The new face of pinoy entertainment
May 28th, 2008 at 5:43 am
Posted by joemer in ABS-CBN, Dennis Trillio, GMA, Kim Chui, Toni Gonzaga

Dennis Trillo si Gagambino - Pilipino Star Ngayon

Si Dennis Trillo ang gaganap na Gagambino. Mula sa panulat ni Carlo Caparas ang Gagambino. Walang relasyon si Gagambino kay Gagamboy ni Vhong Navarro.

A Star Cinema movie for Bong Revilla, Toni Gonzaga and Kim Chiu - Nel Alejandrino (Journal Online)

Meantime, balitang isang movie ang kasalukuyang inihahanda ng Star Cinema para kay Sen. Bong. Nakapag-usap na sina Sen. Bong at Malou Santos, Star Cinema managing director.

Did we also hear it right that the movie might co-star Sen. Bong with Toni Gonzaga and Kim Chiu?

 


May 26th, 2008 at 12:49 am
Posted by joemer in ABS-CBN, Aga Mulach, Dennis Trillio, Diether Ocampo, Dingdong Dantes, Jake Cuenca, Jay-R, Jon Avilla, Piolo Pascual, Richard Gutierrez, Sam Milby, Studs, jericho rosales

STi-N Sexiest Male In The Philippines!!!

Gaya nang sexiest female, ay nag survey din kami nang sexiest male dito
sa Pilipinas. Ito ang lumabas sa aming tally.

20. Marc Nelson
19. Diether Ocampo
18. Polo Ravales
17. Dion Ignacio
16. Derek Ramsay
15. John Uy
14. Jericho Rosales
13. Carlo Guevarra
12. Mike Tan
11. Raphael Rossel
10. Will Devaughn
  9. Enchong Dee
  8. Zanjoe Marudo
  7. Jake Cuenca
  6. Aga Mulach
  5. Dingdong Dantes
  4. Jon Avila
  3. Sam Milby
  2. Richard Gutierrez
  1. Piolo Pascual


May 10th, 2008 at 2:24 am
Posted by joemer in ABS-CBN, Christine Reyes, Dennis Trillio, Willie Revilliame

WILLIE AT DENNIS, ETSAPUWERA NA KAY CRISTINE!

Nagsimula ng ang taping ni Cristine Reyes para sa kauna-unahan niyang pagbibida sa isang  teleserye, ang remake ng “Eva Fonda, 16” sa ABS-CBN. Nung Miyerkules nag-meeting ang buong staff at cast ng “Eva Fonda,16” at doon nag-bonding-bonding sila. Dito raw nawala ang kaba kahit konti ni Cristine nu’ng magkabiruan sila ng ibang members of the cast like Jason Abalos at Joross Gamboa.
       Mismong si Cristine ang nagsabi sa amin na nu’ng Biyernes na naka-schedule ang first taping nila. Kaya naka-hair extension si Cristine nu’ng magkita kami dahil kailangan daw sa role niya. Marami raw siyang sexy scenes at nakahanda naman siya dito dahil isa raw ‘yun sa selling point ng teleserye.
       Prior sa pagsisimula ni Cristine ng taping nya for “Eva Fonda,16” hindi na raw ulit sila nag-date ni Dennis Trillo. Hindi naman dahil afraid si Cristine na mahuli ulit sila ni Carlene Aguilar sa isang mall. Maging ang “Wowowee” host na si Willie Revillame ay madalang na rin niyang makita at makausap.
       “Sobrang excited na ako sa project ko. Sabi ko, ayaw ko ng matsimis kahit kanino. Hindi ko naman sinasabi na nagmamataas ako kay Willie o kay Dennis. Basta, iba na ako ngayon. Concentrate na lang muna sa project. Deadma na muna ‘yung mga boys.  Gusto ko ng magtrabaho ‘yun lang as in,” diin ni Cristine.


May 10th, 2008 at 1:56 am
Posted by joemer in ABS-CBN, Aga Mulach, Ai Ai Delas Alas, Angel Locsin, Angelica Panganiban, Anne Curtis, Bea Alonzo, Bianca Gonzales, Billy Crawford, Blind Items, Box Office, Christine Reyes, Claudine Barreto, Dennis Trillio, Diether Ocampo, Dingdong Dantes, Dino Imperial, GMA, Gabby Concepcion, Gerald Anderson, Gretchen Baretto, Heart Evangelista, Jake Cuenca, Jay-R, John Lloyd Cruz, John Pratts, Jon Avilla, Juday, KC Conception, KIMERALD, Kim Chui, Koreanovelas, Kris Aquino, Kristine Hermosa, LOBO, Maja Salvador, Marian Rivera, Mariel Rodriguez, NUTAM, Naruto, PBB, Piolo Pascual, Ratings, Richard Gutierrez, Ruffa Gutierrez, Ruffa Mae Quinto, Ryan Agoncillo, SCANDALS, Sam Concepcion, Sam Milby, Sarah Geronimo, Shaina Magdayao, Sharon Cuneta, Studs, Toni Gonzaga, Uncategorized, Willie Revilliame, jericho rosales, pokwang, rayver cruz, regine Velasquez

