The new face of pinoy entertainment
May 28th, 2008 at 11:51 pm
Posted by joemer in ABS-CBN, Box Office, GMA, KC Conception, Richard Gutierrez

KC, NAG-SHOOTING MAG-ISA!
Naghahanda na si direk Joyce Bernal para sa pag-alis nila nina Richard Gutierrez, KC Concepcion at production staff ng Star Cinema para sa shooting ng first team-up ng dalawa na may working title na “For The First Time,” sa Greece.  Ten days daw lamang silang magsu-shooting sa Santorini at Myconos at ang iba pa nilang shooting ay dito na gagawin. Naka-schedule ang first shooting day nila ng Wednesday, pero si KC daw lamang iyon at sa Tagaytay ang location nila.


May 28th, 2008 at 10:46 pm
Posted by joemer in ABS-CBN, GMA, KC Conception
KC CONCEPCION TATANGAPIN ANG ALOK NA DARNA NANG GMA7, KUNG WALANG
 IHAHANDA NA MAGANDANG PROYEKTO ANG DOS!!!

Marami ang nagaakala na ABS-CBN talent o artist anak ni Mega na si KC
 CONCEPCION. Ngunit napagalaman namin na wala pala itong kontrata sa
 naturang istasyon. By project lang daw di umano ang kontrata nito sa
 ABS-CBN. Kaya nagbabala di umano ang tumatayong manager ni KC na tatangapin
 nito ang proyekto na inaalok ng GMA NETWORK, kung hindi pa
 makakapaghanda nang magandang proyekto ang ABS-CBN para kay KC.

Ang Sa Amin Lang.. ay parang naiimpluwensyahan na talaga si KC nang mga
 Gutierrez, lalo na si Anabelle Rama. Dahil parang nagiging demanding
 na din ang dalaga. Ang sa amin lang ay sana hindi totoo ang balitang
 ito. Iyun na! Kayo ano masasabi ninyo???

JoKer DeTor
Showbiz Top i-News
http://joemer.blogetery.com

May 26th, 2008 at 1:31 am
Posted by joemer in ABS-CBN, KC Conception

 KC at Richard, mag duet sa theme song ng “When I met you”

Nauna nang pumirma ng movie contract sa Star Cinema si Richard Gutierrez para sa gagawin nilang pelikula to be directed by Joyce Bernal at may August 24 playdate. Kahapon, May 22, si KC naman ang pu­mirma ng kontrata sa GMA Films para sa Valen­tine’s Day movie nila ni Richard, written and directed by Joey Reyes at may title na When I Met You ng APO.

Kasama ni KC ang mga manager niyang sina Shirley Kuan at Sandra Chavez at present naman sina Annette Gozon-Abrogar, Noel Ferrer at Joey Abacan ng GMA Films. Naroon din si direk Joey at humabol si Annabelle Rama.

Nagpahayag ng katuwaan at excitement sina Richard at KC na finally, dalawang pelikula nila ang magkasunod na mapa­panood ng kanilang mga fans. Sa Sep­tember, sisimulan ni direk Joey ang shooting ng GMA Films movie na sobrang romantic at nakaka-in love raw at bawal sa may diabetes. Tamang-tama ito sa February 11, 2009 playdate at kung aayon sa takbo ng istorya at schedule ng dalawa, baka matuloy silang mag-shooting sa Paris, France.

Ang cute ng welcome speech ni KC na, “Hi, Kapuso! I’m really very happy na matutuloy na ang Valentine movie namin ni Chard. I’m excited and at the same time, honored to be working with him, with direk Joey, and with GMA Films. Thank you Chard for giving me the support and for convincing me that you’re the right leading man.”

Sobrang saya rin ni Richard na matutuloy ang Valentine’s Day movie nila ni KC, wild vision lang daw ito noong una, pero nagka-totoo, dahil na rin sa pagpayag ng ABS-CBN at GMA Films na magkasama sila ni KC.

“This is a very exciting day for me. Memorable and unforgettable expe­rience ito sa akin. Ipinag­laban namin ni KC na ma­tuloy ito at marami ring nag­dasal at gumawa ng pa­raan na matuloy ang project na ito. I’m sooo excited!” sabi ni Richard.

Dahil sobrang special ang project, pumayag si Richard na kumanta for the first time at may duet sila ni KC ng theme song ng When I Met You. Si­yempre, what’s a Valen­tine movie kung walang kissing scene? Pero sabi ni direk Joey, ’wag mu­nang pag-usapan ang tungkol doon.

* * *

Tinanong namin si KC Concepcion kung pag­katapos ng When I Met You ay posible siyang mag­karoon ng TV show sa GMA 7? Hindi ba’t bi­nuking ni Sharon Cu­neta na in-offer sa anak ang Darna? Positive pa nga ang dating kay mega­star sa nabanggit na project.

So, posible bang tang­gapin niya ang Darna?

“Hindi ko alam sa mga ma­nagers ko (tumingin kay Shirley Kuan), if I’m open to do Darna. It’s a big part of Pinoy pop cul­ture, sino ba naman ang ayaw maging part ng pi­noy pop culture? Kung okey lang kay Richard (Gutierrez). Siya kasi ang Captain Barbell,” tugon ni KC.

“It would be a dream come true,” naman ang sa­got ni Richard kung payag siyang si KC ang ma­ging Darna sa Cap­tain Barbell meets Darna.


May 26th, 2008 at 1:27 am
Posted by joemer in ABS-CBN, KC Conception

Pumirma na si KC CoKC Concepcion 8ncepcion ng kontrata sa GMA Films para sa Valentine movie nila ni Richard Gutierrez. At dahil ito ang unang pagkakataon na nakatapak si KC sa bakuran ng Kapuso network, hindi napigilan ng ilang press people na itanong – posible kaya na si KC ang susunod na “Darna?”

Kasama kasi sa plano ng GMA 7 na sabay paliparin sa primetime sina “Darna” na ginampanan noon ni Angel Locsin at si “Captain Barbell” na dating ginampanan ni Richard.

Minsan na rin nagpahayag si Mega Star Sharon Cuneta na gusto niyang mag-Darna ang kanyang magandang dalaga na si KC.

“Kung Ok lang kay Chard?,” tugon ni KC sa tanong ng media sa posibilidad na siya ang maging “Darna.”

“That will be a dream come true,” sagot naman ng aktor.

Aminado si KC na kabado siya sa unang pagtapak sa bakuran ng GMA network. Ngunit ang kaba ay napalitan ng excitement dahil sa mainit na pagtanggap sa kanya ng mga top executives ng Kapuso network.

Magkasama sina Richard at KC na pumasok sa Executive Board Room sa 16th floor ng GMA Network kung saan ginawa ang contract signing. Dito ay mainit na welcome ang ibinigay sa kanya ng top executives ng GMA Films na sina Atty. Annette Gozon-Abrogar, Joey Abacan, at Noel Ferrer.

Kasama rin sa contract signing si Direk Joey Javier Reyes na madidirek ng Valentine movie nina KC at Richard na may working title “When I Met You.”

