The new face of pinoy entertainment
May 28th, 2008 at 11:58 pm
Posted by joemer in GMA
WHAT DO “WISH KO LANG”; “HIRED”; “CHEF TO GO” AND “SOBRANG GOODNIGHT SHOW” HAVE IN COMMON?
By RONALD C. CARBALLO

Napaka-underated station ng QTV 11, kumpara nga naman sa ABS-CBN 2 at sa sister company nitong GMA 7 na nag-aagawan talaga sa unang puwesto sa pasiklaban ng buong programming. Kami man dati’y hindi naglilipat. Isang pindot lang ng remote na naka-set na sa balik-balikan lang na ABS o GMA. Bukambibig pa namin, “Bakit may iba pa bang channel?” Pero ngayon, totoo nga, may iba pang channel at ito’y ang QTV 11 na lagi’y lumilibang na sa amin. Mas inililipat na nga namin ang channel lalo’t kapag may time kami talagang mag-relax sa harap ng TV. Kung may mga readers kaming nasundan kami sa Pinoy Parazzi ngayon, alam nilang kahit noon pa man ay wala kaming pretensyon sa mga pinapanood namin. Sobrang appreciated namin ang QTV 11 sa panahong nakakasawa na ang mga soap opera ng magkabilang estasyon sa gabi, tanging ang Babagon Ako’t Dudurugin Kita ang pinapanood talaga namin sa GMA 7 dahil maayos naman ang pagkakagawa nito ni Joel Lamangan at superb ang acting ng lahat ng mga artista. Komiks na komiks ito na soap talaga, pero hindi naman tinatawaran ang iyong intehensiya dahil may lohiko naman ito.

‘Pag Sabado, siyempre aliw kami talaga sa Star Talk na lumilipat-lipat kami sa Entertainment Live na lalong gumaganda. Pagkatapos ay sa Wish Ko Lang na kami ng GMA 7 na talbog ang lahat ng soap opera na talagang napapaiyak kami. Walang patid talaga ‘yun, tuwing Sabado. Bukod sa nakakabagabag talaga ng damdamin ang tinutuparan nila ng”wish,” magaling at may sincerity ang host na si Vicky Morales. Hindi niya idinuduldol ang kadramahan para umiyak ang manonood na mala-Wowowee. Kahit paano naman, may delikadesa ang pagtulong ng Wish ko Lang sa lahat ng tinutulungan nito, kahit naka-broadcast talaga dahil ‘yun ang format ng programa. Hindi nila pinaglalaruan ang emosyon ng mga tinutulungan.
Kusa kang maiiyak dahil nakakaiyak talaga, gaya nitong huli na ipinakitang naghihirap na sa  buhay ngayon ang premyadong film editor na si Rene Tala dahil sa tumor sa kanyang utak. Umiyak kami dahil nadama namin ‘yung tunay na pagmamahal sa kanya ng kanyang kabiyak na nagtitiis ng lahat. Lalo na nung sinabi niyang, “Hindi ko na alam kung saan kami kukuha ng pambili ng gamot dahil nahihiya na ako sa mga anak ko…” Laging mataas ang respeto namin sa mga magulang na hindi mapanghingi at nahihiya pa rin sa mga anak, kahit wala naman sana silang dapat ikahiya. Samantalang maliit ang tingin namin sa mga magulang na demanding at itinutulak magtrabaho ang mga anak para sila ang magpasasa. Kaya wala kaming respeto sa mga magulang na itinutulak ang mga anak para mag-artista. May tatay pa nga ng isang singer na ang kapal ng mukha na naringgan namin nung hiningan siya ng greetings sa noontime show para sa anak niyang nagbi-birthday, ang sabi, “Anak ‘yung pangako mong kotse sa akin, ha? Sana maibigay mo na….”
Sa panahong hindi namin matagalan ‘pag-Linggo ang mga ASAP, SOP at mga teeny bopper shows ng magkabilang ABS-at GMA habang naghihintay ng The Buzz at Showbiz Central na magandang-maganda talaga parehong panoorin, nagbabad na kami sa QTV 11 para maiba lang. Hindi rin naman ganung kamakatuturan ‘yung mga shows nila  kapag Linggo ng hapon, pero okey na rin dahil iba. ‘Pag gabi na ng Linggo, talagang ini-enjoy na namin ang Chef to Go ni Rob Pengson. Hindi lang siya guwapong ang galing magsalita, mahusay pa talaga siyang chef na mas pinapasarap pa nga namin ang mga niluluto niyang dish na niluluto namin after viewing. Patuloy nang nawalan ng appeal sa amin ang Mel and Joey na katapatan nito. Paulit-ulit na lang na ‘yun at ‘yun. Magaling magpatawa si Joey de leon at wala nang naitutulong si Mel Tiangco. Sana iri-invent nila ‘yung show!
After Chef to go sa QTV 11, babad na rin kami sa kasunod na Hired (Na Kahit May Trabaho Ka! pa ito noon, gustung-gusto na namin), nina Mariz Umali at Paolo Abrera. Hindi lang maganda at maraming natutulungang magkatrabaho ang very interesting show, para sa amin, ito na ang maituituring naming pinakamakatuturang  reality show sa Pilipinas, kahit ikumpara pa sa mga Pinoy Big Brother, Pinoy Dream Academy o Pinoy Idol na puro porma lang talaga na walang ibang itinuturo, kundi kung paano magyabang at laitin ang kapwa. Sa Hired, bukod sa very entertaining, nakikita talaga sa husay nila sa  inaaplayan nilang trabaho, kung sino ang dapat mapili na aabangan mo Linggo- Linggo na timpladung-timplado ang chemistry nina Maris at Paolo na makapaghatid ng makabuluhan at tunay na matulunging reality show. Samantala, ‘pag weeknights at 11PM to be exact, ang ganda-ganda rin ng Sobrang Goodnight Show ni Jojo Alejar. Kahit sabihin pang may ginagaya ito sa Amerika, iba ang attack ni Jojo na nakakaaliw talaga. Walang moment na nag-drag ang show sa tulong na rin ng mga baguhang bandang tumutugtog at mga iba pang bigla na lang sumusulpot sa show. Dalang-dala ni Jojo ang kalokohan in good taste at sa intelehenteng pamamaraan na never naging offensive.


May 28th, 2008 at 11:57 pm
Posted by joemer in ABS-CBN, Box Office, Sharon Cuneta

HAHAKOT NA NAMAN NG AWARD ANG MEGASTAR!
Buong showbiz ay sumuporta sa megastar Sharon Cuneta sa showing na pelikula nitang Caregiver ngayon. Marami umanong makaka-relate sa istoryang ito,lalo na sa mga kababayang  nagtatrabaho bilang caregiver sa ibang bansa para lamang kumita ng pera para sa pamilya na naiwan.

Marami ang nagsasabi na ito na naman daw ang maghahakot ng maraming parangal para sa megastar. Ngunit may ilang nagsasabing baka hindi raw ito maging blockbuster dahil kasabayan ang showing ng international movie na Indiana Jones. But I’m sure, marami ang manonood dahil minsan lang gaganap ang megastar ng ganitong klaseng role sa isang pelikulang gawa ng mahusay na direktor na si Chito Roño, under Star Cinema pa na kilala sa paggawa ng magagandang pelilkulang tumatabo sa takilya. ‘Yun na!


May 28th, 2008 at 11:55 pm
Posted by joemer in GMA

How true na walang hatak sa ratings si Yasmien Kurdi at nahihirapang umangat ang Tasya Fantasya niya sa GMA-7?

Hindi raw puwedeng i-credit sa kanya ang Babangon Ako’t Dudurugin Kita dahil istorya ang binebenta rito. Bukod dito, mabibigat ang mga supporting actors niya at nilalamon siya sa mga confrontation scenes nila.

