JUDY ANN, TAKOT MAWALAN NG PERA!
Written by Melchor Bautista
HINDI na nga bata si Judy Ann Santos, kaya marunong na siya ngayong manindigan para sa kanyang sarili, lalo na sa paggawa ng kanyang mga desisyon sa buhay. Lalo rin namang lumabas ang magandang pagbibigay-direksiyon ng aktres sa kanyang buhay nang dumating sa lovelife niya si Ryan Agoncillo na napakaganda ng impluwensiyang ibinibigay sa bunso ni Mommy Carol Santos.
May good karma sa buhay si Judy Ann, dahil hindi siya ang tipo ng tao na nananapak ng karapatan ng kapwa niya tao. Mas lamang pa nga dati na kapag inapi mo siya ay mananahimik na lang siya at iiyak sa isang tabi kung nasaktan siya. Pero ngayon, marunong na talaga siyang ipaglaban ang kanyang sarili.
Matiisin si Juday. Nalaman naming mayroong mga panahon na ang daming planong pelikula sa movie career niya at inasahan niya iyon. Ang malungkot, hindi natuloy ang nasabing maraming plano. Judy Ann Santos siyang sikat na sikat, pero ang totoo ay dinanas niyang matakot dahil wala na siyang pera. Pero siya ang artista na kahit wala nang pera ay hindi nagrereklamo, hindi nagsasalita, hindi ipinangangalandakan ang hirap na dinaraanan. Papaano mo nga naman kasing irerespeto sa showbiz ang isang sikat na artista, pero dumadaing na wala siyang pera?
Buhos ngayon ang suwerte kay Judy Ann. Napakarami niyang product endorsements, bukod pa riyan kung matutuloy ang marami niyang pelikula sa taong ito. Hindi rin mukhang pera Juday. Noong Eleksiyon 2007 ay inoperan siya ng milyones ng mayamang pulitiko na mahigpit na kalaban dati ni Governor Vilma Santos-Recto sa Lalawigan ng Batangas. Itataas lang ni Santos ang kamay ng nasabing pulitiko sa kampanya. Isa sa mga dahilan para hindi niya tanggapin ang nasabing alok, ay kung ano ang mararamdaman ni Ate Vi na kapwa niya taga-showbiz. Sa ganito niyang ugali, irerespeto mo ang isang Judy Ann Santos.
HINTO NA LAHAT NG PROYEKTO NI JUDAI SA DOS???
WALA NG BALITA sa sitcom na gagawin nina Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo sa ABS-CBN. Laging “next question please” ang sagot sa amin ng isang malapit sa dalawa, tuwing inuusisa namin kung magpu-push through pa ang nasabing project.
Nakipag-meeting na sina Judy Ann at Ryan sa management ng network tungkol dito, pero hindi na yata nasundan uli ang pag-uusap. Wala rin kinalaman ang pagkaantala ng project sa conflict ni Alfie Lorenzo kay Mr. Johnny Manahan, dahil hindi naman Star Magic talent ang actress.
Sana nga, inaayos lang mabuti ang sitcom na pagbibidahan ng dalawa at hindi kanselado, gaya ng aming naririnig, dahil siguradong dadagdag ito sa mainit na sitwasyon ngayon sa pagitan ng kampo ng actress at ng Ch. 2.
Wala na ring kaming naririnig sa Nurserye ni Judy Ann, pero sabagay, sa last quarter pa ng taon naka-schedule ang airing nito. Kaya nga may time magbakasyon sa Europe ang actress, dahil walang inaalalang taping.
MAUGONG na maugong na sa showbiz circle ang binabalak na pagpapakasal nina Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo although tikom ang bibig ng mga close friends ng mag-sweetheart.
May ilang malalapit kina Juday at Ryan na medyo nadudulas at nagpapahaging, and yet, walang tiyak na kumpirmasyon sa sinasabing big event sa buhay ng Drama Princess.
Maging si Ryan Agoncillo na kinulit ng crew ng ilang talk shows bago sila umalis ni Juday patungong Europe ay isang nakakaintrigang “no comment” lang ang iniwang pahayag sa media.
Isang buwan na mawawala sa ‘Pinas sina Juday at Ryan para sa kanilang European trip kasama ang kanilang ilang non-showbiz friends. Matagal nang pinlano ng mag-sweetheart ang bakasyong ito bilang reward sa kani-kanilang sarili.
After Ploning, talagang pinaglaanan ng panahon ni Juday ang matagal na niyang pangarap at inaasam-asam na European trip. And for sure, mas mai-enjoy niya at mas magiging memorable ang bakasyong ito kasama ang kanyang labs na si Ryan.
Sasamantalahin na nila ang pagkakataon na hindi sila parehong busy. May mga tsika naman na baka sa European trip na ito nina Juday at Ryan ay i-finalize na nila ang ilang detalye sa nalalapit nilang pagpapakasal this year.
Excited at natutuwa ang mga tagahanga ni Juday sa balitang pagpapakasal na ng kanilang idolo. It’s high time na raw para naman harapin ni Juday ang kanyang pansariling kaligayahan.
At mauunawaan nila kung magdesisyon na nga ang Drama Princess na lumagay sa tahimik ngayong natagpuan na niya si Mr. Right sa katauhan ni Ryan.
Well, kami man ay medyo nahiwagaan sa pahayag ni Juday nang minsang mag-guest sa programang Rated K ni Korina Sanchez. Sinabi nitong, “Sana’y tanggapin akong muli ng aking mga tagahanga sa aking pagbabalik.”
Agad itong sinundot at sinegundahan ni Korina na “Bakit talaga bang magpapakasal na kayo ni Ryan?”
Idinaan na lang sa tawa at biro ni Juday ang kanyang sagot at umiwas nang kumpirmahin ang balitang Nov. 5 na ang exact date ng plano nilang wedding.
Nang tanungin naman ang manager ni Juday na si Alfie Lorenzo tungkol sa bali-balitang wedding plans nina Juday at Ryan, sinabi nitong wala siyang alam tungkol dito. Wala pa raw binabanggit sa kanya si Juday at siguro raw, may bagay pang inaayos at kinokonsidera ang alaga niyang aktres bago magbigay ng final statement about the wedding.
May mga product endorsements kasi si Juday at maaaring maapektuhan ito kung magpapakasal siya na hindi pa tapos ang kontratang pinirmahan.
Halaw sa panulat ni Erlinda Rapadas T. sa Diyaryong Bulgar
Juday May Kinalaman Nga Kaya Sa Mga Sinulat Ni Alfie kay Claudine??!

Marami ang nagbibigay nang kani kanilang kumento patungkol sa pagsasabi
ni Alfie na ginagamit lang ni Claudine ang kanyang alaga na si Juday.
May ilang sumang ayon, ngunit mas marami naman ang nag taasan nang
kilay. May nag sasabi na meron daw di-umanong kinalaman itong si Juday,
kaya ito sinulat nang kanya manager. Kung totoo itong balitang ito, ay
maaring totoo na nagplaplastikan lang sila sa pinagsamahan nilang
endorsement.Ang Sa Amin Lang.. Bakit magsusulat si Alfie against kay Claudine, kung
gayong alam naman nito na sinabi ni Juday na kaibigan niya si
Claudine, at umaasa siya na sana ay lumalim ang pagkakaibiganan nila. Ang sa
amin lang paano ito mangyayari at magkakatotoo, kung yung mismong malapit
na tao sakanya ang sumisira nito. Ang sa amin lang, inalok kay
Claudine na makasama sa PANTENE commercial, dahil tinanghal din siya bilang
most beutiful nang preview magazine. Ang sa amin lang, ay hind kasalanan
ni Claudine kung kunin din siya nang naturang produkto bilang endorser.
