The new face of pinoy entertainment
May 29th, 2008 at 1:40 am
Posted by joemer in ABS-CBN, Angel Locsin, GMA, Marian Rivera


PARANG boksingerong hinamon ni Marian Rivera ang lalaking nakaengkuwentro niya sa isang kalat na kalat nang video ngayon, para maidepensa ang kanyang sarili sa isyu na karapatan niya naman ay ikinatwiran ng kampo ng aktres na binastos daw kasi siya ng lalaki, kaya napilitan lang siyang lumaban.

Rumesbak ang lalaki, sa halip na makipag-argumento kay Marian ay naglabas pa ito ng ibang video kung saan mas titingkad ang kamalditahan ng aktres, kasabay ang pagtatanong kung hindi ba maldita, suplada, butangera at palengkerang matatawag si Marian Rivera?

Nasa video ang paninigarilyo sa set ni Marian, hindi naman krimeng maituturing ang ganu’ng bisyo, pero pinakaiiwasan ng maraming artista ang makita silang humihithit-bumubuga ng usok ng mga tao sa isang pampublikong lugar.

Nandu’n din ang parang pagtataray ni Marian sa kanyang make-up artist, iniirapan niya ito, pati na paghampas niya sa kanyang alalay sa isang tagpo sa video.

Masyado nang nanganganib ang buhay at kapribaduhan ng mga personalidad ngayon dahil sa patuloy na pag-unlad ng teknolohiya. Wala na silang naitatago, nalalantad na sa publiko pati ang kanilang lihim, dahil sa pamamayagpag ng mga teleponong may video at camera.

Kung sinu-sino ang pinagbibintangan ngayon ng kampo ni Marian na nanlalaglag sa kanya, pati ang pangalan ng nananahimik na si Angel Locsin ay kinaladkad pa sa kuwento, bakit hindi sila magsaliksik nang husto kung kanino nanggaling ang mga ebidensiya ng pagmamaldita ng nakilala ng marami na mahinhin at tahimik na si Marian Rivera?

Kung sinu-sinong tao ang napagdududahan, pero naniniwala kaming mga tao mismong madalas na nakakasama ni Marian ang may pakana nito, sino ba naman kasi ang mag-iisip na katabi lang pala ng simbahan ang sugalan?

Halaw sa panulat ni Cristy Fermin sa kanyang column sa Diyaryong Bulgar


May 29th, 2008 at 1:39 am
Posted by joemer in ABS-CBN, Jon Avilla, Maja Salvador

MARAMI ang nakakapansin na medyo tumataba si Jay-R Siaboc kaya ikinuha siya ng ABS-CBN ng fitness instructor at dietician para ma-maintain ang kanyang weight.

Hindi kasi puwedeng mag-gain ng timbang sa ngayon si Jay-R dahil sa serye niyang Komiks Presents: Mars Ravelo’s Kapitan Boom na napapanood every Saturday kung saan ay ginagampanan niya ang papel na alter-ego ni Kapitan Boom.

Ayon naman kay Jay-R, para hindi siya antukin sa taping ay kumakain na lang siya at ayan nga ang resulta-tumataba siya.

Heto ang siste, sa set ng Kapitan Boom ay kapansin-pansin daw ang closeness nina Jon at Maja Salvador na ka-love team ni Jay-R.

Na-turn-off kaya si Maja sa katawan ngayon ni Jay-R kaya nababaling ang atensiyon niya kay Jon na seksing-seksi ang katawan lalo na kapag naka-costume na ng Kapitan Boom?

Halaw sa panulat ni Vinia Vivar sa Diyaryong Bulgar


May 29th, 2008 at 1:18 am
Posted by joemer in ABS-CBN, Gerald Anderson, KIMERALD, Kim Chui, My Girl
Kim Chui & Gerald Anderson -- Pinatunayan Na Sila Talaga Ang Tunay Na
 King & Queen ng Primetime!!!

Matapos nga ang hit serye nina Kim at Gerald na "Sana Maulit Muli", na
 nag number 1 sa NUTAM, at Mega Manila,Pinatunayan din nila na sila
 talaga ang tunay na 2007's real "Phoenomenal Hit". Saka nakagawa sila nang
 bagong character na nagmarka sa bawat pilipino, at yun ay sina
 "Bok-bok" at "Poknat", na kilala din sa "Travis" at "Jasmine" .Samantalang ang
 "Maligno" naman, na kung saan they play as a support role para kay
 Claudine Baretto. Kahit hindi man nanguna over all, nanguna naman sila,
 laban sa programa nang GMA 7, both Mega Manila, and specialy NUTAM
 ratings.
Ngaun gumagawa naman sila nang bagong marka sa puso nating mga pilipino
 para sa programang "My Girl". Ang pinoy version nang hit Koreanovelang
 "My Girl". Nangunguna na ito sa NUTAM, since nag pilot ito. Para naman
 sa MEGA MANILA ratings, last tuesday, tinalo na nito ang katapat
 nitong programa, at kagabi May 29, 2008, umangat muli ito at napapunta sa
 ikatlong pwesto. Syempre nangunguna sa pwesto ang Dyesebel, sinundan nang
 Juaquin Bordado at pangatlo nga ang My Girl. Kung magpapatuloy ang pag
 angat nito, lalo n at kaunti na lang ang lamang nang Juaquin Bordado
 sa My Girl, in one or two weeks time baka mag number 1 na din ito sa
 Mega Manila.

JoKer DeTor
Showbiz Top i-News
http://joemer.blogetery.com

May 29th, 2008 at 1:10 am
Posted by joemer in ABS-CBN, GMA, SCANDALS
Walk Of Stars Ni Kuya Germs, Ano Nga Bang Basehan!!!

Marami ang nagtataka kung bakit mapapasama si Marian Rivera at Dingdong
 Dantes sa Walk of Stars na organize ni Kuya Germs. Marami tuloy ang
 nagsasabi na minamaniobra ito nang GMA Network. Kasi mauunahan pa ni
 Marian at Dingdong na makapasok sina Claudine Baretto, Gretchen Barretto,
 Ruffa Gutierrez, Diether Ocampo, Gabby Concepcion, John Lloyd Cruz,
 Jericho Rosales, Kristine Hermosa, Ai Ai Delas Alas, Willie Revilliame, Edu
 Manzano, Janno Gibbs, Gina Parenio, Bea Alonzo at Angel Locsin.
 
Samantalang mas marami na ang mga itong napatunayan mapa endorsment,
 billboards, print ads, tv, movies, rating games at box office. Ano na nga ba
 ang batayan ni Mr. German Moreno sa pagpili nang mga artistang
 makakapasok sa Walk of Fame??? May criterea nga ba? O basta kapuso artist ka
 pasok ka sa Walk of Fame? Siguro yun na nga lang ang batayan ni German
 Moreno. Nawala tuloy ang paghanga at respeto ko sa kanya. Akala ko pa
 naman, isa siya sa mga may paninindigan sa industriya. Hindi pala. Akala ko
 lang pala yun. 

Makapag organize nga din nang sariling Walk of Stars. Sina Bentong,
 Pekto, Aling Syoneng, Nanay Marta, Aling Tali, Diego, at mga mag tataho.
 Tutal yun na lang naman ang batayan ngaun. Ang baba na!

Mag react ang gustong mag react!

Joker DeTor
Showbiz Top i-News
http://joemer.blogetery.com

May 29th, 2008 at 1:08 am
Posted by joemer in ABS-CBN, GMA, NUTAM, Ratings

PEP released it’s  LIST OF TOP 10 PILOT EPISODES , since 2007, based from the National Urban Telivision Audience Measurement (NUTAM) ratings report from the AGB Nielsen Philippines.

