
PARANG boksingerong hinamon ni Marian Rivera ang lalaking nakaengkuwentro niya sa isang kalat na kalat nang video ngayon, para maidepensa ang kanyang sarili sa isyu na karapatan niya naman ay ikinatwiran ng kampo ng aktres na binastos daw kasi siya ng lalaki, kaya napilitan lang siyang lumaban.
Rumesbak ang lalaki, sa halip na makipag-argumento kay Marian ay naglabas pa ito ng ibang video kung saan mas titingkad ang kamalditahan ng aktres, kasabay ang pagtatanong kung hindi ba maldita, suplada, butangera at palengkerang matatawag si Marian Rivera?
Nasa video ang paninigarilyo sa set ni Marian, hindi naman krimeng maituturing ang ganu’ng bisyo, pero pinakaiiwasan ng maraming artista ang makita silang humihithit-bumubuga ng usok ng mga tao sa isang pampublikong lugar.
Nandu’n din ang parang pagtataray ni Marian sa kanyang make-up artist, iniirapan niya ito, pati na paghampas niya sa kanyang alalay sa isang tagpo sa video.
Masyado nang nanganganib ang buhay at kapribaduhan ng mga personalidad ngayon dahil sa patuloy na pag-unlad ng teknolohiya. Wala na silang naitatago, nalalantad na sa publiko pati ang kanilang lihim, dahil sa pamamayagpag ng mga teleponong may video at camera.
Kung sinu-sino ang pinagbibintangan ngayon ng kampo ni Marian na nanlalaglag sa kanya, pati ang pangalan ng nananahimik na si Angel Locsin ay kinaladkad pa sa kuwento, bakit hindi sila magsaliksik nang husto kung kanino nanggaling ang mga ebidensiya ng pagmamaldita ng nakilala ng marami na mahinhin at tahimik na si Marian Rivera?
Kung sinu-sinong tao ang napagdududahan, pero naniniwala kaming mga tao mismong madalas na nakakasama ni Marian ang may pakana nito, sino ba naman kasi ang mag-iisip na katabi lang pala ng simbahan ang sugalan?
Halaw sa panulat ni Cristy Fermin sa kanyang column sa Diyaryong Bulgar
Primetime Queen Marian Rivera??? Hahahahaha.. Kailan pa naging primetime queen si Marian? Dalawang araw na kayang nangunguna sa NUTAM ang My Girl.
Muling pinatunayan nang KIMERALD ang hatak at lakas nila sa masa. Gaya nang nauna nilang teleserye, ang phoenomenal hit na "Sana Maulit Muli", ay nanguna ulit ang pinakabago nilang teleserye ang "My Girl". Naging pangatlo na lamang ngaun sa NUTAM ang DYESEBEL at tuluyan na itong naging binalasang isda.
Demolition job para kay Marian, meron nga ba??? Sa pagkakaalam ko, at nang mga myembro nang press ay wala namang nangyayaring demolition job sa dalaga. Infact siya mismo ang dumedemolish sa sarili nyang career. Magtatalak ba naman sa mas nakakatandang lalake sa kanya? Asan ang breeding at ang pinagaralan mo iha? Matandang tao pa din iyon, dapat igalang. Malas mo lang nakuhanan nang video.
Saka ang tunay na demolisyon job ay yung nangyayari kay Piolo. Tingnan mo ang nangyari sa Kapuso artist na si Lolit Solis? Panay ang hingi nang sorry! Tapos 3 years ago naglabas pa ang startalk nang scandal video di umano ni Piolo? Anong nang yari napatunayan ba? Hindi. Sino ba talaga ang mahilig gumawa nang demolition job? Naaalala nyo pa ba yung pagsasampa nang kaso ni Kris Aquino sa GMA7, matapos nito matuntun kung san nanggagaling ang mga mapanirang e-mail laban sa kanya. Tsk tsk tsk tsk.. Hindi siya Primetime Queen! Kundi Feeling Sikat Queen! Hahahaha .. Tsuk! JoKer DeTor Showbiz Top i-News http://joemer.blogetery.com
KUNG KAY MARIAN LANG, MAS MUKHANG ARTISTA NAMAN SI ANNE CURTIS, NO!
Written by Tita Swarding
OLACHIKA! Magsasalpukan na naman nga ang dalawang higanteng network dahil sa tapatan ng Dyosa ng ABS-CBN at ng Dyesebel ng GMA 7. Si Anne Curtis ang gaganap bilang Dyosa at si Marian Rivera naman si Dyesebel. In fairness, parang mas gusto ko ang Dyosa, kumpara sa Dyesebel. Ilang beses ko ng napanood ang Dyesebel na nagkaroon na ng iba’t ibang version sa pelikula! Nakakasawa na! Lalo naman itong version ni Marian! Diyos ko, day! Bukod sa kitang-kita ‘yung hulma ng paa at tuhod niya sa kunwaring buntot niya, wala ngang kasamang kahit isang isda ang mga sirena sa dagat, tuyo, as in hindi basa, ang buhok ng mga sirena at naka-curly-curly pa huh!
Nakakaloka! Hindi ba, Jing Chua? Magsalita ka! Comment mo ‘yan! Dagdag pang ka-cheapan ‘yung mga plastik ang mga bulaklak na nasa kanilang ulo! Ewan ko lang kung paano pagagandahin ang Dyosa. Pero knowing ABS-CBN, hindi ito patatalbog! Besides, kung kay Marian Rivera din lang naman, mas mukha namang artista at mas magaling na aktres si Anne Curtis, ‘no! Susme naman, no match, ‘no! Naman! ‘Yun na!
Marian Rivera: Tigilan Ako!
