The new face of pinoy entertainment
May 26th, 2008 at 2:48 am
Posted by joemer in Uncategorized

Sino kina Dingdong Avanzado, Jay Manalo, Rudy Hatfield, Duncan Ramos at Erik Santos? POSITIVE, ISA SA MGA NAGING BF NI RUFA MAE QUINTO, BADING!

GULAT ang naging reaksiyon ni Rufa Mae Quinto nang “lie” ang naging resulta sa tanong sa kanya sa Don’t Lie To Me segment kahapon ng Showbiz Central na sa mga naging boyfriends niya ay may pinagdududahan ba siyang bading?

“No” ang naging sagot ni Rufa Mae, at taliwas nga ru’n ang lumabas sa lie detector test.

Kaya, tiyak na mabubuhay na naman ang paulit-ulit na lang na intrigang isa talaga sa mga naging boyfriends ni Rufa Mae ay pinagdududahan ang gender.

Sino nga kaya kina Dingdong Avanzado, Jay Manalo, Rudy Hatfield, Duncan Ramos at Erik Santos ang tinutukoy sa lumabas sa lie detector test?

Halaw sa panulat ni Erlinda Rapadas T., sa Diyaryong Bulgar


May 26th, 2008 at 2:47 am
Posted by joemer in Uncategorized

Si madir ang gumawa ng way para makuha sina Heart Evangelista at KC Concepcion…MERCEDEZ BENZ AT MILYONES NA BAHAY REGALO NI RICHARD GUTIERREZ KAY


ANNABELLE RAMA

Tunay namang napakasuwerte ni Richard Gutierrez dahil ang lahat halos ng kanyang pinangarap ay kanyang nakamit, with the help and guidance of her mom na siya na ring tumatayong manager niya.

And of course, dahil pinagsikapan din naman niya nang husto upang iangat ang kanyang career thru hardwork and determination. Nagsikap si Chard, nagpagod at nagpuyat sa taping ng kanyang mga nilabasang fantaserye sa GMA-7.

Taon din ang binilang bago siya naging ganap na aktor at pinagkatiwalaan ng malalaking projects ng Kapuso Network at binigyan ng pagkakataong magbida sa pelikula.

Dedicated at napakapropesyonal ni Richard sa trabaho. Never itong nagdemand at nag-feeling sikat sa set. In fact, tulad ng kanyang Daddy Eddie, napaka-humble nito, mabait at ma-PR sa lahat, ultimo sa mga utility boys.

Kahit na hindi kasama ang kanyang Mommy Annabelle, kayang humarap ni Richard sa mga entertainment press. Kahit may isyung dapat sagutin, maayos niyang naidedepensa ang kanyang sarili. Hindi scripted ang kanyang sagot.

Kaya naman, ginagawa rin ni Annabelle Rama ang lahat upang ma-inspire pa si Richard sa pagtatrabaho. Nakuha niya si Heart Evangelista para maging leading lady ni Chard sa Codename: Asero na malapit nang mapanood sa GMA-7. Buking kasi ni Annabelle na naging crush ng kanyang binata ang ex-GF ni Jericho Rosales.

Bukod diyan, tinrabaho rin ni Bisaya ang pagtatambal nina KC at Richard sa Valentine Movie ng GMA Films.

Para sa ikaliligaya ng anak, lahat ay gagawin ni Annabelle Rama. Kahit na sabihan pa siyang isang mataray at ‘monster mom’, still, para sa kapakanan ng kanyang mga anak ay ipaglalaban nang patayan ni Bisaya ang mga ito.

Kailanman, hindi siya papayag na api-apihin at sira-siraan ang pagkatao ng sinuman sa kanyang pamilya. No wonder, na sa kabila ng lahat, mahal na mahal at inirerespeto ng kanyang mga anak si Annabelle.

Patunay ng pagtanaw ng utang na loob sa kanyang mom-manager ay niregaluhan ito ni Chard ng Mercedes Benz at ibinili ng bagong bahay worth millions! Kaya, proud mama ngayon si Annabelle Rama.

Halaw sa panulat ni Erlinda Rapadas T. sa Diyaryong Bulgar


May 26th, 2008 at 2:45 am
Posted by joemer in Bea Alonzo

BEA ALONZO, MABILI SA MGA TIBO


 

MALAKAS talaga ang dating ni Bea Alonzo sa mga tibo. Kahit saan kami magpunta ay siya ang inuusisa sa amin ng mga katropa ni Mercy D’ Great, nakikipagkaibigan daw sa sa tibo si Bea?

Kahit sabihin pa naming panlalaki si Bea at hindi pangkanila ay tuloy pa rin ang kanilang mga tanong, sobrang lakas daw kasi ng appeal sa kanila ng magandang aktres, type na type nila si Bea.

“Nu’ng minsan, nakita namin siya sa mall. Wala siyang make-up, may kasama siyang alalay. Gustung-gusto na namin siyang lapitan, kakamayan lang namin siya, ia-appreciate lang namin ang ganda niya, pero nakahiyaan namin siyang i-approach,” sabi pa ng tropang kumausap sa amin.

Dahil hindi nga puwede ang kanilang gusto ay nabubuhay na lang sa ilusyon ang mga tibo na nagkakagusto kay Bea, kapag nag-tetext sila sa amin ay ganito ang kanilang mensahe, “Ikumusta mo na lang ako sa imaginary love kong si Bea.”

Ha! Ha! Ha! Ha!

Halaw sa panulat ni Cristy Fermin sa Diyaryong Bulgar


May 26th, 2008 at 2:44 am
Posted by joemer in Uncategorized

KORINA SANCHEZ, KALIWA’T KANAN ANG DEMANDA


Dahil sa inilabas ni Korina Sanchez sa TV Patrol, Bandila at World Tonight ng ANC na peke diumano ang Lucida-DS Glutathione na ini-endorse nina Gabby Concepcion at Sen. Loren Legarda at ganu’n din ang Vaniderm na sina Toni Gonzaga at Maui Taylor naman ang endorsers, nagbabanta si Ms. Maribel Galindez, senior vice-president ng kumpanya na magdedemanda next week.

Sa inilabas na report ni Korina, nasabing peke diumano ang Lucida-DS Glutathione dahil 4.4 mg lang ito samantalang 5.4 naman ang Vaniderm na dapat ay 500 mg ang eksaktong sukat. Ito ay base umano sa testing na isinagawa ng Philippine Institute of Pure Applied Chemistry.

Ayon sa statement ng Lucida, “We are not fake! You may call BFAD hotline 02-8070746.”

Text naman sa amin ni Ms. Galindez, “Sasampahan namin next week si Korina sa Polomolok, Davao. Ganoon din ang gagawin ng mga business partners ko sa Iloilo, Gen San, Cagayan De Oro, Cebu, Iligan, Koronadal, Zamboanga. Lahat po nationwide.”

Ano ito, libel case tour?

May official statement na ang United Shelter Health Product tungkol sa expose ni Korina at pagtutuwid na naglabasan sa mga broadsheets at leading tabloids. Balak din nilang gumawa ng posters na nakalagay ang official statement at larawan ni Gabby na ikakabit sa mga botika para mabasa rin ng mga tao.

 

Halaw sa panulat ni Roldan Castro sa Diyaryong Bulgar


May 26th, 2008 at 2:43 am
Posted by joemer in Uncategorized

GUWAPONG AKTOR, LUMIPAT LANG NG NETWORK PERO SOBRANG YABANG AT FEELING BIG STAR PA RIN

BLIND ITEM: Imbudo ang isang young actor sa dati niyang kasamahang guwapong aktor sa isang artista search. Sobrang yabang at feeling big star pa rin daw kasi ito.

Porke lumipat na siya ng network ay kinalimutan na niya ang mga ka-batch niya sa kabila. Hindi na siya nambabati. Ayaw niyang magmukhang hero sa pakikisama at pagpi-PR.

