
PARANG boksingerong hinamon ni Marian Rivera ang lalaking nakaengkuwentro niya sa isang kalat na kalat nang video ngayon, para maidepensa ang kanyang sarili sa isyu na karapatan niya naman ay ikinatwiran ng kampo ng aktres na binastos daw kasi siya ng lalaki, kaya napilitan lang siyang lumaban.
Rumesbak ang lalaki, sa halip na makipag-argumento kay Marian ay naglabas pa ito ng ibang video kung saan mas titingkad ang kamalditahan ng aktres, kasabay ang pagtatanong kung hindi ba maldita, suplada, butangera at palengkerang matatawag si Marian Rivera?
Nasa video ang paninigarilyo sa set ni Marian, hindi naman krimeng maituturing ang ganu’ng bisyo, pero pinakaiiwasan ng maraming artista ang makita silang humihithit-bumubuga ng usok ng mga tao sa isang pampublikong lugar.
Nandu’n din ang parang pagtataray ni Marian sa kanyang make-up artist, iniirapan niya ito, pati na paghampas niya sa kanyang alalay sa isang tagpo sa video.
Masyado nang nanganganib ang buhay at kapribaduhan ng mga personalidad ngayon dahil sa patuloy na pag-unlad ng teknolohiya. Wala na silang naitatago, nalalantad na sa publiko pati ang kanilang lihim, dahil sa pamamayagpag ng mga teleponong may video at camera.
Kung sinu-sino ang pinagbibintangan ngayon ng kampo ni Marian na nanlalaglag sa kanya, pati ang pangalan ng nananahimik na si Angel Locsin ay kinaladkad pa sa kuwento, bakit hindi sila magsaliksik nang husto kung kanino nanggaling ang mga ebidensiya ng pagmamaldita ng nakilala ng marami na mahinhin at tahimik na si Marian Rivera?
Kung sinu-sinong tao ang napagdududahan, pero naniniwala kaming mga tao mismong madalas na nakakasama ni Marian ang may pakana nito, sino ba naman kasi ang mag-iisip na katabi lang pala ng simbahan ang sugalan?
Halaw sa panulat ni Cristy Fermin sa kanyang column sa Diyaryong Bulgar
"Mas Nakilala Ako Nang Tao Nang Lumipat Ako" -- Angel Locsin Nang makapanayam namin ang napakaganda at napaka seksing si Angel Locsin sa kasagsagan nang Mall tour nila para sa pinag uusapang teleserye nang bansa ang "LOBO", ay tinanong namin siya kung ano nga ba ang susunod niyang proyekto, pagkatapos nang LOBO na magtatapos na sa July.
"Masayang masaya po ako sa mga proyekto na binibigay sa akin nang ABS-CBN. Pagkatapos po kasi nang LOBO ay pupunta kami ni Piolo, sa Australia para po i-shoot n namin ang kaunaunahan kong pelikula sa Star Cinema. Mejo matagal tagal na nga din po nang huli ako nagkapelikula. Tapos po nun sisimulan na din po yung susunod na teleserye, mejo confedential pa po yung mga detalye, kaya hindi pa po pedeng sabihin. Saka po nandito po talaga sa LOBO ang konsentrasyon muna namin." . Nang tanungin naman namin siya kung san nga ba siya mas sikat? Noong nasa GMA 7 pa siya? O ngaung nasa ABS-CBN na siya? Ang sagot niya ay "Mas nakilala po ako nang tao nang lumipat ako. Mas nagkaroon po ako nang growth at kita nyo naman po nakaka kanta at sayaw na ako, (referring sa mga production number nya sa ASAP) ha ha ha... Saka talaga pong nag improve ang pag arte ko. Talagang malaking tulong ang nagawa sa akin nang ABS,. Thankful po ako sa kanila." .
Nang tanungin namin tungkol sa mga tagahanga nya na hindi siya iniwan, at mas dumami pa dahil world wide napapanood ang LOBO. Ito ang kanya sagot "Naku, kulang po ang salitang salamat, sa mga taga supporta ko na talagang hindi ako iniwan, kahil po lumipat ako. At sa mga bago pong kapamilya na nagmahal sa akin at niyakap ako nang kanilang pagmamahal. Maraming maraming salamat po.". JoKer DeTor Showbiz Top i-News http://joemer.blogetery.com
SUGOD SHOOTING: Lobo: Patuloy na umiigting, kahit sinasabing ‘di nagri-rate!
By Jean Oli
Habang tumatagal, lalo pang gumaganda ang takbo ng kwento ng “Lobo” na pinangungunahan ng tambalang Piolo Pascual at Angel Locsin. Bawat eksena, nagkakaroon ng lalim, at nabibigyang linaw rin ang mga misteryong bumabalot sa bawat karakter ng kwento.
Ang “Lobo” nga ang katuparan ng matagal ng hinihintay ng mga manonood na pagtatambal nina Piolo at Angel. Kahit may pagka-risky noong simula na baka hindi ito tanggapin ng publiko, ibinigay pa rin ng buong staff at cast ang kanilang dedikasyon para lalo pang mapaganda ang mapapanood ng mga tao.
Kakaibang kwento nga naman ang hatid ng “Lobo,” kumpara sa ibang mga teleserye ngayon sa telebisyon. Kumpletong sangkap ito para sa mga manonood. May action, suspense, adventure, conspiracy at pag-ibig para sa pamilya at sa kapwa.
Nagsimula ang kwento sa pagkakaibigan nina Noah (Piolo) at Lyka (Angel) hanggang sa sila ay paghiwalayin ng tadhana. Nang muli silang nagkita, nagkahulugan sila ng loob. Lingid naman sa kaalaman nila na sila pala ay nagmula sa magkalabang mga angkan. Habang patuloy na tumitibay ang pagmamahalan ng dalawa, tila nagiging mapaglaro naman ang tadhana para sa kanila. Si Lyka ang napiling tagapagligtas ng kanilang angkan na tinatawag na Waya (mga taong- lobo) habang si Noah naman ay kabilang sa grupo ng Luna na tumutugis sa mga taong-lobo. Paano pa nga ba maipagpapatuloy ang isang pagmamahalang sa simula pa lamang ay punung-puno na ng mga sikreto, pagtatraydor, at sabwatan? Ngayong nag-propose na si Noah kay Lyka, matuloy pa kaya ang kanilang pag-iisang dibdib ngayon pa at patay na ang tumayong ama ni Noah na si Gen. Leon Cristobal at pinalabas na isang Waya ang pumaslang dito?