Dahil mismong si Direk Joey ang nagbigay ng katiyakan na magiging “very sweet” ang gagawin nila movie, hindi maiwasan na biruin kung magkahulugan ng loob sina Richard at KC.

“I’m not closing my door or anything…lets see what will happen… we’ll take it step by step,” ayon kay Richard.

“We gonna have fun. We gonna rock and roll,” tugon naman ni KC.

Pero ano kaya ang pinakagusto ni Richard na parte ng katawan ni KC? At si KC kay Chard?

“Eyes and lips,” sagot ni gwapong aktor. “Eyes and lips,” tugon naman ni KC.


May 26th, 2008 at 1:00 am
Posted by joemer in ABS-CBN, GMA, KC Conception, Richard Gutierrez
KC and Richard taking it easy

 KC Concepcion A Boy named Richard...

KC Concepcion and Richard Gutierrez are both overjoyed to team-up in a movie for the first time. And what makes this project special is that they come from rival networks, ABS-CBN and GMA-7.

The actor confessed that it took many months before an agreement was reached by the two networks, but it was all worth the wait.

“I didn’t expect that this will happen. It was months and months of meetings,” he shared. “Pero hindi pa rin ako nawalan ng pag-asa, kasi hindi rin nawalan ng pag-asa si KC. And I think it’s a big leap in the industry and for KC and me.”

The film, which is also KC’s movie debut, is a collaboration between Star Cinema and GMA Films. Richard, who recently signed the one-movie contract under Star Cinema, confessed he was overwhelmed by the Kapamilya management’s warm welcome.

On her part, KC admitted that she is very glad that her partner is Richard in her first movie.

“I feel so much comfortable that it’s with Chard for my first film,” she shared, who confirmed that both of them will also fly to Greece to shoot some of the scenes there.

The beautiful actress gave a hint that she will also have her first kissing scene with Richard in this romantic-drama movie. 

“A love story is not complete without a kiss,” she giggled.

The two also clarified that they seldom go out on dates because of their hectic schedules, but adds that whenever they get the chance, they enjoy each other’s company. 

“I don’t wanna rush into things.  I wanna be settled if I’m gonna (pursue) KC, I want everything to be perfect,” Richard admitted.

KC reaffirmed this, saying they are both young and free and are enjoying their time together. She said that she likes Richard because of his good manners in treating people.

“It’s nice to have a set of good people around you in a way you wanted to be influenced,” she said.


May 26th, 2008 at 12:51 am
Posted by joemer in ABS-CBN, Angel Locsin, Claudine Barreto, Gabby Concepcion, Juday, KC Conception, Sharon Cuneta

Gabby’s Four Girls On His Four Films On Star Cinema!!!

Kapamilya

Nakatakdang gumawa nang apat na pelikula si Gabby sa Star Cinema.Napag
alaman namin na sa unang pelikula pala na gagawin nang 1980’s Hearthrob
na si Gabby Concepcion, ay love story ang concepto. Makakasama niya
dito ang isa sa mga reyna nang ABS-CBN na si Claudine Baretto. Ang
susunod naman ay family oriented story, na pagbibidahan niya at nang kanyang
anak na si KC Concepcion. Ang ikatlo naman niyang proyekto ay ang muli
nilang pagtatambal nang kanyang dating asawa na si megastar
Sharon
Cuneta (tentative lang kung papayag si Sharon. Kung hindi pumayag ay baka
kay Juday i-alok, ang naturang proyekto ). Ang ikaapat naman ay
pagbibidahan niya at ni Angel Locsin. Balitang love story din ito na may halong
comedy, parang May-December affair ang tema.

Mula po sa amin dito sa SHOWBIZZ TOP i-NEWS, ay walang takot po namin
sasabihin, pagkat ang sa amin lang ay exciting ang mga proyektong
gagawin ni mr. Gabby Concepcion. Mukhang real comeback, talaga ang
mangyayari. Wish lang namin, na sana bumalik ang ningning niya gaya noong binata
pa siya. We heard na may teleserye pa siyang ginagawa. July ang start
nang airing nito sa PRIMETIME BIDA ng ABS-CBN.


May 26th, 2008 at 12:47 am
Posted by joemer in ABS-CBN, Angel Locsin, Angelica Panganiban, Anne Curtis, Bea Alonzo, Bianca Gonzales, Christine Reyes, KC Conception, Kristine Hermosa, Marian Rivera, Mariel Rodriguez, Ruffa Mae Quinto, Toni Gonzaga, roxane Guinoo

STi-N Sexiest Female In The Philippines!!!

Gumawa kami nang survey, mula sa Luzon, Visayas at Mindanao. 352 katao
mula sa Mindanao, 356 katao mula naman sa Visayas at 496 katao naman
mula sa Luzon. Nagbigay sila nang top 5 sexiest female nila. Pagkatapos
ay tinally namin ang boto nila at ito ang lumabas.

20. Dina Bonivie
19. Riza Santos
18. Paulene Luna
17. Michelle Madrigal
16. Valerie Concepcion
15. Mariel Rodriguez
14. Ruffa Mae Quinto
13. Roxanne Guinoo
12. Luningning (ASF Dancer)
11. Angelika Panganiban
10. Bangs Garcia
  9. Ehra Madrigal
  8. Kristine Hermosa
  7. Marian Rivera
  6. Christine Reyes
  5. Bea Alonzo
  4. Anne Curtis
  3. Katrina Halili
  2. KC Concepcion
  1. Angel Locsin


May 18th, 2008 at 10:15 pm
Posted by joemer in ABS-CBN, KC Conception

Ano itoooo?! SABI NI DIREK LINO SA AKIN, NEVER SILANG NAG-BREAK NI KC!

Totoo kaya ang bulong sa akin ni Direk Lino Cayetano na sila pa rin daw ni KC Concepcion hanggang ngayon?
Minsan kasi ay nasalubong ko si Direk Lino at tinukso ko kay KC. Kasi ang buong akala ko, nagliligawan na sila ni Richard Gutierrez, kaya sinabihan ko si Direk Lino na sayang din ang relasyon nila ng dalaga ni Sharon Cuneta.
Bumulong si Direk Lino sa akin na sila pa rin daw naman ni KC at never silang nag-break! Naku, ha? Ano itooooo?! Na-shock naman ako dun!
Ewan ko lang, ha? Pero iyun ang sabi niya sa akin, kaya tingnan na lang natin kung aaminin ito ni KC paglabas ng kolum kong ito!
Si Sharon naman ay ayaw sagutin ang mga ganung personal na isyu sa anak niya dahil malaki na raw ito, kaya mabuting si KC na lang daw ang tanungin. Hindi na raw niya pinapakialaman ang anak niya pagdating sa mga ganung bagay.
Tingnan na lang natin kapag nagsimula na ng shooting sina Richard at KC ng kanilang pelikula, baka makipag-break na ito kay Direk Lino nang tuluyan.

MARK-LIAN, NAGBALIKAN!