Minsan ay pinuntahan ng young actor ang kabarkada niyang guest sa isang variety show. Co-host doon ang mayabang na guwapong aktor. Kukumustahin sana siya ng young actor pero sinabi niya sa isang reporter, “Ano’ng ginagawa niya rito?”

Ay, talbog! Ayaw ni Dyesebel ng ganyan!

Halaw sa panulat ni Roldan Castro sa Diyaryong Bulgar


May 26th, 2008 at 2:42 am
Posted by joemer in Uncategorized

NAPAKA-VTH NG DATING NG SONGBIRD NA SI REGINE VELASQUEZ


 

Nakakatawa ang hitsura ng host ng programang Songbird na hosted ng babaing nagtakwil ng sariling pamilya, na si Regine Velasquez ang nawawalang si Norma Calusin Zacarias ng Infanta at Polilio, Quezon.

Halatang, pinipilit ng mang-aawit na homewrecker na magmukha siyang bata sa boob tube. At dahil sa kanyang pagnanais na itago ang tunay niyang hitsura sa kanyang edad, kung anu-anong burloloy ang ipinaglalagay niya sa kanyang damit at ayos ng kanyang hair and make-up. Napaka-VTH (very trying hard) ng dating!

Pati ang kanyang mga kasuotan ay hindi rin niya inilalagay sa ayos na talagang napakalayo sa kanyang hitsura sa kanyang malapad na mga braso at sobrang lapad na balakang. (Manang mana talaga siya sa kanyang nasirang ina na si Aling Remedios Calusin, ma pumanaw na hindi man lang sila nagkita ni Matot, palayaw ni Norma.)

Pati ang kanyang choice of songs ay tila pawardi-wardi lang at hindi niya pinag-iisipang mabuti kung babagay ba sa kanyang estado.

At isa pa, kapag nakikita ng teeve audience si Regine, hindi talaga maalis sa kanilang utak ang ginawa nilang panloloko ni Ogie Alcasid sa fans at sa entertainment press, na sa loob ng apat na taon ay kanilang pina-ikot ang mga ito sa kanilang ginawang kataksilan sa mag-iinang Michelle Van Eimereen, na walang kamalay-malay, na pinagtataksilan na pala siya ng kanyang bansot na asawa at ng mang-aawit na impostora.

Mabalik sa naturang TV program, kung sino man ang naka-isip sa pagbibigay ng programa sa alibughang anak na si Regine, para silang naghanap ng bato na ipinukpok sa kanilang ulo.

Ngayon pa lang, masasabi kong sa malao’t madali ay maglalahong parang bula ang naturang teeve show.


Halaw sa panulat ni Art Tapalla sa Diyaryong Bulgar


May 26th, 2008 at 2:40 am
Posted by joemer in Uncategorized

GAME NA YOUNG ACTRESS NA LAGING PUMUPUNTA SA CONDO NG SIKAT NA YOUNG ACTOR, PARAUSAN

LANG

BLIND ITEM: BAGAMA’T may tsismis na may relasyon ang sikat na young actor at isang baguhang young star na naging leading lady niya sa kanyang huling serye ay hindi sila umaamin. Pero paano ipapaliwanag ng young actress na nakikita siyang mag-isang nagpupunta sa condo ng sikat na young actor?

Kunsabagay, look-alike naman siya ng babaeng gustong-gusto ng young actor at nililigawan ngayon. Habang hindi pa ito sinasagot ay puwede namang makipag-fling-fling sa iba.

Pero mukhang talo ang baguhang young actress na ito sa bandang huli lalo’t willing and able pa naman siya. Feeling niya siguro ay mahal na mahal siya ng actor at para siyang mamahaling ‘hiyas’ na seseryosohin.

Well, tingnan natin kung hindi nagmana ang young actor sa kanyang ama na playboy nu’ng kabataan niya.

Tsuk!


Halaw sa panulat ni Roldan Castro sa Diyaryong Bulgar


May 26th, 2008 at 2:39 am
Posted by joemer in Blind Items

SIKAT NA HUNK ACTORS, TODO-DENY NA PA-BOOKING PERO BUKING SA TEXT NA FOR SALE SA MGA BADING

BLIND ITEM: Kailangan nang mag-ingat ngayon ang mga artistang lalaki at babae na gumagawa ng milagro. Karaniwan nang nangyayari na kapag walang kayod ang ilang artista ay meron silang pinapasok na trabaho na sandalian lang ang panahong kailangan nilang ilaan pero malaki agad ang nahahawakan nilang pera.

Isang source ang nagkuwento sa amin na hindi safe ang mga artistang “nagmimilagro” sa mga taong nagbu-book sa kanila, may mga nakakakita sa kanilang mensahe kapag naghahanap sila ng parukyano, at hindi sila makapagdedenay dahil numero ng telepono nila ang nakarehistro ru’n.

Tulad na lang ng isang hunk actor na napakalakas ng loob na magdenay tungkol sa mga ginagawa niyang milagro, paano siya makapagdedenay, kung meron naman palang hawak na ebidensiya ang kanyang booker?

“Nawiwindang nga kami kapag nagdedenay siya na suma-sideline raw siya kapag wala siyang shooting at taping. Sana, huwag na lang siyang magsalita, sana rin, huwag na lang siyang magmalinis, dahil maraming nakakaalam sa milagrong ginagawa niya.

“Paano siya makapagkakaila, e, nakaipon ang mga text messages niya sa telepono nu’ng booker niya. Sample lang, heto ang isang text message ng aktor na ‘yun na nagdedenay.

“Sa number niya ito galing, hindi niya maipagkakaila ito, “I’ll be free on Wednesday, wala akong work, puwede ako sa offer mo. Sa dating lugar na lang tayo, dating gawi.

“Ang sinasabi niyang dating gawi, kailangan munang ibigay sa kanya ang datung bago siya magpunta sa place. Kailangang hawak na niya ang TF niya para sa ’show’ dahil nagkakaroon din ng bulilyasuhan sa linyang ‘yun.

“Hindi naman kalakihan pero hindi rin kaliitan ang TF niya, pero lately, nagtaas na siya ng presyo. ‘Yun ang nagagawa ng exposure niya sa TV,” kuwento ng aming impormante.

Meron pang isang hunk actor na produkto ng isang reality show na lumalakad (read: pa-booking) din, hindi pa kataasan ang presyo niya, ewan lang kung nagtaas na rin siya ng presyo nitong mga huling araw dahil regular na rin siyang napapanood sa telebisyon.

“Maraming kamay na ang pinagdaanan niya, lalo na nu’ng hindi pa siya sumasali sa reality show. Kilalang-kilala siya sa mundo ng mga pa-booking, kaya hindi siya puwedeng magdenay.

“Pero bida na siya sa isang series ngayon, kaya I’m sure, nagtaas na rin siya ng presyo. Tropa-tropa kasi silang nagpapa-booking, meron silang mga luho na hindi nila kayang tustusan sa kinikita lang nila, kaya pumapasok sila sa ganitong linya,” dagdag na kuwento pa ng aming source.

Parehong in demand ngayon ang dalawang aktor na ito, sila ang request ng mga bading at matrona, kung sino ang madalas nilang napapanood sa TV ang pinipili nila dahil parang karangalan na para sa kanila na nakasalo nila kahit panandaliang panahon lang ang bida sa seryeng tinututukan nila sa TV.

Palasak ang pangalan ni Hunk Actor A, marami silang magkakapangalan sa showbiz, ang pangalan naman ni Hunk Actor B ay katunog ng isang ibon.


Halaw sa panulat ni Cristy Fermin sa Diyaryong Bulgar


May 26th, 2008 at 2:38 am
Posted by joemer in GMA

KUMPIRMADO: ANGELIKA DELA CRUZ, MAY BEYBI NGA SA TIYAN


Dumalaw kami sa taping ng Babangon Ako’t Dudurugin Kita sa Antipolo kung saan ay nagte-taping si Alvin Fortuna, alaga ng kontrobersiyal na manager na si Lito De Guzman. Nakatsikahan namin si Angelika tungkol sa isyung buntis siya dahil nagsusuka raw.