Okey na po ulit ang mga comment box namin… Pede na ulit kayong mag post nang comments nyo…. please post a comment on each article na mababasa nyo… para naman ganahan kami na mag post nang maraming news, para sa inyo… thankz!!!

saka survey lang gusto nyo bha magkaroon tayo nang Showbiz news na foreign??? send nyo lang sa sti_n23@yahoo.com kung gusto nyo… okey???


May 10th, 2008 at 1:34 am
Posted by joemer in Dennis Trillio, GMA

BIANCA KING, TYPE SI DENNIS TRILLO

SINA Bianca King at Hero Angeles ang umupo sa hot seat ng Balakubak portion ng Nuts Entertainment kamakailan. Pareho silang kasama sa Dyesebel. Kaagaw ni Dyesebel kay Fredo ang role ni Bianca bilang si Betty. Kuya naman ni Aljur Abrenica ang papel ni Hero.

May boyfriend si Bianca samantalang loveless naman daw si Hero ngayon. Pero type daw niya si LJ Reyes na makatrabaho. Posible kayang main-love siya rito? “Wala namang masama kung sakali, ‘di ba?” sabi niya.

Nag-aaral ngayon ng Film Making si Bianca. Gusto niyang maging direktor at producer balang araw. “Matagal ko nang pangarap ‘yon, kasi. Hindi naman siguro panghabang buhay na artista lang ako. Gusto ko namang mapunta sa ibang level. Pero sa ngayon, gusto ko rin namang i-enjoy ang pagiging movie star ko,” pahayag niya.

Noong Sabado, nagbalik si Janno Gibbs sa Nuts Entertainment na napapanood pagkatapos ng Imbestigador. Mas maganda ang wig na ginamit niya ngayon kaysa dati. Bagay sa kanya ang mahabang wig na blonde.

Sino naman ang gustong maka-love team ni Bianca kung sakali? “Gusto ko talagang ka-love team, si Dennis Trillo. Kasi, matagal ko siyang kaibigan, Mulawin days pa.”

At gaano katotoo na amoy-isda si Marian Rivera sa kadi-Dyesebel niya? “Naku, hindi naman amoy-isda si Marian,” sagot niya kay Joey de Leon na nagtanong. “Mabango siya at malinis, kahit nakalublob pa siya sa tubig.”

Samantala, sa Tanay, Rizal naman ang location ng mga games sa Nuts Entertainment this week. Sina Paolo Paraiso at Iwa Moto ang hosts at Belli Flori o John Feir. Sina Sunshine, Alyssa Alano at JC Parker ang kanila namang mga kapa-kapartner. Medyo mahirap ang mga games ngayon dahil sa Daranak Falls ang kanilang setting.

Kwela namang mag-host ng games si Paolo pero bakit parang ‘yung co-host niya ay hindi naman bigyan ng pagkakataon na magsalita? Bakit parang siya na lang nang siya ang nagsasalita?

Halaw sa Diyaryong Bomba, sa panulat ni Arthur Quinto


May 10th, 2008 at 12:01 am
Posted by joemer in Dennis Trillio, GMA

 Dennis Trillo takes on more daring roles to keep the public interested

Dennis Trillo takes on more daring roles to keep the public interested

Sa ikalawang pagkakataon ay gagampanang muli ng young actor na si Dennis Trillo ang role na unang ginampanan ni Christopher de Leon sa pelikula.

Pagkatapos ng Sine Novela na Kung Mahawi Man ang Ulap, mapapanood ang young actor sa remake ng 1986 Viva Films movie na Magdusa Ka. Makakasama rito ni Dennis sina Katrina Halili sa role dati ni Dina Bonnevie at Iwa Moto sa papel dati ni Pinky Amador. Magsisimula ang Magdusa Ka, na idinirek ni Maryo J. de los Reyes, sa mismong araw ng kaarawan ni Dennis, May 12, sa Dramarama sa Hapon ng GMA-7.

Sa presscon ng Magdusa Ka na ginanap kagabi, May 7, sa Plaza Ibarra sa Timog Ave., Quezon City, naitanong ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Dennis kung kumportable na siyang gampanan ang mga dating roles ng Drama King na si Christopher sa movies.