Mukhang tama ang feeling ni Kris Aquino na hindi dapat ini-remake ang movie niya dahil isa ‘yun sa mga ayaw na niyang mapanood ulit.

Dahil sa baba ng ratings, ‘yung susunod na programa ay nahihirapang bumuwelo.

May tsika rin na hindi na raw si Yasmien ang ipa-partner kay JC de Vera sa Gagambino at si Rhian Ramos na ang kinokonsidera. Pero bakit may tsika rin na Dennis Trillo starrer ito?

Halaw sa panulat ni Roldan Castro sa Diyaryong Bulgar


May 28th, 2008 at 11:53 pm
Posted by joemer in ABS-CBN
BERNARD PALANCA, WALANG WORKING VISA SA AUSTRALIA!
Written by Boy Abunda

Nagbalik ng bansa si Bernard Palanca, matapos ang walong buwang pamamalagi sa Melbourne, Australia. He left the country one month after his son Elijah was born last year. Sa kanyang muling pagbabalik sa Pilipinas ay marami ang nagtatanong if BJ (palayaw ni Bernard) will reconcile with former wife, Meryll Soriano, para muling mabuo ang kanilang pamilya.
Sa kanyang pamamalagi sa ibang bansa ay maraming hindi nasaksihan si BJ na mahahalagang pangyayari sa buhay ng kanyang anak, gaya ng unang pagtubo ng ngipin, unang paggapang, unang paglakad, at ang binyag ni Elijah. I’m sure BJ will try to make up for lost time.
Nagkuwento siya about his life in Australia. He auditioned for the HBO television drama series “The Pacific” which is a sequel to the award-winning war mini-series Band of Brothers. Sinubukan daw niyang mag-audition at suwerteng napili siya. Sayang at hindi ito natuloy dahil wala siyang working visa. Isa raw ito sa mga dahilan why he came back to the country. He wants to fix all the necessary documents para maging legal ang kanyang pagtratrabaho sa Australia. “I’m definitely going back to Melbourne,” he said.
I asked him why he wanted to leave the Philippines. BJ said he is not leaving the country. He is just moving on. BJ discovered himself in Australia. “Australia made me a better person,” he explained. But BJ said he will stay here as long as he can.
He also misses his son, kaya siya bumalik ng bansa. Masayang-masaya siya because he already saw Elijah. He was overjoyed nang makita ang kanyang anak on his first visit gaya raw ng kanyang naramdaman when Elijah was born.
Hindi rin maiiwasan na mapag-usapan si Meryll. Tinanong ko siya about his relationship with the actress. Ayon kay BJ, “We’re very okay. We had lunch together. We talked kung ano ang mga dapat kong gawin as a father.” When I asked him about a possible reconciliation BJ answered, “We’re better off as friends.” There was a rumor that Meryll allegedly has found a new guy. BJ said, “As long as she’s happy then it’s okay.” But then, hindi naman totoo ang balitang ito!


May 28th, 2008 at 11:52 pm
Posted by joemer in GMA

THIRTY NINE DAYS WITH PAOLO!
Natapos na ang audition ng “Survivor Philippines” ng GMA-7, at ayon kay Paolo Bediones, who will host the reality show na franchise ng Castaway Productions, nag-i-expect daw sila ng 120 to 130 na makapasa sa may 50,000 applicants na nag-audition all over the Philippines. Silang lahat ang kukuha ng mga tests, like physical and psychological tests at bibigyan ng orientation kung ano ang dapat nilang i-expect at kung ano ang dapat nilang gawin, once na naroon na sila sa napiling site ng contest somewhere in South Asia.

Malalaman na lamang ng 16 castways kung sinu-sino out of 120-130 ang napili, two weeks bago sila umalis ng Pilipinas.  Mauunang umalis si Paolo at ang production team, headed by Program Manager Neil Gumban and a medical team, sa June 18. Thirty nine days silang mag-i-stay doon at ang sole survivor ay tatanggap ng P3 million cash prize, tax free.


May 28th, 2008 at 11:51 pm
Posted by joemer in ABS-CBN, Box Office, GMA, KC Conception, Richard Gutierrez

KC, NAG-SHOOTING MAG-ISA!
Naghahanda na si direk Joyce Bernal para sa pag-alis nila nina Richard Gutierrez, KC Concepcion at production staff ng Star Cinema para sa shooting ng first team-up ng dalawa na may working title na “For The First Time,” sa Greece.  Ten days daw lamang silang magsu-shooting sa Santorini at Myconos at ang iba pa nilang shooting ay dito na gagawin. Naka-schedule ang first shooting day nila ng Wednesday, pero si KC daw lamang iyon at sa Tagaytay ang location nila.


May 28th, 2008 at 11:50 pm
Posted by joemer in ABS-CBN, Gerald Anderson, KIMERALD, Kim Chui, My Girl


“Bahala na po sila kung ano’ng gusto nilang isipin pero magkaibigan lang po talaga kami ni Gerald (Anderson). Kung binigyan niya man po ako ng pink car. (Ford Lynx na second-hand), birthday gift niya po ‘yun sa akin.

“Ibinigay niya po sa akin ‘yun at kilala ko po si Gerald, hindi naman po siya ‘yung type na may hinihinging kapalit kapag may ibinigay siya.

“Kaya wala naman po sigurong ibang ibig sabihin ‘yung kotseng ibinigay niya sa akin,” paliwanag ni Kim tungkol sa kanya ng ka-love team sa My Girl na si Gerald.

Aminado rin si Kim na hindi pa panahon para sa kanila ni Gerald na magkaroon ng relasyon, lalo pa raw ngayong dumarating ang magagandang oportunidad sa kanilang mga career.

“Dahan-dahan lang kasi nakakatakot din po ‘pag naging mabilis ang lahat. Kailangan din naming i-consider ang trabaho namin. Kasi ako ang breadwinner ng pamilya ko at ‘andito na ‘yung chance at magandang opportunity kaya dapat lang po na samantalahin.

“Saka mahirap din na magkarelasyon kayo dahil puwedeng maapektuhan ‘yung work ‘pag nag-aaway kayo, ‘di ba? Kaya okey na po ‘yung ganito na lang muna, friends na lang muna kami ni Gerald.

“‘Yung relasyon, wala pang ganu’n. Saka kung meron naman talaga, meron. Wala namang maitatago, e,” katwiran pa ni Kim.

Pero paano raw kung bahay na ang susunod na iregalo sa kanya ni Gerald, hindi pa rin daw ba niya sasagutin ang young actor?

“Naku, hindi po! Masyadong mahal, ‘no! Saka, sa pamilya na niya ibigay ‘yun ‘no!” tumatawang chika pa ni Kimmy.

Nagsimula na noong Lunes nang gabi ang bagong teleserye nila ni Gerald, ang My Girl at muli na namang inaaliw at pinasasaya ng magka-love team ang mga viewers ng Primetime Bida.

Halaw sa panulat ni Liza Endaya sa Diyaryong Bulgar


May 28th, 2008 at 11:48 pm
Posted by joemer in ABS-CBN, Angel Locsin, GMA, Marian Rivera

IPINAGTATAKA naman ng ABS-CBN staff kung bakit nada-drag ang pangalan ni Angel Locsin sa issue ng video clip ng diumano’y pagwawala ni Marian Rivera. Unfair nga naman ito for Angel na wala namang ginagawa at nagtatrabaho nang maayos.

“Ang stand lang ng ABS-CBN sa isyung ito, Angel has moved on. She’s happy right now, so, sana, ganu’n din sila,” say ng isang network insider.

Parang masyado na raw kasing OA na sa tuwing may issue kay Marian ay laging kabuntot ang pangalan ni Angel.
Sana raw ay tigilan na ang ganitong estilo dahil kawawa naman ang mga artistang nadadamay nang walang kamalay-malay.