KUNG tatanungin ko ang alaga kong si Mark Herras kung nagkabalikan na ba sila ng EB Babe na si Lian Paz, siyempre, magdi-deny ‘yan. Kaya tingnan na lang natin kung totoo itong naririnig ko tungkol sa dalawa.
Madalas daw silang nag-uusap ngayon o di kaya nagti-text sa isa’t-isa, kaya pinagdududahan tuloy na baka may balikang nangyari.
Sabi lang ni Mark, okay lang daw sila ngayon at wala naman daw masama kung may komunikasyon pa rin sila. Pero hanggang friends lang daw talaga dahil nakarating na rin yata sa kanya na si Direk Jeff Tan na raw ngayon ang boyfriend nitong si Lian.

REGALO NINYO SA BIRTHDAY KO!

NGAYON pa lang ay nagsisimula na akong tumanggap ng regalo para sa aking kaarawan sa May 20. Maraming salamat sa lahat ng nakaalala. Ang ibang mga alaga ko naman at malalapit na kaibigan ay pinagsabihan ko na kung ano’ng type kong regalo, kaya hindi na sila nahihirapan mag-isip. Karamihan naman mga lafang dahil gusto ko maraming kalafangan sa birthday ko.
Ang laging tanong sa akin ng mga bakla, may birthday wish pa ba daw ako? Kapag para sa sarili ko, siguro wala na. Ang wish ko uli ngayon ay para kay Rudy Fernandez: Na lalong lumalakas ang pananampalatayang kaya niyang labanan ang karamdaman niya ngayon. Nawa’y tuluyan na ngang maka-recover si Daboy sa kanyang pinagdaraanan.
Wish ko rin na lalong mabigyan ng lakas si Lorna na patuloy na nagsisilbi at talagang hindi iniiwan ang asawa niya.
Naniniwala si LT sa himala, kaya humihingi pa rin sila ng dagdag pang dasal na malagpasan nila ito lahat.


May 18th, 2008 at 9:32 pm
Posted by joemer in ABS-CBN, GMA, KC Conception, Richard Gutierrez

GMA Films may big announcement din tungkol kina Richard at KC

TOMORROW ang announcement naman ng side ng GMA Films.

Today lahat ang dating ng tatlong pinakaimportanteng components ng special announcement na gagawin tomorrow — si Richard Gu-tierrez from Dubai, KC Concepcion from France and An-nette Gozon-Abrogar, president of GMA Films, also from Europe if we’re not mista-ken.

Bukas, magkikita-kita ang tatlo para sa announcement ng GMA Films about the Richard-KC team up af-ter ABS-CBN announced theirs two weeks ago.

This is the compromise deal kung bakit napapayag si Richard, isang exclusive GMA Films talent, na pumirma ng one picture deal with Star Cinema.

This time nga, ang film arm naman ng Kapuso network ang magbibigay ng kanilang announcement, and this completes the series of special announcement na una naming isinulat dito na walang ka-clue-clue para ma-surpresa ang lahat.

Basta it has something to do with Valentine 2009 and will keep you posted.


May 16th, 2008 at 4:58 am
Posted by joemer in ABS-CBN, GMA, KC Conception, Sharon Cuneta

Sharon Cuneta still against “Dear Heart” remake; GMA offers KC the role of Darna

Sharon Cuneta still against

After the presscon ng Caregiver ng Star Cinema kagabi, May 14, sa Studio 1 ng ABS-CBN, pumayag si Direk Chito Roño na mag-stay pa ng ilang minutes si Sharon Cuneta para ma-interview ng entertainment press kahit may shooting pa ang Megastar ng ilang eksena nila sa pelikula.

Maraming sinagot na mga katanungan si Sharon tungkol sa Caregiver, ang pagse-celebrate niya ng 30th year sa show business, at pati na ang tungkol sa ex-husband niyang si Gabby Concepcion kahit na may pakiusap na before the presscon na wala na sanang questions about Gabby.

“DEAR HEART” REMAKE. Isa rin sa itinanong kay Sharon ay tungkol sa napabalitang paggawa ng movie ng eldest daughter ni Robin Padilla na si Queenie sa Viva Films. Ang unang pelikula raw na gagawin ni Queenie ay ang remake ng Dear Heart, na kauna-unahang pelikula ni Sharon opposite Gabby.

“Ngayon ko lang nalaman na si Queenie ang gagawa nun,” nagulat na sabi ni Sharon. “Pero ayoko pa ring ipagawa ‘yon kahit kanino, kahit pa sa isang prinsesa. Si KC [Concepcion, Sharon's eldest daughter] lang ang may karapatang gumawa nun. Pero she’s 23 na, kaya hindi na rin puwede, and it upsets her. I was only 15 nang gawin ko ‘yon. Kung gagawin ang Dear Heart you have to create a unique kind of magic for this generation.

“Ang ganda-ganda namang bata ni Queenie and, of course, I love Robin. Ang tawagan nga namin niyan, ‘kambal,’ because we’re very similar. Of course, Robin is very smart… I’m not saying I’m smart, pero ‘yong jokes niya, whenever we see each other, it always synch. Hindi lamang talaga nag-synch ‘yong mga balak niya sa buhay sa mga balak ko naman sa buhay ko. Who’s gonna make the remake daw?”

Sinabi sa kanya na ang dating niyang home studio na Viva Films ang mag-remake nito.

“If Viva will remake it, it will break my heart. Kahit sino pang artista, hindi porke anak ni Robin. It will break my heart, because Dear Heart is… That’s one in a lifetime thing,” pagtatapat ni Sharon.

Matatandaang hindi rin sinang-ayunan noon ni Sharon ang planong si Sarah Geronimo ang magbibida sa Dear Heart. Hindi na rin natuloy ang naturang plano.

Kung sina KC at Richard Gutierrez ang gagawa ng remake ng Deart Heart, papayag ba si Sharon?

“As I’ve said, I was only 15 nang gawin ko ‘yon and KC is now 23. Hindi na bagay sa kanya,” saad ng Megastar.

Biro ng ilan, hihintayin na lang ba ng Viva Films ang anak niyang si Frankie para matuloy ang remake ng Dear Heart?

“Hindi rin, wala naman siyang koneksiyon sa tatay nun!” natatawang wika ni Sharon. Si Frankie ay anak ni Sharon sa second husband niyang si Senator Francis “Kiko” Pangilinan samantalang si KC ay anak ng Megastar kay Gabby Concepcion.

POSSIBLE PROJECTS WITH ROBIN & RICHARD. How about a project with Robin?

“My God, we’ve been talking about the project for two years now!” sabi niya. “Nakapag-meeting na kami ng ilang beses, but for some reasons, di pa natutuloy. Parang may laging unang nabubuong script, pero siyempre nagtatrabaho din kami, hindi naman kami puwedeng maghintay forever. Tapos dumating nga ang project na ito, ang Caregiver.”

May susunod na ba siyang project aftre Caregiver?

“Yung susunod na project, pagmi-mitingan pa after we promote this movie. Ewan ko kay Tita Malou [Santos of Star Cinema].”

Totoo bang may gagawin silang movie ng dati niyang boyfriend na si Richard Gomez?

“Hindi ko pa rin alam, but those movies are set to be done,” sagot niya. “But hindi ko pa talaga alam kung ano ang exact na project, kung sinu-sino talaga ang makakasama ko. So unless Star Cinema announces something, it’s hard for me to say.”

