008 at 10:11 pm
Posted by joemer in ABS-CBN, Anne Curtis

HINDI GINAWA ANG “DYOSA” PARA LANG MAGING SIRENA SI ANNE!Kanya-kanyang akusasyon ang dalawang higanteng network sa kung sino ang nanggaya kanino. At ang latest issue nga ay ang diumano’y panggagaya daw ng ABS -CBN fantaseryeng “DYOSA” ni Anne Curtis sa “DYESEBEL” ni Marian Rivera sa GMA. In fairness to ABS, wala pa sa ere ang “Dyesebel,” pinagkaabalahan na itong itinayo ng kanilang Creative team. Kung sinabi man ni Anne Curtis sa kanyang mga interviews na na-frustrate siya nang hindi napunta sa kanya ang Dyesebel dahil matagal na niya itong pangarap gawin, hindi nangangahulugang binuo  ang “DYOSA” para pagbigyan lamang si Anne sa kanyang SIRENA DREAM. Partly, maybe. Pero hindi pwedeng idikta ng isang artista ang konseptong gagawin ng isang Network para sa kanya. May mga  screening committee pang pinagdaanan ang konsepto upang matiyak lamang na hindi ito kopya o pag-uulit lamang ng mga nakaraang serye na ng ABS. Sumailalim muna ito, siyempre, sa “Quality Control” mula script, cast, production values at pagsasalin sa biswal.
DYOSA has its own merits—it’s neither a remake nor a komiks series. It’s original at Pinoy na Pinoy dahil ang pagmumulan ng kwento ay hango sa Filipino mythology. Naniniwala ang ABS na bagay si Anne Curtis na gampanan ang isang Dyosa dahil maganda, matalino, may tindig: Taglay ang  pinaghalong innocence and sensuality. With due respect to the creator of “Dyesebel,” ang kwentong umibig ang isang sirena sa isang manlalakbay na kamuntik nang malunod at kanya itong iniligtas ay  hindi rin naman nalalayo sa  kwento ng “The Litte Mermaid.” But it would be unfair kay Mars Ravelo kung pagdududahan naman natin siyang “nangopya” din dahil alam naman nating isa siyang Henyo ( na siya ring lumikha ng “Darna” at “Captain Barbel”).
Ang “Dyesebel” ay isa ng Pinoy classic at gaya ng Darna, marami na rin namang gumawa nito. Ang pagiging sirena ni Anne sa fantaseryeng “Dyosa” ay isa lamang sa tatlong iba-iba niyang anyo. Taglay ang kapangyarihan ng tatlong elemento—lupa, hangin at tubig. Hindi ganito ang Dyesebel. ‘Yun ang kaibahan niya kay Marian. Maging ang pagkakaroon ng dalawang unang letrang “Dy” (Dyesebel at Dyosa) ay hindi rin sinadya. Ang original title nito ay “Diosa” pero dahil wala namang letrang I at O sa tagalog, minarapat ng Creative team na gawin itong “Dyosa.” Dyosa simply means GODDESS. At gaya ng isang sirena, diwata at engkantada, alam nating likha rin ito ng malilikot nating imahinasyon. Kahit si Mariang Makiling ay isang folkloric icon na binuhay lamang ng pagmamahal natin sa mga kwentong-bayan.
Nakakaaliw basahin at pakinggan ang pagtatalo ng maka-ABS at maka-GMA sa Pinoy Exchange (sa internet) hanggang sa mga comments sa YOU TUBE. Sabi ng kampo ng GMA, gaya-gaya daw ang ABS sa Dyesebel. Sagot naman ng maka-ABS, ito daw ang orig dahil nauna raw si Claudine Barettong nag-sirena sa “MARINA,” binaboy pa nga daw ito ng GMA nang ini-spoof ni RUFA MAE QUINTO sa kwelanovela nilang “MARINARA.” Sino ngayon ang nanggaya? Ang Marina ni Direk Wenn Deramas ay ang unang FANTASY soap. It was not “MULAWIN” nor “ENCANTADIA.” But thanks to these two fantasy soaps dahil lumaban nang husto ang GMA. Ergo, ABS ang nagpasimuno ng FANTASERYE. Ang ABS din ang nagpasikat sa F4 nang maging hit ang Chinovelang “Meteor Garden.” Nauso ang KOREAN soaps. Namalengke ng sandamakmak na Koreanovelas ang GMA, ganundin ang ABS. Pero mukhang mas magaganda ang nakukuha ng GMA dahil naging hit ang Winter Sonata, Stairway to Heaven, Full House, Jewel In The Palace at Coffee Prince. ‘Di naglaon, sinubukan ng GMA na magpaka-Koreanovela sa pamamagitan ng “Forever in My Heart” ni Regine Velasquez at Richard Gomez na ‘di rin naman nakuha ang kilig factor ng Korean telenovela. Hindi naging masaya ang ratings ng “Forever.”
Nang maging hit ang MULAWIN, unti-unting umangat ang ratings ng GMA. At nasundan na nga ito ng marami pang fantasy series habang ang ABS ay bumalik ulit sa Drama kung saan sila magaling at de klaseng gumawa. Namayagpag ang mga fantaserye sa GMA dahil naging ESCAPISTS na ang mga Pinoy, gusto na lang takasan sa isip ang maraming problema ng bayan. The rest is history for GMA. Ang BINTANG NA PANGGAGAYA sa panig man ng ABS o GMA ay wala talagang basehan. Sa isang industriyang umaapaw sa REMAKES, ADAPTATIONS, FORMULA PLOTS,  PAULIT-ULIT NA KWENTO, INSPIRED BY THIS –AND- THAT-FILM or FOREIGN SERIES, at marami pang hiram na ideya, tumayo ang hindi guilty at siyang dumampot ng unang batong ipupukol sa GUILTY NG PANGGAGAYA. Aber nga po…


May 18th, 2008 at 10:09 pm
Posted by joemer in ABS-CBN, GMA, Heart Evangelista, jericho rosales

ANGELI, HINAHA-HARASS NG MGA MAGULANG NI HEART!

