The new face of pinoy entertainment
May 29th, 2008 at 1:39 am
Posted by joemer in ABS-CBN, Jon Avilla, Maja Salvador

MARAMI ang nakakapansin na medyo tumataba si Jay-R Siaboc kaya ikinuha siya ng ABS-CBN ng fitness instructor at dietician para ma-maintain ang kanyang weight.

Hindi kasi puwedeng mag-gain ng timbang sa ngayon si Jay-R dahil sa serye niyang Komiks Presents: Mars Ravelo’s Kapitan Boom na napapanood every Saturday kung saan ay ginagampanan niya ang papel na alter-ego ni Kapitan Boom.

Ayon naman kay Jay-R, para hindi siya antukin sa taping ay kumakain na lang siya at ayan nga ang resulta-tumataba siya.

Heto ang siste, sa set ng Kapitan Boom ay kapansin-pansin daw ang closeness nina Jon at Maja Salvador na ka-love team ni Jay-R.

Na-turn-off kaya si Maja sa katawan ngayon ni Jay-R kaya nababaling ang atensiyon niya kay Jon na seksing-seksi ang katawan lalo na kapag naka-costume na ng Kapitan Boom?

Halaw sa panulat ni Vinia Vivar sa Diyaryong Bulgar


No comments yet.

RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Leave a comment

*
To prove you're a person (not a spam script), type the security word shown in the picture.

Anti-Spam Image