The new face of pinoy entertainment
May 29th, 2008 at 1:18 am
Posted by joemer in ABS-CBN, Gerald Anderson, KIMERALD, Kim Chui, My Girl
Kim Chui & Gerald Anderson -- Pinatunayan Na Sila Talaga Ang Tunay Na
 King & Queen ng Primetime!!!

Matapos nga ang hit serye nina Kim at Gerald na "Sana Maulit Muli", na
 nag number 1 sa NUTAM, at Mega Manila,Pinatunayan din nila na sila
 talaga ang tunay na 2007's real "Phoenomenal Hit". Saka nakagawa sila nang
 bagong character na nagmarka sa bawat pilipino, at yun ay sina
 "Bok-bok" at "Poknat", na kilala din sa "Travis" at "Jasmine" .Samantalang ang
 "Maligno" naman, na kung saan they play as a support role para kay
 Claudine Baretto. Kahit hindi man nanguna over all, nanguna naman sila,
 laban sa programa nang GMA 7, both Mega Manila, and specialy NUTAM
 ratings.

Ngaun gumagawa naman sila nang bagong marka sa puso nating mga pilipino
 para sa programang "My Girl". Ang pinoy version nang hit Koreanovelang
 "My Girl". Nangunguna na ito sa NUTAM, since nag pilot ito. Para naman
 sa MEGA MANILA ratings, last tuesday, tinalo na nito ang katapat
 nitong programa, at kagabi May 29, 2008, umangat muli ito at napapunta sa
 ikatlong pwesto. Syempre nangunguna sa pwesto ang Dyesebel, sinundan nang
 Juaquin Bordado at pangatlo nga ang My Girl. Kung magpapatuloy ang pag
 angat nito, lalo n at kaunti na lang ang lamang nang Juaquin Bordado
 sa My Girl, in one or two weeks time baka mag number 1 na din ito sa
 Mega Manila.

JoKer DeTor
Showbiz Top i-News
http://joemer.blogetery.com

May 29th, 2008 at 12:46 am
Posted by joemer in ABS-CBN, Gerald Anderson, KIMERALD, Kim Chui, My Girl

KIM CHIU, BAGONG MARICEL SORIANO!

By RONALD C. CARBALLO

Honestly, nung ibinalitang gagawin ni Kim Chiu ang My Girl, wala kaming gaanong interes, kase this time, hindi na lang itinagalog ang isang sikat na Korean Telenobela, kundi kinopya na talaga para tagalugin ang isang banyagang soap opera. Pero nung ipinapanood sa amin ang pilot episode nito na mapapanood ninyo na ngayong gabi sa ABS-CBN Primetime Bida, ginulat kami ni Kim Chiu. Ang galing-galing niya at tuwang-tuwa kami sa kanya. Dalang-dala niya ‘yung role na feeling namin siya na ang bagong Maricel Soriano na nagpapatawa and yet, very effective din sa drama.

Nakatulong din ng malaki na hindi namin napanood ‘yung original at wala kami talagang idea kung ano ‘yung My Girl Korean Teleserye. Otherwise, baka na- disturb kami dahil ‘di namin maiiwasang ikumpara si Kim sa kung sinumang gumanap dun sa ginagampanan niya. But as it is, maganda ang pagkakagawa ng My Girl na kita namang ini-adapt na sa Filipino setting and culture na opening scene pa nga lang ay Luneta Park na, bilang Chinese tour guide siya.
Suportado si Kim ng mahuhusay na performers, bukod sa kanyang leading man na si Gerald Anderson na tulad nina Ronaldo Valdez, Bing Loyzaga, Lito Piimentel, Mike Lloren at K Brosas.