Saka atleast si Claudine ay solid at loyal sa kanyang home network.
Hindi gaya nang iba na matapos pasikatin at alagaan nang halos dalawang
dekada ay maraming sinasabi ang malalapit na tao sa kanya na against sa
kanyang home network. Pero bakit ang mga talagang big stars na sina
Dolphy, Sharon Cuneta, Vilma Santos, Aga Mulach, Martin Nievera, Gary V.,
Kris Aquino, Maricel Soriano, at Boy Abunda ay wala sinasabing masama
sa home network nila at co-network artist nila??
Gabby’s Four Girls On His Four Films On Star Cinema!!!

Nakatakdang gumawa nang apat na pelikula si Gabby sa Star Cinema.Napag
alaman namin na sa unang pelikula pala na gagawin nang 1980’s Hearthrob
na si Gabby Concepcion, ay love story ang concepto. Makakasama niya
dito ang isa sa mga reyna nang ABS-CBN na si Claudine Baretto. Ang
susunod naman ay family oriented story, na pagbibidahan niya at nang kanyang
anak na si KC Concepcion. Ang ikatlo naman niyang proyekto ay ang muli
nilang pagtatambal nang kanyang dating asawa na si megastar Sharon
Cuneta (tentative lang kung papayag si Sharon. Kung hindi pumayag ay baka
kay Juday i-alok, ang naturang proyekto ). Ang ikaapat naman ay
pagbibidahan niya at ni Angel Locsin. Balitang love story din ito na may halong
comedy, parang May-December affair ang tema.
Mula po sa amin dito sa SHOWBIZZ TOP i-NEWS, ay walang takot po namin
sasabihin, pagkat ang sa amin lang ay exciting ang mga proyektong
gagawin ni mr. Gabby Concepcion. Mukhang real comeback, talaga ang
mangyayari. Wish lang namin, na sana bumalik ang ningning niya gaya noong binata
pa siya. We heard na may teleserye pa siyang ginagawa. July ang start
nang airing nito sa PRIMETIME BIDA ng ABS-CBN.
Giselle Sanchez Divulges Judy Ann Santos-Ryan Agoncillo’s Wedding Plans
After Judy Ann Santos dismissed the reports yesterday that she and her fiance Ryan Agoncillo will get married this year, comedienne Giselle Sanchez confirmed that there will be a wedding indeed.
Judy Ann Santos mentioned in her interview yesterday that she and Ryan are currently focusing in their careers.
“Ang dami pong mga tao na walang trabaho,” she said. “Ang daming gusto man nila, e, walang pagkakitaan. Marami ring mga artista ang medya-medya lang ang kita. Ngayon ko pa po ba tatalikuran itong matagal ko nang ipinagdasal, baka naman po magalit sa akin ang Diyos? Inuulan, binabaha po ako ng suwerte ngayon, which I know Ryan is a part ng total development ko. And when I have enough, that’s the time haharapin na namin ni Ryan ang isang panibagong buhay, panibagong pakikipagsapalaran sa buhay may asawa na malayo sa showbiz na kinalakihan ko, showbiz kapalit ng isang matahimik na buhay may asawa na magpapamilya na.”
In the 25 years anniversary of Woman Today this afternoon, TV Patrol was able to talk with Judy Ann’s friend Giselle Santos. In a short interview, Giselle confirmed that Judy Ann and Ryan are now preparing for their wedding.
Star Magic defends Claudine Barretto and Kristine Hermosa
Star Magic defends two of its biggest stars—Claudine Barretto and Kristine Hermosa—from wrongful accusations by two controversial press people, Alfie Lorenzo and Dolly Ann Carvajal.
Dolly Ann wrote in her column in the Philippine Daily Inquirer that Kristine Hermosa had an attitude problem, which made things difficult for Prinsesa ng Banyera director Andoy Ranay. Star Magic management commented, saying that the writer’s stories are very one-sided making it very biased. It also pointed out that Dolly Ann’s articles obviously did not give Kristine the chance to air her side. “Kristine has been a difficult actress in the past because of her youth and inexperience. She has always been a reluctant actress and star. But in recent times she has shown a certain maturity born out of
experience and wisdom and she has exerted professionalism to a high degree,” said Star Magic in defense of its ward.
Meanwhile, ABS-CBN’s talent management arm also chastised talent manager and entertainment writer Alfie Lorenzo, who accused Claudine Barretto of riding on his alaga, Judy Ann Santos’s popularity in making a showbiz come back. “Naiinis ako kasi they’re trying to find a way para gumawa ng ingay yung pagbabalik ni Claudine. Ang kinaiinis ko lumang style na yun,” said the talent manager. Star Magic said that there is no truth to Alfie’s claim, and that Claudine does not need any help from Alfie nor his talent to make a comeback. “ABS-CBN believes that Ms. Claudine Barretto made a name in show biz and has a loyal following because of her popularity and hard work and has no need of any help from Judy Ann Santos and any bitter old men posing as show biz journalist. ABS-CBN has high regard for Claudine as with other artists.”
When Love Begins Earned P69M in 2 Weeks
The Star Cinema and Viva Films’ romantic drama When Love Begins has already grossed P 69,277,632.90 on its two weeks of running. The Aga Muhlach-Anne Curtis starrer was second only to Hollywood superhero movie Iron Man, which already raked in P 120,930,291.90 for 2 weeks.
Compared with Aga’s previous movie “A Love Story” with Maricel Soriano and Angelica Panganiban, When Love Begins is lackluster at the boxoffice. A Love Story has grossed P 130,169,177.10 and it ran for 8 weeks. A Love Story was no. 1 in 3 weeks beating the Hollywood movie “Bourne Ultimatum” starring Matt Damon which also premiered last August 15, 2007.
Although When Love Begins can still run to 4 to 6 weeks of screening, it could only pull in approximately P10 million or less specially that Hollywood summer movies are now hitting the theaters. For what its worth, When Love Begins received a grade of “B” from the Cinema Evaluation Board which means the producers will only pay 50% for its amusement tax.
The independent movie “Ploning”, produced by various filmmakers collectively known as “Panoramanila”, has grossed P 10,546,847.40 in 2 weeks. This is an above the average performance for an indie-movie in the country. Furthermore, the Judy Ann Santos starrer was shown only in SM cinemas nationwide. Plus, it’s the first movie this year to receive a grade of “A” from the Cinema Evaluation Board.
Judy Ann’s previous movies like Ouija and Sakal, Sakali, Saklolo has grossed P87.3 M and P122.9 M respectively. Of course, we have to consider that SSS has no Hollywood movie competitor compared to Ouija so these two movies are both hits. And while her last 2 films are commercial successes, her latest film “Ploning” was a critical success.
Let’s take a look at this year’s box-office so far, shall we?
When Love Begins:
P 69,277,632.90 (2 weeks)*
My Big Love:
P 68,074,541.10 (6 weeks)
Supah Papalicious:
P 66,523,342.80 (6 weeks)
Manay Po 2: Overload:
P 29,750,322.90 (3 weeks)
Ploning:
P 10,546,847.40 (2 weeks)
*still running
Figures courtesy of Box Office Mojo.