Halaw sa panulat ni Vinia Vivar sa Diyaryong Bulgar


May 28th, 2008 at 11:47 pm
Posted by joemer in ABS-CBN, Christine Reyes
CRISTINE REYES, WALANG BREEDING!
Written by Julie Bonifacio

Nagulat si Ara Mina sa ikinuwento namin na inasal ng kanyang nakababatang kapatid na si Cristine Reyes sa amin at kasamahan din sa panulat dito sa Pinoy Parazzi na si Pilar Mateo. Nagpakita kasi ng kagaspangan ng pag-uugali sa amin si Cristine. Bigla ba naman kaming tinalikuran habang iniinterbyu namin siya ni Pilar, nang tanungin namin siya tungkol kay Meryll Soriano na anak ng TV host na si Willie Revillame na nali-link sa kanya. Pinipisil-pisil pa ni Pilar ang isang kamay ni Cristine, habang kausap namin siya nung una. Tapos ay bigla na lang niyang ipiniglas ang kanyang kamay na hawak ni Pilar na isa sa malapit na manunulat kay Ara at sa pamilya nila. Wala talagang ka-breeding-breeding ang babaing ito.
Kunsabagay, what do you expect? Sarili nga niyang kapatid na halos bumuhay sa kanya, eh, natitiis niyang bastus-bastusin at hindi kausapin, kami pa kaya? Tapos parati pang nali-link sa lalaking may asawa at mga anak na.
  Maiintidihan pa sana namin kung talagang sikat na itong si Cristine na mag-inarte ng ganun at magkaroon ng attitude. Ang kaso, hindi pa nga siya sumisikat laos na agad siya! Ewan na lang kung ano ang kasasadlakan ng teleserye niya na “Eva Fonda” sa ABS-CBN na  hindi pa man naipapalabas ay nauna ng lumaki ang ulo ng feeling sikat na si Cristine.


May 28th, 2008 at 11:45 pm
Posted by joemer in Uncategorized

JC, NAGPASALAMAT KAY ANNABELLE!     

                                                                                
NAG-RENEW ng five years managerial contract kay Annabelle Rama si JC de Vera, dahil naniniwalang ang manager lang ang makakatulong para mas umusbong pa ang kanyang career. Saka, sa talent manager na raw siya lumaki at maninibago siya kung sa iba pa siya magpapa-manage.
  Kay Annabelle ipinagpapasalamat ni JC ang sunud-sunod niyang project sa pelikula at telebisyon. Katatapos lang nilang gawin ni Yasmien Kurdi ang pelikulang Loving You ng Regal at sila pa ring dalawa ang bida sa teleseryeng Babangon Ako at Dudurugin Kita ng GMA-7. Masayang ibinalita ng actor na extended for two weeks ang teleserye dahil sa maraming requests ng viewers.
Kasama rin si JC sa My Monster Mom ng Regal at GMA Films at kapareha niya ang ex niyang si Michelle Madrigal. Inamin nitong nagka-ilangan sila noong una, pero after nilang makapag-usap, okey na sila at puwedeng magka-trabaho uli.
“Naikuwento ko kay Yasmien na magkasama kami sa movie ni Michelle, hindi ko lang alam kung nag-react siya at kung nagselos siya,” wika ni JC.


May 28th, 2008 at 11:44 pm
Posted by joemer in GMA, Marian Rivera

NAKA-HOOK up din namin si Direk Joyce Bernal last Saturday night habang break nila sa taping ng Dyesebel, na nataong nasa Subic kung saan naganap a month ago ang ngayon nga’y kontrobersiyal na ‘pagtataray’ ni Marian Rivera, na ayon sa mga You Tube enthusiasts ay mabentang-mabentang pag-usapan.

Madiplomasyong kausap si Direk Joyce. Maingat ito sa pagbibigay ng opinyon dahil aware siyang mas maraming negatibong reaksiyon ang na-generate ng nasabing iskandalo.

Pero napanindigan ng direktor ang pagbibigay niya ng pahayag na pagdating sa trabaho, propesyonal ang ngayon nga’y kontrobersiyal na sikat na sirena ng GMA-7.

“Hindi, po talaga maiiwasan ang mga ganu’ng pangyayari dahil kahit saang taping o shooting talaga base sa karanasan ko bilang isang direktor, may mga kababayan tayong nagiging pasaway pagdating sa mga itinatakda naming patakaran.

“Nakapag-usap na ang mga sangkot ayon sa pagkakaalam ko at patuloy ko ring sasabihin na propesyonal katrabaho si Marian,” paliwanag ni Direk Joyce.

Nang itanong namin sa kanya kung dapat bang humingi ng paumanhin si Marian para lang matigil na ang isyu, tinuran ng direktor na, “Hindi naman dapat hinihingi ‘yan kung ganu’n lang ang layunin. Dapat kusang ibibigay o gagawin ‘yun ng tao. Sa nangyari, ang masasabi ko lang ay dapat tayong maging maingat sa lahat ng ating gagawin, sasabihin at ikikilos lalo na sa harap ng publiko. At sinabihan na rin naman si Marian na mas maging careful next time.”

Halaw sa panulat ni Ambet Nabus, sa Diyaryong Bulgar


May 28th, 2008 at 11:43 pm
Posted by joemer in ABS-CBN, GMA, Heart Evangelista, jericho rosales

NI AYAW NANG MARINIG NI HEART ANG PANGALAN NI JERICHO!
One week o baka umabot pa ng two weeks sa bansa si Jericho Rosales, bago siya bumalik sa Malaysia, para ipagpatuloy ang taping ng soap na aabot pa ng dalawalang buwan. Pero, kahit nasa ‘Pinas, malabong magkita at magka-usap sila ng ex-girlfiriend niyang si Heart Evangelista.
Bukod sa nagpalit (na naman) ng SIM card si Heart, para hindi siya matawagan ng ayaw makausap, ayaw na raw talagang makita man lang ng actress ang ex-boyfriend. Sa kanyang career ang focus nito ngayon at ni ayaw marinig, kahit pangalan man lang ng actor at lalong no-questions about him. Pleaase!
Pagbalik ni Jericho sa Malaysia, ilu-launch niya ang kanyang Jericho Cologne at sa Kuala Lumpur lang naman ang launching. Hindi pa namin naitatanong kung magiging available rin sa ‘Pinas ang nasabing cologne na tiyak maghi-hit sa rami ng kanyang fans.
Habang narito, sana ma-interview si Jericho at tanungin kung totoo bang nagka-relasyon siya kay Brianna Evigan at ang Malaysian actress na kapareha niya sa soap. Mas maganda kung siya na mismo ang maglilinaw sa isyung pinagselosan daw ni Heart ang dalawang girls.


May 28th, 2008 at 11:41 pm
Posted by joemer in GMA

JENNYLYN MERCADO, PINATOS NA ANG ALOK NG MAYAMANG FINANCIER


NAKAPAGDESISYON na si Jennylyn Mercado na tanggapin ang offer ng isang good Samaritan na sa US siya manganak. Pag-uusapan na lang ngayon ang pag-alis ng young actress.

Magkahalong excitement ang nararamdaman ni Jen habang papalapit na ang kanyang panganganak at sa ideyang malayo siya sa ating bansa.

Pero ang kapakanan ng baby niya ang kanyang iniisip kaya pumayag na rin siya na sa Amerika manganak.

Halaw sa panulat ni Vinia Vivar sa Diyaryong Bulgar


May 28th, 2008 at 11:41 pm
Posted by joemer in Blind Items

BLIND ITEM: GALIT na galit ang tatay-tatayan sa showbiz ng isang male singer-TV host sa ginawa niyang pag-oober-da-bakod. Hindi nito matake ang kawalan ng loyalty ng bagets.

Ang idinadahilan ng ina ng male singer, pangkain daw ng anak niya ang kikitain sa show na tinanggap. Pero binara sila ng tatay-tatayan ng male singer na hindi ‘yun ang rason. Bagama’t verbal lang ang usapan sa dati niyang istasyon na kumukupkop sa kanya, hindi naman daw ito nawawalan ng show ‘pag dumarating sa bansa.