Tuwang-tuwa kami kay Kim dahil mahirap ‘yung role, pero nakaya niya. Kitang naidirek siya ng maayos nina Jerome Pobocan at Eric Salud, pero kung wala talagang talent ang isang artista kahit gaano kahusay ang direktor, hindi mapipiga ang mga detalye nang ipinamalas ni Kim kahit sa pilot episode pa lang. Excited kaming mapanood ito continuously gabi-gabi, dahil first time naming nagustuhan si Kim at naniniwala kaming mula rito’y kikilalanin na siyang mahusay na aktres.


May 28th, 2008 at 11:50 pm
Posted by joemer in ABS-CBN, Gerald Anderson, KIMERALD, Kim Chui, My Girl


“Bahala na po sila kung ano’ng gusto nilang isipin pero magkaibigan lang po talaga kami ni Gerald (Anderson). Kung binigyan niya man po ako ng pink car. (Ford Lynx na second-hand), birthday gift niya po ‘yun sa akin.

“Ibinigay niya po sa akin ‘yun at kilala ko po si Gerald, hindi naman po siya ‘yung type na may hinihinging kapalit kapag may ibinigay siya.

“Kaya wala naman po sigurong ibang ibig sabihin ‘yung kotseng ibinigay niya sa akin,” paliwanag ni Kim tungkol sa kanya ng ka-love team sa My Girl na si Gerald.

Aminado rin si Kim na hindi pa panahon para sa kanila ni Gerald na magkaroon ng relasyon, lalo pa raw ngayong dumarating ang magagandang oportunidad sa kanilang mga career.

“Dahan-dahan lang kasi nakakatakot din po ‘pag naging mabilis ang lahat. Kailangan din naming i-consider ang trabaho namin. Kasi ako ang breadwinner ng pamilya ko at ‘andito na ‘yung chance at magandang opportunity kaya dapat lang po na samantalahin.

“Saka mahirap din na magkarelasyon kayo dahil puwedeng maapektuhan ‘yung work ‘pag nag-aaway kayo, ‘di ba? Kaya okey na po ‘yung ganito na lang muna, friends na lang muna kami ni Gerald.

“‘Yung relasyon, wala pang ganu’n. Saka kung meron naman talaga, meron. Wala namang maitatago, e,” katwiran pa ni Kim.

Pero paano raw kung bahay na ang susunod na iregalo sa kanya ni Gerald, hindi pa rin daw ba niya sasagutin ang young actor?

“Naku, hindi po! Masyadong mahal, ‘no! Saka, sa pamilya na niya ibigay ‘yun ‘no!” tumatawang chika pa ni Kimmy.

Nagsimula na noong Lunes nang gabi ang bagong teleserye nila ni Gerald, ang My Girl at muli na namang inaaliw at pinasasaya ng magka-love team ang mga viewers ng Primetime Bida.

Halaw sa panulat ni Liza Endaya sa Diyaryong Bulgar


May 28th, 2008 at 10:33 pm
Posted by joemer in ABS-CBN, Gerald Anderson, KIMERALD, Kim Chui, My Girl
Pinay My Girl’s favorite expression ‘Tira! Tira!’ has become a craze

My Girl is only on its first airing week but “Tira! Tira!” has quickly turned into a fad that everybody loves to utter especially among the teens. It’s the term that Kim Chiu’s character often cries out to boost her morale every time she’s in the brink of downfall.

Kim happily explains, “Yung expression na ‘yon, madalas sabihin ni Jasmine kapag naiipit siya sa isang sitwasyon!

Mygirl

Meaning, go, go, go!”

Truth be told, it’s no big surprise if people are captivated with the Pinay My Girl and her favorite expression. After all, Kim Chiu is a popular teen icon who has inspired the youth with her charm, confidence, and countless talents ever since her stint in Pinoy Big Brother Teen Edition back in 2006. Perhaps this is one of the reasons why My Girl has acquired a strong viewership.

So the next time you feel down and blue, just remember, “Tira! Tira!”

mygirl

Keep yourself in the loop! Catch Kim Chiu’s hilarious adventures on My Girl, weeknights, right after Lobo on Primetime Bida.