The new face of pinoy entertainment
May 29th, 2008 at 12:48 am
Posted by joemer in ABS-CBN, Gabby Concepcion, Sharon Cuneta
SHARON, BABALIK DIN KAY GABBY!
By RONALD C. CARBALLO

Hindi naman pala totoong ayaw pag-usapan ni Sharon Cuneta ang kanyang ex-husband na si Gabby Concepcion.  Ang totoo’y namimili lang siya ng taong kakausapin tungkol dito. Kase kay Korina Sanchez ng Rated K ay nagsalita siya. Maganda naman ang pagkakasabi ni Sharon. Mula raw nang bumalik sa Pilipinas si Gabby, “Parang nagulo ang mundo ko. ‘Yung ang tagal ko ng nananahimik with my family, husband ko at mga anak, bakit biglang kailangan kaming guluhin? Hindi siya (Gabby), ‘yung mga tao sa paligid. Iba ‘yung nandun (Amerika)siya, kesa ‘yung andito na.”
Sana’y maging realistic na nga lang si Sharon: Hindi talaga puwedeng burahin sa buhay niya si Gabby habang buhay. Bukod nga sa ama ito ng panganay niyang anak, naging napaka-importanteng parte rin ng career niya si Gabby. Paano niya lalagpasan, didedmahin at hindi talaga babanggitin ito? Kaipokritahan naman ‘yun at patuloy siya tuloy aakusahan ng mga hindi niya tagahanga na masama ang ugaling bitter pa rin at may gusto pa rin kay Gabby. Of course, personally, alam naming wala ng pakiramdam si Sharon kay Gabby kundi galit. Patawarin na lang niya ito nang lubusan para tuluyan na rin siyang maka-move on. Mabanggit man ito kadikit ang pangalan niya kung minsan dahil kailangan, eh, ano naman? Gaya sa nalalapit niyang 30th Year in Showbiz Documentary Special na kinuha kaming writer, imposibleng hindi mabanggit si Gabby dahil parte talaga ito ng 30 years niya sa showbiz. Kahit sabihing wala na itong personalan, paano mong buburahin si Gabby sa kasaysayan ng pagiging aktres ni Sharon?  Dilat ang katotohanang si Gabby ang katambal niya kung bakit siya naging idolo ng masa. “Hindi talaga puwedeng hindi banggitin si Gabby,” pagsang-ayon ng ABS-CBN Creative For Special Projects. “Pero basta hindi na lang siya magsasalita o iinterbyuhin.”

Okey lang naman, pero dun pa lang hindi na magiging truthful ‘yung documentary special. Hindi iinterbyuhin ang  pinaka-importanteng leading man, samantalang kung sinu-sino ang mga iinterbyuhing hindi kasing tindi ng konek ni Gabby ang mga ito sa career ni Sharon. Idagdag pang tahasang sinabi ni Sharon na magagalit siya kung iri-remake ang kauna-unahan niyang pelilkula na Dear Heart. “Kumbaga, sacred sa akin ang pelikulang ito,” sabi ni Sharon. “I-remake na nilang lahat, huwag lang ang Dear Heart. It would break my heart ‘pag ginawa ito ng Viva Films. (Bakit kaya sinasabi ni Sharon na Viva? Hindi Viva ang Dear Heart. It’s Sining Silangan ni Ernie Rojas, directed by Danny Zialcita) Kahit sino, walang karapatang i-remake ito. Si KC lang ang may karapatan, pero 23 na siya,eh. Kaya please, huwag na lang.” O, sino ba ang leading man ni Sharon sa Dear Heart na sacred sa kanya? Si Gabby Concepcion, ‘di ba?  O, paano namin, hindi babanggitin si Gabby sa kuwento ng buhay-artista ni Sharon? Sa ngayon talaga, matigas ang pagsasalita ni Sharon ng tapos na ayaw na niyang gumawa ng movie with Gabby. Mas dapat daw sila ni KC bilang mag-ina ang magsama. “Okey lang rin sa akin kung magsama silang dalawa ng Papa niya (KC at Gabby),” sabi ni Sharon. O, at least, “Papa” na ang sabi ni Sharon, hindi na “someone else.” Sana nga, maging consistent na lang ang pagkakataon: Kung walang banggit ng Gabby, wala na lang banggit at all. Tingnan natin kung hanggang kailan ito mapapangatawanan ng sitwasyon. Tingnan din natin kung mangyayari talagang  wala na tayong mapapanoood na Sharon-Gabby movie kailanman. Antayin natin ang resuilta ng Caregiver na mukhang ang ganda-ganda namang pelikula kahit si John Estrada lang ang leading man niya na Chito Roño naman ang direktor.

First time si Sharon na maidirek ni Chito after ng isang episode sa MMK long time ago. Tulad ng marami, trailer pa lamang, nakakaiyak na. Lagi naman, hindi makukuwestiyon ang husay ng pagiging aktres ni Sharon. May mga flop lang siyang movie kapag hindi maganda ang chemistry with her leading men. Kaya nga maganda silang pagtambalin ni Gabby dahil wala pa silang flop ever. Nung mag-flop si Sharon sa Friends in Love with Rowell Santiago; Forgive and Forget with William Martinez at To Love Again with Miguel Rodriguez nung 1980’s, muli siyang itinambal kay Gabby Concepcion sa Dapat ka Bang Mahalin? na nagbigay kay Sharon ng kauna-unahan niyang Best Actress trophy at bumalik ang pagiging box-office queen niya. Hindi kaya maulit ito ngayong 2008, kapag hindi ganung kasuwerte si John Estrada bilang leading man ni Sharon? Huwag naman. Hangad naming maging mega-blockbuster ang “Caregiver” for Sharon. She deserves it after four long years of absence in making good films. Pero sigurado kaming whatever it takes, magbabalik-tambalan sila ni Gabby at magiging tunay silang magkaibigan.


May 29th, 2008 at 12:44 am
Posted by joemer in ABS-CBN, Claudine Barreto, Gabby Concepcion
DINURAAN NI SUSAN ROCES SA MUKHA SI CHERRY PIE!
By RONALD C. CARBALLO