10. Patayin Sa Sindak Si Barbara - 35.4%

9. Pangarap Na Bituin - 35.9%

8. Maria Flourdeluna - 36.4%

7. Dyesebel - 36.7%

6. Ysabella - 37.2%

5. Princess Sarah - 37.3%

4. Lastikman - 37.4%

3. Lobo - 37.6%

2. Kokey - 38%

1. Kung Fu Kids - 39%


May 29th, 2008 at 12:57 am
Posted by joemer in ABS-CBN, Angel Locsin, LOBO, Piolo Pascual
"Mas Nakilala Ako Nang Tao Nang Lumipat Ako" --  Angel Locsin

Nang makapanayam namin ang napakaganda at napaka seksing si Angel
 Locsin sa kasagsagan nang Mall tour nila para sa pinag uusapang teleserye
 nang bansa ang "LOBO", ay tinanong namin siya kung ano nga ba ang susunod
 niyang proyekto, pagkatapos nang LOBO na magtatapos na sa July.
 
"Masayang masaya po ako sa mga proyekto na binibigay sa akin nang ABS-CBN.
 Pagkatapos po kasi nang LOBO ay pupunta kami ni Piolo, sa Australia para
 po i-shoot n namin ang kaunaunahan kong pelikula sa Star Cinema. Mejo
 matagal tagal na nga din po nang huli ako nagkapelikula. Tapos po nun
 sisimulan na din po yung susunod na teleserye, mejo confedential pa po
 yung mga detalye, kaya hindi pa po pedeng sabihin. Saka po nandito po
 talaga sa LOBO ang konsentrasyon muna namin." . Nang tanungin naman namin
 siya kung san nga ba siya mas sikat? Noong nasa GMA 7 pa siya? O ngaung
 nasa ABS-CBN na siya? Ang sagot niya ay "Mas nakilala po ako nang tao
 nang lumipat ako. Mas nagkaroon po ako nang growth at kita nyo naman po
 nakaka kanta at sayaw na ako, (referring sa mga production number nya
 sa ASAP) ha ha ha... Saka talaga pong nag improve ang pag arte ko.
 Talagang malaking tulong ang nagawa sa akin nang ABS,. Thankful po ako sa
 kanila." . 
Nang tanungin namin tungkol sa mga tagahanga nya na hindi
 siya iniwan, at mas dumami pa dahil world wide napapanood ang LOBO. Ito
 ang kanya sagot "Naku, kulang po ang salitang salamat, sa mga taga
 supporta ko na talagang hindi ako iniwan, kahil po lumipat ako. At sa mga
 bago pong kapamilya na nagmahal sa akin at niyakap ako nang kanilang
 pagmamahal. Maraming maraming salamat po.".

JoKer DeTor
Showbiz Top i-News
http://joemer.blogetery.com

May 29th, 2008 at 12:54 am
Posted by joemer in ABS-CBN, GMA
ASF DANCER, Pinataob Ang SEX BOMB at EB BABES!!!

Sa dami nga nang endorsement at out of town and out of the country
 shows nang ASF DANCER, ay maiituring na sila na talaga ang nangungunang
 female group dancer nang bansa. Ilan sa mga ine-endorse nila ay ang Surf,
 Knorr Wow Pack, Vaseline at Pau.
May narinig din kami na pinagiisipan
 nang management nang ABS-CBN na bigyan din nang teleserye na itatapat sa
 Daisysyete nang GMA Network ang ASF DANCER. Tiyak kung mangyayari ito,
 tapatan talaga ito. Iyun na!

JoKer DeTor
Showbiz Top i-News
http://joemer.blogetery.com

May 29th, 2008 at 12:53 am
Posted by joemer in ABS-CBN, Box Office, Sharon Cuneta
"CAREGIVER" Magiging Top Grosser Para Sa 2008!!!

Walang takot naming sasabihin, na ang 15th anniversary special offering
 nang STAR CINEMA na "Caregiver" ang magiging top and certified
 blockbuster movie for 2008. May prediction kami na kikita ang pelikula na ito
 nang mahigit sa 200 Milyon pesos. Sa ganda at galing nang pagkakagawa
 nang pelikula na ito, manhid lang ang hindi manonood nito. Sa husay na
 pinakita nang megastar Sharon Cuneta, trailer pa lang kikilabutan ka na.
 Pang grandslam best actress ang pinakita niyang husay.
Manonood ako nang pelikulang ito. Dahil hindi sayang ang 100 pesos ko
 sa panonood nito. Kahit tatlong beses ko ito panoorin, hindi ako
 manghihinayang.

JoKer DeTor
Showbiz Top i-News
http://joemer.blogetery.com

May 29th, 2008 at 12:52 am
Posted by joemer in ABS-CBN, GMA
Mga Napapabalitang Bading Sa Showbiz

Ito ang mga lalake sa showbiz na napapabalitang may pagka eva daw. Saka
 kasama dito ang aming opinyon kung bading ba talaga sila o hindi.

Edu Manzano - ewan
Piolo Pascual - hindi totoo
Sam Milby - mejo
Roderick Paulate - mejo
Kuya Germs - oo
Paolo Balesteros - oo
Raymond Gutierrez - oo
Paolo Bediones - bisexual ata
Victor Basa - bisexual yata
Jay R Siaboc - male tripper
Uma Khunny - oo naman!
Joross Gamboa - hindi
Hero Angeles - parang
Mark Herras - bisexual daw?
Rainier Castillio - male tripper
Coco Martin - hindi
Smokey Manaloto - hindi
Jed Madela - oo yata
Eric Santos - mejo. ewan.
Gerald Anderson - hindi talaga!
Jay Aquitania - hindi
Angelo Ilagan - male tripper
John Pratts - mejo. ewan.
Enchong Dee - hindi.

Yan naman ay opinyon lang namin. Kaya sa magtataasan jan nang kilay, at
 hindi sasangayon sa amin, gumawa kayo nang sarili nyong opinyon!

JoKer DeTor
Showbiz Top i-News
http://joemer.blogeteqy.com

May 29th, 2008 at 12:50 am
Posted by joemer in ABS-CBN, Angel Locsin, LOBO, Piolo Pascual
SUGOD SHOOTING: Lobo: Patuloy na umiigting, kahit sinasabing ‘di nagri-rate!
By Jean Oli

Habang tumatagal, lalo pang gumaganda ang takbo ng kwento ng “Lobo” na pinangungunahan ng tambalang Piolo Pascual at Angel Locsin. Bawat eksena, nagkakaroon ng lalim, at nabibigyang linaw rin ang mga misteryong bumabalot sa bawat karakter ng kwento.
Ang “Lobo” nga ang katuparan ng matagal ng hinihintay ng mga manonood na pagtatambal nina Piolo at Angel. Kahit may pagka-risky noong simula na baka hindi ito tanggapin ng publiko, ibinigay pa rin ng buong staff at cast ang kanilang dedikasyon para lalo pang mapaganda ang mapapanood ng mga tao.
Kakaibang kwento nga naman ang hatid ng “Lobo,” kumpara sa ibang mga teleserye ngayon sa telebisyon. Kumpletong sangkap ito para sa mga manonood. May action, suspense, adventure, conspiracy at pag-ibig para sa pamilya at sa kapwa.
Nagsimula ang kwento sa  pagkakaibigan nina Noah (Piolo) at Lyka (Angel) hanggang sa sila ay paghiwalayin ng tadhana. Nang muli silang nagkita, nagkahulugan sila ng loob. Lingid naman sa kaalaman nila na sila pala ay nagmula sa magkalabang mga angkan. Habang patuloy na tumitibay ang pagmamahalan ng dalawa, tila nagiging mapaglaro naman ang tadhana para sa kanila. Si Lyka ang napiling tagapagligtas ng kanilang angkan na tinatawag na Waya (mga taong- lobo) habang si Noah naman ay kabilang sa grupo ng Luna na tumutugis sa mga taong-lobo. Paano pa nga ba maipagpapatuloy ang isang pagmamahalang sa simula pa lamang ay punung-puno na ng mga sikreto, pagtatraydor, at sabwatan? Ngayong nag-propose na si Noah kay Lyka, matuloy pa kaya ang kanilang pag-iisang dibdib ngayon pa at patay na ang tumayong ama ni Noah na si Gen. Leon Cristobal at pinalabas na isang Waya ang pumaslang dito?
Pagdating naman sa pag-arte, kakaibang talento ang makikita mo sa mga artista nito. Mula sa pinakamaliit na role, ay talagang binigyang hustisya ng bawat artista ang karakter na kanilang ginagampanan. Ibang-ibang Angel rin ang makikita rito kumpara sa mga nauna na niyang ginawa. Kahit pa sabihin na hindi nagri-rate ang show, patuloy itong umiigting at patuloy pa rin itong sinusubaybayan bilang isang dekalidad na palabas.