Judy Ann Santos and Ryan Agoncillo are often asked by the entertainment press about when will they plan on getting hitched. The couple often reply that only time can tell what the future of their relationship will be. The closest answer to actual plans came when Juday jokingly told the press that it is better for them to badger Ryan about his plans, not her.
Rumors, however, have surfaced since Juday’s birthday last May 11 that the actor has finally asked for her hand in marriage. Ryan gave her a beautifully crafted diamond ring from Hong Kong while they were on vacation in Dumaguete, a celebration of sorts for Juday’s 30th birthday. The wedding is said to take place this November.
People close to the two have refused to talk about the issue though. Carol, Judy Ann’s mom, said that she has yet to speak to her daughter about the matter. Ryan’s manager, Noel Ferrer, also declined to give a statement and said to just wait for the couple to make an announcement upon their return to Manila.
May 10th, 2008 at 2:49 am
Sino ang Commercial Queen???
NAPANSIN naming iilang artista na lang ang kinukuha para mag-endorso ng produkto. The same faces ang napapanood namin sa telebisyon, nakikita sa billboard, at sa print ad, naiiba lang sa produktong inilalapit nila sa consumers para bilhin.
May pinaka-maraming endorsements ngayon sina Sharon Cuneta, Kris Aquino, Angel Locsin, KC Concepcion at Judy Ann Santos. Minsan, sa isang commercial gap, puro endorsements nila ang pinalalabas, nakakaloka!
Si Judy Ann, ratsada sa iba’t ibang product endorsements and there was a week na dalawa ang inil-launch niyang TVC o TV commercial at sabi ni Alfie Lorenzo, marami pa ang darating.
Of course, hindi nagpapatalo sina Sharon at Kris na magugulat ka na lang at may bago kang mapapanood na TVC. So, sa palagay ninyo, sino ang bagong TV Commercial Queen?
Okey na po ulit ang mga comment box namin… Pede na ulit kayong mag post nang comments nyo…. please post a comment on each article na mababasa nyo… para naman ganahan kami na mag post nang maraming news, para sa inyo… thankz!!!
saka survey lang gusto nyo bha magkaroon tayo nang Showbiz news na foreign??? send nyo lang sa sti_n23@yahoo.com kung gusto nyo… okey???
Judy Ann, makinig ka!!! MAS LALAKI SI PIOLO KAY RYAN AGONCILLO!
Written by Chit Ramos
MAINIT NGAYON ANG usapang mga ‘di naiimbita sa presscon, kase ibinubulsa raw ng PR Heads ang budget. Totoong may namumulsa ng budget, pero kung minsan, super sour graping lang din ang ilan sa atin. Sa dinami-dami ba naman ng mga kapatid natin sa hanapbuhay, palagay n’yo, maiimbita ba tayong lahat? Pagpasensayahan na natin. Example na lang, ‘yang Ryan Agoncillo na ‘yan! Akala ko, malakas ako sa kanya. Kasi nga, nung gusto niyang makipagbati kay Piolo Pascual, pinili niya akong peace messenger. Kesyo, ako lang daw ang pwedeng gumawa noon. Ako naman, sinagasa ko ang ‘sang katutak na fans para puntahan si Piolo. Nasa pedestal kasi ang tingin ko noon kay Ryan. Pero, naimbita ba niya ko kahit sa isang presscon niya? Hindi po!
Hindi ako naghihinanakit sa kanya. Kasalanan ko ba kung ang tingin lang niya sa akin ay taga-ayos lang ng gulo sa buhay niya at hindi ako makakatulong sa promo ng mga project niya?! Hanggang doon lang pala ang Ryan Agoncillo na tiningala ko sa pedestal. Ganun lang ‘yun! Ang magandang nangyari, bigla akong naging tagahanga ni Piolo Pascual. Nakita ko sa kanya ang pagkalalaki o pagiging gentleman na hindi ko nakita kay Ryan. Kaya, Piolo na ako ngayon. Ayoko na kay Ryan!
WHEN LOVE BEGINS BOX OFFICE HIT!
Latest scoop sa pelikulang When Love Begins, ang chika kumita ng husto sa mga sinehan ang movie nina Aga Mulach at Anne Cusrtis.. Within Four days daw ay kumita na ito ng 35 million at counting pa raw oh?!.. Regarding sa controversial movie ni Juday na Ploning within 4 days daw kumita na ito ng 11 milion. At ganun din, still counting… Tumaas na kaya kilay ni Mr. Alfie lorenzo dahil sa tumabo sa takilya ang pelikulang When Love Begins? At pagkatapos ng kontrata ni Juday sa ABSCBN next year ay ito na kaya magiging hudyat ng paglipat nya sa GMA dahil sa sama ng loob sa ABSCBN? Pag natuloy, susunod nga ba si Ryan Agoncillo pag lumipat si Juday sa GMA? Ano sa palagay nyo mga ka-showbiz bureau? Well let’s just wait and see!
Iron Man at movie nina Aga Muhlach at Anne Curtis, binangga…JUDY ANN SANTOS, KULELAT!
Speaking of Juday, marami ang nagtatanong sa amin kung magkano ang kinita ng pelikula nitong Ploning sa first day showing nito nu’ng April 30.
Wala kaming first-hand info, pero isang kasamahang writer ang nag-forward sa amin ng isang e-mail na nagsasaad ng kita sa takilya ng mga pelikulang sabay-sabay na ipinalabas at nagbanggaan last Wednesday.
Ito ang latest gross receipts na natanggap namin via e-mail mula sa isang Gracita Eugenio :
Iron Man-April 30 (14,880,000), May 1 (17,310,000), May 2 (9,420,000). Gross receipt is 41,610,000.
When Love Begins-April 30 (6,430,000) May 1 (11,810,000), May 2 (7,110,000). Gross receipt is 25,350,000.
Ploning- April 30 (1,370,000) May 1 (3,210,000), May 2 (1,610,000). Ang gross receipt ay 5,740,000.
Well, ilang araw pa lang naman ang lumilipas at mahaba-haba pa ang tatakbuhin ng pagpapalabas ng tatlong pelikulang ito, kaya baka humabol pa ang movie ni Juday.
Sharon and Judy Ann nasa Siete

Maraming sorpresa ang birthday presentation ni Judy Ann Santos ngayon sa SOP at isa rito’y ang paglabas ni Sharon Cuneta para personal na batiin ang actress na itinuturing niyang kapatid.
First TV appearance ito ng megastar after her return from London to shoot Caregiver at nagkataong sa GMA-7 pa. Wala siyang keber sa network war, basta present siya sa kaarawan ni Judy Ann.
Nag-promise rin si Sharon na dadalo sa celebrity premiere ng Ploning ngayon araw (May 4), na gagawin sa isang cinema sa Greenbelt 3. Suporta rin niya ito kay Judy Ann sa pelikula nitong umaani ng papuri at sa direksyon ni Dante Garcia.
Hindi mawawala si Ryan Agoncillo sa birthday presentation ni Judy Ann sa SOP. Tiyak, kasama sina Sharon at Ryan sa 30 special people na babati sa actress sa advanced birthday party niya na mangyayari sa TV.