Pagdating naman sa pag-arte, kakaibang talento ang makikita mo sa mga artista nito. Mula sa pinakamaliit na role, ay talagang binigyang hustisya ng bawat artista ang karakter na kanilang ginagampanan. Ibang-ibang Angel rin ang makikita rito kumpara sa mga nauna na niyang ginawa. Kahit pa sabihin na hindi nagri-rate ang show, patuloy itong umiigting at patuloy pa rin itong sinusubaybayan bilang isang dekalidad na palabas.
MUNTIK nang magkaroon ng stampede sa The Block ng SM City dahil sa mga bida ng “Lobo” na sina Piolo Pascual at Angel Locsin. Ayaw talagang papigil ang mga fans nina Piolo at Angel para makalapit at makamayan talaga sila.
Nakakabingi rin ang tilian ng mga tao sa dalawa. Nabanggit ni Angel na ang “Lobo” lang ang nag-iisang teleserye na gagawin niya ngayong taon dahil uumpisahan naman nila ni Piolo ang first team up nila sa pelikula under Star Cinema. Excited na si Angel dahil sa Australia sila magsho-shoot ni Piolo ng kanilang first movie. Bongga ‘di ba?
IPINAGTATAKA naman ng ABS-CBN staff kung bakit nada-drag ang pangalan ni Angel Locsin sa issue ng video clip ng diumano’y pagwawala ni Marian Rivera. Unfair nga naman ito for Angel na wala namang ginagawa at nagtatrabaho nang maayos.
“Ang stand lang ng ABS-CBN sa isyung ito, Angel has moved on. She’s happy right now, so, sana, ganu’n din sila,” say ng isang network insider.
Parang masyado na raw kasing OA na sa tuwing may issue kay Marian ay laging kabuntot ang pangalan ni Angel.
Sana raw ay tigilan na ang ganitong estilo dahil kawawa naman ang mga artistang nadadamay nang walang kamalay-malay.
Halaw sa panulat ni Vinia Vivar sa Diyaryong Bulgar
Geoff strips for TV
After the highly-anticipated catwalk scene in Lobo, which had Geoff Eigenmann and Angel Locsin going down the runway wearing nothing more than skimpy swimsuits, viewers were definitely surprised—and pleased–to see a newly trim and buffer Geoff in his sexiest scene to date. This, the actor explains, is the result of one of his lifelong passions, boxing.
“I’ve been boxing since I was in high school but I stopped for a while. And then when I had a break after Hiram Na Mukha and Rounin finished, I decided to get back into it again. This time I trained more seriously. I did it almost everyday. I really enjoy boxing. Losing weight was just an added bonus,” he recalls.
This was a year and a half ago. Now, he’s 20 pounds lighter and a whole lot leaner. After being told about the runway scene, Geoff shrugged off any feelings of shyness at being practically undressed on TV. “Sinabi ko sa staff kung sigurado ba sila na gusto nilang gawin ko yun. Pakapalan nalang talaga ng mukha. Inisip ko trabaho yun. Okay lang naman,” he explains with a laugh.
Aside from boxing, Geoff also maintains his endurance by playing ultimate Frisbee every Sunday and regularly joins league tournaments. “I’ve been playing for about five years now. I used to play with my family. I’ve experienced playing for different teams already. I love running. It’s a fun game,” he admits. The actor also admits he has lessened the amount of rice and oily foods in his diet to keep his weight in check. “This is the leanest I’ve ever been in my life and I like how it feels,” he says with a smile.
The 23-year-old actor also says he gets along just fine with Lobo co-star Angel Locsin, who he has known for quite some time already. “I already met her na even way before kasi she and AJ, my brother, did a teen-oriented show together before in another network. My mother is also close to her. Angel’s always been nice to me and I’m happy working with her,” he adds. Of their recent kissing scene, Geoff says they both gave it a very professional approach. “When we found out we we’re going to do it. We didn’t even talk about it with each other. We just did the scene in one take. Ganun lang. Tapos na,” he says matter-of-factly.
| Angel Locsin is the ultimate Dream Girl |
In the May 2008 issue of Maxim Philippines, It Girl Angel Locsin talks about the qualities she looks for in her ideal guy, as well as her kick-ass car and other juicy secrets every hot-blooded male would want to know. When it comes to dream dates, the Lobo star says it doesn’t take much to make her happy. “For me, it doesn’t matter where you go or if it’s expensive. What matters is that the guy is extra sweet, sensitive, and attentive. Being a gentleman goes a long way,” Angel says in her Maxim interview.
Sexy image aside, Angel admits that just like any girl, she also dreams of settling down with a nice guy someday. She tells Maxim writer and managing editor Peejo Pilar how she sees herself many, many years from now. “Happily married with grandkids, a nice quiet life, and a bahay kubo sa tapat ng beach!” she admits. But as of the moment, the 23-year-old actress is enjoying a career high, especially with the good feedback she’s been getting from Lobo. “Hindi ako talaga pinupuri dati sa pag-a-acting ko. Pero lately may mga lumalapit na mga tao or yung mga nababasa ko sa internet na gusto nila yung scene na ginawa ko. Plus, I’m working with Piolo Pascual! It’s all very exciting,” she tells Maxim. Check out Angel and other hot cover girls at Maxim’s Hot 100 Party on May 29, 2008 at The AVenue Events Hall in MakatiCity. Every purchase of the May issue of Maxim from selected National Bookstores and Bufini stores comes with a free entrance ticket to the party. This is available for readers 18 years old and above only. |
RICHARD GUTIERREZ AT ANGEL LOCSIN, MAGSASAMA ULI!

SAYANG at hindi nagkita sina Angel Locsin at Richard Gutierrez kahapon sa presscon ng MET Tathione. Dumating ang young actress nang makaalis na ang huli pero hindi naman talaga magkasabay ang kanilang call time.
Si Richard ang bagong endorser ng MET habang si Angel naman ay kasalukuyan pa lang nililigawan ng kumpanya dahil gusto nilang pagsamahin ang dating magka-love team bilang pinakabagong product endorsers nila.
