"Mas Nakilala Ako Nang Tao Nang Lumipat Ako" -- Angel Locsin Nang makapanayam namin ang napakaganda at napaka seksing si Angel Locsin sa kasagsagan nang Mall tour nila para sa pinag uusapang teleserye nang bansa ang "LOBO", ay tinanong namin siya kung ano nga ba ang susunod niyang proyekto, pagkatapos nang LOBO na magtatapos na sa July.
"Masayang masaya po ako sa mga proyekto na binibigay sa akin nang ABS-CBN. Pagkatapos po kasi nang LOBO ay pupunta kami ni Piolo, sa Australia para po i-shoot n namin ang kaunaunahan kong pelikula sa Star Cinema. Mejo matagal tagal na nga din po nang huli ako nagkapelikula. Tapos po nun sisimulan na din po yung susunod na teleserye, mejo confedential pa po yung mga detalye, kaya hindi pa po pedeng sabihin. Saka po nandito po talaga sa LOBO ang konsentrasyon muna namin." . Nang tanungin naman namin siya kung san nga ba siya mas sikat? Noong nasa GMA 7 pa siya? O ngaung nasa ABS-CBN na siya? Ang sagot niya ay "Mas nakilala po ako nang tao nang lumipat ako. Mas nagkaroon po ako nang growth at kita nyo naman po nakaka kanta at sayaw na ako, (referring sa mga production number nya sa ASAP) ha ha ha... Saka talaga pong nag improve ang pag arte ko. Talagang malaking tulong ang nagawa sa akin nang ABS,. Thankful po ako sa kanila." .
Nang tanungin namin tungkol sa mga tagahanga nya na hindi siya iniwan, at mas dumami pa dahil world wide napapanood ang LOBO. Ito ang kanya sagot "Naku, kulang po ang salitang salamat, sa mga taga supporta ko na talagang hindi ako iniwan, kahil po lumipat ako. At sa mga bago pong kapamilya na nagmahal sa akin at niyakap ako nang kanilang pagmamahal. Maraming maraming salamat po.". JoKer DeTor Showbiz Top i-News http://joemer.blogetery.com
SUGOD SHOOTING: Lobo: Patuloy na umiigting, kahit sinasabing ‘di nagri-rate!
By Jean Oli
Habang tumatagal, lalo pang gumaganda ang takbo ng kwento ng “Lobo” na pinangungunahan ng tambalang Piolo Pascual at Angel Locsin. Bawat eksena, nagkakaroon ng lalim, at nabibigyang linaw rin ang mga misteryong bumabalot sa bawat karakter ng kwento.
Ang “Lobo” nga ang katuparan ng matagal ng hinihintay ng mga manonood na pagtatambal nina Piolo at Angel. Kahit may pagka-risky noong simula na baka hindi ito tanggapin ng publiko, ibinigay pa rin ng buong staff at cast ang kanilang dedikasyon para lalo pang mapaganda ang mapapanood ng mga tao.
Kakaibang kwento nga naman ang hatid ng “Lobo,” kumpara sa ibang mga teleserye ngayon sa telebisyon. Kumpletong sangkap ito para sa mga manonood. May action, suspense, adventure, conspiracy at pag-ibig para sa pamilya at sa kapwa.
Nagsimula ang kwento sa pagkakaibigan nina Noah (Piolo) at Lyka (Angel) hanggang sa sila ay paghiwalayin ng tadhana. Nang muli silang nagkita, nagkahulugan sila ng loob. Lingid naman sa kaalaman nila na sila pala ay nagmula sa magkalabang mga angkan. Habang patuloy na tumitibay ang pagmamahalan ng dalawa, tila nagiging mapaglaro naman ang tadhana para sa kanila. Si Lyka ang napiling tagapagligtas ng kanilang angkan na tinatawag na Waya (mga taong- lobo) habang si Noah naman ay kabilang sa grupo ng Luna na tumutugis sa mga taong-lobo. Paano pa nga ba maipagpapatuloy ang isang pagmamahalang sa simula pa lamang ay punung-puno na ng mga sikreto, pagtatraydor, at sabwatan? Ngayong nag-propose na si Noah kay Lyka, matuloy pa kaya ang kanilang pag-iisang dibdib ngayon pa at patay na ang tumayong ama ni Noah na si Gen. Leon Cristobal at pinalabas na isang Waya ang pumaslang dito?
Pagdating naman sa pag-arte, kakaibang talento ang makikita mo sa mga artista nito. Mula sa pinakamaliit na role, ay talagang binigyang hustisya ng bawat artista ang karakter na kanilang ginagampanan. Ibang-ibang Angel rin ang makikita rito kumpara sa mga nauna na niyang ginawa. Kahit pa sabihin na hindi nagri-rate ang show, patuloy itong umiigting at patuloy pa rin itong sinusubaybayan bilang isang dekalidad na palabas.
MATUTUWA AKO KAPAG NARINIG KONG “NAY LOLIT” NA ANG TAWAG SA AKIN NINA PIOLO AT SAM!
Written by Lolit Solis
Natutuwa naman ako dahil marami ang nagpasalamat at natuwa na natapos na ang kasong isinampa sa akin nina Piolo Pascual at Sam Milby. Lalong nakakataba ng puso ‘yung sinasabi pa mismo nina Piolo at Sam na parang nanay daw nila ang tingin sa akin nang magkita kami sa korte. Touched naman ako! Touched daw, oh! Pero hindi, siguro talagang matutuwa ako kapag isang araw, narinig kong “Nay Lolit” na ang tawag sa akin nina Piolo at Sam!
Sabi nga nila, magandang birthday gift ito sa akin, kaya hindi ko na muna haharbatan sina Piolo at Sam. Sa susunod na birthday ko na lang!
May mga negative at tumututol pa rin, pero mas marami ‘yung umayon sa ginawa kong mag-retract ng kuwento ko tungkol sa dalawang aktor, Ang sa akin lang naman, matapos na ito at naaawa na ako sa mga apektadong tulad ni Ms. Veronica Samio na matagal na ngang nag-retire sa pagiging editor, nadamay pa rin sa kaso.
Ang isa pang nakakaloka, day, minsan, dun sa Manila City Hall, laging puno ang elevator o ‘di kaya sira! Hinihingal-hingal na ako sa pag-akyat hanggang 4th floor. Nakakalokang pagod ‘yun, ‘di ba?!
Sabi nga nila, tingin daw nila magiging close friends ko sina Piolo at Sam. Willing naman akong maging kaibigan nila at kung kailangan nila ang tulong ko para sa kanilang career or whatever, nandito lang ako nakahandang gawin iyun para sa kanila. Wa etching ‘yan! True ‘yan!
MUNTIK nang magkaroon ng stampede sa The Block ng SM City dahil sa mga bida ng “Lobo” na sina Piolo Pascual at Angel Locsin. Ayaw talagang papigil ang mga fans nina Piolo at Angel para makalapit at makamayan talaga sila.