Nagkasagutan daw ang dalawa sa telepono. Sabi na lang daw ng male singer. “Hindi na lang ako uuwi diyan.”

“Mabuti nga, ‘wag ka nang umuwi,” sagot naman daw ng tatay-tatayan niya.

Pero balitang parating na sa ‘Pinas ang male singer. At lumalabas ang tsismis na wala siyang masyadong kinikita abroad. Lumalabas sa publicity na sikat siya roon pero how true na puro promo tour ang show niya at walang pay?

So, hindi dapat pagtakhan kung bakit pabalik-balik siya sa ‘Pinas para magtrabaho, huh!

Bagay na bagay daw ang title ng dati niyang TV show sa ginawa niyang paglipat ng istasyon. We’re sure, gagamitin din niya ang linyang “Gusto kong mag-move on” sa pagtanggap niya ng show sa kabila.

‘Yun na!

Halaw sa panulat ni Roldan Castro sa Diyaryong Bulgar


May 28th, 2008 at 11:39 pm
Posted by joemer in ABS-CBN, Sarah Geronimo
“AY, ‘DI PA BA MALAKI ANG BOOBS KO?!” –SARAH GERONIMO
Written by Nitz Miralles

‘KATUWA ang reaction ni Sarah Geronimo sa tanong ng press kung wala ba siyang balak magpa-breast enhancement? Humagikhik muna ito bago sumagot ng “Ay, ‘di pa ba malaki ang boobs ko? Hindi n’yo na-appreciate, may nilagay ako. Mas maganda ang natural, okey na sa akin ito,” at humagikhik uli.


Samantala, nagsimula na ang shooting ng movie nina Sarah at John Lloyd Cruz na co-production ng Star Cinema at Viva Films. Pinamagatan itong A Very Special Love, na isang romantic comedy movie.


May 28th, 2008 at 11:38 pm
Posted by joemer in Blind Items

BLIND ITEM: ISANG ligaw na text message ang naging dahilan kung paano nabuking ng isang mayamang bading ang pangangaliwa ng isang hunk actor na matagal na nitong karelasyon.

Totoo ang sinabi ng aming source, “Bakit nga ba ganu’n, kung sino pa ang taong pinagtataguan natin, kung sino pa ang taong ayaw nating makaalam ng ating milagro, ‘yun pa ang napapadalhan natin ng message?”

Matagal nang karelasyon ng hunk actor ang isang kilalang gay businessman. Lahat ng pangangailangan niya ay ibinibigay ng gay, tanggap na ito ng kanyang pamilya, nakatutulog na ito sa kanilang bahay at ang kanyang mga kapamilya at labas-masok na rin sa bahay ng bading.

Sabi ng aming source, “Masyado kasing maawain ang lola mo, konting drama lang ni ____ (pangalan ng hunk actor), bagsak na agad ang puso niya, laslas na agad ang bulsa niya.

“Hindi na siya nagtatanong pa, give na agad siya ng datung sa karelasyon niya, wala siyang pakialam kung saanman ‘yun dalhin ng aktor. Basta ang para sa kanya, e, wallet siyang palaging may laman.

“Nu’ng magtagal na sila, pati ang madir ng hunk actor, nakakahingi na rin ng datung sa kanya. Ano bang ang anak pa ang kailangang magsabi sa bading ng mga kailangan niya, si madir na mismo ang dumidirekta sa lola mo!” simulang kuwento ng aming impormante.

Pero isang araw ay nagkaroon nang matinding away ang gay businessman at ang hunk actor. Nasa CR lang ang bading, dala-dala nito ang kanyang telepono, nang makatanggap ito ng mensahe mula sa hunk actor.

“Parang gusto nang ilublob ng lola mo ang ulo niya sa lababo nu’ng mabasa niya ang text message. Wrong send ang dyowa niya, sa kanya naipadala ang text message na hindi para sa kanya.

“Buking niya na bading ang itine-text ng dyowa niya, meron na siyang kutob na may relasyon ang dalawa, pero wala pa lang siyang nakukuhang kumpirmasyon.

“Ang sabi ng text message, ‘Hi, wait for me lang, nandito pa ako sa (address ng bahay ng gay businessman), will be there in a while.’ Parang pinagsakluban ng langit at lupa ang lola mo, parang gusto na niyang maagnas sa sobrang pagseselos!

“Paglabas niya sa CR, tiyempo namang magpapaalam sa kanya ang hunk actor. Tinanong niya kung saan pupunta ang dyowa niya, meron lang daw siyang pupuntahan.

“Naku, nagwala ang lola mo, ‘Hindi ka aalis! Alam ko kung saan ka pupunta at kung sino ang tatagpuin mo! Naipadala mo sa akin ang message mo para sa bading na ‘yun, kapag umalis ka, puputulin ko na ang lahat-lahat ng sustento ko sa iyo at sa pamilya mo!’

“Natural, bukelya ang hunk actor, hindi siya makapagkaila, dahil ipinakita sa kanya ng lola mo ang mismong message niya! Ilang araw din silang nag-away, pero alam n’yo naman ang lola n’yo, konting iyak lang ni _____, bagsak na ang puso niy,” kuwento pa rin ng aming source.

Madali lang malaman kung sinu-sino ang bida sa istoryang ito, pagdikitin ang inyong mga palad at magpalakpakan tayo! Bakit ayaw n’yong pumalakpak, wala ba kayong mga kamay?

Halaw sa panulat ni Cristy Fermin sa Diyaryong Bulgar


May 28th, 2008 at 11:37 pm
Posted by joemer in ABS-CBN
HIRAP KUMANTA ANG ANAK NI GARY V!
Written by Archie de Calma

KUNG mayroon sigurong isang showbiz personality na nakaka-inspire sa amin, ito ay walang iba kundi si Gary Valenciano. Kaya nang mapanood namin ang kanyang concert, hindi lang ‘yung talentong mataas ang kalidad ang inaasahan namin, kundi ‘yung mismong production values at inspirasyong nakapaloob sa kabuuan ng palabas.
Nasabi nga ni Gary, thirty years na siyang nagsa-suffer sa sakit na diabetes at kung ano pa ang natitirang lakas at buhay na nasa kanya ngayon, ‘yun ay ang kapangyarihan na ng Diyos. Ang tipo ng diabetes ni Gary ay yaong nasa punto na ng pagiging dependent sa insulin at ito na lang ang halos bumubuhay sa kanya.


Tinapat na siya ng doktor noon na ang maximum life span na aabutin niya ay thirty years
lamang. Gary is already 43 years old, eksaktong tatlumpung taon na siyang may diabetes, pero tingnan ninyo, punumpuno pa rin siya ng lakas at kapag nagpe-perform ay tunay namang bigay na bigay.


Puro talented ang mga anak ni Gary, hindi nga lang nasa level ng professional, pero mga bata at mahahasa pa. Si Gabriel, in fairness, ay mahusay magsayaw, at ang nakakamangha ay nakasasabay pa si Gary rito. Si Keana naman ay may boses, pero kulang pa sa maturity. Si Paolo ay hirap sa pagkanta, lalo sa Beatles medly number nila ng kanyang ama. ‘Yun nga lang, bumawi ito sa pagiging simpatiko.


May 28th, 2008 at 11:35 pm
Posted by joemer in ABS-CBN, SCANDALS

Misis ni William Martinez, nahihiya lang umamin…BARON GEISLER, MARAMI PANG KAHALAYANG GINAWA KAY YAYO AGUILA BUKOD SA PAGHALIK SA LEEG


NAHIHIYA lang siguro si Yayo Aguila na idetalye ang mga ginawang hindi kagandahan sa kanya ni Baron Geisler nu’ng magkasama pa sila sa PBB house, ang sinabi lang niya ay ang panghahalik nito sa kanyang leeg, pero kung nabigyan ng pagkakataon ang aktres ay mas malalim pa siguro kesa ru’n ang kanyang ibubulgar.

