NI AYAW NANG MARINIG NI HEART ANG PANGALAN NI JERICHO!
One week o baka umabot pa ng two weeks sa bansa si Jericho Rosales, bago siya bumalik sa Malaysia, para ipagpatuloy ang taping ng soap na aabot pa ng dalawalang buwan. Pero, kahit nasa ‘Pinas, malabong magkita at magka-usap sila ng ex-girlfiriend niyang si Heart Evangelista.
Bukod sa nagpalit (na naman) ng SIM card si Heart, para hindi siya matawagan ng ayaw makausap, ayaw na raw talagang makita man lang ng actress ang ex-boyfriend. Sa kanyang career ang focus nito ngayon at ni ayaw marinig, kahit pangalan man lang ng actor at lalong no-questions about him. Pleaase!
Pagbalik ni Jericho sa Malaysia, ilu-launch niya ang kanyang Jericho Cologne at sa Kuala Lumpur lang naman ang launching. Hindi pa namin naitatanong kung magiging available rin sa ‘Pinas ang nasabing cologne na tiyak maghi-hit sa rami ng kanyang fans.
Habang narito, sana ma-interview si Jericho at tanungin kung totoo bang nagka-relasyon siya kay Brianna Evigan at ang Malaysian actress na kapareha niya sa soap. Mas maganda kung siya na mismo ang maglilinaw sa isyung pinagselosan daw ni Heart ang dalawang girls.
ANGELI, HINAHA-HARASS NG MGA MAGULANG NI HEART!
Kinorner namin ang maybahay at manager ni Gary Valenciano na si Angeli Pangilinan tungkol sa gap nila ng dating talent na si Heart Evangelista at ng kanyang mga magulang.
Ipinaliwanag ni Angeli ang tungkol sa kontratang hinihingi ng kampo ni Heart sa kanya at kung anu-ano pa’ng pangha-harass ang ginawa sa misis ni Gary. Pati finances ni Heart ay tila kinuwestyon ng kampo ni Heart, imbes na magpasalamat sa mga tulong at pag-aalaga na ginawa ni Angeli at ng Genesis sa ex-girlfriend ni Jericho Rosales.
At least, nailapit ng Genesis si Heart sa Panginoon at hindi napariwara ang buhay. Paulit-ulit na sinabi ni Heart sa amin noong last presscon niya sa ABS-CBN na naging maayos na ang buhay niya. Natuto siyang maging independent at si Echo pa mismo ang nagsasabi sa kanya noon na makipagbati na sa kanyang mga magulang.
Dahil napamahal na ng todo si Heart kay Angeli, inamin naman ng misis ni Gary na labis siyang nasaktan sa ginawa ng dati niyang talent at magulang nito. Pero humingi siya ng tawad sa kung sinuman ang nasaktan niya sa lumabas na initial reaction niya sa ginawa ni Heart at ng mga magulang niya. Sana raw ay maunawaan na that was part of her withdrawal symptom.
Jericho still denies having any affair with his leading ladies

Following Jericho Rosales’s interview in The Buzz last week, his ex-girlfriend Heart Evangelista aired out her sentiments yesterday (May 17) via a phone interview in show biz oriented talk show Star Talk from the rival network. Heart said that she was shocked by her former boyfriend’s statements. She clarified that her parents had nothing to do with her decision to break up with him, like what her ex-boyfriend insinuated.
She revealed that her reason to end her three-year relationship with Jericho was because of the actor’s affairs with his leading ladies. The women being referred to are Brianna Evigan, Echo’s leading lady in the international film I Love You Virus and Malaysian TV actress Carmen Soo, his co-star in his upcoming teleserye. Heart said that she’d rather accept his shouts and outrage every time they fight but she will not stand his womanizing
ways. She asked Echo to stop saying bad things about her and wished that he’d be able to find the person who would love him and understand his life.
Meanwhile, The Buzz also aired the continuation of Echo’s interview from last Sunday’s episode and here he defended his closeness to his leading ladies. Echo explained that being friendly towards his co-stars was a part of his job and that he could not control other people’s perception of his actions. “God knows what I’m doing. Trabaho ko yon bilang nag-iibigan sa pelikula. Anong makikita ng tao? Nasa Pilipinas po tayo, maraming nag-iisip. Hindi ko pwedeng talikuran yung aktres na kasama ko sa pelikula. Kung anong nakikita nila, may idea na sila na pwede na nilang dalhin sa bahay. Pwedeng kumalat at pwedeng maging ibang bagay, yun ang dinidibdib ko sa loob ko,” Echo clarified.
Despite the incident, the actor continues to hope that he and Heart will be able to talk, fix things and get back together. “Sana talaga malampasan namin ang pagsubok na ‘to. Someday we’ll bump into each other and we’ll talk. And we’ll be friends and we’ll fix our lives. I hope and pray that special day will happen na magkabalikan kami. Na I’ll still have my heart for Heart,” he said.
As an answer to Heart’s recent interview, Jericho (who’s still in Malaysia taping his TV drama) sent a text message to The Buzz staff yesterday (May 18), saying he does not want to talk about the controversy surrounding his break-up with Heart Evangelista anymore. “I would rather not talk about the issue anymore. I feel that I have said my piece and I know the truth will come out someday. I wish her (Heart) peace and success. Thank you The Buzz for your unending support.”
NAKU, KUNG SI ANGELI ANG MANAGER NI KC…LAOS NA SIYA NGAYON!
WALANG kaabog-abog biglang pumutok ang balitang hiwalay na nga sina Heart Evangelista at Jericho Rosales, kasabay nito ang paglipat ng dalaga sa GMA 7. Mabilis ang pangyayari dahil sa paghihiwalay ng dalawa agad naman lumipad patungong Dubai ang dalaga para mag-taping kasama si Richard Gutierrez na pilit na agad na nili-link sa kanya.
Nang magbigay ng pahayag si Heart na break na sila ni Echo, nagulat na lang ang binatang-ama sa balita. Nasa Malaysia ng mga sandaling ‘yun ang aktor at nagte-taping ng isang teleserye katambal ang isang Malaysian actress. Hindi man lang sila nakapag-usap tungkol sa issue ng hiwalayan. Bakit naman kung kailan wala sa tabi niya si Jericho, biglang nag-desisyon ang dalaga na iwanan na niya ng tuluyan ang actor?
Nagising na nga ba sa katotohanan si Heart na hindi sila puwedeng mabuhay sa pag-ibig lamang?! Wala naman sumang-ayon sa kanilang matamis na pag-iibigan. Alam naman nating tutol ang pamilya ng dalaga sa relasyon nila ni Echo. Nang maging sila na nga, hindi tinanggap ng publiko ang kanilang tambalan, naghilahan sila paibaba. Hindi ba’t sumisid paibaba ang rating ng “Panday” na una nilang pinagsamahan? Sa teleseryeng ito nagsimula ang kanilang pag-ibig at dito rin nagsimulang nagka-buwisit-buwisit ang nasabing palabas. Nagkaroon pa nga daw ng hindi pagkakaunawaan sa pagitan nina Jericho at Mr. Johnny Manahan dahil kay Heart Evangelista. Nagpalitan daw ng masasakit na salita ang dalawa, kaya nga hindi agad nasundan ng project si Echo sa bakuran ng ABS CBN. Naging suwail daw ito, kaya hindi na ni-renew ang kontrata niya sa Dos. Agad namang sinunggab ni Angeli Pangilinan ang pagkakataon para i-manage ang actor and at the sametime, si Heart.