Nakakabingi rin ang tilian ng mga tao sa dalawa. Nabanggit ni Angel na ang “Lobo” lang ang nag-iisang teleserye na gagawin niya ngayong taon dahil uumpisahan naman nila ni Piolo ang first team up nila sa pelikula under Star Cinema. Excited na si Angel dahil sa Australia sila magsho-shoot ni Piolo ng kanilang first movie. Bongga ‘di ba?
STi-N Sexiest Male In The Philippines!!!
Gaya nang sexiest female, ay nag survey din kami nang sexiest male dito
sa Pilipinas. Ito ang lumabas sa aming tally.
20. Marc Nelson
19. Diether Ocampo
18. Polo Ravales
17. Dion Ignacio
16. Derek Ramsay
15. John Uy
14. Jericho Rosales
13. Carlo Guevarra
12. Mike Tan
11. Raphael Rossel
10. Will Devaughn
9. Enchong Dee
8. Zanjoe Marudo
7. Jake Cuenca
6. Aga Mulach
5. Dingdong Dantes
4. Jon Avila
3. Sam Milby
2. Richard Gutierrez
1. Piolo Pascual
“HINDI AKO KASALI SA EX-DEAL, KAYA IMPOSIBLE KAMING MAGSAMA NI MARIAN!” –PIOLO PASCUAL
GRABE pala kung magtrabaho itong si Direk Jerry Lopez Sineneng sa teleseryeng “Lobo” nina Piolo Pascual at Angel Locsin. Walang inaaksayang oras sa pagtatrabaho, tuloy-tuloy hanggang madaling araw. “Hindi naman kasi mahirap idirek sina Piolo at Angel dahil pareho silang magaling na artista. Alam nila ang gagawin pagdating sa set. Kaunting rehearsal at batuhan ng linya – ‘yun na! Take na kami! Nakakataas ng energy sa isang director kapag ang artista mo kasing huhusay nilang dalawa,” pagmamalaking sabi ni Direk Sineneng.
Agad naman kaming ipinakilala ni Direk Jerry kay Piolo Pascual na first time namin nakausap ng personal. Tinanong agad namin siya kung totoong gagawa sila ng pelikula ni Marian Rivera under GMA Films? “It’s not true, nagulat na lang ako ng lumabas ang balitang ‘yan. Wala akong pinipirmahang kontrata sa GMA Films, kaya imposibleng magkasama kami ni Marian. Nagkasama lang kami sa pictorial ng produktong ini-endorse namin, ‘yun lang. Exclusive ang contract ko sa ABS CBN at Star Cinema, paanong mangyayari ‘yun? Definitely, hindi ako kasali sa sinasabi nilang ex-deal ng Star Cinema at GMA Films!” paglilinaw ni Piolo.
‘Yung nababalitang babae ngayon sa buhay ni Piolo na Born Again Christian din na tulad niya na madalas daw kasama ng binata every Sunday sa church. “Friends lang kami. Hindi ko masabi kung siya na nga dahil sobra ang busy ko sa work. Nagkikita lang kami sa church at nag-uusap, pero nothing serious going on between us!” pagtutuwid ni Piolo.
Sa aming pag-uusap, inamin ni Piolo na marami na rin siyang naka-relasyon hindi nga lang taga-showbiz. Hindi kasi siya ang tipong binabandera ang bawat maging girlfriend. “This time siguro kung magkaka-girlfriend ako, it’s really a serious relationship! Sa ngayon wala pa talaga. Hindi pa dumarating ‘yung right girl for me!
“Gusto ko rin magkapamilya at magkaanak. Ngayon pa lamang pinaghahandaan ko na ‘yan para mabigyan ko sila ng magandang kinabukasan. Gusto ko ready na ako ‘pag dumating ‘yun time na puwede na ako mag-settle down. Trabaho muna tayo para sa future ng magiging pamilya ko,” masaya at punong-puno ng pangarap na sabi ni Piolo.
Kahit anong intriga pa ang dumating kay Piolo, matatag pa rin niya itong haharapin. Sa kaso nga ng actor, the more na iniintriga lalo naman siyang sumisikat at dumarami ang kanyang endorsement. Very positive naman kasi ang attitude niya, kaya pinagpapala rin talaga ng Maykapal.
“As much as possible ayaw kong may kaaway or may nagagalit sa akin. Kaso mo, hindi maiiwasang may magalit sa ‘yo na hindi mo naman alam ang dahilan. Iniintriga ka na hindi naman totoo… nasanay na rin ako,” pagwawakas niya.
Ayaw na rin talagang pag-usapan pa ni Piolo ang balitang nagpunta sila ni Sam Milby sa DOJ para siguraduhing makukulong si Lolit Solis sa kasong isinampa nila.
| Official Statement on Lolit Solis retraction |
For once I’ll keep my mouth shut. I will let you guys do the talking after reading the official statement of Star Magic re: Lolit Solis retracting her column feed insinuating Piolo Pascual and Sam Milby were in some hotel in some rendezvous. So bring it on!
Anyway, here’s the statement:
Ms. Lolit Solis finally agreed to give a retraction. “There’s no factual basis for my article, which came out on October 15, 2007. I am extremely sorry for dragging the names of Sam and Piolo. “SAM, PIOLO, I AM SORRY FOR THE HURT AND EMBARASSMENT I CAUSED.”
From the beginning, all that ABS-CBN Star Magic artists Piolo Pascual and Sam Milby wanted was for Ms. Solis to retract her story as well as apologize. It can be recalled that Piolo and Sam wanted to settle this libel case as early as the season of Christmas but Ms. Solis has shown no real contrition and has not retracted her statement. What she has said is that she wants to “make areglo” by apologizing. With no retraction forthcoming, there can be no settling of this case. Now that she has finally done so, Piolo and Sam withdrew the case against her.
ABS-CBN Star Magic is very happy that the truth has finally come out. Piolo and Sam have fought for what is right. The two have proven themselves to be true gentlemen and Christians by making their stand that they will withdraw the case once they get a retraction and an apology. Let it be stressed that Piolo and Sam won this battle even if they decided to withdraw the case against Ms. Solis.
So go react =)
Bea Alonzo, on the look-out for leading man
Now that it has been officially announced that Bea Alonzo will play the lead role in Yo soy Betty La Fea, the next question is, who will play the character of Armando, the leading man of Betty?
This is considered a plum role because Armando Mendoza’s character is very interesting. Armando is handsome, smart, well-educated and is the president of the fashion design company Eco Moda where Betty works as his secretary.
He is also the one who will capture the heart of Betty.
When Alonzo was asked by Ruffa Gutierrez in The Buzz last Sunday, she shared her top 5 choices, Gabby Concepcion, Aga Muhlach, Diether Ocampo, Piolo Pascual and Jake Cuenca for the role of her leading man.
These are the men Bea personally chose for the role. But according to management, the production team has already decided on who will play her Armando.
Is he one of the guys Bea chose? Who is this lucky actor?
Sam at Piolo, di nakakibo sa sorry ni Lolit

“My mom is on the same age, 61, I don’t wanna see her in jail. So I’m really happy and thankful na umabot tayo sa pag-aayos,” said Piolo Pascual after the special hearing held yesterday at the Manila Regional Trial Court. He and Sam Milby dropped the libel case they had filed against Lolit Solis.
