
Pursigido na raw si Jackie Rice na ipagpatuloy ang naudlot na showbiz career.
Hindi raw kasi natagalan noon ni Jackie ang patung-patong na intriga na ipinupukol sa kanya na mostly naman daw ay walang katotohanan kaya nagpahinga muna siya. Mabuti na nga lang daw at nandiyang ang GMA Artist Center na nagpalakas ng loob at nagbigay ng payo na naging daan para mabago ang kanyang desisyong mag-quit sa industriya.
“Mag-isa lang kasi ako noon kaya litung-lito ako. Kaya ‘yun ang una kung naisip, ang mag-quit na lang sa showbiz,” aniya.
“Pakiramdam ko kasi noon, parang hindi ako pangshowbiz, kaya madali akong maapektuhan sa mga balitang naglalabasan sa akin.”
Bukod sa tsismis, ang kawalan daw ng proyekto ang isa pa sa mga dahilan.
“Noon kasi, wala na nga akong trabaho, wala kasi akong regular show noon, tapos, ang dami pang tsismis sa akin, kaya na-depress talaga ako.
“Ang hirap kasi na wala ka na ngang trabaho, tapos, tapos natsitsismis ka pa nang kung anu-ano. Kaya para maka-escape sa intriga, naisip ko talagang huminto na sa pag-aartista, tutal, wala naman akong trabaho,” deklara pa niya.
Nagbago lang daw ang kanyang isip na muling subukan ang showbiz nang kausapin siya ng mga big bosses ng GMA Artist Center. Ngayon daw ay 100% ang happiness na kanyang nararamdaman bilang bagong dagdag na cast sa Dyesebel.
Happy din daw si Jackie Rice sa piling ng kanyang boyfriend na si Biboy Ramirez na very supportive at nagbibigay lagi ng payo sa kanya tungkol sa showbiz.
“Okey naman kami ni Biboy. ‘Yun nga lang, pareho kaming busy ngayon kaya hindi kami medyo nagkikita. Pero nagtatawagan naman kami at nagte-text.
Nagbabalak din na magbalik-eskuwela ngayong taon si Jackie.
Halaw sa panulat ni Roldan Castro sa kanyang column sa Diyaryong Bulgar
No comments yet.
RSS feed for comments on this post. TrackBack URI