Angelo Ilagan - Mabaho Ang Paa, Kaya Nawalan Nang Customer??? Ayon sa blind item ni Ogie Diaz sa show niyang "Umagang Kay Ganda", meron daw isang male bagets actor na dalawang beses nang inayawan nang BADING. Kasi nawalan daw nang gana ung dalawang bading, dahil nang tinagal na yung sapatos, umaalingasaw na yung mabahong paa nang bagets actor. Kaya nawala sa mood ang dalawang bading.
Ang clue na binigay ni Ogie ay Relative sya sa namayapang actor (referring to Jay Ilagan). Tapos, ung isa pang clue, ang initial nya ay maaalala mo ang name nang isang sikat na komedyanteng babae (refering to Ai Ai Delas Alas, because of AI) JoKer DeTor Showbiz Top i-News http://joemer.blogetery.com
BLIND ITEM: KUNG maraming nalungkot sa masaklap na paghihiwalay ng isang magkarelasyong artista ay meron din siyempreng nakahinga nang maluwag, kundi man naging masaya, sa kanilang breakup.
Hanggang ngayon ay patuloy pa ring nagpapasahan ng pagdedenay ang nag-break na magkarelasyon, walang may gustong umamin sa kanila kung sino ang nagkulang, lalong walang may gustong umamin sa kanila kung meron bang nakialam sa kanilang desisyon.
Isang impormante ang nagparating sa amin ng kuwento na komportable na ngayon ang pamilya ng babae, naging masakit para sa kanila ang pagkawala nang pansamantala ng kanilang anak sa sirkulo ng pamilya, iniyakan ‘yun nang husto ng ina ng aktres.
“‘Yun ang time na hindi nanonood ng TV ang mommy ni ____(pangalan ng young actress), talagang no-no ‘yun para sa kanya, dahil tuwing maaalala niya ang anak niya, parang gusto na niyang mawala sa mundo.
“Nag-bridge sa kanila ang mga kapatid ni_____(ang batang aktres), open naman ang communication line nila, pero talagang tumigas na rin ang loob ng parents niya nu’ng mas piliin niya ang boyfriend niya.
“Hindi kasi nila naisip na mangyayari pala ‘yun, sobrang close kasi ang magkakapamilya, pero nang dahil sa love, nagkawatak-watak sila,” unang kuwento ng aming source.
Maraming itinuturong dahilan ang aming impormante kung bakit tutol na tutol ang pamilya ng aktres sa young actor, nakarating sa kanila ang kuwento tungkol sa nakaraan ng aktor, ang mga hindi-kagandahang kuwento ng buhay-kabataan ng young actor ay tinutulan ng mga ito.
“Hindi naman sila matapobre, pero siyempre, mahalaga para sa kanila ang reputation, du’n sa anggulong ‘yun nalaglag nang husto ang boyfriend ng anak nila.
“Ang dami-dami rin naman kasing sulsol sa paligid ng pamilya, kung anu-anong kuwento ang ipinararating nila tungkol kay ____ (pangalan ng young actor), kaya ayun, na-brainwash naman agad sila.
“Kahit nagpapakabuti naman ‘yung lalaki, nawala na rin ng saysay ang mga ginawa niya, nauna na kasi ang mga kuwento tungkol sa kanya nu’ng wala pa siya sa showbiz.
“Nandiyan na ‘yung katok boy daw siya nu’ng bagets pa lang siya, nakarating sa pamilya ng babae ‘yun, kaya pinilit talaga nilang mabaklas ang anak nila sa lalaki.
“Pero mas malakas ngang makarinig ang puso kesa sa tenga, tinikis sila nu’ng girl at ang ipinaglaban niya,e, ang boyfriend niya. Nagdeklara ng giyera ang pamilya niya, hindi na siya puwedeng tumungtong sa bahay nila, hindi na rin siya kabilang sa mga selebrasyon ng kanilang pamilya.
“Siya naman ang iyak nang iyak nu’ng malaman niya ‘yun, palagi siyang umiiyak sa boyfriend niya, kaya nga kung susukatin nating ang rekado ng relasyon nila, e, mas malamang ang luha kesa sa saya!” deklarasyon pa ng aming source.
Bigay na bigay na kung sinu-sino ang mga bida sa kuwentong ito, walang heart na lang ang hindi pa makahuhula kung sino ang iniikutan ng ating istorya, pramis!
Halaw sa panulat ni Cristy Fermin sa Diyaryong Bulgar
BLIND ITEM: GALIT na galit ang tatay-tatayan sa showbiz ng isang male singer-TV host sa ginawa niyang pag-oober-da-bakod. Hindi nito matake ang kawalan ng loyalty ng bagets.
Ang idinadahilan ng ina ng male singer, pangkain daw ng anak niya ang kikitain sa show na tinanggap. Pero binara sila ng tatay-tatayan ng male singer na hindi ‘yun ang rason. Bagama’t verbal lang ang usapan sa dati niyang istasyon na kumukupkop sa kanya, hindi naman daw ito nawawalan ng show ‘pag dumarating sa bansa.
Nagkasagutan daw ang dalawa sa telepono. Sabi na lang daw ng male singer. “Hindi na lang ako uuwi diyan.”
“Mabuti nga, ‘wag ka nang umuwi,” sagot naman daw ng tatay-tatayan niya.
Pero balitang parating na sa ‘Pinas ang male singer. At lumalabas ang tsismis na wala siyang masyadong kinikita abroad. Lumalabas sa publicity na sikat siya roon pero how true na puro promo tour ang show niya at walang pay?
So, hindi dapat pagtakhan kung bakit pabalik-balik siya sa ‘Pinas para magtrabaho, huh!
Bagay na bagay daw ang title ng dati niyang TV show sa ginawa niyang paglipat ng istasyon. We’re sure, gagamitin din niya ang linyang “Gusto kong mag-move on” sa pagtanggap niya ng show sa kabila.
‘Yun na!
Halaw sa panulat ni Roldan Castro sa Diyaryong Bulgar
BLIND ITEM: ISANG ligaw na text message ang naging dahilan kung paano nabuking ng isang mayamang bading ang pangangaliwa ng isang hunk actor na matagal na nitong karelasyon.
Totoo ang sinabi ng aming source, “Bakit nga ba ganu’n, kung sino pa ang taong pinagtataguan natin, kung sino pa ang taong ayaw nating makaalam ng ating milagro, ‘yun pa ang napapadalhan natin ng message?”
Matagal nang karelasyon ng hunk actor ang isang kilalang gay businessman. Lahat ng pangangailangan niya ay ibinibigay ng gay, tanggap na ito ng kanyang pamilya, nakatutulog na ito sa kanilang bahay at ang kanyang mga kapamilya at labas-masok na rin sa bahay ng bading.
Sabi ng aming source, “Masyado kasing maawain ang lola mo, konting drama lang ni ____ (pangalan ng hunk actor), bagsak na agad ang puso niya, laslas na agad ang bulsa niya.
“Hindi na siya nagtatanong pa, give na agad siya ng datung sa karelasyon niya, wala siyang pakialam kung saanman ‘yun dalhin ng aktor. Basta ang para sa kanya, e, wallet siyang palaging may laman.
“Nu’ng magtagal na sila, pati ang madir ng hunk actor, nakakahingi na rin ng datung sa kanya. Ano bang ang anak pa ang kailangang magsabi sa bading ng mga kailangan niya, si madir na mismo ang dumidirekta sa lola mo!” simulang kuwento ng aming impormante.