Written by Parazzi News Service
Tila ito ang sigaw ngayon ni Marian Rivera sa sunod-sunod na intrigang ibinabato sa kanya. Na kesyo lumaki na nga raw ang ulo niya, na kesyo lumalabas na ang kanyang pagiging bastos, mataray at palengkera. Nito ngang weekend, pinalabas sa ‘Entertainment Live’ at sa ‘The Buzz’ ang kumakalat sa ‘You Tube’ na video ng pagtataray ni Marian sa isang fan na umano’y kumukuha ng video sa set ng ‘Dyesebel’ sa Subic. May policy kasi ang production ng nasabing telefantasya na bawal mag-video, bawal mag-picture ng cell phone o ng camera. Para kay Marian, ipinagtanggol lang niya ang kaniyang sarili, dahil binastos nga raw siya. Sa isang taped interview kay Marian na lumabas sa ‘Showbiz Central,’ ikinuwento niya ang nangyari. Binibiro lang daw niya ang lalaki na nagbi-video. Pabalang siyang sinagot na hindi naman daw siya ang bini-video-han. At nang tanungin pa raw niya kung crew o staff sa taping, sinabihan pa raw siya ng lalaki na, nanonood lang daw at ano raw ang pakialam ni Marian.
Doon na nagsimulang magtataray sa lalaki si Marian. Aminado naman daw si Marian na uminit talaga ang ulo niya at napikon. Ang problema lang siguro, hindi na starlet si Marian, isa na siyang malaki at sikat na artista. Minamatyagan ng publiko ang bawat kilos at salita. Sabi nga, konting utot, isyu na agad! Sinabi pa ni Marian, “Babae po ako, dapat nirerespeto at iginagalang po ako.” O baka naman, ang ibig sabihin ni Marian, eh, big star na siya, kaya hindi siya dapat nasasabihan ng mga ganung salita? Ganun?!
MARIAN, MAL-EDUKADANG TALAKERA!
PATULOY NA PINAG-UUSAPAN ‘yung videong lumabas na ipinakita na rin ng ABS-CBN na grabeng nagtataray si Marian Rivera sa isang lalaking kini-claim ng star na nambastos sa kanya. Of course, hindi naman gagawin ni Marian ‘yun kung wala siyang pinanggagalingan.
Ang problema lang niya’y isang sikat na sikat siyang star ngayon na nakatutok lahat at talagang inaabangan lahat ng magiging pagkakamali niya. Halos magmura si Marian sa galit at nawalan nga siya talaga ng poise at composure na parang isa siyang mal-edukadang talakera. Sabi nga nung nakausap naming dati’y humahanga kay Marian, “Nakaka-turn off! Mabait lang pala siya na ngiti nang ngiti sa TV, hindi naman pala totoo. Demonyo pala ‘pag nagalit!”
Nauunawaan namin ‘yung bugso ng galit ni Marian, pero dahil star siya at babae pa, sana’y nabantayan niya ang kanyang sarili sa mga ganung sitwasyon lalo’t may camera palang kinukunan ang galaw at mga pananalita niya. ‘Yun ‘yung lagi naming sinasabi, “Learn how to choose your battle.” Hindi lahat ng tao, provocation at away ay dapat patulan. Importante pa rin ang self-control at humility na anuman ang sabihin ng iba, lalo’t hindi naman talaga totoo, hayaan mo na lang.
Ipagdasal mo na lang sila. Pasasaan ba’t lalabas at lalabas din naman ang totoo? Importante, pagdating sa dulo, intact pa rin ang maganda mong pagkatao at ‘di ka nawindang ng kung sino lang na bigla mong pinatulan. Sigurado kaming dahil dun, mahihirapan na si Marian na papaniwalain pa ang iba na tunay siyang mabait sa ipinakita niya. Tiyak, nabawasan na ang kanyang mga tagahanga.
IPINAGTATAKA naman ng ABS-CBN staff kung bakit nada-drag ang pangalan ni Angel Locsin sa issue ng video clip ng diumano’y pagwawala ni Marian Rivera. Unfair nga naman ito for Angel na wala namang ginagawa at nagtatrabaho nang maayos.
“Ang stand lang ng ABS-CBN sa isyung ito, Angel has moved on. She’s happy right now, so, sana, ganu’n din sila,” say ng isang network insider.
Parang masyado na raw kasing OA na sa tuwing may issue kay Marian ay laging kabuntot ang pangalan ni Angel.
Sana raw ay tigilan na ang ganitong estilo dahil kawawa naman ang mga artistang nadadamay nang walang kamalay-malay.
Halaw sa panulat ni Vinia Vivar sa Diyaryong Bulgar
NAKA-HOOK up din namin si Direk Joyce Bernal last Saturday night habang break nila sa taping ng Dyesebel, na nataong nasa Subic kung saan naganap a month ago ang ngayon nga’y kontrobersiyal na ‘pagtataray’ ni Marian Rivera, na ayon sa mga You Tube enthusiasts ay mabentang-mabentang pag-usapan.
Madiplomasyong kausap si Direk Joyce. Maingat ito sa pagbibigay ng opinyon dahil aware siyang mas maraming negatibong reaksiyon ang na-generate ng nasabing iskandalo.
Pero napanindigan ng direktor ang pagbibigay niya ng pahayag na pagdating sa trabaho, propesyonal ang ngayon nga’y kontrobersiyal na sikat na sirena ng GMA-7.
“Hindi, po talaga maiiwasan ang mga ganu’ng pangyayari dahil kahit saang taping o shooting talaga base sa karanasan ko bilang isang direktor, may mga kababayan tayong nagiging pasaway pagdating sa mga itinatakda naming patakaran.
“Nakapag-usap na ang mga sangkot ayon sa pagkakaalam ko at patuloy ko ring sasabihin na propesyonal katrabaho si Marian,” paliwanag ni Direk Joyce.
Nang itanong namin sa kanya kung dapat bang humingi ng paumanhin si Marian para lang matigil na ang isyu, tinuran ng direktor na, “Hindi naman dapat hinihingi ‘yan kung ganu’n lang ang layunin. Dapat kusang ibibigay o gagawin ‘yun ng tao. Sa nangyari, ang masasabi ko lang ay dapat tayong maging maingat sa lahat ng ating gagawin, sasabihin at ikikilos lalo na sa harap ng publiko. At sinabihan na rin naman si Marian na mas maging careful next time.”