MAGPAKATOTOO KA, AGA MUHLACH!
Tumaas ang aming mga kilay nang malaman namin na dine-deny ni Aga Muhlach na there was a time in his movie career na tinanggihan niyang makatambal si Judy Ann Santos para sa isang Star Cinema project.
So, ang ibig ba niyang sabihin na gumagawa ng kuwento ang manager ni Juday na si Alfie Lorenzo at ginagamit lang ang pangalan niya para magkaroon ng isyu?
That was the time na Aga Muhlach was on top of the heap at hindi pa sumusulpot si Richard Gutierrez sa eksena. Ang alagang ito ni Ethelwolda Ala Ramos ang siyang original choice kapag mga leading man ang kailangan ng major movie outfit tulad ng Regal Films, Viva Films at Star Cinema.
Pinalalabas ngayon ng kampo ni Muhlach na “gumaganti” raw si Juday sa aktor by way of refusing to do a movie with Aga, na ang hitsura ay halatang tumanda na rin sa paglipas ng panahon.
Kung meron mang aktres na dapat tumanggi na makasama si Muhlach, ‘yon ay si Anne Curtis na mas bagay kasi silang mag-ama at hindi magsyota, devaH? Ha! Ha! Ha!
Kailanman hindi naging benggadora ang main star ng “Ploning” at ito’y napatunayan namin. Judy Ann Santos might not be a perfect person, but she is a thorough professional at alam na alam niya ang kalakaran ng showbiz at demands ng propesyon na pinasok niya.
Sa halip na mag-generate ng public sympathy si Aga Muhlach mula sa masang Pinoy, na karamihan ay Juday avid fans, lalo pang na-turn off sa kanya.
Kahit saan man anggulo sipatin si Aga, gumugurang na siya. Nagsulputan na ang mga male starlet na bata, sariwa at makatas at kung hindi magpapa-enhance ng kanyang byuti ang alagang ito ni Ethelwolda, aba, makuntento na lang siyang gumanap na kuya, tiyuhin o tatay ng mga ito. Tama ba kami, mahal naming patnugot? (Mismo! Ed)
Halaw sa panulat ni Joey de Castro ng Diyaryong Bomba
REVIEW: “Ploning” and “When Love Begins”

It is understandable why movie producers would want to premiere their films on this auspicious day, the 30th of April. For a lot of Filipinos, the end of the month signifies pay day, making it the perfect chance to relax and see a movie.
Two locally produced movies will open today: Panoramanila Pictures Co.’s Ploning and the Star Cinema-Viva Films co-production When Love Begins. These two films were shot in beautiful locations in the Philippines and both deal with love but aim to show different facets of love.
Ploning is graded “A” by the Cinema Evaluation Board (CEB) and is classified General Patronage by the Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB). It is directed by first-time director Dante Nico Garcia. Ploning will be screened exclusively in SM cinemas starting today and will be shown in other theater houses starting May 7.
When Love Begins is rated “B” by the CEB and is classified PG13 by the MTRCB. It is directed by Jose Javier Reyes, who has been named Best Director several times, the most recent of which was for Kasal, Kasali, Kasalo in the 2006 Metro Manila Film Fest and the FAMAS. When Love Begins screens at 150 theaters nationwide.
PLONING. Judy Ann Santos portrays Ploning, the town beauty of Cuyo, Palawan, who is still unmarried at the age of 30. She likes to spend her time looking out to the sea and rubbing a balugo seed in memory of her great love Tomas. To the young boy Digo, ‘Nay Ploning is his surrogate mother since his biological mother Juaning (Eugee Domingo) is a paralyzed woman. Digo is portrayed effectively by first-time actor Cedric Amit, a young Cuyonon whose acting seems effortless.
The movie shifts back and forth from the 1980s to the present several times but through excellent storytelling, you won’t get lost by the details tying them all together. Expect the first part of the movie to be slow-paced, reflective of the laidback life of the Cuyonons. Around 40 percent of the movie is in the Cuyonon dialect so be prepared to keep up with the Tagalog subtitles as you watch the story unfold onscreen.
Ploning boasts stunning cinematography that showcases the sights in Cuyo such as the pristine Capusan beach, a bird sanctuary, a rocky pier and glorious golden sunsets that are simply breathtaking.
As Ploning, Judy Ann exhibits a wisdom and maturity beyond her years. Through her expressive eyes and enigmatic smile, we see that she is very much in love even though she has no visible partner onscreen. It’s not easy learning the Cuyonon dialect but she delivers her lines almost as if she is a native of the province. It won’t be surprising if Judy Ann nabs Best Actress awards for her heartfelt portrayal of Ploning.
Gina Pareño is Intang, the mother of Tomas, who pours out her grief and frustration in the climactic moment of Ploning. Tony Mabesa gives a subdued performance as the father of Ploning and his last scene with Juday will definitely tug at the heartstrings of people who feel misunderstood by their fathers.
Why it’s worth your movie ticket: Ploning has a lot of touching moments that will have you in tears.
WHEN LOVE BEGINS. Aga Muhlach and Anne Curtis are paired together for the first time onscreen with favorable results. Ben Caballero (Aga) is a lawyer who represents an environmental group while Mitch Valmonte (Anne) is involved in the marketing department of her father’s real estate company. Mitch’s father Paco (Christopher de Leon) is facing legal troubles because of Atty. Caballero. This situation forces Mitch to choose between her father and her new flame.
When Love Begins is a study of two people afflicted with commitment phobia—both Ben and Mitch are afraid of responsibilities because they have been burned by love in the past. Ben’s family thinks he needs some growing up to do while Mitch’s father would rather let her decide what to do with the man who is challenging him in court. Mitch must decide where her loyalties lie—the family business or the man who considers her as his “girlfriend—in a way.”
Aga can still make hearts flutter with his bedimpled smile and natural playfulness. Even during a dramatic hospital scene involving his mother, played by Boots Anson-Roa, Aga shows his charm that doesn’t fail to elicit chuckles from the audience.
Anne deserves notice for her portrayal of the liberated and cynical girl Mitch. Her bikini-worthy body looks amazing onscreen and she manages to show a side of her that is aggressive when it comes to getting what she wants.
Shot partly in Boracay, When Love Begins shows that something that started out as a summer fling just might develop into something more serious. It’s a gentle reminder for everyone that taking care of the environment is everyone’s job, not just lobbyists just like Ben and his friends. And if you’ve got a “non-relationship” going on between you and your significant other, you just might pick up a few tips from Ben and Mitch.
Why it’s worth your movie ticket: When Love Begins has the elements of a good love story and you can’t help but empathize with the characters who had the right love at the wrong time.
Shampoo brand issues statement about showbiz press walk out

Following the reported walk out of showbiz press during the press launch of Pantene’s newest endorsers, the shampoo brand’s PR agency, CaPRI, released a press statement explaining what happened last night, April 28.
Ruffa Gutierrez, Gretchen Barretto, Judy Ann Santos, and Claudine Barretto graced the press launch that was held at the poolside of Hotel Intercontinental Manila, Makati City. These four beautiful ladies were presented to the invited media and guests for a general Q&A segment. But given that the endorsers are all controversial, some reporters had hoped for a one-on-one interview.
The latter did not happen.
Members of the entertainment press decided to leave the event after waiting for too long for the shampoo’s celebrity endorsers to emerge from the restroom.