Kinorner namin ang maybahay at manager ni Gary Valenciano na si Angeli Pangilinan tungkol sa gap nila ng dating talent na si Heart Evangelista at ng kanyang mga magulang.
Ipinaliwanag ni Angeli ang tungkol sa kontratang hinihingi ng kampo ni Heart sa kanya at kung anu-ano pa’ng pangha-harass ang ginawa sa misis ni Gary. Pati finances ni Heart ay tila kinuwestyon ng kampo ni Heart, imbes na magpasalamat sa mga tulong at pag-aalaga na ginawa ni Angeli at ng Genesis sa ex-girlfriend ni Jericho Rosales.
At least, nailapit ng Genesis si Heart sa Panginoon at hindi napariwara ang buhay.  Paulit-ulit na sinabi ni Heart sa amin noong last presscon niya sa ABS-CBN na naging maayos na ang buhay niya. Natuto siyang maging independent at si Echo pa mismo ang nagsasabi sa kanya noon na makipagbati na sa kanyang mga magulang.
Dahil napamahal na ng todo si Heart kay Angeli, inamin naman ng misis ni Gary na labis siyang nasaktan sa ginawa ng dati niyang talent at magulang nito. Pero humingi siya ng tawad sa kung sinuman ang nasaktan niya sa lumabas na initial reaction niya sa ginawa ni Heart at ng mga magulang niya. Sana raw ay maunawaan na that was part of her withdrawal symptom.


May 18th, 2008 at 10:07 pm
Posted by joemer in ABS-CBN, Piolo Pascual

“HINDI AKO KASALI SA EX-DEAL, KAYA IMPOSIBLE KAMING MAGSAMA NI MARIAN!” –PIOLO PASCUAL

GRABE pala kung magtrabaho itong si Direk Jerry Lopez Sineneng sa teleseryeng “Lobo” nina Piolo Pascual at Angel Locsin. Walang inaaksayang oras sa pagtatrabaho, tuloy-tuloy hanggang madaling araw. “Hindi naman kasi mahirap idirek sina Piolo at Angel dahil pareho silang magaling na artista. Alam nila ang gagawin pagdating sa set. Kaunting rehearsal at batuhan ng linya – ‘yun na! Take na kami! Nakakataas ng energy sa isang director kapag ang artista mo kasing huhusay nilang dalawa,” pagmamalaking sabi ni Direk Sineneng.
Agad naman kaming ipinakilala ni Direk Jerry kay Piolo Pascual na first time namin nakausap ng personal. Tinanong agad namin siya kung totoong gagawa sila ng pelikula ni Marian Rivera under GMA Films? “It’s not true, nagulat na lang ako ng lumabas ang balitang ‘yan. Wala akong pinipirmahang kontrata sa GMA Films, kaya imposibleng magkasama kami ni Marian. Nagkasama lang kami sa pictorial ng produktong ini-endorse namin, ‘yun lang.  Exclusive ang contract ko sa ABS CBN at Star Cinema, paanong mangyayari ‘yun? Definitely, hindi ako kasali sa sinasabi nilang ex-deal ng Star Cinema at GMA Films!” paglilinaw ni Piolo.
‘Yung nababalitang babae ngayon sa buhay ni Piolo na Born Again Christian din na tulad niya na madalas daw kasama ng binata every Sunday sa church. “Friends lang kami. Hindi ko masabi kung siya na nga dahil sobra ang busy ko sa work. Nagkikita lang kami sa church at nag-uusap, pero nothing serious going on between us!” pagtutuwid ni Piolo.
Sa aming pag-uusap, inamin ni Piolo na marami na rin siyang naka-relasyon hindi nga lang taga-showbiz. Hindi kasi siya ang tipong binabandera ang bawat maging girlfriend. “This time siguro kung magkaka-girlfriend ako, it’s really a serious relationship! Sa ngayon wala pa talaga. Hindi pa dumarating ‘yung right girl for me!
“Gusto ko rin magkapamilya at magkaanak. Ngayon pa lamang pinaghahandaan ko na ‘yan para mabigyan ko sila ng magandang kinabukasan. Gusto ko ready na ako ‘pag dumating ‘yun time na puwede na ako mag-settle down. Trabaho muna tayo para sa future ng magiging pamilya ko,” masaya at punong-puno ng pangarap na sabi ni Piolo.
Kahit anong intriga pa ang dumating kay Piolo, matatag pa rin niya itong haharapin. Sa kaso nga ng actor, the more na iniintriga lalo naman siyang sumisikat at dumarami ang kanyang endorsement. Very positive naman kasi ang attitude niya, kaya pinagpapala rin talaga ng Maykapal.
“As much as possible ayaw kong may kaaway or may nagagalit sa akin. Kaso mo, hindi maiiwasang may magalit sa ‘yo na hindi mo naman alam ang dahilan. Iniintriga ka na hindi naman totoo… nasanay na rin ako,” pagwawakas niya.
Ayaw na rin talagang pag-usapan pa ni Piolo ang balitang nagpunta sila ni Sam Milby sa DOJ para siguraduhing makukulong si Lolit Solis sa kasong isinampa nila.