FINALLY, nagkaayos na rin sina Manay Lolit Solis at sina Piolo Pascual at Sam Milby, pagkatapos mag-retract si Manay Lolit ng kuwento niyang nakita sa isang coffee shop sa Sofitel ang dalawang aktor na nagbubulungan.
Isinumite kagabi ang retraction sa sala ni Judge Jose Mendoza ng Branch 55 ng Manila-RTC.
Kasunod noon ay nag-file na rin sina Piolo at Sam ng Joint Affidavit of Desistance na ang ibig sabihin ay inuurong na nila ang kasong Libel na isinampa laban kina Manay Lolit at Veronica Samio.
Pagdating ni Manay Lolit sa korte ay naabutan na niya roon sina Piolo at Sam, at kaagad naman siyang humingi ng sorry sa dalawa. Hindi agad sila nakakibo, pero si Mr. Johnny Manahan na ang humarap kay Manay Lolit.
Sandali lang ang ginawang pag-aayos sa harap ni Judge Mendoza, at doon ay nagkabati na silang lahat.
Parang nabunutan na raw ng tinik sina Piolo at Sam dahil ayaw naman daw nila ng ganitong gulo.
Si Manay Lolit naman ay napapagod na sa kakaakyat ng Manila City Hall at naaawa na raw siya kay Tita Vero na hirap na hirap na rin sa kasong ito.
Halos lahat naman ay natuwa sa nangyari at sabi nga nina Piolo at Sam, ‘clean slate’ na at pinupuri rin daw nila si Manay Lolit sa pagpapakumbaba at pagbawi ng una niyang kuwento.
Malaki ang pasasalamat ni Manay Lolit kay Boss Robbie Tan ng Seiko Films dahil siya ang nagpursige thru Atty. Joji Alonzo na maayos na ang kaso at magkabati na ang tatlo.
Parang nakahinga na rin ng maluwag si Manay Lolit, dahil natapos na rin ito at magandang pa-birthday din ito sa kanya.
Last May 14, actors Piolo Pascual and Sam Milby withdrew their case against entertainment writer and host Lolit Solis and editor Veronica Samio at Branch 55 of the Manila Regional Trial Court. Lolit had finally published a retraction in her column in the tabloid Pilipino Star Ngayon as well as apologized to the actors in the presence of their manager Johnny Manahan and lawyer Joji Alonzo. This ends the seven-month legal drama that began when the columnist had insinuated in her column that the two actors were gay. Below is Star Magic’s official statement regarding the case.
Ms. Lolit Solis finally agreed to give a retraction. “There’s no factual basis for my article, which came out on October 15, 2007. I am extremely sorry for dragging the names of Sam and Piolo. Sam, Piolo, I am sorry for the hurt and embarrassment I caused.”
From the beginning, all that ABS-CBN Star Magic artists Piolo Pascual and Sam Milby wanted was for Ms. Solis to retract her story as well as apologize. It can be recalled that Piolo and Sam wanted to settle this libel case as early as the season of Christmas, but Ms. Solis has shown no real contrition and has not retracted her statement. What she has said is that she wants to “make areglo” by apologizing. With no retraction forthcoming, there can be no settling of this case. Now that she has finally done so, Piolo and Sam withdrew the case against her.
ABS-CBN Star Magic is very happy that the truth has finally come out. Piolo and Sam have fought for what is right.The two have proven themselves to be true gentlemen and Christians by making their stand that they will withdraw the case once they get a retraction and an apology.Let it be stressed that Piolo and Sam won this battle even if they decided to withdraw the case against Ms. Solis.
May 15th, 2008 at 4:58 am

Being a celebrity is not as glamorous as most people would like to believe. When ABS-CBN.com visited the House of Elle set of Lobo last April 9, Angel Locsin and Dimples Romana were taping their scenes under the scorching summer sun. But as uncomfortable they may have been working in scorching temperatures, they had ready smiles and hellos as the ABS-CBN.com crew arrived.
It was already 2:30 pm when Angel finally had her lunch together with Direk Cathy Garcia-Molina and the rest of the crew. It was very much like how any average family would eat their meals: lots of kwentuhan and kulitan amongst them. But Angel ate quickly to accommodate an interview before they had to resume taping. Despite her tiring shoot, Angel managed to relax while sharing her thoughts on Lobo, love, and, life.

Around 4:30 pm, they shot the scene where Lyka confronts Trixie about her role as Lyka’s warden (aired last April 11) at House of Elle’s rooftop. Direk Cathy’s drive for perfection and precision was very much evident. Every now and then she would shout comments or give directives to improve the scene. “Hindi ko gusto ang energy,” she would say to change the ambiance of the scene. To get exactly what she wanted of actress Dimples Romana, she said, “Ipakita mo yung light na Trixie pero nasaktan: ‘Di lang dahil kaibigan mo ko kaya naging close ako sa ‘yo… Higit pa ko sa kaibigan mo, ako ang tagapagbantay mo.’” At other times, Direk Cathy would make sure that the lines were delivered accurately.
Blocking the shots proved to be another challenge. This was evident during Zoe’s (Lauren Young) confrontation with Lyka at the same location. Markers were placed on the ground, but the actors who were so absorbed in their roles would lose their blocking from time to time. Artistic distractions like Zoe’s hair falling on her face were also fixed for cleaner shots. No doubt about it: Direk Cathy would never compromise production value just to be over and done with the taping.
Most of them had been working non-stop since 5 am, but none of them aired any complaints. The Lobo cast and crew were even energetic enough to gamely pose for some photos in between shoots. Even as the ABS-CBN.com crew was done for the day and ready to head home, the Lobo team were still at it, working hard to perfect each scene. For them the work day wasn’t quite over yet.
May 13th, 2008 at 5:35 am
Lolit Solis and Joey de Leon react to Piolo and Sam’s televised visit to the DOJ office

Piolo Pascual and Sam Milby’s courtesy call to Justice Secretary Raul Gonzales of the Department Of Justice last week was meant to remind the justice office not to forget their libel case against Lolit Solis and retired editor Veronica Samio.
The two Kapamilya stars, together with their lawyer Atty. Joji Alonso, expressed their wish for a fair and just trial because they were troubled by hearsay-according to their sources-about Lolit’s alleged claim that she was influential in the DOJ and that she can easily dismiss the case.
Despite having proper evidence, the case has not yet reached court because of Lolit’s Petition for Review passed to the DOJ.
A concerned-looking Lolit Solis aired her reaction in Startalk yesterday regarding Piolo and Sam’s move, including the rumor that she has connections inside the DOJ. But before she could say anything, Joey de Leon, who probably can’t hold his feelings any longer after viewing the initial report during the introductory segment, said, “Ako, nagulat doon sa napanood ko, ha.
“Ako, hindi nakikialam masyado sa issue na ito at nagbibiruan tayo pero parang mali naman yata ‘yan. Yung mga umaangal sa takbo ng batas sa Pilipinas, e, yan, e, dinadaan sa rally. Hindi yung pumapasok sa opisina ng may opisina. Hindi ko maintindihan yun.”
