The new face of pinoy entertainment
May 26th, 2008 at 12:49 am
Posted by joemer in ABS-CBN, Aga Mulach, Dennis Trillio, Diether Ocampo, Dingdong Dantes, Jake Cuenca, Jay-R, Jon Avilla, Piolo Pascual, Richard Gutierrez, Sam Milby, Studs, jericho rosales

STi-N Sexiest Male In The Philippines!!!

Gaya nang sexiest female, ay nag survey din kami nang sexiest male dito
sa Pilipinas. Ito ang lumabas sa aming tally.

20. Marc Nelson
19. Diether Ocampo
18. Polo Ravales
17. Dion Ignacio
16. Derek Ramsay
15. John Uy
14. Jericho Rosales
13. Carlo Guevarra
12. Mike Tan
11. Raphael Rossel
10. Will Devaughn
  9. Enchong Dee
  8. Zanjoe Marudo
  7. Jake Cuenca
  6. Aga Mulach
  5. Dingdong Dantes
  4. Jon Avila
  3. Sam Milby
  2. Richard Gutierrez
  1. Piolo Pascual


May 18th, 2008 at 9:28 pm
Posted by joemer in Dingdong Dantes, GMA, Marian Rivera

Marian, Dingdong looking forward to new movie

 

Excited na sina Marian Rivera at Dingdong Dantes sa unang pelikula na kanilang pagtatambalan kasama si Iza Calzado.

“Sana Matuloy… Ako its one thing I’m looking forward to,” pahayag ng aktor sa Chika Minute ng GMA news 24 Oras.

Hirit naman ni Marian: “Hindi pa kami gumagawa ni Dingdong ng movie…(bale) first time namin ito if even na matuloy.”

Nabuo ang love team nina Marian at Dingdong sa super hit na primetime drama series ng GMA 7 na “Marimar.” Ngayon, gabi-gabing naman silang inaabangan ng kanilang mga fans sa nangungunang telefantasya sa buong bansa, ang “Dyesebel.”

Kaya naman daw doble ang nararamdaman nilang kasiyahan dahil sa mainit na pagsubaybay sa kanila ng mga tao.

“Napatunayan sa amin na yun suporta hindi talaga umalis… yun pagmamahal sa amin nandyan pa rin. And the more na lalo talaga kaming nagaganahan,” ayon kay Dingdong

“Yun magkaroon ako ng paa inabangan talaga yun. Masaya ako na pinapasok muli nila si ‘Dyesebel’ sa tahanan nila,” pahayag ni Marian.

Ngayon na nagkaroon na ng paa at pumangit si ‘Dyesebel,’ dapat abangan ang muli nilang pagkikita ni “Fredo” na ginampanan ni Dingdong.


May 14th, 2008 at 4:58 am
Posted by joemer in Blind Items, Dingdong Dantes

Blind Item: MAY GF NANG SIKAT NA AKTOR, NAKAINOM, 2 BEBOT SA TIMOG, PINAGTRIPAN

Mukhang nawala sa sarili ang sikat na aktor sa mga pinaggagawa niya dahil nakainom. Bangenge raw ito nu’ng kumain siya sa isang food chain sa Timog kasama ang mga barkada niya nu’ng Sabado.

Bagama’t may girlfriend na aktres ang aktor, naging pilyo siya sa oras na ‘yun dahil nagpapansin siya sa dalawang magagandang girls. Katuwaan lang siguro ng barkada.

Nu’ng nasa labas na sila ng food chain ay nilapitan niya ang mga ito at nanghihiram ng lighter. Paepek lang niya ‘yun dahil siya mismo ang nagsabing wala naman pala siyang sigarilyo.

Naku, mag-doorbell muna tayo bago pangaralan ang aktor na iwasang magpakalat-kalat, lalo na kung madaling-araw na dahil may image siya at career na dapat pangalagaan.

‘Yun na!