KC AS DARNA? Naitanong din kay Sharon kung totoong in-offer ng GMA-7 ang role na Darna kay KC para sa pagbabalik nito sa telebisyon via Captain Barbell Meets Darna, kung saan si Richard Gutierrez ulit ang gaganap na Captain Barbell.

“Yes, she’s been offered,” pag-amin ng Megastar. “But I’m not so sure if she is committed. What I know is that she will do the movies first, and I think that’s the best decision.

“Nakakatuwa, but can I tell the truth? I guested noon in Captain Barbell [of Edu Manzano and Herbert Bautista] as Darna, because that was the intro sana to what was the full-length movie of Darna na ako na ang gaganap. So people are waiting. Pero ako na ang nakiusap na huwag nang ituloy.

“Ang hirap kasi noon, hindi katulad ngayon na maganda ‘yong mga harness na ginagamit. Noon, four days lang akong nag-shooting as guest, napakasakit talaga sa katawan ‘yong mga bakal na pinagsasabitan sa akin. Bakal as in bakal talaga, kaya hindi ko na ginawa!” natatawang pagtatapos ni Sharon.


May 16th, 2008 at 4:49 am
Posted by joemer in ABS-CBN, KC Conception, Sharon Cuneta

 Sharon raring to do movie with KC, not so with Gabby

Actress Sharon Cuneta, known as the Philippines’ “Megastar”, can’t wait to make a movie with her eldest daughter KC Concepcion–but she’s thankful that no film project is being prepared for her and KC’s dad, her ex-husband Gabby Concepcion.

“I’m looking forward to make a movie with my daughter actually. I’m sure she’s gonna do very well. She has a  three-picture contract with Star (Cinema). So she’s gonna start the ball rolling then, maybe up to that,” Cuneta added.

Sharon has repeatedly said in interviews that she’s afraid that any movie she will co-star in with Gabby will spark rumors about their past–as well as insinuations about what their present relationship is.

Being a veteran of showbiz intrigues, Sharon said any rumors about her and Gabby at this time might hurt her present family.

“Tama ‘yung decision niya at saka ng managers niya na huwag  munang ma-associate with me or her Pa (Gabby Concepcion) you know, the usual na ini-expect,” Cuneta told abs-cbnNEWS.com during a press conference for her Nestle Ice Cream commercial held at  Annabel’s Restaurant in Tomas Morato.

KC (Maria Kristina Cassandra Cuneta Pangilinan in real life) is legally adopted by Sharon’s present husband, Senator Francis Pangilinan. KC, however, uses her biological dad’s family name as her screen name.

Sharon has two daughters with Senator Pangilinan.

Up to KC

Sharon said that KC is old enough to decide whether she wants to star in a film with her biological father.  “It’s up to her also if she wants to do a movie with her Papa so no problem,” Cuneta said.

Recently, KC said that she prefers to do a film first with her mother. Sharon said that she feels good about KC’s statement.

“I’m so touched naman by her. Because I really taught her naman to love and respect her Papa. And she remembers that anything that happened between me and her Papa was not her fault at all. It’s different ang relationship ng asawa at mag-ama, so iba yon.

“But I’m very proud of her for saying that. At siyempre bilang nanay pumapalakpak ang tenga ko… Siguro naman even her Papa will agree na dapat lang naman, parang mommy mo kaya ang naghirap sa iyo. I’m very secure, we are crazy about each other, me and KC,” Cuneta said.

Last April 30, a teary-eyed KC signed a three-movie contract with the ABS-CBN’s movie outfit Star Cinema

KC’s first ever film will be a light romance flick to be directed by Joyce Bernal.

KC’s first leading man is GMA-7 contract star Richard Gutierrez, in a casting coup that set aside the rivalry between the two networks.


May 14th, 2008 at 5:27 am
Posted by joemer in ABS-CBN, KC Conception, Sharon Cuneta

 Sharon says KC, Richard are just friends

Megastar Sharon Cuneta said her daughter KC Concepcion and actor Richard Gutierrez are just good friends.

Cuneta made the statement in response to reports that Concepcion and Gutierrez are now partners on and off the screen. The two will star in an upcoming movie by Star Cinema.

“It is her first movie. She’s nervous but excited. And she’s happy to be working with Richard, who she is not dating by the way. They are good, good friends. I’m proud to say that they have good, good heads on their shoulders,” Cuneta said.

“They know their priorities that’s why lalo kong nirespeto si Richard. They know that it is not the right time to get into anything so they are friends,” Cuneta added.

When asked if she will allow Richard to court her daughter, Cuneta said, “Oo. Anak ni daddy groovy ko iyan at saka ni Tita Annabelle at kung siya ay kasing disente ni Tonton wala akong problema sa buhay kung sila.”

Proud mother

Cuneta is proud that her daughter is making her own mark in the world of showbusiness.

“Ako I’m very happy proud and happy. I made it very clear from the beginning that there’s a very clear distinction between KC’s career and my career. We are not a package deal- never were and never will be.

“Ang dali-dali to do a movie with your daughter and we always encouraged and supported yung kagustuhan niyang to make her own mark and make a name for her self and get out of the shadow of her mom, papa, dad,” she said.

She is also happy that her daughter has taken on the role of being a celebrity like a natural.

“She has done it successfully first as an endorser and I’m glad actually that she’s enjoying herself which she really had no choice. She had no choice between staying, becoming a private person and being a celebrity.

“She became a celebrity from the moment she was conceived so I’m happy that she’s enjoying it. She just embraced it I think,” Cuneta said.

She said her daughter does not take her celebrity status for granted.

“It makes me feel very happy na although KC has been known since she was little, she knows she has a lot to prove,” she added.


May 14th, 2008 at 5:01 am
Posted by joemer in ABS-CBN, GMA, Heart Evangelista, KC Conception, jericho rosales

 NAKU, KUNG SI ANGELI ANG MANAGER NI KC…LAOS NA SIYA NGAYON!