Halaw sa panulat ni Ambet Nabus, sa Diyaryong Bulgar
JOWA NI MARIAN, NAMBUGBOG NG TEACHER!
Written by Melchor Bautista
ILANG taon din namang hinintay ni Marian Rivera na mapansin siya sa showbiz at maalis sa tawag na starlet. Iniingatan na ni Marian ang kanyang movie career. Kaya nga ingat na ingat din siya ngayong magsalita tungkol sa gulong kinasasangkutan ng kanyang boyfriend na si Ervic Vijandre na nasangkot sa kaso ng pambubugbog at pambabato ng isang teacher sa Taguig City na nagngangalang Mr. Jason Timtiman.
Nararamdaman ni Marian na walang maidudulot na maganda sa kanyang movie career kung magsalita at uriratin siya ng media tungkol sa gulong wala siyang kaalam-alam.
Kahit Anong Paliwanag Ni Marian Rivera at Nang Mga GMA Artist, Nagmura at Dinuro duro Pa Din Nya Ang Lalake!!! Todo sa Pagtatanggol ang mga artista nang GMA Network sa tinaguriang "Next Big Star" nang Kapuso Network, na si Marian Rivera. Ayon sa isang source na malapit sa naturang istasyon, ay may "GO" signal mula sa mga BIG BOSSES ang pagtatangol na ginagawa nang mga co-stars nya na pinangungunahan nang leading man nya na si Dingdong Dantes. Ang Sa Amin Lang.. ay hindi maaaring itanggi ni Marian Rivera at nang GMA Network ang ginawang kagagahan at pagmamaldita ni Marian. Dahil kitang kita sa video, ang ginawa nito. Kung yung pagsasabi nito na binasa ang programa ni Claudine Baretto na "MARINA", ano pa kaya ang mga kawawang simpleng tao. Ang sa amin lang, kailangan ba talagang pagtagpan nang naturang istasyon ang nagawa nang talent nila? Akala ko ba wala silang kinikilingan? Akala ko ba wala silang prinoprotektahan? Akala ko ba pawang katotohanan lamang? Ano kaya ang ginagawa ninyo? Ang sa amin lang ay paaalala.. Marahil kakalangoy nang inyong bituin sa ikinaakala niyang kasikatan, ay napapasukan na nang tubig ang kanyang ulo, at baka ika lunod niya. Iyun na! Sa mga hindi pa nakakapanood nang pagmumura at pagtataray na ginawa ni Marian Rivera sa isang lalake, magpunta lang kayo sa You Tube at search nyo ang Marian Rivera Scandal. Iyun na! JoKer DeTor Showbiz Top i-News http://joemer.blogetery.com
BAGONG VIDEO AGAINST MARIAN
May mga bagong video na in-upload sa youtube.com ‘yung isang fan na nakabangga lately ni Marian Rivera.
Pati ‘yung simpleng pagtapik ni Marian sa kamay ng isang make-up artist ay ginawan ng istorya.
Mukhang hindi nagpapaapekto si Marian sa paninirang ito sa kanya.
Sabi ng isang malapit sa dalaga, patuloy lang na magiging nice si Marian sa mga taong nice dito.
Ibang usapan na raw kasi kung binabastos na si Marian. Natural lang daw na mag-react ito dahil tao lang daw ang dalaga.
JUN LALIN
Abante Tonite
MAHINHIN KUNONG AKTRES, MALDITA, SUPLADA AT PALAMURA SA LIKOD NG KAMERA, KOTSE, NI AYAW PAHAWAKAN SA MGA FANS
BLIND ITEM: Sa taping ng isang tapos nang teleserye ay may kuwento ang mga taong nakasaksi kung gaano kasuplada-kamaldita ang isang aktres. Siya ang bida sa kuwento, sa kanya umiikot ang istorya, kaya sa kanya rin nakatutok ngayon ang pagpuna ng ating mga kababayan.
Sa isang pagkakataon ay pinaikutan ng mga bata ang kanyang sasakyan, paborito kasi ng mga bata ang kanyang serye, kaya nagtangka ang mga ito na makita nang personal ang kanilang bida.
Kuwento ng source, “Nu’ng palapit na ang mga bata sa sasakyan niya, narinig siya ng mga nandu’n, ‘Isara mo ang bintana, dali!’ Walang nagawa ang driver niya kundi ang isara nga ang mga bintana ng sasakyan niya!
“Pilit siyang sinisilip ng mga bata sa loob, alam n’yo naman ang mga bata, may kakulitan kung minsan. Idinidikit ng mga bata ang mukha nila sa car, ‘yung halos dikit na dikit na rin ang mga mata nila, pero biglang bumaba ‘yung window.
“Siguro, nakulitan siya sa mga bata, naiinis din siguro siya dahil may karumihan ang mga kamay nu’ng mga bata, kaya sadya niyang ibinaba ang bintana.
“Natural, kumayod ‘yung bintana sa mukha ng mga bata. Hindi naman sila nasaktan, makinis naman ang salamin, pero nagulat siyempre ‘yung mga bata sa pagbaba ng bintana!” kuwento ng aming impormante.
Nu’ng magtagal-tagal na ay tinanong diumano ng mga nandu’n ang PA ng aktres kung sino ang nagbaba ng bintana ng sasakyan, ang sagot ng alalay niya, “Aling bintana ba ang bumaba? Nasa harapan kami ng driver, alangan namang kami?”
Dahil du’n ay naniwala na ang mga tagaroon na ang aktres nga ang nagbaba ng bintana, nasusupladahan sila sa aktres, akala mo raw naman kung sino na siya samantalang nakatiyempo lang naman siya ng proyektong nagpaingay sa kanyang pangalan.
“Siya rin ang artistang sinasabi ng mga dati nilang kapitbahay na hindi raw naman talaga mahinhin, palamura nga raw siya, ngayon na lang daw umastang ganyan ang babaeng ‘yun dahil bigla nga siyang naging bida sa serye.
