The new face of pinoy entertainment
May 10th, 2008 at 1:56 am
Posted by joemer in ABS-CBN, Aga Mulach, Ai Ai Delas Alas, Angel Locsin, Angelica Panganiban, Anne Curtis, Bea Alonzo, Bianca Gonzales, Billy Crawford, Blind Items, Box Office, Christine Reyes, Claudine Barreto, Dennis Trillio, Diether Ocampo, Dingdong Dantes, Dino Imperial, GMA, Gabby Concepcion, Gerald Anderson, Gretchen Baretto, Heart Evangelista, Jake Cuenca, Jay-R, John Lloyd Cruz, John Pratts, Jon Avilla, Juday, KC Conception, KIMERALD, Kim Chui, Koreanovelas, Kris Aquino, Kristine Hermosa, LOBO, Maja Salvador, Marian Rivera, Mariel Rodriguez, NUTAM, Naruto, PBB, Piolo Pascual, Ratings, Richard Gutierrez, Ruffa Gutierrez, Ruffa Mae Quinto, Ryan Agoncillo, SCANDALS, Sam Concepcion, Sam Milby, Sarah Geronimo, Shaina Magdayao, Sharon Cuneta, Studs, Toni Gonzaga, Uncategorized, Willie Revilliame, jericho rosales, pokwang, rayver cruz, regine Velasquez

Okey na po ulit ang mga comment box namin… Pede na ulit kayong mag post nang comments nyo…. please post a comment on each article na mababasa nyo… para naman ganahan kami na mag post nang maraming news, para sa inyo… thankz!!!

saka survey lang gusto nyo bha magkaroon tayo nang Showbiz news na foreign??? send nyo lang sa sti_n23@yahoo.com kung gusto nyo… okey???


April 20th, 2008 at 10:54 pm
Posted by joemer in ABS-CBN, Maja Salvador, rayver cruz

 ABS-CBN decides to shelve “Anna Liza”

ABS-CBN decides to shelve

Kinumpirma ng sexy actress na si Juliana Palermo ang pagsi-shelve ng soap opera na Anna Liza sa ABS-CBN.

Kasama si Juliana sa cast ng Anna Liza, along with Dawn Zulueta, Eric Quizon, Gardo Versoza, Rayver Cruz, at Jason Abalos. Sina Maja Salvador at ang child actress na si Ella Cruz ang gaganap sana sa title role. Si Jerry Sineneng ang direktor nito.

Sa pamamagitan ng text message ay tinanong namin si Juliana tungkol sa balitang shelved na ang Anna Liza at ito ang ipinadala niyang mensahe sa amin:

“Yup! Sadly, shelved nga. We really didn’t see it coming. But well, everything happens for a reason. What’s more important is the relationship we were all able to build with each other.

“Dawn, as well as others, is just too much of a sweetheart to not stay in touch with. Super dami ako natutunan. So overall, it was indeed a great experience. The few days we shot. I really hope to work with them, especially with Direk Jerry again soon. Super awesome ang group na yun. Sayang nga lang talaga.”

Isa sa mga original soap dramas ng GMA-7 ang Anna Liza during the early ‘80s. Pinagbidahan ito ng yumaong child actress na si Julie Vega. Naging rival pa nga ng Anna Liza noon ang Flordeluna ng RPN-9 na pinagbidahan ni Janice de Belen.

Matagumpay namang nagawa ng ABS-CBN last year ang sarili nilang adaptation ng Flordeluna na naging Maria Flordeluna at pinagbidahan ng child actress na si Eliza Pineda.

First show pa naman sana ni Ella Cruz ang Anna Liza after siyang ilipat ng kanyang manager na si Becky Aguila from GMA-7, kung saan una siyang nakilala. Gumanap siya bilang batang Angel Locsin sa Majika; bilang batang Nadine Samonte sa Super Twins; at huli siyang napanood bilang batang Marian Rivera sa Marimar.

Ang Anna Liza rin sana ang maglulunsad kay Maja Salvador bilang solo star sa primetime at ipapares siya kina Jason Abalos at Rayver Cruz.

Kung matatandaan ay regalo ng ABS-CBN ang title role na Anna Liza kay Maja nang mag-celebrate siya ng kanyang 19th birthday last October 2007.