WALANG kaabog-abog biglang pumutok ang balitang hiwalay na nga  sina Heart Evangelista at Jericho Rosales, kasabay nito ang paglipat ng dalaga sa GMA 7. Mabilis ang pangyayari dahil sa paghihiwalay ng dalawa agad naman lumipad patungong Dubai ang dalaga para mag-taping kasama si Richard Gutierrez na pilit na agad na nili-link sa kanya.
     Nang magbigay ng pahayag si Heart na break na sila ni Echo, nagulat na lang ang binatang-ama sa balita. Nasa Malaysia ng mga sandaling ‘yun ang aktor at nagte-taping ng isang teleserye katambal ang isang Malaysian actress. Hindi man lang sila nakapag-usap tungkol sa issue ng hiwalayan. Bakit naman kung kailan wala sa tabi niya si Jericho, biglang nag-desisyon ang dalaga na iwanan na niya ng tuluyan ang actor?
     Nagising na nga ba sa katotohanan si Heart na hindi sila puwedeng mabuhay sa pag-ibig lamang?! Wala naman sumang-ayon sa kanilang matamis na pag-iibigan. Alam naman nating tutol ang pamilya ng dalaga sa relasyon nila ni Echo. Nang maging sila na nga, hindi tinanggap ng publiko ang kanilang tambalan, naghilahan sila paibaba. Hindi ba’t sumisid paibaba ang rating ng “Panday” na una nilang pinagsamahan? Sa teleseryeng ito nagsimula ang kanilang pag-ibig at dito rin nagsimulang nagka-buwisit-buwisit ang nasabing palabas. Nagkaroon pa nga daw ng  hindi pagkakaunawaan sa pagitan nina Jericho at Mr. Johnny Manahan dahil kay Heart Evangelista. Nagpalitan daw ng masasakit na salita ang dalawa, kaya nga hindi  agad nasundan ng project si Echo sa bakuran ng ABS CBN. Naging suwail daw ito, kaya hindi na ni-renew ang kontrata niya sa  Dos.  Agad namang sinunggab ni Angeli Pangilinan ang pagkakataon para i-manage ang actor and at the sametime, si Heart.
     Isa pa itong si Angeli, wala naman siyang artistang  hinawakan na sumikat talaga! ‘Pag kinukuha nga niya na dating sikat o papasikat, biglang nalalaos at nawawalan ng career! Buti nga, si KC Concepcion, kahit anong himok niya noon sa hipag na si Sharon Cuneta, hindi ibinigay sa kanya! Siyempre, sa tagal ni Sharon sa showbiz, alam niyang sa tamang manager dapat mapunta ang anak niya. Naku, kung si Angeli ang manager ni KC ngayon, malamang ‘di pa siya sikat, laos na siya agad ngayon! Nega rin kase sa lahat si Angeli, eh. Dapat ‘pag manager ka lovable ka sa lahat! Akala kasi ni Angeli makakapagpasikat siya sa estilo niyang gift certificate lang ng Shoemart ang ibinibigay sa press na tumutulong sa publicity ng mga alaga niya sa Genesis, nagkakamali siya! Alam na alam mong kumikita nang husto ang talent thru publicity, tapos kukuriputan mo, magkamal ka lang ng salapi sa mga talent na kawawa naman dahil puro nawalan na talaga ng career!
     SA aming obserbasyon, mas pinili ni Heart ang kanyang showbiz career na ilang taon din naman nanamlay same with Jericho. Wala naman naitulong si Angeli sa career nila para manumbalik uli ang dati nilang kasikatan. Mabuti nga kung na kay Anabelle Rama na ngayon si Heart na kahit sabihing supladita si Tita Annabelle kung minsan, alam mong sa puso niya’y likas siyang mabait at talagang nakapagpapasikat at nabibigyan ng trabaho ang talent. Naku, Jericho, mag-isip-isip ka na kung sinong puwedeng mag-manage sa iyo na baka masagip pa ang pagkalaos mo? Bakit ‘di ka kaya lumapit kay Lito De Guzman, tutal nagsi-singer-singeran ka na rin at nang maisama ka sa mga concert ng Baywalk Bodies na talagang napasikat nang husto ni Lito, higit pa sa kasikatan ninyo ni Heart!
     Kung si Heart naging maluwag sa loob niya ang pag-iwan kay Jericho dapat siguro tanggappin na rin ni Echo na hindi sila para sa isa’t isa. Kailangan na rin mag-move ni Jericho at mag-concentrate sa kanyang movie career. Tantanan na muna ang pagkanta-kanta kung saan-saan na wala naman kawawaan. Alam natin malaki ang maitutulong ng “Kapamilya” network kung bukal sa puso niya ang paghingi ng tawad sa mga pagkakamali niya in the past. Sigurado kaming muling iaangat ng Dos ang naghihingalong career ng aktor.


May 10th, 2008 at 2:49 am
Posted by joemer in ABS-CBN, Angel Locsin, Juday, KC Conception, Kris Aquino, Sharon Cuneta

Sino ang Commercial Queen???

NAPANSIN naming iilang artista na lang ang kinukuha para mag-endorso ng produkto. The same faces ang napapanood namin sa telebisyon, nakikita sa billboard, at sa print ad, naiiba lang sa produktong inilalapit nila sa consumers para bilhin.
    May pinaka-maraming endorsements ngayon sina Sharon Cuneta, Kris Aquino, Angel Locsin, KC Concepcion at Judy Ann Santos. Minsan, sa isang commercial gap, puro endorsements nila ang pinalalabas, nakakaloka!
    Si Judy Ann, ratsada sa iba’t ibang product endorsements and there was a week na dalawa ang inil-launch niyang TVC o TV commercial at sabi ni Alfie Lorenzo, marami pa ang darating.
    Of course, hindi nagpapatalo sina Sharon at Kris na magugulat ka na lang at may bago kang mapapanood na TVC. So, sa palagay ninyo, sino ang bagong TV Commercial Queen?


May 10th, 2008 at 2:35 am
Posted by joemer in ABS-CBN, John Lloyd Cruz, KC Conception, Richard Gutierrez

RICHARD GUTIERREZ, PANAKIP BUTAS KAY JOHN LLOYD!

Tuloy na tuloy na diumano ang gagawing pelikula nina RICHARD GUTTIEREZ at KC CONCEPCION. Tiyak na pakaaabangan ito ng kani- kanilang mga tagahanga sa hindi lang sa Pilipinas kundi sa buong mundo. Marami rin ang nag-aabang kung ito na nga ba ang senyales upang magkasundo ang dalawang higanteng network, ang ABS-CBN at GMA 7. Gawin bang pain ang dalawa upang magkasundo, huh?! Well, habang nariyan ang ABS-CBN at GMA 7, hindi mawawala ang competition, lalo na sa pagpapataasan ng ratings ng mga programa, ‘di ba? Samantala, hindi raw diumano si RICHARD GUTTIEREZ ang unang napisil ng Star Cinema para makatambal ni KC, kundi itong si JOHN LLOYD CRUZ. Ngunit napag-isip-isip daw ng ilan sa mga namumuno ng pelikula na mas maganda kung si RICHARD GUTTIEREZ ang itambal kay KC para may ibang karisma naman o ibang timpla ang mapapanood ng mga fans nila. Hmmmnn… ano ‘yan kape? Kaya daw hindi natuloy na si JOHN LLOYD CRUZ ang makapareha ni KC ay dahil hindi daw diumano maganda ang tandem ng dalawa. Baka masayang lang ang pinagpaguran! So, panakip-butas lang si Richard kay John Lloyd!?


May 10th, 2008 at 2:28 am
Posted by joemer in ABS-CBN, Billy Crawford, KC Conception

KC Concepcion Isa Sa Mga Dahilan Nang Paglipat Ni Billy!!!

FROM A SOURCE, nalaman naming hindi lang ang mapanood siya sa TFC o The Filipino Channel ng ABS-CBN, kaya tinanggap ni Billy Crawford ang offer ng network for him to host Pinoy Dream Academy. Kasama na rin sa kanyang mga rason ang makasama sa trabaho si KC Concepcion na naging kaibigan niya noong nasa Paris sila pareho.
     Well, matutuwa si Billy, dahil kasama pala sa kontrata niya sa Ch. 2 ang show na pagsasamahan nila ni KC. Hindi lang nilinaw sa amin kung anong klaseng show ito at medyo matagal pa naman at uunahin ng Fil-Am singer ang PDA.