“Kahit naman sa taping, hindi siya mahinhin, galawgaw nga siyang kumilos at kung tumawa siya parang hindi siya artista. Naku, nakatiyempo lang siya, tingnan na lang natin kung magtatagal siya!
“Kung ganyan siya kasuplada na mahawakan lang ng mga bata ang salamin ng kotse niya, e, nagmamaldita na siya, tingnan na lang natin kung hanggang kailan ang itatagal niya!” inis pang kuwento ng ating kababayan.
Sa lahat ng mga kuwentong ito ay isa lang ang masasabi namin–Aaaaawwww!!!
Halaw sa panulat ni Cristy Fermin sa Diyaryong Bulgar
MAS SARIWANG DYESEBEL SI VILMA, KUMPARA KAY MARIAN MAGPA-HANGGANG NGAYON!
NAGKAINTRIGAHAN na at patuloy na tinitira ng kanyang mga detractors si Marian Rivera sa hindi niya sinasadyang pagko-comment na diumano’y siya raw ang pinakasariwang naging sirena, or words to that effect. Na bulaklak ng dila ay nasabi lang ni Rivera dahil siya ang bagong “Dyesebel” ng showbiz. Unang may nagtanggol, pabor para sa nananahimik na si Claudine Barretto na gumanap ding sirena sa fantaseryeng “Marina” ng ABS-CBN.
In fairness kay Marian, wala naman talaga siyang gustong kantiin na ibang gumanap na sirena. Hindi niya rin akalain na mayroong mga magre-react dahil sa kanyang komento. Sikat na talaga siya at hinahanapan na ng butas ang bawat kilos niya para siya intrigahin at ibagsak. Kaya next time, sana isipin din muna ni Marian ang mga sasabihin niya bago siya magbitiw ng salitang puwedeng makasagasa at makasakit ng kapwa artista.
Kung kasariwaan kasi ang pag-uusapan ng gumanap na sirena, puwedeng mag-react din ang mga Vilmanians lalo’t sa pelikula at hindi sa TV lang naging Dyesebel ang kanilang idolong Governor Vilma Santos. Dapat makita ni Marian ang mga larawan ng mommy ni Luis Manzano nung gumanap itong sirena para mahimasmasan talaga siya at masabi niya sa kanyang sariling hindi siya ang pinakasariwang naging sirena dahil mas sariwa sa kanya si Vilma Santos kahit magpahanggang ngayon!
Tinarayan ni Marian, fan ni Angel Locsin?
MAY nagpadala ng e-mail sa amin at pinangalanan nito ang lalakeng kumuha ng video sa set ng Dyesebel na siya rin ang nag-provoke kay Marian Rivera na magalit, na ngayon ay napapanood na sa YouTube.
Ayon sa nagpadala sa amin ng e-mail na may account name na jaguar_meets_joffrey ay kilala raw niya ang lalakeng ito dahil nakakasagutan daw niya ito sa isang website at panay raw ang panlalait nito kay Marian Rivera.
Napag-alaman pa namin na may isang fan daw si Angel Locsin na ‘yun din ang pangalan. Kaya sigurado ang aming source na ang lalaking kumuha ng video ni Marian at ang avid male fan ni Angel ay iisang tao lamang.
Kaya ‘yung nasusulat nga na baka na-frame up si Marian ng kung sinuman para makuha ang galit na reaction nito ay tila may bahid ng katotohanan.
Mukhang paraan daw ng male fan ni Angel na siraan si Marian dahil ito nga ang namamayagpag samantalang napag-iiwanan na nga ang kanyang idolo.
Well, hindi pa naman kumpirmado ang tsikang ito, at hindi pa tayo sure kung totoo ngang fan siya ni Angel, ‘no!
At siguro naman, kung fan talaga siya ni Angel, hindi rin papayagan ni Angel na ang avid fan niya ay mambastos ng ibang artista. I’m sure, si Angel ang unang-unang tututol na mambastos ang fan niya ng ibang artista.
Sino Ba Talaga Ang Sikat? Si Marian Rivera o si Dyesebel at Marimar??

Kung tutuusin hindi pa talaga masasabing sikat si Marian Rivera. Una
dahil kaya naman tinatangkilik ang proyekto niya ay dahil sikat na mismo
yung character ni ginagawa nya. Hindi gaya ni Claudine na siya mismo
ang nagpasikat sa character na ginampanan nya, ang MARINA. Saka hindi pa
din natin talaga masasabi na sikat siya dahil marami ang nagsasabi na
di umano ang AGB at PEP ay GMA7.
Marian Rivera - Thankful Kay Angel Locsin!!!

Aminado si Marian Rivera, na isa sa mga dahilan, kung bakit siya
nakilala, ay dahil kay Angel Locsin. Ito ay dahil sa hindi nito, pagtangap sa
role na Marimar, at paglipat sa ABS-CBN. Dahil naging instant fame ang
natangap niya, mula sa mga kapuso fans. Sa lahat nang blessings at
endorsment na natatangap niya ngaun ay utang na loob niya ito kay Angel.
Mula po sa amin dito sa SHOWBIZZ TOP i-NEWS, ay walang takot po naming
sasabihin, pagkat ang sa amin lang ay, kahit nakilala si Marian Rivera,
ay hindi naman nabawasan ang kinang nang ningning ni Angel. Kahit
tanging sa primetime lamang ito nakikita, ay tiwala pa din naman ang mga
advertisers na nagtitiwala sa kanya. Dumami din ang naging endorsment ni
Angel. Samantalang si Marian naman, ay nagkaroon nang mga commercials,
at pinagkatiwalaan siya nang mga kumpanya, para i-endorso ang kanilang
produkto.
STi-N Sexiest Female In The Philippines!!!
Gumawa kami nang survey, mula sa Luzon, Visayas at Mindanao. 352 katao
mula sa Mindanao, 356 katao mula naman sa Visayas at 496 katao naman
mula sa Luzon. Nagbigay sila nang top 5 sexiest female nila. Pagkatapos
ay tinally namin ang boto nila at ito ang lumabas.