Hindi pa malinaw sa ngayon kung bakit nagdesisyon ang Kapamilya network na i-shelve na ang Anna Liza.

 

Mangyari po lamang na magiwan po kayo nang inyong kumento, tungkol sa
 usaping ito. Dahil dito po sa SHOWBIZZ TOP i-NEWS, laging pananaw nyo
 lang po ang siyang laging mahalaga at importante para sa amin.
 
for your comments, suggestion or complains (regarding the site) you can e-mail us at  

March 24th, 2008 at 1:55 am
Posted by joemer in ABS-CBN, Gerald Anderson, John Pratts, KIMERALD, Kim Chui, Shaina Magdayao, rayver cruz

Sineseryeng “BAGETS”, Tuloy Pa Din!!!

Ayon sa isang mapapagkatiwalaang source mula sa ABS-CBN, kinumpirma daw
di-umano nang presidente nito na si Ms. Charo Santos-Concio, ang
pagtuloy sa naturang sineserye. Tatapusin lang daw di-umano ang sineserye na
“Susan Roces Cinema Collection”. Ito ay ang “Florinda” ni Maricel
Soriano at “Maruja” ni Ruffa Gutierrez. At pagkatapos nito ay ang
Sineseryeng “Bagets” naman ang gagawin. Ito ay pagbibidahan nina Gerald
Anderson, Kim Chui, John Pratts, Shaina Magdayao, Rayver Cruz, Matteo
Gudaccieli, at Erich Gonzalez. Pero hindi gaya nang mga “Susan Roces Cinema
Collection”, ang “Bagets”, ay tatagal gaya nang mga naunang Sineserye.
Ngunit ito ay hindi sa primetime, bagkos ay sa pang hapon ito mailalagay.

Mula po sa amin dito sa SHOWBIZZ TOP i-NEWS, ay walang takot naming
sasabihin, dahil ang sa amin lang ay, tiyak na matutuwa ang mga Kimeralds
jan! Panibagong proyekto na naman ito, nang inyong idolo. Mukhang taon
ito nang “KIMERALDS” ah! Tapos makikita din natin ang real-life love
triangle na magkasama, sina Rayver, Shaina, at John Pratts! Pati ang
pinakabagong nagpapakilig sa atin na sina Matteo at Erich. Tiyak hit ito sa
mga teen agers!

Mangyari po lamang na magiwan po kayo nang inyong kumento, tungkol sa usaping ito. Dahil dito po sa SHOWBIZZ TOP i-NEWS, laging pananaw nyo lang po ang siyang laging mahalaga at importante para sa amin. for your comments, suggestion or complains (regarding the site) you can e-mail us at  STi_N23 at yahoo.com Maraming Maraming Salamat Po Sa Walang Sawa Nyong Pag Supporta Sa Amin!!!


March 24th, 2008 at 1:43 am
Posted by joemer in ABS-CBN, John Pratts, Maja Salvador, SCANDALS, Shaina Magdayao, rayver cruz
Ang totoo sa trianggulong Maja, John Prats at Shaina…
  

  

Astig na astig pala ang love life ni John Prats! Ito ang natuklasan ng BullCHIT, kung kaya’t hindi nakatiis na bukingin siya.

Walang binatbat ang kapwa bading niyang “sisters” na sina Polo Ravales at Jiro Manio na parehang naloloko sa mga may edad na nilang dyowa. Si Jean Garcia kay Polo at isang 22 year old non-showbiz girlash naman ang kay Jiro.

Mismong si Heart Evangelista noon ang umamin na naging sila nga ni John. Pero hindi daw siya nito naipaglaban sa kanyang milyonaryong dad. Iba naman ang alam kong kuwento. Si Heart mismo ang nagbawal kay John na huwag na huwag aaminin ang kanilang relasyon dahil bawal na bawal sa kanya ang magka-syota. “Patitigilin ako ng Dad ko sa pag-aartista” natatandaan kong katwiran ni Heart noon. Gayunpaman, nagpatuloy ang kanilang secret love. Madalas kasing mahuli na magka-holding hands sila. Kung may tatabing babae sa “ASAP” kay John, tiyak na pupuwesto sa gitna ang milyonaryang dalaga. Selosa kasi siya, lalo’t kapwa niya bagets ang nilalandi ni John o lumalandi sa dyowa niya.