Pero isang araw ay nagkaroon nang matinding away ang gay businessman at ang hunk actor. Nasa CR lang ang bading, dala-dala nito ang kanyang telepono, nang makatanggap ito ng mensahe mula sa hunk actor.
“Parang gusto nang ilublob ng lola mo ang ulo niya sa lababo nu’ng mabasa niya ang text message. Wrong send ang dyowa niya, sa kanya naipadala ang text message na hindi para sa kanya.
“Buking niya na bading ang itine-text ng dyowa niya, meron na siyang kutob na may relasyon ang dalawa, pero wala pa lang siyang nakukuhang kumpirmasyon.
“Ang sabi ng text message, ‘Hi, wait for me lang, nandito pa ako sa (address ng bahay ng gay businessman), will be there in a while.’ Parang pinagsakluban ng langit at lupa ang lola mo, parang gusto na niyang maagnas sa sobrang pagseselos!
“Paglabas niya sa CR, tiyempo namang magpapaalam sa kanya ang hunk actor. Tinanong niya kung saan pupunta ang dyowa niya, meron lang daw siyang pupuntahan.
“Naku, nagwala ang lola mo, ‘Hindi ka aalis! Alam ko kung saan ka pupunta at kung sino ang tatagpuin mo! Naipadala mo sa akin ang message mo para sa bading na ‘yun, kapag umalis ka, puputulin ko na ang lahat-lahat ng sustento ko sa iyo at sa pamilya mo!’
“Natural, bukelya ang hunk actor, hindi siya makapagkaila, dahil ipinakita sa kanya ng lola mo ang mismong message niya! Ilang araw din silang nag-away, pero alam n’yo naman ang lola n’yo, konting iyak lang ni _____, bagsak na ang puso niy,” kuwento pa rin ng aming source.
Madali lang malaman kung sinu-sino ang bida sa istoryang ito, pagdikitin ang inyong mga palad at magpalakpakan tayo! Bakit ayaw n’yong pumalakpak, wala ba kayong mga kamay?
Halaw sa panulat ni Cristy Fermin sa Diyaryong Bulgar
BLIND ITEM: Nakakaloka ang young actress na ito dahil nagbago na ang ugali. Naging rebelde at palasagot siya dahil sobrang in love sa young actor na binatang-ama.
Hindi naman dating ganyan ang young actress nu’ng ma-link siya sa isang young actor at dati niyang ka-love team.
“Hindi ako robot, tao lang ako. Napapagod din ako. Lahat naman ay ginagawa ko,” paulit-ulit niyang litanya sa mga co-stars niya patungkol sa kanyang ina.
Naku, magtigil siya! Habang hindi napuputol ang awit, robot siya! Chos!
Anyway, sarado ngayon ang isip ng young actress dahil tinamaan nga ng pana ni Kupido. Hindi niya alam na binabantayan siya ng ina dahil baka makalimot at mabuntis din siya nang wala sa oras.
Sige, baka magkatotoo ang dialogue niyang babangon ang tatay niya sa hukay, ‘pag nagkaganoon, huh!
‘Yun lang po!
Halaw sa panulat ni Roldan Castro sa Diyaryong Bulgar
SIKAT NA HUNK ACTORS, TODO-DENY NA PA-BOOKING PERO BUKING SA TEXT NA FOR SALE SA MGA BADING
BLIND ITEM: Kailangan nang mag-ingat ngayon ang mga artistang lalaki at babae na gumagawa ng milagro. Karaniwan nang nangyayari na kapag walang kayod ang ilang artista ay meron silang pinapasok na trabaho na sandalian lang ang panahong kailangan nilang ilaan pero malaki agad ang nahahawakan nilang pera.
Isang source ang nagkuwento sa amin na hindi safe ang mga artistang “nagmimilagro” sa mga taong nagbu-book sa kanila, may mga nakakakita sa kanilang mensahe kapag naghahanap sila ng parukyano, at hindi sila makapagdedenay dahil numero ng telepono nila ang nakarehistro ru’n.
Tulad na lang ng isang hunk actor na napakalakas ng loob na magdenay tungkol sa mga ginagawa niyang milagro, paano siya makapagdedenay, kung meron naman palang hawak na ebidensiya ang kanyang booker?
“Nawiwindang nga kami kapag nagdedenay siya na suma-sideline raw siya kapag wala siyang shooting at taping. Sana, huwag na lang siyang magsalita, sana rin, huwag na lang siyang magmalinis, dahil maraming nakakaalam sa milagrong ginagawa niya.
“Paano siya makapagkakaila, e, nakaipon ang mga text messages niya sa telepono nu’ng booker niya. Sample lang, heto ang isang text message ng aktor na ‘yun na nagdedenay.
“Sa number niya ito galing, hindi niya maipagkakaila ito, “I’ll be free on Wednesday, wala akong work, puwede ako sa offer mo. Sa dating lugar na lang tayo, dating gawi.
“Ang sinasabi niyang dating gawi, kailangan munang ibigay sa kanya ang datung bago siya magpunta sa place. Kailangang hawak na niya ang TF niya para sa ’show’ dahil nagkakaroon din ng bulilyasuhan sa linyang ‘yun.
“Hindi naman kalakihan pero hindi rin kaliitan ang TF niya, pero lately, nagtaas na siya ng presyo. ‘Yun ang nagagawa ng exposure niya sa TV,” kuwento ng aming impormante.
Meron pang isang hunk actor na produkto ng isang reality show na lumalakad (read: pa-booking) din, hindi pa kataasan ang presyo niya, ewan lang kung nagtaas na rin siya ng presyo nitong mga huling araw dahil regular na rin siyang napapanood sa telebisyon.
“Maraming kamay na ang pinagdaanan niya, lalo na nu’ng hindi pa siya sumasali sa reality show. Kilalang-kilala siya sa mundo ng mga pa-booking, kaya hindi siya puwedeng magdenay.
“Pero bida na siya sa isang series ngayon, kaya I’m sure, nagtaas na rin siya ng presyo. Tropa-tropa kasi silang nagpapa-booking, meron silang mga luho na hindi nila kayang tustusan sa kinikita lang nila, kaya pumapasok sila sa ganitong linya,” dagdag na kuwento pa ng aming source.
Parehong in demand ngayon ang dalawang aktor na ito, sila ang request ng mga bading at matrona, kung sino ang madalas nilang napapanood sa TV ang pinipili nila dahil parang karangalan na para sa kanila na nakasalo nila kahit panandaliang panahon lang ang bida sa seryeng tinututukan nila sa TV.
Palasak ang pangalan ni Hunk Actor A, marami silang magkakapangalan sa showbiz, ang pangalan naman ni Hunk Actor B ay katunog ng isang ibon.
Halaw sa panulat ni Cristy Fermin sa Diyaryong Bulgar
MAHINHIN KUNONG AKTRES, MALDITA, SUPLADA AT PALAMURA SA LIKOD NG KAMERA, KOTSE, NI AYAW PAHAWAKAN SA MGA FANS
BLIND ITEM: Sa taping ng isang tapos nang teleserye ay may kuwento ang mga taong nakasaksi kung gaano kasuplada-kamaldita ang isang aktres. Siya ang bida sa kuwento, sa kanya umiikot ang istorya, kaya sa kanya rin nakatutok ngayon ang pagpuna ng ating mga kababayan.
Sa isang pagkakataon ay pinaikutan ng mga bata ang kanyang sasakyan, paborito kasi ng mga bata ang kanyang serye, kaya nagtangka ang mga ito na makita nang personal ang kanilang bida.