Nakapag-first taping day na si Gabby Concepcion ng kauna-unahan niyang soap opera na “Iisa Pa Lamang” with Ms. Claudine Barretto, sa direksyon ni Ruel Bayani with Manny Palo as his second unit director. Dahil kay Direk Ruel, exclusive na pinayagan ang Pinoy Parazzi na makunan nga ang first taping day with our ace photographer, Mark Atienza. Tinawagan pa kami ni Direk Ruel para magpasalamat sa full support na ibinibigay ng Pinoy Parazzi sa kanya at sa lahat ng kanyang mga programa. “Natutuwa ako at ang ganda-ganda palagi ng Pinoy Parazzi,” bungad ni Direk Ruel, na tulad ng sangrekwang direktor at iba pang mga taga-showbiz ay tunay na subscriber ng kauna-unahang  Threekly Magbloid sa Pinas.
Happy rin si Direk Ruel dahil naging very smooth at napakasaya raw ng kanyang first taping day.
“Ang first take ko ay ‘yung eksena with Laurice Guillen,” simula ng kuwento ni Direk Ruel. “Tawa kami nang tawa, kase nga mag-ina kami, ‘di ba? (Bukod sa paggiging mahusay na scriptwriter, nagsimula rin si Direk Ruel bilang assistant director ng actress-director na si Ms. Laurice Guillen sa mahabang panahon). Hindi naman ako na-tensed. Relaxed lang ako kahit first time ko siya talaga idinirek. Nakatulong ‘yung nakapag-workshop na kami ng buong cast ng two days, kaya nakapag-bonding at wala nang ilangan. Naging masya rin talaga ‘yung first taping day kase lahat  talaga ng artista nandun sa first day.”
Kumusta naman si Claudine na first time din niyang idinidirek? “Naku, alam mo naman si Claudine. Kumbaga, soap queen na ‘yan at magaling talagang aktres. Iba ang training niya, kaya masarap katrabaho. I’m sure, talagang kay Claudine lang dapat ang soap na ito.”
Eh, si Gabby Concepcion naman na talagang ni hindi niya nakilala in the past at ngayon lang sila nagharap? “Naku, napakaguwapo pa rin ni Gabby at magaling naman siya talaga,” mabilis na sagot ni Direk Ruel. “Diyos ko, hindi nagbago ang itsura ni Gabby! 45 na raw siya, eh, ang role niya dito, 40 lang siya na pasadung-pasado naman talaga. Kase dapat ten years older lang siya kay Claudine. Eh, ako nga, 38 pa lang ako, pero mas mukhang bata pa sa akin si Gabby. Nakakatuwa, kitang-kita ko ‘yung excitement kay Gabby to work. Nag-host siya ng Awards Night; ni-launch ‘yung first endorsement niya, tapos eto nga, nagsu-soap na siya. Okey sila ni Claudine at maganda ang chemistry nila habang tinitingnan ko. Excited akong makunan ko na ‘yung scene nila together.” Sobrang excited rin si Direk Ruel na ikuwento ‘yung nakunan na niya. “Naku highlight agad ang kinunan ko. ‘Yung pinalalayas ni Cherry Pie Picache ang mag-lolang Claudine at Susan Roces sa bahay. Sinampal ni Cherry Pie si Susan at talagang dinuraan ni Susan ang mukha ni Cherry Pie; Ay, talagang first ang ganitong kalaki at ganito ka-dramatic na soap na may ganitong kalalaking artista.
Talagang aabangan at dapat lang abangan. At siyempre, comeback nga ito ni Gabby.” Lalo pang natuwa si Direk Ruel, dahil napanood na ng pamunuan ng ABS-CBN ang rushes ng mga nakunang eksena sa pangunguna ng Program Unit Manager na si Mr. Deo Edrinal. “Natuwa naman sila, ang ganda-ganda raw,” medyo nahihiyang sabi pa ni Direk Ruel. “Inspired ako talaga at excited akong maipalabas na ito at nawa’y baguhin nito ang habit ng kanilang panonood.”


May 29th, 2008 at 12:09 am
Posted by joemer in ABS-CBN, GMA, Gabby Concepcion, Richard Gutierrez
KAHIT 10 MILLION FOR RICHARD, DAHIL ‘DI WORTH SI GABBY KAHIT 5M LANG!
Written by Julie Bonifacio

Magkasunod na araw nagpa-presscon ang dalawang magkaribal at kontrobersyal na rin na whitening medicines, ang MET Tathione at ang tumatapat dito. Ang common issue sa kanila, sina Gabby Concepcion at Joebert Sucaldito. Ang MET ang ka-deal ng manunulat at host na si Jobert Sucaldito para kunin si Gabby na endorser, na nakuha naman ng tumatapat sa halagang P5 million. Nung nakausap naman namin ang taga-MET, madiin nilang sinabi na Gabby is not worth P5M.

Samantalang si Richard Gutierrez na pumirma na ng kontrata sa kanila last Wednesday, May 21, sa Annabel’s Restaurant is worth daw kahit P10M pa ang hingin sa kanila! Bukod kay Richard, naka-line-up din na mag-sign up sa MET ang sikat at magandang aktres sa mga susunod na buwan, kasunod ang pagsu-shoot ng TV commercial ng ad nila for Richard kasama ang sikat at magandang aktres.


May 26th, 2008 at 12:51 am
Posted by joemer in ABS-CBN, Angel Locsin, Claudine Barreto, Gabby Concepcion, Juday, KC Conception, Sharon Cuneta

Gabby’s Four Girls On His Four Films On Star Cinema!!!

Kapamilya

Nakatakdang gumawa nang apat na pelikula si Gabby sa Star Cinema.Napag
alaman namin na sa unang pelikula pala na gagawin nang 1980’s Hearthrob
na si Gabby Concepcion, ay love story ang concepto. Makakasama niya
dito ang isa sa mga reyna nang ABS-CBN na si Claudine Baretto. Ang
susunod naman ay family oriented story, na pagbibidahan niya at nang kanyang
anak na si KC Concepcion. Ang ikatlo naman niyang proyekto ay ang muli
nilang pagtatambal nang kanyang dating asawa na si megastar
Sharon
Cuneta (tentative lang kung papayag si Sharon. Kung hindi pumayag ay baka
kay Juday i-alok, ang naturang proyekto ). Ang ikaapat naman ay
pagbibidahan niya at ni Angel Locsin. Balitang love story din ito na may halong
comedy, parang May-December affair ang tema.

Mula po sa amin dito sa SHOWBIZZ TOP i-NEWS, ay walang takot po namin
sasabihin, pagkat ang sa amin lang ay exciting ang mga proyektong
gagawin ni mr. Gabby Concepcion. Mukhang real comeback, talaga ang
mangyayari. Wish lang namin, na sana bumalik ang ningning niya gaya noong binata
pa siya. We heard na may teleserye pa siyang ginagawa. July ang start
nang airing nito sa PRIMETIME BIDA ng ABS-CBN.


May 16th, 2008 at 4:51 am
Posted by joemer in ABS-CBN, Claudine Barreto, Gabby Concepcion

 Gabby and Claudine’s teleserye ready to roll

Cameras will start rolling for “Iisa Pa Lamang”, the highly anticipated teleserye starring Gabby Concepcion and Claudine Barretto on ABS-CBN. This Monday, May 19th is their first taping day with the entire cast.

This is the start of regular television appearances for Concepcion after his guest stint in an episode of “Maalaala Mo Kaya”.

“Iisa Pa Lamang” can be considered as one of the most ambitious projects of ABS-CBN. Some of the most talented actors and actresses from different generations will team-up in this teleserye.

Aside from Concepcion and Barretto, “Iisa Pa Lamang” also stars Diether Ocampo, Angelica Panganiban, Cherie Pie Picache, Laurice Guillen, Matt Evans, Melissa Ricks and Ms. Susan Roces. Asia’s Nightingale Lani Misalucha will sing the program’s theme song.

“Iisa Pa Lamang” will be directed by Ruel S. Bayani and Manny Palo.

Don’t miss other announcements regarding ABS-CBN’s “Iisa Pa Lamang”, the most awaited teleserye on Philippine television


May 15th, 2008 at 5:13 am
Posted by joemer in ABS-CBN, Aga Mulach, Bea Alonzo, Betty La Fea, Diether Ocampo, Gabby Concepcion, Jake Cuenca, Piolo Pascual

 Bea Alonzo, on the look-out for leading man

Now that it has been officially announced that Bea Alonzo will play the lead role in Yo soy Betty La Fea, the next question is, who will play the character of Armando, the leading man of Betty?

This is considered a plum role because Armando Mendoza’s character is very interesting. Armando is handsome, smart, well-educated and is the president of the fashion design company Eco Moda where Betty works as his secretary.

He is also the one who will capture the heart of Betty.

When Alonzo was asked by Ruffa Gutierrez in The Buzz last Sunday, she shared her top 5 choices, Gabby Concepcion, Aga Muhlach, Diether Ocampo, Piolo Pascual and Jake Cuenca for the role of her leading man.