Isa pa itong si Angeli, wala naman siyang artistang hinawakan na sumikat talaga! ‘Pag kinukuha nga niya na dating sikat o papasikat, biglang nalalaos at nawawalan ng career! Buti nga, si KC Concepcion, kahit anong himok niya noon sa hipag na si Sharon Cuneta, hindi ibinigay sa kanya! Siyempre, sa tagal ni Sharon sa showbiz, alam niyang sa tamang manager dapat mapunta ang anak niya. Naku, kung si Angeli ang manager ni KC ngayon, malamang ‘di pa siya sikat, laos na siya agad ngayon! Nega rin kase sa lahat si Angeli, eh. Dapat ‘pag manager ka lovable ka sa lahat! Akala kasi ni Angeli makakapagpasikat siya sa estilo niyang gift certificate lang ng Shoemart ang ibinibigay sa press na tumutulong sa publicity ng mga alaga niya sa Genesis, nagkakamali siya! Alam na alam mong kumikita nang husto ang talent thru publicity, tapos kukuriputan mo, magkamal ka lang ng salapi sa mga talent na kawawa naman dahil puro nawalan na talaga ng career!
SA aming obserbasyon, mas pinili ni Heart ang kanyang showbiz career na ilang taon din naman nanamlay same with Jericho. Wala naman naitulong si Angeli sa career nila para manumbalik uli ang dati nilang kasikatan. Mabuti nga kung na kay Anabelle Rama na ngayon si Heart na kahit sabihing supladita si Tita Annabelle kung minsan, alam mong sa puso niya’y likas siyang mabait at talagang nakapagpapasikat at nabibigyan ng trabaho ang talent. Naku, Jericho, mag-isip-isip ka na kung sinong puwedeng mag-manage sa iyo na baka masagip pa ang pagkalaos mo? Bakit ‘di ka kaya lumapit kay Lito De Guzman, tutal nagsi-singer-singeran ka na rin at nang maisama ka sa mga concert ng Baywalk Bodies na talagang napasikat nang husto ni Lito, higit pa sa kasikatan ninyo ni Heart!
Kung si Heart naging maluwag sa loob niya ang pag-iwan kay Jericho dapat siguro tanggappin na rin ni Echo na hindi sila para sa isa’t isa. Kailangan na rin mag-move ni Jericho at mag-concentrate sa kanyang movie career. Tantanan na muna ang pagkanta-kanta kung saan-saan na wala naman kawawaan. Alam natin malaki ang maitutulong ng “Kapamilya” network kung bukal sa puso niya ang paghingi ng tawad sa mga pagkakamali niya in the past. Sigurado kaming muling iaangat ng Dos ang naghihingalong career ng aktor.
Heart Evangelista: Jericho Rosales had an affair with Briana Evigan
Heart Evangelista right after The Buzz interviewed Jericho Rosales reacted via a phone patch interview with Raymond Gutierrez that the reason she broke-up with Jericho Rosales is because she caught him having an affair with Hollywood actress Briana Evigan (Step Up 2). Jericho and Briana Evigan worked together in the film “I Luv U Virus”.Well, all i can say is, Sosyal! lol..that’s Briana Evigan dear. An up and coming Hollywood star. She’s slated to do so many A-List movies. And she fell for Jericho Rosales, a Pinoy!
Heart also unknowingly revealed something, she said that, ” Binigay ko lahat lahat sa kanya.”
Heart Evangelista reveals there is a third party in her breakup with Jericho Rosales

Young actor Jericho Rosales said that he was shocked by Heart Evangelista’s revelation about their breakup. In an interview upon his arrival from Malaysia last May 8, Jericho said, “I myself, I’m confused, e. I heard nakipag-break siya sa akin on TV, e, so… On text, it wasn’t clear, e.”
Yesterday, May 11, The Buzz aired their separate taped interview with Jericho where the young actor poured out his feelings about his breakup with Heart. The young actor said that he is hurting and miserable. He also denied rumors linking him to Hollywood actress Briana Evigan and Malaysian actress Carmen Soo that were said to be the reason why Heart broke up with him.
To get Heart’s reaction to this statement, Showbiz Central’s Raymond Gutierrez had a phone-patch interview with the young actress yesterday, May 11. She is currently in Dubai for the taping of her first project with GMA-7 titled Codename: Asero.
Before she made any statement, Heart first clarified, “Before anything else, wala talaga, wala akong plano na magsalita ng ganito. Ayoko, parang sobrang feeling ko kasi napahiya ako.
“Hindi ko alam kung ano talaga ang nararamdaman ko—kung naiiyak ako, naiinis ako o kung anuman. Pero bakit hindi siya [Jericho] consistent sa sagot niya, di ba? Alam mo yun? Yun yun, e.”
Then, she insisted to Raymond that Jericho knew about the breakup.
“Matagal na niyang alam na break na kami,” Heart said. “Nakipag-break ako sa kanya sa telepono dahil sobrang sakit ng ginawa niya sa akin. Kaya para sa akin, hindi ko na kayang… Ayoko na siyang iharap, ayoko na siyang harapin, ayoko na siyang kausapin, kaya nakipag-break ako sa kanya sa phone.
“Hindi ko lang maintindihan kung bakit nagsinungaling siya, na pinalabas niyang nagsisinungaling ako, parang ganun.”
THIRD PARTY. During the interview, Raymond reminded Heart about his previous interview with her. Raymond said to Heart, “Last week, I asked you kung may third party ba, you said, ‘No comment,’ and smiled. Tanong ko ulit, Heart, mayroon bang third party?”
Heart answered right away, “Yes, there was someone, there were two girls… In fact, I didn’t wanna say it kasi alam mo yun, parang hindi kasi ako ganun, e. But, oo, nagsimula ‘yan noong nagsisimula siya ng movie niya with the girl from Step Up 2 [Briana Evigan].”
Jericho did an international movie with Briana titled I Luv U Virus
The 23-year-old actress said that she noticed some changes about Jericho after this. Heart narrated, “Ang laki ng ipinagbago niya, ibang-iba na siya. Biglang… Basta, kilala ko siya for three years at sobrang laki ng ipinagbago niya. Tapos isang beses kasi, nakita ko silang [Jericho and Briana] nag-hug sila sa isang party. And then, hindi ako nagsalita, nagulat ako kasi parang, alam mo yun, iba.
“Alam mo yun, girlfriend ako, kilala ko siya. Nakita ko na may something doon. Tapos nang tinanong ko sa kanya [Jericho] kung bakit sila nag-hug, dinenay niya, tapos after a day, in-admit niya, tapos biglang idinenay na naman niya. E, nakita din ng driver ko… So, alam mo yun, nung naglabasan yung mga taong nagsasalita sa akin na may nangyayari na nga at first…”
While explaining, Heart recalled how she gave up her career and even her family for Echo. “Alam mo kasi, mahal ko siya. Minahal ko talaga siya. Ginive-up ko lahat para sa kanya, para sa kanya lahat-lahat—pamilya, career…lahat. Lahat, everything, ibinigay ko kanya kaya naging bulag ako sa mga sinasabi ng mga tao sa akin.”