Dugo at laman ni Yayo si Patrizcia na nagsampa ng kasong acts of lasciviousness laban kay Baron, natural lang na suportahan niya ito sa laban, pero bukod du’n ay nangingibabaw din ang pagkakilala niya kay Baron kapag lasing na ang aktor.

Alam na alam niya ‘yun, ilang buwan silang nagkasama minu-minuto, oras-oras, araw-araw sa Bahay ni Kuya. Alam niya ang kapasidad ni Baron kapag nakainum na, kaya anuman ang sabihin nito ngayon ay hindi paniniwalaan ni Yayo, parang nagsalita lang sa hangin si Baron sa kanyang mga paliwanag.

Isang bagay na ipinagpapasalamat ng marami ay naganap ang insidenteng ito na medyo may-edad na si William, kung nangyari ito dalawang dekada na ang nakararaan, siguradong nakatikim si Baron ng ayaw nitong matikman mula kay William.

Kontrolado na ngayon ni William ang kanyang emosyon, hindi na mabilis ang mga kamao nito, kaya masuwerte pa rin si Baron.

“Basta, anuman ang mangyari, we support Patrizcia. Kasama niya kami sa laban, we’re all here for her,” mariing pahayag ni Yayo Aguila.

Halaw sa panulat ni Cristy Fermin sa Diyaryong Bulga


May 28th, 2008 at 11:34 pm
Posted by joemer in GMA

MAPAPANGASAWA NI ALFRED, HINDI GUTOM!
HANGGANG ngayon ay patuloy pa ring tinutukso sina Alfred Vargas at Jana Roxas dahil marami na raw ang nakasaksi sa sweetness ng dalawa. Pero, ito namang alaga ko ay deny pa rin, Hindi naman magsisinungaling sa akin iyan. Date-date lang daw muna. Pero kapag lumalabas naman daw sila, marami silang kasama at friends lang daw sila.


Si Alfred naman ay okay nang ma-in love muli, pero mas mabuting sa trabaho na muna siya mag-concentrate. Bukod pa diyan, abala din siya sa negosyo niya, ha! Meron siyang Best Fred’s barbeque at may lotto outlet na katabi. Kabibili rin lang niya ng lupa sa Bulacan at doon daw siya magpa-farming. Bongga, ‘di ba? Kaya kung sino man ang mapapangasawa ni Alfred, tiyak na hindi magugutom.


May 28th, 2008 at 11:33 pm
Posted by joemer in GMA
NAKUNAN SI SNOOKY AT SINO KAYA ANG NAKABUNTIS SA KANYA?!
Written by Lolit Solis

Hanggang ngayon, wala pa ring kumpirmasyon kay Snooky Serna ang isyung buntis nga ba siya. Ang latest kasi na narinig ko, nakunan daw ito. Ectopic pregnancy daw ang nangyari, kaya natagalan ito sa hospital. Nakalabas lang ito nung Sabado dahil kailangan na niyang mag-taping.


Pinuntahan nga ito ng staff ng Startalk at nadatnan daw nila doon si Snooky na mahina at hirap na hirap kumilos. Kailangan lang daw talaga niyang mag-taping, kaya ingat na ingat ang staff sa kanya. May ambulansyang nakabantay sa kanya na may kasamang isang doktor at dalawang nurse. Meron pa siyang naka-standby na “double,” para kung hindi na niya kayanin ang mga eksena.


Kasama pa niya doon ang Mommy niya, si Mila Ocampo na sinasabi nga daw sa reporter ng Startalk na malaki ang pasasalamat nila sa mga katrtabaho lalo na sa direktor nilang si Mike Tuviera dahil pinahiram pa ito ng “mobile home” para makapagpahinga nang mabuti si Snooky kung wala siyang eksenang kinukunan.


Iinterbyuhin sana doon ng Startalk si Snooky, pero nakiusap itong huwag na. Kesa daw magsinungaling pa siya, mabuting tumahimik na lang siya. Para na lang daw sa mga anak niya. Pero hindi naman natin alam kung ano ang dapat niyang ipagsinungaling dahil hindi na siya tinanong kung ano talaga ang tunay na dahilan nang pagpapa-ospital niya,
Pero sino kaya ang dyowa ni Snooky na nakabuntis sa kanya kung sakali? Wala talagang nakaalam dahil naging tahimik na ito pagdating sa kanyang lovelife, habang iniintindi pa ang annulment sa huli niyang pinakasalan.


May 28th, 2008 at 11:32 pm
Posted by joemer in Blind Items

BLIND ITEM: Nakakaloka ang young actress na ito dahil nagbago na ang ugali. Naging rebelde at palasagot siya dahil sobrang in love sa young actor na binatang-ama.

Hindi naman dating ganyan ang young actress nu’ng ma-link siya sa isang young actor at dati niyang ka-love team.

“Hindi ako robot, tao lang ako. Napapagod din ako. Lahat naman ay ginagawa ko,” paulit-ulit niyang litanya sa mga co-stars niya patungkol sa kanyang ina.

Naku, magtigil siya! Habang hindi napuputol ang awit, robot siya! Chos!

Anyway, sarado ngayon ang isip ng young actress dahil tinamaan nga ng pana ni Kupido. Hindi niya alam na binabantayan siya ng ina dahil baka makalimot at mabuntis din siya nang wala sa oras.

Sige, baka magkatotoo ang dialogue niyang babangon ang tatay niya sa hukay, ‘pag nagkaganoon, huh!

‘Yun lang po!

Halaw sa panulat ni Roldan Castro sa Diyaryong Bulgar


May 28th, 2008 at 11:31 pm
Posted by joemer in ABS-CBN, Juday

MAUGONG na maugong na sa showbiz circle ang binabalak na pagpapakasal nina Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo although tikom ang bibig ng mga close friends ng mag-sweetheart.

May ilang malalapit kina Juday at Ryan na medyo nadudulas at nagpapahaging, and yet, walang tiyak na kumpirmasyon sa sinasabing big event sa buhay ng Drama Princess.

Maging si Ryan Agoncillo na kinulit ng crew ng ilang talk shows bago sila umalis ni Juday patungong Europe ay isang nakakaintrigang “no comment” lang ang iniwang pahayag sa media.

Isang buwan na mawawala sa ‘Pinas sina Juday at Ryan para sa kanilang European trip kasama ang kanilang ilang non-showbiz friends. Matagal nang pinlano ng mag-sweetheart ang bakasyong ito bilang reward sa kani-kanilang sarili.

After Ploning, talagang pinaglaanan ng panahon ni Juday ang matagal na niyang pangarap at inaasam-asam na European trip. And for sure, mas mai-enjoy niya at mas magiging memorable ang bakasyong ito kasama ang kanyang labs na si Ryan.

Sasamantalahin na nila ang pagkakataon na hindi sila parehong busy. May mga tsika naman na baka sa European trip na ito nina Juday at Ryan ay i-finalize na nila ang ilang detalye sa nalalapit nilang pagpapakasal this year.

Excited at natutuwa ang mga tagahanga ni Juday sa balitang pagpapakasal na ng kanilang idolo. It’s high time na raw para naman harapin ni Juday ang kanyang pansariling kaligayahan.

At mauunawaan nila kung magdesisyon na nga ang Drama Princess na lumagay sa tahimik ngayong natagpuan na niya si Mr. Right sa katauhan ni Ryan.

Well, kami man ay medyo nahiwagaan sa pahayag ni Juday nang minsang mag-guest sa programang Rated K ni Korina Sanchez. Sinabi nitong, “Sana’y tanggapin akong muli ng aking mga tagahanga sa aking pagbabalik.”

Agad itong sinundot at sinegundahan ni Korina na “Bakit talaga bang magpapakasal na kayo ni Ryan?”