May 10th, 2008 at 2:26 am
Posted by joemer in ABS-CBN, GMA, KC Conception, Richard Gutierrez

RICHARD-KC, PAREHONG DI MARUNONG UMARTE!
                                               
       IT’S PRETTY obvious now na pati ang kampo ni KC Concepcion ay gumawa rin ng paraan na sa pagpirma niya ng three-picture contract sa Star Cinema ay magkakasama sila ni Richard Gutierrez sa pelikula. Si KC na rin mismo ang nagsabi during our interview na ipinaglaban nila ang possible team-up nila ni Richard.
       Pero ngayon pa lang may mga comments na kailangang hasain pa ng husto nina KC at Richard ang kanilang akting. Marami na ang nakakapansin sa ‘di pag-angat ng lebel ng akting ni Richard kahit naka-ilang teleserye na siya sa GMA7. Samantalang si KC  ay harap-harapang nakarinig ng comment from the entertainment press na very theatrical ang kanyang akting. Kaya baka raw dapat pigain ang dalawang ito kapag inumpisahan na nila ang shooting ng movie nila sa June under Star Cinema.
       “I love it! Ibig sabihin, pwedeng stage, pwedeng TV, pwedeng pelikula. Kapag nag-improve ako, syempre nako-conscious pa rin ako. Oo nga, maganda nga ‘yun, e. Kasi at least, nalalaman mo. Kasi pag lahat ng tao naga-agree lang tapos puro na lang positive, ay, ano na ang mangyayari sa ‘yo? Hindi ka na magi-improve. E, di magtago ka na lang sa bahay,” very objective na sagot ni KC.


May 10th, 2008 at 2:22 am
Posted by joemer in ABS-CBN, GMA, KC Conception, Marian Rivera, Piolo Pascual, Richard Gutierrez

 Piolo Hininging Kapalit Ni Richard Gutierrez, Nang GMA Films!!!

KINUMPIRMA NAMAN NG GMA Films na pumirma na si Richard Guiterrez ng one-picture contract sa Star Cinema at tuloy na nga ang pelikulang pagsasamahan nila ni KC Concepcion. Sabi ko na nga eh! Ito na siguro ang tsika sa akin na ginagawa na raw ngayon ni Joey Reyes ang script para sa pelikula ng dalawa at gagawin daw ito sa Paris na ididirek ni Joyce Bernal.

Nasa Europe pa si Anette Gozon-Abrogar ng GMA Films, pero may representative sila nang pumirma si Richard sa Star Cinema. Hindi nga daw ito co-production nila sa Star Cinema, pero may kapalit daw itong pagpirma ni Richard sa kanila.

Narito nga ang text ni Noel Ferrer ng GMA FiIms bilang statement sa naturang pirmahan: “As we all know, we at GMA Films originally wanted a co-production arrangement with Star Cinema for the Richard-KC movie. But, what we came up with a compromise agreement. Dahil po ito ang hiling, at hiling na rin nina Richard at KC—matutuloy po ang Richard-KC movie. Pero ito po ay isang special arrangement na may katapat na deal sa GMA Films. Abangan na lang po nating ang magandang balita pagbalik ni KC sa Paris, ni Richard sa Dubai at ni Ms. Annete Abrogar of GMA Films mula sa Europe para sa special announcement.”

Ang special announcement na sinasabi nila, ito daw ang pelikulang pagsasamahan naman nina Piolo Pascual at Marian Rivera. Bale si Piolo ang pampalit ng Star Cinema sa pagpirma ni Richard sa kanila.

Maganda din ito kung sakali. Marami pa naman ang nagsasabing magandang kumbinasyon din ang kina Piolo at Marian. Kaya palagay ko ito ang gagawin ng GMA Films pagkatapos ng Richard-KC movie.


May 10th, 2008 at 1:56 am
Posted by joemer in ABS-CBN, Aga Mulach, Ai Ai Delas Alas, Angel Locsin, Angelica Panganiban, Anne Curtis, Bea Alonzo, Bianca Gonzales, Billy Crawford, Blind Items, Box Office, Christine Reyes, Claudine Barreto, Dennis Trillio, Diether Ocampo, Dingdong Dantes, Dino Imperial, GMA, Gabby Concepcion, Gerald Anderson, Gretchen Baretto, Heart Evangelista, Jake Cuenca, Jay-R, John Lloyd Cruz, John Pratts, Jon Avilla, Juday, KC Conception, KIMERALD, Kim Chui, Koreanovelas, Kris Aquino, Kristine Hermosa, LOBO, Maja Salvador, Marian Rivera, Mariel Rodriguez, NUTAM, Naruto, PBB, Piolo Pascual, Ratings, Richard Gutierrez, Ruffa Gutierrez, Ruffa Mae Quinto, Ryan Agoncillo, SCANDALS, Sam Concepcion, Sam Milby, Sarah Geronimo, Shaina Magdayao, Sharon Cuneta, Studs, Toni Gonzaga, Uncategorized, Willie Revilliame, jericho rosales, pokwang, rayver cruz, regine Velasquez

Okey na po ulit ang mga comment box namin… Pede na ulit kayong mag post nang comments nyo…. please post a comment on each article na mababasa nyo… para naman ganahan kami na mag post nang maraming news, para sa inyo… thankz!!!

saka survey lang gusto nyo bha magkaroon tayo nang Showbiz news na foreign??? send nyo lang sa sti_n23@yahoo.com kung gusto nyo… okey???


May 10th, 2008 at 12:13 am
Posted by joemer in ABS-CBN, KC Conception, Sharon Cuneta

 KC guests on ‘Sharon’ Mother’s Day Special

Hot young star KC Concepcion will celebrate Mother’s Day with mom megastar Sharon Cuneta on Sunday, May 12, on “Sharon”. For the first time since KC formally joined the world of showbiz, she visits her mom’s show and reveals the importance of the Megastar in her life. 
 
“How much do I love my mommy? My God she is the most important person in my life,” KC told abs-cbnNEWS.com.

“And even professionally I dedicate all my projects for her. I just want to be the best daughter for her, to show how much I love her, that despite of some silly things I’ve done, I’m here trying to fix my life,” KC added.

The actress shared some of her most memorable moments with her mom, like their out of town vacation.
 
“Marami iyong mga out of town namin sa Thailand sa Chiang Mai, pag-shopping namin bilang mag-ina, spa, iyong mga bonding mments namin na ganoon iyong mga out of town at ng bata po ako,” She added.

KC also said that she will never forget her mother’s effort to attend her school’s Parents Teachers conferences and other school activities despite of her busy schedule.

“Pumupunta siya sa parents teachers conference na naka-jeans at polo shirt kahit busying busy siya at wala pa siyang tulog.”

She also shared that her memorable gift for Sharon was a song she wrote almost three years ago that she also sang for her mom’s past show.