May 29th, 2008 at 12:48 am
Posted by joemer in ABS-CBN, Gabby Concepcion, Sharon Cuneta
SHARON, BABALIK DIN KAY GABBY!
By RONALD C. CARBALLO

Hindi naman pala totoong ayaw pag-usapan ni Sharon Cuneta ang kanyang ex-husband na si Gabby Concepcion.  Ang totoo’y namimili lang siya ng taong kakausapin tungkol dito. Kase kay Korina Sanchez ng Rated K ay nagsalita siya. Maganda naman ang pagkakasabi ni Sharon. Mula raw nang bumalik sa Pilipinas si Gabby, “Parang nagulo ang mundo ko. ‘Yung ang tagal ko ng nananahimik with my family, husband ko at mga anak, bakit biglang kailangan kaming guluhin? Hindi siya (Gabby), ‘yung mga tao sa paligid. Iba ‘yung nandun (Amerika)siya, kesa ‘yung andito na.”
Sana’y maging realistic na nga lang si Sharon: Hindi talaga puwedeng burahin sa buhay niya si Gabby habang buhay. Bukod nga sa ama ito ng panganay niyang anak, naging napaka-importanteng parte rin ng career niya si Gabby. Paano niya lalagpasan, didedmahin at hindi talaga babanggitin ito? Kaipokritahan naman ‘yun at patuloy siya tuloy aakusahan ng mga hindi niya tagahanga na masama ang ugaling bitter pa rin at may gusto pa rin kay Gabby. Of course, personally, alam naming wala ng pakiramdam si Sharon kay Gabby kundi galit. Patawarin na lang niya ito nang lubusan para tuluyan na rin siyang maka-move on. Mabanggit man ito kadikit ang pangalan niya kung minsan dahil kailangan, eh, ano naman? Gaya sa nalalapit niyang 30th Year in Showbiz Documentary Special na kinuha kaming writer, imposibleng hindi mabanggit si Gabby dahil parte talaga ito ng 30 years niya sa showbiz. Kahit sabihing wala na itong personalan, paano mong buburahin si Gabby sa kasaysayan ng pagiging aktres ni Sharon?  Dilat ang katotohanang si Gabby ang katambal niya kung bakit siya naging idolo ng masa. “Hindi talaga puwedeng hindi banggitin si Gabby,” pagsang-ayon ng ABS-CBN Creative For Special Projects. “Pero basta hindi na lang siya magsasalita o iinterbyuhin.”

Okey lang naman, pero dun pa lang hindi na magiging truthful ‘yung documentary special. Hindi iinterbyuhin ang  pinaka-importanteng leading man, samantalang kung sinu-sino ang mga iinterbyuhing hindi kasing tindi ng konek ni Gabby ang mga ito sa career ni Sharon. Idagdag pang tahasang sinabi ni Sharon na magagalit siya kung iri-remake ang kauna-unahan niyang pelilkula na Dear Heart. “Kumbaga, sacred sa akin ang pelikulang ito,” sabi ni Sharon. “I-remake na nilang lahat, huwag lang ang Dear Heart. It would break my heart ‘pag ginawa ito ng Viva Films. (Bakit kaya sinasabi ni Sharon na Viva? Hindi Viva ang Dear Heart. It’s Sining Silangan ni Ernie Rojas, directed by Danny Zialcita) Kahit sino, walang karapatang i-remake ito. Si KC lang ang may karapatan, pero 23 na siya,eh. Kaya please, huwag na lang.” O, sino ba ang leading man ni Sharon sa Dear Heart na sacred sa kanya? Si Gabby Concepcion, ‘di ba?  O, paano namin, hindi babanggitin si Gabby sa kuwento ng buhay-artista ni Sharon? Sa ngayon talaga, matigas ang pagsasalita ni Sharon ng tapos na ayaw na niyang gumawa ng movie with Gabby. Mas dapat daw sila ni KC bilang mag-ina ang magsama. “Okey lang rin sa akin kung magsama silang dalawa ng Papa niya (KC at Gabby),” sabi ni Sharon. O, at least, “Papa” na ang sabi ni Sharon, hindi na “someone else.” Sana nga, maging consistent na lang ang pagkakataon: Kung walang banggit ng Gabby, wala na lang banggit at all. Tingnan natin kung hanggang kailan ito mapapangatawanan ng sitwasyon. Tingnan din natin kung mangyayari talagang  wala na tayong mapapanoood na Sharon-Gabby movie kailanman. Antayin natin ang resuilta ng Caregiver na mukhang ang ganda-ganda namang pelikula kahit si John Estrada lang ang leading man niya na Chito Roño naman ang direktor.

First time si Sharon na maidirek ni Chito after ng isang episode sa MMK long time ago. Tulad ng marami, trailer pa lamang, nakakaiyak na. Lagi naman, hindi makukuwestiyon ang husay ng pagiging aktres ni Sharon. May mga flop lang siyang movie kapag hindi maganda ang chemistry with her leading men. Kaya nga maganda silang pagtambalin ni Gabby dahil wala pa silang flop ever. Nung mag-flop si Sharon sa Friends in Love with Rowell Santiago; Forgive and Forget with William Martinez at To Love Again with Miguel Rodriguez nung 1980’s, muli siyang itinambal kay Gabby Concepcion sa Dapat ka Bang Mahalin? na nagbigay kay Sharon ng kauna-unahan niyang Best Actress trophy at bumalik ang pagiging box-office queen niya. Hindi kaya maulit ito ngayong 2008, kapag hindi ganung kasuwerte si John Estrada bilang leading man ni Sharon? Huwag naman. Hangad naming maging mega-blockbuster ang “Caregiver” for Sharon. She deserves it after four long years of absence in making good films. Pero sigurado kaming whatever it takes, magbabalik-tambalan sila ni Gabby at magiging tunay silang magkaibigan.


May 29th, 2008 at 12:46 am
Posted by joemer in ABS-CBN, Gerald Anderson, KIMERALD, Kim Chui, My Girl

KIM CHIU, BAGONG MARICEL SORIANO!

By RONALD C. CARBALLO

Honestly, nung ibinalitang gagawin ni Kim Chiu ang My Girl, wala kaming gaanong interes, kase this time, hindi na lang itinagalog ang isang sikat na Korean Telenobela, kundi kinopya na talaga para tagalugin ang isang banyagang soap opera. Pero nung ipinapanood sa amin ang pilot episode nito na mapapanood ninyo na ngayong gabi sa ABS-CBN Primetime Bida, ginulat kami ni Kim Chiu. Ang galing-galing niya at tuwang-tuwa kami sa kanya. Dalang-dala niya ‘yung role na feeling namin siya na ang bagong Maricel Soriano na nagpapatawa and yet, very effective din sa drama.