 

These are the men Bea personally chose for the role. But according to management, the production team has already decided on who will play her Armando.

Is he one of the guys Bea chose? Who is this lucky actor?


May 14th, 2008 at 5:22 am
Posted by joemer in ABS-CBN, Aga Mulach, Bea Alonzo, Betty La Fea, Billy Crawford, Diether Ocampo, Gabby Concepcion, Jake Cuenca, John Lloyd Cruz, Jon Avilla, Sam Milby
Si Bea na si Betty! Sino si Armando?

Si Bea Alonzo na ang napili ng ABS-CBN na gumanap sa title role ng Filipino version ng internationally franchised hit show na Betty La Fea. Pero palaisipan pa rin sa marami kung sino ang gaganap bilang Armando Mendoza, ang boss at love interest ni Betty. Iilang gwapong at magagaling na aktor na rin ang pinaguusapan kung sino ang babagay sa role na ito. Kung kayo ang tatanungin, sino ang gusto niyong maging leading man ni Bea.

Sino sa kanila?

Aga

Aga Muhlach – Ilang mas nakakabatang leading ladies na rin ang naging kapareha ni Aga, tulad nina Claudine Barretto, Kristine Hermosa, at Angelica Panganiban. Ang huli nga ay si Anne Curtis sa box-office hit movie na When Love Begins. Si Bea na ba ang dapat na sumunod na mai-partner kay Aga?

Diether

Diether Ocampo – Matapos ang ilang matagumpay na teleserye ay napatunayan na ni Diether ang kanyang husay sa pag-arte. Nakapareha na rin ng hunk actor si Bea sa isang madramang episode ng Maalaala Mo Kaya. Panahon na kaya para magtambal ang dalawa sa isang teleserye.

Jake

Jake Cuenca – Katatapos lang ng Palos kung saan si Jake ang isa sa mga bida at kung saan nakapareha niya ang ex-girlfriend na si Roxanne Guinoo. Naging leading man din si Jake ni KC Concepcion sa isang episode ng I Am KC. Si Jake na nga ba ang hinihintay na maging bagong kapareha ni Bea?

JohnLloyd

John Lloyd Cruz – Makailang ulit nang nagtagumpay ang John Lloyd-Bea loveteam, sa TV man o sa pelikula. Huling nagkasama ang dalawa sa teleserye na Maging Sino Ka Man: Ang Pagbabalik. Mukhang marami pa ring fans ang gustong si John Lloyd pa rin ang makapareha ni Bea sa Betty La Fea.

Jon

Jon Avila – Pinakilig niya ang marami nang pumasok siya sa Bahay ni Kuya noong PBB Celebrity Edition 2. Naipareha din siya kay Bea sa Maging Sino Ka Man: Ang Pagbabalik. Bukod sa pagiging Cover Boy, si Jon na ngayon ang nagbibigay buhay sa superhero character na si Kapitan Boom.

Luis

Luis Manzano – Bukod sa hosting ay nakitaan din ng galing sa pag-arte ang anak ni Governor Vilma Santos. Nag-bida si Luis sa mga teleseryeng Crazy For You kasama si Toni Gonzaga at sa Rounin katambal si Angelica Panganiban. Anong klaseng “spark” kaya ang maari nating mapanood sa posibleng Luis-Bea tandem?

Piolo

Piolo Pascual – Si “Papa P” na yata ang most sought-after leading man ngayon. Pangarap ng bawat batang aktres na makatrabaho si Piolo, at natupad ito ni Bea nang i-pair sila sa pelikulang Dreamboy. Mula sa pakikipag-ibigan sa isang Lobo ay handa na kaya si Piolo na mahalin ang isang Betty?

Sam

Sam Milby – Sa Maging Sino Ka Man ay kay Bea unang pinareha si Sam bago pa kay Anne Curtis. Panahon na kaya para matuloy na ang tambalang Sam-Bea.

Zanjoe

Zanjoe Marudo – Isa si Zanjoe sa mga tinitiliang hunk actor sa showbiz ngayon. Siya ang naging ka-love triangle nina Toni Gonzaga at Sam Milby sa pelikulang You Got Me. Nachichismis din si Zanjoe sa uber pretty host na si Mariel Rodriguez. Handa na kaya si Zanjoe na maipareha sa iba pang leading lady?

Gabby

Gabby Concepcion – Mula nang magbalik-Pilipinas ang ‘80s matinee idol ay binalot na ng “Gabby-mania” ang buong sambayanan. Hindi naman inda ng karamihan ang edad ng premiere actor-leading man dahil sa walang-kupas na kagwapuhan ni Gabby ay pwede pa rin siyang i-partner sa younger leading ladies tulad ni Bea.


May 10th, 2008 at 2:38 am
Posted by joemer in ABS-CBN, GMA, Gabby Concepcion, Marian Rivera

SINO NAMAN SI MARIAN PARA TANGGIHAN SI GABBY?!

IBA’T-ibang reaksyon at opinyon ang naglabasan pagkatapos mapanood si Gabby Concepcion sa “Maalaala Mo Kaya.” May nagsasabing hindi bagay sa actor ang papel ng isang family driver dahil mas mukhang driver si Tirso Cruz III kaysa sa kanya. Dapat daw pinagpalit ang role nilang dalawa sa istorya. Of course, kapag kontrabida ang role ng isang artista, natural lamang na mas angat siya sa bida. Knows naman natin na magaling talaga si Tirso kung acting rin lang ang pag-uusapan. Very challenging naman kasi ang role niya compared kay Gabo na underdog ang papel na kanyang ginagampanan. Pero nakipagsabayan din ang Papa ni KC sa mga mabibigat na eksena nilang dalawa. Na-touch kami sa eksena ni Gabby na naglalambing kay Ana Capri. Casual lang ang pag-uusap ng dalawa pero malaman ang bawat linya na punong-puno ng emosyon. Lalo na ‘yong eksenang nagbabalot na si Ana para iwanan na nilang mag-iina ang asawa. Habang pinapanood namin ang eksenang ‘yun, umiiyak na pala ang mother ko. Batuhan ng linyang may bigat sa dibdib na gustong kumawala, mararamdaman mo ang tensiyon sa bawat isa. Hindi napigilan ni Gabby na mapaiyak dahil nadala na rin siya ng kanyang emosyon bilang asawang iniwan ng kanyang pamilya. Nagustuhan namin ang performance ni Gabby as an actor sa MMK. Maganda ang istorya at magagaling ang mga nagsiganap. Mahusay ang pagkakadirek ni Jefrey Jutirian. Na motivate niyang maigi si Gabby at lumabas muli ang husay nito sa pag-arte.(Story wise, halatang fiction ito na hindi dati ginagawa ng MMK. Kinopya ito sa award winning film ni Phillip Salvador kay Lino Brocka na Jaguar. Kung sa pelikula’y bodyguard si Phillip, si Gabby ay ginawang family driver na body guard-alalay na rin. Sa Jaguar, napatay ni Phillip ang amo niyang nagwagi ng Urian Best Supporting Actor si Menggie Cobarrubias. Sa MMK, umalis si Gabby at naging taong grasang palaboy ang amo niya!-RCC) ITINANGGI ni Gabby Concepcion ang balitang tinanggihan siya ni Marian Rivera makasama sa pelikulang gagawin niya sa GMA Films at si Iza Calzado ang naging kapalit na leading lady ng actor. Paano mangyayari ‘yun exclusive ang kontrata ng dalaga sa Regal Films at wala siyang kontratang pinirmahan sa GMA Films. At sino naman si Marian para tanggihan si Gabby? Alam ba niya ang na-achieved ni Gabby habang siya’y starlet pa rin kung hindi lang dahil sa Marimar?! Sana mabagok ang ulo ni Marian para ma-realize niyang walang ibubunga ang maagang paglaki ng ulo niya na pati si Claudine Barretto na pinasaringan niyang, “Hindi sariwang sirena!” Ang layo nila ni Iza na very humble! Sa pag-uusap nila ng GMA Films, nilinaw sa amin ni Gabs na wala pang final na napag-usapan kung kailan ito sisimulan; kung saan isu-shoot at kung sino pa ang isasama kay Iza Calzado. Concentrate muna siya sa bagong teleseryeng “Iisa Pa Lamang” na pagsasamahan nila nina Claudine Barretto, Diether Ocampo and Ms. Susan Roces sa direksiyon ni Ruel Bayani. Kahit gaano ka-busy ngayon si Gabby palagi siyang may oras para mag-exercise. “Jogging every morning and I also play tennis kapag medyo maluwag ang schedule ko. For thirteen years ngayon lang ako pinagpawisan, buong katawan ko pati hita’t binti ko may pawis talaga! Sa States never kong na- experience ang ganito. After taking a shower, ang sarap ng feeling alaways on the go! Siyempre, kailangang alagaan ang katawan dahil artista tayo,” say ng aktor.