And Lolit, reacting to the rumor about her having connections inside the DOJ, exclaimed, “At Joey, ni hindi ko alam kung saan yung office ng DOJ.”
“Yun nga, e,” agreed Joey. “Ang papel ko dito, e, i-interview ka, pero yun ay personal kong ano na, parang…parang kung sino lang, e, puwede na pumasok sa opisina ng pinakamataas na department ng batas. Yung kababayan nating maliit na nahihirapan, e, nagra-rally lang dahil hindi nga sila makapasok para ihain mga hinaing nila. Pero bakit ganyan, parang pinasok ng showbiz. Hiwalay dapat yun. Sa akin yun [opinion], ha.
“Pero ikaw Lolit, ano naging reaksyon mo nung nalaman mo yung ginawang ‘pamamasyal’ at pagpasok sa opisina ng DOJ ng dalawang kaaway mo.”
“Emotionally, naapektuhan ako,” Lolit said. “Parang, na-depress nga ako nung napanood ko sa news. Kasi parang ano, ‘to? Alam mong kasinungaling pero nagreresulta na sa ganung laban.”
“Yung iba naman dun, yung tingin, e, parang nang-iintriga,” Joey shared. “Nag-iintriga na… Pinagkakalat mo ba talaga na malakas ka?”
“Naku, hindi ko nga alam kung saan ‘yang building ng DOJ, noh!” Lolit exclaimed.
“Ganoon naman pala, e,” Joey replied. “Ano’ng ginawa mong preparasyon o ano ang ginagawa mong preparasyon sa unang paghaharap n’yo dahil kailan pa mangyayari [court case] ito?”
“Meron na kaming arraignment ni Veronica Samio sa May 15, sa Huwebes na darating na lingo,” Lolit explained. “Kaya nga ang alam ko, sa ano na ‘yon, nandoon na sa, sabihin na nating justice, dapat hintayin na lang kung ano ang mangyayari. Nandoon na sa husgado, e. Kaya yun na lang ang hinihintay ko kaya nagtaka ‘ko nung nagkaroon ng mga ganyan dahil parang… ‘Ano ‘to?’”
Joey followed, “Pero hindi mo talaga sinabi na, ‘Malakas ako,’ ganoon?”
“Kung malakas ako, e, di sana hindi sumampa yung kaso,” Lolit bluntly replied.
Joey then joked, “Oo. ‘Tsaka tayo, lahat tayo may kakilala, natural. Lahat tayo kilala natin yung presidente, kilala natin yung bise-presidente.” He then seriously added, “Nagulat lang ako na umabot na sa ganyan.”
“Kaya nga,” Lolit said. “Kaya nga na-depress ako dahil sabi ko parang iba na ‘tong labanan na ito!”
As his final question, Joey asked what Lolit’s message was, first to the DOJ.
Lolit began, “Ako, iginagalang ko talaga si Justice Gonzales. Alam kong gagawin nila kung ano’ng nararapat.”
And what is her message to Sam and Piolo?
“Baka naman gusto lang nilang…one afternoon magkasama sila together kaya pumunta sila doon. Baka ‘yan ang balak nilang gawin, ‘Sana magkasama tayo bukas, mamasyal na lang tayo sa DOJ.’ Parang ganoon.”
Joey de Leon has his own parting message.
“Kasi ang tanong ko lang kasi, ‘eto sa akin lang, ha, medyo napikon ako, e. Ibig sabihin yung mga maliliit na tao, e, ang tingin nila, madedehado sila sa labanan, e, puwede na lang pumasok sa opisina ng DOJ? Parang mali yata po yun. Tayo naman, maglalaban. Hindi dahil kaibigan ko ‘to [Lolit], pero parang mali yun. Ba’t hindi na lang sabihin sa press o sa TV na, ‘O, Boss Raul, huwag ninyo kalimutan na ano.’
“Ako, bihira ako mapikon nang ganito, e. Pero nilalabas ko ‘pag ganito. Huwag yung ganun, na may media coverage pa.”
Lolit speculated, “Hindi kaya nainggit sila kay Gabby Concepcion dahil araw-araw nasa diyaryo, maraming kaso?”
“Umaangal yung maliliit nating kababayan, ngayon kayo mag-ano, na kayo rally nang rally at nagpapakahirap sa init ng araw, e, hindi kayo makapasok sa aircon ng DOJ. Yan ang iangal nyo.
“Parang mali, ha, porke’t artista ka, e, makakapasok ka nang ganoon. Baka nag-picture-taking pa yun, pirmahan.”
“Thank you, Joey, ha,” Lolit sincerely said. With that, the Startalk crew asked Joey to seal his renewed support to Lolit by kissing her. He obliged.
Piolo at Sam…
MUKHANG ayaw ng kampo nina Piolo Pascual at Sam Milby na mamatay ang isyung demanda nila kay Manay Lolit Solis.
Pinag-uusapan naman ngayon ang pagpunta nila ng DOJ para mag-courtesy call kay Justice Secretary Raul Gonzales.
Hindi sila nagpa-interview. Basta nagpakita lang sila roon with matching TV coverage para malaman ng lahat na pursigido sila sa kasong ito at siguro nga, gustung-gusto nilang ipakulong si Manay Lolit.
Ang lumabas sa balita, nangangamba raw sina Piolo at Sam sa kahihinatnan ng kaso.
May nakarating daw na balita sa kanila sinasabi raw ni Manay Lolit na malakas ang koneksyon nito sa DOJ.
Pumunta sila sa DOJ para humingi lang daw ng parehas na laban sa kasong iyun.
Aminado si Manay Lolit na na-depress siya nang mapanood sa TV ang balitang iyun.
Wala siyang ginagawa o sinasabi, bakit siya pinaratangan ng ganu’n?
“Hindi nga ako kilala ni Sec. Gonzales. Hindi ko nga siya naharbatan!” tili ni Manay Lolit.
“Kung malakas ako eh sana, hindi na umakyat ang kaso.”
Sa kampo nina Piolo at Sam nanggaling ang balitang iyun.
Nakagugulat na may ganu’ng isyu palang sinasabi kuno ni Manay Lolit na malakas siya sa DOJ.
Itong kampo nina Piolo at Sam ang gumagawa ng ganu’ng isyu kaya pinapunta ang dalawang aktor sa DOJ para mapag-usapan na naman.
Oo nga naman!
Iyun yata ang gusto nila — consistent na pinag-uusapan!
Sa darating na linggo ay arraignment na ni Manay Lolit at Tita Veronica Samio sa kasong iyun.
Ilan sa nakakausap ko ay napakunot na lang ng noo at naiirita sa ginagawa nina Piolo at Sam.
Bakit daw sila sunod nang sunod sa iniuutos sa kanila gayung sa kanila nagre-reflect ang impresyon ng mga tao?
Komento tuloy ng ilang nakakausap ko, parang nagmumukhang bakla raw niyan sina Piolo at Sam!
Ayaw na sana ng abugado ni Manay Lolit na patulan pa ito dahil hindi totoo ang isyu sa kanya, pero mukhang magre-react pa rin si Manay Lolit.