May 18th, 2008 at 10:02 pm
Posted by joemer in Blind Items

SEXY ACTOR, LIBRENG NA-LOLLIPOP NG BADING DAHIL MAY BONUS PA DYUG SA GIRL

WALA talagang tigil ang sideline ng mga guwapong produkto ng artista search. Isang maelyang bading ang nakatsikahan namin at buong-ningning niyang itinatanong kung malaki ba ang ‘pototoy’ ng isang medyo chubby pero handsome na young actor. Ma at pa ang sagot namin pero naikuwento niya na ibinu-book daw ito sa kanya ng barkada niyang young male starlet sa halagang P10k.

Tinanong namin kung sinu-sino ang mga natikman niya sa showbiz. Of course, una sa listahan ang male starlet na nagrereto ngayon sa kanya. Sinundan pa ito ng isang tisoy at pasaway na young actor na hindi inabot ng Hunyo ang career.

“Comatose siya ‘day sa kama. Walang buhay,” kuwento pa ng bading.

Dalawang ring sexy actors na magkasama sa isang na-disband na all-male group ang natikman niya. Isa rito ang guwapong member na taga-Pampanga. ‘Yung isa naman ay tumaba ngayon at naging kontrobersiyal sa dati niyang ka-live-in na sexy star. Hindi raw niya binayaran itong huli dahil binigyan niya ito ng babae. Ni-lollipop muna raw niya bago ipinadyug ang girl.

Wow! Talbog!

Halaw sa panulat ni Roldan Castro sa Diyaryong Bulgar


May 18th, 2008 at 9:55 pm
Posted by joemer in ABS-CBN, Juday

Giselle Sanchez Divulges Judy Ann Santos-Ryan Agoncillo’s Wedding Plans

After Judy Ann Santos dismissed the reports yesterday that she and her fiance Ryan Agoncillo will get married this year, comedienne Giselle Sanchez confirmed that there will be a wedding indeed.

Judy Ann Santos mentioned in her interview yesterday that she and Ryan are currently focusing in their careers.

“Ang dami pong mga tao na walang trabaho,” she said. “Ang daming gusto man nila, e, walang pagkakitaan. Marami ring mga artista ang medya-medya lang ang kita. Ngayon ko pa po ba tatalikuran itong matagal ko nang ipinagdasal, baka naman po magalit sa akin ang Diyos? Inuulan, binabaha po ako ng suwerte ngayon, which I know Ryan is a part ng total development ko. And when I have enough, that’s the time haharapin na namin ni Ryan ang isang panibagong buhay, panibagong pakikipagsapalaran sa buhay may asawa na malayo sa showbiz na kinalakihan ko, showbiz kapalit ng isang matahimik na buhay may asawa na magpapamilya na.”

In the 25 years anniversary of Woman Today this afternoon, TV Patrol was able to talk with Judy Ann’s friend Giselle Santos. In a short interview, Giselle confirmed that Judy Ann and Ryan are now preparing for their wedding.


May 18th, 2008 at 9:53 pm
Posted by joemer in ABS-CBN, Bea Alonzo, John Lloyd Cruz, Sarah Geronimo

Sarah Geronimo Paired with John Lloyd Cruz on Her Launching Movie 

Sarah Geronimo started shooting her launching movie from Star Cinema and Viva Films and his leading man is none other than John Lloyd Cruz.

Many televiewers loved the first pairing of Sarah and John Lloyd in an episode of Maalaala Mo Kaya before and through the strong request of Sarah’s fans here and abroad, she will be launched in a major movie with John Lloyd as his leading man.

The movie has no title yet but it’s going to be helmed by Director Cathy Garcia Molina based from the script by Raz dela Torre.

The story is about a young publishing magnate (John Lloyd) and the special relationship he develops with his magazine’s editorial assistant (Sarah).

Is this the end of John Lloyd Cruz-Bea Alonzo loveteam? It was reported that Bea’s leading man in the Philippine adaptation of Betty La Fea is no longer John Lloyd Cruz.

When Bea was asked to name her top 5 choices for the role of Armando in Betty La Fea, she listed Gabby Concepcion, Aga Muhlach, Diether Ocampo, Piolo Pascual and Jake Cuenca for the role of her leading man. She didn’t even include John Lloyd in the list!

Anyway, i’m sure the fans of Sarah Geronimo are very happy that she was being paired with box-office king John Lloyd Cruz. And why not? This could be the newest loveteam to charm the local boxoffice in the future!


May 18th, 2008 at 9:50 pm
Posted by joemer in ABS-CBN, GMA, Koreanovelas

Koreanovela ‘Lovers’ Tramples Competition

‘Lovers’ is the first late night Koreanovela of ABS-CBN this year that was able to beat its rival shows on GMA. Prior to ‘Lovers’ were Koreanovela Spring Waltz and To Marry a Millionaire, both beaten by the competition. But the 3rd franchise of the ‘Lovers in Paris’ tv series (now called ‘Lovers’) reigned supreme on its timeslot beating Kung Ako Ikaw last Tuesday and Wednesday and the new GMA musical show Songbird last Thursday.