May 10th, 2008 at 2:20 am
Posted by joemer in ABS-CBN, Gabby Concepcion, Sharon Cuneta

 “AYOKONG MAG-COMMENT ABOUT GABBY! WALA AKONG KINALAMAN SA COMEBACK NIYA!” –SHARON CUNETA

Nag-pictorial last Tuesday si Megastar Sharon Cuneta para sa bago niyang pelikula. Huling napanood si Megastar four years ago sa critically acclaimed and box-office hit movie na “Crying Ladies.” Bago magpa-interbyu si Sharon sa TV crew ng ABS-CBN ay nilinaw niya agad na walang tanong regarding Gabby Concepcion. Magiliw ang pagkakasabi ni Sharon, kaya naman sinunod ng mga nag-iinterbyu ang request ni Megastar.
       “Ayaw kong mag-comment about him. Wala naman ako’ng kinalaman sa comeback niya,” biro ni Megastar.
                                               -
       KUNG si Megastar ayaw pag-usapan si Gabby Concepcion, bigla namang tumalikod si John Estrada at inalisan ang TV crew ng ABS-CBN nu’ng kumustahin na siya tungkol sa kaso niya nu’ng mahulihan siya na may dalang baril sa airport. Mukhang hanggang ngayon ay mainit pa rin ang isyung ito para kay John, kaya ayaw muna niyang magbigay ng anumang pahayag.
       Malalim at mabigat naman talaga kasi ang kasong kinakaharap ni John. Sabi nga ng iba, maswerte pa rin si John dahil nagagawa pa rin niya ang gusto niyang gawin sa labas. At nakapunta rin siya ng ibang bansa para mag-shooting.
       Pero bago mag-walkout si John sa TV crew, naikwento naman niya ang tungkol sa pagkikita ng girlfriend niya na si Priscilla Meirelles at dating asawa na si Janice de Belen sa graduation ng anak nila kamakailan. Pero kahit magkakasama sila, wala raw naganap na besohan between Priscilla and Janice.
       Wala ring nagawa si John para ipakilala niya si Priscilla sa ina ng kanyang mga anak. Katwiran ni John, hindi na raw kailangan. Pero nilinaw niya na hindi naman sinadyang mag-iwasan ang dalawang babae sa buhay niya.
       Ganu’n?


May 10th, 2008 at 1:56 am
Posted by joemer in ABS-CBN, Aga Mulach, Ai Ai Delas Alas, Angel Locsin, Angelica Panganiban, Anne Curtis, Bea Alonzo, Bianca Gonzales, Billy Crawford, Blind Items, Box Office, Christine Reyes, Claudine Barreto, Dennis Trillio, Diether Ocampo, Dingdong Dantes, Dino Imperial, GMA, Gabby Concepcion, Gerald Anderson, Gretchen Baretto, Heart Evangelista, Jake Cuenca, Jay-R, John Lloyd Cruz, John Pratts, Jon Avilla, Juday, KC Conception, KIMERALD, Kim Chui, Koreanovelas, Kris Aquino, Kristine Hermosa, LOBO, Maja Salvador, Marian Rivera, Mariel Rodriguez, NUTAM, Naruto, PBB, Piolo Pascual, Ratings, Richard Gutierrez, Ruffa Gutierrez, Ruffa Mae Quinto, Ryan Agoncillo, SCANDALS, Sam Concepcion, Sam Milby, Sarah Geronimo, Shaina Magdayao, Sharon Cuneta, Studs, Toni Gonzaga, Uncategorized, Willie Revilliame, jericho rosales, pokwang, rayver cruz, regine Velasquez

Okey na po ulit ang mga comment box namin… Pede na ulit kayong mag post nang comments nyo…. please post a comment on each article na mababasa nyo… para naman ganahan kami na mag post nang maraming news, para sa inyo… thankz!!!

saka survey lang gusto nyo bha magkaroon tayo nang Showbiz news na foreign??? send nyo lang sa sti_n23@yahoo.com kung gusto nyo… okey???


May 10th, 2008 at 1:25 am
Posted by joemer in ABS-CBN, Gabby Concepcion, Sharon Cuneta

SHARON CUNETA, NAUNTOG NA, ALAM NA WALA SIYANG PAKINABANG KAY GABBY CONCEPCION

Kahit si Gabby Concepcion, boto kay Richard Gutierrez para sa anak niyang si KC.

“Mabait na bata si Richard, maliit pa ‘yan, kilala ko na,” sabi ni Gabby sa The Buzz kamakailan.

Tungkol naman sa pagtanggi ni Sharon Cuneta na magkasama sila sa isang pelikula, sabi niya, “Naiintindihan ko na magkakaroon ng intriga kapag nag-partner kami ulit. Pero ang intriga naman, laging nandiyan. At saka, hindi naman ako ang may hiling nito kundi ang mga fans.”

Bukod sa intriga, alam ni Sharon na gagamitin lang siya ni Gabby para muling bumango ang pangalan ng aktor sa publiko.

Sa maikling salita, si Gabby lang ang makikinabang oras na magtambal silang muli.

Halaw sa Diyaryong Bulgar, sa panulat ni Arthur Quinto


May 10th, 2008 at 1:16 am
Posted by joemer in ABS-CBN, GMA, Gabby Concepcion, Gretchen Baretto

Hindi si Jolina Magdangal, hindi rin si Marian Rivera…SI LEA SALONGA ANG KA-LEVEL NI GABBY CONCEPCION

Ayon sa aming source, hindi si Marian Rivera o si Jolina Magdangal ang makakasama ni Gabby Concepcion sa kanyang first movie sa GMA Films kundi si Lea Salonga.

Niluluto ngayon ng GMA Films na makuha ang serbisyo ni Lea para magsimulang gumiling ang kamera.

How true na gusto ring kunin ng GMA si Gretchen Barretto pero nakaplano na raw ang team-up nila ni Gabby sa Star Cinema?

Anyway, tapos na ni Gabby na i-shoot ang kontrobersiyal nitong Lucida commercial kung saan ay si Wenn Deramas ang nagdirehe. Hindi pa namin alam kung kailan ito ieere.

By the way, masaya ang pamunuan ng ABS-CBN sa resulta ng first TV appearance niya sa Maalaala Mo Kaya. Bagama’t hindi na nagsu-subscribe ang ABS sa ratings, bonggang-bongga ang numbers ng AGB para sa episode ni Gabo at naging top 8 sa Prime time show nu’ng Friday.