Piolo Hininging Kapalit Ni Richard Gutierrez, Nang GMA Films!!!
KINUMPIRMA NAMAN NG GMA Films na pumirma na si Richard Guiterrez ng one-picture contract sa Star Cinema at tuloy na nga ang pelikulang pagsasamahan nila ni KC Concepcion. Sabi ko na nga eh! Ito na siguro ang tsika sa akin na ginagawa na raw ngayon ni Joey Reyes ang script para sa pelikula ng dalawa at gagawin daw ito sa Paris na ididirek ni Joyce Bernal.
Nasa Europe pa si Anette Gozon-Abrogar ng GMA Films, pero may representative sila nang pumirma si Richard sa Star Cinema. Hindi nga daw ito co-production nila sa Star Cinema, pero may kapalit daw itong pagpirma ni Richard sa kanila.
Narito nga ang text ni Noel Ferrer ng GMA FiIms bilang statement sa naturang pirmahan: “As we all know, we at GMA Films originally wanted a co-production arrangement with Star Cinema for the Richard-KC movie. But, what we came up with a compromise agreement. Dahil po ito ang hiling, at hiling na rin nina Richard at KC—matutuloy po ang Richard-KC movie. Pero ito po ay isang special arrangement na may katapat na deal sa GMA Films. Abangan na lang po nating ang magandang balita pagbalik ni KC sa Paris, ni Richard sa Dubai at ni Ms. Annete Abrogar of GMA Films mula sa Europe para sa special announcement.”
Ang special announcement na sinasabi nila, ito daw ang pelikulang pagsasamahan naman nina Piolo Pascual at Marian Rivera. Bale si Piolo ang pampalit ng Star Cinema sa pagpirma ni Richard sa kanila.
Maganda din ito kung sakali. Marami pa naman ang nagsasabing magandang kumbinasyon din ang kina Piolo at Marian. Kaya palagay ko ito ang gagawin ng GMA Films pagkatapos ng Richard-KC movie.
Okey na po ulit ang mga comment box namin… Pede na ulit kayong mag post nang comments nyo…. please post a comment on each article na mababasa nyo… para naman ganahan kami na mag post nang maraming news, para sa inyo… thankz!!!
saka survey lang gusto nyo bha magkaroon tayo nang Showbiz news na foreign??? send nyo lang sa sti_n23@yahoo.com kung gusto nyo… okey???
Judy Ann, makinig ka!!! MAS LALAKI SI PIOLO KAY RYAN AGONCILLO!
Written by Chit Ramos
MAINIT NGAYON ANG usapang mga ‘di naiimbita sa presscon, kase ibinubulsa raw ng PR Heads ang budget. Totoong may namumulsa ng budget, pero kung minsan, super sour graping lang din ang ilan sa atin. Sa dinami-dami ba naman ng mga kapatid natin sa hanapbuhay, palagay n’yo, maiimbita ba tayong lahat? Pagpasensayahan na natin. Example na lang, ‘yang Ryan Agoncillo na ‘yan! Akala ko, malakas ako sa kanya. Kasi nga, nung gusto niyang makipagbati kay Piolo Pascual, pinili niya akong peace messenger. Kesyo, ako lang daw ang pwedeng gumawa noon. Ako naman, sinagasa ko ang ‘sang katutak na fans para puntahan si Piolo. Nasa pedestal kasi ang tingin ko noon kay Ryan. Pero, naimbita ba niya ko kahit sa isang presscon niya? Hindi po!
Hindi ako naghihinanakit sa kanya. Kasalanan ko ba kung ang tingin lang niya sa akin ay taga-ayos lang ng gulo sa buhay niya at hindi ako makakatulong sa promo ng mga project niya?! Hanggang doon lang pala ang Ryan Agoncillo na tiningala ko sa pedestal. Ganun lang ‘yun! Ang magandang nangyari, bigla akong naging tagahanga ni Piolo Pascual. Nakita ko sa kanya ang pagkalalaki o pagiging gentleman na hindi ko nakita kay Ryan. Kaya, Piolo na ako ngayon. Ayoko na kay Ryan!
A hit or A miss? Marian Rivera-Piolo Pascual Tandem
Tuloy na tuloy na ang movie nina KC Conception and Richrad Gutierez under Starcinema ( ABSCBN Movie outfit). Pahulaan ngayon kung ano nga ba ang kapalit ng GMA sa pagpayag nito kay Richard Gutierez sa paggawa ng pelikula outside GMA Films.
Totoo kaya ang chika na, GMA Films gustong gumawa ng pelikula na si PIolo Pascual ang bida at ang leading lady nya walang iba kung hindi ang —Phenomenal Star na si Marian Rivera.
Bale ito daw ang kapalit ng pagpayag ng GMA na gumawa ng movie si Richard sa Starcinema at vice versa, pumayag daw ang Starcinema na gumawa ng pelikula si Piolo sa GMA Films. Ano ba yan, exchange of Leading man daw oh?!
Kung matutuloy man ang pagtatambal pelikula nina Piolo Pascual at Marian Rivera under GMA Films–mga ka-showbiz bureau you decide–
a Hit or a Miss?
DINGDONG DANTES, ‘DI PA RIN KA-LEVEL NINA PIOLO PASCUAL AT JOHN LLOYD CRUZ
Buong ningning na tinanong si Dingdong Dantes kung ready na ba siyang tumanggap ng man-to-man kissing scene, ala-Brokeback Mountain.
“Wala pa namang offer pero sobrang magiging challenging para sa akin. Pero hindi ganu’n kadali ang man-to-man thing. Kailangan kong pag-isipan nang ilang beses. Kailangan kong pag-isipan ng mabuti,” deklara ng leading man ni Dyesebel sa GMA-7.
Kahit makilala siya internationally at dalhin sa ibang bansa ang movie?
“Going global was never my objective. Mahirap kasi ‘pag ang thinking mo ay masyadong malaki, malawak. Wala ka pa nga roon, pati ikaw, hindi mo nako-concentrate. Always, ang focus ko, sa Pilipinas lang. So, kung wala man doon, okey lang.
“Of course, sinasabi nila, artist tayo, kailangan, experimental. Pero kung ayaw mo naman ang gagawin mo at hindi ka comfortable, siyempre, kailangang masaya ka sa ginagawa mo. So, I should have 20 reasons to do that and right now, I don’t see the majority yet,” deklara niya.
Paano kung siya ang magdidirek ng pelikula?
“Mahirap. Ako, ayaw kong magdirek at the same time ay artista. Mahirap ‘yun,” sambit pa niya.
Pero ano ang reaksiyon niya na ikinukumpara pa rin ang acting niya kina Piolo Pascual at John Lloyd Cruz? Malayo pa rin daw ang acting niya sa dalawa. Paano niya natatanggap ang ganitong criticism?
