The new face of pinoy entertainment
May 29th, 2008 at 12:57 am
Posted by joemer in ABS-CBN, Angel Locsin, LOBO, Piolo Pascual
"Mas Nakilala Ako Nang Tao Nang Lumipat Ako" --  Angel Locsin

Nang makapanayam namin ang napakaganda at napaka seksing si Angel
 Locsin sa kasagsagan nang Mall tour nila para sa pinag uusapang teleserye
 nang bansa ang "LOBO", ay tinanong namin siya kung ano nga ba ang susunod
 niyang proyekto, pagkatapos nang LOBO na magtatapos na sa July.
 


"Masayang masaya po ako sa mga proyekto na binibigay sa akin nang ABS-CBN.
 Pagkatapos po kasi nang LOBO ay pupunta kami ni Piolo, sa Australia para
 po i-shoot n namin ang kaunaunahan kong pelikula sa Star Cinema. Mejo
 matagal tagal na nga din po nang huli ako nagkapelikula. Tapos po nun
 sisimulan na din po yung susunod na teleserye, mejo confedential pa po
 yung mga detalye, kaya hindi pa po pedeng sabihin. Saka po nandito po
 talaga sa LOBO ang konsentrasyon muna namin." . Nang tanungin naman namin
 siya kung san nga ba siya mas sikat? Noong nasa GMA 7 pa siya? O ngaung
 nasa ABS-CBN na siya? Ang sagot niya ay "Mas nakilala po ako nang tao
 nang lumipat ako. Mas nagkaroon po ako nang growth at kita nyo naman po
 nakaka kanta at sayaw na ako, (referring sa mga production number nya
 sa ASAP) ha ha ha... Saka talaga pong nag improve ang pag arte ko.
 Talagang malaking tulong ang nagawa sa akin nang ABS,. Thankful po ako sa
 kanila." . 


Nang tanungin namin tungkol sa mga tagahanga nya na hindi
 siya iniwan, at mas dumami pa dahil world wide napapanood ang LOBO. Ito
 ang kanya sagot "Naku, kulang po ang salitang salamat, sa mga taga
 supporta ko na talagang hindi ako iniwan, kahil po lumipat ako. At sa mga
 bago pong kapamilya na nagmahal sa akin at niyakap ako nang kanilang
 pagmamahal. Maraming maraming salamat po.".

JoKer DeTor
Showbiz Top i-News
http://joemer.blogetery.com

One Response to ““Mas Nakilala Ako Nang Tao Nang Lumipat Ako” — Angel Locsin”

  1. 1
    liz Said: @5:40 am 

    …tama ang sinabi ni angel na mas sumikat sya at nag-improve sya lalo…dati parang naasiwa ako sa kanya umarte pero ngaun..di na siya Oa…tama na ang timpla nya…go team kapamilya!….up for you Angel!

RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Leave a comment

*
To prove you're a person (not a spam script), type the security word shown in the picture.

Anti-Spam Image