She also dismissed rumors saying that she was influenced by her parents and talent manager Annabelle Rama. “Hindi si Tita Annabelle [Rama], hindi magulang ko, wala silang nagawa. Matigas ang ulo ko, ipinaglaban ko si Echo.”
As she continued, Heart began crying. “Pero ngayon, below the belt na, sobra na talaga. Yung parang pakiramdam ko, ako na nga yung niloko, tapos ako pa yung parang masama. Hindi ko maintindihan kung bakit pinapalabas nila na siya [Jericho] yung miserable. Alam mo yun, hindi ko maintindihan yun.
“Nandito ako sa Dubai, gusto kong magtrabaho. Nagtitiis ako dahil sobrang sakit ng nangyari, ng ginawa niya sa akin. Hindi ko maintindihan kung bakit ganun, parang siya yung kawawa,” Heart said sobbing.
CONFUSED JERICHO. Aside from being clueless about the breakup, Jericho also said that he is confused about what happened. However, Heart doesn’t know any reason for Jericho to feel this way.
She said, “Hindi ko alam kung bakit siya na-confused. Malinaw na malinaw sa kanya, I said, ‘I’d like to move on.’ I said, ‘I deserve something naman.’
“Siguro naman sa ibinigay ko sa kanya, lahat-lahat ng ginawa ko, siguro naman kailangan kong makahanap ng taong talagang mamahalin ako ng… Alam mo yun, hindi yung parang may itinatago, you know, sino ka ba talaga? Yung totoo sa sarili, maginoo, lahat-lahat.”
SO MUCH LOVE FOR ECHO. Despite what happened, Heart couldn’t deny how much she loved Jericho during their three-year relationship.
“Minahal ko talaga siya,” said Heart. “Alam n’yo kung gaano ko kamahal yung career ko, yung magulang ko… Pero tinalikuran ko yun, tatlong taon.
“Hindi ko rin maintindihan kung bakit sinasabi niya na mahirap lang siya. Sabi nga, ‘Wala naman yun sa hirap, e, o mayaman, e. Hindi naman importante ang pera, e.’ Kaya ko nga siya ipinaglaban dahil akala ko worth it, akala ko na okay siya na ipaglaban, kasi ito na yun.”
However, after knowing the alleged reason of their breakup, Heart said that she realized that her family was right about Jericho.
“Kaya ako umiiyak kasi napapahiya ako dahil nahihiya ako sa mga nagawa ko, pati sa family ko. They were right in the beginning. Alam nila na posibleng mangyari ‘to. Sobrang napapahiya ako na umiiyak ako sa TV, na ganyan. Then, sobrang ang hirap ng situwasyon, hindi ko alam kung, alam mo yun… I don’t know what to say.”
NOT YET READY TO FACE ECHO. Again, last week, Heart told Raymond that she’s not yet ready to talk with him. So Raymond asked Heart, “Kailan ka magiging ready?”
“You know, I don’t think I’ll ever want to talk to him at this point, ha? All I know is, gusto ko talaga siyang makausap, kung sino talaga siya, hindi siya nagkukunwaring ibang tao.
“Gusto ko na talagang, alam mo yun, magsabi siya ng totoo, huwag siyang, di ba, parang huwag siyang pinapaikot kaming lahat. Alam mo yun, bakit ganun? Kaya hindi ko alam kung bakit hindi ko siya makausap, kasi parang hindi ko pala siya kilala. Akala ko lang kilala ko siya, pero hindi.”
“TAPOS NA TALAGA.” At the end of the interview, Heart has this message to Jericho:
“I don’t know, siguro alam mo naman talaga kung ano ang nangyari at alam mo ang mga ipinaglaban ko lahat para sa ‘yo. Kaya sana maintindihan mo naman na mali naman din yung ginawa mo.
“Alam mo yun, gawin mo na ang lahat sa akin—kahit sigawan pa niya ako, lahatn—basta huwag lang ibang babae. Pero ngayon, I think it’s time na talagang… Siguro ngayon, malinaw na talagang tapos na, tapos na talaga at ayaw ko nang pag-usapan pa. Gusto ko nang mag-move on, gusto ko na ng new chapter sa buhay ko, alam mo yun.
“Ngayon, okay na kami ng parents ko. So, I hope you don’t do this to anybody else. I hope na, you know, you learned your lesson from this whether he admit it or not.”
Heart Evangelista: ‘Jericho Cheated on Me’
Right after the interview of Jericho Rosales on the Buzz in which the young actor said he was confused because Heart broke up with him, Showbiz Central asked Heart Evangelista’s side regarding the “hiwalayan” issue.
Heart, via a phone patch interview with Raymond Gutierrez, revealed that the reason she broke-up with Jericho is because she caught him having an affair with Hollywood actress Briana Evigan (Step Up 2). Jericho and Briana worked together in the Hollywood film “I Luv U Virus”.
Echo weeps, says ‘lies’ came between him and Heart

Life, and love, can be cruel even to movie stars.
An obviously hurting and devastated Jericho “Echo” Rosales gave an interview over The Buzz on Sunday that was simply painful to watch. He was in such inner turmoil, his answers to Boy Abunda revealed the kind of emotional roller-coaster he is going through.
At one point, Abunda asked Echo if he’s angy. Echo replied that he’s not, then immediately said that yes, he could be. Then said he’s “cool.” He admitted that he’s still in denial over Heart breaking up with him.
Related Video
• Echo breaks down, cries on The Buzz
Abunda asked Echo about his rumored affairs with co-stars in two projects. Talk has it that American actress Brianna Evigan, whom Echo worked with in “I Luv U Virus,” a Holywood flick, and Malaysian actress Carmen Soo, a co-star in a Malaysian soap opera, were the reasons Heart broke up with him.
Echo flatly denied the rumors and said Heart was influenced by false accusations made by some people he did not identify.
” I know where all this is coming from. It’s all because of the things being told to her, the lies,” the actor explained.
Echo told Abunda that for the interview, he wore clothes and accessories that were all gifts to him from Heart. He showed Abunda two necklaces, a ring that “are not expensive but very valuable” because they came from Heart. Even the shirt he was wearing was from Heart.
“I’m full of Heart right now. Heart is written all over my whole personality and character,” Echo said.
Echo also denied that their break-up had something to do with Heart’s decision to move from ABS-CBN to rival network GMA-7. He said that he does not want to discuss rumors that Heart’s parents are involved in the break-up.
Throughout their three-year relationship, it was common knowledge that Heart’s parents, who are restaurant chain magnates, objected to the match.
“I know how parents are, and I’m touched how much Heart’s parents love her. They have wonderful dreams for Heart and I’m sorry that our relationship got in the way of their dreams for her,” Jericho said, already in tears.
