The new face of pinoy entertainment
May 28th, 2008 at 11:47 pm
Posted by joemer in ABS-CBN, Christine Reyes
CRISTINE REYES, WALANG BREEDING!
Written by Julie Bonifacio

Nagulat si Ara Mina sa ikinuwento namin na inasal ng kanyang nakababatang kapatid na si Cristine Reyes sa amin at kasamahan din sa panulat dito sa Pinoy Parazzi na si Pilar Mateo. Nagpakita kasi ng kagaspangan ng pag-uugali sa amin si Cristine. Bigla ba naman kaming tinalikuran habang iniinterbyu namin siya ni Pilar, nang tanungin namin siya tungkol kay Meryll Soriano na anak ng TV host na si Willie Revillame na nali-link sa kanya. Pinipisil-pisil pa ni Pilar ang isang kamay ni Cristine, habang kausap namin siya nung una. Tapos ay bigla na lang niyang ipiniglas ang kanyang kamay na hawak ni Pilar na isa sa malapit na manunulat kay Ara at sa pamilya nila. Wala talagang ka-breeding-breeding ang babaing ito.
Kunsabagay, what do you expect? Sarili nga niyang kapatid na halos bumuhay sa kanya, eh, natitiis niyang bastus-bastusin at hindi kausapin, kami pa kaya? Tapos parati pang nali-link sa lalaking may asawa at mga anak na.
  Maiintidihan pa sana namin kung talagang sikat na itong si Cristine na mag-inarte ng ganun at magkaroon ng attitude. Ang kaso, hindi pa nga siya sumisikat laos na agad siya! Ewan na lang kung ano ang kasasadlakan ng teleserye niya na “Eva Fonda” sa ABS-CBN na  hindi pa man naipapalabas ay nauna ng lumaki ang ulo ng feeling sikat na si Cristine.


May 28th, 2008 at 11:24 pm
Posted by joemer in ABS-CBN, Christine Reyes
KAWAWA NAMAN SI ARA AT MAY KAPATID SIYANG BABOY!
Written by Pilar Mateo

ANG KAGASPANGAN ng ugali ng nakababatang kapatid ni Ara Mina na si Cristine Reyes ang  pipigil sa dalaga para umariba nang husto sa larangang gusto rin niyang pagtagalan gaya ng nangyayari sa ate niya.
Katabi ko si Cristine nang ini-interbyu siya ni Mario Dumaual for “TV Patrol.” Hinawakan ko pa nga ang kaliwang palad niya para bilang publicist ng kanyang Ate Ara, meron pa rin siyang suporta kahit paano. Bukod kay Mario, nagi-interview din ang kapwa ko kolumnista dito sa Pinoy Parazzi na si Julie Bonifacio, na maraming mga tanong na naghahanap ng kasagutan niya.
May tanong na hindi nagustuhan si Cristine at may kinalaman ito sa alitan nila ng Ate niya. Biglang sinimangutan nito si Julie, sabay baling kay Mario at saka sinabing sila na lang daw ang mag-usap. At bigla nitong binitawan ng padabog ang kamay ko.
Bastos! Kung wala lang camera, bilang bahagi na rin siguro ng pamilya nina Ara,baka natuktukan ko ang babaeng ito na kulang na kulang talaga sa modo. Kaya, hindi na nakapagtataka kung bakit hanggang ngayon, wala itong marating on her own. Kitang-kita naman ng mga tao kung paano siyang pagpursigihang tulungan ng Ate niya. Ipinag-produce pa ng pelikula. Pero, noon pa man, wala talaga sa sistema ni Cristine ang maging mapagmahal sa pamilya niya, lalo na sa Ate niya.
Hinarap ko ang alalay ni Cristine na si Wacky at sa kanya ko sinabi ang pambabastos na ginawa ng alaga niya sa kasamahan kong press. Dakdak ang Wacky, kasi raw kung anu-ano raw ang sinasabi ni Ara tungkol sa away nila ni Cristine sa mga interviews nito on cam.
Siyempre, lalong uminit lang ang ulo ko. Pero hindi ako bababa sa level niya. Dahil wala namang interbyung ibinibigay si Ara sa kahit na sino tungkol sa alitan nilang magkapatid. Kahit ako nga, walang alam sa kung ano ang pinagmulan nito bilang respeto na rin sa aking alaga-na hindi ko na inurirat about it. Kaya nga nang makita ko si Cristine, totoo sa loob ko ang pagbati ko sa kanya at pag-alalay sa interbyu niya. Kaya ko hinawakan ang kamay niya, para sa signal kung sasagutin niya ang tanong  o hindi. Eh, bigla na pong binitiwan. At umarte na nang ‘di tama.
Gagastusan ng malaki ng ABS-CBN si Cristine para sa launching niya sa “Eva Fonda.” Sana, hindi mauwi sa wala ang tiwala at suporta na ipagkakaloob nila sa dalaga. Na siguradong magpapasakit na naman ng loob sa dakilang ina niya. Dahil sa inaarte na naman nito laban sa Ate niya.
Hindi mailalahad lahat sa pahinang ito kung anong klaseng kapatid si Cristine kay Ara at sa buo nilang pamilya. Alam mo ‘yan, Cristine!


Bakit hindi mo muna subukang mag-aral ng tamang asal at baka sakaling mas mahalin ka ng Diyos, para mas marami pang biyaya ang dumating sa ‘yo in the days to come?
Sa diskyunaryo ng buhay mo, tanggapin na natin, wala sa puso mo ang mga salitang ‘Salamat,’ ‘I’m sorry,’  ’Forgive Me’ o kahit ‘I love you.’
Ano ba ang problema mo, Ineng? You can never be your sister or another Ara Mina for that matter. Sa PR na PR na lang, sadsad ka na sa kawalang amor sa mga members ng press. Dapat mo ngang ipagpasalamat na kapatid ka ni Ara, dahil if not for her, baka ‘yung mga negang lumabas sa ‘yo, na ikaw mismo, hindi mo masawata on your own eh, inilubog na ang ulo mo sa kahihiyan.
Oo, sa maagang edad nasalang na ang Ate mo sa pagpapa-seksi. At naingatan pa rin ang imahe at pagka-tao niya and was able to earn the respect of her colleagues. Ikaw, ano na ba ang maipagmamalaki mo?