20. Dina Bonivie
19. Riza Santos
18. Paulene Luna
17. Michelle Madrigal
16. Valerie Concepcion
15. Mariel Rodriguez
14. Ruffa Mae Quinto
13. Roxanne Guinoo
12. Luningning (ASF Dancer)
11. Angelika Panganiban
10. Bangs Garcia
9. Ehra Madrigal
8. Kristine Hermosa
7. Marian Rivera
6. Christine Reyes
5. Bea Alonzo
4. Anne Curtis
3. Katrina Halili
2. KC Concepcion
1. Angel Locsin
Marian, Dingdong looking forward to new movie
Excited na sina Marian Rivera at Dingdong Dantes sa unang pelikula na kanilang pagtatambalan kasama si Iza Calzado.
“Sana Matuloy… Ako its one thing I’m looking forward to,” pahayag ng aktor sa Chika Minute ng GMA news 24 Oras.
Hirit naman ni Marian: “Hindi pa kami gumagawa ni Dingdong ng movie…(bale) first time namin ito if even na matuloy.”
Nabuo ang love team nina Marian at Dingdong sa super hit na primetime drama series ng GMA 7 na “Marimar.” Ngayon, gabi-gabing naman silang inaabangan ng kanilang mga fans sa nangungunang telefantasya sa buong bansa, ang “Dyesebel.”
Kaya naman daw doble ang nararamdaman nilang kasiyahan dahil sa mainit na pagsubaybay sa kanila ng mga tao.
“Napatunayan sa amin na yun suporta hindi talaga umalis… yun pagmamahal sa amin nandyan pa rin. And the more na lalo talaga kaming nagaganahan,” ayon kay Dingdong
“Yun magkaroon ako ng paa inabangan talaga yun. Masaya ako na pinapasok muli nila si ‘Dyesebel’ sa tahanan nila,” pahayag ni Marian.
Ngayon na nagkaroon na ng paa at pumangit si ‘Dyesebel,’ dapat abangan ang muli nilang pagkikita ni “Fredo” na ginampanan ni Dingdong.
MARIAN RIVERA – SUPLADITA??!!
Another thing that would make you go hmmmm…..
Filipinos are naturally usiseros. Something quick but attention-grabbing would happen, they would stay and watch what would happen next. A fight or a car accident, Pinoys would come out like ants to watch. Not even a coup de etat can stop them from watching!
Of course, when there’s a taping, Pinoys would skip their work and just watch from the sidelines of the set to get a glimpse of their favorite actors.
So during the taping of some fishy drama in Subic, people were waiting in the set of the show and guess what they see…. Marian Rivera raising her voice to her alalay!
Now I don’t know if it’s because the alalay committed a major mistake or Marian didn’t have enough sleep that’s why she was cranky but my source was very sure that a lot of people got turned off!
“Ay, suplada pala talaga siya in person!”
MARIAN, RHIAN AT IZA, TATAOB KAY HEART!
MABUBUHAY NA NAMAN ang natutulog na career ni Heart Evangelista ngayong kumpirmadong Kapuso na ito at hindi na Kapamilya. Walang pinanghihinayangan si Heart sa paglipat niya sa GMA 7. Masaya daw siya at marami rin siyang puwedeng pataubin sa GMA 7 tulad nina Marian Rivera, Rhian Ramos, Iza Calzado at iba pa lalo na ngayong siya ang piniling makakapareha ni Richard Guttierez sa gagawin nilang teleserye. Marami diumanong naka line-up na mga proyekto para sa dalaga. Kay Heart na nga raw mapupunta ang papel na Darna para sa telefantasya ng GMA 7 na Captain Barbel meets Darna. Titiyakin daw naman ni Heart na paglalaanan niya ng panahon ang magandang oportunidad na ibinigay sa kanya ng Kapuso. Tungkol naman sa isyu sa kanyang dating manager, wala naman daw sama ng loob si Heart sa kanyang dating manager at sana magkaintindihan na raw sila, kung anuman ang gusot na namagitan sa kanila. ‘Yun na!
MARIAN, SINISIRA SI ANGEL!
DISMAYADO, SIYEMPRE, ANG mga tagahanga ng tambalang Angel Locsin at Piolo Pascual dahil sa pagsasama sa isang ad nina Piolo Pascual at Marian Rivera para sa isang spa. Hindi raw kasi nila maintindihan na bini-build up nang husto ang pagsasama ng dalawa sa “Lobo” ng ABS-CBN, and yet, mukhang maraming mga endorsement na magkasama sina Piolo at Marian ang magaganap in the days to come.
Ang tanong lang naman nila eh, kung sino ang nag-desisyon noon? Kahit na ipaliwanag mo sa kanila na trabaho naman ‘yon at syempre, ang kumuha sa kanila as endorsers ang masusunod, hindi pa rin malumbinse ang mga ito na usapang professional na ito. Mukhang ang girian sa pagitan nina Angel at Marian eh, matatawag na invisible.
May nagkukuwento sa amin na in two months time, isang ini-endorse na kasuotan ni Angel ang kay Marian na raw mapupunta. At kahit na pinabubulaanan daw ito ng mismong manager ni Angel, ang kausap naman daw ng aking source eh, ang mismong may-ari sikat na tatak ng isang jeans.
Some people are really out to topple Angel down. On a wing and prayer, sino nga ba ang tunay na sasagip sa kanya?
Ginagawa ni Angel ang lahat ng makabubuti sa kanya at sa trabaho niya. Pero mukhang may mga puwersang really trying to clip her wings so she won’t be able to fly high.
SINO NAMAN SI MARIAN PARA TANGGIHAN SI GABBY?!