Nakatulong din ng malaki na hindi namin napanood ‘yung original at wala kami talagang idea kung ano ‘yung My Girl Korean Teleserye. Otherwise, baka na- disturb kami dahil ‘di namin maiiwasang ikumpara si Kim sa kung sinumang gumanap dun sa ginagampanan niya. But as it is, maganda ang pagkakagawa ng My Girl na kita namang ini-adapt na sa Filipino setting and culture na opening scene pa nga lang ay Luneta Park na, bilang Chinese tour guide siya.
Suportado si Kim ng mahuhusay na performers, bukod sa kanyang leading man na si Gerald Anderson na tulad nina Ronaldo Valdez, Bing Loyzaga, Lito Piimentel, Mike Lloren at K Brosas.

Tuwang-tuwa kami kay Kim dahil mahirap ‘yung role, pero nakaya niya. Kitang naidirek siya ng maayos nina Jerome Pobocan at Eric Salud, pero kung wala talagang talent ang isang artista kahit gaano kahusay ang direktor, hindi mapipiga ang mga detalye nang ipinamalas ni Kim kahit sa pilot episode pa lang. Excited kaming mapanood ito continuously gabi-gabi, dahil first time naming nagustuhan si Kim at naniniwala kaming mula rito’y kikilalanin na siyang mahusay na aktres.


May 29th, 2008 at 12:44 am
Posted by joemer in ABS-CBN, Claudine Barreto, Gabby Concepcion
DINURAAN NI SUSAN ROCES SA MUKHA SI CHERRY PIE!
By RONALD C. CARBALLO

Nakapag-first taping day na si Gabby Concepcion ng kauna-unahan niyang soap opera na “Iisa Pa Lamang” with Ms. Claudine Barretto, sa direksyon ni Ruel Bayani with Manny Palo as his second unit director. Dahil kay Direk Ruel, exclusive na pinayagan ang Pinoy Parazzi na makunan nga ang first taping day with our ace photographer, Mark Atienza. Tinawagan pa kami ni Direk Ruel para magpasalamat sa full support na ibinibigay ng Pinoy Parazzi sa kanya at sa lahat ng kanyang mga programa. “Natutuwa ako at ang ganda-ganda palagi ng Pinoy Parazzi,” bungad ni Direk Ruel, na tulad ng sangrekwang direktor at iba pang mga taga-showbiz ay tunay na subscriber ng kauna-unahang  Threekly Magbloid sa Pinas.
Happy rin si Direk Ruel dahil naging very smooth at napakasaya raw ng kanyang first taping day.
“Ang first take ko ay ‘yung eksena with Laurice Guillen,” simula ng kuwento ni Direk Ruel. “Tawa kami nang tawa, kase nga mag-ina kami, ‘di ba? (Bukod sa paggiging mahusay na scriptwriter, nagsimula rin si Direk Ruel bilang assistant director ng actress-director na si Ms. Laurice Guillen sa mahabang panahon). Hindi naman ako na-tensed. Relaxed lang ako kahit first time ko siya talaga idinirek. Nakatulong ‘yung nakapag-workshop na kami ng buong cast ng two days, kaya nakapag-bonding at wala nang ilangan. Naging masya rin talaga ‘yung first taping day kase lahat  talaga ng artista nandun sa first day.”
Kumusta naman si Claudine na first time din niyang idinidirek? “Naku, alam mo naman si Claudine. Kumbaga, soap queen na ‘yan at magaling talagang aktres. Iba ang training niya, kaya masarap katrabaho. I’m sure, talagang kay Claudine lang dapat ang soap na ito.”
Eh, si Gabby Concepcion naman na talagang ni hindi niya nakilala in the past at ngayon lang sila nagharap? “Naku, napakaguwapo pa rin ni Gabby at magaling naman siya talaga,” mabilis na sagot ni Direk Ruel. “Diyos ko, hindi nagbago ang itsura ni Gabby! 45 na raw siya, eh, ang role niya dito, 40 lang siya na pasadung-pasado naman talaga. Kase dapat ten years older lang siya kay Claudine. Eh, ako nga, 38 pa lang ako, pero mas mukhang bata pa sa akin si Gabby. Nakakatuwa, kitang-kita ko ‘yung excitement kay Gabby to work. Nag-host siya ng Awards Night; ni-launch ‘yung first endorsement niya, tapos eto nga, nagsu-soap na siya. Okey sila ni Claudine at maganda ang chemistry nila habang tinitingnan ko. Excited akong makunan ko na ‘yung scene nila together.” Sobrang excited rin si Direk Ruel na ikuwento ‘yung nakunan na niya. “Naku highlight agad ang kinunan ko. ‘Yung pinalalayas ni Cherry Pie Picache ang mag-lolang Claudine at Susan Roces sa bahay. Sinampal ni Cherry Pie si Susan at talagang dinuraan ni Susan ang mukha ni Cherry Pie; Ay, talagang first ang ganitong kalaki at ganito ka-dramatic na soap na may ganitong kalalaking artista.
Talagang aabangan at dapat lang abangan. At siyempre, comeback nga ito ni Gabby.” Lalo pang natuwa si Direk Ruel, dahil napanood na ng pamunuan ng ABS-CBN ang rushes ng mga nakunang eksena sa pangunguna ng Program Unit Manager na si Mr. Deo Edrinal. “Natuwa naman sila, ang ganda-ganda raw,” medyo nahihiyang sabi pa ni Direk Ruel. “Inspired ako talaga at excited akong maipalabas na ito at nawa’y baguhin nito ang habit ng kanilang panonood.”


May 29th, 2008 at 12:40 am
Posted by joemer in ABS-CBN, Piolo Pascual, Sam Milby
MATUTUWA AKO KAPAG NARINIG KONG “NAY LOLIT” NA ANG TAWAG SA AKIN NINA PIOLO AT SAM!
Written by Lolit Solis

Natutuwa naman ako dahil marami ang nagpasalamat at natuwa na natapos na ang kasong isinampa sa akin nina Piolo Pascual at Sam Milby. Lalong nakakataba ng puso ‘yung sinasabi pa mismo nina Piolo at Sam na parang nanay daw nila ang tingin sa akin nang magkita kami sa korte. Touched naman ako! Touched daw, oh! Pero hindi, siguro talagang matutuwa ako kapag isang araw, narinig kong “Nay Lolit” na ang tawag sa akin nina Piolo at Sam!
Sabi nga nila, magandang birthday gift ito sa akin, kaya hindi ko na muna haharbatan sina Piolo at Sam. Sa susunod na birthday ko na lang!
May mga negative at tumututol pa rin, pero mas marami ‘yung umayon sa ginawa kong mag-retract ng kuwento ko tungkol sa dalawang aktor, Ang sa akin lang naman, matapos na ito at naaawa na ako sa mga apektadong tulad ni Ms. Veronica Samio na matagal na ngang nag-retire sa pagiging editor, nadamay pa rin sa kaso.
Ang isa pang nakakaloka, day, minsan, dun sa Manila City Hall, laging puno ang elevator o ‘di kaya sira! Hinihingal-hingal na ako sa pag-akyat hanggang 4th floor. Nakakalokang pagod ‘yun, ‘di ba?!
Sabi nga nila, tingin daw nila magiging close friends ko sina Piolo at Sam. Willing naman akong maging kaibigan nila at kung kailangan nila ang tulong ko para sa kanilang career or whatever, nandito lang ako nakahandang gawin iyun para sa kanila. Wa etching ‘yan! True ‘yan!


May 29th, 2008 at 12:38 am
Posted by joemer in ABS-CBN, GMA
KAPUSO SHOW SA NEW JERSEY, PINAMIGAY ANG TIKET PARA TAUHIN!
Written by Lolit Solis

Nagkaroon ng show sa New Jersey ang mga Kapuso Stars nung nakaraang linggo na kinabibilangan nina Katrina Halili, Jay R at Allan K. Hindi daw gaanong napuno ang venue dahil katapat nila ang Pinoy Musik Festival na kung saan tampok naman doon sina Sam Milby at MYMP.
Namigay na lang daw ng tickets ang produ para mapuno lang ang venue. Kung hindi lang daw sana nagkasabay baka parehong nag-hit ang magkatapat na show. Nakakaloka, hindi pa rin maiwasan ang network war hanggang sa mga ganung show sa ibang bansa.