To explain the incident, the shampoo brand—through Richard Arboleda, managing director of CaPRI—gave an official press statement to PEP (Philippine Entertainment Portal). It read:
“This statement is being issued to clarify the circumstances that kept some media people from staying until the end of the Pantene Most Beautiful Press Conference.
“After the official press conference, our four endorsers—Ms. Gretchen Barretto, Ms. Claudine Barretto, Ms. Ruffa Gutierrez, and Ms. Judy Ann Santos—were slated to do additional interviews with the media, apart from the official Q&A that was done as part of the program. After the first interview, the four ladies headed to the restroom to freshen up before heading out again to grant additional interviews.
“Unfortunately because of the huge number of media guests, it became difficult to communicate to everyone that the interviews will continue. In fact, the four women stepped back out and resumed granting interviews just as some media were leaving. For the TV and print media who were left behind, the four endorsers continued to do interviews for the next hour.
“We would like to thank our friends from the media for their continued support, and we would like to apologize for any inconvenience the circumstances may have caused. We will do our best to make sure that incidents like this will never happen again.”
Showbiz press walks out on shampoo brand’s launch
“First time ito!”
Ito ang naging pahayag ng ilang miyembro ng entertainment media at press matapos nilang mapagdesisyunan na mag-walk out sa press launch ng mga bagong endorsers ng Pantene shampoo kagabi, April 28, sa poolside ng Intercontinental Manila, Makati City.
Napagkasunduan ng mga media outfits sa print at telebisyon na lisanin na lamang ang venue dahil sa matagal nilang paghihintay sa apat na artista pinili para sa Most Beautiful campaign ng Pantene—sina Ruffa Gutierrez, Gretchen Barretto, Judy Ann Santos, and Claudine Barretto.
DELAYED FOR AN HOUR OR SO. Sa imbitasyon para sa nasabing event, nakasaad na alas-sais ng gabi ang registration samantalang alas-siyete naman magsisimulang buksan ang cocktails. Bago pa man mag-alas-siyete ay unti-unti nang nagsisidatingan ang mga miyembro ng media, ngunit kapansin-pansin na hindi pa rin tapos sa pagse-set-up ng ilang equipment ang production crew ng naturang event.
Bandang alas-otso na ng gabi nang buksan ang cocktails area at inabot pa ng halos isang oras bago pormal na simulan ang programa.
Sa kanilang programa, may segment na tinaguriang Pantene’s Council of Stylists kung saan isang open forum ang ibinigay para sa mga reporters, photgraphers, at cameramen na dumalo sa naturang event. Ang kanilang Council of Stylists ay kinabibilangan nina Jude Hipolito at Rose Velasco ng Univers Phyto Salon by Kaizen, Jing Monis ng Propaganda, Celeste Tuviera ng Symmetria, Heri Calayag ng Henri Calayag Salon, Louis Kee ng Razzle and Dazzle, at Victor Ortega ng Emphasis.
Habang ginaganap ito, mababakas na sa mukha ng ilang miyembro ng media ang pagkainip. May mga bumubulong nga na sana ay lumabas na sina Ruffa, Gretchen, Judy Ann, at Claudine.
Matapos ang balitaktakan tungkol sa produkto at mga benepisyo nito para sa buhok, ipinakilala na ng Pantene ang apat na artistang mag-i-endorso ng kanilang produkto. Katulad ng nangyari sa Council of Stylists, nagkaroon din ng Q&A portion para sa lahat ng imbitadong miyembro ng media.
THE BRIEF Q&A. Subalit tulad ng kadalasang nangyayari sa mga press conference, sandali lamang ang general press conference dahil gusto ng mga reporters na magkaroon ng solo interviews sa mga artista.
Pagkatapos ng Q&A, isang photo-op sana ang gagawin ngunit hiniling ng host ng event na si Lily Chu sa mga photographer at cameramen na sa photo wall ng Pantene na lamang gawin ito. Ang photo wall ay matatagpuan sa bandang likuran ng stage.
Subalit noong magtungo sila sa photo wall na sinabi upang kunan sina Ruffa, Gretchen, Judy Ann, at Claudine, nakita nilang naka-set up na ang crew ng Ricky Lo Exclusives para sa inteview ng showbiz columnist na si Ricky Lo sa apat na shampoo endorsers.
WAITING TIME AGAIN. Walang magawa ang iba pang miyembro ng media, lalo na ang mga TV crew ng ABS-CBN dahil sa kalabang channel ang nasabing TV program. Sa katunayan, isang reporter pa ang nagsabi, “Ay! Bakit ganun? May Ricky Lo na…”
Pumuwesto na lamang at naghintay ang iba pang cameramen sa harap ng photo wall, samantalang ang ilang showbiz writers ay naghintay sa likod para sa kanilang pagkakataong makapag-interview.
Tumagal ng hindi hihigit sa 30 minuto ang interview ni Ricky Lo sa apat kaya noong natapos ito, unti-unti nang nagsilapitan ang ilang photographers at showbiz writers sa lugar ng mga cameramen upang makisabay na sana sa interview. Ngunit biglang humarang ang security pati na ang ilang miyembro ng production upang i-escort ang apat na artista patungo sa comfort room na malapit sa photo wall.
Sa pagkakataong ito, may mga miyembro ng press ang nairita at nagdesisyong umuwi na lang.
Ilang minuto ring naghintay ang mga natitirang media sa paglabas ng apat mula sa comfort room. Sa katunayan, nagkakainitan na sa pagitan ng media at ng security at production crew ng Pantene dahil pilit na pinalalayo ang press sa photo wall.
DISMAYED MEDIA. Nagreklamo ang ilan sa mga miyembro ng media at halos pasigaw na nilang sinasabi, “OA! [over reaction]. Palagi naman naming ginagawa ito.” Ganito rin ang nasambit ng kilalang TV reporter at PEP contibutor na si Nelson Canlas. “Hindi ito ang first press conference namin. Sa Malacañang nga hindi ganyan,” aniya.
Humingi ng paumanhin ang isang miyembro ng prodution crew ngunit hindi na mapigilan ang pagkainis ng media. Paulit-ulit na rin ang tanong nila na, “Makakakuha pa ba kami ng interview?” Subalit hindi makasagot ang naturang production crew at nagpaalam ito na iche-check ang mga artista sa loob ng comfort room.
Matapos ang mahabang paghihintay, nagkasundo na ang mga photographer, TV crew, at showbiz writers na mag-walk out na at umuwi na lamang kaysa hintayin ang mga artista para sa sandaling interview. May ilan pang sumisigaw na, “Tara na, ayaw naman magpa-interview!”
Sa labas ng Hotel Intercontinental, sari-saring usapan ang maririnig mula sa press habang naghihintay na kani-kanilang service. May nagrereklamo na, “Ang tagal-tagal ng program nila ‘tapos walang interview.” Samantalang ang iba naman ay nagtataka, “Bakit inuna ang Ricky Lo, wala pa ngang photo-op?”
Bukod sa mga reklamong ito, natapos ang gabi para sa mga dumalong entertainment media na may naiwang mas mabigat na katanungan, “Bakit natagalang lumabas ang apat na artista sa comfort room?”