“Hindi naman sa kumportable na,” simula ni Dennis. “Kasi dalawang beses pa lang naman akong gaganap ng mga roles dati ni Christopher de Leon. Pero siguro it’s more on masaya na ako ang napiling gumanap ng magagandang role at mas natsa-challenge ako.”

Ang Zaido ang last regular primetime series ni Dennis sa GMA-7, pero wala raw kaso sa kanya kung bigla siyang ibinalik sa afternoon series.

“Actually, ang nangyayari kasi, after kong mag-primetime, meron akong Dramarama sa Hapon. Natutuwa ako nang husto dahil nararamdaman ko na nandiyan ang GMA para suportahan ako sa lahat ng mga endeavors ko sa buhay. Lalo na sa trabaho ko at mga projects na natatanggap ko. At masayang-masaya ko dahil isang obra maestra ang pagbabasehan namin ngayon,” pahayag ng young actor.

Hindi rin naniniwala si Dennis na kapag afternoon series ang programa ay hindi ito kasing garbo ng mga primetime series.

“Alam n’yo, depende ‘yan,” sabi ni Dennis. “Yung huling ginawa naming pang-hapon, Kung Mahawi Man ang Ulap, siya yung nag-set ng record na pinakamataas na rating sa hapon—naka-27.8 [percent] siya. At kahit na pang-hapon siya, yung performance namin at quality or output ng mga projects namin, kasing-quality siya ng primetime.

“So, alam n’yo yun, mapa-Dramarama Sa Hapon or mapa-primetime, basta magaling ang trabaho mo, magaling ang mga katrabaho mo, director… Sa tingin ko, papantay yun kahit anong primetime shows pa ang itapat mo diyan.”

MACHO-DANCING SCENE. Medyo offbeat ang character na ginagampanan ni Dennis sa Magdusa Ka dahil may pagka-barumbado siya rito, na malayung-malayo sa good roles na ginagampanan niya noon.

Napapalakpak nga ang karamihan ng entertainment press sa presscon nang ipinakita ang AVP (audio-visual presentation) ng Magdusa Ka, kung saan may macho-dancing scene si Dennis. Tinanong ng PEP si Dennis kung paano siya napapayag na gawin ang naturang eksena.

“Oo nga, e!” natawa rin niyang sabi. “E, kasi, di ba, minsan meron tayong ginagawa na tayo lang mag-isa, di ba? Kapag wala kang magawa, susubukan mo lang gawin. So naisip ko, kaya ko rin pala, e. Naiisip ko baka in the future, kailangan kong gawin. So hayan nga, may ganyan nang pagkakataon.”

Inamin din ni Dennis na bago pa man niya gawin ang naturang eksena sa Magdusa Ka ay mga mga pagkakataon na sinusubukan niyang sa harap ng salamin kung paano ang tamang paggiling na parang macho dancer.

Pero nilinaw ng young actor na hindi macho dancer ang papel niya sa naturang Sine Novela. Sa eksena raw kasing ‘yon ay dinare siya ng character ni Katrina na makikipag-date lamang siya kay Dennis kung sasayaw siya na parang macho dancer.

Tinanong din namin si Dennis kung posible bang simula na ito ng more daring roles for him

“Siguro… Actually, wala pa ‘yan. Pero wala akong planong mag-bold, okay?” nakangiti niyang sabi. “Patikim lang ‘to. Kumbaga, para maging interested ang mga tao sa akin at may makita silang bago sa akin.”

TOP KAPUSO LEADING MEN. Sa hanay ng mga young actors sa Kapuso network, isa si Dennis sa maituturing na top leading man. Pero tila ngayon, kung ira-rank ang top three actors ng GMA-7, tila pumapangatlo na lang siya kina Dingdong Dantes at Richard Gutierrez in terms of popularity or hotness. Ano ang reaksiyon dito ni Dennis?

“Actually, ano, e, hindi ako nakikipagkumpitensiya sa kahit na sino. At basta may trabaho ako…pare-pareho naman kaming may trabaho. Para-pareho kaming may mga tagahanga. So ako, hindi na ako makikipagkumpitensiya kahit kanino. Basta kami ay nabibigyan ng magandang roles, masaya na ako ro’n.

“Kasi ever since naman na pumasok ako rito sa show business, wala naman akong balak na maging superstar. In fact, yung una ko ngang pelikula [Aishite Imasu], hindi nga ‘yon pang-heartthrob. So, alam n’yo yun, hindi ako masyadong nagpo-focus sa mga kakumpitensiya ko. Basta binibigyan kami ng trabaho at nagagampanan namin nang maayos, masaya na talaga ako sa bagay na ‘yon,” mahabang paliwanag ni Dennis.

Pero may nagsasabi rin naman na kung popularity wise ay mas lamang sa kanya sina Dingdong at Richard, in terms of acting ay si Dennis pa rin daw ang maituturing na may alas sa aspetong ito. Bukod dito, sa kanilang tatlo ay si Dennis pa lang ang nanalo ng acting awards.