Anyway, sa show ng Kapuso sa Phil-US Expo, nanood ang paparazzi namin at nag-enjoy naman daw siya dahil talagang riot daw sa show si Allan K. Pinagkaguluhan daw ng mga boys si Katrina na super-sexy nga naman kasi. At in fairness, nakakakanta naman daw si Katrina kaya lalong nag-enjoy  ang mga boys sa kanya. Si Jay R naman, hit na hit sa mga bagets na kabisado pa raw ang mga kanta niya.
Okay naman daw ang pagtanggap ng mga kababayan natin sa GMA Pinoy TV doon, pero halos iisa pa rin ang reklamo nila doon. Bakit naman daw nakakakabit pa rin sa TFC ang GMA Pinoy TV? Hindi daw kasi sila nakakapag-subscribe ng GMA Pinoy TV lang. Dapat naka-package sa TFC ng ABS CBN 2. Pero kung TFC lang ang kukunin mo, puwede kahit walang GMA Pinoy TV. Kaya wagi pa rin talaga doon ang TFC.
Pero mabuti na rin ‘yun. At least, napapanood ang GMA 7 shows sa ibang bansa.

MAGMULA nang magpa-interview via phone patch si Rudy Fernandez sa Startalk nung Sabado, ang dami nang nagtawagan at nag-text sa akin kung puwede daw ba nilang dalawin si Daboy sa hospital. Ang daming natuwa at na-touch sa interbyung iyun na kahit mahina at mabagal na siya magsalita, nagagawa pa rin niyang magbiro.
Dapat si Lorna Tolentino ang iinterbyuhin namin sa telepono para i-update ang kalagayan ni Daboy, pero nakisali naman ang huli kaya join na rin. Gusto lang naman ni Daboy na pasalamatan ang lahat na nagdarasal para sa kanya na hanggang ngayon ay malaki pa rin ang pag-asang malagpasan nila ito.
Hanggang ngayon naman ay nakakapit ang lahat sa bisa ng dasal na siyang magpapagaling kay Daboy.


May 29th, 2008 at 12:35 am
Posted by joemer in ABS-CBN, Anne Curtis, GMA, Marian Rivera
KUNG KAY MARIAN LANG, MAS MUKHANG ARTISTA NAMAN SI ANNE CURTIS, NO!
Written by Tita Swarding

OLACHIKA! Magsasalpukan na naman nga ang dalawang higanteng network dahil sa tapatan ng Dyosa ng ABS-CBN at ng Dyesebel ng GMA 7. Si Anne Curtis ang gaganap bilang Dyosa at si Marian Rivera naman si Dyesebel. In fairness, parang mas gusto ko ang Dyosa, kumpara sa Dyesebel. Ilang beses ko ng napanood ang Dyesebel na nagkaroon na ng iba’t ibang version sa pelikula! Nakakasawa na! Lalo naman itong version ni Marian! Diyos ko, day! Bukod sa kitang-kita ‘yung hulma ng paa at tuhod niya sa kunwaring buntot niya, wala ngang kasamang kahit isang isda ang mga sirena sa dagat, tuyo, as in hindi basa, ang buhok ng mga sirena at naka-curly-curly pa huh!

Nakakaloka! Hindi ba, Jing Chua? Magsalita ka! Comment mo ‘yan! Dagdag pang ka-cheapan ‘yung mga plastik ang mga bulaklak na nasa kanilang ulo! Ewan ko lang kung paano pagagandahin ang Dyosa. Pero knowing ABS-CBN, hindi ito patatalbog! Besides, kung kay Marian Rivera din lang naman, mas mukha namang artista at mas magaling na aktres si Anne Curtis, ‘no! Susme naman, no match, ‘no! Naman! ‘Yun na!


May 29th, 2008 at 12:32 am
Posted by joemer in ABS-CBN, Willie Revilliame
Ethel Booba at K Brosas Papasok Sa Wowowee!!!

 Sa pagkakatanggal ni Miss World Prescious Lara Quigaman sa number 1
 noon time show sa buong bansa na Wowowee, dalawang artista ang magiging
 kapalit nito.
 Ito nga ay sina Ethel Booba at K Brosas na magdadala nang
 saya sa programa. Hindi na bago sa dalawa ang paghohost dahil si Ethel
 booba ay nag host na din nang noon time show sa Q-tv 11 na sister
 station nang GMA 7 ang "My Show". Pati sa primetime ay naghost na din ito ang
 "Extra Challenge" kasama si Paole Bediones at ang "Jologs" kasama si
 Pekto at Rainier Castillio.
 Samantalang si K Brosas naman ay napasama na
 sa longest-running noon time show na "Eat Bulaga". Maging primetime ay
 naging host din siya. Naging segment host siya sa Bitoy's Funniest
 Video ang "Kikays" at "Alpha Kapal Muks". Tiyak na magdadagdag na saya,
 kwela, at ganda ang dalawang nag sesexihan na host. Tiyak aabangan ang
 dalawa sa pakikipagsabayan nila kay Pokwang na main stay host din nang
 Wowowee.

JoKer DeTor
Showbiz Top i-News
http://joemer.blogetery.com

May 29th, 2008 at 12:23 am
Posted by joemer in ABS-CBN, Juday
JUDY ANN, TAKOT MAWALAN NG PERA!
Written by Melchor Bautista

HINDI na nga bata si Judy Ann Santos, kaya marunong na siya ngayong manindigan para sa kanyang sarili, lalo na sa paggawa ng kanyang mga desisyon sa buhay. Lalo rin namang lumabas ang magandang pagbibigay-direksiyon ng aktres sa kanyang buhay nang dumating sa lovelife niya si Ryan Agoncillo na napakaganda ng impluwensiyang ibinibigay sa bunso ni Mommy Carol Santos.
May good karma sa buhay si Judy Ann, dahil hindi siya ang tipo ng tao na nananapak ng karapatan ng kapwa niya tao. Mas lamang pa nga dati na kapag inapi mo siya ay mananahimik na lang siya at iiyak sa isang tabi kung nasaktan siya. Pero ngayon, marunong na talaga siyang ipaglaban ang kanyang sarili.
Matiisin si Juday. Nalaman naming mayroong mga panahon na ang daming planong pelikula sa movie career niya at inasahan niya iyon. Ang malungkot, hindi natuloy ang nasabing maraming plano. Judy Ann Santos siyang sikat na sikat, pero ang totoo ay dinanas niyang matakot dahil wala na siyang pera. Pero siya ang artista na kahit wala nang pera ay hindi nagrereklamo, hindi nagsasalita, hindi ipinangangalandakan ang hirap na dinaraanan. Papaano mo nga naman kasing irerespeto sa showbiz ang isang sikat na artista, pero dumadaing na wala siyang pera?
Buhos ngayon ang suwerte kay Judy Ann. Napakarami niyang product endorsements, bukod pa riyan kung matutuloy ang marami niyang pelikula sa taong ito. Hindi rin mukhang pera Juday. Noong Eleksiyon 2007 ay inoperan siya ng milyones ng mayamang pulitiko na mahigpit na kalaban dati ni Governor Vilma Santos-Recto sa Lalawigan ng Batangas. Itataas lang ni Santos ang kamay ng nasabing pulitiko sa kampanya. Isa sa mga dahilan para hindi niya tanggapin ang nasabing alok, ay kung ano ang mararamdaman ni Ate Vi na kapwa niya taga-showbiz. Sa ganito niyang ugali, irerespeto mo ang isang Judy Ann Santos.