“Ako, naniniwala na kaniya-kanya kami. I believe that they were given more opportunities to do that. And ako siguro, I’m starting to be in the game, sa ganitong klaseng roles. Perception nila ‘yun, e! If they think it’s far, ako, I believe otherwise. Para sa akin, gagandahan ko ‘yung ibinibigay sa akin, gagandahan ko ‘yung ipinagkakaloob sa akin without thinking kung sino ang iniisip nilang kapareho ko. Gusto ko lang, may mapatunayan ako sa sarili ko. Ever since, gusto ko, akin lang,” bulalas pa niya.
Anyway nagpapasalamat si Dingdong sa Philippine Movie Press Club (PMPC) sa pagkaka-nominate sa kanya sa 24th Star Awards for Movies bilang Darling of the Press. Nominado rin siya bilang Best Director para sa Daddy’s Angel episode ng Angels.
Napansin din sa idinirek niyang episode si Nash Aguas for Best Child Actor for the same episode, Best Picture (Daddy’s Angel episode pa rin), Best Cinematography (Armin Collado and Pao Orendain) at Movie Original Screenplay of the Year (Gina Marissa Tagasa).
Bravo!
Halaw sa Diyaryong Bulgar mula sa panulat ni Roldan Castro
Piolo Pascual - Marian Rivera Movie in the Works?
The chemistry between ABS-CBN top actor Piolo Pascual and GMA’s top actress Marian Rivera could create fireworks if they ever team up on a movie.
In the press conference of a new spa where Piolo Pascual and Marian Rivera are the endorsers, their chemistry was put to test and somehow, it worked! As a matter of fact, Mother Lily Monterverde of Regal Films is now planning to make a movie for the two big stars from rival tv stations.
Rica Peralejo refuses to comment about Piolo Pascual’s new “inspiration”

Maituturing na si Rica Peralejo ang pinakamatagal na na-link sa matinee idol na si Piolo Pascual. Marami rin ang nag-isip na mauuwi sa isang romantic relationship ang friendship nila.
But as we all know, up to now, tahasan pa ring sinasabi ni Piolo na for several years ay wala talaga siyang nagiging girlfriend. Same goes with Rica na still single pa rin and, as much as possible, hoping na whoever will be her next boyfriend would be her last too.
Sa pangyayaring may mga pahayag daw si Piolo ngayon na babaeng natitipuhan diumano ng aktor from their church, sinubukan ng PEP (Philippine Entertainment Portal) na kunin ang reaksiyon ni Rica tungkol dito.
“Alam mo, sa totoo lang, tinanong din ako…TV crew, hindi na lang ako sumagot. Sa totoo lang, sumasagot ako ngayon if it concerns my life. But if it’s concerning others, hindi na talaga,” pag-iwas ni Rica.
Kibit-balikat lang ang isinagot ni Rica sa amin when we asked her kung aware ba siya sa sinasabing bagong girl na natitipuhan ngayon ni Piolo.
“Ewan ko!” sabay tawa ni Rica. “Siya ang tanungin n’yo, di ba? E, alam n’yo naman ako, hindi naman talaga ako showbiz.”
Nasagot na rin daw ni Rica noon kung bakit hindi nauwi sa romantic relationship ang naging closeness nilang dalawa ni Piolo, aside from the fact marami ang naniniwala na siya yung “Princess” na tinutukoy noon ng aktor.
“Unang-una, the reason why I don’t want to answer anything about Piolo is because Piolo is a big person. Hot item! Natural kahit na ano ang sabihin ko about Piolo, magiging malaki. So, mas mabuti na lang na tumahimik,” saad ni Rica.
SCHOOL LIFE. Career wise, talagang napagdesisyunan na raw ni Rica na hindi na maging kasing-busy tulad dati simula nang magdesisyon siyang mag-aral sa Ateneo. Kaya ibang blessing daw nang dumating sa kanya ang pelikulang Caregiver ng Star Cinema. Bukod dito, ang morning show ng ABS-CBN na Umagang Kay Ganda na talaga ang pinagkakaabalahan niya other than her schooling.
“It’s definitely my choice,” sambit niya. “Actually, after ng Pangarap na Bituin ko na-decide na I can’t do it, kasi hirap talaga ako. Parang ano rin… More than the hirap if I do not focus on something, I will not achieve anything also. Magsa-suffer lang ang lahat.”
Kinorek ni Ricaang PEP when we asked her kung inspirasyon ba niya ang nakababatang kapatid na si Paula Peralejo—na nagtapos kamakailan na magna cum laude sa University of the Philippines-sa kanyang pagbababalik-eskuwelahan.
“Like I’ve said, not an inspiration but an encouragement. A big factor dahil siya talaga yung nagpalakas ng loob ko na mag-aral,” aniya.
Biro ni Rica, kung ang kapatid daw niya ay grumadweyt ng magna cum laude sa UP, siya naman daw ay ga-graduate ng: “Suma ako…suman!” tawa niya
“Hindi, sabi ko nga, now that I tell everyone that she’s magna, everyone expects na we’ll be the same. Although hindi naman ako nape-pressure, pero I just want everybody to know na hindi naman porke ganoon ang kapatid ko, ganoon din ako.
“Unang-una, nagtatrabaho pa ako,” patuloy niya. “Siya hindi. Completely mag-aaral siya at ako na ang nagsasabi na mahirap ang working student. Kaya sa lahat ng working student sa buong mundo, sobrang bilib ako. Ang hirap talaga!
“Kaya ako, alam n’yo yung every time na mag-excel ako in something sa school, sobra-sobra ang pasasalamat ko. Parang, ‘Lord, kung wala ka, paano ko ito gagawin?” pahayag ni Rica who is an incoming second year student ng Creative Writing course sa Ateneo.
Angel-Piolo Movie Facing Major Obstacle
Angel Locsin confirmed that her first movie under Star Cinema is in the works and her first leading man is no other than her Lobo partner Piolo Pascual. But the sky is gray for the Angel-Piolo tandem on the silverscreen.
Regal Films executive Roselle Monteverde-Teo, daughter of Mother Lily Monteverde, has this to say with the upcoming Angel-Piolo movie:
“Gawin na muna nila at tingnan natin. You have to commit the crime first, before you can do anything.”
Here’s the sitch: Angel Locsin has an existing contract with Regal Films. According to the contract, Angel needs to finish 2 or 3 movies before she can move with other film outfits. And the statement of Roselle Monteverde-Teo sounds like a threat that Regal will file a case against her if she “commit the crime.”
Mangyari po lamang na magiwan po kayo nang inyong kumento, tungkol sa
usaping ito. Dahil dito po sa SHOWBIZZ TOP i-NEWS, laging pananaw nyo
lang po ang siyang laging mahalaga at importante para sa amin.
for your comments, suggestion or complains (regarding the site) you can
e-mail us at
March 29th, 2008 at 10:50 pm
STi-N READ THIS: Top New Leadingmen Of This Generation!!!

Richard Gutierrez - maituturing na isa sa mga bagong leading man nang
bagong henerasyon. Sa kabila nang napakabata nyang edad, ay nakagawa na
rin siya nang marami rami na din na pelikula. Kahit di gaanong malaki
ang kinita, ay hindi naman na lugi at nagkaroon din naman nang tubo sa
mga pelikulang nagawa. Nagkaroon na siya nang limang sariling
pinagbidahan na teleserye. Nakilala siya nang magclick ang tambalan nila ni Angel
Locsin sa fantaseryeng “Mulawin”. Itong fantaseryeng ito ang nag
lukulok sa GMA Network, upang maging number 1, sa ratings sa Mega Manila.