False alarm dahil na-food poison pla siya ng inalmusal na longganisa na binili lang malapit sa Taytay City Jail. Hindi raw ito galing sa caterer ng BADK.

“Tinutukso tuloy ako ni JC (De Vera) na alagaan ko daw ang baby bacteria ko at baka malaglag,” tumataw niyang kuwento.

Sobrang ingat na ngayon si Angelika ‘pag kumakain. Nu’ng i-serve sa kanya ang almusal na corned beef, hinahalukay pa niya ito at tinitingnang mabuti.

“Kami ang nagluto niyan,” sambit daw ng caterer sa kanya. “Nadala talaga ako kasi naospital talaga ako, na-dextrose,” sambit pa niya.

Idineklara ni Angel na wala pa sa plano niya ang pagbubuntis dahil gusto niya lang magkaanak ‘pag kasal na siya. Pero hindi pa raw siya ready na mag-asawa ngayon dahil marami pa siyang ginagawa.

“Hindi pagbubuntis ang priority ko ngayon although nasa right age na ako. Sayang naman ang mga opportunities na dumarating. Tanggap naman ng boyfriend ko kung career pa rin ang priority ko ngayon,” bulalas pa niya.

Halaw sa panulat ni Roldan Castro sa Diyaryong Bulgar


May 26th, 2008 at 2:37 am
Posted by joemer in ABS-CBN, Angel Locsin

RICHARD GUTIERREZ AT ANGEL LOCSIN, MAGSASAMA ULI!


SAYANG at hindi nagkita sina Angel Locsin at Richard Gutierrez kahapon sa presscon ng MET Tathione. Dumating ang young actress nang makaalis na ang huli pero hindi naman talaga magkasabay ang kanilang call time.

Si Richard ang bagong endorser ng MET habang si Angel naman ay kasalukuyan pa lang nililigawan ng kumpanya dahil gusto nilang pagsamahin ang dating magka-love team bilang pinakabagong product endorsers nila.

Hindi na namin inabutan si Richard sa presscon dahil may commitment pa itong dapat puntahan, pero ayon sa mga kasamahan sa hanapbuhay na naka-interview sa young actor ay bawal daw pag-usapan si KC Concepcion at pelikulang gagawin nila sa Star Cinema.

Nilinaw naman ng marketing director ng MET na hindi pumalit si Richard kay Gabby Concepcion na matatandaang nag-back out sa kanila at pumirma sa Lucida-DS na kalabang kumpanya.

Bago pa man daw nila inalok si Gabby ay matagal na silang may standing offer kay Richard, dangan nga lamang at parati raw itong busy kaya hindi natutuloy.

Hindi raw masama ang loob nila kay Gabby sa pagbaback-out sa kanila dahil marami naman daw artista na puwede nilang maging endorser.

Ang message na lang nila kay Gabby, “Sana maging happy siya dahil happy naman kami.”

Halaw sa panulat ni Vinia Vivar sa Diyaryong Bulgar


May 26th, 2008 at 2:35 am
Posted by joemer in Uncategorized

DRA. VICKI, SHOCKED NANG MALAMANG NAGPUPUNTA SI HAYDEN KHO SA CONDO NI KATRINA HALILI

“Nakadagdag pa sa self-esteem ko na kinuha nila ako as Belo endorser. I feel so good! I feel delighted,” naging pahayag ni Sarah Geronimo, ang pinaka-latest addition sa mga modelo ng Belo products!

Pero iba ‘yung kay Sarah, “She’s all natural!” ika nga ni Dra. Vicki Belo. Hindi siya sa services tulad ng lipo and others na may ipinagagawa sa katawan. For Belo essentials na “baby” ni Crystalle Belo, anak ni Dra. Belo, ang kay Sarah. For the youth of Sarah’s age ang market ng singer-actress.

Anyway, nakausap namin mismo si Dra. Vicki sa ginanap na press launch for Sarah last Monday night, pero medyo nagmamadalit na ito dahil pupuntahan pa pala niya ang kanyang boyfriend na si Dr. Hayden Kho.

“It’s his birthday party tonight, siyempre, I have to be there,” chika sa amin ng pamosong doctor of stars.

Actually, May 20 (yesterday) pala ang mismong kaarawan ni Hayden. Kaya tinanong na rin namin si Dra. Belo ng wish niya para sa kanyang karelasyon.

“Well, I wish him a lot of luck in his new career. Kasi, we finally made a decision. Pinag-usapan namin ‘to for one month, kung magso-showbiz ba siya. Kasi, lagi siyang tinatawag, ‘di ba? Tapos, lagi namang ‘and’yan ‘yung medicine, you know? So, nakikita ko, medyo nalilito na siya.

“Kasi sa Singapore, may mga offers din siya. Sabi ko, ‘Alam mo, Hayden, bata ka pa naman, do it na. Kailan mo pa gagawin ‘to, ‘di ba? At least, parang two years, try it out in showbiz. Kung hindi, doctor ka naman, wala namang mawawala.’

“So, I hope he will achieve things and I hope, kasi ang gusto lang ni Hayden, like me, we want to use whatever talent we have to the full extent, habang nandiyan,” pahayag ni Dra. Vicki.

Kaya naman, may full blessing pala ni Dra. Belo ang tuluyang pagpasok ng boyfriend niya sa mundo ng telebisyon at pelikula. Pero hindi pa man ay naiintriga na ito, tulad na lang ng pagkakalink ni Hayden kay Katrina Halili. Hindi ba natatakot si Dra. Belo na ma-link sa iba ang kanyang boyfriend?

“Alam ko, alam ko ‘yung mga link-link. So far, hindi, kasi napakabait niya talaga. Sobrang tatawag ‘yan ten times a day. He gives me flower. Nagrereport siya kung saan na siya. He makes me very secured.

“Pero, as a person talaga, I’m not insecure person. So, I’m surprised na may mga naglalabasan. Kahit nga may blind items, tawa ako nang tawa. Basta tatawa lang ako.

“Yung kay Katrina Halili? E, that’s part of it naman especially I know Katrina so well. She’s our baby. Nu’ng kinuha namin siya, siguro mga last year, aliw na aliw kami kay Katrina kasi she makes her own career, e, ‘di ba?” paliwanag ni Dra. Belo.

Nakaabot na rin kaya sa kanya ang intrigang nagpupunta raw si Hayden sa condo ni Katrina?

“What?” Hindi, ah. Wala siyang sinabi. Sa clinic, pumupunta siya palagi. Si Katrina kasi, ‘yung clinic niya, Morato. Si Hayden din, ang clinic niya, Morato. So, nagkikita sila,” sey pa ni Dra. Belo.

At sa ngayon pala, may naka-line up na ngang project si Hayden, kaya happy si Dra. Vicki para sa kanyang boyfriend.

“Yeah, I’m excited nga for him kasi itong Kim Sam Soon, lagi siyang ano, soft lead siya roon.”
ayon pa kay Dra. Belo.

 

 Halaw sa panulat ni Liza Endaya, sa Diyaryong Bulgar


May 26th, 2008 at 2:33 am
Posted by joemer in GMA

RICHARD GUTTIEREZ AT HEART EVANGELISTA, SWEET DAW PERO GIMIK LANG PALA!

NASA ‘Pinas na ulit sina Richard Gutierrez at Heart Evangelista matapos ang pagte-taping sa Dubai para sa bago nilang serye sa GMA-7, ang Codename: Asero. May natanggap kaming text na sweet na sweet sa NAIA (Ninoy Aquino International Airport) ang dalawa nang dumating. Ang aga namang promo para bigyan ng love angle ang mga ito. Ayaw ni KC Concepcion ng ganyan.