Kung Ako Ikaw (GMA-7) 12%; Lovers (ABS-CBN) 14.9%

Kung Ako Ikaw (GMA-7) 12.8%; Lovers (ABS-CBN) 15.4%

Songbird (GMA-7) 11.9%; Lovers (ABS-CBN) 14.3%

Figures courtesy of AGB Nielsen Philippines via PEP


May 18th, 2008 at 9:46 pm
Posted by joemer in GMA, Koreanovelas, Ruffa Gutierrez

Witch Yoo Hee on GMA 7

Witch Yoo Hee, originally “Witch Amusement”, is an upcoming koreanovela on GMA 7 about a beautiful witch named “Yoo Hee” starring Han Ka In of Yellow Handkerchief, Terms of Endearment and Hae Hee of To Be With You.

Witch Yoo Hee is a charming romantic-comedy with light drama set to fascinate the Filipinos’ adulation for Koreanovelas. The series heroine is Yoo Hee (Han Ka In), an advertisement planner in her father’s company who is branded as a “witch” for her austerity and assertiveness. She is always elegantly dressed and is known for her strictness in ruling the company and in dealing with her pals. Regardless of a flourishing career, Yoo Hee is unsuccessful and helpless when it comes to romance.

After countless, futile attempts to hire a housekeeper, Yoo Hee meets Marlon (Hae Hee) when his car crashed into hers. He is a former medical student who now aspires to be a chef. In order to pay off his debt to Yoo Hee, he decides to work as her housekeeper. In an unexpected turn of events, Marlon becomes Yoo Hee’s love coach and is able to change her outlook in life and love. Eventually, Marlon falls for Yoo Hee despite having a witty and devoted girlfriend, Sharmaine (Chun Hae Bin).

Yoo Hee has an unbelievable makeover from being a “witch” into a carefree, lovable stunner. Men suddenly begin to notice her because of this striking transformation. Aside from Marlon who becomes attracted to her, her long-time friend Johnny (Dennis Oh) and first love Jeremy (Kim Jung Hoon) are also drawn to her irresistible beauty.

Yoo Hee now finds her perfect and stiff composure breaking as she is torn between three good-looking lovers. How does she handle this unexpected twist in her love life? Can Yoo Hee the “witch” face her demons and embrace this transformation with open arms?

Witch Yoo Hee premieres on May 19, 2008, Monday, right after Coffee Prince Rewind replacing anime series Flame of Recca.


May 18th, 2008 at 9:34 pm
Posted by joemer in ABS-CBN

Will Vilma do another movie?

Batangas Gov. Vilma Santos misses the movies. A true blue child of the business who started as a child actress, Vilma was at the peak of her career when she entered politics and made a good career out of it. Now Governor Vi would like to do movies again. “Gusto ko na po. Meron na ulit inihahanda ang Star Cinema, meron pang indie film, and I am looking forward to making a movie this year. It has been five long years na hindi ako gumagawa ng pelikula. I owe it to my audience. I owe it to my public. Yong Vilma Santos na artista utang na loob ko yon sa publiko at miss ko na po.”

Vilma also intimated to The Buzz about how happy she and her family were during their three-week vacation in America. “We were complete as a family except Lucky. But I understand that he is busy with work. It is during vacation time that I do things like other people do — we go shopping, we go anywhere, pag ayaw maligo, wag muna, ganun.”

As governor of Batangas, Vilma feels “like the mother of the whole province of Batangas. Para akong ina na may anak na 2.3 million, that is the population of the entire province.” Her husband Ralph Recto has been her guiding force. “Ralph is doing good. Siguro yong hindi muna pagkakaroon ng posisyon sa gobyerno plus factor yon kasi he guides me on how to run Batangas. Kung wala si Ralph, hindi ko alam kung paano ko ito uumpisahan.”


May 18th, 2008 at 9:33 pm
Posted by joemer in ABS-CBN

Assunta da Rossi: “I got screwed by Gabby Lopez”

 

Marami ang naloka sa siney kahapon ni Assunta de Rossi sa Showbiz Central na “I got screwed by my cousin- in-law, Gabby Lopez.”

Ano ba raw ang ibig sabihin ni Assunta na naging cousin-in-law ni Papa Gabby dahil pinsan ito ni Jules Ledesma, ang kanyang loving husband?

Ang natatandaan ko, noon pa sinasabi ni Assunta na natsugi ang kanyang showbiz career dahil kay Papa Gabby. Classic nga ang kanyang dialogue noon sa Startalk na “Gabby Lopez killed my career!”

Hindi ko na ma­alala ang pinag-ugatan ng pag-i-emote ni Assun­ta. Hindi ko na ma-remember ang mga nangyari nang lumipat siya noon sa ABS-CBN mula sa GMA 7. Bigla na lang siyang nag-dis­appearing act.

Matagal nang pinaplano nina As­sunta at Jules na magkaroon ng anak. Matupad na sana ang dream nila dahil tiyak na magiging ideal mother si Assunta.


May 18th, 2008 at 9:32 pm
Posted by joemer in ABS-CBN, GMA, KC Conception, Richard Gutierrez

GMA Films may big announcement din tungkol kina Richard at KC

TOMORROW ang announcement naman ng side ng GMA Films.

Today lahat ang dating ng tatlong pinakaimportanteng components ng special announcement na gagawin tomorrow — si Richard Gu-tierrez from Dubai, KC Concepcion from France and An-nette Gozon-Abrogar, president of GMA Films, also from Europe if we’re not mista-ken.