Idinaan na lang sa tawa at biro ni Juday ang kanyang sagot at umiwas nang kumpirmahin ang balitang Nov. 5 na ang exact date ng plano nilang wedding.

Nang tanungin naman ang manager ni Juday na si Alfie Lorenzo tungkol sa bali-balitang wedding plans nina Juday at Ryan, sinabi nitong wala siyang alam tungkol dito. Wala pa raw binabanggit sa kanya si Juday at siguro raw, may bagay pang inaayos at kinokonsidera ang alaga niyang aktres bago magbigay ng final statement about the wedding.

May mga product endorsements kasi si Juday at maaaring maapektuhan ito kung magpapakasal siya na hindi pa tapos ang kontratang pinirmahan.

Halaw sa panulat ni Erlinda Rapadas T. sa Diyaryong Bulgar


May 28th, 2008 at 11:29 pm
Posted by joemer in ABS-CBN, Willie Revilliame

Kung si Roxanne Guinoo, nasampulan, si Mariel Rodriguez, nagmuntikan…LARA QUIGAMAN, TSINUGI DAHIL SELOSO SI WILLIE REVILLAME


Sa The Buzz last Sunday ay nagsalita na si Precious Lara Quigaman na ang dahilan ng pagkakatanggal niya bilang co-host sa Wowowee ay nagdala siya ng boyfriend sa show nila sa Hawaii.

Ani lara ay hindi naman daw niya alam na may ganitong rule na mabilis namang nilinaw ng host na si Boy Abunda na hindi ito company rule at marahil isa lang ‘house rule.’

Baka naman Willie Revillame’s rule ang dapat itawag?

Well, siguro’y dapat maging lesson na ito sa lahat ng magiging co-hosts ng said noontime show. Dapat ay alam nila kung gaano kaseloso at ka-possessive si Willie pagdating sa kanyang mga co-hosts.

Remember na natsugi si Roxanne Guinoo noong time na naglalagare naman ang young actress sa WWW at sa kanyang teleserye?

At muntik na nga rin si Mariel Rodriguez kung hindi pa siya lumabas agad sa Bahay ni Kuya noong time naman na maging celebrity guest siya sa PBBCE2.

Too bad, hindi pala alam ni Lara ang do’s and don’ts sa Wowowee.

Halaw sa panulat ni Vinia Vivar sa Diyaryong Bulgar


May 28th, 2008 at 11:28 pm
Posted by joemer in GMA, Marian Rivera
JOWA NI MARIAN, NAMBUGBOG NG TEACHER!
Written by Melchor Bautista

ILANG taon din namang hinintay ni Marian Rivera na mapansin siya sa showbiz at maalis sa tawag na starlet. Iniingatan na ni Marian ang kanyang movie career. Kaya nga ingat na ingat din siya ngayong magsalita tungkol sa gulong kinasasangkutan ng kanyang boyfriend na si Ervic Vijandre na nasangkot sa kaso ng pambubugbog at pambabato ng isang teacher sa Taguig City na nagngangalang Mr. Jason Timtiman.

Nararamdaman ni Marian na walang maidudulot na maganda sa kanyang movie career kung magsalita at uriratin siya ng media tungkol sa gulong wala siyang kaalam-alam.


May 28th, 2008 at 11:24 pm
Posted by joemer in ABS-CBN, Christine Reyes
KAWAWA NAMAN SI ARA AT MAY KAPATID SIYANG BABOY!
Written by Pilar Mateo

ANG KAGASPANGAN ng ugali ng nakababatang kapatid ni Ara Mina na si Cristine Reyes ang  pipigil sa dalaga para umariba nang husto sa larangang gusto rin niyang pagtagalan gaya ng nangyayari sa ate niya.
Katabi ko si Cristine nang ini-interbyu siya ni Mario Dumaual for “TV Patrol.” Hinawakan ko pa nga ang kaliwang palad niya para bilang publicist ng kanyang Ate Ara, meron pa rin siyang suporta kahit paano. Bukod kay Mario, nagi-interview din ang kapwa ko kolumnista dito sa Pinoy Parazzi na si Julie Bonifacio, na maraming mga tanong na naghahanap ng kasagutan niya.
May tanong na hindi nagustuhan si Cristine at may kinalaman ito sa alitan nila ng Ate niya. Biglang sinimangutan nito si Julie, sabay baling kay Mario at saka sinabing sila na lang daw ang mag-usap. At bigla nitong binitawan ng padabog ang kamay ko.
Bastos! Kung wala lang camera, bilang bahagi na rin siguro ng pamilya nina Ara,baka natuktukan ko ang babaeng ito na kulang na kulang talaga sa modo. Kaya, hindi na nakapagtataka kung bakit hanggang ngayon, wala itong marating on her own. Kitang-kita naman ng mga tao kung paano siyang pagpursigihang tulungan ng Ate niya. Ipinag-produce pa ng pelikula. Pero, noon pa man, wala talaga sa sistema ni Cristine ang maging mapagmahal sa pamilya niya, lalo na sa Ate niya.
Hinarap ko ang alalay ni Cristine na si Wacky at sa kanya ko sinabi ang pambabastos na ginawa ng alaga niya sa kasamahan kong press. Dakdak ang Wacky, kasi raw kung anu-ano raw ang sinasabi ni Ara tungkol sa away nila ni Cristine sa mga interviews nito on cam.
Siyempre, lalong uminit lang ang ulo ko. Pero hindi ako bababa sa level niya. Dahil wala namang interbyung ibinibigay si Ara sa kahit na sino tungkol sa alitan nilang magkapatid. Kahit ako nga, walang alam sa kung ano ang pinagmulan nito bilang respeto na rin sa aking alaga-na hindi ko na inurirat about it. Kaya nga nang makita ko si Cristine, totoo sa loob ko ang pagbati ko sa kanya at pag-alalay sa interbyu niya. Kaya ko hinawakan ang kamay niya, para sa signal kung sasagutin niya ang tanong  o hindi. Eh, bigla na pong binitiwan. At umarte na nang ‘di tama.
Gagastusan ng malaki ng ABS-CBN si Cristine para sa launching niya sa “Eva Fonda.” Sana, hindi mauwi sa wala ang tiwala at suporta na ipagkakaloob nila sa dalaga. Na siguradong magpapasakit na naman ng loob sa dakilang ina niya. Dahil sa inaarte na naman nito laban sa Ate niya.
Hindi mailalahad lahat sa pahinang ito kung anong klaseng kapatid si Cristine kay Ara at sa buo nilang pamilya. Alam mo ‘yan, Cristine!


Bakit hindi mo muna subukang mag-aral ng tamang asal at baka sakaling mas mahalin ka ng Diyos, para mas marami pang biyaya ang dumating sa ‘yo in the days to come?
Sa diskyunaryo ng buhay mo, tanggapin na natin, wala sa puso mo ang mga salitang ‘Salamat,’ ‘I’m sorry,’  ’Forgive Me’ o kahit ‘I love you.’
Ano ba ang problema mo, Ineng? You can never be your sister or another Ara Mina for that matter. Sa PR na PR na lang, sadsad ka na sa kawalang amor sa mga members ng press. Dapat mo ngang ipagpasalamat na kapatid ka ni Ara, dahil if not for her, baka ‘yung mga negang lumabas sa ‘yo, na ikaw mismo, hindi mo masawata on your own eh, inilubog na ang ulo mo sa kahihiyan.
Oo, sa maagang edad nasalang na ang Ate mo sa pagpapa-seksi. At naingatan pa rin ang imahe at pagka-tao niya and was able to earn the respect of her colleagues. Ikaw, ano na ba ang maipagmamalaki mo?