Hindi na namin inabutan si Richard sa presscon dahil may commitment pa itong dapat puntahan, pero ayon sa mga kasamahan sa hanapbuhay na naka-interview sa young actor ay bawal daw pag-usapan si KC Concepcion at pelikulang gagawin nila sa Star Cinema.
Nilinaw naman ng marketing director ng MET na hindi pumalit si Richard kay Gabby Concepcion na matatandaang nag-back out sa kanila at pumirma sa Lucida-DS na kalabang kumpanya.
Bago pa man daw nila inalok si Gabby ay matagal na silang may standing offer kay Richard, dangan nga lamang at parati raw itong busy kaya hindi natutuloy.
Hindi raw masama ang loob nila kay Gabby sa pagbaback-out sa kanila dahil marami naman daw artista na puwede nilang maging endorser.
Ang message na lang nila kay Gabby, “Sana maging happy siya dahil happy naman kami.”
Halaw sa panulat ni Vinia Vivar sa Diyaryong Bulgar
MGA TINATANGGIHAN NI ANGEL LOCSIN NA COMMERCIALS, SINASALO NI MARIAN RIVERA
Na-witness namin kung paanong nagkagulo, hindi magkamayaw sa saya at nagsisigawan ang mga fans sa excitement nang makita sina Piolo Pascual at Angel Locsin sa kanilang naging mall tour last Sunday sa The Block sa SM North.
Grabe ang suporta at pananabik ng mga tagahanga sa magka-love team na pinakaaabangan at sinusubaybayang Lobo ng ABS-CBN!
At kinikilig ang mga fans at nagtilian nang husto nang ipaalala ng host ng mall tour, ang komedyanang si Dang Cruz, ang naging eksena sa Lobo nang rumampa nang pagkaseksi-sexy sina Lyka at Noah.
Nangako naman sina Piolo at Angel na lalo pang kaabang-abang ang mga masasaksihan nating eksena sa Lobo sa nalalapit na pagtatapos nito ngayong July.
Talagang ibinubuhos daw nilang lahat ang kanilang makakaya para mapaganda at magustuhan ng mga followers ang kanilang teleserye.
Samantala, kung may nagke-claim man na dumarami ang commercials ngayon ni Marian Rivera, ‘yun ay dahil sa pagtanggi ni Angel sa ilan sa mga ‘yun, na dapat lang nilang ipagpasalamat.
Pero ang sigurado lang, tapos ang kontrata ni Angel sa anumang produkto niya at desisyon niya kung ayaw niyang i-renew. Basta ang sigurado, may kapalit ‘yun at hindi lang isa, take note!
Halaw sa panulat ni Liza Endaya sa Diyaryong Bulgar
Tinarayan ni Marian, fan ni Angel Locsin?
MAY nagpadala ng e-mail sa amin at pinangalanan nito ang lalakeng kumuha ng video sa set ng Dyesebel na siya rin ang nag-provoke kay Marian Rivera na magalit, na ngayon ay napapanood na sa YouTube.
Ayon sa nagpadala sa amin ng e-mail na may account name na jaguar_meets_joffrey ay kilala raw niya ang lalakeng ito dahil nakakasagutan daw niya ito sa isang website at panay raw ang panlalait nito kay Marian Rivera.
Napag-alaman pa namin na may isang fan daw si Angel Locsin na ‘yun din ang pangalan. Kaya sigurado ang aming source na ang lalaking kumuha ng video ni Marian at ang avid male fan ni Angel ay iisang tao lamang.
Kaya ‘yung nasusulat nga na baka na-frame up si Marian ng kung sinuman para makuha ang galit na reaction nito ay tila may bahid ng katotohanan.
Mukhang paraan daw ng male fan ni Angel na siraan si Marian dahil ito nga ang namamayagpag samantalang napag-iiwanan na nga ang kanyang idolo.
Well, hindi pa naman kumpirmado ang tsikang ito, at hindi pa tayo sure kung totoo ngang fan siya ni Angel, ‘no!
At siguro naman, kung fan talaga siya ni Angel, hindi rin papayagan ni Angel na ang avid fan niya ay mambastos ng ibang artista. I’m sure, si Angel ang unang-unang tututol na mambastos ang fan niya ng ibang artista.
Marian Rivera - Thankful Kay Angel Locsin!!!

Aminado si Marian Rivera, na isa sa mga dahilan, kung bakit siya
nakilala, ay dahil kay Angel Locsin. Ito ay dahil sa hindi nito, pagtangap sa
role na Marimar, at paglipat sa ABS-CBN. Dahil naging instant fame ang
natangap niya, mula sa mga kapuso fans. Sa lahat nang blessings at
endorsment na natatangap niya ngaun ay utang na loob niya ito kay Angel.
Mula po sa amin dito sa SHOWBIZZ TOP i-NEWS, ay walang takot po naming
sasabihin, pagkat ang sa amin lang ay, kahit nakilala si Marian Rivera,
ay hindi naman nabawasan ang kinang nang ningning ni Angel. Kahit
tanging sa primetime lamang ito nakikita, ay tiwala pa din naman ang mga
advertisers na nagtitiwala sa kanya. Dumami din ang naging endorsment ni
Angel. Samantalang si Marian naman, ay nagkaroon nang mga commercials,
at pinagkatiwalaan siya nang mga kumpanya, para i-endorso ang kanilang
produkto.
Gabby’s Four Girls On His Four Films On Star Cinema!!!

Nakatakdang gumawa nang apat na pelikula si Gabby sa Star Cinema.Napag
alaman namin na sa unang pelikula pala na gagawin nang 1980’s Hearthrob
na si Gabby Concepcion, ay love story ang concepto. Makakasama niya
dito ang isa sa mga reyna nang ABS-CBN na si Claudine Baretto. Ang
susunod naman ay family oriented story, na pagbibidahan niya at nang kanyang
anak na si KC Concepcion. Ang ikatlo naman niyang proyekto ay ang muli
nilang pagtatambal nang kanyang dating asawa na si megastar Sharon
Cuneta (tentative lang kung papayag si Sharon. Kung hindi pumayag ay baka
kay Juday i-alok, ang naturang proyekto ). Ang ikaapat naman ay
pagbibidahan niya at ni Angel Locsin. Balitang love story din ito na may halong
comedy, parang May-December affair ang tema.