Umayos ka nga Cristine. Hindi ka pa nga nagpapa-sexy nang todo-kung anu-ano ng mga ka-negahan ang kaliwa’t kanang ipinupukol sa inaarte mo. Sa totoo lang, Ineng, ikaw din ang unang-unang bumababoy sa sarili mo. Kailangan pa ba naming isa-isahin?
Kawawa naman ang ate Ara mo. Kawawa ang manager mo. Kawawa ang mga taong totoo sa puso ang pagtulong nila sa ‘yo. Kawawa ang mga umiidolo sa ‘yo, kung meron man. Kawawa naman ang mga manonood sa makikilala nilang tunay na katauhan mo.
‘Pag nawala silang lahat, saan ka na pupulutin? Kawawa ka naman, ineng!


May 28th, 2008 at 5:19 am
Posted by joemer in ABS-CBN, Christine Reyes
Cristine does not want to be compared to Roxanne

New kapamilya star Cristine Reyes is very happy about the early feedback on her upcoming teleseryeEva Fonda, 16.Even Alma Moreno, the star who originated the role in the 1976 film Mrs. Eva Fonda, 16, was all praises for Cristine.

“Natutuwa ako na-appreciate nila yung effort ko sa Eva Fonda. Lalo na po si Ms. Alma, sobrang bait niya po sa akin. Tinext niya po ako [na] ang galing daw po nung sayaw. Sobrang na-flatter ako kasi siya pa po mismo ang nagsabi sa akin.”

Booming acting career aside, Cristine is cautious when in comes to addressing several issues about her. She refused to answer questions regarding her dispute with sister Ara Mina and her relationships with Wowowee host Willie Revillame and Eva Fonda co-star Jason Abalos. But when the topic of Roxanne Guinoo came up, Cristine gamely answered the queries comparing her to the Star Magic artist. Since they are both in-demand, sexy cover girls with new teleseryes, a lot of people can’t help but think of them as competitors. “Kaming dalawa ginagawa lang naming ang work naminUy, walang ganyan!” Cristine replies with a shy smile. “Ayoko ng ganyan. Issue yan eh.”


May 26th, 2008 at 12:47 am
Posted by joemer in ABS-CBN, Angel Locsin, Angelica Panganiban, Anne Curtis, Bea Alonzo, Bianca Gonzales, Christine Reyes, KC Conception, Kristine Hermosa, Marian Rivera, Mariel Rodriguez, Ruffa Mae Quinto, Toni Gonzaga, roxane Guinoo

STi-N Sexiest Female In The Philippines!!!

Gumawa kami nang survey, mula sa Luzon, Visayas at Mindanao. 352 katao
mula sa Mindanao, 356 katao mula naman sa Visayas at 496 katao naman
mula sa Luzon. Nagbigay sila nang top 5 sexiest female nila. Pagkatapos
ay tinally namin ang boto nila at ito ang lumabas.

20. Dina Bonivie
19. Riza Santos
18. Paulene Luna
17. Michelle Madrigal
16. Valerie Concepcion
15. Mariel Rodriguez
14. Ruffa Mae Quinto
13. Roxanne Guinoo
12. Luningning (ASF Dancer)
11. Angelika Panganiban
10. Bangs Garcia
  9. Ehra Madrigal
  8. Kristine Hermosa
  7. Marian Rivera
  6. Christine Reyes
  5. Bea Alonzo
  4. Anne Curtis
  3. Katrina Halili
  2. KC Concepcion
  1. Angel Locsin


May 15th, 2008 at 5:08 am
Posted by joemer in ABS-CBN, Christine Reyes

051308-CristineReyes01.jpg

Cristine Reyes reveals that she is both excited and nervous about her upcoming soap series, Eva Fonda, 16. The TV adaptation of the 1976 Alma Moreno starrer is her biggest break to date since she entered showbiz. “Sobrang excited ako! Sobrang tagal [naghintay], last year pa. So, hopefully worth it lahat ‘yun. Hindi ko sinasabing matabunan ‘yung kabila [istasyon] or ma-upstage. Basta po sa akin, ang importante magustuhan [ng tao] ‘yung gagawin natin,” explains Cristine.

Ara Mina’s younger sister admits that she feels a lot of pressure with Eva Fonda being her first starring role in a TV series. But her worries eventually dissipated during a staff meeting when all the members of the cast and crew—especially directors Frasco Mortiz and Jon Red–pledged their support. “Lahat kami first timer, pati si Direk Jon. Pinagmitingan namin… ‘just do your work,’” she shares. “Usually ‘pag bida, nasa shoulders mo [ang responsibility]. Show mo ‘yan. Inilabas ko ‘yung mga worries ko. Lahat ‘yun nawala. Sabi nila, ‘Cristine, you’re not alone, ganyan-ganyan. Kami, off-cam kami, pero nasa shoulders din namin ‘yung show.’”

Jason Abalos and Joross Gamboa will play Cristine’s leading men. Also in the cast are Jean Saburit, Baron Geisler, Janna Garcia, and Princess Ryan. With her major TV launch in Eva Fonda, 16, Cristine is expected to appear less frequently on Wowowee where she is a semi-regular co-host.


May 13th, 2008 at 5:46 am
Posted by joemer in ABS-CBN, Christine Reyes

 Ara Mina admits new rift with sister Cristine Reyes

Ara Mina admits new rift with sister Cristine Reyes

Aminado ang sexy actress na si Ara Mina na may gap na naman sila ng nakababatang kapatid na si Cristine Reyes, bagama’t ayaw nitong i-reveal kung paano nag-ugat ang bago nilang alitan.

“Hindi na kami masyadong nagkakausap lately,” sabi ni Ara nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) last Friday, May 9, sa photo shoot ng soon-to-be-launched afternoon soap ng ABS-CBN na Cattleya.

Pero bukod sa tampuhan blues ay pareho na rin kasing busy ang magkapatid. Kaliwa’t kanan ang shows ni Ara sa abroad at magsisimula na rin ang taping ng Cattleya. Si Cristine naman ay busy sa pagte-taping para sa kanyang first soap sa Kapamilya network, ang Eva Fonda, 16.

Hindi naman daw issue kay Ara kung si Cristine ay mapunta sa primetime at siya ay sa hapon lamang.

“It’s okay,” mabilis na sagot ni Ara. “Ang importante may trabaho ka at nagagampanan mo ng mabuti ‘yong trabaho and maganda ‘yong resulta at tinatangkilik ng mga tao.”