Kagabi hanggang kaninang tanghali, sinubukang hingan ng pahayag ng PEP ang PR agency na humahawak ng event tungkol sa naganap na walk-out. Ayon sa nakausap ng PEP, natagalan lang daw sila ang apat na celebrities sa pagbibihis kaya laging gulat nla noong paglabas ng comfort room ay wala nang naghihintay na press.
Maglalabas ng official statement ang Pantene tungkol sa nangyari ngayong araw na ito, kaya’t abangan nating lahat.
Judy Ann, Ryan pumirma ng bagong kontrata sa Regal
Natuloy ang pagpirma ng panibagong kontrata nina Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo sa Regal Entertainment last Sunday.
Sa August nakatakdang gawin ng dalawa ang pelikulang ididirehe ni Joey Reyes, after their European vacation sa buong buwan ng June.
Happy sina Mother Lily at Roselle Monteverde-Teo na muling gagawa ng movie sa kanila ang dalawa at bukod sa pelikula nila, may project sina Judy Ann at Ryan na iba ang makakapareha.
Sabi ng actress, walang conflict sa kontrata niya sa Star Cinema ang pagpirma niya sa Regal, dahil parehong non-exclusive ang mga kontrata niyang pinirmahan.
Ikinagulat namin ang presence ni Annette Gozon-Abrogar ng GMA Films sa contract signing at nalaman na lang naming ang GMA-7 ang media partner sa promo ng movie, gaya sa Ploning, na showing na bukas.
Sabay sa April 30 opening ng movie ang pagtanggap ni Judy Ann ng best actress award sa PASADO para sa Ouija.
Samantala, today ang presentation sa ABS-CBN ng sitcom na gagawin nina Judy Ann at Ryan.
Nang tanungin tungkol doon, “meron ba?” ang sagot ng actress. “Hindi pa naman nag-uumpisa, pag-uusapan pa lang at hangga’t ’di nagti-taping at ’di ipinalalabas, marami pang posibleng mangyari. Fifty-fifty pa siya, ibig sabihin, ’di pa sure,” pahayag nito.
Ano ang reaction niya na hindi na si Ryan ang host ng Pinoy Dream Academy?
“Nagulat ako, dahil isa ako sa nakaaalam sa plano. Nabasa na lang namin sa dyaryo, kung kami sana ang unang nakaalam, walang gulatan.”
Mangyari po lamang na magiwan po kayo nang inyong kumento, tungkol sa
usaping ito. Dahil dito po sa SHOWBIZZ TOP i-NEWS, laging pananaw nyo
lang po ang siyang laging mahalaga at importante para sa amin.
for your comments, suggestion or complains (regarding the site) you can
e-mail us at
April 29th, 2008 at 1:01 am
Sharlene San Pedro in horror film with Juday
ABS-CBN talent and child star Sharlene San Pedro shared that she just finished shooting her first film with actress Judy Ann Santos, entitled “Kulam.”
“Okay po siya mabait po siyang ka-trabaho,” Sharlene told abs-cbnNEWS.com.
The child actress said that for the said film she will portray the role of a blind girl and the daughter of Judy Ann’s character.
“Ako po ay bulag dito, hindi ako mangkukulam,” she said.
Sharlene declined to give more details about her role and instead told members of entertainment press to watch the movie. “Panoorin niyo na lang po ang movie.”
Still, she couldn’t help but give away what happens later to her character. “Sa huli po ay makakakita ako, magkakaroon po ako ng mata – ng paningin,” she said.
Matinee idol Dennis Trillo will also star in the Regal Films production.
Behind the camera
Sharlene’s biggest dream however is to become a great director someday.
“Ang dream ko po actually wala na po talaga maliban lang sa gusto kong maging director,” she said, adding that she would like to direct a horror film in the future with her favorite– Judy Ann Santos as the leading star.
“Si Ate Juday pa din po. Hindi naman tumatanda ang mukha ni Ate Juday,” she explained.
Sharlene is a Grade IV pupil of His Sanctuary Christian Academy in Bulacan and she’s studying hard to achieve her dream.
“Nag-aaral po ako sa Bulacan, pero hindi po regular student… through module po,” she said.
San Pedro just turned 9 last April 5. She said she received her birthday gift – a computer–from her mom and dad.
And for her birthday she wished: “Sana po ay maging director at sana po ay magkaroon ng madaming show at ma-bless ang lahat ng tao.
Sharlene San Pedro joined ABS-CBN’s Star Circle Kid Quest in 2004, after which she starred in her own teleserye, “Calla Lily” and “Princess Sarah.” She is now a regular castmember of the kiddie gag show “Goin’ Bulilit.”
Sharlene also appeared in the fantasy-drama series “Lobo” as the young Angel Locsin, and in “Kung Fu Kids” where she had a cameo role.
Mangyari po lamang na magiwan po kayo nang inyong kumento, tungkol sa
usaping ito. Dahil dito po sa SHOWBIZZ TOP i-NEWS, laging pananaw nyo
lang po ang siyang laging mahalaga at importante para sa amin.
for your comments, suggestion or complains (regarding the site) you can
e-mail us at
April 29th, 2008 at 12:29 am
| Claudine and Judai: no bad blood between them |
Claudine Barretto and Judy Ann Santos sat side-by-side on The Buzz on April 27, both wearing white dresses and sharing the same sentiments about the long-talked-about rift between them.
“Kahit nung bata pa kami ni Claudine, hindi naman talaga kami nagkaroon ng away. Hindi man kami nagkaroon ng chance na maging close, kasi never naman kami nagkatrabaho, wala talaga. There was never a time na nag-away kami,” Judai explained. Their joint appearance on The Buzz last Sunday was a rare moment. The two appeared with Gretchen Barretto and Ruffa Gutierrez on the show to promote the shampoo they were endorsing. Judai went on to explain that during the commercial shoot, she met Claudine’s kids, Sabina and Santino, and that she is happy that Claudine has a wonderful family life. Claudine echoed Judai’s sentiments and said that she is also happy for her.
She also said that their latest endorsement turned out to be an opportunity for them to finally get to know each other. This is their first joint endorsement project. “Eto na rin siguro ang pagkakataon para mas lalo kaming magkakilala pa. Para magkaroon kami ng mas malalim na friendship na hindi nabuo nuon dahil sa intriga,” Claudine ended. |
Mangyari po lamang na magiwan po kayo nang inyong kumento, tungkol sa
usaping ito. Dahil dito po sa SHOWBIZZ TOP i-NEWS, laging pananaw nyo
lang po ang siyang laging mahalaga at importante para sa amin.
for your comments, suggestion or complains (regarding the site) you can
e-mail us at
April 28th, 2008 at 12:18 am
Judy Ann Santos plans to take time off from showbiz

Judy Ann Santos prepared all day for the special press preview of Ploning that took place last Friday, April 25, at the clubhouse of Xavierville 1 subdivision in Quezon City. For this special occasion, the actress personally went to Farmer’s Market in Cubao to pick the seafood and the ingredients that she will cook for the media.
She went to Cubao at around 5 a.m., causing a frenzy among the vendors and onlookers in the area. She spent the day grilling fish and squid, steaming crabs, and serving the food on top of banana leaves spread on a long table.
Just like in the movie Ploning, the media were invited to an esposada (the counterpart of a bridal shower in Cuyo, Palawan). Cast members Gina Pareño, Ces Quesada, and Meryll Soriano were present to join the festivities.