KC had this Mother’s day message to Sharon: “Thank you for raising me thank you for being a wonderful mom at huwag na huwag mong kakalimutan na mahal na mahal kita at ako ang panganay mo.  Wala ka nang ibang panganay kung hindi ako lang at wala din akong ibang nanay kung hindi ikaw lang. So tayong dalawa na lang palagi.”
 
Actor Derek Ramsey takes on the role of guest host and interviews the superstar mom and daughter, discovering similarities between the two.

Sharon also reveals how she treats KC’s former boyfriends, and how she copes with her daughter’s adventurous nature.

Also Sharon’s aunt, actress and singer Helen Gamboa–who is practically a second mom to Sharon–and Helen’s daughter Lala Sott will guest on the show to reveal hilarious anecdotes about the Megastar. 

And to complete the celebration, Senator Francis “Kiko” Pangilinan, and daughters Frankie and Miel, will surprise Sharon with a special Mother’s Day gift.
This special Mother’s Day episode of “Sharon” airs on Sunday, May 12, after “Pinoy Big Brother Teen Edition Plus”.


May 5th, 2008 at 11:53 pm
Posted by joemer in ABS-CBN, GMA, KC Conception, Richard Gutierrez

 A hit or a miss? KC Conception- Richard Gutierez Tandem

So it’s confirmed.

Richard Gutirez will do one-picture deal with Starcinema (movie outfit of ABSCBN). Sa tagal ng pag-uusap nito, eh sa wakas pinayagan ng GMA si Richard to do a movie with Starcinema.

Kailangan pa bang itanong who’ll be the lucky lady—it’s KC Conception. Yes, bale ito ang unang gagawing movie ni KC with her three-picture deal sa Stacinema. Actually hindi inaasahan na matutuloy ang pagtatambal ng dalawa kasi naman they are torn between warring networks (GMA & ABSCBN). Si Bb. Joyce Bernal ang director (one of the box office director on movies and tv sa bansa) ng pelikula so inaasahan ng lahat na magiging hit ito.

Sa ating ka-showbiz bureau, you decide kung ang “dream loveteam” KC- Conception and Richard Gutirez tandem with their first movie together will be a hit or a miss?

i bet, it’s a hit.


May 5th, 2008 at 11:39 pm
Posted by joemer in ABS-CBN, GMA, KC Conception, Richard Gutierrez

ANNABELLE RAMA, ‘DI MAKATULOG DAHIL SA KABA KINA RICHARD GUTIERREZ AT KC CONCEPCION

Pinatunayan nina KC Concepcion at Richard Gutierrez na walang imposible! Dahil sa kabila ng dalawang higante at magkalabang networks na kanilang kinabibilangan ay nagawa nilang pagsamahin ang mga ito para sa kanilang natatanging proyekto.

Magtatambal sa unang pagkakataon sina Richard at KC sa pelikula ng Star Cinema. Ito rin ang first movie ni KC kung si Direk Joyce Bernal naman ang kanilang magiging direktor sa isang light comedy romance.

Pero sino kaya ang masusunod about the project? Who calls the shot, ‘ika nga? At ano ang naging demands ng isa’t isa para magpahayag silang magsanib-puwersa?

“Ipinaglaban naming dalawa (Richard) ito. Hindi po namin ini-expect na posible, pero walang imposible. At gusto rin po naming malaman ng mga tao na ang kanilang mga kahilingan, pinagbibigyan po namin.” Nagsalita rin ang butihing ina ni Richard Gutierrez na si Annabelle Rama tungkol sa nasabing project.

“Bale one movie contract, ‘yung pinirmahan ko. Kaya sa mga fans nina Richard at KC, tuloy na ‘yung movie nila.” naging pahayag ni Tita Annabelle.

Samantala, hindi rin daw naging ganu’n kadali ang katuparan ng nasabing pelikula.

“One month na ‘to nangyari na usap-usap, GMA at saka Star. Maya’t maya, usap na naman, kami naman ni Malou (Santos), tapos kami ni Annette (Gozon-Abrogar).

“Dumaan kami sa butas ng karayom bago kami napagbigyan ni Annette. Haping-happy ako, ‘Day, ‘no!

“Ang tensiyon ko, nawala na. Kasi lagi akong ‘di makatulog. Ilang manghuhula na ang tinatawagan ko, tuloy daw talaga.

“Tapos, pumunta ako ng Cebu sa Taoist, nagtapon ako ng bato, 3 beses nagsabi ng yes. Kaya alam kong matutuloy talaga ang movie na ito,” ‘kaaliw na chika ni Tita Annabelle.

At sana nga, tulad ng inaasam nina KC at Richard, ang pagsasama nila at ang kanilang pelikula ang maging daan para matapos na ang networks war, ‘di ba?

‘Pag nagkataon, ‘yun ang talagang bonggang-bongga!

Halaw sa Diyaryong Bulgar mula sa panulat ni Liza Endaya


May 5th, 2008 at 3:12 am
Posted by joemer in ABS-CBN, GMA, KC Conception, Richard Gutierrez

 Richard-KC Valentine movie sa GMA Films

KUMPIRMADONG pumirma na nga ng one-picture contract si Richard Gutierrez sa Star Cinema last Friday na pilit pinagkakalihim-lihim ng Star Cinema pero naglabasan din.

Pumirma si Richard ng kontrata para sa isang pelikulang pagsasamahan nila ni KC Concepcion.

Unang ibinalita ng TV Patrol World nu’ng Friday night ang contract signing. Kasamang pumirma ni Richard ang kanyang inang si Annabelle Rama.

Present din sa naturang pirmahan ang managing director ng Star Cinema na si Malou Santos at ilang executives ng ABS-CBN.

Wala pang detalye kung paano nabuo ang negosasyon dahil hanggang ngayon ay nananatiling tikom ang bibig ng mga taga-Star Cinema kaya’t marami ang nagtatanong kung co-prod ba ang Richard-KC movie ng Star Cinema at GMA Films.

Matatandaang noon pa ay nagpadala na ng feelers ang GMA Films sa Star Cinema proposing a co-production venture sa Richard-KC movie.

Sa contract signing ni KC sa Star Cinema last Wednesday, nagsimulang mabuo ang hinala ng posibleng pagtatambal ni Richard at ng young actress dahil na rin sa mga ‘hint’ at ‘clue’ na ibinigay nila.

“Basta po kung ano ’yung clamor ng mga tao, ibibigay namin,” ang dialogue ni KC.

Nang kausapin naman namin ang Star Cinema head at tanungin kung magku-co-prod ba sila ng GMA Films, ang sagot niya ay puwede naman daw magkaroon ng negosasyon nang hindi kailangang magsama. Kung iaanalisa, hindi sila co-prod ng film arm ng Kapuso Network.

Isang very reliable source ang aming nakausap at nagsabing nagkaroon ng ibang negosasyon ang Star Cinema at GMA Films.

Ayon sa source, hindi nga co-production venture ang mangyayari kundi “hiraman” o “ex-deal.”

Pareho umanong gagawa ang Star Cinema at GMA Films ng Richard-KC movie sa ilalim ng kani-kanilang outfit.