THE GOOD IN PLAYING EVIL. Villain role ulit ang papel ni Ara sa Cattleya. Kung dati nga raw ay si Kristine Hermosa ang pinapahirapan niya sa Prinsesa ng Banyera, ngayon ay si Roxanne Guinoo naman.

“Siguro lang kasi naging sobrang effective lang ako, daw, sa pagiging evil na pa-sweet,” nangingiting paliwanag ni Ara nang tanungin kung bakit siya nalilinya lately sa mga contravida roles.

Agree si Ara sa perception na kung minsan ay mas challenging talaga ang kontrabida roles. Malaking tulong din daw ang pagsubok ng iba’t ibang roles para lalong mahasa ang isang artista.

“Kasi ‘pag artista ka, siguro wala ka dapat pinipiling character. Kailangan lahat alam mong gawin, kaya mong gawin. And siguro suwerte ako sa pagiging, hindi naman kontrabida, sabihin nating medyo black sheep o parang ganun na mga role. Kasi I remember sa Mano Po, salbahe din ako dun pero dun ako unang nanalo ng award. So parang siguro napapakita ko ‘yong galing ko, siguro kung medyo hindi sweet-sweet ‘yong role,” paliwanag ng dalaga.

A NEW FRIEND IN KRISTINE. Bagama’t bitter rivals sa Prinsesa ng Banyera ay very opposite naman daw in real life ang relationship ni Ara at ng co-star nito na si Kristine Hermosa. Mami-miss nga raw niya si Kristine dahil magwawakas na ang soap na pinagbibidahan nito.

“Kami ni Kristine, on and off cam, okay kami,” sabi ni Ara. “Lately, siya ‘yong nakakasama ko so nakaka-miss din.”

Regarding naman sa kumalat na alitan daw ni Kristine at ng Prinsesa ng Banyera director na si Andoy Ranay, naging maingat si Ara sa pagsagot.

“Ayokong makialam kasi wala rin naman akong problema kay Direk Andoy. Wala din naman akong problema kay Kristine. Hindi ko talaga alam yung whole story,” pag-iwas ni Ara.

Hindi naman daw kasi niya tinatanong ang kaibigan tungkol dito at hindi rin naman daw nagkukuwento si Kristine. Dagdag pa ni Ara, “Hindi ko lang alam kung ano’ng pinagmulan o ano’ng pinagtapos.”

MEAN TO JEAN? May mga kumalat din na tsismis na tinawag daw diumano ni Ara ang aktres na si Jean Garcia ng “matanda na.” Si Jean ay close friend ngayon ng ex-boyfriend ni Ara na si Polo Ravales.

Todo tanggi si Ara na nagbitaw siya ng masakit na salita laban kay Jean. Katuwiran nito, bihira na nga raw siyang magpa-interview lately at wala rin daw siyang karapatan awayin o makialam sa personal na buhay nina Jean at Polo.

“Wala akong sinasabi against Jean and Polo and kung sila man o hindi basta happy ako for them,” defends Ara.

Dagdag pa ng sexy actress, “In the first place, hindi rin naman siya ang cause ng breakup namin. Hindi ko sinabi ‘yon. Kung meron may mga nagsasabi man ng ganoon, baka hindi ako ‘yon. Pero sa hitsura niya [Jean], hindi siya mukhang matanda.

“Wala sa age ‘yon, e. Age doesn’t matter. Kung titingnan mo ang hitsura niya [Jean], talagang parang ‘yong dati pa rin. Maganda ang mukha ni Jean. No, wala akong sinabing matanda siya.”

SINGLE AND STILL LOOKING. After Polo ay hindi na nga muling nabalita na nagka-boyfriend si Ara. Zero pa rin daw ang kanyang love life at still praying pa rin siya na sana ay dumating na ang right guy for her.

May mga nanliligaw naman daw sa kanya, mostly ay non-showbiz, problema lang ay “mga bagets,” natatawang sabi ni Ara.

Hindi rin daw niya ugali ang magpa-asa. Kung hindi niya type ang isang suitor ay tinatapat na niya agad ito.

“Hindi naman sa manhater ako,” paglilinaw ni Ara. “May mga nanliligaw naman, nagpaparamdam, pero ‘pag nakikita ko, feeling ko hindi magwu-work o parang walang potential, kinakaibigan ko na lang sila. Hindi ko masyadong ini-entertain ‘yong thought na, ‘O sige, manligaw ka lang baka sagutin kita.’”

Muli ring nilinaw ni Ara na hindi siya exclusive talent ng ABS-CBN. Marami kasi ang nagulat nang mapanood ang sexy actress sa ilang program ng Kapamilya network samantalang very identified ito before sa GMA-7.

“Kasi sa ‘kin naman, sabi ko freelance ako kung sino ang may offer. Kung sino’ng unang makapag-offer sa ‘kin ng trabaho, siyempre doon ako,” paliwanag ng sexy actress.

Maayos naman daw ang pag-uusap nila ng GMA-7 nang magdesisyon siyang maging freelancer na lang kesa magpatali sa iisang network.

BIRTHDAY WISH. At dahil kaka-birthday pa lang niya noong May 9 ay hindi maiiwasang tanungin kung ano ang kanyang birthday wish.

“Alam naman ni Lord kung ano ‘yong hinihintay ko. Pero soon, darating ‘yon, which is love life. Pero ang birthday wish ko lang para sa mga kaibigan ko, like si Daboy [Rudy Fernandez], na sana patuloy ‘yong paggaling niya,” sinserong pahayag ni Ara.


May 13th, 2008 at 5:44 am
Posted by joemer in ABS-CBN, Christine Reyes

Cristine Reyes is Eva Fonda

evaf.jpg

Kapuso-turned-kapamilya talent Cristine Reyes will star in the upcoming ABS-CBN soap opera, Eva Fonda, a remake of the 1976 hit movie Mrs. Eva Fonda, 16 starring Alma Moreno.

The series will be directed by Jon Reid and Frasco Mortiz. The cast will include Jason Abalos, Joross Gamboa, Princess Ryan, Jean Saburit, Janna Garcia, and Baron Geisler. Eva Fonda, which starts airing on May 19, is Cristine’s first major project under the kapamilya network since her released by GMA-7 as their talent last month.

Eva Fonda is adapted from th 1976 blockbuster film written by Pablo S. Gomez and directed by Emmanuel Borlaza. It is said to be the movie that launched the then little known Alma Moreno.