Halaw sa Diyaryong Bulgar, sa panulat ni Roldan Castro


May 10th, 2008 at 1:56 am
Posted by joemer in ABS-CBN, Aga Mulach, Ai Ai Delas Alas, Angel Locsin, Angelica Panganiban, Anne Curtis, Bea Alonzo, Bianca Gonzales, Billy Crawford, Blind Items, Box Office, Christine Reyes, Claudine Barreto, Dennis Trillio, Diether Ocampo, Dingdong Dantes, Dino Imperial, GMA, Gabby Concepcion, Gerald Anderson, Gretchen Baretto, Heart Evangelista, Jake Cuenca, Jay-R, John Lloyd Cruz, John Pratts, Jon Avilla, Juday, KC Conception, KIMERALD, Kim Chui, Koreanovelas, Kris Aquino, Kristine Hermosa, LOBO, Maja Salvador, Marian Rivera, Mariel Rodriguez, NUTAM, Naruto, PBB, Piolo Pascual, Ratings, Richard Gutierrez, Ruffa Gutierrez, Ruffa Mae Quinto, Ryan Agoncillo, SCANDALS, Sam Concepcion, Sam Milby, Sarah Geronimo, Shaina Magdayao, Sharon Cuneta, Studs, Toni Gonzaga, Uncategorized, Willie Revilliame, jericho rosales, pokwang, rayver cruz, regine Velasquez

Okey na po ulit ang mga comment box namin… Pede na ulit kayong mag post nang comments nyo…. please post a comment on each article na mababasa nyo… para naman ganahan kami na mag post nang maraming news, para sa inyo… thankz!!!

saka survey lang gusto nyo bha magkaroon tayo nang Showbiz news na foreign??? send nyo lang sa sti_n23@yahoo.com kung gusto nyo… okey???


May 9th, 2008 at 11:59 pm
Posted by joemer in Dingdong Dantes, GMA

 Dingdong Dantes gives teaser about movie with Iza and Marian

Dingdong Dantes gives teaser about movie with Iza and Marian

Sayang at wala sa immediate plans ng young actor na si Dingdong Dantes ang muling magdirek ng pelikula, kahit nominado siyang Best Director sa Star Awards for Movies ng PMPC (Philippine Movie Press Club) para sa paggawa niya ng isa sa three episodes ng pelikulang Angels.

 

Busy kasi si Dingdong sa taping ng Dyesebel and by July, magsisimula na siyang mag-shooting para sa Amnesia ng GMA Films, kasama sina Iza Calzado at Marian Rivera.

Ikinuwento ni Dingdong sa PEP (Philippine Enetrtainment Portal) kung paano siya sobrang na-excite sa nakuhang nominasyon mula sa Star Awards. Bumili raw siya ng DVD copy ng Angels at muli itong pinanood.

Hindi niya alam kung kailan siya muling magkakaroon ng time na magdirek uli. Pero sa ngayon, sa kanyang acting career muna ang focus ni Dingdong.

Para magkaroon naman siya ng time for his family, hindi muna lumalabas si Dingdong sa Sunday musical variety show ng GMA-7 na SOP.

Hindi naman siguro magagalit ang GMA Films kay Dingdong sa ibinigay nitong spoiler sa PEP tungkol sa Amnesia na working title lang daw. Kuwento raw ito sa struggle ng isang lalake na naghihintay kung ano ang tunay na pag-ibig. Mac Alejandre will direct the love story na may September playdate.

Kinumpirma rin ni Dingdong ang napabalitang inurong ang playdate ng pelikula nila nina Iza at Marian dahil magbibigay-daan ang GMA Films sa showing ng pelikula nina Richard Gutierrez at KC Concepcion sa Star Cinema.

END OF NETWORK WAR? Kinumpirma rin ni Dingdong ang pagsasama nila ni Angelica Panganiban sa pictorial para sa Mario ‘D Boro shoes. Hindi sure ang young actor kung ipinalit si Angelica kay Francine Prieto o idinagdag lang ito bilang celebrity endorser-image model ng brand ng sapatos.

“Nag-pictorial na kami two weeks ago at okey naman. Parang na-starstruck ako, although nakikita ko na siya. Pero siyempre, iba ‘pag kaharap at nakakausap mo, mai-i-starstruck ka talaga,” lahad ni Dingdong.

Hiningi rin ng PEP ang reaction ni Dingdong sa pagsasama-sama ng ABS-CBN at GMA-7 talents sa ilang proyekto at product endorsement. Halimbawa nito’y sina Marian Rivera at Piolo Pascual for Blue Spa; and Marian, Nikki Gil, and Maja Salvador for Sunsilk shampoo.