Umayos ka nga Cristine. Hindi ka pa nga nagpapa-sexy nang todo-kung anu-ano ng mga ka-negahan ang kaliwa’t kanang ipinupukol sa inaarte mo. Sa totoo lang, Ineng, ikaw din ang unang-unang bumababoy sa sarili mo. Kailangan pa ba naming isa-isahin?
Kawawa naman ang ate Ara mo. Kawawa ang manager mo. Kawawa ang mga taong totoo sa puso ang pagtulong nila sa ‘yo. Kawawa ang mga umiidolo sa ‘yo, kung meron man. Kawawa naman ang mga manonood sa makikilala nilang tunay na katauhan mo.
‘Pag nawala silang lahat, saan ka na pupulutin? Kawawa ka naman, ineng!


May 28th, 2008 at 11:22 pm
Posted by joemer in GMA
Coming Soon On GMA 7

TELEBABAD SOAP:

GAGAMBINO - Dennis Trillio
ASERO - Richard Gutierrez & Heart Evangelista
CAPTAIN BARBEL MEETS DARNA - Richard Gutierrez & Heart Evangelista
ROSALINDA - Marian Rivera
KIM SAM SUM - Regine Velasquez Velasquez & Hyden Khu

REALITY SHOW:
PINOY IDOL EXTRA
SURVIVOR - Paolo Bediones
CELEBRITY DUETS (season 2)- Regine Velasquez & Ogie Alcasid

DRAMARAMA SOAP:
DAISYSYETE (season 16) - Jopay

SITCOM:
HATING KAPATID - Richard Gomez & Richard Gutierrez
BOOBA - Ruffa Mae Quinto
KAMI BAHALA SAYO - Manny Paquiao, John Lapuz & Joey Marquez

OTHERS:
KAP's SIMPLY FANTASTIC : Bong Revillia

Lou Manalo
Showbiz Top i-News
http://joemer.blogetery.com

May 28th, 2008 at 11:18 pm
Posted by joemer in ABS-CBN, Jay-R
Coming Soon On ABS-CBN  

PRIMETIME SOAP:
MY GIRL - Kim & Gerald
BETTY LA FEA - Bea, Ruffa & Jake
ROSALINDA - Angel Locsin
FLORINDA - Maricel Soriano
HABANG MAY BUHAY - Judy Ann Santos
UTOY - Dolphy & Makisig
DYOSA - Anne Curtis
PRINCESS HOURS - Rachelle Ann Go & Christian Bautista
ALTAGRACIA (ang babaeng hudas) - KC & John Lloyd
NAG-A-AI-DA - Maricel, Ai Ai, Cesar, Kim, & Gerald

REALITY SHOW:

PINOY DREAM ACADEMY - Toni Gonzaga, Nikki Gil & Billy Crawford
FEAR FACTOR - Ryan Agoncillio
VICTIM - Luis Manzano
PHILIPPINES NEXT TOP MODEL - Ruffa
U CAN DANCE - Iya & Billy Crawford
LITTLE BIG SUPERSTAR (season 2) - Sarah Geronimo

GAME SHOW:

DEAL OR NO DEAL (season 3) - Kris Aquino
1 vs 100 (season 2) - Edu Manzano
AMAZING RACE - Ryan Agoncillio

AFTERNOON SOAPS:

PASSION DE AMOR - Jon Avila, Diether Ocampo, Carlo Guevara & Kristine
 Hermosa
RUBI (ang bidang kontrabida) - Ruffa Gutierrez
EVA FONDA - Cristine Reyes, Jason Abalos & Joross Gamboa
Anna Liza - Maja Salvador, Jason Abalos & Rayver Cruz
LIGAW NA BULAKLAK- Roxxane Guinoo
MARUJA - Gretchen & Ruffa
PARE KOY - Zanjoe Marudo, Jason Gainza & John Pratts
BAGETS - John Pratts, Matteo Gudacielli, Erich Gonzales, Kim & Gerald 

ASIANOVELAS:

THEY KISS AGAIN (it started with a kiss 2)
ROMANTIC PRINCESS - Wu Chun
HOT SHOTS - Jerry Yan & Wu Chun
Hana Kimi (season 2)
Prince Hours
Princess Hours (season 2)
White Tower - Jerry Yan

SITCOM:

KASAL KASALI KASALO - Judy Ann & Ryan
Butingting - Ai Ai Delas Alas
BANANA SPLIT - Kristine Hermosa, Iya Villiania, Valerie Concepcion,
 Cristine Reyes and Bangs Garcia 

KOMIKS:

VARGA (the original darna) - Angel Locsin
LASTIKMAN (ikalawang yugto) - Vhong Navarro

OTHER SHOWS:

NIGHTS OF THE CHAMPIONS - Sarah Geronimo, Eric Santos, Rachelle Ann Go,
 Mark Bautista, & Christian Bautista
YOUNG SUPERSTAR (music/drama/comedy/variety show)- Judy Ann Santos
MAGIC SARAP (cooking show)- Kris Aquino & Judy Ann Santos


Lou Manalo
Showbiz Top i-News
http://joemer.blogetery.com

May 28th, 2008 at 11:05 pm
Posted by joemer in GMA

Hindi na raw mapaghiwalay sina Pauleen Luna at boyfriend niyang si Valenzuela City Mayor Sherwin Gatchalian. Ibig kayang sabihin nito ay may magaganap na kasalanan sa malapit na hinaharap?

“It’s too soon … baka madala kami ng alon,” pahayag ni Pauleen sa panayam ng Chika Minute sa GMA news 24 Oras nitong Miyerkules.

Aminado ang young star na napag-uusapan nila ni Mayor Gatchalian ang kasal at nagtatanong na rin ang pamilya ng alkalde pero hindi raw ito mangyayari kaagad.

“Siguro they are happy to have me with them. Kasi kami every Sunday we have dinner together, we bond so siguro ganon lang,” sambit ni Pauleen na suot ang regalong kwintas sa kanya ng alkalde na ang pendant ay malaking letter “P” na puno ng maliliit na diamond.

“Actually they’re excited kaya lang wala pa naman ikaka-excite,” idinagdag ng aktres.

Pinabulaanan din niya ang mga intriga na nakikialam sa kanyang career ang mayamang boyfriend lalo na sa pagpapaseksi.

“Si Sherwin very understanding. Siya anything goes as long as you decide on it, you say yes, I trust you. I know naman na you have a very good sense of judgment on anything that you decide,” paglalahad niya.

Kinumpirma rin ni Pauleen ang nangyaring sigalot sa kanila ng kasamahan sa programang “Eat Bulaga” na si EB Babe Lian pero nalutas na nila ito.

“Nagkaroon lang ng very little misunderstanding…na may nagsabi sa kanya na nasabi ko daw… which I never said. So she got a little mad and then we talked and then Ok na,” kwento ni Pauleen.


May 28th, 2008 at 11:04 pm
Posted by joemer in GMA

“It’s a movie under MDA Productions called Pirate’s Blood,” Isabel says, days before she was set to leave for Sur, Oman, where the principal photography for her first international movie was going to be shot.

“Actually, six kami dito na iba-ibang race,” Isabel explains. She then gives a background on the movie: “‘Yung mga ancestors namin [are] pirates; so we’re like treasure hunting.”

In the movie, she would play one of the most important characters; her death would push the story forward. “Kumbaga, I’ll be the bridge in knowing what the pirates are all about, what is the real truth [about them], parang ganu’n. It’s quite challenging.”

But Isabel points out that even more daunting was the knowledge that she would be working with people from different races for the first time: “Totally different cultures ang makakasalamuha ko!”

There and back again

When Isabel returned from filming abroad, rumors of a problem in Oman began to spread.

Isabel explains that the only concern was some financial miscommunication from the producers. “No problem naman, it’s [a] budget thing. In fact, the producers are very nice people. So I didn’t expect na mangyayari ‘yung ganoong issue. Pero right now, I’m happy naman with the project. It was good,” she relates.

She does add, though, that if she ends up not getting paid, it would be the time she would do something.