Echo also said that he’s fine with some showbiz pundits’ analysis that his relationship with Heart was bad for both their careers, since the public never accepted their tandem, either onscreen or off.
Throughout the interview Echo appeared torn between giving up and letting Heart go completely, and trying to fight for her. In the end, he said that the lesson he learned was about his own capacity to love and how much he could love another person.

Jericho Rosales admitted that he is still in denial after his girlfriend, Heart Evangelista, decided to end their relationship of three years. A couple of days ago, Echo arrived from Malaysia, where he is taping for a teleserye, and appeared confused about the issue. He said that up to now the things she said to him through “the phone, text or e-mail” are still unclear. “Hindi naman siya nagsisinungaling eh. In denial ako. Sinabi niya sa akin sa telepono, kung anuman ang (term) do’n, text or email na nagsasabi na ‘maghiwalay na muna tayo,’” confessed Echo.
The two have not seen each other ever since Echo flew to Malaysia last month to shoot scenes for an upcoming teleserye. Jericho and Heart had no opportunity to talk face to face since the actress is currently in Dubai because of showbiz commitments. Echo, who was set to leave again for Malaysia during the
interview, also disclosed that Heart is not yet ready to talk. “I guess I have to accept the fact that she said good-bye. I told my loved ones ‘I guess it’s over.’ I guess… but when you say over, it doesn’t mean you cannot start over again. It means there is hope for friendship and maybe someday we can be together again,” said the actor who is still willing to fix the relationship. The actor denied allegations of a third party on his part. He is being linked with his leading ladies – Brianna Evigan, the star of Step-Up 2 and his co-star in the film Subject: I Love You Virus and Malaysian actress Carmen Soo, his partner in the ABS-CBN and Double Vision project. 
Echo said that he was not hurt about Heart saying she did not cry for him when she ended their relationship. The actor believes that the statement is not true and is convinced that his former girlfriend is only pretending that she is unaffected. He also broke into tears when asked about allegations that Heart’s parents still does not approve of him for their daughter. In between suppressed sobs, Echo disclosed that they have dreams for Heart and that they love her. He also apologized to them because their parents-daughter relationship got messed up when he came into the picture. “Pero masaya ako para sa kanila dahil sama-sama sila ngayon, dahil natutupad na nila ang pangarap nila kay Heart. Matagal yung panahon na nawala sa kanila,” he said.
When asked for a message to Heart, Echo said: “I love you. Where there’s love, it is worth fighting for. But kung hindi na pwede ang relasyon, friendship is worth fighting for. Peace is worth fighting for. If there is a lesson (that) I’ve learned in this relationship, it is the value of each and everyone in my life and the value of my heart and how much I’m capable of loving.”
May 10th, 2008 at 2:55 am
MARIAN, RHIAN AT IZA, TATAOB KAY HEART!
MABUBUHAY NA NAMAN ang natutulog na career ni Heart Evangelista ngayong kumpirmadong Kapuso na ito at hindi na Kapamilya. Walang pinanghihinayangan si Heart sa paglipat niya sa GMA 7. Masaya daw siya at marami rin siyang puwedeng pataubin sa GMA 7 tulad nina Marian Rivera, Rhian Ramos, Iza Calzado at iba pa lalo na ngayong siya ang piniling makakapareha ni Richard Guttierez sa gagawin nilang teleserye. Marami diumanong naka line-up na mga proyekto para sa dalaga. Kay Heart na nga raw mapupunta ang papel na Darna para sa telefantasya ng GMA 7 na Captain Barbel meets Darna. Titiyakin daw naman ni Heart na paglalaanan niya ng panahon ang magandang oportunidad na ibinigay sa kanya ng Kapuso. Tungkol naman sa isyu sa kanyang dating manager, wala naman daw sama ng loob si Heart sa kanyang dating manager at sana magkaintindihan na raw sila, kung anuman ang gusot na namagitan sa kanila. ‘Yun na!
HEART, HINABOL NG ITAK DAHIL SA TALENT FEE!
NAKAALIS NA ANG grupo ng “Codename: Asero” patungong Dubai para mag-taping doon ng bagong teleserye ni Richard Gutierrez sa bago niyang kaparehang si Heart Evangelista with Janno Gibbs. Sana kasama din ang alaga kong si Paolo Contis, pero kailangan muna niyang tapusin ang “Babangon Ako’t Dudurugin Kita” na malapit na ring magtapos.
Bago umalis si Heart ay inamin na muna niya ang break-up nila ni Jericho Rosales. Pero umaasa pa rin siyang magkausap sila ni Echo pagbalik dito galing Malaysia para maayos ang lahat at magkaroon daw ng closure. Hindi na raw sila nag-uusap, kaya nakabitin pa rin. Pero siyempre, hindi naman daw ganun kadali sa kanya ang paghihiwalay na ‘yun dahil sayang din ang tatlong taong relasyon nila.
NAKAKALOKA pala itong kuwento ni Heart sa Startalk na mapanood n’yo sa Sabado, tungkol sa nangyaring gulo sa shooting ng isang indie movie na ginawa niya. Hawak pa noon ni Angeli Pangilinan si Heart at tinanggap daw nila itong indie movie dahil kaibigan ng young actress ang producer nito. Pero nagkaroon daw ng gulo sa shooting sa Tanay na umabot daw sa habulan ng itak.
Nagkaroon daw ng problema sa bayaran ng talent fee ang mga taong nandun, kaya nagkagulo sa producer na pinakialaman pa ni Jay Manalo. Ang ending, hinabol daw ng itak si Jay. Pati driver at yaya ni Heart ay nadamay sa hinahabol ng mga tao doon. Nanginginig daw sa takot si Heart na nagtago sa kanyang kotse. Naayos naman at ‘di na umabot pa sa madugong tagaan.
Nilinaw naman ni Heart na wala siyang balak magdemanda, pero malabo na raw na tapusin pa niya ang pelikulang ‘yun!
Okey na po ulit ang mga comment box namin… Pede na ulit kayong mag post nang comments nyo…. please post a comment on each article na mababasa nyo… para naman ganahan kami na mag post nang maraming news, para sa inyo… thankz!!!
saka survey lang gusto nyo bha magkaroon tayo nang Showbiz news na foreign??? send nyo lang sa sti_n23@yahoo.com kung gusto nyo… okey???
Tulad ng ginawa kay Kristine Hermosa na ipinagpalit kay Cindy Kurleto…JERICHO ROSALES, MAY NAKITANG MAS SOSYAL KAYA INIWAN SI HEART EVANGELISTA
SO, kahit ayaw aminin ni Heart Evangelista, tila totoo ang bulung-bulungan na may third party na naging dahilan ng breakup nila ni Jericho Rosales.
‘Di ba, nu’ng mag-on pa sina Echo at Kristine Hermosa, pumasok sa eksena ang Austrian-Filipina beauty na si Cindy Kurleto? Saan na nga kaya si Cindy?
Mahilig sa sosyal si Echo. Baka nakatagpo ito ng mas sosyal kay Heart kaya biglang fly away na naman ito sa buhay ng dalaga?
At kaya siguro bumalik si Heart sa poder ng kanyang mga magulang, ‘di bah?