“Iba-ibang opinion ‘yan,” sambit ni Dennis. “Pero sa mga taong nagsasabi ng ganoon, thank you na lang. At saka masaya ako kung ganoon ang iniisip nila. Siyempre, konti lang naman kami sa GMA, so thank you sa mga nag-iisip ng ganoon.”

Sang-ayon ba si Dennis sa opinyon ng iba na nagkaroon ng epekto sa kanyang career ang pagkakaroon niya ng anak sa beauty queen na si Carlene Aguilar?

“Alam n’yo, sa totoo lang, nararamdaman ko na wala naman masyadong… Kasi tuloy pa rin ang trabaho, magagandang projects pa rin ang natatanggap ko. Kapag nagsu-show ako, like mall shows or others, okay pa rin ang pagtanggap sa akin ng mga tao. So, hindi ko muna iniisip yung mga negative-negative. Positive outlook lang ako sa lahat ng bagay ngayon. Which is, sa tingin ko, nakakatulong din sa akin dahil maganda ang nangyayari sa career ko at sa buhay ko.

“Wala akong pinagsisihan sa kahit na ano,” patuloy niya. “Bawat experience sa buhay mo, may lesson kang natutunan, e. So, wala akong babaguhin, wala akong iibahin. Ito ang destiny ko. Hindi naman ako ang nag-plano nito, di ba?”


May 2nd, 2008 at 10:46 pm
Posted by joemer in Dennis Trillio

Dennis Trillo: Mabaho daw ang paa?

May nakapagsabi sakin na mabaho nga daw ang paa ng gwapong aktor. Gaano naman kaya katotoo yon? totoo daw kasi naamoy nga daw nya. hindi daw kasi mahilig mag medyas tong si dennis. Pero kahit mabaho man ang paa nya, e ok lang kasi naman mukha namang mabango to si dennis. Mabuti na lang gwapo ka dahil kung hindi…naku naku!


May 2nd, 2008 at 9:46 pm
Posted by joemer in Dennis Trillio, GMA

Dennis Trillo would rather focus on his showbiz career than his love life

Dennis Trillo would rather focus on his showbiz career than his love life

Nanibago kami sa porma ni Dennis Trillo nang dalawin ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang set ng Magdusa Ka sa Marinara, isang girlie bar sa Quezon Avenue. Very rugged at medyo marumi kasi ang hitsura niya, pero ganito kasi ang hinihingi ng character na ginagampanan niya sa bagong Sine Serye ng GMA-7 na magiging bahagi ng Dramarama sa Hapon ng GMA-7.

Gagampanan ni Dennis sa Magdusa Ka ang role na unang ginampanan ni Christopher de Leon sa pelikula. Pagbibidahan ito ni Katrina Halili na siya namang gaganap sa role dati ni Dina Bonnevie.

“Gusto kong suportahan si Katrina sa pagbibida niya,” sabi ni Dennis. “Nandodoon kasi ang challenge. Nakilala sa pagiging kontrabida si Katrina, at kailangan ng matinding suporta ngayong siya naman ang pagkakatiwalaang maging heroine sa istorya.”

CRISTINE REYES. Hiningan rin namin ang reaction si Dennis sa posibilidad na ang nilulutong teleseryeng tatampukan ng rumored girlfriend niyang si Cristine Reyes sa ABS-CBN—ang Eva Fonda, 16—ay baka makatapat ng kanilang Magdusa Ka.

“E, di maganda!” bulalas ng young actor. “Labanan ito ng naggagandahan at nagseseksihang FHM cover girls, di ba? Sa Magdusa Ka, kasama rin namin ni Katrina si Iwa Moto, at talagang paseksihan ang labanan.”

Si Iwa ang pumalit kay Cristine na first choice sana sa role na unang ginampanan ni Pinky Amador sa pelikula. Ngayon ay nasa bakuran na ng Kapamilya network si Cristine.

“Sa amin ni Cristine, wala kaming nakikitang conflict sa ganyan,” ani Dennis. “Trabaho lang kasi ‘yan, e. Nagkataon lang na nasa magkalabang networks na kami. At saka walang epekto sa pagiging magkaibigan namin ‘yon.

“Yeah, we go out,” pag-amin ng matinee idol. “Nakikita naman ng mga tao yun, pero hindi naman palagi, ’cause we are both busy. This time, magkahiwalay na nga kami ng network kaya mas mahirap.”

Sa kabila ng madalas na paglabas nila ni Cristine ay bakit tila patuloy pa rin si Dennis sa pagde-deny ng totoong relasyon nila?