Bukas, magkikita-kita ang tatlo para sa announcement ng GMA Films about the Richard-KC team up af-ter ABS-CBN announced theirs two weeks ago.

This is the compromise deal kung bakit napapayag si Richard, isang exclusive GMA Films talent, na pumirma ng one picture deal with Star Cinema.

This time nga, ang film arm naman ng Kapuso network ang magbibigay ng kanilang announcement, and this completes the series of special announcement na una naming isinulat dito na walang ka-clue-clue para ma-surpresa ang lahat.

Basta it has something to do with Valentine 2009 and will keep you posted.


May 18th, 2008 at 9:31 pm
Posted by joemer in ABS-CBN, Billy Crawford

Ikinagulat ng ilang malalapit sa Fil-Am international singer na si Billy Crawford, especially the people from GMA-7, ang balitang isa siya sa magho-host ng ikalawang season ng Pinoy Dream Academy (PDA) ng ABS-CBN na nakatakdang magsimula next month. Bukod kay Billy, makakasama rin niya sa PDA sina Toni Gonzaga at Nikki Gi.

Hindi pa man humuhupa ang tensiyon sa pagitan nina Billy at mga malalapit na tao sa kanya sa GMA-7 dahil sa paghu-host niya ng PDA, kinumpirma ng isang source sa PEP (Philippine Entertainment Portal) na magiging host na rin ang international singer ng Sunday musical-variety show ng ABS-CBN, ang ASAP ‘08. Bahagi raw ito ng exclusive contract na pipirmahan ni Billy sa ABS-CBN pagdating niya sa Pilipinas.

Billy Crawford will also be part of “ASAP ‘08″ aside from hosting “PDA”

Billy Crawford will also be part of

At press time ay nasa ibang bansa pa si Billy.

Although may nagsabi na pumirma na ng kontrata si Billy sa ASAP ‘08, bukod sa nauna na niyang pinirmahang kontrata para sa pagho-host ng PDA, posible raw na ipadala na lang ang mga kontrata kay Billy sa abroad o di kaya naman ay ang manager niya rito ang pumirma on his behalf.

Nakatakdang bumalik ng Pilipinas si Billy next week at sa kanyang pagdating, nakahanda ang international star na linawin ang lahat ng kontrobersiyang kinasasangkutan niya.


May 18th, 2008 at 9:29 pm
Posted by joemer in ABS-CBN, GMA

‘Pag naglabas ng bago ang GMA, lumpo ang kalaban’ - Joey de Leon

 

MOST of Viva classic movies and blockbusters have invaded the small screen or television via the venue popularly known now as teleseryes. Magdusa Ka which in 1986 garnered several awards from various film organizations such as FAMAS, FAP and the Urian is now one of them.

The TV version is also star-studded and mostly from GMA Talent Center. At the helm is Maryo J delos Reyes, a well-acclaimed director.

Movies and television are two different medium and so is the director’s approach to a particular project whether presented on a weekly or daily basis. For instance, stretching a material to the point of being draggy is permissable. Different changes in the material are allowed for as long as the basic plot and lead characters are retained.

Magdusa Ka has a reversal of roles for lead performers Dennis Trillo and Katrina Halili. Dennis throws his boy-next-door image in favor of the playboy character named Rod (played by Christopher de Leon in the movie) who came from the slums. He hopes the transition will give him an acting award in the near future. Ditto with Katrina, the sexy villainess in Marimar now becomes the lead character Cristine, played in the movie by Dina Bonnevie.

Magdusa is also a reunion of sorts for former Seiko stars, Gardo Versoza, Anton Bernardo and Rita Avila.

Completing the cast are Liza Lorena, Ana Capri, Rich Asuncion, Blue Mark Roces, Shirley Dalton, Gabby Eigenmann, Jackie Lou Blanco and Iwa Moto as the ultimate contravida Millet, a role that should not be difficult for her to do.

On its first week, Dennis easily shone as Rod. He departs from his clean image, and we think he truly is a good actor.

Here’s a quote from comedian/host Joey de Leon :

“Alam mo naman ang GMA kapag naglabas ng bagong show (referring to Magdusa Ka) lumpo ang kalaban.


May 18th, 2008 at 9:29 pm
Posted by joemer in ABS-CBN, Gerald Anderson, KIMERALD, Kim Chui

 Kim’s dad wants to return car to Gerald

 

A READER is puzzled why Gerald Anderson would give Kim Chiu a pink car as a gift for her 18th birthday?”Anong klaseng gimik po iyon? Can afford na po ba si Gerald na magregalo ng kotse to someone like Kim na nagsasabing hindi naman daw niya boyfriend si Gerald in real life? Parang di kapani-paniwala at hindi kami impressed.”

Well, it could create awareness for their new teleserye, Pinoy My Girl on ABS-CBN. And Kim explained: “Hindi naman po siya brand new. It’s a second hand Ford Lynx, and it’s custom-built. Ang totoo po, pinapasoli po sa akin ng daddy ko ‘yung kotse kay Gerald, pero ayaw naman pong pumayag (ni Gerald). Sabi ko, hati na lang tayo sa bayad, pero ayaw pa rin.”

So, where’s the car now?

“It’s in our house po,” she explains. “Hindi ko pa po siya nagagamit.”