Meaning, marami talaga ang nagkainteres na panoorin ang pagbabalik ng matinee idol ng 80’s.

Halaw sa Diyaryong Bulgar sa panulat ni Roldan Castro


May 10th, 2008 at 12:08 am
Posted by joemer in ABS-CBN, GMA, Gabby Concepcion

 Lea-Gabby-Iza sa GMA Films, Gabby at Greta sa Star Cinema

FROM a reliable source, we learned na kasalukuyang niluluto ng GMA Films ang Lea Salonga-Gabby Concepcion-Iza Calzado starrer.

Ito umano ang ipinalit ng naturang produksyon sa pelikulang unang tinanggihan ni Gabo.

Kasalukuyan pa umanong kinukumbinsi ng GMA Films si Lea at once na pumayag ito, uumpisahan na ang pelikula.

Sa Star Cinema naman, heard na niluluto na rin ang first movie ni Gabby at balitang si Gretchen Barretto naman ang napipisil na maging leading lady.

Hindi pa namin alam kung ano ang mauunang pelikula, pero nang huli naming makausap si Gabby, aniya ay malamang daw unahin niyang gawin ang movie under GMA Films.

Matatandaang may pinirmahang isang pelikula si Gabby sa film arm ng GMA-7 bago pa man pumirma ng exclusive sa ABS-CBN at Star Cinema.

Ang ITALY sana with Jolina Magdangal ang first movie ng comebacking aktor sa GMA Films, pero as we all know, tinanggihan niya ito kaya pinalitan ng produksyon ng iba.


May 5th, 2008 at 11:40 pm
Posted by joemer in GMA, Gabby Concepcion, Marian Rivera

Jolina Magdangal, out pa rin…MARIAN RIVERA AT IZA CALZADO, PAKONSUWELO NG SIYETE KAY GABBY CONCEPCION

Pagkatapos ng special appearance ni Gabby Concepcion sa Maalaala Mo Kaya at ang guestings niya sa iba’t ibang programa ng Dos, naisisingit na rin niya ngayon ang pag-i-endorse ng mga produkto at ganoon din ang mall shows sa iba’t ibang key cities tulad sa Dagupan, Davao, atbp.

Balita namin, inaayos na rin ang schedule niya para naman mabigyan ng panahon ang pelikulang gagawin niya para sa GMA Films. Ito ang dapat bigyan ng prayoridad ni Gabo upang malaya na siyang makagawa ng pelikula sa Star Cinema. Kailangan niyang tumupad sa usapan at sa kontratang pinirmahan niya sa Kapuso Network.

Sa pakikipag-usap daw ng kampo ni Gabby sa mga executives ng GMA Films, inirekomenda sa aktor sina Marian Rivera at Iza Calzado upang maging leading ladies niya sa said film outfit. Ito ay kung sakaling tanggihan ni Gabo si Jolina Magdangal na siyang naging daan para magkaroon ng transaksiyon sa GMA-7 si Gabby.

Willing naman ang GMA Films na makinig sa suggestion ng comebacking actor para sa kanyang big comeback movie. Ayon na rin kay Atty. Annette Gozon-Abrogar, presidente ng GMA Films, mapag-uusapan naman nang maayos ang lahat ng detalye sa movie kapag handang-handa na si Gabby na gumawa ng pelikula at hindi na magkakaroon ng conflict sa ibang commitments na kanyang tinanggap!

Halaw sa Diyaryong Bulgar, mula sa panulat ni Erlinda Rapadas T.


May 5th, 2008 at 11:08 pm
Posted by joemer in ABS-CBN, Gabby Concepcion

 Gabby Concepcion’s manager files P10-M libel suit vs columnist

Nagtungo kaninang tanghali, May 5, sa Hall of Justice ng Tarlac City ang talent manager na si Rose Flaminiano upang mag-file ng reklamo laban sa kolumnista at radio announcer na si Jobert Sucaldito.

Residente umano ng Tarlac City si Mommy Rose kaya doon siya nagsampa ng kaso laban kay Jobert.

Ayon sa talent manager ni Gabby Concepcion, masakit daw kasi ang mga isinulat ni Jobert laban sa kanya sa isang radio show at ilang pahayagan.

“Kailangang maituwid sa tama ang mga isinulat niya [Jobert]. May ilang business kasi ako na naapektuhan dahil sa mga isinulat niya. Hindi maganda na sinabi niyang si Mommy Rose, mukhang pera,” pahayag ng talent manager.

Nauna nang nag-file ng kaso si Jobert laban kay Mommy Rose nung isang linggo. Kahit nauna daw si Jobert, talagang nasa plano na raw na magsampa ng kaso ni Mommy Rose laban sa kanya.

“Ganito kasi yan, sinasabi niya [Jobert] dapat daw ay um-oo ako sa inilalapit niyang produkto yung Met [Methatione]. E, hindi ko naman nakikita yung advertiser niya. P 2.5 million yun. Yung sa isa naman na Lucida Gluthatione, P 5 million ang alok kay Gabby. At nakikita ko yung advertiser. Bilang isang talent manager, siyempre dun ako sa sigurado na,” pahayag ni Mommy Rose.

“Hindi ko alam kung ano ang nawala sa kanya at gigil na gigil siya sa hindi natuloy na kontrata.”

Klinaro rin ni Mommy Rose na wala raw silang relasyon ni Jobert na dapat protektahan.

“Hindi kami magkaibigan ni Jobert. Ang kaibigan ko, si Cristy Fermin at sina Boy Abunda. Kasi kung magkaibigan kami, sana maayos ang pakikitungo niya sa akin.”

Ayon sa kabiyak ni Mommy Rose na si Atty. Ed Flaminiano, isang malaking paninirang-puri daw ang ginawa ni Jobert.

“Alam mo si Mommy Rose isang movie producer at subdivision developer ‘yan. Hindi maganda na pinararatangan siya ng masasama dahil sa maaapektuhan ang kanyang reputasyon bilang isang businesswoman,” ayon sa abogado. “Siya rin ang magde-decide kung magkano ang ika-kaso niya laban kay Jobert.”

“Ten Million [pesos],” sambit ni Mommy Rose kung magkano ang danyos ng libel case na isasampa niya.

Hindi rin daw papayag si Mommy Rose na ayusin ang kasong ito sa labas ng korte.

Hanggang ngayon, hindi pa rin maabot si Jobert para sa kanyang panig ng kaso.

Ayon kay Mommy Rose, nakatakda ring mag-file ng reklamo si Gabby sa San Juan laban kay Jobert.


May 5th, 2008 at 2:58 am
Posted by joemer in ABS-CBN, Gabby Concepcion

Gabby does not mind doing a movie with Sharon
In his interview on The Buzz on May 4, Sunday, Gabby Concepcion said that he is open to doing another movie with his former wife Sharon Cuneta. “Ang intriga natural na nangyayari sa showbiz. Kung maaaring iwasan at makagawa ng pelikula dahil maraming fans, alang-alang sa mga fans, na humihiling na panoorin kami. Hindi naman talaga kami ang may gusto, of course ginusto na rin namin, well on my part, dahil marami ang humihingi ng Gabby-Sharon movie…” he explained. This came as his response to Sharon’s previous statement, expressing her reluctance to do another movie with him to protect the interest of her family.
Meanwhile, Gabby, who arrived in the country last month after 13 years of living in the US, said that he is enjoying his show biz comeback. “Okay naman nakaka-adjust na rin. Nag-eenjoy ako. Yun ang maganda dito,” he said. His first project with ABS-CBN was last Friday’s episode of Maalaala Mo Kaya, which received mixed reactions from viewers. “Maraming salamat sa mga pumuri sa akin don. Ibinigay ko na ang lahat na pwede kong ibigay,” he said, adding that he respects other people’s criticisms and opinions and that he is still adjusting in terms of acting.
The former matinee idol is also ready to start working on his comeback movie under Star Cinema and the teleserye “Iisa Pa Lamang” with Susan Roces and Claudine Barretto.