May 10th, 2008 at 2:35 am
Posted by joemer in ABS-CBN, Christine Reyes

GINAGAMIT NI CARLENE SI CRISTINE!
NAKU ITONG ISANG nag-iilusyon na maging artista ay ang naanakan ni Dennis Trillo na si Carlene Aguilar. May balak lang daw pala itong pumasok sa showbiz, kaya nag-iingay. Sabi niya, hindi na daw niya mahal si Dennis basta maging responsable na lamang daw siyang ama sa kanilang anak na si Calix. Sa pagdadakdak ni Carlene, tingin tuloy ng karamihan sa kanya ay ginagamit niya ang dating boyfriend na si Dennis Trillo at ang kapatid ni Ara Mina na si Cristine Reyes para makapasok sa mundo ng showbiz! Wala pa ngang napatunayan si Cristine sa Dos ay hinihila na ito ni Carlene pababa! 


May 10th, 2008 at 2:24 am
Posted by joemer in ABS-CBN, Christine Reyes, Dennis Trillio, Willie Revilliame

WILLIE AT DENNIS, ETSAPUWERA NA KAY CRISTINE!

Nagsimula ng ang taping ni Cristine Reyes para sa kauna-unahan niyang pagbibida sa isang  teleserye, ang remake ng “Eva Fonda, 16” sa ABS-CBN. Nung Miyerkules nag-meeting ang buong staff at cast ng “Eva Fonda,16” at doon nag-bonding-bonding sila. Dito raw nawala ang kaba kahit konti ni Cristine nu’ng magkabiruan sila ng ibang members of the cast like Jason Abalos at Joross Gamboa.
       Mismong si Cristine ang nagsabi sa amin na nu’ng Biyernes na naka-schedule ang first taping nila. Kaya naka-hair extension si Cristine nu’ng magkita kami dahil kailangan daw sa role niya. Marami raw siyang sexy scenes at nakahanda naman siya dito dahil isa raw ‘yun sa selling point ng teleserye.
       Prior sa pagsisimula ni Cristine ng taping nya for “Eva Fonda,16” hindi na raw ulit sila nag-date ni Dennis Trillo. Hindi naman dahil afraid si Cristine na mahuli ulit sila ni Carlene Aguilar sa isang mall. Maging ang “Wowowee” host na si Willie Revillame ay madalang na rin niyang makita at makausap.
       “Sobrang excited na ako sa project ko. Sabi ko, ayaw ko ng matsimis kahit kanino. Hindi ko naman sinasabi na nagmamataas ako kay Willie o kay Dennis. Basta, iba na ako ngayon. Concentrate na lang muna sa project. Deadma na muna ‘yung mga boys.  Gusto ko ng magtrabaho ‘yun lang as in,” diin ni Cristine.


May 10th, 2008 at 1:56 am
Posted by joemer in ABS-CBN, Aga Mulach, Ai Ai Delas Alas, Angel Locsin, Angelica Panganiban, Anne Curtis, Bea Alonzo, Bianca Gonzales, Billy Crawford, Blind Items, Box Office, Christine Reyes, Claudine Barreto, Dennis Trillio, Diether Ocampo, Dingdong Dantes, Dino Imperial, GMA, Gabby Concepcion, Gerald Anderson, Gretchen Baretto, Heart Evangelista, Jake Cuenca, Jay-R, John Lloyd Cruz, John Pratts, Jon Avilla, Juday, KC Conception, KIMERALD, Kim Chui, Koreanovelas, Kris Aquino, Kristine Hermosa, LOBO, Maja Salvador, Marian Rivera, Mariel Rodriguez, NUTAM, Naruto, PBB, Piolo Pascual, Ratings, Richard Gutierrez, Ruffa Gutierrez, Ruffa Mae Quinto, Ryan Agoncillo, SCANDALS, Sam Concepcion, Sam Milby, Sarah Geronimo, Shaina Magdayao, Sharon Cuneta, Studs, Toni Gonzaga, Uncategorized, Willie Revilliame, jericho rosales, pokwang, rayver cruz, regine Velasquez

Okey na po ulit ang mga comment box namin… Pede na ulit kayong mag post nang comments nyo…. please post a comment on each article na mababasa nyo… para naman ganahan kami na mag post nang maraming news, para sa inyo… thankz!!!

saka survey lang gusto nyo bha magkaroon tayo nang Showbiz news na foreign??? send nyo lang sa sti_n23@yahoo.com kung gusto nyo… okey???


April 26th, 2008 at 1:57 am
Posted by joemer in ABS-CBN, Christine Reyes, Dennis Trillio, GMA

DENNIS TRILLO –USING CRISTINE REYES NOW?!

 I have a bitchy friend who followed the story of Cristine Reyes-Dennis Trillo-Carlene Aguilar. The one where Carlene confronted Cristine in a taping with Dennis caught in the middle…. Not saying anything.

 

Well a few months have passed. Carlene is doing the guesting rounds and Cristine moved to ABS-CBN and is given a show thanks to, what my friend says, her sister’s maneuvering as well as her liaison with Willie Revillame.

 

Speaking of which, whatever happened with the two of them?

 

Anyway, my friend followed that story because she’s in love with Dennis Trillo. She wants him to have her kids.

 

But now it seems she’s more interested with Cristine Reyes. She is now so entranced with the girl kaya tumutok talaga siya in The Buzz when Cristine was interviewed about her movie date with Dennis that Carlene saw. She wondered aloud why is Dennis still seeing her when he broke up with her para wala nang gulo…. And then she gave a grand sweeping statement that made me almost choke on the croissant we were eating…. “Parang it’s now Dennis who’s using Cristine ano?”

 

What do you think?


April 10th, 2008 at 1:55 am
Posted by joemer in ABS-CBN, Christine Reyes, GMA

 Christine’s lawyer says GMA-7 statement created ‘wrong impression’

The camp of actress Cristine Reyes said an official statement released by TV network GMA-7 about her supposed “unprofessional behavior” is false.

“I just wanted to correct the impression that the reason they let her go daw was because of her very bad and unprofessional behavior which is very inaccurate, to begin with. Her contract has expired so it’s but right for them to release her,”  Reyes’ lawyer Dexter Licuanan told abs-cbnNews.com in an interview before his guesting with DZMM’s entertainment program “Showbiz Mismo.”