“Hindi naman sa ganoon,” depensa ni Dennis. “Kailangan ko lang talagang sabihin ang totoo, na lumalabas kami, kasi friends kami. Wala akong nakikitang masama doon. I always believe na single pa rin naman siya. At saka magkaibigan lang kami ni Cristine. Gaya sa pakikipag-close niya sa ibang guys, wala akong nakikitang masama doon.

“At saka alam ni Cristine na nakatutok ako sa career ko. Yung controversies before, kahit paano, let’s face it, nakaapekto sa akin. Kaya this time, yaman din lang na natanggap ng public ‘yan, mas mabuting ang pagtuunan ko ng pansin ay ang career ko.

“Kung magkakaproblema uli ako dahil sa love life, I can’t afford that at this time. Kaya sa maniwala kayo’t hindi, hindi ko pinagbubuhusan ng atensiyon ang love sa ngayon,” pagtatapat ni Dennis.

CARLENE & CALIX. Ano naman ang masasabi ni Dennis sa madalas na pagpapa-interview ng kanyang dating girlfriend na si Carlene Aguilar at isinasama pa ang anak nila na si Calix Andreas?

“That’s just okay, lalo na kung ang topic naman ay motherhood at hindi yung mga tsismis lang,” saad ni Dennis. “Carlene and I are okay. Nakakadalaw ako regularly sa bata. Kung anuman talaga yung sa amin, tungkol na lang sa baby.

“Alam naman ni Carlene na wala ring kapupuntahan kung iniintriga kami ng ganoon. Mas mabuti talagang kami na lang ang nag-uusap at may nasu-solve pa kami kung anuman ang problema.

“I don’t think na magkakaroon pa ng gusot sa amin ni Carlene. Basta alam naman niyang kung makakaya ko, susuportahan ko yung baby namin. Nagkausap na kaming mabuti diyan at alam na niya ang stand ko,” paliwanag ng binatang ama.

RUFA MAE QUINTO. Tungkol naman sa shooting nila ng dati rin niyang nakaraleasyon na si Rufa Mae Quinto for GMA Films’ I.T.A.L.Y. (I Trust and Love You), totoo bang sabay silang nag-shopping nang magkaroon sila ng pagkakataong makapamasyal sa Africa?

“Kailangan kasi naming bumaba sa Tunisia for the outdoor shoot,” paliwanag ni Dennis. “It’s not true na talagang nagsabay pa kami para lang mag-shopping, and to have time together. Nagkataon lang na nakalapag kami, at nang bumili lang ako ng some stuffs, nakita ko rin siya. Ganoon lang yun, Wala yun.”

Hindi kaya ikagalit ni Cristine ang kuwentong nagkasarilinan sina Dennis at Rufa Mae sa shooting ng I.T.A.L.Y.?

“Wala naman siyang dapat ikagalit. Ang sa akin lang, huwag nang lagyan ng malice yung sa amin ni P-chi [palayaw ni Rufa Mae]. Nagkatrabaho lang kami, nagkasama ng ilang araw sa cruise, pero part lang talaga ng trabaho,” pagwawakas ni Dennis.


April 26th, 2008 at 1:57 am
Posted by joemer in ABS-CBN, Christine Reyes, Dennis Trillio, GMA

DENNIS TRILLO –USING CRISTINE REYES NOW?!

 I have a bitchy friend who followed the story of Cristine Reyes-Dennis Trillo-Carlene Aguilar. The one where Carlene confronted Cristine in a taping with Dennis caught in the middle…. Not saying anything.

 

Well a few months have passed. Carlene is doing the guesting rounds and Cristine moved to ABS-CBN and is given a show thanks to, what my friend says, her sister’s maneuvering as well as her liaison with Willie Revillame.

 

Speaking of which, whatever happened with the two of them?

 

Anyway, my friend followed that story because she’s in love with Dennis Trillo. She wants him to have her kids.

 

But now it seems she’s more interested with Cristine Reyes. She is now so entranced with the girl kaya tumutok talaga siya in The Buzz when Cristine was interviewed about her movie date with Dennis that Carlene saw. She wondered aloud why is Dennis still seeing her when he broke up with her para wala nang gulo…. And then she gave a grand sweeping statement that made me almost choke on the croissant we were eating…. “Parang it’s now Dennis who’s using Cristine ano?”

 

What do you think?


April 20th, 2008 at 11:15 pm
Posted by joemer in ABS-CBN, Dennis Trillio, SCANDALS

 Carlene is over her ’stupid love’ for Dennis

Former beauty queen Carlene Aguilar admitted on “The Buzz” on Sunday that she used to fight with other women just to keep her then boyfriend, actor Dennis Trillo.

But those days are over, Aguilar told The Buzz special guest host Kris Aquino on a one-on-one interview Sunday.