Halaw sa Diyaryong Bulgar sa panulat ni Len Llanes
HEART EVANGELISTA, SINISIRAAN NI ANGELI PANGILINAN
Kalat na kalat ngayon na si Angeli Pangilinan ang naninira kay Heart Evangelista, mula nang kumawala ito sa Genesis at mag-ober da bakod mula sa Dos hanggang Siyete. Kinuhang manager ni Heart ang sariling tatay pero under GMA Talent Center din siya. (Kung totoo ito, how unchristian naman ng namamaraling Born Again Christian na si Angeli. Ed.)
Inaasahan ni Heart na muli siyang tatanyag dahil makakapareha niya si Richard Gutierrez kahit hindi sila bagay. Ngayon pa lang, marami na ang nagsasabing flop ang kanilang tambalan at walang tatangkilik sa kanilang bagong soap opera. Hihilahin lang daw ni Heart si Richard pababa sa kanilang pagpapareha. Huwag naman sana.
Halaw sa Diyaryong Bomba mula sa panulat ni Arthur Quinto,
| ho on alleged breakup: ‘There has been a big mistake.’ |
Actor Jericho Rosales was surprised when he learned about the news that Heart Evangelista, his girlfriend of three years, had broken up with him on television. “Sad news and there has been a big mistake. I myself am confused,” said the actor when he arrived in the country yesterday (May He dispelled rumors about a third party that led Heart to call it quits. “Definitely not. I don’t know about any third party and whoever is creating these things.I love Heart,” he stressed. “I mean, I’m a guy. I could have done anything, di ba? I was so far away (from her). I had so many chances to (do bad things) but I saved my heart for Heart.” Echo suspects that people around Heart could have influenced her decision. He challenged them to prove such allegations against him. “People can be victims of lies, of deceits,” he said. The actor said that it is too early talk about moving on. When their schedules permit it, Echo intends to first talk to Heart to get things straight and try to fix things between them. “I can’t say I’ve moved on. I love Heart eh. I’m gonna make this work first. I’m gonna try to clear things up. I wanna know the truth (and) whatever happened. You cannot say its over if there is no peace in your heart,” he said. |
Heart: ‘No comment’ on third party causing breakup with Jericho

Actress Heart Evangelista confirmed that she broke up with longtime boyfriend actor Jericho Rosales. Heart revealed the break-up on GMA-7’s Showbiz Central on Sunday, citing “irreconcilable differences” as the reason for the split.She told interviewer Raymond Gutierrez that the split happened only last week and that she “hasn’t been able to cry” since the break-up.
Raymond asked Heart if there was a major, heavy reason for the break-up and she answered “No comment.” When asked if a third party was involved in the break up, she also said, “No comment.”
The romance between Heart and Jericho, which reports say started on the set of their 2005 action-fantasy teleserye “Ang Panday” which aired over ABS-CBN, became controversial because Jericho is six years older than Heart.Adding fuel to the controversy was the fact that Heart’s parents were very open about their objections to the relationship.
23-year-old Heart (Love Marie Payawal Ongpauco in real life) is the daughter of restaurant magnates Reynaldo and Cecilia Ongpauco.“I just want him (Jericho) to be happy,” she told Raymond, adding that it would be hard for them to be friends again anytime soon.
Heart Confirms Break-up with Jericho; Teams Up with Richard Gutierrez
On the story conference of the upcoming GMA teleserye “Asero”, Heart Evangelista confirmed that she broke up with Jericho Rosales and she is now excited with her new loveteam Richard Gutierrez.
“It’s finished. I decided… you know there’s a lot of things that we did not get along with… a lot of things so that’s it,” Heart confessed on Chika Minute segment of 24 Oras last night.
Aside from Asero, the loveteam of Heart and Richard will also grace the silverscreen which led people to speculate that their on screen team-up could lead to real life.
“I just want to have fun. I just want to have good time you know,” Heart said regarding the possible romance with the GMA heartthrob.
“Akong bahala sa’yo…you’re in good hands. I’ll make sure sa set masaya siya…makalilimutan nya lahat ng problema nya. Pagdating sa trabaho mag-eenjoy kami…we’ll be working hard together,” according to Richard Gutierrez.
Heart and Richard will fly to Dubai next week for the taping of the first episodes of Asero.
KC CONCEPCION, oh! Kaya bagay daw kay Richard Gutierrez SEY NI ANNABELLE RAMA: HEART EVANGELISTA MAGANDA, MARUNONG UMARTE, MAY BREEDING AT HINDI BADUY
Ayaw mang aminin ni Richard Gutierrez at ng kanyang mommy-manager na si Annabelle Rama kung magkano ang talent fee ng aktor sa bagong kontrata niya sa Kapuso Network, marami ang nagsasabing si Richard G. ang highest paid na male contract star ng Siyete. At ang two-year exclusive contract na ito ng aktor ay may guaranteed projects na until 2010.
Pangako ng GMA Network na aalagaan at ibi-build up nang husto si Richard upang tuluyan nitong maabot ang full stardom. Bukod sa mataas na TF at magagandang projects na gagawin, binigyan din ng choice si Richard kung sino ang gusto nitong maging leading lady at makasama sa kanyang mga projects. At magiging bahagi rin si Richard ng creative team ng kanyang mga magiging shows.
Say nga ni Annabelle Rama sa mga dumalong entertainment press sa ginanap na contract signing ni Richard sa GMA-7, “Totoo na kami ni Richard ang nag-request ngayon kung sino ang kukuning leading lady niya sa kanyang mga gagawing project. Siyempre, kailangan naman ‘yung bagay sa kanya at makakatulong sa show.
“Wala kaming pakialam kung sino pa ang kunin nilang direktor: Happy na kami na si Heart Evangelista ang makakapareha niya sa Asero. Maganda si Heart, marunong umarte, maganda ang pamilya, may breeding, star na star ang dating at hindi baduy. Bagay sila ni Chard, sa totoo lang!”
Halaw sa panulat ni Erlinda Rapadas T. sa kanyang column sa Diyaryong Bulgar
Heart suspek sa pagkakalat ng text messages ng asawa ni Gary V.
SEEN: Hindi isyu ang ginawang pagtanggap ni Billy Crawford upang maging host ng Pinoy Dream Academy ng ABS-CBN. Noong bumalik si Billy mula sa Europe regular guest siya sa mga show ng ABS-CBN. Nahinto lamang ang paglabas niya sa mga show ng Channel 2 nang magkaroon siya ng regular afternoon show sa GMA 7.
Hindi totoo na may naganap na sulutan.
SCENE: Pera o talent fee ang dahilan ng paglipat ni Eugene Domingo sa GMA 7. Hindi nagustuhan ni Eugene ang mababang TF na inialok sa kanya ng ABS-CBN.
Konting-konti lamang daw ang increase na hinihingi ng kampo ni Eugene ngunit hindi ito ipinagkaloob sa kanya. Nagtampo ang management ng ABS-CBN sa pasya ni Eugene na lumipat sa GMA 7.