Kuwento ng source, “Nu’ng palapit na ang mga bata sa sasakyan niya, narinig siya ng mga nandu’n, ‘Isara mo ang bintana, dali!’ Walang nagawa ang driver niya kundi ang isara nga ang mga bintana ng sasakyan niya!
“Pilit siyang sinisilip ng mga bata sa loob, alam n’yo naman ang mga bata, may kakulitan kung minsan. Idinidikit ng mga bata ang mukha nila sa car, ‘yung halos dikit na dikit na rin ang mga mata nila, pero biglang bumaba ‘yung window.
“Siguro, nakulitan siya sa mga bata, naiinis din siguro siya dahil may karumihan ang mga kamay nu’ng mga bata, kaya sadya niyang ibinaba ang bintana.
“Natural, kumayod ‘yung bintana sa mukha ng mga bata. Hindi naman sila nasaktan, makinis naman ang salamin, pero nagulat siyempre ‘yung mga bata sa pagbaba ng bintana!” kuwento ng aming impormante.
Nu’ng magtagal-tagal na ay tinanong diumano ng mga nandu’n ang PA ng aktres kung sino ang nagbaba ng bintana ng sasakyan, ang sagot ng alalay niya, “Aling bintana ba ang bumaba? Nasa harapan kami ng driver, alangan namang kami?”
Dahil du’n ay naniwala na ang mga tagaroon na ang aktres nga ang nagbaba ng bintana, nasusupladahan sila sa aktres, akala mo raw naman kung sino na siya samantalang nakatiyempo lang naman siya ng proyektong nagpaingay sa kanyang pangalan.
“Siya rin ang artistang sinasabi ng mga dati nilang kapitbahay na hindi raw naman talaga mahinhin, palamura nga raw siya, ngayon na lang daw umastang ganyan ang babaeng ‘yun dahil bigla nga siyang naging bida sa serye.
“Kahit naman sa taping, hindi siya mahinhin, galawgaw nga siyang kumilos at kung tumawa siya parang hindi siya artista. Naku, nakatiyempo lang siya, tingnan na lang natin kung magtatagal siya!
“Kung ganyan siya kasuplada na mahawakan lang ng mga bata ang salamin ng kotse niya, e, nagmamaldita na siya, tingnan na lang natin kung hanggang kailan ang itatagal niya!” inis pang kuwento ng ating kababayan.
Sa lahat ng mga kuwentong ito ay isa lang ang masasabi namin–Aaaaawwww!!!
Halaw sa panulat ni Cristy Fermin sa Diyaryong Bulgar
MAY BISYONG BADING NA TALENT MANAGER, PINAGTRIPAN ANG 3 POGING BAGETS NA NA-TAKE HOME
BLIND ITEM: Ibang klase ang trip ng talent manager na ito na mahilig kumuha ng mga bagets para makatabing matulog. Guwapo at sikat ang mga talents niya, although may alaga rin siyang sikat na aktres. May chism din na may bisyo ang bading na talent manager.
Isang grupo ng bagets na puro guwapo ang nakuha niya. Hindi naman niya ginagalaw pero pinagtitripan niya. Na-trauma ang tatlong bagets na magkakaibang araw niyang nakuha dahil de-numero ang kilos ng mga ito.
Una raw ay pagsusuotin niya ito ng maluwang na shorts na walang briefs. Ang cellphone ay ipapatabi niya sa cabinet para walang istorbo. Tapos, patutulugin daw niya ito pero nagagalit siya ‘pag lumalampas sa paa ang kumot.
Naloloka rin ang mga bagets dahil kapag nakipagtitigan siya nang face-to-face, kailangan daw ay ‘wag silang kukurap.
Nakakaaning ang trip niya. ‘Pag masunurin ka sa kanya, panalo ka naman pag-uwi dahil may bonus ka!
Talbog!
Halaw sa panulat ni Roldan Castro sa Diyaryong Bulgar
ANING-ANING NA AKTRES, PINASOK DAW ANG BAHAY, PRAKTIS LANG PALA PARA SA MOVIE
BLIND ITEM: May bago na namang kuwentong nakarating sa amin tungkol sa isang aktres na pinanghihinayangan ng buong bayan kung bakit sinayang ang napakagandang oportunidad na dumating sa kanyang buhay at career.
Nananahimik ngayon ang aktres, kung ano ang kanyang pinagkakaabalahan ay tanging siya lang ang nakakaalam, pero isang source ang nagkuwento sa amin ng pinakahuling kalokohan ng aktres na ito.
Nakakatihan lang siyang tawagan ng aming source. Makikibalita lang ito dahil tahimik nga ang kanyang kapaligiran. “Ano ang bago, mama?” simulang tanong ng tumawag sa aktres.
Tahimik na tahimik na tahimik ang kapaligiran ng aktres, parang wala raw katau-tao, parang ang aktres lang ang nag-iisang nasa bahay.
Kuwento ng aming source, “Ako naman, naninibago. Sanay na kasi ako sa pabakla niyang sagot kapag tinatanong ko siya ng ganu’n. Tahimik na tahimik siya, parang wala siyang kasama, parang may kung anong kababalaghan na nangyari sa bahay niya.
“Nagulat na lang ako nu’ng seryoso niyang sabihin sa akin, ‘Ssshhh!!! Huwag kang maingay. May nakapasok na magnanakaw sa bahay ko. Hinuhuli ko siya ngayon.’
“Ako naman, ‘Tantanan mo nga ako! Ano na naman bang script yan? Tapos na ang ______(titulo ng isang teleseryeng sinalihan ng aktres), tama na ang acting! sabi ko sa kanya.
“Pero seryoso ang lola mo. Sabi niya uli sa akin, ‘Pinasok kami ng magnanakaw. Nakatali ngayon ang mga bata sa kuwarto nila. Ako na lang ang hindi pa niya nakikita, kaya free pa ako ngayon!’
“Ayoko siyang patulan. Alam kong iba naman ang takbo ng panahon. Baka meron na naman siyang tineyk na hindi ko alam at ‘yun ang trip niya!” maluka-lukang kuwento ng aming source.
Hindi lang nagpapahalata ang aming source, pero ang totoo ay kinakabahan na rin siya. Paano nga naman kung totoong may nakapasok nga palang magnanakaw sa bahay ng aktres? Paano kung totoong nakatali na ang kanyang mga anak?
“Nakarinig ako ng mga kalabog. Hindi niya naman pinapatay ang phone, basta naka-hang lang. Sunod-sunod na kalabog ang narinig ko, parang nagkakagulo na sa bahay nila.
“Ako naman, ‘____!____(pangalan ng aktres) Ano ba ang nangyayari riyan, sagutin mo naman ako, tatawag na ba ako sa mga pulis?’ Wala pa rin siyang sagot. Basta, puro kalabog lang ang naririnig ko!
“Finally, sinagot na niya ang phone, tanong ako nang tanong sa kanya kung kailangan ko na bang kumuha ng mga pulis para tulungan siya? Nakakalokah ang sagot ng lola mo. ‘Huwag na, bakla! Nagpa-practice lang ako! Action kasi ang gagawin kong movie, pina-practice ko lang ang role na gagampanan ko!’
“Alam mo, kahit kailan talaga, aning-aning na ang babaeng ‘yun! Hay, naku! Sa susunod pa siyang maggaganyan, kahit totoo na pala ang mga sinasabi niya, hindi na ako maniniwala pa sa kanya!” pangako ng aming impormante.