But that is water under the bridge dahil sukdulang hanggang langit na ang pagmamahal ni Heart sa Bicolanong si Jericho Rosales. ‘You and Me against the world’ din ang historia de un amor nila dahil bawal na bawal nga ito sa dalaga. Hindi lamang bawal sa parents niya, kundi pati sa ABS-CBN din. Ginawa nila ang lahat ng makakaya nila para mapaglayo ang dalawa, pero nabigo sila. Nag-ala Romeo and Juliet din sila at kinalaban ang lahat to the extent na tinalikuran nila ang kani-kanilang career in the name of love.

Hindi ko alam kung kailan napasok sa eksena si Maja Salvador sa buhay ni John. Iba kasi ang alam ko at iba naman ang kuwento nina Maja at Kris Aquino sa “Boy and Kris.” “Maja, hindi ba dapat sa ating dalawa lang iyon,” ani Kris kay Maja nang aminin nitong naging sila nga ni John, bago naging sina John at Shaina Magdayao.

Naguluhan din si John, nang ungkatin ko para maliwanagan ang “relasyon” kunong iyon na nag-last daw for 3 days only.

“Hindi naman ganun kaigsi, Tita,” anya. “Buwan din. Na-realized din naming pareho na we are better off as friends,” patuloy niya. Na iba din sa alam ko. Naku, ha! Sino ba sa inyo ang nagtatakip-kanino, ha, John?

Buti pa si Kris, napagsabihan nang totoo!

‘Yung pagpasok naman ni Shaina sa buhay ni John ay nakakakilig talaga. Sa taping iyon ng “UD4” episode para sa “Love Song.” Hindi na halos kinikibo at pinapansin ni Shaina si Rayver Cruz. Giving everybody the message na wala siyang ka-amor-amor sa ka-love team. Kahit ipagduldulan pa ni Rayver ang sarili sa nakababatang kapatid ni Vina Morales ay wa epek talaga. Parang invisible man tuloy ang tingin ng mga naroon kay Rayver, kapag dumaraan si Shaina.

Pero, kapag si John ang naroon, buong atensyon ng napakagandang dalagita ay naka-focus. Kasi nga, showered din siya ng attention ng astig na binata. Iba kung magmahal ang nakatatandang kapatid ni Camille Prats. Hindi lang ipinadarama, kundi ipinakikita pa. Parang isang tunay na prinsesa si Shaina kay John Prats. Yehey!

Mangyari po lamang na magiwan po kayo nang inyong kumento, tungkol sa usaping ito. Dahil dito po sa SHOWBIZZ TOP i-NEWS, laging pananaw nyo lang po ang siyang laging mahalaga at importante para sa amin. for your comments, suggestion or complains (regarding the site) you can e-mail us at  STi_N23 at yahoo.com Maraming Maraming Salamat Po Sa Walang Sawa Nyong Pag Supporta Sa Amin!!!


March 11th, 2008 at 11:34 pm
Posted by joemer in ABS-CBN, Angel Locsin, Bea Alonzo, Blind Items, Box Office, Christine Reyes, Claudine Barreto, Dennis Trillio, GMA, Gerald Anderson, Gretchen Baretto, Heart Evangelista, Jake Cuenca, John Lloyd Cruz, Juday, KC Conception, KIMERALD, Kim Chui, Kris Aquino, LOBO, Maja Salvador, Marian Rivera, NUTAM, Naruto, Piolo Pascual, Ratings, Richard Gutierrez, Ruffa Gutierrez, SCANDALS, Sam Milby, Shaina Magdayao, Toni Gonzaga, rayver cruz, regine Velasquez

Breaking News: Yahoo Address Nang SHOWBIZZ TOP i-NEWS, May Sumira!!!