Nakatsikahan namin ang isang insider sa serye. Talagang naging close raw ang buong cast ng Asero, pero ‘wag bigyan ng malisya ang sweetness nina Chard at Heart dahil nasa iisang kuwadra lang sila. Si Heart ay mina-manage ngayon ni Tita Annabelle Rama.

Anyway, tuwang-tuwa ang mga kapuso staff dahil hindi raw sila nagkaroon ng problema kay Heart. Unang tingin sa aktres ay maarte pero sobrang bait daw nito sa taping.

Talbog!

Halaw sa panulat ni Roldan Castro sa Diyaryong Bulgar


May 26th, 2008 at 2:28 am
Posted by joemer in ABS-CBN

JOMARI YLLANA AT ARA MINA, TOGETHER AGAIN!


KAHAPON ay tumulak papuntang Norte sina Ara Mina at Jomari Yllana para sa shoot nila ng Maalaala Mo Kaya for ABS-CBN.

Nagpaalam kaya si Jom kay Pops Fernandez na magkakasama sila ng kanyang ex-girlfriend na si Ara for an MMK project?

Hindi kaya lalong lumala ang intriga sa sinasabing hiwalayan nina Pops at Jom dahil sa controversial reunion na ito? Bakit at paano kaya napapayag sina Ara at Jom na muling magsama sa isang project?

May balikan kayang magaganap kina Ara at Jom lalo pa ngayong loveless pa rin naman si Ara for quite sometime now?

We have yet to find out the answers sa kanilang pagbabalik!

‘Yun na!


May 26th, 2008 at 2:27 am
Posted by joemer in Blind Items, Marian Rivera

MAHINHIN KUNONG AKTRES, MALDITA, SUPLADA AT PALAMURA SA LIKOD NG KAMERA, KOTSE, NI AYAW PAHAWAKAN SA MGA FANS

BLIND ITEM: Sa taping ng isang tapos nang teleserye ay may kuwento ang mga taong nakasaksi kung gaano kasuplada-kamaldita ang isang aktres. Siya ang bida sa kuwento, sa kanya umiikot ang istorya, kaya sa kanya rin nakatutok ngayon ang pagpuna ng ating mga kababayan.

Sa isang pagkakataon ay pinaikutan ng mga bata ang kanyang sasakyan, paborito kasi ng mga bata ang kanyang serye, kaya nagtangka ang mga ito na makita nang personal ang kanilang bida.

Kuwento ng source, “Nu’ng palapit na ang mga bata sa sasakyan niya, narinig siya ng mga nandu’n, ‘Isara mo ang bintana, dali!’ Walang nagawa ang driver niya kundi ang isara nga ang mga bintana ng sasakyan niya!

“Pilit siyang sinisilip ng mga bata sa loob, alam n’yo naman ang mga bata, may kakulitan kung minsan. Idinidikit ng mga bata ang mukha nila sa car, ‘yung halos dikit na dikit na rin ang mga mata nila, pero biglang bumaba ‘yung window.

“Siguro, nakulitan siya sa mga bata, naiinis din siguro siya dahil may karumihan ang mga kamay nu’ng mga bata, kaya sadya niyang ibinaba ang bintana.

“Natural, kumayod ‘yung bintana sa mukha ng mga bata. Hindi naman sila nasaktan, makinis naman ang salamin, pero nagulat siyempre ‘yung mga bata sa pagbaba ng bintana!” kuwento ng aming impormante.

Nu’ng magtagal-tagal na ay tinanong diumano ng mga nandu’n ang PA ng aktres kung sino ang nagbaba ng bintana ng sasakyan, ang sagot ng alalay niya, “Aling bintana ba ang bumaba? Nasa harapan kami ng driver, alangan namang kami?”

Dahil du’n ay naniwala na ang mga tagaroon na ang aktres nga ang nagbaba ng bintana, nasusupladahan sila sa aktres, akala mo raw naman kung sino na siya samantalang nakatiyempo lang naman siya ng proyektong nagpaingay sa kanyang pangalan.

“Siya rin ang artistang sinasabi ng mga dati nilang kapitbahay na hindi raw naman talaga mahinhin, palamura nga raw siya, ngayon na lang daw umastang ganyan ang babaeng ‘yun dahil bigla nga siyang naging bida sa serye.

“Kahit naman sa taping, hindi siya mahinhin, galawgaw nga siyang kumilos at kung tumawa siya parang hindi siya artista. Naku, nakatiyempo lang siya, tingnan na lang natin kung magtatagal siya!

“Kung ganyan siya kasuplada na mahawakan lang ng mga bata ang salamin ng kotse niya, e, nagmamaldita na siya, tingnan na lang natin kung hanggang kailan ang itatagal niya!” inis pang kuwento ng ating kababayan.

Sa lahat ng mga kuwentong ito ay isa lang ang masasabi namin–Aaaaawwww!!!

Halaw sa panulat ni Cristy Fermin sa Diyaryong Bulgar


May 26th, 2008 at 2:25 am
Posted by joemer in Blind Items

 MAY BISYONG BADING NA TALENT MANAGER, PINAGTRIPAN ANG 3 POGING BAGETS NA NA-TAKE HOME

BLIND ITEM: Ibang klase ang trip ng talent manager na ito na mahilig kumuha ng mga bagets para makatabing matulog. Guwapo at sikat ang mga talents niya, although may alaga rin siyang sikat na aktres. May chism din na may bisyo ang bading na talent manager.

Isang grupo ng bagets na puro guwapo ang nakuha niya. Hindi naman niya ginagalaw pero pinagtitripan niya. Na-trauma ang tatlong bagets na magkakaibang araw niyang nakuha dahil de-numero ang kilos ng mga ito.

Una raw ay pagsusuotin niya ito ng maluwang na shorts na walang briefs. Ang cellphone ay ipapatabi niya sa cabinet para walang istorbo. Tapos, patutulugin daw niya ito pero nagagalit siya ‘pag lumalampas sa paa ang kumot.

Naloloka rin ang mga bagets dahil kapag nakipagtitigan siya nang face-to-face, kailangan daw ay ‘wag silang kukurap.

Nakakaaning ang trip niya. ‘Pag masunurin ka sa kanya, panalo ka naman pag-uwi dahil may bonus ka!

Talbog!

Halaw sa panulat ni Roldan Castro sa Diyaryong Bulgar


May 26th, 2008 at 2:24 am
Posted by joemer in ABS-CBN, Angel Locsin

MGA TINATANGGIHAN NI ANGEL LOCSIN NA COMMERCIALS, SINASALO NI MARIAN RIVERA


 

Na-witness namin kung paanong nagkagulo, hindi magkamayaw sa saya at nagsisigawan ang mga fans sa excitement nang makita sina Piolo Pascual at Angel Locsin sa kanilang naging mall tour last Sunday sa The Block sa SM North.

Grabe ang suporta at pananabik ng mga tagahanga sa magka-love team na pinakaaabangan at sinusubaybayang Lobo ng ABS-CBN!

At kinikilig ang mga fans at nagtilian nang husto nang ipaalala ng host ng mall tour, ang komedyanang si Dang Cruz, ang naging eksena sa Lobo nang rumampa nang pagkaseksi-sexy sina Lyka at Noah.

Nangako naman sina Piolo at Angel na lalo pang kaabang-abang ang mga masasaksihan nating eksena sa Lobo sa nalalapit na pagtatapos nito ngayong July.

Talagang ibinubuhos daw nilang lahat ang kanilang makakaya para mapaganda at magustuhan ng mga followers ang kanilang teleserye.

Samantala, kung may nagke-claim man na dumarami ang commercials ngayon ni Marian Rivera, ‘yun ay dahil sa pagtanggi ni Angel sa ilan sa mga ‘yun, na dapat lang nilang ipagpasalamat.

Pero ang sigurado lang, tapos ang kontrata ni Angel sa anumang produkto niya at desisyon niya kung ayaw niyang i-renew. Basta ang sigurado, may kapalit ‘yun at hindi lang isa, take note!

