SUGOD SHOOTING: Lobo: Patuloy na umiigting, kahit sinasabing ‘di nagri-rate!
By Jean Oli
Habang tumatagal, lalo pang gumaganda ang takbo ng kwento ng “Lobo” na pinangungunahan ng tambalang Piolo Pascual at Angel Locsin. Bawat eksena, nagkakaroon ng lalim, at nabibigyang linaw rin ang mga misteryong bumabalot sa bawat karakter ng kwento.
Ang “Lobo” nga ang katuparan ng matagal ng hinihintay ng mga manonood na pagtatambal nina Piolo at Angel. Kahit may pagka-risky noong simula na baka hindi ito tanggapin ng publiko, ibinigay pa rin ng buong staff at cast ang kanilang dedikasyon para lalo pang mapaganda ang mapapanood ng mga tao.
Kakaibang kwento nga naman ang hatid ng “Lobo,” kumpara sa ibang mga teleserye ngayon sa telebisyon. Kumpletong sangkap ito para sa mga manonood. May action, suspense, adventure, conspiracy at pag-ibig para sa pamilya at sa kapwa.
Nagsimula ang kwento sa pagkakaibigan nina Noah (Piolo) at Lyka (Angel) hanggang sa sila ay paghiwalayin ng tadhana. Nang muli silang nagkita, nagkahulugan sila ng loob. Lingid naman sa kaalaman nila na sila pala ay nagmula sa magkalabang mga angkan. Habang patuloy na tumitibay ang pagmamahalan ng dalawa, tila nagiging mapaglaro naman ang tadhana para sa kanila. Si Lyka ang napiling tagapagligtas ng kanilang angkan na tinatawag na Waya (mga taong- lobo) habang si Noah naman ay kabilang sa grupo ng Luna na tumutugis sa mga taong-lobo. Paano pa nga ba maipagpapatuloy ang isang pagmamahalang sa simula pa lamang ay punung-puno na ng mga sikreto, pagtatraydor, at sabwatan? Ngayong nag-propose na si Noah kay Lyka, matuloy pa kaya ang kanilang pag-iisang dibdib ngayon pa at patay na ang tumayong ama ni Noah na si Gen. Leon Cristobal at pinalabas na isang Waya ang pumaslang dito?
Pagdating naman sa pag-arte, kakaibang talento ang makikita mo sa mga artista nito. Mula sa pinakamaliit na role, ay talagang binigyang hustisya ng bawat artista ang karakter na kanilang ginagampanan. Ibang-ibang Angel rin ang makikita rito kumpara sa mga nauna na niyang ginawa. Kahit pa sabihin na hindi nagri-rate ang show, patuloy itong umiigting at patuloy pa rin itong sinusubaybayan bilang isang dekalidad na palabas.
2 Responses to “SUGOD SHOOTING: Lobo: Patuloy na umiigting, kahit sinasabing ‘di nagri-rate!”
RSS feed for comments on this post. TrackBack URI
…lobo is the best..!…ganda ng story.. sa mga agb-pep-gma na binabayaran ng 500 at sa mga kapuso..sayang because they are missing great story..and great cast!…up for Lobo!..
Who cares kung sinasabi na hindi umaangat sa ratings, basta sa akin napakaganda at kaabang abang.