Mula po sa amin dito sa SHOWBIZZ TOP i-NEWS, ay walang takot po namin
sasabihin, pagkat ang sa amin lang ay exciting ang mga proyektong
gagawin ni mr. Gabby Concepcion. Mukhang real comeback, talaga ang
mangyayari. Wish lang namin, na sana bumalik ang ningning niya gaya noong binata
pa siya. We heard na may teleserye pa siyang ginagawa. July ang start
nang airing nito sa PRIMETIME BIDA ng ABS-CBN.
STi-N Sexiest Female In The Philippines!!!
Gumawa kami nang survey, mula sa Luzon, Visayas at Mindanao. 352 katao
mula sa Mindanao, 356 katao mula naman sa Visayas at 496 katao naman
mula sa Luzon. Nagbigay sila nang top 5 sexiest female nila. Pagkatapos
ay tinally namin ang boto nila at ito ang lumabas.
20. Dina Bonivie
19. Riza Santos
18. Paulene Luna
17. Michelle Madrigal
16. Valerie Concepcion
15. Mariel Rodriguez
14. Ruffa Mae Quinto
13. Roxanne Guinoo
12. Luningning (ASF Dancer)
11. Angelika Panganiban
10. Bangs Garcia
9. Ehra Madrigal
8. Kristine Hermosa
7. Marian Rivera
6. Christine Reyes
5. Bea Alonzo
4. Anne Curtis
3. Katrina Halili
2. KC Concepcion
1. Angel Locsin

Being a celebrity is not as glamorous as most people would like to believe. When ABS-CBN.com visited the House of Elle set of Lobo last April 9, Angel Locsin and Dimples Romana were taping their scenes under the scorching summer sun. But as uncomfortable they may have been working in scorching temperatures, they had ready smiles and hellos as the ABS-CBN.com crew arrived.
It was already 2:30 pm when Angel finally had her lunch together with Direk Cathy Garcia-Molina and the rest of the crew. It was very much like how any average family would eat their meals: lots of kwentuhan and kulitan amongst them. But Angel ate quickly to accommodate an interview before they had to resume taping. Despite her tiring shoot, Angel managed to relax while sharing her thoughts on Lobo, love, and, life.

Around 4:30 pm, they shot the scene where Lyka confronts Trixie about her role as Lyka’s warden (aired last April 11) at House of Elle’s rooftop. Direk Cathy’s drive for perfection and precision was very much evident. Every now and then she would shout comments or give directives to improve the scene. “Hindi ko gusto ang energy,” she would say to change the ambiance of the scene. To get exactly what she wanted of actress Dimples Romana, she said, “Ipakita mo yung light na Trixie pero nasaktan: ‘Di lang dahil kaibigan mo ko kaya naging close ako sa ‘yo… Higit pa ko sa kaibigan mo, ako ang tagapagbantay mo.’” At other times, Direk Cathy would make sure that the lines were delivered accurately.
Blocking the shots proved to be another challenge. This was evident during Zoe’s (Lauren Young) confrontation with Lyka at the same location. Markers were placed on the ground, but the actors who were so absorbed in their roles would lose their blocking from time to time. Artistic distractions like Zoe’s hair falling on her face were also fixed for cleaner shots. No doubt about it: Direk Cathy would never compromise production value just to be over and done with the taping.
Most of them had been working non-stop since 5 am, but none of them aired any complaints. The Lobo cast and crew were even energetic enough to gamely pose for some photos in between shoots. Even as the ABS-CBN.com crew was done for the day and ready to head home, the Lobo team were still at it, working hard to perfect each scene. For them the work day wasn’t quite over yet.
May 10th, 2008 at 2:49 am
Sino ang Commercial Queen???
NAPANSIN naming iilang artista na lang ang kinukuha para mag-endorso ng produkto. The same faces ang napapanood namin sa telebisyon, nakikita sa billboard, at sa print ad, naiiba lang sa produktong inilalapit nila sa consumers para bilhin.
May pinaka-maraming endorsements ngayon sina Sharon Cuneta, Kris Aquino, Angel Locsin, KC Concepcion at Judy Ann Santos. Minsan, sa isang commercial gap, puro endorsements nila ang pinalalabas, nakakaloka!
Si Judy Ann, ratsada sa iba’t ibang product endorsements and there was a week na dalawa ang inil-launch niyang TVC o TV commercial at sabi ni Alfie Lorenzo, marami pa ang darating.
Of course, hindi nagpapatalo sina Sharon at Kris na magugulat ka na lang at may bago kang mapapanood na TVC. So, sa palagay ninyo, sino ang bagong TV Commercial Queen?
MARIAN, SINISIRA SI ANGEL!
DISMAYADO, SIYEMPRE, ANG mga tagahanga ng tambalang Angel Locsin at Piolo Pascual dahil sa pagsasama sa isang ad nina Piolo Pascual at Marian Rivera para sa isang spa. Hindi raw kasi nila maintindihan na bini-build up nang husto ang pagsasama ng dalawa sa “Lobo” ng ABS-CBN, and yet, mukhang maraming mga endorsement na magkasama sina Piolo at Marian ang magaganap in the days to come.
Ang tanong lang naman nila eh, kung sino ang nag-desisyon noon? Kahit na ipaliwanag mo sa kanila na trabaho naman ‘yon at syempre, ang kumuha sa kanila as endorsers ang masusunod, hindi pa rin malumbinse ang mga ito na usapang professional na ito. Mukhang ang girian sa pagitan nina Angel at Marian eh, matatawag na invisible.
May nagkukuwento sa amin na in two months time, isang ini-endorse na kasuotan ni Angel ang kay Marian na raw mapupunta. At kahit na pinabubulaanan daw ito ng mismong manager ni Angel, ang kausap naman daw ng aking source eh, ang mismong may-ari sikat na tatak ng isang jeans.
Some people are really out to topple Angel down. On a wing and prayer, sino nga ba ang tunay na sasagip sa kanya?
Ginagawa ni Angel ang lahat ng makabubuti sa kanya at sa trabaho niya. Pero mukhang may mga puwersang really trying to clip her wings so she won’t be able to fly high.