“She has gone through the process of observing the rules of courtesy by signifying to them formally her intentions to leave,” Licuanan added.

The lawyer explained that Reyes’ contract with rival network end this year. He said that after evaluating the contract, he concluded that the contract is already expired without any mandatory extensions.

“Mayroong usually mandatory extensions sa ganyang mga management contract but what I would want to emphasize [that this] contract na tinuturo nila ay  management contract. So hindi po ito exclusive artist  contract that she signed on sa GMA 7–it’s through Artist Center, iyon lang po ang pinag-uusapan diyan,” he said.

Unfair statement

GMA-7’s official statement said that Reyes is ” welcome to leave. The network has a lot more serious artists to assign important projects and develop into fine, professional actors. That being said, GMA network has now closed its doors on Cristine.”

Licuanan criticized the statement, saying it was really unfair for his client to be branded as unprofessional. 

“The allegation that Cristine was unprofessional, I think it is unfair bakit po? Kasi we went through the proper channels, in writing. We send them letters signifying her intentions to leave.

“Number two iyong alleged frequent appearance of Cristine referred to her promotion for the movie she made with her ate Ara Mina entitled ‘Ate.’ Hindi ako na-consult about that, but I actually told her to try and for courtesy sake to secure permission and I think she was able to do that,” the lawyer added.

No transfer to ABS-CBN

Reports said the reason why Reyes wants to leave GMA-7 is because of her plan to transfer to ABS-CBN.

And when Atty. Licuanan was asked about this, he answered: “Gusto ko lang liwanagin hindi po siya lilipat sa ABS-CBN. Ang gusto lang ni Cristine she wanted to have independence to be able to make appearances in programs not only in channel 7  and on also  to appear on shows of ABS-CBN… she wanted to have an artist’s license  to try on different projects pero wala siyang management contract na pipirmahan so hindi siya pipirma sa Star Magic for management contract.

Reyes is set to sign a contract with ABS-CBN Wednesday evening to do the remake of the hit film “Eva Fonda 16.”

The original version of that film was released  in 1976 by Sampaguita Pictures. It was the movie that launched the career of then upcoming star Alma Moreno.

It is also said that the movie also contributed to the popularity of the bomba (sexy) films in the country.

Mangyari po lamang na magiwan po kayo nang inyong kumento, tungkol sa
 usaping ito. Dahil dito po sa SHOWBIZZ TOP i-NEWS, laging pananaw nyo
 lang po ang siyang laging mahalaga at importante para sa amin.
 
for your comments, suggestion or complains (regarding the site) you can
 e-mail us at  







April 10th, 2008 at 1:50 am
Posted by joemer in ABS-CBN, Christine Reyes, GMA

 Cristine Reyes on ABS-CBN transfer: “Mas ginagamit ko lang ang utak ko.”

Ilang araw pagkalabas ng official statement ng GMA Network tungkol sa pagre-release nila kay Cristine Reyes as GMA Artist Center talent, pumirma naman ng one-year year contract ang kontrobersiyal na young actress sa ABS-CBN kahapon, April 9, Executive Lounge ng ABS-CBN Broadcasting, Inc.

Kasama ang kanyang kapatid na si Ara Mina, na siya ring tumatayong manager niya, tinuldukan na ni Cristine Reyes ang relasyon sa dating mother network at pinili ang pagiging isang Kapamilya.

Pero bago pa man nangyari ang pagpirma ng kontrata sa ABS-CBN, binato na ng kabi-kabilang isyu si Cristine. Isa na rito ang statement ng GMA-7 na nagsasaad na kaya raw nila binitawan bilang talent ang young actress dahil sa “attitude and behavior” niya.

Sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Cristine kahapon din pagkatapos ng contract signing niya, sinabi niya na inaasahan na niya ang paglabas ng ganitong mga uri ng negatibong intriga na tiyak na ibabato sa kanya.

“Actually, before pa, pinagbilinan na ako sa mga mangyayari na kapag lumipat ako, for sure, may mga bagay na hindi magaganda na masasabi about me. I’m prepared, that’s why composed ako. Alam ko na may lalabas na mga negative about me at pinaghandaan ko na talaga ang mga ‘yan.”

THE REASONS. Attitude problem. Hindi pagpapaalam sa guestings niya sa ABS-CBN partikular na sa Wowowee. Nagmamadaling maging bida. Mas mataas na talent fee… Ilan lamang ito sa mga sinasabing rason kung bakit nagdesisyon daw si Cristine na payagan nang umalis sa kuwadra ng Kapuso network.

Paliwanag ni Cristine, “Actually, hindi ko na kailangan ng approval ng GMA kung lumabas man ako sa ABS dahil tapos na yung kontrata ko sa kanila, effective last February 1 pa. Before pa mag-expire ang contract ko sa kanila, nagpapaalam na ako sa GMA.

“Regarding diyan sa nagmamadali raw akong maging bida, hindi ko matatawag na nagmamadali akong bida dahil kung yun lang ang gusto ko, sa meeting ko with them, may offer sila sa akin na maging bida ako. Bago pa mag-expire ang contract ko sa kanila, December pa lang, hindi ko na tinanggap ang Joaquin Bordado at ibang shows na inu-offer nila. Sabi ko, ayoko na, lilipat na ako, at may ibang projects ako na gustong gawin.

“Regarding sa TF,” patuloy niya, “lahat naman ng artista dumadaan sa ganitong posisiyon at lahat nao-offer-an ng ganito. Business ito. What do you expect, mas mababang rate? Siguro, mas ginagamit ko lang ang utak ko.

“Sa akin, kung anuman ang sabihin nilang negative, thank you dahil pinagtutuunan nila ako ng pansin. Kung sinasabi nilang Cristine Reyes lang ako, sana hindi nila ako pinag-aaksayahan ng panahon,” makahulugan niyang pahayag.

Ano ang totoong dahilan kung bakit siya lumipat sa ABS-CBN?

Ani Cristine, “Kasi siguro, lahat ng tao kailangan ng changes sa buhay nila, na kailangan nating may gawin. Siguro ito na yung change na sinasabi ko, na turning point ko sa life ko, na malaking-malaking decision na ginawa ko.

“I think hindi naman nila ako masisisi sa decision kong ito dahil pinag-isipan kong ito nang maigi. Maraming beses ko itong pinag-isipan. Hindi lang ako yung tipo na, ‘Sige, lilipat ako.’ Hindi lang nila alam ang pinagdaanan ko at kung gaano kahirap ang pinagdaanan ko, at kung gaano kahirap ang paglipat ko.”