Halaw sa panulat ni Liza Endaya sa Diyaryong Bulgar


May 26th, 2008 at 2:22 am
Posted by joemer in ABS-CBN

SEY NI DOLPHY, SI WILLIE REVILLAME ANG NEXT COMEDY KING!

Isang araw ay dinalaw ni Tito Dolphy si Willie Revillame sa kanyang bahay sa Tagaytay. Nagkaroon nang sapat na panahon para makapagkuwentuhan ang magtatay, si Tito Dolphy na ang itinuturing na pangalawang ama ng sikat na aktor-TV host.

Sa mismong oras na ‘yun ay nagbuo sila ng plano, magsasama sila sa isang pelikula, gustong-gusto ni Tito Dolphy ang kanta niyang Igiling-Giling.

Gagawin lang muna ni Willie ang Mr. Housewife, sila ng OctoArts ang magpoprodyus ng pelikula, at pagkatapos ay sisimulan na nila ni Tito Dolphy ang kanilang pagsasama.

“Ang saya-saya namin, marami kaming pinagkuwentuhan. Seryoso kung minsan ang pag-uusap namin, kung minsan naman, tawanan lang kami nang tawanan. Hindi ko malilimutan ang chance na ‘yun na nakakakuwentuhan ko ang itinuturing kung tatay,” kuwento ni Willie.

Kuwela ang tema ng Mr. Housewife, nawalan ng trabaho ang padre de pamilya, kaya habang nagtatrabaho ang misis niya ay siya naman ang gumagawa ng lahat ng trabahong bahay.

“Kami ng OctoArts ang magpo-produce ng movie, si Mr. del Rosario ang scriptwriter, binabasa ko pa lang ang kuwento, humahalakhak na ako,” sabi ni Willie.

Nu’ng selebrasyon ng kanyang kaarawan sa Wowowee ay nagkaroon sila ng production number ng Hari ng Komedya, natatandaan pa namin ang sinabi nito na si Willie na ang susunod sa kanyang yapak, pero tinutulan ‘yun ng TV host.

“Puwedeng may mga sumunod sa yapak ni Tito Dolphy, pero walang puwedeng pumalit sa trono niya. Siya lang ang nag-iisang Comedy King, lahat ng mga sumusunod, inspirasyon lang siya,” makabuluhang kuwento ni Willie Revillame.

Halaw sa panulat ni Cristy Fermin sa Diyaryong Bulgar


May 26th, 2008 at 2:20 am
Posted by joemer in Blind Items

ANING-ANING NA AKTRES, PINASOK DAW ANG BAHAY, PRAKTIS LANG PALA PARA SA MOVIE

BLIND ITEM: May bago na namang kuwentong nakarating sa amin tungkol sa isang aktres na pinanghihinayangan ng buong bayan kung bakit sinayang ang napakagandang oportunidad na dumating sa kanyang buhay at career.

Nananahimik ngayon ang aktres, kung ano ang kanyang pinagkakaabalahan ay tanging siya lang ang nakakaalam, pero isang source ang nagkuwento sa amin ng pinakahuling kalokohan ng aktres na ito.

Nakakatihan lang siyang tawagan ng aming source. Makikibalita lang ito dahil tahimik nga ang kanyang kapaligiran. “Ano ang bago, mama?” simulang tanong ng tumawag sa aktres.

Tahimik na tahimik na tahimik ang kapaligiran ng aktres, parang wala raw katau-tao, parang ang aktres lang ang nag-iisang nasa bahay.

Kuwento ng aming source, “Ako naman, naninibago. Sanay na kasi ako sa pabakla niyang sagot kapag tinatanong ko siya ng ganu’n. Tahimik na tahimik siya, parang wala siyang kasama, parang may kung anong kababalaghan na nangyari sa bahay niya.

“Nagulat na lang ako nu’ng seryoso niyang sabihin sa akin, ‘Ssshhh!!! Huwag kang maingay. May nakapasok na magnanakaw sa bahay ko. Hinuhuli ko siya ngayon.’

“Ako naman, ‘Tantanan mo nga ako! Ano na naman bang script yan? Tapos na ang ______(titulo ng isang teleseryeng sinalihan ng aktres), tama na ang acting! sabi ko sa kanya.

“Pero seryoso ang lola mo. Sabi niya uli sa akin, ‘Pinasok kami ng magnanakaw. Nakatali ngayon ang mga bata sa kuwarto nila. Ako na lang ang hindi pa niya nakikita, kaya free pa ako ngayon!’

“Ayoko siyang patulan. Alam kong iba naman ang takbo ng panahon. Baka meron na naman siyang tineyk na hindi ko alam at ‘yun ang trip niya!” maluka-lukang kuwento ng aming source.

Hindi lang nagpapahalata ang aming source, pero ang totoo ay kinakabahan na rin siya. Paano nga naman kung totoong may nakapasok nga palang magnanakaw sa bahay ng aktres? Paano kung totoong nakatali na ang kanyang mga anak?

“Nakarinig ako ng mga kalabog. Hindi niya naman pinapatay ang phone, basta naka-hang lang. Sunod-sunod na kalabog ang narinig ko, parang nagkakagulo na sa bahay nila.

“Ako naman, ‘____!____(pangalan ng aktres) Ano ba ang nangyayari riyan, sagutin mo naman ako, tatawag na ba ako sa mga pulis?’ Wala pa rin siyang sagot. Basta, puro kalabog lang ang naririnig ko!

“Finally, sinagot na niya ang phone, tanong ako nang tanong sa kanya kung kailangan ko na bang kumuha ng mga pulis para tulungan siya? Nakakalokah ang sagot ng lola mo. ‘Huwag na, bakla! Nagpa-practice lang ako! Action kasi ang gagawin kong movie, pina-practice ko lang ang role na gagampanan ko!’

“Alam mo, kahit kailan talaga, aning-aning na ang babaeng ‘yun! Hay, naku! Sa susunod pa siyang maggaganyan, kahit totoo na pala ang mga sinasabi niya, hindi na ako maniniwala pa sa kanya!” pangako ng aming impormante.

Ang clue ng aming source, “Sayang siya. Isa siyang rosas na walang bango!”

Ha! Ha! Ha! Ha!

Halaw sa panulat ni Cristy Fermin sa Diyaryong Bulgar


May 26th, 2008 at 2:18 am
Posted by joemer in Uncategorized

Dra. Vicki Belo…RUFA MAE QUINTO, INAMIN NA NI DR. HAYDEN KHO

Ang lakas talaga ng appeal ng batambatang boyfriend ni Dra. Vicki Belo na si Dr. Hayden Kho. Sa guesting nito sa Seal o Reveal segment ng Showbiz Central last Sunday, simple lang pumorma ang labs ni Dra. Vicki pero tinitilian ng mga bagets.

Tinanong ito sa kumakalat na isyung may ’something’ sa kanila ni Katrina Halili pero pinabulaanan ito ng guwapong doktor.

Pero ang hindi ikinaila ni Hayden at very obvious din naman sa kilos nito ay ang paghanga sa ganda at kaseksihan ni Rufa Mae Quinto. Halatang nawala sa sarili ang BF ni Dra. Belo nang makaharap si RMQ.

So, hindi nga kaya si Katrina Halili ang threat sa doktora ng mga artista kundi ang seksing si Booba?

Halaw sa panulat ni Len Llanes sa Diyaryong Bulgar


May 26th, 2008 at 2:16 am
Posted by joemer in ABS-CBN

SHARON CUNETA, GUSTONG MAGING NINANG SA KASAL NINA JUDY ANN SANTOS AT RYAN AGONCILLO

Sa November 5 daw ang nakatakdang kasal nina Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo. Isa sa mga artistang malapit kay Juday si Sharon Cuneta. Naging close sila nang gawin nila ang pelikulang “Magkapatid”. Mula noon, madalas na silang mag-usap at magtawagan.