IBA’T-ibang reaksyon at opinyon ang naglabasan pagkatapos mapanood si Gabby Concepcion sa “Maalaala Mo Kaya.” May nagsasabing hindi bagay sa actor ang papel ng isang family driver dahil mas mukhang driver si Tirso Cruz III kaysa sa kanya. Dapat daw pinagpalit ang role nilang dalawa sa istorya. Of course, kapag kontrabida ang role ng isang artista, natural lamang na mas angat siya sa bida. Knows naman natin na magaling talaga si Tirso kung acting rin lang ang pag-uusapan. Very challenging naman kasi ang role niya compared kay Gabo na underdog ang papel na kanyang ginagampanan. Pero nakipagsabayan din ang Papa ni KC sa mga mabibigat na eksena nilang dalawa. Na-touch kami sa eksena ni Gabby na naglalambing kay Ana Capri. Casual lang ang pag-uusap ng dalawa pero malaman ang bawat linya na punong-puno ng emosyon. Lalo na ‘yong eksenang nagbabalot na si Ana para iwanan na nilang mag-iina ang asawa. Habang pinapanood namin ang eksenang ‘yun, umiiyak na pala ang mother ko. Batuhan ng linyang may bigat sa dibdib na gustong kumawala, mararamdaman mo ang tensiyon sa bawat isa. Hindi napigilan ni Gabby na mapaiyak dahil nadala na rin siya ng kanyang emosyon bilang asawang iniwan ng kanyang pamilya. Nagustuhan namin ang performance ni Gabby as an actor sa MMK. Maganda ang istorya at magagaling ang mga nagsiganap. Mahusay ang pagkakadirek ni Jefrey Jutirian. Na motivate niyang maigi si Gabby at lumabas muli ang husay nito sa pag-arte.(Story wise, halatang fiction ito na hindi dati ginagawa ng MMK. Kinopya ito sa award winning film ni Phillip Salvador kay Lino Brocka na Jaguar. Kung sa pelikula’y bodyguard si Phillip, si Gabby ay ginawang family driver na body guard-alalay na rin. Sa Jaguar, napatay ni Phillip ang amo niyang nagwagi ng Urian Best Supporting Actor si Menggie Cobarrubias. Sa MMK, umalis si Gabby at naging taong grasang palaboy ang amo niya!-RCC) ITINANGGI ni Gabby Concepcion ang balitang tinanggihan siya ni Marian Rivera makasama sa pelikulang gagawin niya sa GMA Films at si Iza Calzado ang naging kapalit na leading lady ng actor. Paano mangyayari ‘yun exclusive ang kontrata ng dalaga sa Regal Films at wala siyang kontratang pinirmahan sa GMA Films. At sino naman si Marian para tanggihan si Gabby? Alam ba niya ang na-achieved ni Gabby habang siya’y starlet pa rin kung hindi lang dahil sa Marimar?! Sana mabagok ang ulo ni Marian para ma-realize niyang walang ibubunga ang maagang paglaki ng ulo niya na pati si Claudine Barretto na pinasaringan niyang, “Hindi sariwang sirena!” Ang layo nila ni Iza na very humble! Sa pag-uusap nila ng GMA Films, nilinaw sa amin ni Gabs na wala pang final na napag-usapan kung kailan ito sisimulan; kung saan isu-shoot at kung sino pa ang isasama kay Iza Calzado. Concentrate muna siya sa bagong teleseryeng “Iisa Pa Lamang” na pagsasamahan nila nina Claudine Barretto, Diether Ocampo and Ms. Susan Roces sa direksiyon ni Ruel Bayani. Kahit gaano ka-busy ngayon si Gabby palagi siyang may oras para mag-exercise. “Jogging every morning and I also play tennis kapag medyo maluwag ang schedule ko. For thirteen years ngayon lang ako pinagpawisan, buong katawan ko pati hita’t binti ko may pawis talaga! Sa States never kong na- experience ang ganito. After taking a shower, ang sarap ng feeling alaways on the go! Siyempre, kailangang alagaan ang katawan dahil artista tayo,” say ng aktor.
Piolo Hininging Kapalit Ni Richard Gutierrez, Nang GMA Films!!!
KINUMPIRMA NAMAN NG GMA Films na pumirma na si Richard Guiterrez ng one-picture contract sa Star Cinema at tuloy na nga ang pelikulang pagsasamahan nila ni KC Concepcion. Sabi ko na nga eh! Ito na siguro ang tsika sa akin na ginagawa na raw ngayon ni Joey Reyes ang script para sa pelikula ng dalawa at gagawin daw ito sa Paris na ididirek ni Joyce Bernal.
Nasa Europe pa si Anette Gozon-Abrogar ng GMA Films, pero may representative sila nang pumirma si Richard sa Star Cinema. Hindi nga daw ito co-production nila sa Star Cinema, pero may kapalit daw itong pagpirma ni Richard sa kanila.
Narito nga ang text ni Noel Ferrer ng GMA FiIms bilang statement sa naturang pirmahan: “As we all know, we at GMA Films originally wanted a co-production arrangement with Star Cinema for the Richard-KC movie. But, what we came up with a compromise agreement. Dahil po ito ang hiling, at hiling na rin nina Richard at KC—matutuloy po ang Richard-KC movie. Pero ito po ay isang special arrangement na may katapat na deal sa GMA Films. Abangan na lang po nating ang magandang balita pagbalik ni KC sa Paris, ni Richard sa Dubai at ni Ms. Annete Abrogar of GMA Films mula sa Europe para sa special announcement.”
Ang special announcement na sinasabi nila, ito daw ang pelikulang pagsasamahan naman nina Piolo Pascual at Marian Rivera. Bale si Piolo ang pampalit ng Star Cinema sa pagpirma ni Richard sa kanila.
Maganda din ito kung sakali. Marami pa naman ang nagsasabing magandang kumbinasyon din ang kina Piolo at Marian. Kaya palagay ko ito ang gagawin ng GMA Films pagkatapos ng Richard-KC movie.
MARIAN, TAGASALO LANG NG MGA TINATANGGIHAN NI ANGEL!