Pero ang bigger example ay ang pagpayag ng GMA Films na ipahiram si Richard Gutierrez sa Star Cinema para makapareha ni KC Concepcion, at ang pagpayag naman ng Star Cinema na ang GMA Films ang gumawa ng Valentine’s Day movie ng dalawa.

“It’s good! It’s a good sign for the industry. Maganda naman talaga if they communicate at nagbibigayan,” sambit ni Dingdong.

Mapula ang kutis si Dingdong nang makausap ng PEP. Dala raw ito ng maraming beach scene nila ni Marian Rivera para sa Dyesebel. Imagine, two weeks na puro sa dagat ang taping, pero walang narinig na reklamo kay Dingdong na gustung-gustong nagbibilad. Pero hindi siya umiitim, namumula lang.

Samantala, gaya ni Marian Rivera, tuluy-tuloy ang pagdating at pagtanggap ni Dingdong ng product endorsements. Bukod sa Mario ‘D Boro nila ni Angelica Panganiban, may tinanggap pa siyang isang endorsement na bawal na bawal pang isulat at magbigay ng clue.

Nag-shoot na nang solo si Dingdong para sa TVC, pero babalik pa siya para sa shoot kung saan magkasama sila ng kanyang kapareha na isa ring sikat na young actress.


May 5th, 2008 at 11:45 pm
Posted by joemer in ABS-CBN, Dingdong Dantes, GMA, John Lloyd Cruz, Piolo Pascual

DINGDONG DANTES, ‘DI PA RIN KA-LEVEL NINA PIOLO PASCUAL AT JOHN LLOYD CRUZ

Buong ningning na tinanong si Dingdong Dantes kung ready na ba siyang tumanggap ng man-to-man kissing scene, ala-Brokeback Mountain.

“Wala pa namang offer pero sobrang magiging challenging para sa akin. Pero hindi ganu’n kadali ang man-to-man thing. Kailangan kong pag-isipan nang ilang beses. Kailangan kong pag-isipan ng mabuti,” deklara ng leading man ni Dyesebel sa GMA-7.

Kahit makilala siya internationally at dalhin sa ibang bansa ang movie?

“Going global was never my objective. Mahirap kasi ‘pag ang thinking mo ay masyadong malaki, malawak. Wala ka pa nga roon, pati ikaw, hindi mo nako-concentrate. Always, ang focus ko, sa Pilipinas lang. So, kung wala man doon, okey lang.

“Of course, sinasabi nila, artist tayo, kailangan, experimental. Pero kung ayaw mo naman ang gagawin mo at hindi ka comfortable, siyempre, kailangang masaya ka sa ginagawa mo. So, I should have 20 reasons to do that and right now, I don’t see the majority yet,” deklara niya.

Paano kung siya ang magdidirek ng pelikula?

“Mahirap. Ako, ayaw kong magdirek at the same time ay artista. Mahirap ‘yun,” sambit pa niya.

Pero ano ang reaksiyon niya na ikinukumpara pa rin ang acting niya kina Piolo Pascual at John Lloyd Cruz? Malayo pa rin daw ang acting niya sa dalawa. Paano niya natatanggap ang ganitong criticism?

“Ako, naniniwala na kaniya-kanya kami. I believe that they were given more opportunities to do that. And ako siguro, I’m starting to be in the game, sa ganitong klaseng roles. Perception nila ‘yun, e! If they think it’s far, ako, I believe otherwise. Para sa akin, gagandahan ko ‘yung ibinibigay sa akin, gagandahan ko ‘yung ipinagkakaloob sa akin without thinking kung sino ang iniisip nilang kapareho ko. Gusto ko lang, may mapatunayan ako sa sarili ko. Ever since, gusto ko, akin lang,” bulalas pa niya.

Anyway nagpapasalamat si Dingdong sa Philippine Movie Press Club (PMPC) sa pagkaka-nominate sa kanya sa 24th Star Awards for Movies bilang Darling of the Press. Nominado rin siya bilang Best Director para sa Daddy’s Angel episode ng Angels.

Napansin din sa idinirek niyang episode si Nash Aguas for Best Child Actor for the same episode, Best Picture (Daddy’s Angel episode pa rin), Best Cinematography (Armin Collado and Pao Orendain) at Movie Original Screenplay of the Year (Gina Marissa Tagasa).