Meanwhile, Kim looks more excited with her new teleserye, Pinoy My Girl where she plays a jolly tour guide. “Ganun po talaga ako sa tunay na buhay,” she said when asked how come she was so at ease with the role. “I mean talagang masayahin po ako. Masyado lang pong mga serious ang mga una kong role, kaya excited po ako dito.”

Basing from the trailer, looks like it stands a good chance at the ratings chart.


May 18th, 2008 at 9:28 pm
Posted by joemer in Dingdong Dantes, GMA, Marian Rivera

Marian, Dingdong looking forward to new movie

 

Excited na sina Marian Rivera at Dingdong Dantes sa unang pelikula na kanilang pagtatambalan kasama si Iza Calzado.

“Sana Matuloy… Ako its one thing I’m looking forward to,” pahayag ng aktor sa Chika Minute ng GMA news 24 Oras.

Hirit naman ni Marian: “Hindi pa kami gumagawa ni Dingdong ng movie…(bale) first time namin ito if even na matuloy.”

Nabuo ang love team nina Marian at Dingdong sa super hit na primetime drama series ng GMA 7 na “Marimar.” Ngayon, gabi-gabing naman silang inaabangan ng kanilang mga fans sa nangungunang telefantasya sa buong bansa, ang “Dyesebel.”

Kaya naman daw doble ang nararamdaman nilang kasiyahan dahil sa mainit na pagsubaybay sa kanila ng mga tao.

“Napatunayan sa amin na yun suporta hindi talaga umalis… yun pagmamahal sa amin nandyan pa rin. And the more na lalo talaga kaming nagaganahan,” ayon kay Dingdong

“Yun magkaroon ako ng paa inabangan talaga yun. Masaya ako na pinapasok muli nila si ‘Dyesebel’ sa tahanan nila,” pahayag ni Marian.

Ngayon na nagkaroon na ng paa at pumangit si ‘Dyesebel,’ dapat abangan ang muli nilang pagkikita ni “Fredo” na ginampanan ni Dingdong.


May 18th, 2008 at 9:27 pm
Posted by joemer in ABS-CBN, Claudine Barreto

Gabby-Claudine teleserye to start shooting

Cameras will start rolling in “Iisa Pa Lamang,” the highly-anticipated teleserye starring Gabby Concepcion and Claudine Barretto on ABS-CBN. This Monday, May 19 is their first taping day with the entire major cast.

This is the start of Gabby’s TV career after his impressive acting in an episode in “Maalaala Mo Kaya.” “Iisa Pa Lamang” can be considered as one of the most ambitious projects of ABS-CBN. Some of the most talented actors and actresses from different generations will once again team up in one teleserye.

Aside from Gabby and Claudine, “Iisa Pa Lamang” also stars Diether Ocampo, Angelica Panganiban, Cherie Pie Picache, Laurice Guillen, Matt Evans, Melissa Ricks and Ms. Susan Roces. Asia’s Nightingale Lani Misalucha will sing the program’s theme song. “Iisa Pa Lamang” is under the direction of Ruel S. Bayani and Manny Palo.


May 18th, 2008 at 9:25 pm
Posted by joemer in Uncategorized

BITS: Gretchen, Billy and Alma

 

GRETCHEN BARETTO: NO SHOW SA KASAL NG ANAK NI TONY BOY

Ang wedding photos ni Patricia Cojuangco, ang panganay na anak ni Tony Boy Cojuangco. Kumpleto ang pamilya. Naroroon ang kanyang ama, lola at half-sister na si Dominique ngunit no-show ang ina nito na si Gretchen Barretto.

ABS-CBN MAY BAGONG OFFER KAY BILLY CRAWFORD

Dapat noong May 15, dumating ng bansa si Billy Crawford para pag-usapan at planuhin ang nala lapit na premiere ng Pinoy Dream Academy 2 (PDA 2) ng ABS-CBN na kanyang iho-host. Pero hindi siya natuloy at siguradong may paliwanag dito ang Channel 2 at ang management ni Billy.

 Sa pagbabalik ni Billy, marami siyang haharapin at kabilang dito sina German Moreno at ex-manager niyang si Raul Laurente. Maalis kaya ng kanyang paliwanag ang tampo ng dalawa sa kanya?

Ang tsika, bukod sa PDA 2,  may  isa pa raw TV show sa Channel 2 si Billy at isang big talent ng network ang kanyang makakasama. Malaking project ito ’pag natuloy at kung totoo.

ALMA MORENO, AYAW BUMISITA KAY RUDY FERNANDEZ

Ayaw daw maiyak ni Alma Moreno, kaya ayaw bumisita kay Rudy Fernandez sa Cardinal Santos Medical Center kung saan ito naka-confine. Daig siya ng mga kaibigan ng actor na kahit hindi makapasok sa kuwarto nito’y, nasa hospital araw-araw para ipakita ang pagmamahal kay Rudy, suporta kay Lorna Tolentino at sa mga anak nito.

Ang ibang kaibigan ng mag-asawa’y sa hospital tumutuloy after their work at may kilala kaming halos doon na natutulog. Para siyang miyembro ng pamilya nina Rudy at LT na walang tigil ang pagdarasal para sa paggaling ng actor. Gaya rin siya sa ibang kaibigan ng actor na kinakabahan tuwing may tatawag sa cellfone at baka hindi magandang balita ang marinig.


May 18th, 2008 at 9:24 pm
Posted by joemer in ABS-CBN, GMA

Pia, John, Arnell itatapat kina Cristy Fermin at Jobert

 

May time pa bang magkaroon ng daily radio show si Pia Guanio?