MARIAN, TAGASALO LANG NG MGA TINATANGGIHAN NI ANGEL!
TAGASALO lang si Marian Rivera ng mga tinatanggihang endorsements at iba pang proyektong iniaalok kay Angel Locsin! Sa sobrang busy kasi ni Angel at mapili sa mga iniindorso, tanggap naman nang tanggap si Marian kahit hindi naman niya talaga pinaniniwalaan ‘yung produkto! Akala ninyo, kinukuha si Marian dahil sikat siya? Hindi, ‘no! Dahil tinanggihan lang lahat ‘yun ni Angel, sa kanya na nga lang napupunta! Okey naman yun. At least, tuloy ang trtabaho niya, kumikita siya at feeling sikat na sikat na nga siya. Sumikat lang naman si Marian dahil una pa man ay tagasalo na siya ng lahat-lahat ng iniwan ni Angel sa Siete! O, ‘di ba? Sige nga, magsalita nga kayo! Naku, tigilan ako, ‘no!
Okey na po ulit ang mga comment box namin… Pede na ulit kayong mag post nang comments nyo…. please post a comment on each article na mababasa nyo… para naman ganahan kami na mag post nang maraming news, para sa inyo… thankz!!!
saka survey lang gusto nyo bha magkaroon tayo nang Showbiz news na foreign??? send nyo lang sa sti_n23@yahoo.com kung gusto nyo… okey???
Angel Locsin - The Hottest in the Land

I just got my copy of this month’s Maxim with Lobo star Angel Locsin on the cover. I love this job! A lot of freebies! Yahoo! Hey, FHM where’s my latest copy?
I will have it signed by Angel soon hahahaha
F: I thought Marian Rivera is the hottest star in the land
D: Well not for Maxim because its ABS CBN owned hehehehe gets?!?!?! I’m actually waiting for Marian to pose for FHM wearing her tail…TOPLESS!!!
See this mag that we just made… pantapan lang kay marian…

Si Angel Locsin sa Maxim Magazine
Walang reklamo na maririnig mula sa ABS-CBN 2 laban sa kanilang Prime time Kapamilya Princess na si Angel Locsin. Masaya ang Kapamilya sa performance na ipinapakita ni Angel sa Lobo at ganoon din sa dami ng commercial loads ng naturang programa.
True nga kaya na mas marami pa ring commercial loads ang Lobo kesa sa Dyesebel ni Marian Rivera?
Actually, kahit naman si Angel ay nagpapasalamat sa magandang treatment sa kanya ng bago niyang tahanan.
Buong-ningning niyang pahayag, wala siyang anumang pagsisisi sa kanyang ginawang desisyon at happy siya kung saanman siya nakapuwesto ngayon.
“Ramdam ko naman na inaalagaan nila ako nang maigi rito at natutuwa ako sa mga projects na naka-line-up sa akin. Tinutulungan talaga nila ako na mag-improve pa bilang artista,” sambit niya.
By the way, cover si Angel ng Maxim para sa buwan ng Mayo. At first time niyang nag-pose nang naka-two-piece para sa men’s magazine.
Talbog!
Halaw sa Diyaryong Bulgar, mula sa panulat ni Roldan Castro
ANGEL AND LUIS, SWEETER THAN EVER
Angel Locsin and Luis Manzano do not admit that they’re a couple but as they say, action speaks louder than words.
Diba recently they went to an out of the country trip with Luis shelling out moolah for Angel’s airfare. Nope, they didn’t sleep in the same room but are in the same hotel lang daw… naughty naughty you!
Anyway, we are happy for Angel whose lovelife has always been controversial. After the death of her boyfriend Miko Sotto, she denied and denied (vehemently at one point I remember, even calling the issue “cheap” and disrespectful of her) and then finally admitted that she and her ex’s cousin Oyo Boy Sotto are an item.
She went out on a few dates with some more men, Richard Gutierrez in particular but nothing came out of it.
But now, it seems that she and Luis have found each other. It should be remembered too that Luis chased after this girl and that (from Anne Curtis to Toni Gonzaga to Mariel Rodriguez) but nothing came of it.
Well at least I hope that they would last because they look good together. Angel is one of the nicest girls I’ve known while Luis is such a sweet person.
KC Concepcion on being compared to Angel Locsin: “Sino naman po ako para i-compare sa kanya?”

Nag-react si KC Concepcion dahil lagi silang pinagkukumpara ni Angel Locsin. Mas iinit daw ito dahil si Richard Gutierrez, na dating leading man ni Angel, ang hinuhulaang makakatambal ni KC sa unang pelikula na gagawin niya sa Star Cinema simula ngayong third week of May. Intriga tuloy ng iba, lahat na lang daw ba ay aagawin ni KC kay Angel?
“Ha? Ano po yun? Parang ang dami-daming girls para i-set out yung dalawa lang. Bakit hindi po si Anne [Curtis] at si Angel?” balik-tanong ni KC nang makapanayam siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa kanyang contract signing para sa three-picture deal niya sa Star Cinema last Wednesday, April 30, sa 14th floor ng ELJ Bldg. sa ABS-CBN.
Ipinaliwanag kay KC na ang scenario ay hinuhulaang si Angel ang magiging prinsesa ng ABS-CBN nang lumipat ito from GMA-7. Pero naudlot daw ito dahil sa pagdating ni KC sa Kapamilya network.
“Mas marami naman pong experience si Angel,” sabi ni KC. “Sino naman po ako para i-compare sa kanya? Angel Locsin na po siya nung pumasok ako. Actually, parang I have a lot of catching up to do pa po compared sa mga credentials niya.”
“The feeling is mutual,” sambit naman ng dalagang anak nina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion sa sinabi ni Angel na fan siya nito. “Dati ko pa po naman neme-mention ang pangalan niya sa mga artistang napapanood ko. Nagkita kami sa Cebu, nagkausap kami sa eroplano na parang pinagtagpo kami ni God. At ang bait niya.”
BILLY CRAWFORD. Tinanong din namin si KC kung okey na sila ng na-link din sa kanya noon na si Billy Crawford. Nabalita kasi noon na nainis si KC kay Billy dahil sinabi ng binata na “good kisser” si KC sa isang radio show.
“Di ba, Kapamilya na siya?” tanong ng dalaga.