May 29th, 2008 at 12:17 am
Posted by joemer in ABS-CBN, Juday

HINTO NA LAHAT NG PROYEKTO NI JUDAI SA DOS???           
WALA NG BALITA sa sitcom na gagawin nina Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo sa ABS-CBN. Laging “next question please” ang sagot sa amin ng isang malapit sa dalawa, tuwing inuusisa namin kung magpu-push through pa ang nasabing project.
Nakipag-meeting na sina Judy Ann at Ryan sa management ng network tungkol dito, pero hindi na yata nasundan uli ang pag-uusap. Wala rin kinalaman ang pagkaantala ng project sa conflict ni Alfie Lorenzo kay Mr. Johnny Manahan, dahil hindi naman Star Magic talent ang actress.

Sana nga, inaayos lang mabuti ang sitcom na pagbibidahan ng dalawa at hindi kanselado, gaya ng aming naririnig, dahil siguradong dadagdag ito sa mainit na sitwasyon ngayon sa pagitan ng kampo ng actress at ng Ch. 2.
Wala na ring kaming naririnig sa Nurserye  ni Judy Ann, pero sabagay, sa last quarter pa ng taon naka-schedule ang airing nito. Kaya nga may time magbakasyon sa Europe ang actress, dahil walang inaalalang taping.


May 29th, 2008 at 12:11 am
Posted by joemer in ABS-CBN, Angel Locsin, LOBO, Piolo Pascual

MUNTIK nang magkaroon ng stampede sa The Block ng SM City dahil sa mga bida ng “Lobo” na sina Piolo Pascual at Angel Locsin. Ayaw talagang papigil ang mga fans nina Piolo at Angel para makalapit at  makamayan talaga sila.

Nakakabingi rin ang tilian ng mga tao sa dalawa. Nabanggit ni Angel na ang “Lobo” lang ang nag-iisang teleserye na gagawin niya ngayong taon dahil uumpisahan naman nila ni Piolo ang first team up nila sa pelikula under Star Cinema. Excited na si Angel dahil sa Australia sila magsho-shoot ni Piolo ng kanilang first movie. Bongga ‘di ba?


May 29th, 2008 at 12:09 am
Posted by joemer in ABS-CBN, Sarah Geronimo

NAKAKAIRITA ANG TATAY NI SARAH GERONIMO!
Nakakatuwang sinagot ni Sarah Geronimo na nati-tempt siyang magpa-surgical treatment kay Dra. Vicki Belo dahil sa maganda talaga ang mga nakikita niya sa Belo Medical Clinic kapag nagpapa-facial treatment siya. Kung may ipapaayos man daw siya kay Dra. Vicki ito ay ang pagpapa-pout ng kanyang lips. “Pero and’yan po ang parents ko para gabayan ako and kailangan maging kuntento rin, e,” sabi ni Sarah.

Speaking of parents, habang iniinterbyu namin si Sarah ay nakabantay din ang kanyang ama. Pinilit na lamang naming tapusin ang pakikipag-usap kay Sarah dahil medyo nakakairita na ang pinapakitang pagkainip ng tatay ni Sarah. Hanggang sa mga may humabol pa na tanong kay Sarah at doon nagdabog na talaga ang tatay niya sa pamamagitan ng pagpadyak ng mabigat sa stage na kinatatayuan namin at ng kanyang anak. Hmm…mukhang may attitude pa ang ama ni Sarah kesa sa kanya, huh! (Talaga? Feeling! Ay, ikababagsak ni Sarah ‘yan!-RCC)


May 29th, 2008 at 12:09 am
Posted by joemer in ABS-CBN, GMA, Gabby Concepcion, Richard Gutierrez
KAHIT 10 MILLION FOR RICHARD, DAHIL ‘DI WORTH SI GABBY KAHIT 5M LANG!
Written by Julie Bonifacio

Magkasunod na araw nagpa-presscon ang dalawang magkaribal at kontrobersyal na rin na whitening medicines, ang MET Tathione at ang tumatapat dito. Ang common issue sa kanila, sina Gabby Concepcion at Joebert Sucaldito. Ang MET ang ka-deal ng manunulat at host na si Jobert Sucaldito para kunin si Gabby na endorser, na nakuha naman ng tumatapat sa halagang P5 million. Nung nakausap naman namin ang taga-MET, madiin nilang sinabi na Gabby is not worth P5M.

Samantalang si Richard Gutierrez na pumirma na ng kontrata sa kanila last Wednesday, May 21, sa Annabel’s Restaurant is worth daw kahit P10M pa ang hingin sa kanila! Bukod kay Richard, naka-line-up din na mag-sign up sa MET ang sikat at magandang aktres sa mga susunod na buwan, kasunod ang pagsu-shoot ng TV commercial ng ad nila for Richard kasama ang sikat at magandang aktres.


May 28th, 2008 at 11:57 pm
Posted by joemer in ABS-CBN, Box Office, Sharon Cuneta

HAHAKOT NA NAMAN NG AWARD ANG MEGASTAR!
Buong showbiz ay sumuporta sa megastar Sharon Cuneta sa showing na pelikula nitang Caregiver ngayon. Marami umanong makaka-relate sa istoryang ito,lalo na sa mga kababayang  nagtatrabaho bilang caregiver sa ibang bansa para lamang kumita ng pera para sa pamilya na naiwan.

Marami ang nagsasabi na ito na naman daw ang maghahakot ng maraming parangal para sa megastar. Ngunit may ilang nagsasabing baka hindi raw ito maging blockbuster dahil kasabayan ang showing ng international movie na Indiana Jones. But I’m sure, marami ang manonood dahil minsan lang gaganap ang megastar ng ganitong klaseng role sa isang pelikulang gawa ng mahusay na direktor na si Chito Roño, under Star Cinema pa na kilala sa paggawa ng magagandang pelilkulang tumatabo sa takilya. ‘Yun na!


May 28th, 2008 at 11:53 pm
Posted by joemer in ABS-CBN
BERNARD PALANCA, WALANG WORKING VISA SA AUSTRALIA!
Written by Boy Abunda

Nagbalik ng bansa si Bernard Palanca, matapos ang walong buwang pamamalagi sa Melbourne, Australia. He left the country one month after his son Elijah was born last year. Sa kanyang muling pagbabalik sa Pilipinas ay marami ang nagtatanong if BJ (palayaw ni Bernard) will reconcile with former wife, Meryll Soriano, para muling mabuo ang kanilang pamilya.
Sa kanyang pamamalagi sa ibang bansa ay maraming hindi nasaksihan si BJ na mahahalagang pangyayari sa buhay ng kanyang anak, gaya ng unang pagtubo ng ngipin, unang paggapang, unang paglakad, at ang binyag ni Elijah. I’m sure BJ will try to make up for lost time.
Nagkuwento siya about his life in Australia. He auditioned for the HBO television drama series “The Pacific” which is a sequel to the award-winning war mini-series Band of Brothers. Sinubukan daw niyang mag-audition at suwerteng napili siya. Sayang at hindi ito natuloy dahil wala siyang working visa. Isa raw ito sa mga dahilan why he came back to the country. He wants to fix all the necessary documents para maging legal ang kanyang pagtratrabaho sa Australia. “I’m definitely going back to Melbourne,” he said.
I asked him why he wanted to leave the Philippines. BJ said he is not leaving the country. He is just moving on. BJ discovered himself in Australia. “Australia made me a better person,” he explained. But BJ said he will stay here as long as he can.
He also misses his son, kaya siya bumalik ng bansa. Masayang-masaya siya because he already saw Elijah. He was overjoyed nang makita ang kanyang anak on his first visit gaya raw ng kanyang naramdaman when Elijah was born.
Hindi rin maiiwasan na mapag-usapan si Meryll. Tinanong ko siya about his relationship with the actress. Ayon kay BJ, “We’re very okay. We had lunch together. We talked kung ano ang mga dapat kong gawin as a father.” When I asked him about a possible reconciliation BJ answered, “We’re better off as friends.” There was a rumor that Meryll allegedly has found a new guy. BJ said, “As long as she’s happy then it’s okay.” But then, hindi naman totoo ang balitang ito!