TAGASALO lang si Marian Rivera ng mga tinatanggihang endorsements at iba pang proyektong iniaalok kay Angel Locsin! Sa sobrang busy kasi ni Angel at mapili sa mga iniindorso, tanggap naman nang tanggap si Marian kahit hindi naman niya talaga pinaniniwalaan ‘yung produkto! Akala ninyo, kinukuha si Marian dahil sikat siya? Hindi, ‘no! Dahil tinanggihan lang lahat ‘yun ni Angel, sa kanya na nga lang napupunta! Okey naman yun. At least, tuloy ang trtabaho niya, kumikita siya at feeling sikat na sikat na nga siya. Sumikat lang naman si Marian dahil una pa man ay tagasalo na siya ng lahat-lahat ng iniwan ni Angel sa Siete! O, ‘di ba? Sige nga, magsalita nga kayo! Naku, tigilan ako, ‘no!
Okey na po ulit ang mga comment box namin… Pede na ulit kayong mag post nang comments nyo…. please post a comment on each article na mababasa nyo… para naman ganahan kami na mag post nang maraming news, para sa inyo… thankz!!!
saka survey lang gusto nyo bha magkaroon tayo nang Showbiz news na foreign??? send nyo lang sa sti_n23@yahoo.com kung gusto nyo… okey???
Angel Locsin - The Hottest in the Land

I just got my copy of this month’s Maxim with Lobo star Angel Locsin on the cover. I love this job! A lot of freebies! Yahoo! Hey, FHM where’s my latest copy?
I will have it signed by Angel soon hahahaha
F: I thought Marian Rivera is the hottest star in the land
D: Well not for Maxim because its ABS CBN owned hehehehe gets?!?!?! I’m actually waiting for Marian to pose for FHM wearing her tail…TOPLESS!!!
See this mag that we just made… pantapan lang kay marian…

MARIAN RIVERA, ‘DI BAGAY NA SIRENA!
MAS bagay na Marimar si Marian Rivera kaysa sa Dyesebel. Wala ka ring makitang ipinagbago niya sa bago niyang teleserye maliban sa pinagsuot siya ng buntot, nilagyan ng hair extension para matakpan ang kanyang boobs at palagi siyang nakababad sa tubig.
Wala pa ring tatalo sa original na Dyesebel na si Edna Luna, sa totoo lang. Black and white and “Dyesebel” noong 1952 sa direksiyon ni Gerry de Leon at nakatulong ng malaki ang kulay na ito para magkaroon ng misteryo ang naturang pelikula.
Pero sa lahat na nag-Dyesebel, si Alice Dixson lang talaga ang marunong lumangoy. Meron siyang underwater scenes na wala siyang pakialam makita man ang kanyang boobs, hindi katulad ni Charlene Gonzales na talagang nakadikit sa kanyang boobs ang wig niyang suot, huwag lang itong mag-hello.
Kung tutuusin, ang salitang “Dyesebel” ay hinango lang ni Mars Ravelo sa pelikulang ginampanan ni Bette Davis na “Jezebel” sa direksiyon ni William Tyler noong 1938. Pero hindi ito tungkol sa isang sirena. Sa pelikula ni Bette, isa siyang Southern belle na pilit na pinagseselos ang nobyo niyang si Henry Fonda. Dito nakamit ni Bette ang ikalawa niyang Oscar for best actress. Ang una niyang best actress award ay sa pelikulang “Dangerous” noong 1935.
Iniba ni Ravelo ang spelling ng “Jezebel” at ginawang “Dyesebel” pero mas nag-klik ito sa masa at kapag binanggit ang salitang ito, sirena agad ang pumapasok sa utak ng tao.
May flaw rin ang istorya kung tutuusin. Isang sirena na namuhay sa tubig pagkatapos gagawing tao? Napakalaking adjustment ito kung tutuusin. Pero dahil sa pag-ibig niya kay Fredo, na unang ginampanan ni Rogelio dela Rosa, mas pinili pa niyang maging tao.
Magtataka ka naman kung paano makit ang isang lalakeng mortal sa isang sirena. Kahit anong ganda pa ng isang sirena, mahirap siyang magustuhan ng isang tao dahil sa kanyang pagiging freak. Pero dito sa bagong “Dyesebel” ni Marian, hindi lang si Fredo ang kanyang magiging manliligaw. Napakaraming lalake ang manliligaw sa kanya.
Nakakaloka talaga ang walang ka-logic-logic at malayo sa reyalidad na istoryang ito ni Dyesebel. (Well, kaya nga tinawag na fantaserye kasi hindi na ito kailangang hanapan ng lohika dahil ang layunin lamang nito ay kung pa’no aaliwin ang masang manonood na hindi nag-iisip at nagsusuri sa kanilang mga pinapanood. Ed.)
Halaw sa Diyaryong Bomba sa panulat ni Arthur Quinto
How Many Mermaids Do We Really Need?
First there was “Marina”, admit it or not it was the first show that started the Fantaserye (Fantasy Series) Mania in the Philippines, it was first aired on February 2004 and the Marina role is played by Claudine Barretto. Marina’s highest episode rating is: 47.8% according to Wikipedia, but do we really need to bring back that series on TV and worst, on a morning timeslot? Not a good idea.
Then there was “Marinara” dubbed as the first Kwelanovela on GMA-7, Rufa Mae Quinto denied that her show is a Marina rip-off, she said the concept & the story is different. Ahh… OK, by the way who’s original nowadays?
and now the newest mermaid on the block, Dyesebel played by Marian Rivera who registered a high 44.9% ratings in Mega Manila on it’s premiere episode, despite of the power interruptions in some areas. Dyesebel is the current #1 show in Mega Manila according to AGB.
Also, another mermaid in the making! Anne Curtis will play as a Centaur, Siren & a Mermaid in the upcoming show entitled “Dyosa”
Marian Rivera Binastos Si Claudine Baretto!!!?