Kaya namin ito naitanong, dahil nabalitaan naming balak siyang bigyan ng radio show sa DzBB, kasama sina John Lapus at Arnell Ignacio.

Kaya lang, may Eat Bulaga ang dalaga at 2:30 na natatapos. May 24 Oras pa siya sa gabi. Makapagpapahinga pa ba siya at may time pa kaya for boyfriend Vic Sotto?

Totoo rin bang dahil sa pinaplanong radio show nina Pia, John at Arnell, malilipat ang radio show ni German Moreno sa ibang oras?

Kung dati’y sa hapon napakikinggan ang programa ni Kuya Germs, ililipat daw ito sa gabi. At least, consistent siya’t pang-gabi rin ang TV show niyang Walang Tulugan sa GMA-7.

Kung matutuloy ang sinasabing radio show, obviously, itatapat sina Pia, John at Arnell kina Cristy Fermin at Jobert Sucaldito na may radio show sa DzMM at kina Ogie Diaz at Ms. F na may showbiz radio show din sa DzXL.


May 18th, 2008 at 9:22 pm
Posted by joemer in GMA

Lolit Solis: “History will judge me”

History will judge me. ’Yan ang masasabi ko sa mga nagtatanong kung bakit nag-retract at nag-apologize ako kina Piolo Pascual at Sam Milby.

Sa mga nagsasabi na wala akong kredibilidad, wala akong magagawa kung iyan ang inyong opinyon. May mga pangyayari na hindi ko puwedeng idetalye at naging dahilan para mag-retract ako.

Hindi porke nag-retract ang isang tao eh nangangahulugan ’yon na wala na siyang kredibilidad.


May 18th, 2008 at 9:17 pm
Posted by joemer in ABS-CBN, Willie Revilliame

Bigatin Productions apologizes for ‘Wowowee’ Hawaii incident
Bigatin Productions, the outfit that brought ABS-CBN’s hit noontime show “Wowowee” to Hawaii last May 10, has issued an official apology for a scam that tricked more than 200 of the show’s fans into buying $100 tickets for a “meet-and-greet” event that never happened.

In a statement sent to The Buzz, Bigatin Productions spokesman David Tiu wrote in Tagalog:

“Ang naganap na pagsasalo-salo ay para lamang sa mga piling taong sumusuporta sa amin para maihatid namin ang aming taos-pusong pasasalamat. Pero nagkaroon ng hindi magandang pangyayari, tuland ng bentahan ng ticket o invitation na walang kinalaman sa aming production.

“Wala kaming inilagay o ipinangako na dadalo ang mga artista sa nasabing pagsasalo-salo.

“Kami ay biktima lamang ng maling paghuhusga sa kadahilanang sa amin ipinagkatiwala ang number one noontime show sa buong mundo. Kami ay humihingi ng dispensa sa mga taong inosente na nadamay sa kaguluhang ito.”

(The party that was held was a private one meant only for selected guests whom we wanted to thank for their support. But a really bad thing happened: tickets and invitations to the event were sold–these activities had nothing to do with our production. We never promised that the Wowowee stars would be present at the gathering. We have been unjustly accused, and the only reason for that is we were entrusted to produce the number one noontime show in the world. We apologize to all the innocent people who were victims of this incident.)

Tiu added that Bigatin Productions is still in the US trying to sort out the fiasco.

Wowowee host Willie Revillame himself issued a statement on Thursday, May 15, about the incident.

“Una sa lahat po wala po kaming kino-commit na dinner show, kahit kaninong tao, may birthday party, o party, o anuman po na show para makipag-meet lang kami at humingi kami ng hundred dollars… hinding-hindi ko po gagawin o ng ABS na manghingi ng pera, para lang magkaroon ng show,” he said.

(First of all, we never made any commitment for a dinner show for anybody, for any sort of party, or for any show, just so we could meet fans and charge a hundred dollars.)


May 18th, 2008 at 9:16 pm
Posted by joemer in GMA, Marian Rivera

 MARIAN RIVERA – SUPLADITA??!!

 

Another thing that would make you go hmmmm…..

 

Filipinos are naturally usiseros. Something quick but attention-grabbing would happen, they would stay and watch what would happen next. A fight or a car accident, Pinoys would come out like ants to watch. Not even a coup de etat can stop them from watching!

 

Of course, when there’s a taping, Pinoys would skip their work and just watch from the sidelines of the set to get a glimpse of their favorite actors.

 

So during the taping of some fishy drama in Subic, people were waiting in the set of the show and guess what they see…. Marian Rivera raising her voice to her alalay!

 

Now I don’t know if it’s because the alalay committed a major mistake or Marian didn’t have enough sleep that’s why she was cranky but my source was very sure that a lot of people got turned off!

 

“Ay, suplada pala talaga siya in person!”


May 18th, 2008 at 9:14 pm
Posted by joemer in ABS-CBN, Gerald Anderson, KIMERALD, Kim Chui

Kim is ready for My Girl’s premiere on May 26

051308-CristineReyes01.jpgEveryone is talking about Chinese cutie Kim Chiu’snext teleserye, Pinoy My Girl which premieres on May 26 on ABS-CBN’s Primetime Bida. Kim is perfect as the leading lady for My Girl because of her very exotic and oriental features. She did a lot of preparations for her role which includes learning how to speak in fluent Mandarin. Kim will be playing the character of Jasmine, is a poor yet courageous girl, who learned how to be street smart since she moved places a lot with her father. She likes using her favorite line “Tira-tira!” when provoked. Because of a unique situation, she will meet Julian (Gerald Anderson) and in an unexpected event, the two will be forced to live in a web of lies and deceit.