Sabi ni Sharon: “Wala namang ibinabalita sa akin ang sis ko tungkol diyan. Dahil kung sinabi lang niya, puwede akong magprisintang ninang nila, kung sakali.”

Nagulat lang si Sharon sa date ng kasal. “November 5 din ang birthday ni Gabby, a!” referring to her ex-husband Gabby Concepcion. Pero ang magsimula nang magtanong ang reporters tungkol sa aktor, siya mismo ang nagpahinto rito. “No more questions about him. Hindi naman siya kasali sa ‘Caregiver’. Saka nakakahiya sa wife niya at sa husband ko kung pag-uusapan pa natin siya.”

Balik kina Ryan at Juday ang tanong. Ano ang feeling ni Sharon kung ikakasal na nga ang dalawa? “I am really very happy for both of them. Una, bagay sila and their relationship is blessed, kasi, everytime na magkasama sila sa pelikula, kumikita ito. Good match silang dalawa sa isa’t isa. I am happy for Juday particularly. It is high time na mag-settle down na siya talaga.”

Halaw sa panulat ni Arthur Quinto sa Diyaryong Bomba


May 26th, 2008 at 2:14 am
Posted by joemer in ABS-CBN, Angelica Panganiban

ANGELICA PANGANIBAN, BATTERED GIRLFRIEND?

NAGTATAKA naman kami kung bakit nababalita ang pananakit ni Derek Ramsey sa girlfriend niyang si Angelica Panganiban lately.

Ang sabi hindi lang daw minsan nangyari ang sitwasyon na ‘yon kundi maraming beses na raw nagaganap ang ganu’n sa young actress. Nabulgar na lang ito nang mag-confess daw si Angelica sa isang close friend sa ginagawang pananakit sa kanya ni Derek.

Anyway, a trusted source revealed to us grains of truth regarding this issue na ikinagulat namin.

“May nakilala si Angelica na isang rich Chinese businessman at naging ardent suitor ito ng actress,” pagtatapat ng aming kausap.

“Of course, hindi ‘yon nagustuhan ni Derek kaya kinompronta niya agad-agad ang kanyang girlfriend. Deny-t-death naman ang aktres saying na the guy was just an acquaintance na nanliligaw sa kanya.

“Wala na sanang magiging problema pero nagpatuloy ang panliligaw na ‘yon hanggang sa ngayon, much to Derek’s disappointment.”

Heto pa ang shocking news.

“Ang hindi maganda sa sitwasyon, mukhang pabor ang parents ni Angelica du’n sa Chinese suitor ng anak nila lalong-lalo na ang kanyang ina. Huwag mong isnabin, very generous ‘yung guy. Grabe kung magregalo talaga. Mga mamahaling alahas at kung anu-ano pang maisipang ibigay.”

Ngayon, magtataka pa ba kung bakit ganu’n na lang ang pagseselos ni Derek na kadalasan ang maiinit nilang pagtatalo ni Angelica ay sa umbagan natatapos? Ha! Ha! Ha!

Hay naku, kataka-taka ba ang ganitong senaryo? Sa nobela man o sa tunay na buhay, ganito ang harsh reality na hinaharap ng tao. And Angelica’s parents are no exemption. Siguro, gusto lang nila malagay ang kanilang anak sa maganda at dahil sa hirap ng buhay ngayon. Ika nga, walang kasiguruhan ang mga artista sa showbiz.

Sa panig naman ni Derek, kung talagang mahal niya si Angelica, patunayan dapat niya habang dumadaloy ang panahon. Kung para nga sila sa isa’t isa.

 


Halaw sa panulat ni Joey de Castro sa Diyaryong Bomba


May 26th, 2008 at 2:12 am
Posted by joemer in ABS-CBN

PIOLO PASCUAL AT ANGEL LOCSIN HINIGPITAN NG DOS

DAPAT papurihan ang sobrang sipag at focused nina Piolo Pascual at Angel Locsin sa LOBO. Pagkatapos ng sexy fashion show last week kung saan ay nagpakita talaga sila ng kanilang mga katawan para sa ikasisiya ng mga televiewers, kahapon naman ay nagkaroon ng mall tour sa SM The Block.

Sa Lobo lang naka-concentrate ngayon sina Piolo at Angel at wala silang ibang ginagawa. Ang nakakasingit lang ngayon sa schedules nila ay ang mga TV commercial shoots at paminsan-minsang pagdalo sa mga gatherings.

As much as possible ay hindi talaga sila binibigyan ng maraming commitments ng ABS-CBN para nga hindi ma-divert ang atensiyon nila. At nagbubunga naman dahil kitang-kita ang magandang resultang ginagawa nila for Lobo.

Both are saying na sa seryeng ito nila ibinibigay ang lahat-lahat ng kanilang makakaya. Sa July pa matatapos ang Lobo at pagkatapos nito’y maghahanda naman sina Piolo at Angel sa pelikulang pagsasamahan nila under Star Cinema.

Halaw sa panulat ni Vinia Vivar sa Diyaryong Bulgar


May 26th, 2008 at 2:10 am
Posted by joemer in Uncategorized
AYAW MAG-GUEST NI SHARON KAY REGINE!
Written by Tonee Coraza

Hirap si Regine Velasquez na makakuha ng guests para sa kanyang bagong weekly musical show na “Songbird,” habang binabatikos ng press si Regine sa pagkuha ng mga kasamahan niya sa “SOP” na tulad nina Dennis Trillo, Gian Magdangal at Jonalyn Viray bilang guests. Nagmumukha kaseng extension lang ng “SOP” ang “Songbird.” Ang ilan sa top requests ng press na mag-guest sa kanyang show ay sina Sharon Cuneta, Lea Salonga at Jose Mari Chan.
“Nahihirapan kaming kumuha ng guests outside of the network. Like si Sharon, nagpasabi na kami sa office niya. Kaso wala silang maibigay na araw sa amin, kasi super busy si Sharon ngayon sa shooting at promo ng movie niya. (Naku kung gustong mag-guest sa kanya, eh, ‘di promo pa nga ng movie ‘yun, ‘di ba? Ibig sabihin, ayaw lang talaga. Eh, bakit nga naman magi-guest si Sharon sa isang programang parang kopya lang din sa programa niya?!-RCC) Eh si Lea naman, I don’t know if she’s here in the country. Pipilitin naming kontakin rin si Jose Mari Chan,” pahayag ni Regine.
Naku, Regine, hindi ka ba nanonood ng TV lately? Lea is all over the shows of ABS-CBN kasi may pino-promote na concert ito sa CCP this month. Pwede siyang ma-contact ng production staff ng “Songbird” if they really try hard enough.
Nakausap na rin namin sina Gary Valenciano at Christian Bautista on separate occasions. They would love to guest daw sa “Songbird.” Wala naman daw magiging problema dahil hindi naman katapat ng ASAP ang Songbird.
Kung gusto nila talagang maging interesting ang show at makakuha sila ng mataas na ratings, i-guest nila ang mga hindi karaniwang napapanood sa GMA! Kung mangyayari ‘yun, “Songbird” will indeed be a very special show every week! Kahit maraming nagsasabing hindi magtatagal ang show dahil hindi bagay ang format sa timeslot. Besides, dilat ang katotohanang lahat ng inilagay sa slot na ‘yun ay nasasara at ‘di nagtatagal mula pa nung “Magpakailanman” ni Mel Tiangco at recently lang, ang E.S.P. ni Iza Calzado. (Hindi nga raw “Magpakailanman,” panandalian lang pala! At ‘di nila na-ESP na hindi ito nakatulong sa career ng mahusay na international actress-RCC)


May 26th, 2008 at 2:06 am
Posted by joemer in ABS-CBN, SCANDALS

Christine Reyes scandal!!!!

Slide Show Image

 Ang unang patikim ni eca Fonda


May 26th, 2008 at 2:04 am
Posted by joemer in ABS-CBN, GMA, Marian Rivera

 MAS SARIWANG DYESEBEL SI VILMA, KUMPARA KAY MARIAN MAGPA-HANGGANG NGAYON!

