
PARANG boksingerong hinamon ni Marian Rivera ang lalaking nakaengkuwentro niya sa isang kalat na kalat nang video ngayon, para maidepensa ang kanyang sarili sa isyu na karapatan niya naman ay ikinatwiran ng kampo ng aktres na binastos daw kasi siya ng lalaki, kaya napilitan lang siyang lumaban.
Rumesbak ang lalaki, sa halip na makipag-argumento kay Marian ay naglabas pa ito ng ibang video kung saan mas titingkad ang kamalditahan ng aktres, kasabay ang pagtatanong kung hindi ba maldita, suplada, butangera at palengkerang matatawag si Marian Rivera?
Nasa video ang paninigarilyo sa set ni Marian, hindi naman krimeng maituturing ang ganu’ng bisyo, pero pinakaiiwasan ng maraming artista ang makita silang humihithit-bumubuga ng usok ng mga tao sa isang pampublikong lugar.
Nandu’n din ang parang pagtataray ni Marian sa kanyang make-up artist, iniirapan niya ito, pati na paghampas niya sa kanyang alalay sa isang tagpo sa video.
Masyado nang nanganganib ang buhay at kapribaduhan ng mga personalidad ngayon dahil sa patuloy na pag-unlad ng teknolohiya. Wala na silang naitatago, nalalantad na sa publiko pati ang kanilang lihim, dahil sa pamamayagpag ng mga teleponong may video at camera.
Kung sinu-sino ang pinagbibintangan ngayon ng kampo ni Marian na nanlalaglag sa kanya, pati ang pangalan ng nananahimik na si Angel Locsin ay kinaladkad pa sa kuwento, bakit hindi sila magsaliksik nang husto kung kanino nanggaling ang mga ebidensiya ng pagmamaldita ng nakilala ng marami na mahinhin at tahimik na si Marian Rivera?
Kung sinu-sinong tao ang napagdududahan, pero naniniwala kaming mga tao mismong madalas na nakakasama ni Marian ang may pakana nito, sino ba naman kasi ang mag-iisip na katabi lang pala ng simbahan ang sugalan?
Halaw sa panulat ni Cristy Fermin sa kanyang column sa Diyaryong Bulgar
2 Responses to “Si Angel Locsin ang pinagbibintangan pero…PAGLABAS NG MGA BAHO NI MARIAN RIVERA, SARILING KAMPO ANG MAY PAKANA”
RSS feed for comments on this post. TrackBack URI
…in what site makikita ung vid na naninigarilyo sya?…
…i dont like marian ever since… at kung naninigarilyo sya at nagtataray…i dont really care….pero sana wag tumulad ang mga artista sa kanya!..
ay naku…tigilan n ka compare ky angel,d sila mgka level..
if my scandal c marian wg n idamay c angel nanahimik ang tao