SEEN: Si Heart Evangelista ang suspect sa pagkalat ng text message na natanggap niya mula sa kanyang dating manager na si Angeli Pangilinan. Para sa kanya ang text message na pinag-ugatan ng hidwaan ni Angeli at ng talent manager na si Shirley Kuan.
Si Shirley ang co-manager ni Sandra Chavez kay KC Concepcion na step-daughter ni Senator Kiko Pangilinan na kapatid ni Angeli. Maaaring mamagitan si Senator Kiko upang magkasundo sina Angeli at Shirley at para hindi na lumaki ang kanilang away.
SCENE: Kulang sa excitement ang mga eksena sa audition na ipinakikita sa Pinoy Idol. Higit na nakakatawa ang mga eksena na ipinalabas noon sa Philippine Idol ng ABC 5.
Mangyari po lamang na magiwan po kayo nang inyong kumento, tungkol sa usaping ito. Dahil dito po sa SHOWBIZZ TOP i-NEWS, laging pananaw nyo lang po ang siyang laging mahalaga at importante para sa amin. for your comments, suggestion or complains (regarding the site) you can e-mail us at STi_N23@yahoo.com Maraming Maraming Salamat Po Sa Walang Sawa Nyong Pag Supporta Sa Amin!!!
Heart Evangelista explains relationship with Manila Genesis Entertainment

After signing a two-year exclusive contract with GMA Network last April 23, people were surprised that Heart Evangelista was represented by her father Mr. Reynaldo Ongpauco and Annabelle Rama.
What happened with Manila Genesis Manila Entertainment, which was known to have been managing her career during the last part of her stay in ABS-CBN?
In a previous article published in PEP (Philippine Entertainment Portal), Heart said that she is now co-managed by her parents and Annabelle Rama. She also clarified that after her parents decided to sign a contract with GMA-7, she informed Mr. Johnny Manahan of Star Magic and Angeli Pangilinan of Genesis about it.
To further explain about her relationship with Genesis, Heart was interviewed by StarTalk during the Nestea Beach Volleyball event in Boracay.
Heart said, “Wala naman akong contract [with Genesis]. They were just so nice to help me at the time that I needed people by my side. And that’s why now, kaya hindi nila ako pinapirma ng kontrata dahil alam nila na dadating yung time na magbabati kami ng parents ko, and yung parents ko naman yung nagha-handle ng career ko ever since din.”
StarTalk then asked, “Bakit hindi Genesis ang nag-represent sa ‘yo?”
Heart answered, “You know, I haven’t really thought of that but it’s because with my dad, parang close siya kay Tita Annabelle, siguro because magbarkada sila ever since dati, noong dalaga pa si Tita Annabelle. So parang mas makakaano siguro, ewan ko, siguro yung rapport nila siguro iba kaya ganun.”
In connection to her relationship with Genesis, rumors also came out saying that Angeli handled Heart’s bank account while she was still under her managerial team.
“You know, with Genesis, we work as a team,” the young actress defended. “I don’t want anybody to think really bad about Genesis. They’ve handled my career the best that they could. They did everything for me.
“For me, people will say whatever they wanna say, ang importante kasi kami ni Tita Angeli, okay kami. Yun lang ang importante doon, so I don’t want to put malice to Tita Angeli because she did a good job, she took care of me very well. And I’m very grateful for that.”
Again, Heart was asked if Angeli was holding her bank account before. Heart indirectly answered, “She helped me manage my [finances] kasi bata ako, e, baka saan ko lang magastos. Hindi sa hawak niya at wala akong say. No. She help me decide with, you know, big things, like kung saan ko i-invest.”
TRANSFER CAUSED A RIFT. In an interview with PEP, Heart related that when she told Angeli about her transfer, “Tita Angeli is happy sa decision ng parents ko, but she will be still there to guide me spiritually.”
However, in yesterday’s (April 26) column of Jun Nardo in Abante with the headline “Angeli Pangilinan, galit na galit kay Heart Evangelista,” this contradicted Heart’s statement.
According to the said article, there is a crrent friction between Angeli and ex-members of Professional Artists Managers, Inc. (PAMI)—particularly with Shirley Kuan, an ex-member of PAMI and former manager of Heart— due to a heated exchange of text messages.
The article read: “We need not publish yung text ni Angeli kay Heart na ipinadala kay Shirley dahil matalim ang laman. Nabanggit kasi niya sa text si Shirley na nagulat sa akusayon sa kanya. Sumagot sa text si Shirley pero through PAMI president June Rufino. Matalim din ang tugon niya pero ewan kung ipo-forward ito ni June kay Angeli, huh!
“Reading between the lines, nagalit si Angeli sa paglipat ni Heart, pati na sa mga tao sa likod ng paglipat nito. Feeling ni Angeli, nabastos siya sa nangyari lalo na nga’t may blind item pa siyang nabasa na lubhang ikinasama niya ng loob.
“Ethics ang ipinaglalaban ni Angeli sa ginawa ni Heart, her parents at iba pang involved sa paglipat niya. Heto ang part ng text niyang [Angeli] apparently ay ikinasama niya [Shirley] ng loob. ‘What your (Heart) parents did to Genesis and ABS-CBN will go down as the lowest of ethics in order to strike a good deal.’”
The article said that Shirley felt that she was defamed so she will take action with regards to Angeli’s accusations about her.
BREAK UP WITH JERICHO. Upon signing a contract with GMA Network, Heart was asked about her relationship with boyfriend Jericho Rosales, who is very identified with her former mother network, ABS-CBN.
An article allegedly said that Heart admitted that she and Jericho have broken up already while she was in a bar.
“Well, you know, I do go out and I hang out with my friends pero hindi ako nagkakalat in public. And something so private like that, I think I’d keep to myself if it were true. But it’s not true,” Heart said.
The said article also reported that the two decided to cool off. But Heart denied this. She said that write-ups like this came out because she and Jericho were not often seen together.
She explained, “Well, it’s not cool off but at this moment in our lives na everything is starting to happen again—with his career, he still has a Hollywood movie, now he’s doing an international soap opera—parang this is the time that we need to give time for ourselves.
“Kumbaga, we need to do, what we need to do first now, yung priorities namin. Nandoon din siya, kasama din sa priority ko. Pero kumbaga magpo-focus din kami sa career namin. Basta, at the end of the day, kaming dalawa, okay kami”
Mangyari po lamang na magiwan po kayo nang inyong kumento, tungkol sa usaping ito. Dahil dito po sa SHOWBIZZ TOP i-NEWS, laging pananaw nyo lang po ang siyang laging mahalaga at importante para sa amin. for your comments, suggestion or complains (regarding the site) you can e-mail us at STi_N23@yahoo.com Maraming Maraming Salamat Po Sa Walang Sawa Nyong Pag Supporta Sa Amin!!!
HEART EVANGELISTA — BABOO!
There are a lot of official things with Heart Evangelista…
First is she is no longer a Kapamilya. She signed a contract with the other network that’s why what I can only say with her is…. BABOO!!!!! (Good riddance for some! Hahaha!)
Second, she is officially no longer with Genesis’ Angeli Pangilinan. To this, Heart says that while she is no longer managed by them, Angeli will still act as her spiritual adviser…. O diba?!?!?