Bravo!

Halaw sa Diyaryong Bulgar mula sa panulat ni Roldan Castro


May 5th, 2008 at 11:10 pm
Posted by joemer in ABS-CBN, Dingdong Dantes, GMA

Dingdong, Angelica are new endorsers of famous shoe brand

Sa June pa ang official na paglu-launch sa dalawang bagong celebrity endorsers ng shoe brand na Mario D’ Boro — sina Dingdong Dantes at Angelica Panganiban. Pero nakakuha ang PEP (Philippine Entertainment Portal) ng isa sa mga litrato sa ginanap na pictorial para sa unang pagsasama ng prized talent ng GMA 7 na si Dingdong at isa naman sa top leading ladies ng ABS-CBN na si Angelica.

Nagawa ngang pagsamahin ng naturang shoe brand ang dalawang exclusive stars ng magkalabang TV networks sa isang endorsement. Mukhang ang imposible noong mangyari na pagsamahin ang mga artista ng ABS-CBN at GMA 7 dahil sa network war ay nagiging posible na ngayon dahil na rin sa advertisers. Kumbaga, strategic move ito sa parte ng mga advertiser dahil nakukuha nila ang audience ng parehong networks.

Ang pictorial nina Dingdong at Angelica ay ginanap last month sa studio ng photographer na si Ronnie Salvacion.

Aminado ang dalawang young stars na nagkailangan sila sa umpisa since first time nga lang nilang magkasama. Pero hindi nagtagal ay naging kampante rin daw agad ang dalawa at naging close na. Hindi raw akalaian nina Dingdong at Angelica na darating ang pagkakataon na magkakatrabaho sila s aisang proyekto.

Noong May 5 ay nakausap ng PEP si Dingdong. Nabanggit ng young actor na na-starstruck siya kay Angelica nang magharap sila sa pictorial. Nagkikita na raw sila noon sa ilang showbiz gatherings, pero noon lang daw niya nakita nang malapitan at nakausap nang personal si Angelica.

Samantala, pareho namang in demand si Dingdong at ang leading lady niya sa Dyesebel na si Marian Rivera sa mga advertiser. Last week ay ni-lunch si Marian bilang endorser ng isang spa kasama ang top leading man ng ABS-CBN na si Piolo Pascual.

Bukod sa mga ini-endorse ngayon nina Dingdong at Marian, marami pang naka-lineup na product endorsements ang magkapareha. In fact, sa part ni Dingdong, sa June ay hindi lamang ang Mario D’ Boro with Angelica for print and billboard ang lalabas sa kanya. May isa pa siyang endorsement with TVC (television commercial) na lalabas next month.

Balitang halos every month, may bagong product endorsements si Dingdong na siguradong ikakagulat ng marami. Kung napakarami na nga raw nabonggahan sa Bench campaign ni Dingdong, nakarating sa PEP mas bongga pa raw ang mga susunod na endorsements ng actor. Pero yun nga lang, hangga’t hindi pa official na lumalabas ay hindi pa talaga puwedeng banggitin.

Pero kasama raw sa endorsement ng young actor ay ang isang produkto ng isang malaking kumpanya na dating ini-endorse ng isa pang hottest young actor ngayon.

Kung si Dingdong ay may Dyesebel, si Angelica ay malapit na ring mapanood sa bagong teleserye ng ABS-CBN, ang Iisa Pa Lamang, kung saan kasama niya sina Gabby Concepcion, Claudine Barretto, at Diether Ocampo.


April 28th, 2008 at 12:41 am
Posted by joemer in Dingdong Dantes, GMA

 The Hunks of Dyesebel

Meet the hunks of the upcoming fantaserye from GMA - Dyesebel.

Alfred Vargas as Erebus - a young merman with royal blood descent who will be secretly in love with Dyesebel.

Marco Alcaraz as Usaro - Dyangga’s assistant and lover who will also be secretly in love with Dyesebel.

Paolo Ballesteros as Bukanding - Dyesebel’s merman friend whom she will treat as her brother.

Wendell Ramos as Tonio - the father of Dyesebel.

Aljur Abrenica as Paolo - a fisherman who will fall in love with Shiela Mae (the character of Kris Bernal).