Ang clue ng aming source, “Sayang siya. Isa siyang rosas na walang bango!”
Ha! Ha! Ha! Ha!
Halaw sa panulat ni Cristy Fermin sa Diyaryong Bulgar
UMAMIN kaya si aktres kung bakit siya naospital?
Exasperated is the word we can describe our source habang kinukuwento niya sa amin ito. Kung kailan naman daw patapos ang isang top rating show, saka naman nagka-aberya dahil kay aktres na biglaang sinugod sa ospital.
We asked why at ang naging matalinhagang sa-got ng kausap namin, basta hindi na siya magkaka-anak. Nakunan daw si aktres na ikinagulat namin dahil sino ang ama?
Very open si aktres sa mga relasyon niya at sa pagkakaalam ng lahat, wala na sila ng pinakahuling lalaking nakasama niya.
Matagal na rin siyang separated sa kanyang first husband. Pero hindi raw, sagot sa amin, dahil lately pala, may ipinakikilalang bagong boyfriend si aktres na dinadala niya sa taping ng kaniyang show.
Now, kilala si aktres sa pagiging TV-talk show friendly as in lahat ng balita sa kanya, inilalabas niya with matching interview.
Gawin niya kaya ito this time? Aawit na lang kami bago kami maputol sa pagkanta.
BLIND ITEM: Sikat Na Female Singer, Ayaw Lumipat Nang Istasyon!
Sino itong sikat na female singer/actress na nagmamatigas ang ulo.
Meron kasing hindi pagkakaunawaan ang nag mamanage nang career niya at ang
network na humahawak sa kanya. Ang gusto kasi nang nagmamanage sa kanya
na alisin siya at ang iba pa nitong kasamahang artista at singer, sa
network na yun. Ngunit ayaw naman ito nang singer/actress, dahil mas
gusto niyang manatili sa network. Ramdam kasi nito na sikat siya kung
mananatili ito, at hindi siya pinababayaan nang naturang network. Kasi
naman, pag hindi teleserye ang ginagawa niya ay nag ho host siya nang
talent search. At kung hindi pa din yun, ay busy naman siya sa world tour sa
iba’t ibang panig nang mundo, para mag concert.
CLUE: Regular na napapanood ang female singer/actress na ito sa Sunday
afternoon musical variety show. Produkto siya nang isang singing talent
search. Multi awarded din ito. May letter “H” sa first name nito.
Samantalang meron namang letter “M” sa last name.
Yung batang aktor na palaging pinagkukuwentuhan sa mga umpukan na guwapo pa naman daw pero hindi marunong mag-alaga ng kanyang sarili ay nakita namin kamakailan.
Ilang minuto rin namin siyang nakausap pero wala namang kahit anong senyal ng katotohanan ang mga kuwentong nakararating sa amin nung magkaharap kami.
Yung ngipin daw ng aktor ay naninilaw, pero nung busisiin naman namin ang kanyang mga ngipin ay malilinis yun, hindi kaya nagkataon lang na nung makita siya noon ng ilang tao na yellowish ang kanyang ngipin ay dahil kakakain lang niya ng isang klase ng junk food na cheese flavor?
Natural, didikit talaga sa mga ngipin at gilagid niya ang manilaw-nilaw at ma-orange-orange na kulay ng junk food, kaya ang akala ng mga ito ay hindi siya nagtu-toothbrush.
Yung mga kuko niya na kung ilarawan ng iba ay parang kuko ng magsasaka na maraming dumi sa ilalim, wala naman kaming nakita, sa halip ay malilinis naman ang kanyang mga kuko.
Para ngang walang karapatang maging marumi ang itsura ng young actor dahil sa linis ng kanyang katawan, madaling malalaman kung talagang dugyot siya, dahil hindi maitatago yun ng mga mestisong tulad niya.
Ikinuwento namin yun sa ilang kaibigan, meron silang sagot sa kuwento, “Nung mainterbyu namin siya, talagang kinikilatis din namin ang buong katawan niya kung totoong hindi siya mapagpahaaga sa hygiene.
“Pero malinis siya sa katawan, tidy looking siya, hindi totoong marurumi ang kuko niya at naninilaw ang teeth niya. Alam n’yo ba kung sino ang nagpakalat ng kuwentong yun?
“Isang bading na matagal na siyang type pero hindi niya naman pinapansin. Ayun, nung hindi niya makuha si _____(pangalan ng batang aktor), ipinamalita na niyang marumi sa katawan yung isa!
“Ganun naman talaga ang ibang bading, ’di ba? Kapag hindi naganap ang gusto nilang mangyari, kung anu-ano nang kuwento ang ikakalat nila tungkol sa taong hindi nila na-gets!
“Yung bading na matagal nang may type sa kanya ang pinagmulan ng kuwentong yun, siniraan lang siya talaga, pero malinis siya sa katawan,” komento ng aming kausap.
Tama rin ang obserbasyon ng iba na papayag ba naman ang karelasyong young actress ng batang aktor na maging marumi siya sa katawan? Papayag ba ang young actress na mapintasan at mapagtawanan ang kanyang boyfriend?
That girl, hindi yun papayag!
Kaya over and under, malinis ang aktor na ito.
CRISTY FERMIN
Pilipino Star Ngayon
SEXY ACTOR, LIBRENG NA-LOLLIPOP NG BADING DAHIL MAY BONUS PA DYUG SA GIRL
WALA talagang tigil ang sideline ng mga guwapong produkto ng artista search. Isang maelyang bading ang nakatsikahan namin at buong-ningning niyang itinatanong kung malaki ba ang ‘pototoy’ ng isang medyo chubby pero handsome na young actor. Ma at pa ang sagot namin pero naikuwento niya na ibinu-book daw ito sa kanya ng barkada niyang young male starlet sa halagang P10k.
Tinanong namin kung sinu-sino ang mga natikman niya sa showbiz. Of course, una sa listahan ang male starlet na nagrereto ngayon sa kanya. Sinundan pa ito ng isang tisoy at pasaway na young actor na hindi inabot ng Hunyo ang career.
“Comatose siya ‘day sa kama. Walang buhay,” kuwento pa ng bading.
Dalawang ring sexy actors na magkasama sa isang na-disband na all-male group ang natikman niya. Isa rito ang guwapong member na taga-Pampanga. ‘Yung isa naman ay tumaba ngayon at naging kontrobersiyal sa dati niyang ka-live-in na sexy star. Hindi raw niya binayaran itong huli dahil binigyan niya ito ng babae. Ni-lollipop muna raw niya bago ipinadyug ang girl.
Wow! Talbog!
Halaw sa panulat ni Roldan Castro sa Diyaryong Bulgar
Blind Item: Man for Hire
TINULOY nga ba ni sexy actor ang pagiging man for hire niya?
Remember the blind item we did more than a month ago about the sexy actor na may web cam scandal?
Akala namin, doon magtatapos ang balita pero nagulat kami, nakatanggap na naman kami ng panibagong set of web cam starring the sexy actor.
Just like the first one na two-in-one actually dahil two separate days ito, the next two sets, ibang araw na naman dahil iba ang kasuotan niya.
More disturbing lang this time dahil the new sets were attached to an email being distributed to gay yahoo groups. Ang heading, man for hire na raw siya.
Ayaw namin itong paniwalaan ngunit ng ipinakita namin ang video sa kapitbahay naming dito na si Lito M, bigla siyang may naalaala.
May nag advertise daw sa kaniya about the actor and when he asked for the actor’s number, aba, tumama ito sa file niya.
