The new face of pinoy entertainment
May 13th, 2008 at 5:32 am
Posted by joemer in ABS-CBN, Ai Ai Delas Alas

Ai Ai deals Alas

Ang Tanging Ina is back to make us roll in laughter this 2008. Five years after it was shown on the big screen, the powerhouse cast of the highest grossing locally made film in the country—until Sukob took the crown in 2006—reunited for a story conference last May 9 at the ABS-CBN compound. The cast and crew’s excitement was unmistakable as they listened to Direk Wenn Deramas’s initial rundown of the script for Ang Tanging Ina Ninyong Lahat. Set to return in the sequel are “siblings” Marvin Agustin, Carlo Aquino, Alwyn Uytingco, Marc Acueza, Shaina Magdayao, Serena Ai Ai deals AlasDalrymple, Jiro Manio, and Yuki Kadooka. Ai Ai de las Alas returns as the head of the comical family.

 

Fresh from reuniting with her co-stars, Ai Ai shared her elation with ABS-CBN.com, “Sobrang saya ko and hindi ko ma-explain yung nararamdaman ko. Sa totoong buhay, nung nakita ko yung mga anak ko, sina Carlo at sina Yuki, iba yung pakiramdam ko. Wow! Nandito nanaman sila.” This time, her character in the movie, Ina, will not only make ends meet for her brood but for the Philippines at large. “Dito sa Tanging Ina Ninyong Lahat, napakaraming (dapat abangan). Kasi para ako maging presidente, tapos yung mga anak ko may kanya-kanyang buhay nila. Napaka-exciting.”


May 10th, 2008 at 2:33 am
Posted by joemer in ABS-CBN, Ai Ai Delas Alas

TINIRA SI AIAI, KAYA KULANG SA SIGLA!

NANIBAGO KAMI KAY Ai-Ai delas Alas nung kausap namin dahil kulang ng sigla at kung ano ang tanong, ‘yun lang ang sinasagot. Wala ang side comments niyang nakakatawa at bumubuhay sa dugo ng kausap.
    Sumigla lang ng konti ang pakikipag-tsikahan sa kanya nang banggiting may “tinira” siya! Kung anong tira ‘yun, makikita ninyo na lang!
   Hindi naman ang pagka-shelved ng project niya sa ABS-CBN ang rason, dahil balita namin, may bago siyang TV show to be directed by Wenn Deramas at tila ang title ay Butengteng. Siguro, may iniisip lang ang hitad, kaya kulang sa sigla!


May 10th, 2008 at 1:56 am
Posted by joemer in ABS-CBN, Aga Mulach, Ai Ai Delas Alas, Angel Locsin, Angelica Panganiban, Anne Curtis, Bea Alonzo, Bianca Gonzales, Billy Crawford, Blind Items, Box Office, Christine Reyes, Claudine Barreto, Dennis Trillio, Diether Ocampo, Dingdong Dantes, Dino Imperial, GMA, Gabby Concepcion, Gerald Anderson, Gretchen Baretto, Heart Evangelista, Jake Cuenca, Jay-R, John Lloyd Cruz, John Pratts, Jon Avilla, Juday, KC Conception, KIMERALD, Kim Chui, Koreanovelas, Kris Aquino, Kristine Hermosa, LOBO, Maja Salvador, Marian Rivera, Mariel Rodriguez, NUTAM, Naruto, PBB, Piolo Pascual, Ratings, Richard Gutierrez, Ruffa Gutierrez, Ruffa Mae Quinto, Ryan Agoncillo, SCANDALS, Sam Concepcion, Sam Milby, Sarah Geronimo, Shaina Magdayao, Sharon Cuneta, Studs, Toni Gonzaga, Uncategorized, Willie Revilliame, jericho rosales, pokwang, rayver cruz, regine Velasquez

Okey na po ulit ang mga comment box namin… Pede na ulit kayong mag post nang comments nyo…. please post a comment on each article na mababasa nyo… para naman ganahan kami na mag post nang maraming news, para sa inyo… thankz!!!

saka survey lang gusto nyo bha magkaroon tayo nang Showbiz news na foreign??? send nyo lang sa sti_n23@yahoo.com kung gusto nyo… okey???


March 19th, 2008 at 2:03 am
Posted by joemer in Ai Ai Delas Alas

 Solosyon Ni Ai Ai Para Makasama Si Robin!!