NAGKAINTRIGAHAN na at patuloy na tinitira ng kanyang mga detractors si Marian Rivera sa hindi niya sinasadyang pagko-comment na diumano’y siya raw ang pinakasariwang naging sirena, or words to that effect. Na bulaklak ng dila ay nasabi lang ni Rivera dahil siya ang bagong “Dyesebel” ng showbiz. Unang may nagtanggol, pabor para sa nananahimik na si Claudine Barretto na gumanap ding sirena sa fantaseryeng “Marina” ng ABS-CBN.
In fairness kay Marian, wala naman talaga siyang gustong kantiin na ibang gumanap na sirena.  Hindi niya rin akalain na mayroong mga magre-react dahil sa kanyang komento. Sikat na talaga siya at hinahanapan na ng butas ang bawat kilos niya para siya intrigahin at ibagsak. Kaya next time, sana isipin din muna ni Marian ang mga sasabihin niya bago siya magbitiw ng salitang puwedeng makasagasa at makasakit ng kapwa artista.
Kung kasariwaan kasi ang pag-uusapan ng gumanap na sirena, puwedeng mag-react din ang mga Vilmanians lalo’t  sa pelikula at hindi sa TV lang naging Dyesebel ang kanilang idolong Governor Vilma Santos. Dapat makita ni Marian ang mga larawan ng mommy ni Luis Manzano nung gumanap itong sirena para mahimasmasan talaga siya at masabi niya sa kanyang sariling hindi siya ang pinakasariwang naging sirena dahil mas sariwa sa kanya si Vilma Santos kahit magpahanggang ngayon!


May 26th, 2008 at 2:02 am
Posted by joemer in GMA

PAGIGING INC NI YASMIEN KURDI, ‘DI KAYANG TANGGAPIN NI RAINIER CASTILLO

Dahil kahit super close sina Yasmien Kurdi at Rainier Castillo ay ‘di naging sila, may naghihinalang bading ang manok kaya ‘di tinuka ang palay, lalo pa nga’t mas madalas makitang magkasama sa lakara’y sina Rainier at Mark Herras.

Sino kaya sa dalawa ang tunay na barako at sino ang dehins?

Malakas na tawa lang ang reaksyon ni Rainier sa suspetsang ‘yun sa kanyang kasarian. Hindi naman sa pagyayabang pero inamin niyang nakapitong GF na siya. Anim sa mga ito’y non-showbiz at ang isa’y ang kapwa StarStruck member niyang si Sheena Halili.

At si Mark, barkada niya talaga. Sila at ang iba pang kaibiga’y iisa ang trip ‘pag gumigimik-makinig ng music at uminom.

“Pero umiinom not to a point na maglalasing kami at magwawala,” paglilinaw ni Rainier na ang million dollar smile ang kinababaliwan ng mga female fans.

Sa pagkulit namin kung ‘di ba niya type si Yas kaya ‘di naging sila ay ito ang mga rason na ibinigay niya. Una, nag-usap nila ni Yas na mas okey na walang kulay-romansa ang samahan at love team nila dahil ‘di ito masisira ng selosan. Pangalawa, hindi siya puwedeng mag-embrace ng Iglesia Ni Cristo religion ni Yas dahil devout Catholic ang Castillo clan. At pangatlo, hindi pa siya handa sa isang seryosong love affair.

Happy si Rainier na pagkatapos ng Kamandag ay eto sila ni Yas sa Tasya Fantasya. Kasama rin siya sa Codename: Asero bilang utol ni Heart Evangelista.

Aminado siyang happy for Yas dahil si JC de Vera ang sweetheart nito.

“Kaibigan ko si JC at alam kong mamahalin at aalagaan niya si Yasmien,” sabi ng Kulokoy na 100% macho at ‘di po bading.

Halaw sa panulat ni Nene Riego sa Diyaryong Bulgar


May 26th, 2008 at 1:39 am
Posted by joemer in Uncategorized

 Gagambino - The Next Fantaserye of GMA 7

After Kamandag and Joaquin Bordado, another Carlo J. Caparas creation is going to be a fantaserye soon on GMA.

GMA has bought the rights to Gagamboy, the local counterpart of Spiderman, which is set to premiere on September 2008.

GMA is already preparing the female artists who will star in Gagamboy in various fields like equestrian, underwater, martial arts and harness.

And who will be the lead star of Gagamboy? It’s still a secret. But the teaser of the said fantaserye has already been shot. What is certain is that the televiewers will get surprised once they see the teaser.

So who do you think will play “Gagamboy”?

Dennis Trillo? Aljur Abrenica? Marky Cielo? Alfred Vargas? JC de Vera? Mark Herras? Wendell Ramos? Jay Aquitania? Paolo Avelino? or Hero Angeles?


May 26th, 2008 at 1:36 am
Posted by joemer in ABS-CBN, Billy Crawford

Billy Crawford, New Pinoy Dream Academy Host

Billy Crawford, New Pinoy Dream Academy Host
In a recent interview with Pinoy RnB sensation Billy Crawford on TV Patrol, he confirmed that he will be hosting the second season of Pinoy Dream Academy and soon on other upcoming Kapamilya show. Billy Crawford said: “Sabi nila maghost ka muna ng Pinoy Dream Academy, sabi ko sure why not, It’s a pleasure naman na bumalik ako sa Pilipinas eh”

There’s a rumor that Kuya Germs (Billy’s Mentor) is upset on Billy’s transfer from GMA-7 to ABS-CBN. Billy Crawford’s last show in the Kapuso Network is “M.O.V.E”,the show is a reality search for Billy’s back-

up dancers


May 26th, 2008 at 1:33 am
Posted by joemer in Angel Locsin, Marian Rivera

 Tinarayan ni Marian, fan ni Angel Locsin?

MAY nagpadala ng e-mail sa amin at pina­ngalanan nito ang lalakeng kumuha ng video sa set ng Dyesebel na siya rin ang nag-provoke kay Marian Rivera na magalit, na ngayon ay napapanood na sa YouTube.

Ayon sa nagpadala sa amin ng e-mail na may account name na jaguar_meets_joffrey ay kilala raw niya ang lalakeng ito dahil nakakasagutan daw niya ito sa isang website at panay raw ang panlalait nito kay Marian Rivera.

Napag-alaman pa namin na may isang fan daw si Angel Locsin na ‘yun din ang pangalan. Kaya sigurado ang aming source na ang lalaking kumuha ng video ni Marian at ang avid male fan ni Angel ay iisang tao lamang.

Kaya ‘yung nasusulat nga na baka na-frame up si Marian ng kung sinuman para makuha ang galit na reaction nito ay tila may bahid ng katotohanan.

Mukhang paraan daw ng male fan ni Angel na siraan si Marian dahil ito nga ang namamayagpag samantalang napag-iiwanan na nga ang kanyang idolo.

Well, hindi pa naman kumpirmado ang tsikang ito, at hindi pa tayo sure kung totoo ngang fan siya ni Angel, ‘no!

At siguro naman, kung fan talaga siya ni Angel, hindi rin papayagan ni Angel na ang avid fan niya ay mambastos ng ibang artista. I’m sure, si Angel ang unang-unang tututol na mambastos ang fan niya ng ibang artista.


May 26th, 2008 at 1:32 am
Posted by joemer in GMA

Dingdong Dantes, type pakasalan ni John Lapus!

DINGDONG DANTES

Sina Dingdong Dantes, Jay-R at Janno Gibbs pala ang tatlong la­lake na kinahuhumalingan ngayon ni John Lapus.

Aba, bongga talaga si John at tatlo-tatlo pa ang type niyang lalake, ha!

Eh, ang balita ko, game na game naman ang tatlong lalake na `yan kay John. Katunayan, halos araw-araw ay nakakasama niya ang tatlo. Hindi ko lang sure kung saan sila nagpupunta, `no!