Unfortunately, Ryan Agoncillo was unable to attend because he was preparing for the release of his hardbound book, Ploning, which contains 200 plus photos that he took while they were shooting the movie in Cuyo, Palawan. The hardbound book is being sold for P1,900 in bookstores.
“For my birthday, I want to give something to them [the press] and let them taste my cooking. I wanted it to be very different…I really wanted it to have a meaning and a connection with Ploning, so nag-set up kami ng esposada with the help of Jong-jong, ang production designer namin sa Ploning. We bought lechong baka sa Aurelio’s. Gusto namin ma-feel ng press ang esposada theme ng Ploning,” narrates Juday.
How is Juday similar to Ploning?
“Gusto ko ang pananaw niya sa buhay. May mga linya siya na ang sarap i-apply sa totoong buhay tulad ng: “Ayokong maging dahilan ng kalungkutan ng ibang tao ang kaligayahan ko.”
SABBATICAL. After working in the entertainment industry for the past twenty years, Judy Ann is planning to take a one-year rest period to concentrate on her cooking studies.
“Siguro two years from now magbubukas ako uli ng restaurant. Tatapusin ko muna ang pag-aaral ko, mag-aaral muna ako sa ibang lugar. Ibig sabihin, mawawala muna ako para makapag-aral sa ibang bansa at mapatunayan ko na hindi lang ako pwedeng maging artista, pwede rin ako maghanap ng iba pang trabaho. Pero siyempre, una akong umibig sa pag-aartista. Pangalawa ang pagluluto.”
How long does she plan to study abroad?
“Maybe a year. Pero tatapusin ko muna ang nurse-serye [Humiling Ka Man sa Langit], siyempre, kontrata ‘yon.”
But fans don’t have to worry about missing Juday since she is slated to do two movies under Regal Entertainment, including a film pairing her again with Ryan Agoncillo.
Where does she plan to enhance her culinary skills?
“Ang gusto ko sana sa CIA [Culinary Institute of America] pero kung hindi kaya ng budget ko, hindi ko pa alam kung saan. Pero gusto ko talagang mag-aral sa ibang bansa. Short courses lang naman pero ‘yong isang taon, baka ma-prolong lang.
“Marami namang options, pwedeng three months, pwedeng four months, pwedeng six months. ‘Yong one year para lang hindi mabigla ang mga tao na bigla akong mawala, ‘tapos bigla akong bumalik.”
What does her boyfriend Ryan think of her decision?
“All-out support naman siya sa akin. Kaya rin siguro ganito katindi ang pagdedesisyon ko ngayon kasi may isang taong todo ang suporta sa akin na hindi man maniwala ang buong mundo, at least, nandiyan siya para maniwala sa akin apart sa pamilya ko.”
What are Judy Ann’s thoughts on turning 30 years old?
“Para sa lahat ng babae, ‘pag nakaabot ka na ng 30 years old, parang ang dami nang nangyari sa buhay mo. Gusto ko lang i-enjoy na 30 na ako and it’s about time na ‘pag nag-30 na ang isang babae, magkaroon ng isang marka, bilang artista, bilang tao.
“Para sa akin, kung magmarka sa utak ng tao ang Ploning, okey na ako. Masayang-masaya na ako, kumbaga buung-buo na ang birthday ko.”
Her movie Ploning received a GP (General Patronage) classification from the Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB). It will be shown exclusively in SM cinemas starting April 30 and will be shown in other venues starting May 7, 200
Mangyari po lamang na magiwan po kayo nang inyong kumento, tungkol sa usaping ito. Dahil dito po sa SHOWBIZZ TOP i-NEWS, laging pananaw nyo lang po ang siyang laging mahalaga at importante para sa amin. for your comments, suggestion or complains (regarding the site) you can e-mail us at STi_N23@yahoo.com Maraming Maraming Salamat Po Sa Walang Sawa Nyong Pag Supporta Sa Amin!!!
Judy Ann Santos explains why she declined offer of ABS-CBN to promote her movie

Two days ago, April 25, PEP (Philippine Entertainment Portal) reported that ABS-CBN offered a multi-million promo plug to its contract artist Judy Ann Santos for her movie Ploning. However, the young superstar reportedly declined the offer.
In order to clarify things, Judy Ann explained about the issue for the first time yesterday, April 26, during her live guesting on StarTalk.
“It’s true,” confirmed Judy Ann. “This is the first time that I’m really gonna answer the question para rin po hindi ko na sasagutin sa iba pang magtatanong sa akin.
“Yes, they offered five million worth of teaser or trailer sa station nila, but I said no because in respect of GMA-7. Kumbaga, media partner ng Panoramanila Pictures ang GMA-7. But I appreciate the thought na gusto nilang [ABS-CBN] tumulong.
“Pero sana po, noon pa nang in-offer namin sa kanila, hindi kung kailan nakapagsalita na kami na GMA-7 ang katulong namin. May paninindigan ako, ayokong isipin ng mga tao na wala akong isang salita.”
Judy Ann also stated that despite this, she still hasn’t forget ABS-CBN which have been her home network for a long time now.
“Malaki ang utang ng loob ko sa ABS-CBN, kung utang ng loob ang pag-uusapan. Nagsimula ako sa kanila. Pero sa panahon ngayon, hindi naman nila ako puwedeng sisihin kasi in-offer naman po namin sa kanila, e,” said Judy Ann.
BUSINESS IS BUSINESS. It has been written many times that Judy Ann was disappointed because her movie Ploning would be competing with her mother station’s movie titled When Love Begins. Both movies are scheduled to open on April 30.
In connection to this, Judy Ann also said in another interview that ABS-CBN even asked her to move Ploning’s playdate to give way to When Love Begins.
She said, “They told me nga, dapat daw ay iurong na lang namin sa May 14 ang opening day namin ’cause When Love Begins will be opening on April 30 rin daw.
“Ganoon yung condition. Kaso lang, 30th birthday offering ko ito for my fans. May 11 ang birthday ko, at late na kung sa May 14 pa ito mag-o-open. Talagang wala naman akong magagawa roon.” (Click here to read full article)
Meanwhile, in StarTalk yesterday, the young superstar said that she understands that everything is just part of the business.
“Para lang po sa mga hindi nakakaalam, bilang negosyante at bago lang sa pagpro-produce ng pelikula, wala naman po talagang issue sa playdate kasi alam naman namin na negosyo ‘to, parte talaga na magkakaroon ng mga tapatan ng mga playdates sa pelikula.”
While explaining, Judy Ann could not stop herself from saying her disappointment.
She reiterated, “Pero sa parte ko lang po bilang talent din nila at contract artist din nila, espesyal sa akin yung April 30 kasi month-long celebration po ito. But I’m not asking them to move naman the playdate. We just asked, we offered them to promote our movie. But since ang sinabi sa amin, they can’t help us because they have a movie, they have to promote When Love Begins. Naintindihan din naman namin yun that’s why we offered it to GMA-7.”
StarTalk then asked Judy Ann about the reaction of her manager, Alfie Lorenzo, with regards to this issue.
“Si Tito Alfie naman laging naka-back-up sa akin ‘yan, wala naman akong masasabi and nakasuporta naman siya. Since unang beses ko nag-produce and alam naman niya na itong pelikulang ito, e, regalo sa akin ng best friend kong si Dante Garcia at ni Ryan [Agoncillo, her boyfriend], para sa libro. Kumbaga, malaki yung importansiya nito sa akin. Lahat ng buong buhay ko, nakasugal dito sa pelikulang ito.”
