The new face of pinoy entertainment
May 28th, 2008 at 10:48 pm
Posted by joemer in ABS-CBN, Bea Alonzo, Betty La Fea, Jake Cuenca
Jake Cuenca at Bea Alonzo Walang Kilig Factor??!

Kinumpirma nga sa amin nang isang source mula sa ABS-CBN na si Jake
 Cuenca na nga ang gaganap bilang "ARMANDO" sa pinakaabangang teleserye
 nang ABS-CBN na "Betty La Fea". Pero marami ang nagtaasan nang kilay kung
 bakit daw si Jake? Kasi wala naman daw nakikitang kilig factor ang mga
 tao kina Jake at Bea. Marami din ang nagsasabing mas maganda kung si
 Aga Mulach o si Gabby Concepcion na lang ang gaganap.

Lou Manalo
Showbiz Top i-News
http://joemer.blogetery.com

May 23rd, 2008 at 1:01 am
Posted by joemer in ABS-CBN, Bea Alonzo, Betty La Fea
Sino ang Armando sa buhay ni Betty?

BettyPollSa isang poll na ginawa sa ABS-CBN forums, 38.1% ng mga bumoto ang nagsabi na si Aga Muhlach ang gusto nilang gumanap na Armando Mendoza, ang magiging love interest ni Bea Alonzo sa Pinoy version ng Betty La Fea. Kahit hindi pa naman tiyak na papayag si Aga na gumawa ng teleserye ay marami nang nasasabik na makitang ipareha siya kay Bea. “Mas okay kung si Aga si Armando. Mas cute at mas bagay sila ni Bea para maiba naman. Hindi ko pa nakikita si Aga na mag-bida sa teleserye. Papalicious talaga si Aga!” ang sabi ng forumer na si Reziaken.

 

Hindi naman nagpaawat ang mga solid John Lloyd Cruz at Bea fans dahil 27.5% ng mga bumoto ay gusto pa rin makita ang kanilang paboritong loveteam. “Hindi naman nakakasawa ang tambalan nina John Lloyd at Bea. Napatunayan nga ito sa pagiging Box Office King at Queen nila para sa kanilang pelikulang One More Chance. Limang taon na silang magka-loveteam pero marami pa ring sabik panoorin sila,” ang sabi ni Elan sa forums. Bukod sa kasikatan ng loveteam, marami rin ang nagtitiwala sa kagalingan ni John Lloyd bilang aktor kaya siya dapat ang gumanap sa napakahalagang papel bilang mean boss-turned-suitor ni Betty. “Sayang kung hindi si John Lloyd ang Armando. Kuhang-kuha niya ang pagkamayabang at pagkamaangas ni Armando sa original Colombian version ng Betty La Fea. Maganda sanang makita sina John Lloyd at Bea sa kakaibang roles. I’m sure they will bring out the best in each other acting-wise to make this soap a success,” ayon kay forumer Esmeirene.

 

Pangatlo naman sa poll si Piolo Pascual na may 21.6% na boto. Marami ang nag-aabang sa “magic” na maaaring dalhin ni “Papa P” sakaling siya ang maging Armando sa Betty La Fea. “I hope it’s Piolo because I watched Dreamboy and I think they look good [together]. I hope Piolo would be paired up next with someone who clicks,” sabi ni forumer Essej.


May 15th, 2008 at 5:13 am
Posted by joemer in ABS-CBN, Aga Mulach, Bea Alonzo, Betty La Fea, Diether Ocampo, Gabby Concepcion, Jake Cuenca, Piolo Pascual

 Bea Alonzo, on the look-out for leading man

Now that it has been officially announced that Bea Alonzo will play the lead role in Yo soy Betty La Fea, the next question is, who will play the character of Armando, the leading man of Betty?

This is considered a plum role because Armando Mendoza’s character is very interesting. Armando is handsome, smart, well-educated and is the president of the fashion design company Eco Moda where Betty works as his secretary.

He is also the one who will capture the heart of Betty.

When Alonzo was asked by Ruffa Gutierrez in The Buzz last Sunday, she shared her top 5 choices, Gabby Concepcion, Aga Muhlach, Diether Ocampo, Piolo Pascual and Jake Cuenca for the role of her leading man.

 

These are the men Bea personally chose for the role. But according to management, the production team has already decided on who will play her Armando.

Is he one of the guys Bea chose? Who is this lucky actor?