Looking trim and lovely, Aguilar said that her squabbles with other women over Trillo were part of growing up, and was all done out of love for him.

“Siguro sobrang in-love lang kasi, syempre, pag in-love ka tanga ka,” she told Kris.

(I gues when you’re really in-love with someone, you get stupid)

Aguilar also told Kris that she’s perfectly fine with her situation: separated from Trillo but having custody of their son, 19-month-old Calix.

“At least nakita ko na inuuna ni Dennis si Calix above everything or anything else. Okay na yon sa akin. Kasi mas okay na sa akin na binibigyan niya ng importansya yung baby namin. Sobrang okay kami ni Dennis ngayon. Ako happy ako kasi yung baby ko nasa akin eh. So happy na ako that way,” she said.

(I’m happy that I see how important Calix is to Dennis. He puts him above everything else. I’m happy that I have our baby. Dennis and I are really okay.)

Another thing Aguilar is okay with is the possibility that Trillo might be dating his ex-girlfriend, sexy actress Cristine Reyes.  Aguilar and Reyes had a much-publicized “encounter” with Reyes several months ago–supposedly over Trillo.

Trillo, Reyes and Aguilar were in the news again last week, after it was reported that the three of them bumped into each other accidentally at a mall. Trillo and Reyes, who had just finished watching a movie together, reportedly “snubbed” Aguilar, pretending that they didn’t see her.

Aguilar however said that she was perfectly fine with what happened. She told Kris that she’s already over her heady romance with Trillo and is even entertaining possible suitors.

“Oo naman para mas masayang life (Of course, so that life would be more happy),” she told Kris.

Mangyari po lamang na magiwan po kayo nang inyong kumento, tungkol sa
 usaping ito. Dahil dito po sa SHOWBIZZ TOP i-NEWS, laging pananaw nyo
 lang po ang siyang laging mahalaga at importante para sa amin.
 
for your comments, suggestion or complains (regarding the site) you can
 e-mail us at  

March 29th, 2008 at 9:45 pm
Posted by joemer in ABS-CBN, Anne Curtis, Bea Alonzo, Dennis Trillio, GMA, Gerald Anderson, John Lloyd Cruz, Juday, KC Conception, KIMERALD, Kim Chui, Piolo Pascual, Richard Gutierrez, regine Velasquez

 YES! Magazine Awarded Mostly Kapamiya’s Star!!!

Definitely, no year would be complete without the country’s leading and best-selling entertainment magazine’s list of the most beautiful, the most popular, and the most favorite celebrities of the year as voted by its readers.

Leading the favorite list are Maricel Soriano and Piolo Pascual, as Favorite Actress and Favorite Actor of the year, respectively. The readers chose Ryan Agoncillo and Judy Ann Santos as Favorite Real-Life Sweethearts and their 2006 Metro Manila Film Festival box-office hit Kasal, Kasali, Kasalo for Favorite Movie of the Year.

ABS-CBN’s Maging Sino Ka Man gets the Favorite TV Show, Drama award, while GMA-7’s Super Twins gets the majority of the readers’ vote for Favorite TV Show, Fantasy-Adventure. Two more Kapuso shows get the Favorite TV Show awards from the readers: Boys Nxt Door for the Youth Oriented category and StarStruck: The Next Level for the Reality/Games category.

YES! Magazine’s April 2008 issue cover story KC Concepcion is voted by the readers as the Most Beautiful Celebrity, while Richard Gutierrez, the man who has been rumored to be courting her gets the Most Handsome Celebrity and Most Fashionable Young Male Celebrity awards. Coincidentally, Richard’s ex-girlfriend Anne Curtis is voted Most Fashionable Young Female Celebrity award.

Expecting mom Jennylyn Mercado is the readers choice for Young Female Superstar and Celebrity Home of the Year. John Lloyd Cruz at the Kapamilya side is chosen Young Male Superstar. The readers love John Lloyd with Bea Alonzo, hence their love team is voted as the Most Popular Love Team.

Kapuso dream boy Dennis Trillo’s condo gets the readers’nod for Celebrity Condo of the Year. Ogie Alcasid and Regine Velasquez’s admission of their relationship for the readers is hands-down the most talked about incident in showbiz last year, that’s why they were given the Scene Stealers of the Year award.

Kapamilya’s cute pair Gerald Anderson and Kim Chiu gets the Next Big Male Star and Next Big Female Star, awards respectively.

The readers’choice for Band of the Year and Band Song of the Year are Bamboo with their album We Stand Alone and “Akin Ka Na Lang” by the Itchyworms from their album Noontime Show, respectively.