Now I don’t know if Angeli spiritually advised Heart to sever her ties with her parents in the past but now, Heart is officially co-managed by her parents. Annabelle Rama is now her other manager.
Well I said it once and I’ll say it again…. Heart, Baboo!!!!!
But what’s this I hear that she was officially taken out of this endorsement and replaced by someone because she wasn’t officially working for the campaign?!??! And was replaced by a host-actress???!!
Hmmm…. Officially give me your comments guys!
Angeli Pangilinan, galit na galit kay Heart Evangelista!

NAGKAKAGULO nga-yon ang present at ex-members ng Professional Artists Managers, Inc. (PAMI) dahil sa biglaang paglipat ni Heart Evangelista sa GMA 7.
Involved sa palitan ng maaanghang na text si Angeli Pangilinan Valenciano, ex-member ng PAMI at ex-manager ni Heart, at si Shirley Kuan, balitang manager ngayon ni KC Concepcion na tumutulong kay Heart pagdating sa commercials bukod kay Annabelle Rama. Siya rin ang manager nina Albert Martinez at Joyce Jimenez.
We need not publish ‘yung text ni Angeli kay Heart na ipinadala kay Shirley dahil matalim ang laman. Nabanggit kasi niya sa text si Shirley na nagulat sa akusayon sa kanya. Sumagot sa text si Shirley pero through PAMI president June Rufino. Matalim din ang tugon niya pero ewan kung ipo-forward ito ni June kay Angeli, huh!
Ay, ano ba ‘yan? Did Heart stir the hornet’s nest? Reading between the lines, nagalit si Angeli sa paglipat ni Heart pati na sa mga tao sa likod ng paglipat nito.
Feeling ni Angeli, nabastos siya sa nangyari lalo na nga’t may blind item pa siyang nabasa na lubhang ikinasama niya ng loob.
Ethics ang ipinaglalaban ni Angeli sa ginawa ni Heart, her parents at iba pang involved sa paglipat niya. Heto ang part ng text niyang apparently ay ikinasama niya ng loob.
“What your (Heart) parents did to Genesis and ABS-CBN will go down as the lowest of ethics in order to strike a good deal.”
Feeling naman ni Shirley sa text ni Angeli, she was defamed kaya meron siyang aksyon na gagawin tungkol sa paratang sa kanya.
Naku, wala pa ngang nasisimulan si Heart sa GMA, gulo’t kontrobersya na ang naging resulta ng paglipat niya, huh!
Mangyari po lamang na magiwan po kayo nang inyong kumento, tungkol sa
usaping ito. Dahil dito po sa SHOWBIZZ TOP i-NEWS, laging pananaw nyo
lang po ang siyang laging mahalaga at importante para sa amin.
for your comments, suggestion or complains (regarding the site) you can
e-mail us at STi_N23@yahoo.com
Maraming Maraming Salamat Po Sa Walang Sawa Nyong Pag Supporta Sa
Amin!!!


“Why not?” ang sagot ni Heart Evangelista nang tanungin siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kung posibleng siya na ang bagong Darna sa pagbabalik ng Filipino superheroine sa telebisyon via Captain Barbell Meets Darna.
Ganito rin ang sagot ng isang TV executive ng GMA Network nang usisain namin sa posibilidad na sa bagong contract artist ng Kapuso network nila ibigay ang role na Darna, na ginampanan ni Angel Locsin noong nasa GMA-7 pa ito.
Unang nabalitang si Marian Rivera ang susunod kay Angel na lululon ng bato at lilipad para sa Captain Barbell Meets Darna. Pero malabo na itong mangyari dahil sa kanya na napunta ang isang pang well-loved comics character, si Dyesebel.
Nasulat din noon na tinanggihan ni Marian ang Darna dahil ayaw niyang makumpara kay Angel at mas gusto niya ang Dyesebel. Sa isang interview ng PEP kay Marian, nag-deny itong ni-reject niya ang Darna dahil wala raw siyang tinatanggihang trabaho.
May mga nagsasabi ring bagay kay Kylie Padilla ang maging Darna, dahil mahusay siya sa fight scenes at stunts. Kaya lang, bata pa ito at mukhang hindi papayag ang mga magulang niyang sina Robin Padilla at Liezel Sicango-Padilla na magsuot ang kanilang anak ng sexy costume.
Isa pa, kung si Richard Gutierrez si Captain Barbell, ang layo ng agwat ng edad niya kay Kylie para gawin silang love team. Mas bagay silang magkapatid sa Asero, kung tatanggapin ni Robin ang offer ng GMA-7 para sa anak.
Balik kay Heart at sa kanyang “Why not?” na sagot, may matutuwa at may magre-react sakaling sa young actress nga ibigay ang Darna sa Captain Barbell Meets Darna. Gusto ng loyal Kapuso viewers na sa homegrown talents ng GMA-7 sana ibigay ang project. Pero kung walang babagayan at magdesisyon ang management na kay Heart ibigay ang role, wala nang magagawa ang viewers.
Samantala, sa GMA Network lang muling pumirma ng long-term contract si Heart. Mula kasi nang mag-expire ang kontrata niya sa ABS-CBN three years ago, per project na lang ang pinipirmahan niyang kontrata sa Kapamilya Network.
Sa ina ni Heart na si Mrs. Cecilia “Baby” Ongapuco at sa kapatid nito namin nalaman ang real story sa pagiging MIA (Missing In Action) ng young actress sa Sunsilk commercial. Marami kasi ang nagulat sa pagsulpot ni Nikki Gil na siyang nakasama nina Marian Rivera at Maja Salvador, gayong sa billboards ay wala si Nikki.
Paliwanag ni Mrs. Ongpauco, hindi nakasama sa TV commerical shoot ang anak dahil kinailangan nitong umalis agad for the U.S. para dalawin ang kapatid na buntis. Last minute na raw sinabing may TVC shoot samantalang naka-schedule nang lumipad ang anak.
Pero hindi nilinaw ng ina ni Heart na hindi pa out bilang isa sa mga endorser ng naturang brand ng shampoo ang young actress. In fact, naka-schedule daw mag-shoot ng solo TV commercial si Heart.
Heart Evangelista now a Kapuso; signs 2-year exclusive contract

Eksaktong alas-kuwatro kaninang hapon, April 23, pumirma ng two-year exclusive contract si Heart Evangelista sa GMA-7. Ang contract signing ay naganap sa board room sa 16th floor ng GMA Network Center.
In full force upang batiin siya at maging saksi sa pagpirma ni Heart bilang isang Kapuso ang mga big boss ng Network—Atty. Felipe L. Gozon, Chairman, President & CEO; Mr. Gilberto Duavit R. Duavit, Jr., Executive Vice President & COO; Ms. Wilma V. Galvante, Senior Vice President for Entertainment; Atty. Annette Gozon-Abrogar, President of GMA Films; and lady executives Ms. Marivin Arayata, Ms. Redgie Acuña-Magno, and Ms. Lilibeth G. Rasonable.