Despite this issue, Judy Ann is still thrilled about her new movie.
“Excited kasi first movie ng best friend kong si Ga [Dante Garcia], siya rin yung sumulat ng pelikula. At the same time, first time din akong nag-produce ng pelikula so all-out din naman kami sa ng nagsuporta. Lahat ng mga kaibigan kasama na sa pelikula kaya espesyal na espesyal siya, nataon pa sa birthday ko na month ng May.”
Mangyari po lamang na magiwan po kayo nang inyong kumento, tungkol sa usaping ito. Dahil dito po sa SHOWBIZZ TOP i-NEWS, laging pananaw nyo lang po ang siyang laging mahalaga at importante para sa amin. for your comments, suggestion or complains (regarding the site) you can e-mail us at STi_N23@yahoo.com Maraming Maraming Salamat Po Sa Walang Sawa Nyong Pag Supporta Sa Amin!!!
Judy Ann Santos hurt by ABS-CBN straight business stand regarding “Ploning”

Nakatakdang magbakasyon sa Europe si Judy Ann Santos bilang post-birthday gift sa sarili niya sa darating niyang kaarawan sa May ll. Hindi pa tiyak ang pag-alis ni Juday, but most probably, on the second or third week of May daw ang plano.
“Medyo napagod din ako lately, sa tuluy-tuloy halos na shooting ng Ploning sa Cuyo, Palawan,” nabanggit pa ni Juday. “Nag-resume na rin ng shooting ang iba pang projects, like yung Kulam for Regal, at sunud-sunod din yung para sa iba’t ibang endorsements.
“Bago magkapatung-patong uli ang schedule ko, e, I might as well grab the chance na makapag-Europe. Yung tipo bang makapaglakad-lakad man lang sa ilalim ng Eiffel Tower sa Paris, o yung tipong gusto kong makatikim ng Belgian chocolate. Hayun, go akong bigla ng Belgium,” at natawa na lang ang aktres.
IT’S ALL BUSINESS. Tuwang-tuwa si Juday sa very positive feedback na natatanggap ng Ploning nang mai-preview ito sa press at critics.
Gaano man pilitin ni Juday na kimkimin ang mga naipong sama ng loob, marami pa rin ang nagpapahayag na ang tila kakulangan o kawalan ng suporta ng ABS-CBN sa kanya sa parteng ito ay masyado nang obvious.
“Ang stand ko naman kasi riyan, nakita ko yung point na it’s just all business. Kung ganyan ang sinasabi nila, para hindi na lang ako umaasa, dapat sigurong magpaka-professional na lang ako.
“I have always been a professional. Pero siyempre, inakala kong pagkakaibigan pa rin ang mas mahalaga sa industriyang ito. Kaya mas mabuting hindi na lang ako umaasa para hindi ako nasasaktan,” may lamang nasabi ni Juday sa amin.
Nagtungo ang PEP (Philippine Entertainment Portal) sa Esposadas (isang tradisyon ng mga Cuyonon) na motif ng birthday party ng isa sa co-producers ni Juday sa Panoramanila Pictures na si Guia Gonzales na ginanap sa clubhouse na malapit sa residence nito sa Xavierville, Quezon City kagabi.
Doon ay inungkat namin kay Juday ang iba’t ibang isyu, ‘gaya ng pagpanig na mismo ni Direk Jose Javier Reyes sa aktres na nalagay pa sa alanganin sa pagkakatapat ng Ploning sa playdate ng When Love Begins ng Star Cinema na magkakasabay sa April 30.
THINKING SHE WAS KAPAMILYA. “Sinasabi nga nila na early last year pa raw ay alam na nila ang playdate nila. May nagsasabing noong December lang, so whatever, wala rin naman akong magagawa roon, and I don’t want to talk na para bang sumasama pa ang loob ko.
“Ang sa akin lang, inalok ko yung exclusivity ng promo sa ABS-CBN, thinking that I am with the Kapamilya network, at matutulungan talaga nila ako sa promo.
“But, they told me nga, dapat daw ay iurong na lang namin sa May 14 ang opening day namin ’cause When Love Begins will be opening on April 30 rin daw.
“Ganoon yung condition. Kaso lang, 30th birthday offering ko ito for my fans. May 11 ang birthday ko, at late na kung sa May 14 pa ito mag-o-open. Talagang wala naman akong magagawa roon.
“Ang importante, binigyan ko sila ng importansiya bago ako humingi ng tulong sa GMA-7, na nagpaunlak naman para i-promote nang husto ang Ploning sa iba’t ibang shows nila,” nangingiting sambit ni Juday.
TOUCHED BY DIREK JOEY’S OPENNESS. With Direk Joey, hindi alam ni Juday kung paano pasasalamatan ito sa napakabuting gesture at pagdidipensa sa kanya.
“Naiintindihan ko where Direk is coming from. Kasi, pelikula pa rin niya ang When Love Begins, at hindi naman namin tinatratong kalaban yung pelikula. Kasi, suportahan dapat ‘yan dahil parehong local productions, e.
“Tinawagan niya ako at nag-usap kami. I’m deeply touched by his openness on the issue.
TALKING THINGS OVER WITH ABS-CBN. “Pero, yung ibang issue, kung may bearing ang mga nangyaring ito sa pagre-renew ko ng contract sa kanila, may one year pa ako sa ABS-CBN, and will mean a new teleserye.
“Mas mabuting iwasan ko na rin yung pagsasalita pa ng kung anu-ano, kasi, nami-misinterpret din ako. Ayokong lumabas na may galit ako sa ABS-CBN, pero gusto ko rin sanang malaman din nila kung ano yung nasa loob ko.
“Na eventually, magkakausap-usap din kami, at mapaliwanagan ulit ako tungkol sa bagay na ‘yan,” sabi pa niya.
At kung may aayusin man, sa palagay ni Juday, sila-sila na lang ang dapat mag-usap-usap.
“Huwag na siguro yung parang may middle man pa, na baka sa halip na makatulong, makagulo pa,” pagtatapat ni Juday.
“Yung contract ko naman sa Star Cinema, for five pictures pa, at kung umabot man ng sampung taon bago matapos ang five pictures na ‘yan, ganoon nga ang mangyayari, pero makakagawa ako ng pelikula sa labas anytime I like.
“Ganoon naman ang deal ko sa kanila,” nasabi pa niya.
NOT TALKING FOR RYAN. May pahabol pang isyu na isa pa sa ikinasasama ng loob ni Juday ay yun ngang hindi na raw si Ryan Agoncillo na boyfriend niya ang magho-host ng Pinoy Dream Academy, to think na nag-give up ito para sa “Pinoy Idol” nang malipat ang franchise nito sa GMA-7.
“Pagdating sa isyung ‘yan, ayokong magsalita, and I’m not naman directly concerned. Ryan is my boyfrien

Claudine Barretto and Judy Ann Santos sat side-by-side on The Buzz on April 27, both wearing white dresses and sharing the same sentiments about the long-talked-about rift between them.
“I think narito na kami sa level ng buhay namin na masaya na kami,” Claudine emphasized. “Siguro we’re more mature now. Kung dati hindi namin pinatulan (ang issue), I don’t see any reason kung bakit ngayon papatulan namin.”