LETTERS FROM GMA-7. Ayon pa kay Cristine, hindi lang sa kanya nagpadala ng sulat ang GMA-7 para pigilan siyang lumipat kundi maging sa ABS-CBN din.

“Totoo yun. Marami akong natanggap na letters coming from GMA, di lang ako pati ABS. Yung sa akin, ayaw nila ako payagang lumabas sa ABS dahil gusto nila ako mag-stay pa sa kanila. Yung sa ABS naman, letter yun para sabihan ang ABS na hindi ako puwedeng kunin dahil hindi nila ako bibitawan. Ipinakita ko naman sa ABS na tapos na talaga ang kontrata ko sa kanila [GMA-7] and legality speaking, wala silang habol,” paliwanag ng young actress.

Hindii maiwasang tanungin ang tungkol sa sinasabing espesyal na relasyon nila ni Willie Revillame. Pero puro “no comment” lang ang sagot sa amin ni Cristine.

Dalawang pelikula sa Star Cinema, ang remake ng Eva Fonda, 16 na isasalin sa teleserye, at ang ginagawang teleserye ngayon ni Jericho Rosales sa Malaysia ang ilan sa mga projects na nakalinyang gawin ni Cristine sa ABS-CBN.

Sa isyu na idadagdag siya bilang co-host ng Wowowee, nilinaw ni Cristine na wala sa kontrata niya ang naturang noontime show sa mga palabas na gagawin niya sa Kapamilya network.

 

Mangyari po lamang na magiwan po kayo nang inyong kumento, tungkol sa
 usaping ito. Dahil dito po sa SHOWBIZZ TOP i-NEWS, laging pananaw nyo
 lang po ang siyang laging mahalaga at importante para sa amin.
 
for your comments, suggestion or complains (regarding the site) you can
 e-mail us at  







April 3rd, 2008 at 2:53 am
Posted by joemer in ABS-CBN, Christine Reyes, GMA

 Christine Is Free Atlast!

It happens all the time.

Like the mythological character Icarus who burns his wings while trying to fly, wrongly thinking that he can soar on his own, many showbiz denizens start having, ehem, grand illusions when they feel that they have made a “name” for themselves, only to collide with painful reality. Ouch!!!

Let’s hope that the law of gravity doesn’t catch up with Cristine Reyes on whom GMA Network has just slammed its door with a “good riddance” tag stuck at her back.

You see, these past few weeks, Cristine has been blithely showing up in shows on rival channel ABS-CBN, among them Wowowee which is hosted by her “special friend” Willie Revillame, saying that her contract with GMA has expired.

“She is welcome to leave,” according to a statement from the GMA Corporate Communications Dept. (CCD). Meaning, if she wants to go, by all means go!

Here’s the full statement furnished Funfare by GMA’s CCD:

GMA has decided to drop Cristine Reyes from its roster of talents because of her attitude and behavior. She is welcome to leave. The Network has a lot more serious artists to assign important projects to and develop into fine, professional actors. That being said, GMA Network has now closed its doors on Cristine.

 

Mangyari po lamang na magiwan po kayo nang inyong kumento, tungkol sa usaping ito. Dahil dito po sa SHOWBIZZ TOP i-NEWS, laging pananaw nyo lang po ang siyang laging mahalaga at importante para sa amin. for your comments, suggestion or complains (regarding the site) you can e-mail us at  STi_N23 at yahoo.com Maraming Maraming Salamat Po Sa Walang Sawa Nyong Pag Supporta Sa

 Amin!!!

 


March 26th, 2008 at 10:48 pm
Posted by joemer in ABS-CBN, Christine Reyes, Willie Revilliame

Harutang Willie at Cristine

Usap-usapan ang paghahabulan at harutan nina Willie Revillame at Cristine Reyes sa lobby ng ABS-CBN noong Martes ng hapon. Ang ending ng “lambingan” ng dalawa’y nang kagatin ni Willie ang paa ni Cristine na noo’y nakatsinelas lang.

Ayaw tuloy maniwala nang mga nakasaksi sa harutan ng dalawa na wala silang relasyon. Pero, teka lang, ang alam namin kagagaling lang ni Cristine sa bakasyon at iba ang kasama nito. Alam kaya ito ni Wilie? At alam din kaya nang kasama nito sa bakasyon ang pakikipag-harutan kay Willie?

 

Mangyari po lamang na magiwan po kayo nang inyong kumento, tungkol sa
 usaping ito. Dahil dito po sa SHOWBIZZ TOP i-NEWS, laging pananaw nyo
 lang po ang siyang laging mahalaga at importante para sa amin.
 
for your comments, suggestion or complains (regarding the site) you can
 e-mail us at  







March 19th, 2008 at 2:42 am
Posted by joemer in ABS-CBN, Christine Reyes, Kristine Hermosa

John Avilla – Being consider To Play “Juan” In The Remake Of Parrion
De Amor!!!

Nakarating sa amin ang balitang, isa daw si John Avilla sa mga
ikinukunsidira nang pamunuan ng ABS-CBN, na gumanap sa isa sa pinakamahalagang
papel sa Philippine version ng mexican teleseryeng “Passion De Amor”.
Ito ay ang role na “Juan” pangunahing bida sa tatlong magkakapatid na
lalake, sa naturang teleserye.
Jay Aquitania naman at Joross Gamboa, bilang mga kapatid ni “Juan”.
Ito naman yung tatlong babae na ikinukunsidira din daw na gumanap sa
papel na magpapaibig sa tatlong magkakapatid, Una ay si Kristine Hermosa.
At sina Christine Reyes at Riza Santos, bilang mga kapatid ni
Kristine.
Ito po ay hindi pa kumpirmado. Being consider lang ang mga ito.

Mula po sa amin dito sa SHOWBIZZ TOP i-NEWS, ay walang takot po naming
sasabihin, pagkat ang sa amin lang ay, talagang mga gwapo at magaganda
ang napiling mga artistang gaganap. Hindi lang yun, sexy at hot ang mga
ito. Mukhang magiging kontrobersyal at mainit ang magiging tagpo sa
remake na ito. Saka hindi lang iyon, may bagong kapamilya star ata, iyon
ay si Jay Aquitania, hmmm.. Sexy ang batang ito, saka napakagaling nang
pinakita nya sa indie film na “Roxxxane”. Ito pa kung talagang sila na
ang gaganap ay may bagong tambalan din, tayo na masasaksihan. Iyon ay
ang Kristine Hermosa at John Avilla.
Kayo, gusto nyo ba na sila ang gumanap? Kung hindi, sino ang gusto nyo?
Vote now!