Jericho Rosales - Unang nakilala nang manalo sa contest na “mr. pogi”
sa pananghaliang programa sa ABS-CBN na Eat Bulaga. Nag ningning ang
kanyang bituin nang mapabilang siya sa Star Magic na noon ay Star Circle
pa ang pangalan. Nakilala siya nang magkaroon siya nang kaunaunahang
teleserye na “Pangako Sayo” na siya mismo ang bida. Nakatambal niya dito
si Kristine Hermosa, at naging number 1 ang teleseryeng ito mula umpisa,
hanggang sa matapos na nakakuha nang 66.3% na average rating sa loob
nang tatlong taon. Naging mga box office hits din ang mga pelikula na
nagawa nila ni Kristine. Umani na rin siya nang maraming major acting
awards, gaya nang best new male actor, best supporting actor, at maging
best actor. Nagkaroon din nang self-titled na teleserye, ang “Panday”.
Sam Milby - Unang nakita sa mga commercials, gaya nang toothpaste, at
mga print ads, sa gamot. Pero nakilala at sumikat nang siya ay pumasok
sa loob nang bahay ni kuya. Simula nang paglabas niya ay tuloy tuloy
nang bumulusok ang kanyang career. Nagkaroon agad nang album, at napasama
agad sa pelikula nina John Lloyd Cruz at Bea Alonzo na “Close To You”.
Wala pang isang taon ay nasundan agad ito nang isa pang pelikula,
kasama si Toni Gonzaga na siya mismo ang bida. Napasama din sa teleseryeng
“Maging Sino Ka Man”, na ngaun ay nagkaroon siya nang marka, dahil sa
linya niyang “I never said, that i love you!!”.
John Lloyd Cruz - Unang nakita sa mga re-enactment sa programang
“Kampañero Y Kampañera”. Nakilala nang maging cast sya nang sunday
afternoon teen program na “Tabing Ilog”. Napasama sa iba’t ibang teleserye,
ngunit nabigyan nang pagkakataon na sumikat nang magbida siya sa kanyang
kauna-unahang teleseryeng “Kay Tagal Kitang Hinantay”. Dito ay dapat
si Dimples Romana ang kanyang katuwang, ngunit biglang nagbago, dahil
biglaang nabuntis si Dimples. Kaya napapunta ang pagtitingin nang
karakter niya kay Bea Alonzo, na mas sinuportahan naman nang mga tao. Naging
number 1 sila mula nang si Bea ang nakatuwang niya. Nasundan nang
launching movie nila kasama sina John Pratts at Heart Evangelista. Mula noon
ay nagsunod sunod na ang kanyang tagumpay. Tumangap na din nang mga
paranggal, mula dito sa ating bansa, at maging sa ibang bansa.
Piolo Pascual - Unang nakita sa pambatang programang ATBP. Umalis nang
bansa at nagbalik, napasama sa teleseryeng
“Esperanza” at “Sa Sandaling Kailangan Mo Ako”. Mula noon ay Sumikat
siya dahil nakapareha niya si Judy Ann Santos, sa teleseryeng “Sa Puso Ko
Iingatan Ka”. Tapos mula noon ay sunod sunod na ang pag angat niya.
Nagkaroon nang puro platinum ang kanyang album. Naging grand slam best
supporting actor para sa pelikulang “Dekada 70″. At nagkaroon na din nang
best actor na parangal, sa pelikula at telibisyon.Naging leadingman
din nina Claudine Barretto, Bea Alonzo, Regine Velasquez, Angel Locsin at
Maricel Soriano. Nakasama din siya ni Vilma Santos. At soon
makakapareha niya sina Sharon Cuneta, KC Concepcion, Gretchen Barretto, Toni
Gonzaga, at Kristine Hermosa.
Para sa inyo, sino ang pinaka sikat? Vote now!!!
Mangyari po lamang na magiwan po kayo nang inyong kumento, tungkol sa
usaping ito. Dahil dito po sa SHOWBIZZ TOP i-NEWS, laging pananaw nyo
lang po ang siyang laging mahalaga at importante para sa amin.
for your comments, suggestion or complains (regarding the site) you can
e-mail us at
Maraming Maraming Salamat Po Sa Walang Sawa Nyong Pag Supporta Sa
Amin!!!
YES! Magazine Awarded Mostly Kapamiya’s Star!!!
Definitely, no year would be complete without the country’s leading and best-selling entertainment magazine’s list of the most beautiful, the most popular, and the most favorite celebrities of the year as voted by its readers.
Leading the favorite list are Maricel Soriano and Piolo Pascual, as Favorite Actress and Favorite Actor of the year, respectively. The readers chose Ryan Agoncillo and Judy Ann Santos as Favorite Real-Life Sweethearts and their 2006 Metro Manila Film Festival box-office hit Kasal, Kasali, Kasalo for Favorite Movie of the Year.
ABS-CBN’s Maging Sino Ka Man gets the Favorite TV Show, Drama award, while GMA-7’s Super Twins gets the majority of the readers’ vote for Favorite TV Show, Fantasy-Adventure. Two more Kapuso shows get the Favorite TV Show awards from the readers: Boys Nxt Door for the Youth Oriented category and StarStruck: The Next Level for the Reality/Games category.
YES! Magazine’s April 2008 issue cover story KC Concepcion is voted by the readers as the Most Beautiful Celebrity, while Richard Gutierrez, the man who has been rumored to be courting her gets the Most Handsome Celebrity and Most Fashionable Young Male Celebrity awards. Coincidentally, Richard’s ex-girlfriend Anne Curtis is voted Most Fashionable Young Female Celebrity award.
Expecting mom Jennylyn Mercado is the readers choice for Young Female Superstar and Celebrity Home of the Year. John Lloyd Cruz at the Kapamilya side is chosen Young Male Superstar. The readers love John Lloyd with Bea Alonzo, hence their love team is voted as the Most Popular Love Team.
Kapuso dream boy Dennis Trillo’s condo gets the readers’nod for Celebrity Condo of the Year. Ogie Alcasid and Regine Velasquez’s admission of their relationship for the readers is hands-down the most talked about incident in showbiz last year, that’s why they were given the Scene Stealers of the Year award.
Kapamilya’s cute pair Gerald Anderson and Kim Chiu gets the Next Big Male Star and Next Big Female Star, awards respectively.
The readers’choice for Band of the Year and Band Song of the Year are Bamboo with their album We Stand Alone and “Akin Ka Na Lang” by the Itchyworms from their album Noontime Show, respectively.
Mangyari po lamang na magiwan po kayo nang inyong kumento, tungkol sa
usaping ito. Dahil dito po sa SHOWBIZZ TOP i-NEWS, laging pananaw nyo
lang po ang siyang laging mahalaga at importante para sa amin.
for your comments, suggestion or complains (regarding the site) you can
e-mail us at
Maraming Maraming Salamat Po Sa Walang Sawa Nyong Pag Supporta Sa
Amin!!!