Sinabi ng PEP kay KC na magiging host si Billy ng Pinoy Dream Academy Season 2 ng ABS-CBN.
“Bagay sa kanya! Yun lang comment ko,” bulalas niya, sabay tawa.
“Wala na ako masabi!” tawa niya ulit.
Gusto kaya niyang makasama si Billy sa isang show?
“Saan naman kami magwo-work?” mabilis na sagot ni KC.
May nagsabi na pareho silang magaling sumayaw. Puwede silang maging bagong Nida Blanca at Nestor de Villa.
“It could be okay for me,” aniya.
Biro namin, parang pilit ang sagot niya.
“Hindi!” natatawang sabi ni KC. “Hindi ko lang kasi ma-imagine kung anong klaseng project. Parang magge-guest ako sa PDA?”
Umalis ngayong araw, May 1, si KC papuntang Paris at one week siyang mag-stay roon. Gusto raw muna niyang mag-unwind at mag-relax bago niya simulan ang kanyang first movie. Hindi nga raw niya mapapanood bukas, May 2, ang balik-acting ng kanyang ama na si Gabby Concepcion sa Maalaala Mo Kaya. Pero titingnan daw niya ito pag na-upload na sa YouTube.
TOTOONG ANGEL LOCSIN LUMABAS PA RIN!
Maligayang-maligaya si Angel Locsin dahil sa halip na ipagdiwang nang bongga at birthday niya ay nagtungo na lang siya sa Good Shepherd Parish sa Regalado, Fairview, Quezon City nitong April 20, 2008.
Anim na raang pamilya ang pinakain nila sa tulong ng kanyang mga sponsors at masaya ang mga tao dahil bihira nga naman ang mga ta-artits na nakikihalubilo sa kanilang mga nagdarahop.
Ang unang ginawa ng bida ng Lobo ay nagtungo muna siya sa Payatas Area na naka-disguise. Kuwela ba? Nagsuot siya ng pustiso para dehins makilala ng mga miron pero nakilala rin naman. Inalam niya kung sinu-sino ang mga dapat mabiyayaan ng kanyang kaunting tulong na donasyon bilang regalo niya sa kaarawan niya para sa kanila.
Dehins kuno maunawaan ni Kris Aquino kung bakit daw sinabi ni Angel na, “Sila ang nagpapaligaya sa akin sa halip na ako ang nagpaligaya sa kanila.”
Kasama ni AngelBabes sa pakikihalubilo sa mga taga-Payatas ang super friend niyang si Valerie Concepcion, si Joross Gamboa at ang kanyang inang si Aling Lea at amang si Mang Anghel. Pero alaws doon ang kanyang karelasyong si Luis Manzano. Bad trip, huh!
Halaw sa panulat ni Benjie Felipe sa kanyang column sa Diyaryong Bulgar
Angel-Piolo Movie Facing Major Obstacle
Angel Locsin confirmed that her first movie under Star Cinema is in the works and her first leading man is no other than her Lobo partner Piolo Pascual. But the sky is gray for the Angel-Piolo tandem on the silverscreen.
Regal Films executive Roselle Monteverde-Teo, daughter of Mother Lily Monteverde, has this to say with the upcoming Angel-Piolo movie:
“Gawin na muna nila at tingnan natin. You have to commit the crime first, before you can do anything.”
Here’s the sitch: Angel Locsin has an existing contract with Regal Films. According to the contract, Angel needs to finish 2 or 3 movies before she can move with other film outfits. And the statement of Roselle Monteverde-Teo sounds like a threat that Regal will file a case against her if she “commit the crime.”
Mangyari po lamang na magiwan po kayo nang inyong kumento, tungkol sa
usaping ito. Dahil dito po sa SHOWBIZZ TOP i-NEWS, laging pananaw nyo
lang po ang siyang laging mahalaga at importante para sa amin.
for your comments, suggestion or complains (regarding the site) you can
e-mail us at
April 28th, 2008 at 12:20 am
Pinaka-memorable b-day ni Angel sa Kapamilya lang

Sa birthday presscon kahapon na ibinigay ng ABS-CBN para kay Angel Locsin ay abut-abot ang pasasalamat ng aktres sa buong pamunuan ng network dahil sa napakagandang treatment at pag-aalaga na ibinibigay sa kanya.
Angel celebrated her 23rd birthday last April 23 at ito ang unang kaarawan niya sa Kapamilya network. Ito na rin yata ang pinaka-memorable b-day niya dahil sa rami ng selebrasyon.
Last Sunday ay binigyan siya ng birthday celebration sa ASAP 08. Pagkatapos nito ay dumiretso naman siya sa Payatas for another celebration at ito ay ang pamamahagi niya ng kanyang blessings sa mga kapuspalad na kabataan.
Inabutan naman siya ng kanyang kaarawan sa taping ng Lobo kung saan ay isang sorpresang asalto ang ibinigay sa kanya ng buong staff at co-stars niya.
Kahapon naman ang celebration niya with the entertainment press sa kanyang birthday presscon kung saan ay nagpa-raffle pa ang aktres ng cash prizes.
Dahil magkasunod ang birthday ni Angel at rumored boyfriend na si Luis Manzano (April 21), naitanong sa young actress kung nagkaroon ba sila ng time na mag-celebrate ng sila lang.
“Kasi nung b-day niya, kinulong siya sa PBB (Teen Edition Plus) kung saan ay isa sa hosts si Luis) kaya hindi kami nagkita. Tapos ako naman, nasa Tanay, may taping. And nung b-day ko mismo, nasa Avon ako may trabaho ako, so wala talaga akong celebration. Ang pinaka-celebration ko lang ‘yung sa Payatas saka, eto po.”
Pero pinadalhan naman daw siya ni Luis ng flowers at ang b-day gift naman niya sa aktor ay director’s chair na magagamit nito sa taping.
Naitanong din kay Angel kung binigyan ba siya ng b-day gift ni Gov. Vilma Santos since last Christmas ay hindi siya nakalimutang regaluhan ng nanay ni Luis.
“Ay, wala po. Nasa States po yata sila ngayon,” sagot naman ni Angel.
Nabalitaan na rin ni Angel na yumao na ang lola ni Luis na mother ni Edu Manzano at anang young actress ay nakikiramay siya pero nahihiya raw siyang pumunta dahil alam niyang family affair iyon.