INIS ANG FANS ni Claudine Barretto kay Marian Rivera nung tawagin niyang bilasa ang “Marina” nung mag-promote siya sa “Eat Bulaga” ng Dyesebel. Nakakasiguro raw ba si Marian na forever siyang sariwa? Bago laitin ni Marian ang ibang show dapat daw na ayusin muna niya ang kanyang sarili at huwag maging taklesa. Unless pumasok na nga siguro ang hangin sa utak niya. Tigilan daw ni Marian ang panlalait sa iba dahil mas kalait-lait naman daw ang “Dyesebel” na bakat-bakat ang mga binti at hita niya na bumabaluktot kapag lumalangoy sa dagat at kahit nasa lupa. And besides, dapat rumespeto at huwag mambabastos si Marian sa gawa ng iba para rerespetuhin din siya ng mga kasamahan niya sa industrya. Dapat pa raw magpasalamat si Marian sa “Marina” dahil ito ang kauna-unahang pantaserye sa telebisyon. Thanks to Direk Wenn Derama’s fresh ideas at sa ABS-CBN na unang naglakas-loob na magpalabas ng ganitong programa sa telebisyon.
A hit or A miss? Marian Rivera-Piolo Pascual Tandem
Tuloy na tuloy na ang movie nina KC Conception and Richrad Gutierez under Starcinema ( ABSCBN Movie outfit). Pahulaan ngayon kung ano nga ba ang kapalit ng GMA sa pagpayag nito kay Richard Gutierez sa paggawa ng pelikula outside GMA Films.
Totoo kaya ang chika na, GMA Films gustong gumawa ng pelikula na si PIolo Pascual ang bida at ang leading lady nya walang iba kung hindi ang —Phenomenal Star na si Marian Rivera.
Bale ito daw ang kapalit ng pagpayag ng GMA na gumawa ng movie si Richard sa Starcinema at vice versa, pumayag daw ang Starcinema na gumawa ng pelikula si Piolo sa GMA Films. Ano ba yan, exchange of Leading man daw oh?!
Kung matutuloy man ang pagtatambal pelikula nina Piolo Pascual at Marian Rivera under GMA Films–mga ka-showbiz bureau you decide–
a Hit or a Miss?
Jolina Magdangal, out pa rin…MARIAN RIVERA AT IZA CALZADO, PAKONSUWELO NG SIYETE KAY GABBY CONCEPCION
Pagkatapos ng special appearance ni Gabby Concepcion sa Maalaala Mo Kaya at ang guestings niya sa iba’t ibang programa ng Dos, naisisingit na rin niya ngayon ang pag-i-endorse ng mga produkto at ganoon din ang mall shows sa iba’t ibang key cities tulad sa Dagupan, Davao, atbp.
Balita namin, inaayos na rin ang schedule niya para naman mabigyan ng panahon ang pelikulang gagawin niya para sa GMA Films. Ito ang dapat bigyan ng prayoridad ni Gabo upang malaya na siyang makagawa ng pelikula sa Star Cinema. Kailangan niyang tumupad sa usapan at sa kontratang pinirmahan niya sa Kapuso Network.
Sa pakikipag-usap daw ng kampo ni Gabby sa mga executives ng GMA Films, inirekomenda sa aktor sina Marian Rivera at Iza Calzado upang maging leading ladies niya sa said film outfit. Ito ay kung sakaling tanggihan ni Gabo si Jolina Magdangal na siyang naging daan para magkaroon ng transaksiyon sa GMA-7 si Gabby.
Willing naman ang GMA Films na makinig sa suggestion ng comebacking actor para sa kanyang big comeback movie. Ayon na rin kay Atty. Annette Gozon-Abrogar, presidente ng GMA Films, mapag-uusapan naman nang maayos ang lahat ng detalye sa movie kapag handang-handa na si Gabby na gumawa ng pelikula at hindi na magkakaroon ng conflict sa ibang commitments na kanyang tinanggap!
Halaw sa Diyaryong Bulgar, mula sa panulat ni Erlinda Rapadas T.
Bea Alonzo, Kristine Hermosa Claudine Barretto, at Angel Locsin, taob! MARIAN RIVERA, PASOK SA WALK OF FAME
Good news para sa mga fans nina Dingdong Dantes at Marian Rivera, dahil bukod sa humahataw ngayon ang kanilang Dyesebel kahit isang linggo pa lang itong umeere sa GMA-7, kay Kuya Germs (German Moreno) na mismo nanggaling na sa December ay balak niyang isama na sa Walk of Fame-Philippines ang pangalan ng isa sa mga hottest love teams ngayon nang GMA7! Ito ay dahil sa natamong mataas at hindi bumababang ratings ng Marimar nu’ng umeere pa ito, na ayon kay Kuya Germs ay ngayon lang nangyari sa history ng Philippine TV. Kaya naman, super happy at sobra-sobra ang pasasalamat nina Marian at Dingdong sa beteranong TV host-star builder at sa mga fans na sumusuporta sa kanila dahil na-recognize ang lahat ng kanilang pinaghirapan. Napanood namin ang unang linggong pagpapalabas ng Dyesebel at ngayon pa lang, masasabi na naming tulad ng Marimar ay magmamarka rin ang pinakabagong fantaserye ng Siyete ‘wag lang lalaylay ang istorya nito sa bandang gitna. Samantala, sa pagri-reveal ni Kuya Germs ng nasabing magandang balita, hindi kaya umapela naman ang mga supporters nina Angel Locsin (mataas din ang ratings ng Darna noon), Judy Ann Santos at Claudine Barretto na hanggang ngayon ay hindi pa naisasama sa Walk of Fame gayong di-hamak na mas nauna pa sa showbiz ang mga ito kumpara kay Marian Rivera? Halaw sa panulat ni Janice DS Navida sa Diyaryong Bulgar
Piolo Pascual - Marian Rivera Movie in the Works?
The chemistry between ABS-CBN top actor Piolo Pascual and GMA’s top actress Marian Rivera could create fireworks if they ever team up on a movie.
In the press conference of a new spa where Piolo Pascual and Marian Rivera are the endorsers, their chemistry was put to test and somehow, it worked! As a matter of fact, Mother Lily Monterverde of Regal Films is now planning to make a movie for the two big stars from rival tv stations.