Piolo Pascual and Angel Locsin shoot sexy scenes in Calatagan, Batangas

Piolo Pascual and Angel Locsin shot this sexy scene for Lobo in Calatagan, Batangas. Noah (Piolo) and Lyka (Angel) went into hiding in an obscure resort because people from the Wayas and Lunas were looking for them. Unfortunately, Noah was captured while Lyka went back to the city on her own. Shortly after her 21st birthday, she transformed into a white she-wolf.
Nasaksihan na ng lahat sa wakas ang pagpapalit-anyo ni Lyka (Angel Locsin) nang magkatotoo na nga ang hula na siya ang huling bantay ng mga Waya. Samantala, patuloy namang binabantayan ng fans ang lumalalim na relasyon nina Lyka at Noah (Piolo Pascual). Kapanapanabik ang action scenes ni Noah lalo na ngayong tumitindi ang conflict niya sa kanyang mga superior sa military.
Sa paglabas ng tunay na pagkatao ni Lyka, masusubukan ang tibay ng pag-iibigan nila ni Noah. Gaano katindi nga kaya ang pagmamahalan nila para sa isa’t isa sa harap ng kahindik-hindik na pagbabagong magaganap? Sa mga susunod na linggo, masasagot ang mga tanong na ito: will their love survive this test, o ito na ang makapaghihiwalay sa kanilang dalawa?”
Samantala, natuwa naman ang male fans ni Angel sa pagsusuot nito ng two-piece swimsuit sa telebisyon. “Grabe ang tensyon ko,” kuwento ni Angel. “Kasi for TV ito e, hindi katulad kapag magazines na pose lang, ito may acting involved, pero comfortable naman ako kay Piolo lalo na at this point dahil matagal na rin kaming nagtatrabaho together, so at least, hindi ako nahirapan sa aspetong ‘yon.”
Hindi naman maitatanggi ni Piolo ang sarap ng pakiramdam niya sa pagtanggap ng mga tao sa kanilang tambalan, pati na rin ng TFC subscribers. Sa recent trip nila ni Angel at Shaina Magdayao sa Dubai ay talaga namang dinumog sila ng mga tao roon.
“Wala akong masabi nung lumabas kami ng stage,” kuwento ni Angel. “Grabe, overwhelming ang feeling, mahal na mahal nila ang Lobo at ang mga shows ng ABS-CBN, nilalapit daw namin sila sa mga pamilya nila dito sa Pilipinas. Kaya in that sense, nagpapasalamat kami at nagiging instrumento kami, nagiging inspirasyon sa mga Pilipino dahil sa mga programang ginagawa natin. Ang Lobo, malaki ang faith namin sa project, na makakapagpasaya kami ng tao, makakapagbigay-aliw, makaka-inspire. At salamat din sa production at management, hindi kami pinabayaan.”
Promise naman ni Piolo at Angel sa mga sumusubaybay sa palabas, “Naging masarap, mahirap, naging challenging ang buhay para kina Lyka at Noah. Naging kabahagi kayo nun. Maraming salamat,” sabi ni Piolo.
Ayon naman kay Angel, “Mas magiging makulay, masaya, magulo, kumplikado ang buhay nilang dalawa. Abangan n’yo po ang mga sorpresa namin sa mga susunod na linggo sa Lobo!”
Ang Lobo, na direksyon nina Cathy Garcia Molina at FM Reyes, ay mapapanood gabi-gabi, sa Primetime Bida block ng ABS-CBN.





Piolo Pascual and Angel Locsin shoot sexy scenes in Calatagan, Batangas
March 19, 2008 in Showbiz News

Piolo Pascual and Angel Locsin shot this sexy scene for Lobo in Calatagan, Batangas. Noah (Piolo) and Lyka (Angel) went into hiding in an obscure resort because people from the Wayas and Lunas were looking for them. Unfortunately, Noah was captured while Lyka went back to the city on her own. Shortly after her 21st birthday, she transformed into a white she-wolf.
Nasaksihan na ng lahat sa wakas ang pagpapalit-anyo ni Lyka (Angel Locsin) nang magkatotoo na nga ang hula na siya ang huling bantay ng mga Waya. Samantala, patuloy namang binabantayan ng fans ang lumalalim na relasyon nina Lyka at Noah (Piolo Pascual). Kapanapanabik ang action scenes ni Noah lalo na ngayong tumitindi ang conflict niya sa kanyang mga superior sa military.
Sa paglabas ng tunay na pagkatao ni Lyka, masusubukan ang tibay ng pag-iibigan nila ni Noah. Gaano katindi nga kaya ang pagmamahalan nila para sa isa’t isa sa harap ng kahindik-hindik na pagbabagong magaganap? Sa mga susunod na linggo, masasagot ang mga tanong na ito: will their love survive this test, o ito na ang makapaghihiwalay sa kanilang dalawa?”
Samantala, natuwa naman ang male fans ni Angel sa pagsusuot nito ng two-piece swimsuit sa telebisyon. “Grabe ang tensyon ko,” kuwento ni Angel. “Kasi for TV ito e, hindi katulad kapag magazines na pose lang, ito may acting involved, pero comfortable naman ako kay Piolo lalo na at this point dahil matagal na rin kaming nagtatrabaho together, so at least, hindi ako nahirapan sa aspetong ‘yon.”
Hindi naman maitatanggi ni Piolo ang sarap ng pakiramdam niya sa pagtanggap ng mga tao sa kanilang tambalan, pati na rin ng TFC subscribers. Sa recent trip nila ni Angel at Shaina Magdayao sa Dubai ay talaga namang dinumog sila ng mga tao roon.
“Wala akong masabi nung lumabas kami ng stage,” kuwento ni Angel. “Grabe, overwhelming ang feeling, mahal na mahal nila ang Lobo at ang mga shows ng ABS-CBN, nilalapit daw namin sila sa mga pamilya nila dito sa Pilipinas. Kaya in that sense, nagpapasalamat kami at nagiging instrumento kami, nagiging inspirasyon sa mga Pilipino dahil sa mga programang ginagawa natin. Ang Lobo, malaki ang faith namin sa project, na makakapagpasaya kami ng tao, makakapagbigay-aliw, makaka-inspire. At salamat din sa production at management, hindi kami pinabayaan.”
Promise naman ni Piolo at Angel sa mga sumusubaybay sa palabas, “Naging masarap, mahirap, naging challenging ang buhay para kina Lyka at Noah. Naging kabahagi kayo nun. Maraming salamat,” sabi ni Piolo.
Ayon naman kay Angel, “Mas magiging makulay, masaya, magulo, kumplikado ang buhay nilang dalawa. Abangan n’yo po ang mga sorpresa namin sa mga susunod na linggo sa Lobo!”
Ang Lobo, na direksyon nina Cathy Garcia Molina at FM Reyes, ay mapapanood gabi-gabi, sa Primetime Bida block ng ABS-CBN.