 

May solusyon si Ai Ai delas Alas para sabay nilang ma-promote ni Robin Padilla ang pelikula nilang “Ikaw Pa Rin, Bongga Ka Boy” ng Viva Films. Dahil hindi siya papayagan ng ABS-CBN na mag-guest sa mga show ng GMA-7, ang actor na lang ang mag-guest sa Ch. 2.

Hindi exclusive ang contract ni Robin sa Ch. 7. Kapag hindi ginawa ni Robin ‘yun, magkakanya-kanya sila nang pagpo-promote ng kanilang pelikula. Pero aliw ‘yun, si Ai-Ai sa Dos at ang leading man ay sa Siyete.

“Action Star Killer” ang bagong title ni Ai-Ai, dahil bago si Robin, naka-partner na niya si Sen. Bong Revilla at makaka-pareha niya si former President Joseph Estrada. Kapag nagawa na niya ang movie nila ni Erap, saka na raw siya magko-comment kung sino sa tatlo ang pinaka-masarap humalik. As of today, mas masarap daw humalik si Robin at laplapan ang ginawa nila, samantalang kay Bong, smack lang at tip lang ng labi ang natikman niya.

Mangyari po lamang na magiwan po kayo nang inyong kumento, tungkol sa
 usaping ito. Dahil dito po sa SHOWBIZZ TOP i-NEWS, laging pananaw nyo
 lang po ang siyang laging mahalaga at importante para sa amin.
 
for your comments, suggestion or complains (regarding the site) you can
 e-mail us at STi_N23@yahoo.com
 
Maraming Maraming Salamat Po Sa Walang Sawa Nyong Pag Supporta Sa
 Amin!!!

March 19th, 2008 at 1:58 am
Posted by joemer in ABS-CBN, Ai Ai Delas Alas, GMA

 IKAW PA RIN: BONGGA KA BOY!— Ka-level na ni Ai Ai ang mga Superstar na naka-lovescene ni Robin!

  

Sharon Cuneta, Kris Aquino, Regine Velasquez, Judy Ann Santos, Claudine Barretto… Ai Ai de las Alas? Oo! Napahanay na nga si Ai Ai sa mga beteranang aktres na mga ito dahil mayroon silang something in common—ang pagiging leading lady ni Robin Padilla sa pelikula na “Ikaw Pa Rin” na ipapalabas na sa April, under Viva Films at sa direksiyon ni Wenn Deramas.

Nakakaintriga ang maraming detalye sa shooting, lalo na noong first day sa Vista Valley, Marikina City: Malalang kissing scene ng Comedy Concert Queen at ng Original Pinoy Bad Boy. Tumagal daw ng 11 takes, bago na-perfect ang kissing scene at naiwang basang-basa si Ai Ai. Sabi ni Direk Wenn, bukod sa kissing scene na ito, may mas pakaaabangan pang love scene nina Ai Ai at Binoe sa kotse na kakabugin ang ginawa nina Jack at Rose ng Titanic!

Gagampanan ni Ai Ai ang role ni Baby Holmes na isang beterinarya na sawi sa pag-ibig, matapos na makipaghiwalay sa kanyang jowa for 15 years. Nadiskubre niyang ginamit lang siya nito para mapagamot ng libre ang mga alaga nitong hayop. Hanggang magkrus ang landas nila ni Boy (Robin), Isang bumbero na sawi rin sa pag-ibig dahil iniwan naman ng girlfried para sa isang foreigner at iniwan pati ang anak nilang lalake sa kanyang pangangalaga.

Ang feeling ni Baby ay tumatanda na siya at nangangambang mawalan na ng tuluyan ng love life. Nang minsang nasa restaurant si Boy, kasama ang kanyang anak ay nabulunan ang kanyang unico hijo na sinagip naman ni Baby. Sa sobrang pasasalamat, pinangakuan siya ni Boy na gagawin ang lahat ng naisin niya. Kaya naman hiningan siya ni Baby ng anak. Na siyang kinagimbal ni Boy. Tumupad kaya sa pangako si Boy, considering na pinalaki siya ng ama na laging may pangaral tungkol sa word of honor? O maging matandang dalaga si Baby habangbuhay? ‘Yun ang ating aabangan!

Mangyari po lamang na magiwan po kayo nang inyong kumento, tungkol sa
 usaping ito. Dahil dito po sa SHOWBIZZ TOP i-NEWS, laging pananaw nyo
 lang po ang siyang laging mahalaga at importante para sa amin.
 
for your comments, suggestion or complains (regarding the site) you can
 e-mail us at STi_N23@yahoo.com
 
Maraming Maraming Salamat Po Sa Walang Sawa Nyong Pag Supporta Sa
 Amin!!!