Mangyari po lamang na magiwan po kayo nang inyong kumento, tungkol sa
 usaping ito. Dahil dito po sa SHOWBIZZ TOP i-NEWS, laging pananaw nyo
 lang po ang siyang laging mahalaga at importante para sa amin.
 
for your comments, suggestion or complains (regarding the site) you can
 e-mail us at STi_N23@yahoo.com
 
Maraming Maraming Salamat Po Sa Walang Sawa Nyong Pag Supporta Sa
 Amin!!!

March 19th, 2008 at 1:55 am
Posted by joemer in Christine Reyes

 Willie May Tampo Sa Magkapatid Na Ara at Christine..?

 

Tinanong ko si Willie Revillame, may galit ba siya sa magkapatid na Ara Mina at Cristine Reyes? Dahil ito ang lumalabas ngayon sa ilang items na nasusulat, lalo na nga kay Cristine na inili-link sa kanya.

Sabi ni Willie, wala siyang dapat na maging galit kay Cristine. Dahil kaibigan din naman ang turing niya sa dalagang kung ilarawan niya eh, ‘makulit!’

Hindi rin naman daw maiaalis ni Willie kung may mga taong magtanggol lang sa kanya. Pero wala naman daw siyang dapat ikalungkot sa mga nangyayari. Tanggap naman daw niya na hindi nga siguro ito ang time para siya ma-involve na muli sa isang relasyon.

Nagpipista ang mga pictures na nakukunan sa resthouse niya in Tagaytay. Maipapakilala ba niya ang mga ito?

“Marami kasing pumupunta sa bahay ko doon. And as always, accommodating naman ako sa mga bumibisita, lalo na kung nanggagaling pa ang mga ito sa malalayong mga lugar. Pictures lang nila na kasama ako ang nakukuha para malabas sa mga diyaryo. Eh, bakit hindi naman nilalabas ‘yung mga Lola at mga nanay na nagpapakuha rin ng pictures with me?” sabay tawa ng comedian-host na nasa mansion niyang ‘yun ngayon nagsi-celebrate ng Holy Week.

Pagkatapos ng bakasyon, haharapin na ni Pappy Willie ang shooting ng pelikulang kino-co-produce niya with Boss Orly Ilacad of OctoArts Films, kung saan si Tony Y. Reyes, na paboritong direktor ni Bossing Vic Sotto ang magdidirek sa kanya bilang “Mr. Housewife”.


March 19th, 2008 at 1:46 am
Posted by joemer in ABS-CBN, Christine Reyes, GMA

 Christine Reyes Versus Ehra Madrigal??!

IPINARATING namin kay Cristine Reyes ang balita na si Ehra Madrigal ang itatapat sa kanya ng GMA7 sakaling ipalabas na sa ABS-CBN ang remake ng “Eva Fonda, 16” na pagbibidahan niya. Natuwa naman si Cristine for Ehra na magkakaroon na ng sarili niyang show sa GMA7. Kaibigan daw kasi niya si Ehra at naging mabait sa kanya ang kapatid ni Michelle Madrigal. Welcome naman daw sa kanya kung sila ni Ehra ang pagsabungin.

Nabalitaan na rin ni Cristine ang tsismis na pinag-iisipan na raw ngayon ng mabuti ni Katrina Halili ang pagpirma ng bagong kontrata sa GMA7. Kinunsulta raw ng maigi ni Katrina ang kanyang abugado at sinabi na ayaw na niyang pumirma ng kontrata sa Siyete. Ang abugado na lang daw ni Katrina ang pinapaharap niya sa mga executives ng Siyete.

Regular na nagkakakumustahan pala sina Cristine at Katrina, kaya alam niya ang mga nangyayari sa sexy star. Susuportahan daw ni Cristine si Katrina, kung anuman ang kanyang maging desisyon.

Mangyari po lamang na magiwan po kayo nang inyong kumento, tungkol sa
 usaping ito. Dahil dito po sa SHOWBIZZ TOP i-NEWS, laging pananaw nyo
 lang po ang siyang laging mahalaga at importante para sa amin.
 
for your comments, suggestion or complains (regarding the site) you can
 e-mail us at STi_N23@yahoo.com
 
Maraming Maraming Salamat Po Sa Walang Sawa Nyong Pag Supporta Sa
 Amin!!!

March 13th, 2008 at 10:28 pm
Posted by joemer in ABS-CBN, Christine Reyes

 Cristine Reyes – Desedido maging Kapamilya

 

Sexy actress Cristine Reyes is all decided to move on to ABS-CBN. Wala na raw siyang second thoughts, even according to her, may offer din daw ang kabilang network sa kanya.

 

While it can’t be denied na si Willie Revillame ang malaking factor kung bakit gusto lumipat ni Cristine, may chumika na ang gusto daw makapareha ni Cristine ay si Zanjoe Marudo.

 

Cristine wants to form a tandem with the model-turned-actor Zanjoe.

 

Talagang malakas ang appeal nitong si Zanjoe ha! Una siyang na-link kay Bianca Gonzalez, tapos kay Mariel Rodriguez at ngayon naman kaya, mali-link kaya siya kay Cristine Reyes?

 

Hmmmm…..

 

Mariel, anong masasabi mo? Jon Avila, maybe this is your chance!

 

 

 

Mangyari po lamang na magiwan po kayo nang inyong kumento, tungkol sa
 usaping ito. Dahil dito po sa SHOWBIZZ TOP i-NEWS, laging pananaw nyo
 lang po ang siyang laging mahalaga at importante para sa amin.
 
for your comments, suggestion or complains (regarding the site) you can
 e-mail us at  







March 11th, 2008 at 11:34 pm
Posted by joemer in ABS-CBN, Angel Locsin, Bea Alonzo, Blind Items, Box Office, Christine Reyes, Claudine Barreto, Dennis Trillio, GMA, Gerald Anderson, Gretchen Baretto, Heart Evangelista, Jake Cuenca, John Lloyd Cruz, Juday, KC Conception, KIMERALD, Kim Chui, Kris Aquino, LOBO, Maja Salvador, Marian Rivera, NUTAM, Naruto, Piolo Pascual, Ratings, Richard Gutierrez, Ruffa Gutierrez, SCANDALS, Sam Milby, Shaina Magdayao, Toni Gonzaga, rayver cruz, regine Velasquez

Breaking News: Yahoo Address Nang SHOWBIZZ TOP i-NEWS, May Sumira!!!