Ayon pa sa source, ang Star Cinema movie nina Richard at KC ay sisimulan sa June pagbalik ng dalaga mula sa pagbabakasyon sa Paris. Ipalalabas ito sa August, samantalang ang GMA Films naman ay maglalabas din ng sariling Valentine movie na pagbibidahan ng dalawa next year.

Well, we have yet to hear a word from Star Cinema and GMA Films tungkol dito, pero anuman ang negosasyong nangyari sa kanila, umaaasa ang lahat na ito na sana ang katapusan ng network war sa pagitan ng Kapamilya at Kapuso.


May 5th, 2008 at 3:10 am
Posted by joemer in ABS-CBN, GMA, KC Conception, Richard Gutierrez

 KC, Richard movie simula na sa third week ng May

EXPECT more big announcements regarding the Richard Gutierrez and KC Concepcion team up.

As promised, natuloy na nga ang dalawang magkasunod na big announcements last Wednesday and Friday both from ABS-CBN side.

Una ang pagpirma ni KC sa Star Cinema na nga-yon nga lang na finalized kahit matagal na itong na-announced.

Ikalawa ay ang pagpirma naman ni Richard sa one picture deal with Star Cinema para makasama ni KC sa kanyang first movie na magsisimula na third week ng May under the direction of Joyce Bernal na for August release.

Hindi pa tapos ang big announcements dahil sa pagbabalik ng president ng GMA Films na si Ms. Annette Gozon Abrogar middle of this month, ang GMA side naman ang magbibi-gay ng separate and just as big announcement.

Let’s just say that the Richard signing with Star Cinema is a compromise for the GMA side of announcement naman. And let’s just say that next year, masisigurado pa rin ni Richard na he is the Valentine king.

Hope by this time nakukuha niyo na ang mga clues namin, ha.


May 2nd, 2008 at 9:48 pm
Posted by joemer in ABS-CBN, Box Office, KC Conception, Richard Gutierrez

Richard Gutierrez signs movie deal with Star Cinema

Actor-endorser Richard Gutierrez has signed a movie contract with ABS-CBN’s movie outfit Star Cinema.

Gutierrez will be doing a light romance flick with showbiz royalty and ABS-CBN’s newest contract star KC Concepcion.

Present during the signing were Star Cinema head Malou Santos, ABS-CBN Corporate Communication head Bong Osorio and other network executives.

The actor was accompanied by his talent manager, his mother Anabelle Rama.

Gutierrez is currently the number one leading man of ABS-CBN’s rival network


May 2nd, 2008 at 9:40 pm
Posted by joemer in ABS-CBN, Angel Locsin, KC Conception

KC Concepcion on being compared to Angel Locsin: “Sino naman po ako para i-compare sa kanya?”

Nag-react si KC Concepcion dahil lagi silang pinagkukumpara ni Angel Locsin. Mas iinit daw ito dahil si Richard Gutierrez, na dating leading man ni Angel, ang hinuhulaang makakatambal ni KC sa unang pelikula na gagawin niya sa Star Cinema simula ngayong third week of May. Intriga tuloy ng iba, lahat na lang daw ba ay aagawin ni KC kay Angel?

“Ha? Ano po yun? Parang ang dami-daming girls para i-set out yung dalawa lang. Bakit hindi po si Anne [Curtis] at si Angel?” balik-tanong ni KC nang makapanayam siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa kanyang contract signing para sa three-picture deal niya sa Star Cinema last Wednesday, April 30, sa 14th floor ng ELJ Bldg. sa ABS-CBN.

Ipinaliwanag kay KC na ang scenario ay hinuhulaang si Angel ang magiging prinsesa ng ABS-CBN nang lumipat ito from GMA-7. Pero naudlot daw ito dahil sa pagdating ni KC sa Kapamilya network.

“Mas marami naman pong experience si Angel,” sabi ni KC. “Sino naman po ako para i-compare sa kanya? Angel Locsin na po siya nung pumasok ako. Actually, parang I have a lot of catching up to do pa po compared sa mga credentials niya.”

“The feeling is mutual,” sambit naman ng dalagang anak nina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion sa sinabi ni Angel na fan siya nito. “Dati ko pa po naman neme-mention ang pangalan niya sa mga artistang napapanood ko. Nagkita kami sa Cebu, nagkausap kami sa eroplano na parang pinagtagpo kami ni God. At ang bait niya.”

BILLY CRAWFORD. Tinanong din namin si KC kung okey na sila ng na-link din sa kanya noon na si Billy Crawford. Nabalita kasi noon na nainis si KC kay Billy dahil sinabi ng binata na “good kisser” si KC sa isang radio show.

“Di ba, Kapamilya na siya?” tanong ng dalaga.

Sinabi ng PEP kay KC na magiging host si Billy ng Pinoy Dream Academy Season 2 ng ABS-CBN.

“Bagay sa kanya! Yun lang comment ko,” bulalas niya, sabay tawa.

“Wala na ako masabi!” tawa niya ulit.

Gusto kaya niyang makasama si Billy sa isang show?

“Saan naman kami magwo-work?” mabilis na sagot ni KC.

May nagsabi na pareho silang magaling sumayaw. Puwede silang maging bagong Nida Blanca at Nestor de Villa.

“It could be okay for me,” aniya.

Biro namin, parang pilit ang sagot niya.

“Hindi!” natatawang sabi ni KC. “Hindi ko lang kasi ma-imagine kung anong klaseng project. Parang magge-guest ako sa PDA?”

Umalis ngayong araw, May 1, si KC papuntang Paris at one week siyang mag-stay roon. Gusto raw muna niyang mag-unwind at mag-relax bago niya simulan ang kanyang first movie. Hindi nga raw niya mapapanood bukas, May 2, ang balik-acting ng kanyang ama na si Gabby Concepcion sa Maalaala Mo Kaya. Pero titingnan daw niya ito pag na-upload na sa YouTube.


April 30th, 2008 at 10:34 pm
Posted by joemer in ABS-CBN, KC Conception

 KC HANDA NA MAGING LEADING LADY

Ipinaglaban po naming dalawa..Hindi po namin ini-expect na posible.” Naloka kami sa sinabi ni KC Concepcion tungkol sa kanyang unang on-screen partner kanina sa kanyang contract signing sa Star Cinema para sa isang 3 picture deal. Happy si KC because she’ll be working with the industry’s top directors — sina Direk Joyce Bernal, Chito Rono at Cathy Perez-Molina.

Pero mabalik tayo sa usapang leading man… eto pa ang sabi ni KC! Gusto lang namin (ay) meron kaming tanging handog na hindi n’yo pa nakikita, hindi pa nangyayari. Right now, brace yourselves!” Pasuspense pa siya ha, at ayaw niya sabihin kung sino!

Guess ko lang ha, si Richard Gutierrez na to…eh sa tagal ba naman ng rumors na meron silang movie, eh di ba parang siya na ang tinutukoy ni KC? Kayo anong hula niyo?

Well, habang nagiisip kayo check niyo na rin ang pics ng contract signing niya dito!


April 30th, 2008 at 10:04 pm