For the moment, Isabel shares how wonderful her experience in Oman was: getting to work with different people from India, Italy, Canada, and the States: “It’s totally like a new thing. Kasi siyempre, working with [other] races, nationalities…iba! But I enjoyed working with them, kasi we get along. This is showbiz, and in showbiz, kahit iba-iba yatang lahi, you get along with each other. Basta ‘yung ugali niyo [ay] nagsi-sync ‘di ba?”

Isabel also reveals that she was excited to work on the project, “because I met famous actors from different countries. And basically, ‘yun [na] ‘yun eh!”

“Ang maganda doon eh ‘yung bonding. Kahit six days lang ako doon, at least we got to know each other. And siyempre, hindi pa naman ito ‘yung last eh. It’s the first pa lang naman. Sana magtuloy-tuloy,” she says.

Going the independent route

Pirate’s Blood will be internationally released, and Isabel considers the movie a big project. She discloses, though, that the movie is actually considered an independent film because it wasn’t produced by a mainstream film outfit.

Still, she hopes the film would achieve tremendous success: “Ganoon sana ‘yung maging dating.”

Isabel also says that there might be a follow-up to the movie soon. But for now, she wants to focus on the projects being given by GMA-7 first. “Dito [ako] nagsimula muli sa GMA. I was seen here by the Oman producer and by the director. It all started here, so alam mo ‘yun?”

But she is open to doing more independent films like Pirate’s Blood and previously, Xenoa—a local independent film she made with Paolo Ballesteros. “It all depends on the schedule and the type of role they are gonna give. If they would give me a challenging [role] again, why not?”

However, there are more factors to consider: “Ayoko rin naman mapabayaan din ‘yung family ko, ‘di ba? We have priorities in life.”

But her husband is very supportive of her career, she says, so everything is smooth sailing.

“He’s very open-minded [and] he trusts me a lot. So parang ang sarap-sarap magtrabaho when your husband is very supportive of your career,” she beams.

Isabel Granada is part of Sine Novela’s Kaputol ng Isang Awit, which airs every weekday afternoon after Pablo Gomez’s Magdusa Ka.


May 28th, 2008 at 10:55 pm
Posted by joemer in GMA

NAGSIMULA nang mag bigay ng habilin sa pamilya si Rudy ‘Daboy’ Fernandez.

Kinumpira ito ng kaibigan niyang si Senador Jinggoy Estrada kahapon sa harap ng Senate media.

Kinumpirma rin ni Senador Jinggoy na kritikal ang kalagayan ng kaibigan.

Inilarawan ng senador ang lumalaking tiyan ni Daboy bunga ng naipong tubig sa katawan.

Aniya, nababalutan ng cancer cell ang atay ng kaibigan.

Sumusukat ng apat napu’t apat (44) na pulgada ang tiyan ni Daboy bunga ng naipong tubig sa katawan.

Naninilaw ang dalawang mata nito.

Inihabilin ni Daboy sa asawang Lorna Tolentino ang paglilibingan niya. Ni-request ni Daboy na sa Heritage Park sa C-5 Road siya ilibing.

Mismong si Lorna ang nagtanong kay Daboy kung ano ang isusuot ng actor sa burol nito.

“Bahala na kayo,” ang sagot ni Daboy.

Idinaan sa biro ni Daboy ang special request na idaos ang kanyang burol sa Sanctuario sa Forbes Park.

Gusto umano nitong ‘solo flight’ sa burol.

Ayaw ni Daboy na meron siyang mga kasabay na patay na pi naglalamayan.

REY MARFIL
Abante Tonite


May 28th, 2008 at 10:54 pm
Posted by joemer in ABS-CBN, PBB

Today is Beauty’s 17th birthday, and close buds Nikki, Robi and Alex have been planning a special celebration for days. They struck a deal with Kuya where they had to win a game in exchange for Beauty’s celebration. The teens had to go through an obstacle course where they rolled in darak or pigs’ food, and fortunately, the trio won. They went about preparing the surprise beach-themed party, irritating the celebrant no end as she couldn’t figure out what the big secret was. Kuya gave his special contribution when he called Beauty in the Confession Room while the others prepared her party outside. Since Nikki had already informed him that Beauty missed her nieces, Kuya already had a taped message from them to kick off Beauty’s special celebration. After, Nikki and Val escorted her to the poolside, where the others greeted her and later offered their birthday wishes for the Rebellious Chick. Alex came in bearing a chocolate cake, dressed in a make-shift Kapitan Boom outfit. To the strains of their fave song, the couple danced right there, to the cheers of the other housemates. Ejay and Valerie followed suit, which was just as well as it proved to be their final dance, at least for now.

With 27.82% of votes, Valerie was the unfortunate housemate to leave the house. Truly the Dazzling Doll that she was, she remained calm and collected, readily greeting the crowd with smiles and waves. Luis escorted her onstage where her Tita Violy was waiting. Valerie shared that her experience in the house was fun and happy, and that she was still determined to learn the native language. Once the video scrapbook that recalled her moments in Kuya’s house rolled, Val couldn’t help but shed tears.

Inside the house, Ejay was in denial as he numbly went through the actions, tears streaming down his cheeks. The others were quite resigned to the fact that all were going to leave eventually, and solemnly brought Val to the door earlier. Their number is dwindling fast now, and two more teens are in danger of being evicted. Nikki, who garnered 30.68% of votes, and Robi, who got 41.50%, can rest easy tonight. Tomorrow is a different story.

This Saturday, another housemate will say goodbye. It’s another nomination night tomorrow on PBB Primetime Bida. Who will be the next one out? It’ll be one eviction away from the Big Four and exactly a week to the Big Night. No leaving now, Kuyanatics! Stay updated via TV, blogs and headlines.

PBB Website


May 28th, 2008 at 10:52 pm
Posted by joemer in ABS-CBN, Sharon Cuneta

Lea Salonga, muntik layasan si Sharon?

Muntik na palang layasan ni Lea Salonga si Megastar Sharon Cuneta nang minsang mag-guest siya sa show ni Mega. On time daw kasi si Lea sa taping ng Sharon ni Mega. Pero ang siste, na-late daw ng dating si Ate Shawie kaya itinuloy pa rin ang taping ng show kahit walang interview si Sharon with Lea. Almost 9:00 p.m. na raw nakarating si Sharon sa taping at halos paalis na si Lea. Pero nahagip pa rin naman daw ni Ate Shawie ang international singer sa dressing room.


May 28th, 2008 at 10:51 pm
Posted by joemer in ABS-CBN, Jake Cuenca, roxane Guinoo
Roxanne, ‘nagsarili’!

It has been six months now since Roxanne Guinoo has decided to live alone and away from her family.

 

Sinabi ng lead star ng bagong teleseryeng Ligaw na Bulaklak na gusto raw niyang i-explore ang mundo. Hmmm, ano kayang gusto niyang maranasan?

 

Pero bago pa man may kung anu-anong pumasok sa isip n’yo, sinabi ng dalaga na she wants to learn life experiences by herself.

 

“Matututo ka talaga. Especially ang pag-handle ng money. Gusto kong matuto sa buhay dahil 22 (years old) na ko,” said Roxanne, na inamin ding very protected siya ng family kung kaya’t hindi niya masyadong alam ang mga hirap ng buhay.

 

Sinabi niyang hindi naging madali sa kanya ang mga unang buwan. She needed to learn how to do the laundry, maglinis, magbayad ng mga bill at maghanda ng food for herself.

 

“Until now inaaral ko pa rin yan. Di mo naman mabibigla pero ang sarap ng feeling pag nakaya mo.”

 

Aminado si Rox na madalang na lang niyang makita ang kanyang pamilya dahil sa busy schedule subalit natutuwa sila sa kanyang pagma-mature.

 

Ano’ng say ko? Way to go, Roxanne! Basta, lagare lang ng lagare habang may mga raket, deadma muna sa lovelife.


May 28th, 2008 at 10:50 pm
Posted by joemer in