Nagulat kami nang masira ang aming yahoo address na  sti_n at yahoo.com ,
kahapon. Napasok nang hacker ang aming yahoo address, para ito ma sira!
Hindi namin maintindihan, kung bakit ginawa sa amin ito. Marami na ba
ang nagagalit sa amin, dahil sa pagsasabi nang totoo sa site na ito?
Kaya humihinge po kami nang paumanhin sa mga nag e-mails sa amin, dahil
hindi na po namin ito mababasa at masasagot ang inyong mga tanong. Lalo
na po sa mga “KIMERALDS” na nakikipagugnayan sa amin para kami ay
tulungan na muling magkita ang dating magkaibigan na si J.K. at artistang si
Gerald Anderson. Ito po ang bago naming email address  sti_n23 at yahoo.com
Dito nyo na lang po isend ang inyong kumento, suggestions, at tanong
para sa amin. Lalo na po yung mga kimeralds jan na gustong tumulong kay
J.K.

Mula po sa amin dito sa SHOWBIZZ TOP i-NEWS, ay walang takot po naming
sasabihin, dahil ang sa amin lang ay, iba talaga pag nagsasabi nang
totoo, at nangunguna! Gagawin ang lahat para lang masira kami. Hindi na
kami magtataka kung ang susunod na sirain nang mga hacker na bayaran, ay
ang aming site na ito. Pero gusto lang namin iparating na hindi kami,
basta basta magpapasindak. Magsasabi at magsasabi kami nang katotohanan.
Kaya aming mga tagasubaybay at tagasupporta, wala po sanang iwanan.
Magkaisa po tayo sa ganitong panahon, na pilit tayong ibabagsak. Iyun
na!!!

Mangyari po lamang na magiwan po kayo nang inyong kumento, tungkol sa
 usaping ito. Dahil dito po sa SHOWBIZZ TOP i-NEWS, laging pananaw nyo
 lang po ang siyang laging mahalaga at importante para sa amin.
 
for your comments, suggestion or complains (regarding the site) you can
 e-mail us at  

March 9th, 2008 at 11:43 pm
Posted by joemer in ABS-CBN, rayver cruz

Rayver Cruz - Tumanggi Sa Offer Na Mag Model Nang Underwear!!!

Hindi man lang nagdalawang isip na tanggihan nang teen star at isa sa
pinakasikat na young star ngaun na si Rayver Cruz, ang alok sa kanya na
mag modelo nang naka underwear at sumali sa fashion show na ganun lang
ang suot number 1 clothing company sa bansa na “Bench”. Ayon sa binata
ay hindi pa raw niya kaya sa ngaun ang magmodelo nang naka ganun lang.
Kahit maayos naman ang katawan niya, ay talagang hindi pa rin niya
kaya. Ayon sa kanya nang makapanayam namin siya ay “Naku! Talagang hindi ko
pa po kaya. Marami pa naman po ako pedeng ipakita aside from my
underwear. Hehehehehe.. Pero honestly, flattered po ako, dahil inalok po nila
ako nang ganun. Ibiga sabihin may dating po ang katawan ko at pati na
rin po ako! Bench na po kasi yan. Saka puro mga bigating actor po ang
nagmodelo nang naka ganun lang. Gaya po nina Richard Gomez, Jomari
Yllana, John Estrada, at napakarami pa pong iba. Hayaan nyo po, baka sa
susunod na fashion show nang BENCH kasali na ako sa naka underwear.
Hehehehe.”.

Mula po sa amin sa SHOWBIZZ TOP i-NEWS, ay walang takot po naming
sasabihin, dahil ang sa amin lang ay napakabait pala nang batang ito nang
makapanayam namin. Maswerte din ang batang ito, dahil mabait na, gwapo
pa, matangkad pa! Pero tiyak maraming kababaihan at kabaklaan ang
manghihinayang na hindi niya tinanggap ang papalapit nang fashion show nang
BENCH na ginaganap every two years. Pero para sa amin nakakatuwa si
Rayver pag nagkataun. Bagay naman sa kanya ang mag underwear, dahil mahabang
bata ito. Hehehehe.. Iyun na!

Mangyari po lamang na magiwan po kayo nang inyong kumento, tungkol sa
usaping ito. Dahil dito po sa SHOWBIZZ TOP i-NEWS, laging pananaw nyo
lang po ang siyang laging mahalaga at importante para sa amin.

for your comments, suggestion or complains (regarding the site) you can
e-mail us at  STi_N at yahoo.com

Maraming Maraming Salamat Po Sa Walang Sawa Nyong Pag Supporta Sa
Amin!!!