Naitanong din kay Angel kung binati siya ng ex-boyfriend niyang si Oyo Sotto noong kaarawan niya at say ng aktres, oo naman daw.
“Pero siyempre, medyo nagbago na rin ‘yung ano. Dati kasi parang utol-utol kami, parang medyo nagbago na, hindi na rin kami nagkakausap pero siyempre, ganu’n pa rin ang respeto namin sa isa’t isa. Siguro ganu’n lang talaga ‘yun pag wala na.”
Anyway, sa July pa matatapos ang Lobo teleserye nina Angel at Piolo Pascual at soon ay uumpisahan na raw nila ang movie nila sa Star Cinema kung saan ay sila pa rin ang magkapareha.
Dahil dito ay hindi naiwasang maitanong din sa young actress ang problema niya sa Regal Films at aniya, ang Star Cinema raw at si Mother Lily na ang nag-uusap tungkol dito.
“Sa kontrata, wala naman talagang problema at nag-uusap naman po ang Star Cinema at si Mother Lily (Monteverde). Si Mother, mahal ko. Tanggalin na natin ang kontrata, sa lahat ng naitulong sa akin ni Mother, sa lahat ng kabutihang ipinakita niya, kahit walang bayad, kahit walang kontrata, willing akong gumawa ng pelikula sa kanya,” pahayag pa ng aktres.
Mangyari po lamang na magiwan po kayo nang inyong kumento, tungkol sa usaping ito. Dahil dito po sa SHOWBIZZ TOP i-NEWS, laging pananaw nyo lang po ang siyang laging mahalaga at importante para sa amin. for your comments, suggestion or complains (regarding the site) you can e-mail us at STi_N23@yahoo.com Maraming Maraming Salamat Po Sa Walang Sawa Nyong Pag Supporta Sa Amin!!!
Angel: ‘Luis not bothered by my kissing scenes with Piolo’
ABS-CBN star Angel Locsin said rumored boyfriend Luis Manzano is not bothered at all by her kissing scenes and her work as an actress.
“Never siyang nakialam, at sa tingin ko, wala ding dapat pakiaalaman. Ginagawa po namin ‘yung work namin,” Locsin told members of entertainment media during her post-birthday celebration with the members of entertainment media Sunday noon at Restaurant 9501 inside the network’s compound in Quezon City.
The actress statement was rooted from reports that Manzano raised concerns because of Locsin’s kissing scenes with onscreen partner Piolo Pascual for the television series “Lobo.”
“Kung dumadami po ang kissing scene ay sa dahilang kailangan sa istorya,” Locsin said.
Locsin said she’s willing to do the kissing scenes with her leading man if it means making the series better. She added that if she feels the story calls for a kissing scene, she’ll do it even if their director doesn’t ask for it.
And since their rumored relationship has become a hot topic, she said she’s willing to face the media with the video jock and actor to shed light on issues once and for all.
Locsin, who turned 23 on April 23, also shared her blessings with the members of entertainment media during her post-birthday bash . Through a raffle, she gave P5,000 each to five entertainment reporters and P10,000 each to five lucky winners.
The actress also celebrated her birthday with 600 poor people at Payatas in Quezon City last week.
Birthday wishes
Birthdays, of course, are not complete without wishes.
For this year, Locsin said she wishes for three things to happen. These are : an end to the network wars, a cure for her dad’s cataract, and peace of mind.
Locsin said she believes the feud between the country’s two leading TV networks is not helping the industry.
She is also optimistic that a cure will be discovered for her father’s eye condition.
And for her third wish, Locsin believes that she can still have a private life despite being a public figure.
Angel is Angelica Colmenares in real life. She was born on April 23, 1985. She started as teen star in ABS-CBN then moved to GMA-7. She rose to prominence after doing the TV series “Mulawin” and “Darna.”
After her contract expired with the rival network, she signed an exclusive contract in ABS-CBN in a major career move.
Locsin is now busy taping her series “Lobo” with Piolo Pascual.
Mangyari po lamang na magiwan po kayo nang inyong kumento, tungkol sa usaping ito. Dahil dito po sa SHOWBIZZ TOP i-NEWS, laging pananaw nyo lang po ang siyang laging mahalaga at importante para sa amin. for your comments, suggestion or complains (regarding the site) you can e-mail us at STi_N23@yahoo.com Maraming Maraming Salamat Po Sa Walang Sawa Nyong Pag Supporta Sa Amin!!!
| Angel’s wishes |
|
Angel shares that the feud among television networks is anything but helpful for the industry, she said. “Kailangan magtulungan para mapaganda ang industriya,” she explained. The female star of the top-rating series, Lobo has also been very vocal in saying that one of her main objectives for entering show biz is to save money and seek medical treatment for her father’s diminishing eyesight. Unfortunately, recent science has not yet come up with medication to address her dad’s ailment. But the beautiful actress has not given up hope. Sh Angel celebrated her birthday with 600 poor people of Payatas in Quezon City last week. With the help of her sponsors, Angel was very happy to able to make hundreds smile even for a while. “Happiness sa akin yun. Iba ang feeling kapag nakakapagpasaya ng tao. Pagpapasalamat ito sa lahat ng blessings na natatanggap ko.” |
Mangyari po lamang na magiwan po kayo nang inyong kumento, tungkol sa usaping ito. Dahil dito po sa SHOWBIZZ TOP i-NEWS, laging pananaw nyo lang po ang siyang laging mahalaga at importante para sa amin. for your comments, suggestion or complains (regarding the site) you can e-mail us at STi_N23@yahoo.com Maraming Maraming Salamat Po Sa Walang Sawa Nyong Pag Supporta Sa Amin!!!
Angel Locsin , Maxim Magazine May 2008 Cover Girl
After her Cosmopolitan Magazine stint,Angel Locsin is the latest magazine covergirl for Maxim Philippines! She just finished her pictorial for the said magazine where Angel Locsin is the most requested girl to grace the cover as per Pierre Calasanz, editor-in-chief of Maxim Philippines. Angel will turn 23 and she treated 300 kids to Mcdonald’s to celebrate it.