Ano naman ang masasabi rito nina Paolo Contis, Paolo Bediones at Paolo Ballesteros?
Blind Item: MADATUNG NA PERSONALITY, KINAKALIWA NG GUWAPONG BF NA PUMATOL SA KONTRABIDANG RETOKADANG
Maraming naawa sa isang kilalang-kilalang personalidad sa kanyang larangan, talaga raw yatang walang suwerte sa karelasyon ang popular na babae, dahil pinaiikutan na naman siya ngayon ng guwapo niyang boyfriend.
Kung yaman ang pag-uusapan ay kargado ang sikat na personalidad, ibang klase siyang magmahal, lahat ng luho ng lalaki ay ibinibigay niya kaya ayon sa mga kausap namin ay mas masahol pa siya sa bakla kung magmahal.
“Naalala mo nu’ng maging sila ni _______ (pangalan ng isang young actor)? Lahat ng magustuhan nu’ng guy, give siya agad! Walang kuwestiyon kung magkano ang aabutin nu’n, ipinadedeliber niya agad ang bawat magustuhan nu’ng lalaki, ganu’n siya katinding mang-spoil ng karelasyon niya!” pag-alala ng aming impormante.
Nu’ng minsan daw na magkasama ang babae at ang batang aktor ay nakita ng lalaki sa binabasa nitong magazine ang isang mamahaling refrigerator. Simple lang ang sinabi ng young actor, “I like this,” ‘yun lang.
Naloka ang batang aktor dahil kinabukasan lang, may kumakatok na sa kanyang pintuan, may nagdedeliber na ng nagustuhan nitong stainless refrigerator.
“Ganu’n siya katindi, spoiler siya, kaya hindi lugi ang lalaki sa kanya. Maluwag siya sa datung, malaki naman kasi siyang kumita, bukod pa sa dating madatung na ang family nila,” kuwento ng aming source.
May bagong karelasyon ang sikat na female personality, guwapo at matangkad ang lalaki, hindi rin nagkakaiba ang kanilang linya kaya nagkakaunawaan sila.
Kaso, dahil medyo bagets pa ang lalaki, naghahanap ito ng mas sariwang isda. Du’n pumasok ang pangalan ng isang young actress na madalas gumanap na kontrabida sa mga teleserye, nagkikita sila nang palihim ngayon, sa isang condo unit sa lungsod na nasa gitna ng Makati at Quezon City ang kanilang lihim na tagpuan.
“Walang kaalam-alam si ______ (pangalan ng female personality) na kapag nawawala ang boyfriend niya, e, nandu’n lang pala at nagtatampisaw sa kaligayahan kasama si _____ (pangalan ng nagkokontrabidang batang aktres).
“Madalas silang magkita, inahas talaga ng girl ang karelasyon ng female personality, wala talaga siyang kasuwerte-suwerte sa pakikipagrelasyon.
“Meron na siya ng lahat-lahat sa buhay, nahihiga siya sa salapi, pero hindi naman regular na nahihiga sa tabi niya ang lalaking mahal na mahal niya.
“Mas gustong katabi nu’ng lalaki ang mas batang aktres, kahit retokada ang beauty ng lokah, malakas talaga ang appeal niya sa mga guys. Sila ang madalas na magkasama ngayon,” kuwento pa rin ng aming source.
Kapag nakarating na sa sikat na female personality ang lihim ng kanyang boyfriend at ng kontrabidang aktres ay siguradong magkakaroon ng problema.
“Ayaw niya ng may kahati, buong cake ang gusto niya, kaya kapag nalaman niyang kinakaliwa siya nu’ng guy, hihiwalayan na niya ‘yung lalaki. Hide and seek ang mangyayari sa kanila, siguradong iiwasan na siya ng sikat na female personality.
“Lumuhod man siya nang walang belo, siguradong may mantsa na ang relasyon nila, manlalamig na sa kanya ‘yung girl, magkakaroon na sila ng time nu’ng young actress na
inihalili niya sa sikat na female personality,” clue pa ng aming impormante.
Halaw sa panulat ni Cristy Fermin
Blind Item: PAMILYA NG GUWAPONG AKTOR, TUWANG-TUWA NANG MAHIWALAY SA SOBRANG INSECURE AT MAKASARILING
MARAMING istoryang kumakalat ngayon tungkol sa biglaang paghihiwalay ng isang guwapong aktor at magandang aktres. Iba-iba ang bersiyon ng kuwento, may kani-kanyang depensa ang magkabilang panig, marami tuloy naguguluhan ngayon kung sino sa kanila ang nagsasabi nang totoo.
Bukod sa pamilya ng aktres na sinasabing mula pa noon ay kontra na talaga sa aktor ay meron ding sinasabing ibang dahilan ang kampo ng aktor, may kinalaman naman ‘yun sa sobrang pagiging selosa ng aktres, kaya nagkakaroon ng problema ang aktor at ang kanyang pamilya.
“Insecure siya. Wala siyang tiwala sa sarili niya. She’s always jealous. Kahit sino, pinagseselosan niya,” simulang kuwento ng aming impormanteng may malalim na nalalaman tungkol sa hiwalayan ng dalawa.
Parang hindi kasi ganu’n ang basa namin sa aktres, parang punumpuno pa nga ito ng kumpiyansa, walang dahilan para kapusin ito ng tiwala sa kanyang sarili dahil sa pinagmulan nitong mariwasang buhay.
“‘Yun lang ang akala n’yo, pero ang totoo, punumpuno siya ng insecurity. Du’n na lang sa anak ni _______ (pangalan ng aktor) na matagal na naman niyang alam bago pa sila naging mag-boyfriend, e, pinagseselosan niya.
“Kapag kinukuha niya ang anak niya para ipasyal, ayaw magpaiwan nu’ng girl, join din siya! Kaya nga ‘yung bagets, e, nagsabi na sa papa niya nu’ng minsan, puwede raw kaya na lumabas sila na silang dalawa lang ang magkasama at wala ‘yung girl?
“Siyempre naman, uncomfortable ang bata, hindi naman kasi ‘yun ang nanay niya, e. Pero ganu’n pa rin siya, kailangang kasama siya sa mga lakad ng mag-ama.
“Hindi man lang niya maisip na sana, dahil paminsan-minsan lang namang nagkakasama ‘yung mag-ama, e, bigyan na niya ng chance na magkasarilinan. Pero join pa rin siya palagi,” sabi pa rin ng aming source.
Kung ang pamilya raw ng aktor ang tatanungin ay magandang balita ang hatid ng hiwalayang ito. Kuwento uli ng aming impormante, “Nu’ng sila pa kasi, e, kinakapos sa oras sa family niya si lalaki. Alam n’yo naman ‘yun kung magmahal, ang babae lang ang sentro ng mundo niya.
“Kaya, ‘yung kuwentong nangaliwa raw si _____ (pangalan ng aktor), malaking kalokohan, ‘yun! Sinong lalaki pa ang makakagawa ng ganu’n kung kasinghigpit ni Jaworski sa pagbabantay ang girlfriend niya?
“Sinasabi ng lang niya ‘yan ngayon dahil may mga nagsusulsol sa kanya, meron nang mga taong bumubulong sa kanya na dapat na niyang iwasan ang lalaki dahil bumabagsak ang career niya.
“Sabagay, matagal din naman kasi siyang nahiwalay sa family niya, nasasabik na rin siguro siya, clanish kasi sila,” pagdidiin pa ng aming source.