April 30th, 2008 at 12:06 am
Posted by joemer in Gabby Concepcion, Marian Rivera

 GABBY CONCEPCION, TYPE RING MATIKMAN NI MARIAN

Still on Marian, dahil siya ang itinuturing na hottest and most in demand na leading lady ngayon sa bakuran ngayon ng Siyete, natanong din kung papayag itong makatambal sa movie ang tatay ni KC Concepcion na si Gabby.

Balita kasing if ever na ituloy ni Gabby ang kanyang commitment sa GMA-7 ay si Marian ang choice ng GMA Films para ipareha sa comebacking actor.

Well, sagot naman ng latest Dyesebel ay okey sa kanya si Gabo although hindi pa niya ito personal na nakikilala.

“Sa TV ko pa lang siya nakikita. At ang pogi-pogi pa rin niya at malakas ang appeal. Kung sakaling siya maging next leading man ko sa movie, why not? Basta may bagay na istorya.”

Halaw sa column ni Erlinda Rapadas T. sa Diyaryong Bulgar


April 29th, 2008 at 11:40 pm
Posted by joemer in GMA, Gabby Concepcion

Gabby Concepcion settles problem with GMA Films; will star in a movie opposite Iza Calzado

Isang masayang balita ang itinawag sa PEP (Philippine Entertainment Portal) ng Officer-In-Charge ng GMA Films na si Noel Ferrer. Ito ay ang pagkakaayos nina Gabby Concepcion at ng GMA Films bosses.

Matutuloy na ang paggawa ng aktor ng pelikula sa film company ng GMA-7. Si Iza Calzado ang makakapareha ni Gabby at si Joey Reyes ang nakatakdang magdirek ng still-untitled film.

Kahit noong nasa Amerika pa si Gabby ay nabanggit na niya si Iza sa mga GMA-7 talents na gusto niyang makasama sa pelikula.

Matatandaang nagkaroon ng isyu tungkol sa paggawa ng pelikula ni Gabby sa GMA Films. Ilang linggo kasi bago magsimula ang shooting ng I.T.A.L.Y. ay nag-backout ang comebacking actor dahil hindi niya nagustuhan ang script ng pelikula na pagbibidahan sana nila ni Jolina Magdangal. Ito ay sa kabila ng naibigay na kay Gabby ang downpayment sa magiging partisipasyon niya sana sa pelikula.

Nagulat ang lahat nang biglang umuwi si Gabby sa Pilipinas noong April 30 pagkatapos ng 13 years na paninirahan sa Amerika. Ang lalo pang nakakagulat ay nang pumirma siya at ang kanyang bagong manager na si Mrs. Rose Flaminiano ng kontrata sa ABS-CBN at sa film arm nitong Star Cinema, kahit na may kontrata pa siya sa GMA Films.

Pero pagkatapos ng sigalot tungkol dito ay naging maayos naman ang pakikipag-usap ng GMA Films at ni Gabby kaya tuloy na ang paggawa ng aktor ng pelikula sa kanila.

Inaayos na lang ang schedule ng mga artista at pati ni Direk Joey, na mas busy pa sa mga artista sa dami ng ginagawa. Uunahin lang ng direktor ang Civil Status: Single ng Viva Films na pagbibidahan ni Rufa Mae Quinto. Si Direk Joey rin ang magiging in-charge sa production at line producer ng Gabby-Iza movie.

Hindi lang namin alam kung involved pa rin si Mr. Jun Magdangal sa movie ni Gabby, dahil ang original na pinirmahang kontrata ng aktor ay kasama ang ama ni Jolina bilang isa sa producers.


April 24th, 2008 at 12:31 am
Posted by joemer in ABS-CBN, Claudine Barreto, Gabby Concepcion

 Gabby Concepcion to be paired with Claudine Barretto in “Iisa Pa Lamang”

 Gabby Concepcion to be paired with Claudine Barretto in

Kasabayan ng last presscon ng When Love Begins sa main dining hall ng 9501 restaurant ng ABS-CBN kaninang tanghali, April 22, dumating si Ms. Susan Roces kasama ang tumatayo niyang manager na si Dolor Guevara. A little while later, lumapit naman sa amin si director Ruel Bayani. Nandoon siya para naman sa story conference ng pinakabagong primetime soap ng ABS-CBN, ang pagbabalik-trabaho ni Gabby Concepcion na may titulong Iisa Pa Lamang.

Sa Bohol Hall ginawa ang story conference ng Iisa Pa Lamang and, according to Direk Ruel, bukod kina Gabby at Ms. Roces, kasama rin sa cast sina Claudine Barretto, Diether Ocampo, Angelica Panganiban, Matt Evans, Melissa Ricks, and Ms. Laurice Guillen.

Ang Iisa Pa Lamang ay hindi raw remake ng 1992 Regal movie starring Richard Gomez and Dawn Zulueta, although gagamitin ng soap ang theme song of the said movie na originally performed by Joey Albert. All the way from the States, pinakanta kay Lani Misalucha ang theme song.

Sa probinsiya at sa Manila daw kukunan ang unang soap ni Gabby sa ABS-CBN.


April 24th, 2008 at 12:29 am
Posted by joemer in ABS-CBN, Gabby Concepcion

 Jobert, galit kay Gabby at Mommy Rose

Nagalit si Jobert Sucaldito kina Mommy Rose Flaminiano at Gabby Concepcion dahil nag-commit na raw ang mga ito para sa pag-eendorso ng MET product ni Ms. Olai Espiritu, pero bigla raw pumirma ang mga ito sa kalabang produkto.

Ang ikinaloka ni Jo-bert, ‘pinaikot’ pa raw siya nina Mommy Rose at Gabby.

P5M daw kasi ang pe-rang involved sa produktong ie-endorso ni Gabby kumpara sa P2.5M na offer ng kumpanya ng MET.

“Sana, naging honest na lang sila,” sey ni Jobert.

Hiyang-hiya si Jo-bert dahil nag-commit na raw sa kanya sina Mommy Rose at Gabby at handang-handa na ang mga taga-MET para sa contract signing, pero nabulilyaso pa raw ‘yon.

Bukas ang mga pahina ng Abante TONITE sakaling gusto ng kampo ni Gabby na magbi­gay ng paliwanag tungkol sa isyung ito.


April 24th, 2008 at 12:27 am
Posted by joemer in ABS-CBN, Gabby Concepcion

 ‘Not Guilty’ ipinasok ni Gabby sa kaso niyang Bigamy

Naghain ng “not guilty” plea kahapon ang aktor na si Gabby Concepcion nang basahan ng sakdal kaugnay sa kasong bigamya o bigamy na kaniyang kinakaharap sa Manila Regional Trial Court.

Dako ngang alas-10:00 ng umaga nang dumalo sa arraignment si Concepcion kasama ang abo­gado niyang si Atty. Ed Flaminiano sa sala ni Judge Jansen R. Rodriguez ng Manila RTC Branch 6.

Itinakda na rin sa Mayo 8, 2008 ang isasa­ga­wang pre-trial sa nasabing kaso na isinampa ng isang Mamerto dela Cruz, residente ng E. Rodri­guez corner Mercury St., Libis, Quezon City.