May 28th, 2008 at 11:51 pm
Posted by joemer in ABS-CBN, Box Office, GMA, KC Conception, Richard Gutierrez

KC, NAG-SHOOTING MAG-ISA!
Naghahanda na si direk Joyce Bernal para sa pag-alis nila nina Richard Gutierrez, KC Concepcion at production staff ng Star Cinema para sa shooting ng first team-up ng dalawa na may working title na “For The First Time,” sa Greece.  Ten days daw lamang silang magsu-shooting sa Santorini at Myconos at ang iba pa nilang shooting ay dito na gagawin. Naka-schedule ang first shooting day nila ng Wednesday, pero si KC daw lamang iyon at sa Tagaytay ang location nila.


May 28th, 2008 at 11:50 pm
Posted by joemer in ABS-CBN, Gerald Anderson, KIMERALD, Kim Chui, My Girl


“Bahala na po sila kung ano’ng gusto nilang isipin pero magkaibigan lang po talaga kami ni Gerald (Anderson). Kung binigyan niya man po ako ng pink car. (Ford Lynx na second-hand), birthday gift niya po ‘yun sa akin.

“Ibinigay niya po sa akin ‘yun at kilala ko po si Gerald, hindi naman po siya ‘yung type na may hinihinging kapalit kapag may ibinigay siya.

“Kaya wala naman po sigurong ibang ibig sabihin ‘yung kotseng ibinigay niya sa akin,” paliwanag ni Kim tungkol sa kanya ng ka-love team sa My Girl na si Gerald.

Aminado rin si Kim na hindi pa panahon para sa kanila ni Gerald na magkaroon ng relasyon, lalo pa raw ngayong dumarating ang magagandang oportunidad sa kanilang mga career.

“Dahan-dahan lang kasi nakakatakot din po ‘pag naging mabilis ang lahat. Kailangan din naming i-consider ang trabaho namin. Kasi ako ang breadwinner ng pamilya ko at ‘andito na ‘yung chance at magandang opportunity kaya dapat lang po na samantalahin.

“Saka mahirap din na magkarelasyon kayo dahil puwedeng maapektuhan ‘yung work ‘pag nag-aaway kayo, ‘di ba? Kaya okey na po ‘yung ganito na lang muna, friends na lang muna kami ni Gerald.

“‘Yung relasyon, wala pang ganu’n. Saka kung meron naman talaga, meron. Wala namang maitatago, e,” katwiran pa ni Kim.

Pero paano raw kung bahay na ang susunod na iregalo sa kanya ni Gerald, hindi pa rin daw ba niya sasagutin ang young actor?

“Naku, hindi po! Masyadong mahal, ‘no! Saka, sa pamilya na niya ibigay ‘yun ‘no!” tumatawang chika pa ni Kimmy.

Nagsimula na noong Lunes nang gabi ang bagong teleserye nila ni Gerald, ang My Girl at muli na namang inaaliw at pinasasaya ng magka-love team ang mga viewers ng Primetime Bida.

Halaw sa panulat ni Liza Endaya sa Diyaryong Bulgar


May 28th, 2008 at 11:48 pm
Posted by joemer in ABS-CBN, Angel Locsin, GMA, Marian Rivera

IPINAGTATAKA naman ng ABS-CBN staff kung bakit nada-drag ang pangalan ni Angel Locsin sa issue ng video clip ng diumano’y pagwawala ni Marian Rivera. Unfair nga naman ito for Angel na wala namang ginagawa at nagtatrabaho nang maayos.

“Ang stand lang ng ABS-CBN sa isyung ito, Angel has moved on. She’s happy right now, so, sana, ganu’n din sila,” say ng isang network insider.

Parang masyado na raw kasing OA na sa tuwing may issue kay Marian ay laging kabuntot ang pangalan ni Angel.
Sana raw ay tigilan na ang ganitong estilo dahil kawawa naman ang mga artistang nadadamay nang walang kamalay-malay.

Halaw sa panulat ni Vinia Vivar sa Diyaryong Bulgar


May 28th, 2008 at 11:47 pm
Posted by joemer in ABS-CBN, Christine Reyes
CRISTINE REYES, WALANG BREEDING!
Written by Julie Bonifacio

Nagulat si Ara Mina sa ikinuwento namin na inasal ng kanyang nakababatang kapatid na si Cristine Reyes sa amin at kasamahan din sa panulat dito sa Pinoy Parazzi na si Pilar Mateo. Nagpakita kasi ng kagaspangan ng pag-uugali sa amin si Cristine. Bigla ba naman kaming tinalikuran habang iniinterbyu namin siya ni Pilar, nang tanungin namin siya tungkol kay Meryll Soriano na anak ng TV host na si Willie Revillame na nali-link sa kanya. Pinipisil-pisil pa ni Pilar ang isang kamay ni Cristine, habang kausap namin siya nung una. Tapos ay bigla na lang niyang ipiniglas ang kanyang kamay na hawak ni Pilar na isa sa malapit na manunulat kay Ara at sa pamilya nila. Wala talagang ka-breeding-breeding ang babaing ito.
Kunsabagay, what do you expect? Sarili nga niyang kapatid na halos bumuhay sa kanya, eh, natitiis niyang bastus-bastusin at hindi kausapin, kami pa kaya? Tapos parati pang nali-link sa lalaking may asawa at mga anak na.
  Maiintidihan pa sana namin kung talagang sikat na itong si Cristine na mag-inarte ng ganun at magkaroon ng attitude. Ang kaso, hindi pa nga siya sumisikat laos na agad siya! Ewan na lang kung ano ang kasasadlakan ng teleserye niya na “Eva Fonda” sa ABS-CBN na  hindi pa man naipapalabas ay nauna ng lumaki ang ulo ng feeling sikat na si Cristine.


May 28th, 2008 at 11:43 pm
Posted by joemer in ABS-CBN, GMA, Heart Evangelista, jericho rosales

NI AYAW NANG MARINIG NI HEART ANG PANGALAN NI JERICHO!
One week o baka umabot pa ng two weeks sa bansa si Jericho Rosales, bago siya bumalik sa Malaysia, para ipagpatuloy ang taping ng soap na aabot pa ng dalawalang buwan. Pero, kahit nasa ‘Pinas, malabong magkita at magka-usap sila ng ex-girlfiriend niyang si Heart Evangelista.
Bukod sa nagpalit (na naman) ng SIM card si Heart, para hindi siya matawagan ng ayaw makausap, ayaw na raw talagang makita man lang ng actress ang ex-boyfriend. Sa kanyang career ang focus nito ngayon at ni ayaw marinig, kahit pangalan man lang ng actor at lalong no-questions about him. Pleaase!
Pagbalik ni Jericho sa Malaysia, ilu-launch niya ang kanyang Jericho Cologne at sa Kuala Lumpur lang naman ang launching. Hindi pa namin naitatanong kung magiging available rin sa ‘Pinas ang nasabing cologne na tiyak maghi-hit sa rami ng kanyang fans.
Habang narito, sana ma-interview si Jericho at tanungin kung totoo bang nagka-relasyon siya kay Brianna Evigan at ang Malaysian actress na kapareha niya sa soap. Mas maganda kung siya na mismo ang maglilinaw sa isyung pinagselosan daw ni Heart ang dalawang girls.


May 28th, 2008 at 11:39 pm
Posted by joemer in ABS-CBN, Sarah Geronimo
“AY, ‘DI PA BA MALAKI ANG BOOBS KO?!” –SARAH GERONIMO
Written by Nitz Miralles

‘KATUWA ang reaction ni Sarah Geronimo sa tanong ng press kung wala ba siyang balak magpa-breast enhancement? Humagikhik muna ito bago sumagot ng “Ay, ‘di pa ba malaki ang boobs ko? Hindi n’yo na-appreciate, may nilagay ako. Mas maganda ang natural, okey na sa akin ito,” at humagikhik uli.