Kasama naman ni Heart ang kanyang mga magulang, sina Rey Ongpauco at Cecilia Ongpauco, at si Annabelle Rama. Si Annabelle at ang ama ni Heart ang tumatayong co-managers sa pagpapalakad ng career ng young actress.
“Tunay nang Kapuso si Heart,” sabi ni Atty. Gozon pagkatapos ng contract signing. “Ngayon ko lamang nalaman na ganito pala kaganda si Heart. Kung alam ko lang, noon ko pa siya kinumbinsi na lumipat dito. Yes, she’s a prized possession ng ABS-CBN at natutuwa ako na pumayag na siyang lumipat dito sa GMA.”
Sabi naman ni Mr. Duavit, “May positive effect sa GMA Network ang paglipat dito ni Heart. Naroon ang excitement na makakatulong kami sa lalong pag-unlad ng career ng isang mahusay na aktres na tulad ni Heart.”
Ayon naman kay Ma’am Wilma, may two years nang sure projects si Heart sa GMA-7. Ang una niyang proyekto ay ang Asero na pagtatambalan nila ni Richard Gutierrez. May nakalaan na ring Sine Novela para sa kanya at isang adaptation ng isang Koreanovela.
Sa SOP, Sunday, April 27, magaganap ang formal welcome kay Heart bilang isang Kapuso.
STORY BEHIND THE TRANSFER. Si Annabelle ang nag-convince sa parents ni Heart na ilipat na nila sa GMA Network si Heart.
“Nang malaman kong wala na palang kontrata si Heart kay Angeli Pangilinan-Valenciano at sa Genesis Entertainment, kinausap ko na si Heart,” kuwento ni Annabelle.
“Dalawang beses na akong nabigo na kunin si Heart, una sa Captain Barbell ‘tapos sa Lupin. Pero nasa ABS-CBN pa siya kaya hindi puwede talaga. Kay Raymond [Gutierrez, Annabelle's son] ko nakuha ang number ni Heart kaya tinawagan ko siya na mag-lunch kami sa Serendra.
“Hindi talaga kami naghiwalay hanggang hindi siya pumayag sa offer ko. Sinabi ko sa kanya na ito na ang chance na magkatrabaho sila ni Richard at makasama ang iba pang artista sa GMA Network. Isang magandang career move ‘yon dahil wala na siyang contract sa ABS-CBN kaya wala na rin siyang ginagawa.
“Family friend naman namin ang family ni Heart, kaibigan ko ang daddy niyang si Rey at Mommy Cecilia niya. Kaya kinumbinsi ko na silang ilipat na sa GMA si Heart. Pumayag na sila, pero kinabukasan, nagbago ang isip nila. Pero pagkatapos, nag-usap-usap na naman sila at ipinadala na rin sa kanila ang draft ng contract para kung may gusto silang baguhin sa contract, mabago before the contract signing nga this afternoon.
“Pero nagsiguro pa rin ako,” patuloy ni Annabelle. “Natakot akong baka hindi sila sa GMA pumunta. Naalala ko ang sabi ni Wilma na sigurado na raw ba, baka kami mapahiya, ang daming press na maghihintay sa contract signing. Kaya ang ginawa ko, sinamahan ko sila. Sa kotse nila ako sumakay papunta rito.”
Hindi ba nahirapang mag-decide si Mr. Ongpauco na ilipat sa GMA Network si Heart?
“Nahirapan din,” pag-amin ng ama ni Heart. “Dahil 13 years, doon na lumaki si Heart sa ABS-CBN. Pero career move din ito for Heart. Ang contract ng GMA is very tempting. Saka sino ba namang magulang ang hindi mag-iisip kung saan mapapabuti ang kanyang anak? Kaya naisip ko na kung mas mapapabuti si Heart sa kanila, bakit naman hindi?”
May nagtanong sa executives ng GMA-7 kung hindi raw ba magtatampo ang iba pa nilang talents sa pagpasok ni Heart sa Kapuso network.
Si Ma’am Wilma ang sumagot. Aniya, “Hindi naman. Lahat ng talents namin dito, nakakontrata kaya lahat sila binibigyan namin ng trabaho. Hindi namin sila puwedeng pabayaan.”
Dahil sa paglipat ni Heart sa GMA-7, hindi kaya masabihan din siyang “ingrata” gaya ng mga naunang lumipat ng network?
Sagot ni Annabelle, “Hindi puwedeng sabihan na ingrata si Heart dahil matagal na siyang walang contract sa Star Magic at wala naman siyang project na ginagawa nang umalis siya. Maayos siyang nagpaalam kay Mr. Johnny Manahan.
“Ang masasabi ko lang kay Heart, tumamlay ang kanyang career dahil gumawa siya ng kasalanan sa kanyang magulang. Ganoon talaga ang nangyayari sa mga anak na naging suwail sa kanilang mga magulang. Kaya ngayon na bumalik na siya sa parents niya, gaganda na muli ang kanyang career lalo pa at narito na siya sa GMA Network,” dire-diretsong pahayag ni Annabelle.
RICHARD’S RUMORED TRANSFER. Kinuha na rin ng entertainment press ang pagkakataon upang tanungin si Annabelle tungkol sa napabalitang ililipat na niya si Richard sa ABS-CBN.
“Totoong binalak ko ‘yon dahil ako, gustung-gusto ko talagang magkatambal sina Richard at KC Concepcion,” pag-amin ni Annabelle. “Since hindi naman sila puwedeng magkasama dahil nasa ABS-CBN si KC, si Richard naman ay magtatapos na ang contract sa GMA-7, kaya puwede ko na siyang ilipat doon.
“Nag-usap-usap kaming buong pamilya, nagbotohan. Pero lahat sila ayaw palipatin si Richard. Loyalty ang pinagbasehan nila. Kahit si Ruffa, ayaw. Isipin ko raw ay ang career ni Richard na ang ganda-ganda sa GMA-7, ‘tapos kung ililipat ko sa kabila, baka after one project, buburuhin na siya doon.
“Pinag-usapan na rin ang possibility na pagtatambal sa movie nina Richard at KC. Kinausap ko si Annette kung pwedeng ipahiram ng GMA Films si Richard sa Star Cinema, pero hindi siya pumayag dahil exclusive ang contract ni Richard sa kanila. Kaya hihintayin ko na lang kung magiging maayos ang pag-uusap nina Annette at Malou Santos ng Star Cinema.
“Kung pumayag ang GMA-7, noon pang 2004 kinukuha ng ABS-CBN si Richard para makasama sa Hiram nina Kris Aquino, Anne Curtis, at Heart. Pero hindi pumayag sina Atty. Gozon at Mr. Duavit,” lahad ng ina ni Richard.
Dagdag ni Ma’am Wilma, “At ibinigay namin kay Richard ang Mulawin. At doon na nagsimula ang paglipad ng career ni Richard. Ngayon, matutupad na ang pagtatambal nina Richard at Heart sa Asero.”
Sa May 5 ang simula ng taping ng Asero.
Actor Jericho Rosales was surprised when he learned about the news that Heart Evangelista, his girlfriend of three years, had broken up with him on television. “Sad news and there has been a big mistake. I myself am confused,” said the actor when he arrived in the country yesterday (May 