Nagsilbi ring testigo sa kaso ang Registrar Office ng Manila Local Civil Registrar.

Una nang naglagak ng P12,000 piyansa si Con­cepcion noong unang linggo ng Abril, ilang araw matapos dumating sa bansa mula Estados Unidos.

Subalit kahapon ay kinontra ito ng prosecution sa paghahain ng manifestation upang itaas umano sa P24,000 ang piyansa ng aktor.

Sa inamyendahang information ni Assistant City Prosecutor Manuel B. Sta. Cruz Jr., noong Hulyo 23, 1984, ay ikinasal ang aktor sa aktres na si Sharon Cuneta sa kabila ng hindi pa man napapawalang-saysay ang unang kasal nito sa isang Jennifer Martin.

Bukod sa kasong bigamya, may hiwalay na kaso pang kinakaharap si Concepcion, ang falsification of public documents na nakabinbin sa Manila Metropolitan Trial Court (MTC). Iniutos ni Judge Rodriguez na ang kasong ito ay ibalik sa Office of the Executive Judge, sa pamamagitan ng Clerk of Court ng RTC Manila dahil wala umanong hurisdiksiyon ang RTC na dinggin ang kaso.

Nabatid na naglagak din ng P6,000 piyansa si Concepcion sa MTC sa kasong falsification of public documents sa sala ni Judge Marlo Malagar ng Manila MTC Branch 5 upang mai-lift ang inisyung warrant of arrest na nakatakda namang isalang sa arraignment sa Abril 30, 2008.

Nabatid na ang mga kaso ay na-archive mula nang magtungo at manirahan ang aktor sa Amerika noong 1995.


April 19th, 2008 at 12:24 am
Posted by joemer in ABS-CBN, Gabby Concepcion

 Guwapo pa rin naman daw kahit masyonda na…GABBY CONCEPCION, P3.5 MILYON ANG HINIHINGI PARA BUMIGAY KAY DRA. VICKI BELO

Wala kaming nakikitang masama kung papangalanan man namin ang isang blind item na lumalabas kamakailan na tumutukoy sa isang guwapong may-edad nang drama actor na nag-demand daw ng P3.5 milyon para mag-endorse ng isang derm clinic.

Si Gabby Concepcion ang aktor at ang Belo Medical Clinic ni Dra. Vicki Belo ang sangkot sa isyu.

Ayon sa aming source, talaga naman daw nag-uunahan ang mga beauty endorsers para kunin ang serbisyo ng nagbabalik-showbiz na si Gabby to endorse their product gaya nga ng Belo.

Damang-dama kasi ang Gabby-mania sa ngayon at naniniwala ang sinumang negosyante na bobongga ang kanilang produkto once iendorso ito ni Gabby.

Kaya lang, medyo turned off o pinag-aaralan pa ng Belo Medical Clinic at Belo Essentials kung kakagatin nila ang P3.5-M na asking fee diumano ng manager ng aktor.

Mangyari po lamang na magiwan po kayo nang inyong kumento, tungkol sausaping ito. Dahil dito po sa SHOWBIZZ TOP i-NEWS, laging pananaw nyolang po ang siyang laging mahalaga at importante para sa amin. for your comments, suggestion or complains (regarding the site) you can e-mail us at  STi_N23 at yahoo.com Maraming Maraming Salamat Po Sa Walang Sawa Nyong Pag Supporta Sa Amin!!!


April 18th, 2008 at 11:09 pm
Posted by joemer in ABS-CBN, Gabby Concepcion, Sharon Cuneta

 Kahit bayaran ng P100M… Sharon ayaw kay Gabby

 

Tuluyan nang isinara ni Megastar Sharon Cuneta ang pinto para sa dati niyang asawang si Gabby Concepcion.

Sa isang panayam ng ABS-CBN sa London, tinapos na ni Sharon ang mga haka-haka na baka magkatambal sila ni Gabby sa isang pelikula.

Sinabi ni Sharon na ipinasya niyang huwag nang gumawa ng pelikula na kasama ang dating asawa dahil lilikha lang ito ng maraming intriga na makakaapekto sa kanyang pamilya.

“Kung sa akin okey lang, pero alam mo, hindi ko masisikmura na malagay sa intriga ang asawa ko (Sen. Kiko Pangilinan) at ang tatlong anak kong babae pati na si KC (anak niya kay Gabby)… na usually ano, paglalaruan kayo, so huwag na lang, it’s not worth it,” sabi pa ni Cuneta na kasalukuyang nasa shooting ng pelikula niyang Caregiver sa London.

Sinabi pa ni Sharon na, kahit sa mataas na presyo, hindi pa rin siya papayag na makasama sa pelikula si Gabby. Wala anyang katumbas na halaga ang peace of mind.

“Mga P100M? Siguro, pag-iisipan ko. Pero salamat na lang, niloloko ko sila,” natatawang sabi ni Sharon.

Naging maingay ang mga ispekulasyon o posibilidad na magkasama muli sa pelikula sina Sharon at Gabby nang muling magbalik kamakailan sa Pilipinas ang aktor at sumubok na mag-artista muli.

 

 

Mangyari po lamang na magiwan po kayo nang inyong kumento, tungkol sa usaping ito. Dahil dito po sa SHOWBIZZ TOP i-NEWS, laging pananaw nyo lang po ang siyang laging mahalaga at importante para sa amin. for your comments, suggestion or complains (regarding the site) you can e-mail us at  STi_N23 at yahoo.com Maraming Maraming Salamat Po Sa Walang Sawa Nyong Pag Supporta Sa Amin!!!

 


April 18th, 2008 at 10:49 pm
Posted by joemer in ABS-CBN, Gabby Concepcion, Sharon Cuneta

 Sharon: No movie teamup with Gabby

Local showbiz Megastar, actress Sharon Cuneta finally put an end to the possibility of doing a movie again with her former husband, comeback actor Gabby Concepcion.

In an exclusive interview by ABS-CBN News Bureau chief Danny Buenafe in London, Cuneta said that she decided not to do a film with Concepcion since this will only create a lot of intrigues that would really affect her family.

“Kung sa akin okey lang but you know, I think I don’t have the heart to put my husband and my three daughters including KC not only the two little ones sa nakikinita kong mga intriga … na usually ano, paglalaruan kayo, so huwag na lang, it’s not worth it,” Cuneta said.

Cuneta is busy shooting her film under Star Cinema entitled “Caregiver.” To show his support and love, her husband Senator Francis Pangilinan followed and is with her in London.

Cuneta dismissed the possibility of accepting the project even if the price is extremely high. She said no amount could buy her peace of mind.

“Mga 100 million? Maybe I will think about it, but no thanks, niloloko ko sila (laughs). I think he is happy and I’m happy and we moved on so maybe for now we don’t know what will happen in the future baka naman bahala na ang Panginoon doon. but at this point what my heart is telling me is huwag na… Let us give the guy a chance also to shine on its own muna,” Cuneta said.

On April 2nd, Cuneta signed a contract with ABS-CBN for her movie “Caregiver”. After the signing she shared her thoughts about the return of Concepcion– the biological father of her eldest daughter KC.

Concepcion is back in the Philippines and is trying to revive his showbiz career after staying in the United States for 13 years.

When asked about how she felt about Concepcion’s comeback, Sharon replied that she already gave her statement through entertainment writer Ricky Lo’s column.

“Can I just say this, I honestly, honestly don’t know. It’s different when someone is far away and different when (he’s here). I didn’t see his interview but I’d been told. But what I said in the diaryo that’s essentially (it).