Samantala, nagsimula na ang shooting ng movie nina Sarah at John Lloyd Cruz na co-production ng Star Cinema at Viva Films. Pinamagatan itong A Very Special Love, na isang romantic comedy movie.


May 28th, 2008 at 11:37 pm
Posted by joemer in ABS-CBN
HIRAP KUMANTA ANG ANAK NI GARY V!
Written by Archie de Calma

KUNG mayroon sigurong isang showbiz personality na nakaka-inspire sa amin, ito ay walang iba kundi si Gary Valenciano. Kaya nang mapanood namin ang kanyang concert, hindi lang ‘yung talentong mataas ang kalidad ang inaasahan namin, kundi ‘yung mismong production values at inspirasyong nakapaloob sa kabuuan ng palabas.
Nasabi nga ni Gary, thirty years na siyang nagsa-suffer sa sakit na diabetes at kung ano pa ang natitirang lakas at buhay na nasa kanya ngayon, ‘yun ay ang kapangyarihan na ng Diyos. Ang tipo ng diabetes ni Gary ay yaong nasa punto na ng pagiging dependent sa insulin at ito na lang ang halos bumubuhay sa kanya.


Tinapat na siya ng doktor noon na ang maximum life span na aabutin niya ay thirty years
lamang. Gary is already 43 years old, eksaktong tatlumpung taon na siyang may diabetes, pero tingnan ninyo, punumpuno pa rin siya ng lakas at kapag nagpe-perform ay tunay namang bigay na bigay.


Puro talented ang mga anak ni Gary, hindi nga lang nasa level ng professional, pero mga bata at mahahasa pa. Si Gabriel, in fairness, ay mahusay magsayaw, at ang nakakamangha ay nakasasabay pa si Gary rito. Si Keana naman ay may boses, pero kulang pa sa maturity. Si Paolo ay hirap sa pagkanta, lalo sa Beatles medly number nila ng kanyang ama. ‘Yun nga lang, bumawi ito sa pagiging simpatiko.


May 28th, 2008 at 11:35 pm
Posted by joemer in ABS-CBN, SCANDALS

Misis ni William Martinez, nahihiya lang umamin…BARON GEISLER, MARAMI PANG KAHALAYANG GINAWA KAY YAYO AGUILA BUKOD SA PAGHALIK SA LEEG


NAHIHIYA lang siguro si Yayo Aguila na idetalye ang mga ginawang hindi kagandahan sa kanya ni Baron Geisler nu’ng magkasama pa sila sa PBB house, ang sinabi lang niya ay ang panghahalik nito sa kanyang leeg, pero kung nabigyan ng pagkakataon ang aktres ay mas malalim pa siguro kesa ru’n ang kanyang ibubulgar.

Dugo at laman ni Yayo si Patrizcia na nagsampa ng kasong acts of lasciviousness laban kay Baron, natural lang na suportahan niya ito sa laban, pero bukod du’n ay nangingibabaw din ang pagkakilala niya kay Baron kapag lasing na ang aktor.

Alam na alam niya ‘yun, ilang buwan silang nagkasama minu-minuto, oras-oras, araw-araw sa Bahay ni Kuya. Alam niya ang kapasidad ni Baron kapag nakainum na, kaya anuman ang sabihin nito ngayon ay hindi paniniwalaan ni Yayo, parang nagsalita lang sa hangin si Baron sa kanyang mga paliwanag.

Isang bagay na ipinagpapasalamat ng marami ay naganap ang insidenteng ito na medyo may-edad na si William, kung nangyari ito dalawang dekada na ang nakararaan, siguradong nakatikim si Baron ng ayaw nitong matikman mula kay William.

Kontrolado na ngayon ni William ang kanyang emosyon, hindi na mabilis ang mga kamao nito, kaya masuwerte pa rin si Baron.

“Basta, anuman ang mangyari, we support Patrizcia. Kasama niya kami sa laban, we’re all here for her,” mariing pahayag ni Yayo Aguila.

Halaw sa panulat ni Cristy Fermin sa Diyaryong Bulga


May 28th, 2008 at 11:31 pm
Posted by joemer in ABS-CBN, Juday

MAUGONG na maugong na sa showbiz circle ang binabalak na pagpapakasal nina Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo although tikom ang bibig ng mga close friends ng mag-sweetheart.

May ilang malalapit kina Juday at Ryan na medyo nadudulas at nagpapahaging, and yet, walang tiyak na kumpirmasyon sa sinasabing big event sa buhay ng Drama Princess.

Maging si Ryan Agoncillo na kinulit ng crew ng ilang talk shows bago sila umalis ni Juday patungong Europe ay isang nakakaintrigang “no comment” lang ang iniwang pahayag sa media.

Isang buwan na mawawala sa ‘Pinas sina Juday at Ryan para sa kanilang European trip kasama ang kanilang ilang non-showbiz friends. Matagal nang pinlano ng mag-sweetheart ang bakasyong ito bilang reward sa kani-kanilang sarili.

After Ploning, talagang pinaglaanan ng panahon ni Juday ang matagal na niyang pangarap at inaasam-asam na European trip. And for sure, mas mai-enjoy niya at mas magiging memorable ang bakasyong ito kasama ang kanyang labs na si Ryan.

Sasamantalahin na nila ang pagkakataon na hindi sila parehong busy. May mga tsika naman na baka sa European trip na ito nina Juday at Ryan ay i-finalize na nila ang ilang detalye sa nalalapit nilang pagpapakasal this year.

Excited at natutuwa ang mga tagahanga ni Juday sa balitang pagpapakasal na ng kanilang idolo. It’s high time na raw para naman harapin ni Juday ang kanyang pansariling kaligayahan.

At mauunawaan nila kung magdesisyon na nga ang Drama Princess na lumagay sa tahimik ngayong natagpuan na niya si Mr. Right sa katauhan ni Ryan.

Well, kami man ay medyo nahiwagaan sa pahayag ni Juday nang minsang mag-guest sa programang Rated K ni Korina Sanchez. Sinabi nitong, “Sana’y tanggapin akong muli ng aking mga tagahanga sa aking pagbabalik.”

Agad itong sinundot at sinegundahan ni Korina na “Bakit talaga bang magpapakasal na kayo ni Ryan?”

Idinaan na lang sa tawa at biro ni Juday ang kanyang sagot at umiwas nang kumpirmahin ang balitang Nov. 5 na ang exact date ng plano nilang wedding.

Nang tanungin naman ang manager ni Juday na si Alfie Lorenzo tungkol sa bali-balitang wedding plans nina Juday at Ryan, sinabi nitong wala siyang alam tungkol dito. Wala pa raw binabanggit sa kanya si Juday at siguro raw, may bagay pang inaayos at kinokonsidera ang alaga niyang aktres bago magbigay ng final statement about the wedding.

May mga product endorsements kasi si Juday at maaaring maapektuhan ito kung magpapakasal siya na hindi pa tapos ang kontratang pinirmahan.

Halaw sa panulat ni Erlinda Rapadas T. sa Diyaryong Bulgar


May 28th, 2008 at 11:29 pm
Posted by joemer in ABS-CBN, Willie Revilliame

Kung si Roxanne Guinoo, nasampulan, si Mariel Rodriguez, nagmuntikan…LARA QUIGAMAN, TSINUGI DAHIL SELOSO SI WILLIE REVILLAME


Sa The Buzz last Sunday ay nagsalita na si Precious Lara Quigaman na ang dahilan ng pagkakatanggal niya bilang co-host sa Wowowee ay nagdala siya ng boyfriend sa show nila sa Hawaii.

Ani lara ay hindi naman daw niya alam na may ganitong rule na mabilis namang nilinaw ng host na si Boy Abunda na hindi ito company rule at marahil