Kailangan pa ba naman naming magbigay ng clue para lang malaman n’yo kung sino ang nagkahiwalay na magkarelasyong ito? May mauupo pa kaya ngayon sa Row 4 na katabi ang mabahong basurahan? Magkapuso sana naman kayo sa panghuhula.
Halaw sa Diyaryong Bulgar, sa panulat ni Cristy Fermin
Blind Item: MAY GF NANG SIKAT NA AKTOR, NAKAINOM, 2 BEBOT SA TIMOG, PINAGTRIPAN
Mukhang nawala sa sarili ang sikat na aktor sa mga pinaggagawa niya dahil nakainom. Bangenge raw ito nu’ng kumain siya sa isang food chain sa Timog kasama ang mga barkada niya nu’ng Sabado.
Bagama’t may girlfriend na aktres ang aktor, naging pilyo siya sa oras na ‘yun dahil nagpapansin siya sa dalawang magagandang girls. Katuwaan lang siguro ng barkada.
Nu’ng nasa labas na sila ng food chain ay nilapitan niya ang mga ito at nanghihiram ng lighter. Paepek lang niya ‘yun dahil siya mismo ang nagsabing wala naman pala siyang sigarilyo.
Naku, mag-doorbell muna tayo bago pangaralan ang aktor na iwasang magpakalat-kalat, lalo na kung madaling-araw na dahil may image siya at career na dapat pangalagaan.
‘Yun na!
Halaw sa Diyaryong Bulgar, sa panulat ni Roldan Castro
MALANDING YOUNG ACTRESS, TUTUWAD MATIKMAN LANG ANG AKTOR!
NALOKA ako sa kuwento ng mga bakla tungkol sa isang kilalang young actress na nakikita naman sa mukha niyang may taglay siyang kalandian. May bagong soap sila ngayon at madalas na magkasama sila sa mga promo.
Dinig na dinig ng isang baklitang staff sa isang show na pinag-guest nila na nagsalita itong si young actress na balang araw matitikman din daw niya itong guwapong aktor na kasama niya sa soap.
Hinamon daw siya ng aktor, na hindi tatagal itong si young actress sa kanya. Alam n’yo kung ano ang sagot ng malanding young actress? “Naku tutuwad ka sa akin!” Wala nang maisagot si guwapong aktor sa hirit ng young actress na talo pa yata ang bakla kung manggigil sa lalaki.
Blind Item: GUWAPONG AKTOR MASAMA ANG LOOB DAHIL SAPAW SA KASIKATAN NG LEADING LADY SA SERYE
How true na nagrereklamo ang isang aktor guwapong aktor dahil siya ang leading man sa isang serye pero sa leading lady lang niya napupunta ang credit na mataas ang ratings nila?
Lahat naman sila ay nagpupursige para mapaganda ang show pero ang lumalabas sa publicity ay parang ‘yung babae lang ang nagdadala ng serye.
May karapatan ngang magtampo ang aktor, pero ‘yung babae kasi ang ibinebenta sa serye. Kahit ganoo, ‘wag siyang mag-alala at ma-insecure dahil mataas na ang status niya bilang aktor at bilang isa sa mga hottest leading men ng ‘Pinas.
At next time siguro, kung talagang gusto niyang mabigyan ng solo credit, tumanggap siya ng project na siya ang title role at sa kanya umiikot ang istorya.
‘Yun na at babu dahil may nagdo-doorbell…
Halaw sa Diyaryong Bulgar, sa panulat ni Roldan Castro
Blind Item: SEXY ACTOR, WALANG TIWALA SA PRODU, MONEY DOWN MUNA BAGO GUMAWA NG MOVIE
SEGURISTA ang sexy actor nu’ng gumawa ng isang indie film. Mukhang wala siyang tiwala sa production kaya buong-ningning niyang sinabi na ipakita muna sa kanya ang perang ibabayad sa kanya bago siya mag-shoot.
Panalo naman sa TF ang aktor. Pero iba ang nangyari sa magaling na character actress na ang apelyido ay kapareho ng isang bansa. Nagdusa ito dahil hindi raw kaliwaan ang naging bayaran. So, naningil siya sa director-line producer.
Ang nakakaloka, pinapunta siya sa opisina ng production pero pagdating doon ng PA ng aktres ay wala namang nasingil. Imbudo ngayon ang magaling na character actress dahil pinabalik-balik lang siya. Nagbanta siya na hindi na magsu-shoot ‘pag na-resume ang shooting hangga’t hindi siya nababayaran.
Tsuk!
Halaw sa Diyaryong Bulgar, sa panulat ni Roldan Castro
Blind Item: Sexy actor, standup comedian may kumakalat na sex video
HINDI lang pala sa katatawanan matinik ang favorite stand up comedian namin, pati sa boys.
May isang cellphone video ngayon na hawak si male sexy star na ipinapakita sa mga malalapit ni-yang kaibigan.
Kapag hindi ka trusted ni male sexy star, hindi niya man lang ito babanggitin. No, it is not him but a fellow male sexy star and the comedian. Obviously, they’re in an expensive hotel, the one with lots of stars. Isa pang obviously, hindi nila puwedeng i-deny na hindi sila ito dahil kita ang mga faces nila sa video.
What are they doing in the video? Would you believe na ang male sexy star ang nakapatong kay comedian?
Sa biglaang tingin nga, aakalain mong ang male sexy star ang ‘pinapasok’ ni comedian pero hindi naman at least.
Nakaupo lang sa lap ni comedian si male sexy star but yes, they’re both naked as the day they were born. At least tataas ang respeto namin kay stand up comedian, hindi na siya talaga ma-reach.
Magugustuhan kaya ito nina Manny at Antonio?
Blind Item: Young actress na feeling big star
Hindi natutuwa ang mga empleyado at security guards ng isang bangko sa Quezon City tuwing pumupunta sa opisina nila ang young actress na nagkaroon ng showbiz career nang sumali sa talent search show ng giant TV network.
Feeling big star ang young actress na umaastang hinahabol siya ng fans.
Halos madapa na raw ang young actress sa paglalakad.
Bukod sa nakayuko, pilit niyang itinatago ang mukha sa sumbrero na suot para hindi siya mamukhaan ng mga tao.
Tuwing matatapos ang mga transaction niya sa bangko, nagmamadali as in literal na tumatakbo ang young actress na para bang susundan ito ng mga tagahanga na magpapa-autograph o magpapalitrato na kasama siya.
Kinabubuwisitan siya ng mga empleyado ng bangko dahil sa kanyang kakaibang drama.
Pinagtatawanan ang young actress ng mga security guard ng bangko na hindi matandaan ang kanyang pangalan at nagsalita na hindi siya sikat kaya wala siyang karapatan na umarte ng wala sa lugar.
Letter R ang umpisa ng pangalan ng feeling famous na young actress.
Okey na po ulit ang mga comment box namin… Pede na ulit kayong mag post nang comments nyo…. please post a comment on each article na mababasa nyo… para naman ganahan kami na mag post nang maraming news, para sa inyo… thankz!!!
saka survey lang gusto nyo bha magkaroon tayo nang Showbiz news na foreign??? send nyo lang sa sti_n23@yahoo.com kung gusto nyo… okey???
Blind Item: MADIR NG MORENANG AKTRES, PARA NANG JEWELRY BOX SA SUOT NA ALAHAS, ANAK, NAKUKUBA SA KABABAYAD
Ilang negosyante ang nakasama namin kamakailan sa isang mahabang kuwentuhan. Kung saan-saan umuwi ang aming usapan, kung saan-saang negosyo, hanggang sa mapunta ‘yun sa negosyo ng pagbebenta ng mga alahas.