“I hope you understand that it’s a very sensitive issue and I’m in a situation that’s intrigue-friendly… but I will say that I wish that we could do a movie together because we each have our own life; there are people in our lives now that mean more to us than we once meant to each other, and it’s not just our feelings anymore. There are other people involved.”

Cuneta however said her relationship with Concepcion has not had complete closure.

Shooting “Caregiver”

“Caregiver” is Sharon’s 30th anniversary offering to her fans and supporters, and is also Star Cinema’s 15th anniversary offering.

Before going to London, Cuneta said that she is very happy about the fact that she is making her new movie under Star Cinema with acclaimed director Chito Roño at the helm.

But now, the actress revealed that for the first time ever she really had a hard time doing the film because of the very hectic schedule, stress, lack of sleep and unpredictable weather.

“Honestly and quite frankly, I have never experienced such a grueling schedule and it’s so demanding on my physique. I just fought off trangkaso with very strong antibiotics in fact kahapon lang yung last.”

Cuneta is now in London with her co-stars John Estrada, Rica Peralejo, Jhong Hilario and Makisig Morales.

She started shooting the movie April 5th, two days after her contract signing with ABS-CBN.

“Caregiver” is a story that tackles the hardship of life of an ordinary OFW (Overseas Filipino Worker).

The film will be Cuneta’s comeback movie after four years

Mangyari po lamang na magiwan po kayo nang inyong kumento, tungkol sa usaping ito. Dahil dito po sa SHOWBIZZ TOP i-NEWS, laging pananaw nyo lang po ang siyang laging mahalaga at importante para sa amin. for your comments, suggestion or complains (regarding the site) you can e-mail us at  STi_N23 at yahoo.com Maraming Maraming Salamat Po Sa Walang Sawa Nyong Pag Supporta Sa Amin!!!


April 10th, 2008 at 1:54 am
Posted by joemer in ABS-CBN, Gabby Concepcion

 Madam Auring predicts career, love life of Gabby

Showbiz fortune teller Madam Auring predicts a good life and career for comebacking actor Gabby Concepcion.

“Sa career ni Gabby maganda ang vibes ko sa kanya… nakikita ko na talagang tatanggapin siya ng tao at magiging hit, box office kumbaga malaki ang kikitain sa paglabas na ito ni Gabby Concepcion. Number one magki-click talaga ang pelikulang gagawin niya sa channel 2 at nakikita ko din na talagang pampamilya sila,” Madam Auring told abs-cbnNEWS.com inside the network’s compound.

Madam Auring also said that Concepcion will find time to clear his name.

Last week, Concepcion posted bail at the Metropolitan Manila Regional Trial Court for nine counts of falsification of documents including bigamy filed by his estranged wife Jenny Syquia.

Aside from making predictions, the fortune teller also advised the actor to solve the problems regarding his contract with GMA Films and ABS-CBN.

“Ang unang gagawin niya siguro hindi ba naka-kontrata siya sa kabila isang problemang malaki ‘yon kaya naano ko na maaring makagawa s’ya dahil hindi magpapabaya ang GMA na lumabas siya dito.

“Bagamat naka-kontrata na si Gabby dito (ABS-CBN), kumbaga malinis ang konsensiya ni Gabby so mangyayari niyan parang magkakaroon ng pag-uusap siguro whether kung ano ang mauuna, ” Madam Auring said.

Sharon-Gabby movie

Fans are waiting for Megastar Sharon Cuneta to do a reunion movie with Concepcion, her ex-husband. Madam Auring predicted that the Sharon-Gabby movie would push through.

“Sa tingin ko matutuloy ‘yan kung walang selosan kumbaga be a sport lang. Kasi parang feel ko na until this time marami pang nakakaramdam, basta ito feeling ko lang Sharon is still in love with Gabby. Ewan ko kung sino ang magseselos pero artista naman tayo kaya kailangan maintindihan ‘yon.

“Pero ang vibes ko ay matutuloy at click na click talaga ‘yung pagsasama nila sana ay maisama nila si KC para pang-family ang dating ng movie na matutuloy nilang gawin na first movie dito sa ABS-CBN,” Madam Auring said.

In an interview on entertainment show “The Buzz” last Sunday, Cuneta told host Boy Abunda that she will be more careful about the prospect of working again with Concepcion.

Cuneta told Abunda that some people had teased her at a press conference by asking how much money she would ask to make a movie with Concepcion. The amounts of fifty and one hundred million pesos were mentioned but Cuneta said that no amount is worth it if it risks the peace and happiness of her family.

She then told Abunda that any plans to do a movie starring her and Concepcion would have to be approved first by her husband and children.

Sharon’s love life

Madam Auring also had a prediction regarding the feelings of Cuneta’s husband Senator Francis Pangilinan toward Concepcion.

“Mayroon akong nakikita sa husband ni Sharon kay Sen. Pangilinan parang nagkakaroon siya ng parang jealousy pero deep inside dahil sa alam niya naman naiintindihan niya na it’s only showbiz, para kay Sharon ‘yung gusto niyang makatambal ulit si Gabby at ganoon din si Gabby gustong makatambal parang ano lang ‘yan walang personalan kung may magse-selos man sa panig talaga ng ating mahal na si Kiko.”

Last Friday, Cuneta and Pangilinan showed the public that their relationship remains solid.

The Senator and the Megastar held hands and looked every inch the sweet couple as they said their good-byes at the airport. Cuneta is off to Europe to finish filming her latest movie, “Caregiver” produced by Star Cinema. She will shoot on location for three weeks.

During her interview on “The Buzz”, Cuneta also said her husband has no insecurities at all when it comes to their marriage.

Gabby’s marriage

Madam Auring said she feels that Concepcion has a problem with his current wife Genevieve “Ginbee” Yatco.

“Sa lovelife ni Gabby parang naba-vibrate ko nase-sense ko o nai-ESP mayroon siyang trouble ngayon sa lovelife niya ngayon sa present yung huling babae sa buhay niya. Parang hindi sila compatible parang nagkabiglaan lang at mayroon silang konting hindi pagkakasundo, kaya sa panahong ito ay trouble sila.

“Nakikita ko din na ang pagpunta dito ni Gabby ay hindi lang paggawa ng pelikula kung hindi parang may iniiwasan din siyang relasyon.”

Last Friday, Concepcion belied rumors that his relationship with his wife is on the rocks.

“Not at all (Hindi totoo iyon na mayroon kaming problema), she’s an amazing woman,” Concepcion had told abs-cbnNEWS.com.

Concepcion said that he has a strong marriage and shared that his wife is actually coming to the country with their child to be with him. Concepcion married Yatco four years ago in Stockton, California and they have a two-month old baby, Samantha.

Last year, Madam Auring predicted that young actress Jennylyn Mercado would get pregnant. Mercado is now expecting her first child.

Madam Auring is now busy promoting her first single entitled “May Asim Pa,” composed by Paul Sambrano.

Mangyari po lamang na magiwan po kayo nang inyong kumento, tungkol sa
 usaping ito. Dahil dito po sa SHOWBIZZ TOP i-NEWS, laging pananaw nyo
 lang po ang siyang laging mahalaga at importante para sa amin.
 
for your comments, suggestion or complains (regarding the site) you can
 e-mail us at  

April 8th, 2008 at 1:31 am
Posted by joemer in ABS-CBN, Gabby Concepcion

 Sa “MMK” unang masisilayan ang pagbabalik-akting ni Gabby!

Pumirma na si Gabby Concepcion ng official contract with ABS-CBN for two years last Tuesday, April 1. Kasabay nito ang paglabas ng usap-usapang kailangang mauna pa rin ipalabas ang