Nagulat kami nang masira ang aming yahoo address na  sti_n at yahoo.com ,
kahapon. Napasok nang hacker ang aming yahoo address, para ito ma sira!
Hindi namin maintindihan, kung bakit ginawa sa amin ito. Marami na ba
ang nagagalit sa amin, dahil sa pagsasabi nang totoo sa site na ito?
Kaya humihinge po kami nang paumanhin sa mga nag e-mails sa amin, dahil
hindi na po namin ito mababasa at masasagot ang inyong mga tanong. Lalo
na po sa mga “KIMERALDS” na nakikipagugnayan sa amin para kami ay
tulungan na muling magkita ang dating magkaibigan na si J.K. at artistang si
Gerald Anderson. Ito po ang bago naming email address  sti_n23 at yahoo.com
Dito nyo na lang po isend ang inyong kumento, suggestions, at tanong
para sa amin. Lalo na po yung mga kimeralds jan na gustong tumulong kay
J.K.

Mula po sa amin dito sa SHOWBIZZ TOP i-NEWS, ay walang takot po naming
sasabihin, dahil ang sa amin lang ay, iba talaga pag nagsasabi nang
totoo, at nangunguna! Gagawin ang lahat para lang masira kami. Hindi na
kami magtataka kung ang susunod na sirain nang mga hacker na bayaran, ay
ang aming site na ito. Pero gusto lang namin iparating na hindi kami,
basta basta magpapasindak. Magsasabi at magsasabi kami nang katotohanan.
Kaya aming mga tagasubaybay at tagasupporta, wala po sanang iwanan.
Magkaisa po tayo sa ganitong panahon, na pilit tayong ibabagsak. Iyun
na!!!

Mangyari po lamang na magiwan po kayo nang inyong kumento, tungkol sa
 usaping ito. Dahil dito po sa SHOWBIZZ TOP i-NEWS, laging pananaw nyo
 lang po ang siyang laging mahalaga at importante para sa amin.
 
for your comments, suggestion or complains (regarding the site) you can
 e-mail us at  







February 22nd, 2008 at 11:31 pm
Posted by joemer in ABS-CBN, Angel Locsin, Bea Alonzo, Christine Reyes, GMA, Gerald Anderson, Jake Cuenca, John Lloyd Cruz, KC Conception, KIMERALD, Kim Chui, Maja Salvador, Marian Rivera, Piolo Pascual, Richard Gutierrez, Toni Gonzaga

TOP 20 na Young Star na Pinakanagningning Noong Nakaraang Taon.
Pinangalanan na Nang mga Panelista nang SHOWBIZZ TOP i-NEWS!

  

Kaninang umaga nga ay inilabas na nang mga panelista nang aming
kumpanya ang dalwampong mas nag ning ning na young star nang nakaraang taon.
Ito ay binase sa bawat proyekto na kanilang nagawa. Mula sa endorsment,
t.v. projects, concerts, at pelikula. May 2,863 na panelista ang pumili
nang tig limang pina nag ning ning na young star, noong nag daang
2007. 30% nito ay nangaling sa Mindanao, 30% sa Visayas at 40% naman sa
Luzon at Mega Manila.
Eto na nga ang top 20, at maguumpisa tau mula sa 20, hanggang sa
nanguna!

20. Wendy Valdez & Bruce Quebral
19. Cristine Reyes
18. Yasmien Kurdi & JC De Vera
17. Valerie Concepcion
16. Mariel Rodriguez
15. Roxan Guinoo & Iza Calzado
14. Raymond Gutierrez
13. Dingdong Dantes & Kristine Hermosa
12. Maja Salvador & Jason Abalos
11. Sarah Geronimo, Matt Evans, & Melissa Ricks
10. Katrina Halili
  9. Anne Curtis, Sam Milby & Toni Gonzaga
  8. Richard Gutierrez
  7. Piolo Pascual
  6. Marian Rivera
  5. Jake Cuenca
  4. Angel Locsin
  3. John Lloyd Cruz & Bea Alonzo
  2. KC Concepcion
  1. Kim Chui & Gerald Anderson

Mangyari po lamang na magiwan kayo nang inyong kumento, tungkol sa
usapin na ito. Dahil dito po sa SHOWBIZZ TOP i-NEWS, laging ang opinyon nyo
ang siyang pinakamahalaga!


February 18th, 2008 at 1:07 am
Posted by joemer in ABS-CBN, Christine Reyes, GMA, SCANDALS

Will Christine Reyes Follow Her Sister Ara in ABS-CBN.?


Ngaun ngang nagtapos na ang kontrata ni Christine Reyes sa Artist
Centre at GMA 7, ay matuturing na free lancer na ngaung ang batang sexy
actress. Kaya kahapon sa kaunaunahang pagkakataon ay lumabas ang naturang
sexy actress sa number 1 Showbiz Talk Show nang ABS-CBN pag Lingo ang
The Buzz! Dito nga ay tinanung siya tungkol sa na lilink sa kanya na tv
host commidiane na si Willie Revilliame. Mariin niyang tinanggi na
nanliligaw sa kanya ang naturing na tv host. Gayon pa man ay inamin niyang
madalas sabihin nang tv host na may crush ito sa kanya. Sa ngaun ay wala
pa raw balak tumangap nang manliligaw si Christine, dahil hindi pa
siya gaanong move-on sa nangyaring skandalo sa kanilang tatlo nina Denis
Trillio at Carlene Aguilar.
Mula sa amin dito sa SHOWBIZZ TOP i-NEWS ang masasabi namin kay
Christine ay magdisisyon na siya kung lilipat ba nang network o mananatili
siya. Dahil hindi siya big star para mag inarte pa at paghintayin ang
dalwang network.
Kayo ano masasabi nyo sa issue na ito? Lilipat ba siya? O hindi?
Please give your comment on this issue. Because here in SHOWBIZZ TOP
i-NEWS your side is what matter most!