May 14th, 2008 at 5:22 am
Posted by joemer in ABS-CBN, Aga Mulach, Bea Alonzo, Betty La Fea, Billy Crawford, Diether Ocampo, Gabby Concepcion, Jake Cuenca, John Lloyd Cruz, Jon Avilla, Sam Milby
Si Bea na si Betty! Sino si Armando?

Si Bea Alonzo na ang napili ng ABS-CBN na gumanap sa title role ng Filipino version ng internationally franchised hit show na Betty La Fea. Pero palaisipan pa rin sa marami kung sino ang gaganap bilang Armando Mendoza, ang boss at love interest ni Betty. Iilang gwapong at magagaling na aktor na rin ang pinaguusapan kung sino ang babagay sa role na ito. Kung kayo ang tatanungin, sino ang gusto niyong maging leading man ni Bea.

Sino sa kanila?

Aga

Aga Muhlach – Ilang mas nakakabatang leading ladies na rin ang naging kapareha ni Aga, tulad nina Claudine Barretto, Kristine Hermosa, at Angelica Panganiban. Ang huli nga ay si Anne Curtis sa box-office hit movie na When Love Begins. Si Bea na ba ang dapat na sumunod na mai-partner kay Aga?

Diether

Diether Ocampo – Matapos ang ilang matagumpay na teleserye ay napatunayan na ni Diether ang kanyang husay sa pag-arte. Nakapareha na rin ng hunk actor si Bea sa isang madramang episode ng Maalaala Mo Kaya. Panahon na kaya para magtambal ang dalawa sa isang teleserye.

Jake

Jake Cuenca – Katatapos lang ng Palos kung saan si Jake ang isa sa mga bida at kung saan nakapareha niya ang ex-girlfriend na si Roxanne Guinoo. Naging leading man din si Jake ni KC Concepcion sa isang episode ng I Am KC. Si Jake na nga ba ang hinihintay na maging bagong kapareha ni Bea?

JohnLloyd

John Lloyd Cruz – Makailang ulit nang nagtagumpay ang John Lloyd-Bea loveteam, sa TV man o sa pelikula. Huling nagkasama ang dalawa sa teleserye na Maging Sino Ka Man: Ang Pagbabalik. Mukhang marami pa ring fans ang gustong si John Lloyd pa rin ang makapareha ni Bea sa Betty La Fea.

Jon

Jon Avila – Pinakilig niya ang marami nang pumasok siya sa Bahay ni Kuya noong PBB Celebrity Edition 2. Naipareha din siya kay Bea sa Maging Sino Ka Man: Ang Pagbabalik. Bukod sa pagiging Cover Boy, si Jon na ngayon ang nagbibigay buhay sa superhero character na si Kapitan Boom.

Luis

Luis Manzano – Bukod sa hosting ay nakitaan din ng galing sa pag-arte ang anak ni Governor Vilma Santos. Nag-bida si Luis sa mga teleseryeng Crazy For You kasama si Toni Gonzaga at sa Rounin katambal si Angelica Panganiban. Anong klaseng “spark” kaya ang maari nating mapanood sa posibleng Luis-Bea tandem?

Piolo

Piolo Pascual – Si “Papa P” na yata ang most sought-after leading man ngayon. Pangarap ng bawat batang aktres na makatrabaho si Piolo, at natupad ito ni Bea nang i-pair sila sa pelikulang Dreamboy. Mula sa pakikipag-ibigan sa isang Lobo ay handa na kaya si Piolo na mahalin ang isang Betty?

Sam

Sam Milby – Sa Maging Sino Ka Man ay kay Bea unang pinareha si Sam bago pa kay Anne Curtis. Panahon na kaya para matuloy na ang tambalang Sam-Bea.

Zanjoe

Zanjoe Marudo – Isa si Zanjoe sa mga tinitiliang hunk actor sa showbiz ngayon. Siya ang naging ka-love triangle nina Toni Gonzaga at Sam Milby sa pelikulang You Got Me. Nachichismis din si Zanjoe sa uber pretty host na si Mariel Rodriguez. Handa na kaya si Zanjoe na maipareha sa iba pang leading lady?

Gabby

Gabby Concepcion – Mula nang magbalik-Pilipinas ang ‘80s matinee idol ay binalot na ng “Gabby-mania” ang buong sambayanan. Hindi naman inda ng karamihan ang edad ng premiere actor-leading man dahil sa walang-kupas na kagwapuhan ni Gabby ay pwede pa rin siyang i-partner sa younger leading ladies tulad ni Bea.