 

Mangyari po lamang na magiwan po kayo nang inyong kumento, tungkol sa
 usaping ito. Dahil dito po sa SHOWBIZZ TOP i-NEWS, laging pananaw nyo
 lang po ang siyang laging mahalaga at importante para sa amin.
 
for your comments, suggestion or complains (regarding the site) you can
 e-mail us at   
Maraming Maraming Salamat Po Sa Walang Sawa Nyong Pag Supporta Sa
 Amin!!!

March 11th, 2008 at 11:34 pm
Posted by joemer in ABS-CBN, Angel Locsin, Bea Alonzo, Blind Items, Box Office, Christine Reyes, Claudine Barreto, Dennis Trillio, GMA, Gerald Anderson, Gretchen Baretto, Heart Evangelista, Jake Cuenca, John Lloyd Cruz, Juday, KC Conception, KIMERALD, Kim Chui, Kris Aquino, LOBO, Maja Salvador, Marian Rivera, NUTAM, Naruto, Piolo Pascual, Ratings, Richard Gutierrez, Ruffa Gutierrez, SCANDALS, Sam Milby, Shaina Magdayao, Toni Gonzaga, rayver cruz, regine Velasquez

Breaking News: Yahoo Address Nang SHOWBIZZ TOP i-NEWS, May Sumira!!!



Nagulat kami nang masira ang aming yahoo address na  sti_n at yahoo.com ,
kahapon. Napasok nang hacker ang aming yahoo address, para ito ma sira!
Hindi namin maintindihan, kung bakit ginawa sa amin ito. Marami na ba
ang nagagalit sa amin, dahil sa pagsasabi nang totoo sa site na ito?
Kaya humihinge po kami nang paumanhin sa mga nag e-mails sa amin, dahil
hindi na po namin ito mababasa at masasagot ang inyong mga tanong. Lalo
na po sa mga “KIMERALDS” na nakikipagugnayan sa amin para kami ay
tulungan na muling magkita ang dating magkaibigan na si J.K. at artistang si
Gerald Anderson. Ito po ang bago naming email address  sti_n23 at yahoo.com
Dito nyo na lang po isend ang inyong kumento, suggestions, at tanong
para sa amin. Lalo na po yung mga kimeralds jan na gustong tumulong kay
J.K.

Mula po sa amin dito sa SHOWBIZZ TOP i-NEWS, ay walang takot po naming
sasabihin, dahil ang sa amin lang ay, iba talaga pag nagsasabi nang
totoo, at nangunguna! Gagawin ang lahat para lang masira kami. Hindi na
kami magtataka kung ang susunod na sirain nang mga hacker na bayaran, ay
ang aming site na ito. Pero gusto lang namin iparating na hindi kami,
basta basta magpapasindak. Magsasabi at magsasabi kami nang katotohanan.
Kaya aming mga tagasubaybay at tagasupporta, wala po sanang iwanan.
Magkaisa po tayo sa ganitong panahon, na pilit tayong ibabagsak. Iyun
na!!!

Mangyari po lamang na magiwan po kayo nang inyong kumento, tungkol sa
 usaping ito. Dahil dito po sa SHOWBIZZ TOP i-NEWS, laging pananaw nyo
 lang po ang siyang laging mahalaga at importante para sa amin.
 
for your comments, suggestion or complains (regarding the site) you can
 e-mail us at  

February 26th, 2008 at 12:11 am
Posted by joemer in Dennis Trillio, GMA, SCANDALS

Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang beauty queen at dating karelasyon ni Dennis Trillo na si Carlene Aguilar noong Linggo, February 24, after ng live interview niya sa showbiz talk show ng GMA-7 na Showbiz Central.

Masayang ibinalita ni Carlene na talagang maganda na ngayon ang relasyon nila ni Dennis, ang ama ng anak niyang si Calix Andreas.

Sabi ni Carlene, “Yung mga away namin before, hindi na namin pinag-uusapan. Nag-start kami na okay this year. Okay naman ngayon talaga. Mas okay ang relationship namin ngayon kesa dati.”

Kung nag-uusap man daw ngayon sila ni Dennis, nilinaw ni Carlene na para na lang ‘yon sa kanilang anak. Hindi raw nila napapag-usapan na magkabalikan pa sila.

“Walang tsansa na pag-usapan ‘yon kasi masyado kaming nae-excite sa pag-aalaga sa baby ‘pag magkasama kami with Calix,” banggit ng dating beauty queen.

Pagkatapos mapunta sa wala ang relasyon nila ni Dennis, hindi ba siya natatakot na magmahal uli?

“Siyempre, nakakatakot,” sagot ni Carlene. “Pero kailangan mong mag-take ng risk, hindi puwedeng matakot ka na lang palagi.”

Mula nang lumabas si Carlene at aminin niyang nagkaroon sila ng relasyon ni Dennis at nagkaanak siya rito, maraming nakapansin na bumaba ang popularity ng young actor. Tuloy, si Carlene ang sinisisi ng iba.