Naungkat ang kuwento tungkol sa isang nanay ng artista na nu’ng mahilig sa alahas ay parang wala nang pakialam sa nagpapakahirap nitong anak, kuha lang nang kuha ito ng alahas sa kanyang jeweler, bayad lang naman nang bayad ang batang aktres sa kanyang mga kinukuhang alahas.
“Nakakaawa lang si________(pangalan ng batang aktres) dahil halos makuba na siya sa pagtatrabaho, samantalang wala namang ginagawa ang nanay niya kundi ang magpakapabolosa.
“Para na nga siyang walking jewelry box ngayon, kahit simpleng okasyon lang ang pupuntahan niya sa kanilang bayan, para siyang may Hepa-B sa paninilaw,” kuwento ng aming source.
Sinusunod na lang daw ng batang aktres ang luho ng kanyang ina para hindi na ito makialam pa sa kanyang buhay, nagkaroon pala nang matinding away noon ang mag-ina dahilan kung bakit humiwalay na ng tirahan ang young actress.
Pero ang pinakapaksa ng gabi ay ang ina ng isang young actress na kilala sa pagiging alahera, kuwento ng aming mga kaharap na negosyante ay marami itong hinaharap na problema ngayon, nagkaroon pa pala ng eksena nu’ng minsan sa isang pawnshop nang dahil sa kanya.
“Maliit lang ang mundo naming mga alahera. Ang pinagkukunan niya ng paninda, kinukunan din namin. Ang inaangkatan niya ng mga bato, ru’n din kami kumukuha.
“Ang pinagpapagawaan niya ng mga alahas, du’n din kami nagpapagawa, kaya alam namin ang mga nangyayari, lalo na tungkol sa kanya. Sumabit siya, matindi ang problema niya ngayon, ewan kung paano niya sosolusyunan ang matinding sabit niya ngayon sa mga suppliers namin,” simulang kuwento ng aming impormante tungkol sa ina ng batang aktres.
Naging malaking atraksiyon ito nu’ng mabuking ng isang nanay din ng artista na isinasanla pala nito ang mga alahas na kinukuha mula sa kanya. Nahawakan ng nanay ng aktres ang mga papel de ahensiya, nagkaroon sila ng komprontasyon sa mismong pawnshop, nag-walk out ito nu’ng wala nang magawa dahil buking na buking na ito.
“Kinukuha na lang kasi sa kanya ng mga suppliers ang mga alahas dahil hindi na siya nakapagbabayad ng stocks, meron siyang sinasabing mga pangalan ng mga artista na kumuha raw ng mga alahas sa kanya, pero hindi naman nakapagbabayad.
“Nabuking siya dahil kapatid pala ng owner ng pawnshop ang isang supplier niya, nagtago pa siya nu’ng una pero wala na siyang nagawa nu’ng kasuhan siya, isinasanla pala niya ang mga paninda niya!” kuwento pa rin ng aming source.
Dating artista rin ang nanay ng batang aktres, nakaaway ito noon ng isang beteranang aktres na nalilinya rin sa pagbebenta ng mga alahas, morena pero maganda ang kanyang anak na laging kontrobersiyal dahil sa mabilis na pagpapalit ng boyfriend.
Halaw sa Diyaryong Bulgar mula sa panulat ni Cristy Fermin
MALE SINGER, KUMPIRMADONG BADING
Nu’ng una, ayaw namin maniwala na bading ang naturang male singer na produkto ng singing contest sa telebisyon. Dinidedma lang namin ang mga kuwentuhan ng mga katoto tungkol sa naturang male singer.
Nang makasama ko ang male singer sa isang provincial show, doon namin pinagdudahan ang kanyang gender. Napakahinhin niyang kumilos at pati magsalita ay kiming-kimi siya na parang pa-girl at pumipilantik ang kanyang mga daliri.
Kapansin-pansin din ang medyo asiwa niyang kilos na halatang hindi natural. Halatang iginagala muna niya ang kanyang paningin bago siya kumilos. Halatang verde ang dugo dahil sa kanyang mga ikinilos na ‘yun.
At nang marinig namin siyang magsalita, biglang bumigay ang kanyang boses at nag-iba ang timbre. Sayang, gwapito pa naman ang male singer.
Halaw sa Diyaryong Bomba sa panulat ni Mimosa Mystica
Blind Item: SEXY ACTRESS, SUKANG-SUKA SA AMOY NG HININGA NG KAEKSENANG GUWAPONG YOUNG ACTOR!
Sukang-suka ang isang sexy actress nang makasama ang isang young actor sa isang TV show. Hindi niya kinaya ang amoy ng bibig ng guwapong young actor. Kung puwede lang siyang umurong sa episode na ‘yun ay gagawin niya pero tiyak na pagagalitan siya ng management.
Baka epekto ‘yun ng mga iniinom ng young actor dahil nagda-diet ito. Malaki kasi ang ipinayat niya ngayon at bonggang-bongga ang katawan.
Ewan kung may reklamo ngayon ang isang sikat na aktres sa hininga ng aktor dahil magkaeksena sila sa isang TV show.
May bad breath pa kaya ang young actor o nagamot na?
Well…
Halaw sa Diyaryong Bulgar, sa panulat ni Roldan Castro
Blind Item: MALUSOG NA MEMBER NG ALL-FEMALE GROUP, AYAW BUMILI NG GAMIT, NANG MALAMANG ILILIBRE NG FAN ABROAD TODO-HAKOT, CART
Nagkaroon ng show sa ibang bansa ang isang all-female group. Mainit silang tinanggap sa nasabing lugar, at naging magiliw din naman sila sa ating mga kababayan. Pero kung gaano sila karami sa grupo ay ganu’n din karami ang ugali na kailangang pakisamahan ng kanilang mga hosts sa nasabing bansa.
Sabi ng aming impormante, “Naku, kani-kanya ang kaartehan nila, merong matagal gumayak, merong hindi naliligo, merong mahilig uminom na hindi naman kayang dalhin ang kalasingan niya, kung anu-ano ang katsuvahan nila!” simulang kuwento ng source.
May mga kababayan tayong natutuwa sa mga performers, ipinagsa-shopping ng mga ito ang mga artista at singers, at merong kuwento ang aming impormante tungkol sa isang miyembro ng naturang all-female group nu’ng dalhin sila sa mall ng isang natutuwang tagahanga nila.
“Hindi kasi sila sure kung sila ba ang magbabayad ng mga mapipili nila o libre ‘yun. Nu’ng paikut-ikot na sila sa mall, may mga nakikita silang magagandang personal na kagamitan, pero ayaw nilang bumili.
“Sabi nu’ng fan sa isang member na palaging maingay, ‘Heto, maganda ito, ang mura-mura pa. Bagay na bagay sa iyo ‘yan kapag may show kayo.’ Ang sabi ni ______ (ang member na may kalusugan ang katawan at maingay), ‘Naku, ang dami-dami ko na pong ganyan, meron din sa Pilipinas n’yan, marami na ako n’yan pramis!’
“Pero sabi nu’ng fan sa kanya, ‘Kumuha ka na, ako naman ang magbabayad. Kaya nga dinala ko kayo rito sa mall, e, gusto ko kayong ipagshopping. Ako ang magbabayad, don’t worry,’ sabi nu’ng fan nila.