Hero Angeles as Mark - Paolo’s fisherman brother who has a grudge against Fredo’s family.

Luis Alandy as Gildo - a model who will be Fredo’s rival.

Dingdong Dantes as Fredo - a multi-media mogul so full of himself that he doesn’t know the meaning of love. But when he got the chance to get a glimpse of Dyesebel’s beauty, he hopelessly falls in love with her.

Mangyari po lamang na magiwan po kayo nang inyong kumento, tungkol sa usaping ito. Dahil dito po sa SHOWBIZZ TOP i-NEWS, laging pananaw nyo lang po ang siyang laging mahalaga at importante para sa amin. for your comments, suggestion or complains (regarding the site) you can e-mail us at STi_N23@yahoo.com Maraming Maraming Salamat Po Sa Walang Sawa Nyong Pag Supporta Sa Amin!!!


March 22nd, 2008 at 2:03 am
Posted by joemer in ABS-CBN, Angel Locsin, Bea Alonzo, Dingdong Dantes, GMA, John Lloyd Cruz, KC Conception, Kristine Hermosa

Dina Bonnevie praises young actor John Lloyd Cruz

Dina Bonnevie praises young actors John Lloyd Cruz and Dingdong Dantes

“Aba, gumagaling ang mga bata ngayon. You know, I also keep my mind sa young ones,” says Dina Bonnevie who closely watches the young actors today.

Veteran actress Dina Bonnevie could not deny that she was impressed by two of the leading young actors today—John Lloyd Cruz and Dingdong Dantes.

During the press conference of Babangon Ako’t Dudurugin Kita last week, Dina was asked who she considers her top five local actors and actresses. She mentioned some big names in Philippine showbiz: Nora Aunor, Vilma Santos, Gina Alajar, Lorna Tolentino, Amy Austria, Phillip Salvador, Edu Manzano, Christopher de Leon, Matt Ranillo… Dina paused abruptly as if she remembered something.

“Alam mo may isang young actor na talagang bilib ako sa pag-arte niya, that’s John Lloyd [Cruz].

“I cannot forget the scene… I mean, okey, mahusay si Piolo [Pascual] pero… No holds barred, ha, pero first time nangyari sa akin na nanonood ako ng TV na napaiyak ako ng isang young actor.”

It was John Lloyd who stole her attention. “But I cannot forget the scene na nanonood ako ng Maging Sino Ka Man Part 1. Hindi na nga ako masyadong nagko-concentrate, nagko-computer ako, biglang parang naano ako dahil sa delivery ng lines, napatigil talaga ako.

“Napalingon talaga ako sa TV. Yun yung time na he wanted to tell Bea [Alonzo] na mahal niya pero hindi niya masabi. Hanggang sa umalis na siya [Bea] and then he was left na parang wala lang. Then, after a few minutes nag-breakdown siya. Alam mo, talagang umiyak ako the whole night. Talagang hindi na ako nakatulog.

“Sabi ko, ‘Ang galing ni John Lloyd. My God!’ Sabi ko, ‘Sa lahat ng mga young actors, ito pa lang ang nakapagpaiyak sa akin’—nang hindi sinasadya, ha? I wasn’t even concentrating. I mean, hindi ako yung talagang nakababad doon, may ginagawa ako.

“Pero naano ako sa delivery ng lines, ‘tapos nakita ko yung nuances ng mukha niya, makikita mo yung process. Yun ang tatak ng magaling na artista.

“Ang magaling na artista, nakikita mo what runs in the head. Kasi from tingin, ‘tapos parang nag-process siya, natawa siya sa sarili niya at biglang [naiiyak]. Alam mong pinipigil niya, na he’s trying to laugh at himself. Yun ang nakuha kong message, he’s trying to laugh at himself na, ‘Aha! I put a good act.’ Pero bumigay siya, parang ang real ng emotions.

“And after that, tuluy-tuloy na akong nanood ng [Maging Sino Ka Man]. Sabi ko, ‘Naging fan ako ng bagets na ‘to. Magaling siya.’”

Besides John Lloyd, Dina also sees a promising acting career for Dingdong Dantes, who clearly showed improvement in his acting skill in Marimar.