“Siguro hindi ako yung may kasalanan nun, so huwag nila akong sisihin,” pagtatanggol ni Carlene sa kanyang sarili. “Na kay Dennis yun kung paano niya gagawin, kung paano niya aayusin. Basta nasa kanya yun. And sana mabigyan siya ng fans niya ng chance.

“Kasi yun naman ang importante, kung paano kang babangon after yung mistake mo. Kasi siyempre, tao lang naman tayo na nagkakamali. Siyempre minsan galit lang din kaya nagagawa mo yung mga bagay-bagay na hindi mo ini-expect na magagawa mo. So, kailangan lang siguro ng mga taong intindihin siya kasi tao lang din naman siya,” paliwanag niya.

Pumangit na raw ang image ni Dennis mula nang lumabas sa publiko si Carlene at ipagsabi na may anak na sila. Ano ang reaksiyon dito ni Carlene?

“Five years kami na magkarelasyon and sinuportahan ko siya. Hindi ko sinabi na kami, wala kayong narinig sa akin. Pero siguro time lang na… Siguro dahil na rin sa baby na parang ipakilala ninyo ako, ganun,” aniya.

Wala ba siyang pagsisisi na nararamdaman sa ginawa niyang pag-amin ng tungkol sa kanila ni Dennis?

“Wala, kasi parang kailangan ko nang sabihin yung totoo. Kasi ako na yung naaagrabyado. And hindi ako yung klase ng tao na nagpapa-agrabyado. Hindi naman ako matapang. Pero alam ko lang kung saan ko ilulugar yung sarili ko, kung ano yung mga dapat kong gawin, saka kung kelan ko ipapakita yung, alam mo yun, tama na, ganyan,” pahayag ni Carlene.

Masasabi ba niyang wala na talaga siyang nararamdaman para kay Dennis?

“Hindi na po ako in love sa kanya as in a romantic ano,” sagot ni Carlene. “Siguro love dahil ang tagal ng pinagsamahan namin. ‘Tapos siyempre, kahit nag-aaway kami, alam n’yo yun, kailangan naming i-patch yung things kasi may baby kami, e. Hindi namin puwedeng alisin yun. And gusto ko kahit hiwalay kami, lumaki si Calix na alam niyang okay yung parents niya.”


February 22nd, 2008 at 11:43 pm
Posted by joemer in Dennis Trillio, GMA, SCANDALS

Dennis Trilio - Nabawasan ang Ningning Matapos ang Iskandalong
Kinaharap.?

Matapos nga ang sunod sunod na matinding iskandalo na kinaharap nang
single dad/actor na si Dennis Trilio noong nakaraang taon, ay tila unti
unti na ngang nabawasan ang kasikatan niya. Masyadong naapektohan ang
imahe na, na build-up niya bago pumutok ang mga iskandalo. Una ang
pagkakaroon nila nang di pagkakaunawaan ni Mother Lily nang Regal Films.
Sumunod dito ang pagtatago niya sa di umanoy apat na taon na relasyon nila
nang beuty queen na si Carlene Aguilar. Sumunod dito ay ang pagtatago
niya sa pagbubuntis na noon ay kasintahan niya na si Carlene. Sumunod ay
ang muling lihim niyang relasyon, sa kapatid ni Ara Mina, na si
Cristine Reyes. At ang pang huli ay away sa pagitan nina Cristine Reyer, at
Carlene Aguilar, dahil sa di umanoy pakikipagrelasyon ni Cristine kay
Dennis, gayong si Carlene at Dennis pa noong mga panahong iyon. At dahil
nga sa mga kontrobersiyang nabangit ay, hindi na nadagdagan ang
endorsment nang naturang actor. Pati na rin ang unti unting pag lamlam nang
career niya.

Mula po sa amin dito sa SHOWBIZZ TOP i-NEWS, ay walang takot naming
sasabihin, dahil ang sa amin lang ay, sana ay hindi naging malihim ang
actor. Lalo na sa mga naging ka relasyon niya. Gaya nang ginawa ni John
Lloyd Cruz, na nagin open sa publiko, sa lahat nang mga naging ka
relasyon niya. Kaya naman minahal nang publiko. Saka bilang artista, lalo na
at sikat, may obligasyon ang mga artista, na iparating sa publiko at mga
taga hanga nila ang mga nangyayari sa kanila. Dahil utang na loob nila
ito sa taong bayan.

Mangyari lang po na magiwan kayo nang inyong kumento, tungkol sa usapin
na ito. Dahil dito po sa Number 1, Pinoy Entertainment Scoop Site nang
bansa, ay laging opinyon nyo po, na aming taga suporta ang siyang
pinaka mahalaga!