“Ang luka-lukang girl, biglang binalikan ‘yung mga nadaanan na niyang kagamitan, marami na raw siya nu’n, pero bakit nu’ng malaman niyang libre lang pala ang mga mapipili niya niya, e, kumuha siya ng iba-ibang kulay?
“Aysus! Nu’ng malaman niyang ‘yung fan pala nila ang magbabayad, para lang siyang namimitas ng kamatis sa kakukuha sa rack ng mga damit na gusto niya, parang ayaw na niyang tumigil, punumpuno na ang cart niya!” tawa nang tawang kuwento ng aming source.
‘Yung member namang dehins goli ay sa eskaparate raw ng mga perfume nagtagal, ‘yun talaga ang type ng girl dahil sabi ng aming impormante, “Kailangan niya talaga ng mga pabango dahil hindi nga siya mahilig maligo. Kapag nag-iikot sila ng grupo, spray lang siya nang spray ng cologne at perfume sa buong katawan niya!
“Ang hindi niya alam, kapag naghahalo ang pawis at perfume, e, sumasangsang ang amoy niya. Alam mo kaagad kung hindi naliligo ang tao at basta nagpapabango lang. Iba ang kanyang amoy, parang malansa,” kuwento pa rin ng aming source.
Ang puring-puri nilang miyembro ng grupo ay ang dalagang marespeto na, hindi pa suplada. Hindi rin daw pasaway ang miyembrong ‘yun ng all-female group, kapangalan ng dalagang ito ang isang kapatid ng tsinitong action star-pulitiko.
“Napaka-prim ang proper ang babaeng ‘yun, nagpapasexy siya sa stage, pero in real life, napakasimple at mabait siya. Pagkatapos ng show, matutulog na siya, on time siya sa promo, wala siyang karekla-reklamo, kaya gusto namin siya,” papuri pa ng aming source sa miyembro ng all-female group.
Halaw sa Diyaryong Bulgar, sa panulat ni Cristy Fermin
Blind Item: DONASYON NG MGA PINOY ABROAD PARA SA MGA BIKTIMA NG KALAMIDAD, IPINANG-CASINO LANG NG SIKAT NA AKTRES
FIRST-hand ang kuwentong ito. Naganap ang senaryo ilang taon na ang nakararaan, pero hanggang ngayo’y pinagpipistahan pa rin ito ng mga kababayan natin sa ibang bansa, dahil hindi malimut-limutan ng mga ito ang ginawang eksena ng isang sikat na aktres sa entablado habang tumatakbo ang kanyang show.
Mga unang taon ng dekada nobenta nang mag-show sa ibang bansa ang singer-actress, kapuputok lang nu’ng Mt. Pinatubo, naging laman ng mga pahayagan at telebisyon sa buong mundo ang trahedyang naganap sa ating bayan.
Sa tatlong magkakalayong lugar nag-show noon ang singer-actress, sa Los Angeles, Las Vegas at Canada. Inuna muna niya ang lugar na lihis sa kanyang ruta, ang Canada, sumunod ang Las Vegas, panghuli ang Los Angeles na pinanggalingan na niya pauwi sa Pilipinas.
Maraming nanood sa kanya sa Canada, punumpuno ang venue, kuwento ng aming mga impormante ay parang tuldok lang siya sa gitna ng malawak na entablado.
Nu’ng nangangalahati na ang kanyang concert ay nagsalita ang aktres, “Kagagaling ko lang po sa ______ (ang bansa na una niyang pinagtanghalan bago siya nagpunta ru’n), nanawagan din ako sa mga kababayan natin du’n, marami po tayong naghihirap na kababayan ngayon dahil nasalanta sila ng lahar.
“Marami pong nagbigay ng tulong sa ating mga kababayan sa _______ ( ang bansa na una niyang pinagtanghalan), papayag ba naman tayo rito sa Canada na hindi rin tumulong?
“Sigurado ako na may mabubuti kayong puso, kaya ang nakalap naming tulong nu’ng una, siguradong lalampasan n’yo pa at hindi lang n’yo papantayan!” litanya ng singer-actress sa entablado.
May isang tao namang nagpaikot ng parang kahon kung saan puwedeng ihulog ng ating mga kababayan ang halaga bilang tugon sa panawagan ng actress-singer.
Maraming nagbigay ng donasyon para sa mga biktima ng lahar, halos lahat ng mga nasa auditorium ay tumugon sa panghihingi ng tulong ng aktres, pero hanggang ngayon ay nagtatanungan sila kung kanino at saang organisasyon pinadaan ng aktres ang ibinigay nilang tulong para sa mga nilahar.
Ilang araw pagkatapos ay ilang kababayan natin ang nakakita sa aktres sa Las Vegas na abalang-abalang pumipindot sa casino, ayaw nilang isiping du’n nauwi ang kanilang donasyon, basta ang kanilang tanong ay saan nga kaya ‘yun napunta dahil wala na silang narinig pa mula sa kampo ng aktres pag-alis ng grupo sa Canada.
Ha!Ha!Ha!Ha!
Halaw sa Diyaryong Bulgar sa panulat ni Cristy Fermin
Blind Item: SIKAT NA AKTOR, MAY GAY BENEFACTOR NA PULITIKO
Ikinawindang ang kuwentong ito. Habang tinitipa namin ang column na ito ay parang gusto pa rin naming mahulog sa silya, parang lumalaki ang ulo namin at patuloy ang aming pangingilabot, dahil sa istoryang nakarating sa amin.
Hindi namin alam kung paano nagtagpo ang kanilang mga landas, oo nga at sinasabing magkapatid lang ang mundo ng pulitika at showbiz, hanggang ngayon ay punumpuno pa rin ng tandang-pananong ang aming utak kung bakit sila iniuugnay sa isa’t isa.
Isang popular na aktor ng kanyang panahon ang sinasabing “mansanas ng mga mata” (read: apple of the eyes) ngayon ng isang sikat na pulitiko. Lihim na lihim diumano ang kanilang relasyon, pero may nakakahalata na rin sa espesyal nilang pagtitinginan, kung paano sila nagkakilala at kung sino ang nagpakilala sa kanila sa isa’t isa ay tinatanong pa namin kay Batman ngayon.
Maraming bading na nagkakainteres sa guwapong aktor, at kung paniniwalaan natin ang mga kuwentu-kuwento ay marami na siyang karanasan sa mga bading, pero hanggang ngayon ay puro pagdedenay lang naman ang kanyang sinasabi tungkol du’n.
Kung sino ang pulitikong diumano’y benefactor ngayon ng maluhong young actor ay hindi muna namin sasabihin, pahihinugin muna namin ang kuwento, mas masarap kainin ang prutas kapag hinog sa puno at hindi kinalburo.
Halaw sa Diyaryong Bulgar sa panulat ni Cristy Fermin
Blind Item: YOUNG ACTRESS, PURO BINABAE ANG MGA NAGIGING BF!
NAPATILI nang walang sound ang young actress nang tanungin kung bakit malakas ang appeal niya sa mga lalaking pinagdududahan ang gender. Dalawang ex-boyfriends niya na ang minsa’y natsismis dahil pinagdududahan nga kung lalaki.
“Wala naman, lalaki naman sila. Hindi ko naramdaman na parang isang babae ang kilos nila,” pagtatanggol ng young actress sa mga past BF niya.
Lalong naloka ang young actress dahil pinagdududahan din ang gender ng bagong nali-link sa kanya.
Talbog!
Halaw sa Diyaryong Bulgar sa panulat ni Roldan Castro