Angel Locsin Infos:
Angelica Colmenares on April 23, 1985), is a television and film actress, commercial model, film producer and fashion designer in the Philippines who was introduced in GMA Network’s youth-oriented program, Click. Locsin rose to prominence after being cast as one of the lead stars in the fantasy-themed television series Mulawin in 2004. Soon after, she starred as the superheroine Darna in the TV adaptation of the popular Mars Ravelo comics hit. When her contract expired last March 2007, Angel did not renew her contract to her mother studio, GMA Network and signed an exclusive contract in ABS-CBN despite her booming career in GMA. According to her its just a career move. She is now the lead star in Lobo where she paired to Piolo Pascual
Angel Locsin very satisfied with her work in “Lobo”

Ilang buwan pagkatapos lumipat ni Angel sa ABS-CBN, marami ang nagsasabi na hindi siya nagkamali sa kanyang desisyon. Sa pamamagitan daw kasi ng teleserye niyang Lobo ay napansin ang lalim ng kanyang pag-arte.
“Thank you. Hindi ako magpapaka-humble kasi tina-try ko talaga ang best ko. So masasabi ko, happy talaga ako sa mga nangyayari. Hindi ko magagawa yun kung wala sila Direk Eric [Reyes] and Direk Cathy [Garcia-Molina] kasi naniniwala ako na kahit na anong galing ng isang artista, ‘pag pinabayaan siya ng direktor, ‘pag di magaling yung direktor, walang mangyayari talaga.
“Siyempre, kasama dun yung mga kasama ko sa Lobo, lalo na si Piolo [Pascual]. Ang galing-galing niyang umarte, ang bait-bait sa set. Hindi ka maiilang, hindi mabubuwisit, lahat nagkakaintindihan,” masayang pahayag ni Angel sa panayam sa kanya ng PEP (Philippine Entertainment Portal).
Para kay Angel, maipagmamalaki niya ang ganda ng istrorya ng Lobo na matalino at malinis daw ang pagkakagawa. Hindi nga aprubado para sa young actress ang pag-i-stretch nito para lang mapahaba kung magsa-suffer naman ang quality ng istorya.
“Masaya ako sa tinatakbo ng story kasi yung istorya ng Lobo, matalino ang pagkakagawa ng team namin. Alam ko hanggang June-July kami, pero tingnan natin. Ayaw naman naming mag-extend nang mag-extend kung papangit naman ang story. Ang goal kasi namin, 20 years na, may kanya-kanya na kaming buhay, pero ‘pag na-mention ang Lobo, mapapangiti ka. Kasi mahal namin yung show at gusto namin ang ginagawa namin,” pahayag ng young actress.
Sa kabila ng hindi pagkakaroon ng romantic involvement sa pagitan nina Angel at Piolo ay nabuo ang isang pagkakaibigan. Sa pag-amin ng aktor na may bago siyang inspirasyon na nakilala niya sa Victory Fellowship, agad naming hiningan ng reaksiyon dito si Angel.
“May alam ako, pero wala ako sa posisiyon para magsalita,” saad niya. “Si Piolo, sinuportahan niya ako sa part ng buhay ko na down na down talaga ako. Kaya kahit na ano ang mangyari, susuporta ako sa kanya dahil mahal ko si Piolo.”
ISSUE WITH DINA. Sa nakaraang interviews kay Ms. Dina Bonevie ay lumabas daw ang sama ng loob nito kay Angel. Ayon sa aktres, mabilis daw napalitan ni Angel ang anak niyang si Oyo at tinext pa raw siya para ipalaam ang relasyon nila ni Luis Manzano. Hanggang sa ngayon ay tanong pa rin ng marami kung ano na ba talaga ang estado ng relasyon nina Angel at Luis. May ginawa rin kayang hakbang si Angel para makapag-usap at maklaro niya ang pangalan kay Dina?
“Wala naman akong dapat sabihin pa,” giit ni Angel. “I won’t deny na masaya akong kasama si Luis kasi hindi ka naman siguro didikit at sasama sa isang tao kung hindi ka masaya sa kanya. Basta masasabi ko na may chemistry talaga kami, may bonding.
“Regarding kay Tita Dina, tinawagan ko si Danica [Sotto, Oyo's sister]. Kasi bukod siya ang pinaka-close sa akin, magsasabi sa akin talaga yun kung may problema. Tinanong ko siya, ‘Danica, galit ba sa akin si Tita?’ Kasi baka may nagawa ako na ikinagagalit niya, ayoko naman nun.
“Mahal ko si Tita Dina, matagal ko na siyang nakasama at nirerespeto ko siya. Kung anuman ang nagawa ko, kung mayroon man, at least sabihin sa akin para makahingi naman ako ng sorry.
“Si Oyo ang nakipag-break sa akin, saka ang tagal na nun. Nagkaroon pa nga ako ng issue kay Marvin bago yung kay Luis. Tingin ko, nalagyan lang ng issue saka na-misinterpret lang si Tita Dina. Saka ayokong magmukhang masama si Tita Dina. Nakilala at nakasama ko siya at di siya ganun, hindi siya mataray,” pagtatapos ni Angel.
Ngayong araw, April 23, ay isini-celebrate ni Angel ang kanyang 23rd birthday. Pero last Sunday, April 20, kasama ang kanyang ama ay nagpakain siya at naki-celebrate sa mahigit isang daang bata na taga-Payatas.

In the May 2008 issue of Maxim Philippines, It Girl Angel Locsin talks about the qualities she looks for in her ideal guy, as well as her kick-ass car and other juicy secrets every hot-blooded male would want to know. When it comes to dream dates, the Lobo star says it doesn’t take much to make her happy. “For me, it doesn’t matter where you go or if it’s expensive. What matters is that the guy is extra sweet, sensitive, and attentive. Being a gentleman goes a long way,” Angel says in her Maxim interview.


Having celebrated her 23rd birthday last April 23, Angel Locsin only wishes for the network war to end, a cure for her father’s eye condition and for peace of mind.
e is optimistic that one day, a cure will be discovered. And for her final wish, she said that she wants peace of mind. Angel understands that keeping a private life is something she can attain with the nature of her work. Not that she is complaining, but the beautiful actress prays for the wisdom to handle controversies better. “Sa lahat ng (intriga) na ibato, sana makayanan ko, maging matatag (ako),” she said. 