In the short span of time that Kim has been in the industry, she has already gained praises for her acting from her co-actors, directors and fans. She has starred in numerous ABS-CBN shows like Go Kada Go, Love Spell and Your Song but her biggest success as an actress was in the series Sana Maulit Muli which was also aired in Taiwan, Malaysia, China and other Asian countries. She was also the lead star in the movies First Day High and I’ve Fallen for You.

Kim is also a recording artist and did the album Gwa Ai Di under Star Records. She won numerous awards for this album such as “Song of the Year” and “Best Female Pop Performance” for the single, Crazy Love. My Girl’s original soundtrack is also under way and will soon be released with songs from Kim Chiu, Sam Milby and Yeng Constantino.


May 18th, 2008 at 9:13 pm
Posted by joemer in ABS-CBN, GMA, Heart Evangelista, jericho rosales

Jericho still denies having any affair with his leading ladies

TheBuzz

Following Jericho Rosales’s interview in The Buzz last week, his ex-girlfriend Heart Evangelista aired out her sentiments yesterday (May 17) via a phone interview in show biz oriented talk show Star Talk from the rival network. Heart said that she was shocked by her former boyfriend’s statements. She clarified that her parents had nothing to do with her decision to break up with him, like what her ex-boyfriend insinuated.

She revealed that her reason to end her three-year relationship with Jericho was because of the actor’s affairs with his leading ladies. The women being referred to are Brianna Evigan, Echo’s leading lady in the international film I Love You Virus and Malaysian TV actress Carmen Soo, his co-star in his upcoming teleserye. Heart said that she’d rather accept his shouts and outrage every time they fight but she will not stand his womanizing TheBuzzways. She asked Echo to stop saying bad things about her and wished that he’d be able to find the person who would love him and understand his life.

Meanwhile, The Buzz also aired the continuation of Echo’s interview from last Sunday’s episode and here he defended his closeness to his leading ladies. Echo explained that being friendly towards his co-stars was a part of his job and that he could not control other people’s perception of his actions. “God knows what I’m doing. Trabaho ko yon bilang nag-iibigan sa pelikula. Anong makikita ng tao? Nasa Pilipinas po tayo, maraming nag-iisip. Hindi ko pwedeng talikuran yung aktres na kasama ko sa pelikula. Kung anong nakikita nila, may idea na sila na pwede na nilang dalhin sa bahay. Pwedeng kumalat at pwedeng maging ibang bagay, yun ang dinidibdib ko sa loob ko,” Echo clarified.

TheBuzzDespite the incident, the actor continues to hope that he and Heart will be able to talk, fix things and get back together. “Sana talaga malampasan namin ang pagsubok na ‘to. Someday we’ll bump into each other and we’ll talk. And we’ll be friends and we’ll fix our lives. I hope and pray that special day will happen na magkabalikan kami. Na I’ll still have my heart for Heart,” he said.

As an answer to Heart’s recent interview, Jericho (who’s still in Malaysia taping his TV drama) sent a text message to The Buzz staff yesterday (May 18), saying he does not want to talk about the controversy surrounding his break-up with Heart Evangelista anymore. “I would rather not talk about the issue anymore. I feel that I have said my piece and I know the truth will come out someday. I wish her (Heart) peace and success. Thank you The Buzz for your unending support.”


May 18th, 2008 at 9:12 pm
Posted by joemer in ABS-CBN, Claudine Barreto, Juday, Kristine Hermosa

Star Magic defends Claudine Barretto and Kristine Hermosa

TheBuzzStar Magic defends two of its biggest stars—Claudine Barretto and Kristine Hermosa—from wrongful accusations by two controversial press people, Alfie Lorenzo and Dolly Ann Carvajal.

Dolly Ann wrote in her column in the Philippine Daily Inquirer that Kristine Hermosa had an attitude problem, which made things difficult for Prinsesa ng Banyera director Andoy Ranay. Star Magic management commented, saying that the writer’s stories are very one-sided making it very biased. It also pointed out that Dolly Ann’s articles obviously did not give Kristine the chance to air her side. “Kristine has been a difficult actress in the past because of her youth and inexperience. She has always been a reluctant actress and star. But in recent times she has shown a certain maturity born out of TheBuzzexperience and wisdom and she has exerted professionalism to a high degree,” said Star Magic in defense of its ward.

Meanwhile, ABS-CBN’s talent management arm also chastised talent manager and entertainment writer Alfie Lorenzo, who accused Claudine Barretto of riding on his alaga, Judy Ann Santos’s popularity in making a showbiz come back. “Naiinis ako kasi they’re trying to find a way para gumawa ng ingay yung pagbabalik ni Claudine. Ang kinaiinis ko lumang style na yun,” said the talent manager. Star Magic said that there is no truth to Alfie’s claim, and that Claudine does not need any help from Alfie nor his talent to make a comeback. “ABS-CBN believes that Ms. Claudine Barretto made a name in show biz and has a loyal following because of her popularity and hard work and has no need of any help from Judy Ann Santos and any bitter old men posing as show biz journalist. ABS-CBN has high regard for Claudine as with other artists.”