Dina remembered Dingdong during the early part of his career. She said, “Before kasi I used to say itong si Dingdong para itong anime, e, parang Japanese actor. Kasi, ‘di ba, yung pagkabilog ng mata niya para siyang Hapon, mukha siyang tisoy na Hapon?

“Pero ngayon na pinapanood ko siya, sabi ko, ‘Wow, nag-mature na si Dingdong, nag-mature na ang acting ni Dingdong.”

Ms. D. further compared the acting skills of Dingdong and John Lloyd. “Itong dalawang ‘to [John Lloyd and Dingdong], maglalaban itong dalawang ito.”

“Parang si John Lloyd naman parang siya yung depth. For me, John Lloyd is a young… kumbaga si Dingdong lumalabas na parang actor. Siguro parang Edu [Manzano] na puwedeng maghubad ng shirt kasi maganda ang katawan, alaga pero may acting. Si John Lloyd ang parang Ipe [Phillip Salvador].”

Of today’s young actresses, Dina said that Kristine Hermosa, Bea Alonzo, Anne Curtis, Angel Locsin, and Marian Rivera would also do well in their acting careers.

 

Mangyari po lamang na magiwan po kayo nang inyong kumento, tungkol sa usaping ito. Dahil dito po sa SHOWBIZZ TOP i-NEWS, laging pananaw nyo lang po ang siyang laging mahalaga at importante para sa amin. for your comments, suggestion or complains (regarding the site) you can e-mail us at  STi_N23 at yahoo.com Maraming Maraming Salamat Po Sa Walang Sawa Nyong Pag Supporta Sa Amin!!!

 


March 19th, 2008 at 2:16 am
Posted by joemer in Dingdong Dantes, GMA, SCANDALS

 Bakit umiiwas sa interview sina Dingdong at Karylle, kung wala silang itinatago?!

 

Nag-celebrate ang alaga kong si Paolo Contis ng kanyang kaarawan sa Mezze Bar sa Makati na mina-manage ni Nadia Montenegro.

Nung Miyerkules ang birthday party, pero March 14 talaga ang birthday niya. Puno ng work si Paolo, kaya nag-advance celebration.

Hindi dumating ang bestfriend niyang si Claudine Baretto, kasi, siyempre, nandu’n si Nadia. Baka sila pa ang pag-usapan at hindi ang birthday ni Paolo.

Todo-suporta ang girlfriend nitong si Isabel Oli at niregaluhan niya si Paolo ng isang bonggang Louis Vitton gym bag.

Dumalo ang iba pa niyang bestfriends, gaya ni Dingdong Dantes kasama si Karylle. Well, puwede na sigurong sabihing hindi nga totoong break na sila.

Pero nang gusto silang interbyuhin ng press at ako mismo’y tatanungin ko na sana kay Karylle ang controversial Boracay girl, hindi sila nagpa-interbyu. Hmmm… kayo nga ang mag-isip. O, bakit umiiwas sa interview portion sina Dingdong at Karylle, kung wala silang itinatago o pinuprotektahan? In fairness, baka inuunawa na lang ni Karylle na background na lang talaga siya’t si Marian Rivera ang ka-loveteam ni Dingdong. Ang sakit din, ‘no? Parang kung anuman ang sasabihin ni Karylle, eh, makakasira sa career ni Dingdong dahil siya ang mas bigstar. How sad…

Haping-happy naman si Paolo sa birthday niya at wala na nga raw siyang wish dahil sobrang kuntento naman daw siya sa mga blessings na dumarating sa kanya.

Nagpapatayo na siya ng bahay at mukhang kasalan na nga nila ni Isabel ang kasunod. Sabi na nga ni Isabel, kung sakaling magpapakasal daw siya, sana si Paolo na ito dahil kahit mga magulang niya’y gusto nang makasal sila ni Paolo.

Mangyari po lamang na magiwan po kayo nang inyong kumento, tungkol sa
 usaping ito. Dahil dito po sa SHOWBIZZ TOP i-NEWS, laging pananaw nyo
 lang po ang siyang laging mahalaga at importante para sa amin.
 
for your comments, suggestion or complains (regarding the site) you can
 e-mail us at STi_N23@yahoo.com
 
Maraming Maraming Salamat Po Sa Walang Sawa Nyong Pag Supporta Sa
 Amin!!!