Pero, ang sure ako, may kinalaman ang pagsama-sama nina Dingdong, Jay-R at Janno kay John, sa concert ng huli, ang Sweetilicious: The Universal Sweet 15th Anniversary Show, na gaganapin sa May 31, sa Music Museum.

“Si Dingdong Dantes ang type ng lalake na gusto kong pakasalan.

“Si Jay-R, gusto ko siyang maging kabit. Anytime, puwedeng-puwede ko siyang paligayahin.

“Si Janno, gusto ko siyang maging bestfriend.

“Imagine, ang sarap-sarap ng buhay ko kapag nagkataon at nangyari `yon. Asawa ko na si Dingdong, kabit ko si Jay-R, at bestfriend ko pa si Janno. “Si Janno ang nakakaalam na kabit ko si Jay-R. Ha! Ha! Ha! Ha!” say ng ma­landing si John, na patawa-tawa.

Teka, bakit naman parang wala siyang kamali-malisya sa mister ni Bing Loyzaga?

“Lolo ko kasi si Janno. Sobrang bait sa akin ni Janno.

“Nung bagu-bago akong artista, si Janno ang nagbibigay sa akin ng damit. Kaya lang, `yung mga binibigay niyang damit sa akin, maiiksi. Ha. Ha. Ha. Ha.

“At doon ko na-rea­lize na totoo ang tsismis na dako si Janno. Kapag binibigyan niya ako ng pantalon noon, bitin sa ilalim, pero sa area na `yon, pala­ging maluwag! Ha. Ha. Ha. Ha.

“At `yun na nga, kinumpirma sa akin ng Lola Bing ko na `yun na nga. Ha. Ha. Ha. Ha.

“Totoo talaga! Ha! Ha! Ha! Ha!” patuloy na kuwento pa ng hitad na John, na parang nang-iinggit pa ng mga bading, ha!

Anyway, si John nga ang isa sa mga dahilan kung bakit mataas ang ratings ng Showbiz Central ng GMA 7, at kung bakit palagi nitong natatalo ang The Buzz.

At sa May 31 sa Music Museum, sure ako na patutu­nayan niya na pati live stage ay kaya niyang pabonggahin.

“Celebration ito ng fun and friendship. Masuwerte ako na umabot ako ng ganito katagal sa showbiz,” say na lang ni John.


May 26th, 2008 at 1:31 am
Posted by joemer in ABS-CBN, KC Conception

 KC at Richard, mag duet sa theme song ng “When I met you”

Nauna nang pumirma ng movie contract sa Star Cinema si Richard Gutierrez para sa gagawin nilang pelikula to be directed by Joyce Bernal at may August 24 playdate. Kahapon, May 22, si KC naman ang pu­mirma ng kontrata sa GMA Films para sa Valen­tine’s Day movie nila ni Richard, written and directed by Joey Reyes at may title na When I Met You ng APO.

Kasama ni KC ang mga manager niyang sina Shirley Kuan at Sandra Chavez at present naman sina Annette Gozon-Abrogar, Noel Ferrer at Joey Abacan ng GMA Films. Naroon din si direk Joey at humabol si Annabelle Rama.

Nagpahayag ng katuwaan at excitement sina Richard at KC na finally, dalawang pelikula nila ang magkasunod na mapa­panood ng kanilang mga fans. Sa Sep­tember, sisimulan ni direk Joey ang shooting ng GMA Films movie na sobrang romantic at nakaka-in love raw at bawal sa may diabetes. Tamang-tama ito sa February 11, 2009 playdate at kung aayon sa takbo ng istorya at schedule ng dalawa, baka matuloy silang mag-shooting sa Paris, France.

Ang cute ng welcome speech ni KC na, “Hi, Kapuso! I’m really very happy na matutuloy na ang Valentine movie namin ni Chard. I’m excited and at the same time, honored to be working with him, with direk Joey, and with GMA Films. Thank you Chard for giving me the support and for convincing me that you’re the right leading man.”

Sobrang saya rin ni Richard na matutuloy ang Valentine’s Day movie nila ni KC, wild vision lang daw ito noong una, pero nagka-totoo, dahil na rin sa pagpayag ng ABS-CBN at GMA Films na magkasama sila ni KC.

“This is a very exciting day for me. Memorable and unforgettable expe­rience ito sa akin. Ipinag­laban namin ni KC na ma­tuloy ito at marami ring nag­dasal at gumawa ng pa­raan na matuloy ang project na ito. I’m sooo excited!” sabi ni Richard.

Dahil sobrang special ang project, pumayag si Richard na kumanta for the first time at may duet sila ni KC ng theme song ng When I Met You. Si­yempre, what’s a Valen­tine movie kung walang kissing scene? Pero sabi ni direk Joey, ’wag mu­nang pag-usapan ang tungkol doon.

* * *

Tinanong namin si KC Concepcion kung pag­katapos ng When I Met You ay posible siyang mag­karoon ng TV show sa GMA 7? Hindi ba’t bi­nuking ni Sharon Cu­neta na in-offer sa anak ang Darna? Positive pa nga ang dating kay mega­star sa nabanggit na project.

So, posible bang tang­gapin niya ang Darna?

“Hindi ko alam sa mga ma­nagers ko (tumingin kay Shirley Kuan), if I’m open to do Darna. It’s a big part of Pinoy pop cul­ture, sino ba naman ang ayaw maging part ng pi­noy pop culture? Kung okey lang kay Richard (Gutierrez). Siya kasi ang Captain Barbell,” tugon ni KC.

“It would be a dream come true,” naman ang sa­got ni Richard kung payag siyang si KC ang ma­ging Darna sa Cap­tain Barbell meets Darna.


May 26th, 2008 at 1:28 am
Posted by joemer in ABS-CBN, Gerald Anderson, KIMERALD, Kim Chui

Kim Chiu almost returned the car given to her by Gerald Anderson

Despite the closeness, a new series and an expensive gift, young actress Kim Chiu says that she and love-team partner Gerald Anderson are only and still the best of friends.

Playing the spunky character of Jasmine in the local adaptation of the hit Koreanovela My Girl is both easy and tough, according to Kim Chiu.

Describing Jasmine’s attributes, the teen actress said, smiling, “Happy. Bubbly.”

But what made Kim’s interpretation of the role different from the original is how she integrated her own energy with the beloved Korean character’s happy nature.

“Dinagdagan ko na lang ng magagalaw na movements para magmukha talaga siyang kengkoy. Pero ‘yong masayahin, nandoon naman po kaya okay lang. High energy lagi kaya masaya,” she added during the press preview of My Girl held at the Studio One of ABS-CBN last night, May 22.

RETURN TO SENDER? Despite considering other actors to play the part of Julian, ABS-CBN decided to pair Kim once again with love-team partner Gerald Anderson.

My Girl co-director Jerome Pobocan expressed delight with the final choice. “Why fix it if ain’t broke?” he told PEP (Philippine Entertainment Portal) in a separate interview, pertaining to the love team of Kim and Gerald.

Kim, who just turned 18 last April 19, received a pink Ford Lynx from Gerald as a birthday present.

“Hindi ko nga po alam, e, nagulat na lang ako, kasi sinabi ko ‘yon sa birthday presscon ko na gusto ko ng pink car. Hindi ko naman alam na tototohanin niya [Gerald] pala. Tapos ayun, nagulat ako tapos sabi ko, ‘Bakit?’ Sabi niya ‘Wala. Kasi kung magbibigay ako ng iba, hindi mo naman magagamit,’” said Kim.

The chinita actress was reluctant to accept the gift at first. Her strict dad even suggested that she politely return the vehicle. Gerald, as expected, was against the idea.

“Oo, nung una ayaw niyang [Kim's father] tanggapin. Tapos nagagalit pa siya [Gerald], sabi niya sayang naman ‘yong effort ko na maghanap ng ganitong kotse tapos papakulayan ng